“Good morning, Doc. Pinapatawag po kayo ng lolo niyo sa kaniyang opisina.”
Agad na bungad ng sekretarya ni Andrea, pagkapasok niya sa kaniyang clinic. Napatingin siya sa kaniyang pambisig na relo. Its 10:30 in the morning. Alam ng lolo niya na male-late siya ng kaunti sa pagpasok ng hospital dahil sa meeting niya sa CEO ng Montreal Pharmaceutical na hindi na naman natuloy. Kumuyom ang kamao niya at nalukot ang noo. Masama pa rin ang loob niya sa nangyaring pagkansela na naman ni Mr. Montreal sa meeting nila. That was the second time. Damn, him! “Okay lang po ba kayo, Doktora?” Muli siyang napatingin kay Lirah. Kita niya sa mukha nito ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya. Siguro dahil sa nakikita nitong hindi maipinta ang hitsura niya. Tumango lang siya at pumasok sa isa pang silid kung saan niya kinakausap ang kaniyang mga pasyente. Inilapag niya ang bag sa kaniyang upuan. Kinuha niya ang kaniyang phone saka lumabas ulit ng clinic para puntahan ang Abuelo sa opisina nito. “Good morning, Doc,” bati ng mga nurse sa nadaanan niyang nurse station. “Good morning,” she coldly greeted them back. Saglit lang din niya ang mga itong sinulyapan saka nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa east wing kung saan ang opisina ng kaniyang lolo Alexander. Pagdating niya sa tapat ng pinto ng opisina ay kumatok muna siya ng tatlong beses. Walang sumagot kaya muli siyang kumatok pero wala pa rin, kaya sinubukan na niyang pihitin ang pinto. Nang hindi iyon naka-lock ay pinihit na niya pabukas. Agad kumunot ang noo niya nang maabutan niya itong nakatayo habang nakaharap sa floor to ceiling window malapit sa executive desk nito. Hindi ba nito naririnig ang pagkatok niya? Naglakad siya palapit dito at mukhang ang lalim talaga ng iniisip nito dahil hindi man lang ito lumingon. Duda rin siya kung aware ito na may nakapasok ng ibang tao sa opisina nito. “Lo,” marahan niyang tawag dito. Hindi ito natinag kaya nakumpirma niya ang hinala niyang hindi ito aware sa pagpasok niya. Muli niya itong tinawag at medyo nilakasan na rin niya ang boses. Saka lang ito pumihit paharap sa kaniya. Nakita pa niya sa mukha nito ang bahagyang gulat nang makita siya. Pero agad din naman itong nakabawi. “Addie, kanina pa ba?” tanong nito sa kaniya. Umiling siya. Lumapit siya rito at humalik sa pisngi nito saka nagmano. “Hindi naman gano’n katagal, Lo,” aniya, habang matamang tinititigan ang abuelo. “May problema po ba kayo, Lo?” hindi na niya napigilang itanong. Tumaas ang mga kilay nito. “What made you think, I have a problem, Apo?” balik naman nitong tanong sa kaniya. “Tila kay lalim kasi ng iniisip niyo. Hindi niyo nga namalayan na pumasok ako. Ilang ulit din kitang tinawag pero parang wala kang narinig.” “Pasensya na at medyo malalim lang ang iniisip ko. Maupo ka.” Iminuwestra nito ang upuan na nasa harap ng table nito. Agad naman siyang sumunod at naupo sa upuang itinuro nito. “Bakit niyo po ako ipinatawag, lolo?” tanong niya nang pareho na silang nakaupo. “If I let you decide about the current state of the hospital, what would you want it to be?” Kumunot ang noo niya. Mas lalo lang na lumakas ang pakiramdam niyang may iba pa itong pinoproblema bukod sa nauubusan na ng medicine stock ang hospital. “What do you mean, Lo?” Lolo Alexander sighed. "I know you're aware of the crisis that's going on Impero Del Rio right now…” he sighs again. “At alam ko rin na alam mo na ang kompanya ang nagbibigay ng suporta nitong hospital para mananatiling public hospital.” Alam niya iyon at alam din niya na may possibility na mahinto ang pagsuporta ng kumpanya rito sa hospital kapag magpapatuloy ang krisis na kinakaharap ngayon sa Impero. Pero hindi naman siguro iyon hahayaan ng Daddy niya, hindi ba?” "So, you're considering making Del Rio Medical a private hospital again, Lo?" she asked. Kahit halata naman sa mga sinasabi ni lolo na gano’n nga ang iniisip nito. At siguro iyon ang iniisip nito kanina pa, kaya hindi man lang siya nito narinig na kumatok at hindi rin namalayang pumasok siya. He shifted on his seat. Pinagsalikop nito ang mga kamay na nakapatong sa lamesa nito. Matagal muna siya nitong tinititigan bago marahang tumango. “But only if you’ll agree.” “Nakausap niyo na po ba sina Daddy at Mommy tungkol sa plano niyo, Lo?” Muli itong tumango. “Ang Daddy mo ang kumausap sa akin.” She pursed her lips and sigh. “How about the board, Lo?” “I already set the meeting this Monday.” “Wala na po ba talagang ibang paraan, Lo?” tanong niya. Ngayon pa lang ay nakalulungkot ng isipin na hindi na magiging bukas para sa lahat itong hospital lalo na sa mga taong walang-wala. “Montreal Pharmaceuticals is our last option. So, how’s the meeting with the CEO?” tanong nito. Kita niya sa mga mata ng abuelo na umaasa ito na maganda ang kinalalabasan ng pag-uusap nila ng CEO ng Montreal Pharmaceuticals. Hindi na siya makatingin ng deretso sa abuelo. Nahihiya siya na sabihin na naman dito na hindi na naman natuloy ang meeting. Malalim siyang bumuntong-hininga. “He postponed the meeting again, Lo.” Napatuwid ito sa pagkakaupo. “As expected,” Muling napatingin siya sa abuelo sa sinabi nito. “You expected it?” she curiously asked. Namamangha. "I’ve been in the business industry since I was 15 years old, hija. Bata pa lang ako, sinanay na ako ni Dad, nang lolo Alfredo mo, sa pagnenegosyo. Business owners and entrepreneurs need to make a profit in their business to run their business successfully. No business can survive without profit. Kaya hindi rin sila susugal kung sa tingin nila ay hindi sila kikita nang doble pa sa in-invest nilang pera.” Kunsabagay, sino ba namang tao ang maglalabas ng pera kung sa tingin nila ay hindi rin naman sila kikita? Wala. Nakatingin lang siya sa abuelo habang sinasabi nito iyon. “Sales are essential to business, but if you are not making a profit along with those sales, you are putting your business at financial risk. Kaya walang negosyante na susugal kung sa tingin nila ay hindi sila kikita mula sa ’yo. Kung sa tingin nila ay wala silang mapapala sa ’yo.” “Just like us, doctors, kapag nakikita nating wala ng pag-asa ang mga pasyente natin na gumaling, kakausapin na natin ang mga kamag-anak nila na iuuwi na sila sa bahay dahil lalaki lang ang kanilang gastusin dito sa hospital pero sa huli ay wala rin namang mangyayari. Hindi na sila gagaling pa.” “So, do I need to revise my proposal to them?” she asked. Kumbinsido na rin na baka nga kaya laging pino-postponed ni Mr. Montreal ang meeting nila ay dahil sa proposal niya. Pero bakit laging pino-postponed kung puwede naman siya nitong kausapin at deretsahin sa mga gusto nitong mangyari? “Successful businessmen knew their goals,” sabi ng abuelo na muling ikinakunot ng kaniyang noo. “They know their goals and focused on them.” Saka lang niya naunawaan ang ibig nitong sabihin. May goal siya na mananatiling public hospital itong Del Rio Medical kaya roon siya mag-focus. “I get it, Lo. Pero ikaw na rin ang nagsabi na pinag-iisipan mo nang ibalik sa dati itong hospital.” “What I’m trying to say, hija, is you’ll focus first on your goal, if it doesn't really work even if you already did everything you can, then that’s the time you’ll change it.” Sa sitwasyon ng hospital ngayon at sa Impero Del Rio, maybe she will consider the board’s opinion. Pero hangga’t wala pa siyang naririnig mula sa CEO ng Montreal Pharmaceuticals, hindi muna siya mawawalan ng pag-asa. But damn, how could she not be so desperate, if the CEO was always putting off their meeting? “You look stress. Are you okay, Addie?” Nilingon niya ang kapatid nang punahin nito ang hitsura niya. Despite the makeup was applied on her face, napuna pa rin nito. Kunsabagay, light makeup lang naman ang pina-apply niya sa makeup artist na nag-ayos sa kaniya kanina. Hindi siya mahilig mag-lagay ng kolorete sa mukha. She’s contented with her natural beauty. Well, except, kung may mga okasyon siyang dadaluhan na require talagang mag-ayos. Just like this event that they were going to. “I’m okay, Andrei. Marami lang ang mga pasyenteng isinugod kanina sa hospital.” Aniya. Saglit lang niya itong tiningnan at ibinalik kaagad ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. “You were one of the emergency doctors?” he asked, saglit pa siya nitong tiningnan at ibinalik kaagad ang tingin sa kalsada. “Sometimes, kung wala akong masyadong ginagawa, I volunteered. Lalo na kapag ang daming pasyente roon at kulang ang doctors na naka-duty.” Tumango-tango naman ito. Absent ang isa sa apat na doctors na nakatalaga kanina sa emergency room kaya siya na muna ang pumalit dito lalo pa at ang daming pasyente na isinugod. Kaya matagal bago siya nakaalis ng hospital para makapag-ayos. Nagulat nga siya nang sa paglabas niya ay nakita niya ito sa may parking area. Parang modelo na nakasandal sa hood ng sasakyan habang hinihintay siya. Akala pa nga niya noong una ay may nililigawan itong staff ng hospital. Sinamahan din siya nito sa paborito niyang salon para mag-ayos. Nagpagupit din naman ito ng buhok. Muli niya itong nilingon at pinagmasdan ang ayos nito. He looks more handsome in his new hair cut though. He was wearing a black suit, light blue for his inner shirt and a red tie. Ngayon kasi gaganapin ang merging party ng Impero Del Rio at ng L.A Corporation. And they were heading to the venue. Pagdating nila sa venue ay siyang pagdating din ng mga magulang nila, kasama ang kapatid nilang si Lucas at si Karenina. Napataas naman ang isang kilay niya nang makita ang pag-alalay ni Lucas sa kaibigan niya. Strange. Knowing Lucas. He is cold as an ice, at wala pa siyang nababalitaan na—oh, shit! Napamura na lang siya sa isip nang maalalang may babae itong tinititigan sa screen ng phone nito. Hindi nga lang niya buong nakita kung sino. But she knew it was a girl. Could it be? Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Lucas at kay Karenina. Pero mukhang iwas na iwas naman ang kaibigan niya na para bang ayaw nitong dumidikit ang kapatid niya rito. She even looks uncomfortable with his brother’s presence. “Hey,” she greeted them. Nag-angat ng tingin si Karenina sa kaniya. Si Lucas naman ay bahagya lang siyang nilingon at ibinalik din kaagad ang mga mata kay Karenina. She smirked secretly. Confirmed. Lucas likes her best friend. Well, he can’t blame him though. K is beautiful and looks more beautiful in her dress tonight. “Glad you came on time.” Nakangiting sabi ni Karenina, matapos siya nitong ibeso. “Thanks to Andrei.” Ngisi rin niya at nilingon pa saglit si Andrei na ngayon ay kausap na ang mga magulang nila. Dumating din sina lolo Alexander at lola Annaliese bago pa man sila nakapasok sa loob kaya sabay-sabay na silang pumasok. The place was so bright that she could see everyone. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Sinalubong din sila ng mga reporters at tinanong patungkol sa merging na malugod naman na sinagot nina Mhie at Dhie. When they reached their table, napansin niya ang isang babaeng nakaupo na roon. It was impossible not to notice her though. Lalo pa at nakita niya ang pag-iiba ng awra ng kapatid niyang si Andrei. Nagkatinginan pa sina Mhie at Dhie na para bang may mali. “Hi, miss.” Hindi na niya napigilan at siya na ang naunang bumati sa babae. Dahil tila walang balak na batiin ng mga kasama niya ang babae. “May I know who’s with you?” she asked. Ngumiti pa siya para hindi naman siya magmukhang masungit at tila sinita ito sa pag-upo nito sa table nilang pamilya. Tumayo ito. She’s beautiful in her blue dress. Light lang din ang makeup nito sa mukha but she looks like a goddess. Then from nowhere, Mr. Sanford appeared and introduced the woman as his date. At nang marinig niya ang pangalan ng babae ay agad namuo ang galit sa dibdib niya na hindi na niya napigilang maging sarcastic. “Oh, girlfriend?” she asked him. Mahina pa siyang natawa na may halong pang-iinsulto. She heard Dhie cleared his throat. It was warning for her. Then he greeted Mr. Sanford. But still, ramdam pa rin niya ang tension sa paligid. She glared the woman. How she wished, her eyes can throw dagger at her. She hate her for hurting her brother! And now show her thick face as if nothing happened between her and Andrei. As if, wala itong ginawa sa kapatid niya! Ang kapal naman ng mukha nito para magpakita sa kapatid niya na may kasama ng ibang lalaki. Damn! To think na binubuyo pa niya ang kaibigan niya kay Mr. Sanford. But of course, Karenina is way better than that bitch! She heard Lola Annaliese spoke to lightened the mood of everyone. She sighed. Naghila siya ng upuan at naupo. Tiningnan niya si Andrei. Ang madilim nitong anyo ay mas lalo pang dumilim. She can even sense the raging anger from his body. Apektado pa rin ito sa presensya ng manloloko nitong ex-girlfriend.LIHIM na pinagmamasdan ni Andrea si Lorelei. The woman was stunningly beautiful in her royal blue cocktail dress. Ayaw man niyang aminin pero maganda ang babae. Hindi talaga niya masisisi si Andrei kung nabaliw ito noon sa babae. She looks innocent and pure. Of course, sa mga taong hindi ito lubusang kilala. Because behind that innocent face was an evil woman that hurt her brother. Hindi man niya alam ang buong kuwento ng mga ito pero alam niya na ito ang dahilan kaya naaksidente noon si Andrei sa Prague. “Stop murdering her in your thought, Addie.” Bulong na saway sa kaniya ni Karenina. Ngunit hindi pa rin siya natinag. Nakatitig pa rin siya sa babae. “How I wished my eyes could throw a dagger,” pabulong din niyang sabi kay Karenina. Suminghap si Karenina na ikinalingon naman ni Miss Navarre sa kanila. Malamig na sinalubong naman niya ang mga mata nito. Hindi rin ito nakatagal at iniwas din agad sa kaniya ang mga mata. But there’s something in her. Hindi lang niya matukoy kung a
NAG-IGTING ang bagang ng lalaking halos perpekto sa pagkakaukit. Ang magkasalubong nitong kilay ay nadedepina ng kulay itim at malalim nitong mga mata.“Are you okay?” tanong nito.Napakurap si Andrea. Naitulak niya ito at agad na inayos ang sarili. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at nanlalambot pa ang mga tuhod niya.“Y-Yeah. Thank you.” Damn, for stuttering!Hindi pinahalata ang pagkataranta ay mabilis siyang naglakad pabalik sa loob ng building.She was tense as fuck. Hindi niya alam kung sa takot niya na muntik na siyang maatrasan ng sasakyan o sa hawak ng estrangherong lalaking iyon. Pero ramdam niyang may iba pa sa takot na iyon. At alam niya kung ano iyon. She is physically attracted to that man!She vividly recalls the spark that surged through her when she collided with the man's sturdy chest.Sh*t. Pakiramdam niya nanuyo ang lalamunan niya. Kaya nang may makasalubong siyang waiter na may dalang wine ay agad siyang kumuha ng isang glass at inisang lagok ang laman n’yon.Pe
MABILIS na umalis si Andrea sa gitna ng dance floor. Nanggigil na iniwan niya roon ang lalaki. Hindi na niya makita si Reichel kaya bumalik na lang muna siya sa bar counter. Naupo siya sa high stool at nag-order ng tequila.Nang mailapag ng bartender ang order niya ay agad niyang inubos iyon at muling nag-order. Damn it. Ginawa na nga niya lahat para lang makalimutan ang estrangherong lalaking iyon, pero ayon at nilapitan na naman siya ulit."One glass of whiskey,"She gasped when she heard the man's deep baritone voice requesting a glass of whiskey. Shit. Hindi ba talaga siya nito titigilan sa paglapit?Hindi siya umimik at pinanatili ang mga mata sa kaniyang inuming kalalapag lang ulit ng lalaking bartender. Pero sa gilid ng kaniyang mga mata, nakita niyang naupo ang lalaki sa katabing stool kung saan siya nakaupo."Are you stalking me?" Hindi na niya napigilan ang sariling tanong dito. Humarap siya rito at mariin itong tinititigan. Trying to intimidate him, but it seems he is not
ANDREA woke up in a small room. Tila rin may mabigat na sementong nakapatong sa kaniyang ulo. Marahas niyang idinilat ang mga mata pero mabilis din niyang pinagsisihan dahil sa pagsalakay sa kaniya ng liwanag.Agad niyang nasapo ang kaniyang noo. Fucking hang over!Tumihaya siya at inisip kung paano mawawala iyon pero bago pa man siya makapag-isip ng matino ay muling bumalik sa kaniya ang lahat ng nangyari kagabi.She's aching all over most especially in between her thighs.Muli siyang napapikit ng mariin. She remembers they were kissing hard, she asked him to fuck her, then the rest… wala na siyang naaalala, kung paano siya nadala ni Theon dito, kung paano...shit. At nakasisiguro siya na may nangyari sa kanila ng lalaki.Umahon siya at naupo pero muntik na siyang mapahiyaw nang maramdaman ang sakit sa pagitan ng mga hita niya.Damn it!She eyed the small bed where she was. Napansin din niya na bukod sa maliit na nightstand sa gilid nitong maliit na kama ay wala na siyang iba pang gami
MONDAY morning, Andrea received a call from her grandfather. Sinabi nitong dumiretso siya sa Montreal Pharmaceuticals building.Ang lolo Alexander niya ang tinawagan ng kaniyang sekretarya nang hindi siya makontak ng babae upang ipaalam na tumawag si Miss Madrigal at ipinaalam na nag-set na ng meeting si Mr. Montreal.Buong araw siyang tulog kahapon nang makauwi siya ng mansion. Hindi rin niya napansin na nawalan na ng baterya ang cell phone niya kaya hindi siya makontak ng secretary niya.Napatingin siya sa suot niyang relo. It's 7:45 AM. Alas otso ang sinet na meeting ni Mr. Montreal."I'll be there, Lo," aniya, habang nagmamadaling bumaba ng hagdanan. "Addie, slow down. Why the hurry?" Narinig niyang saway sa kaniya ng ina. Natigil siya sa may paanan ng hagdanan at nilingon ito sa may sala. Nakaupo ito sa couch katabi si Dhie. Sa harap ng mga ito ay dalawang tasa na nasa ibabaw ng center table. Tumayo ang Mommy niya at nilapitan siya."I'll hang up now, Lo," paalam niya sa abuel
“Congratulations, Mrs. Villanueva,” bati ni Andrea sa ginang, nang makita niya ang MRI brain test results nito matapos ang operasyon nito. And so far, wala siyang komplikasyon na nakikita.Nasabi na rin naman iyon sa kaniya ng radiologist at ni Dra. Venice, na isa sa mga neurologist dito bago pa man niya nakita ang MRI test result ng ginang. Na cleared na ito at maaaring magtuloy-tuloy na ang recovery nito. But of course, she needs to check it herself.“Oh, God, thank you.” Mangiyak-ngiyak nitong sambit.Niyakap naman ito ng asawa nito na masaya rin mula sa narinig sa kaniya."However, it's important that you still visit your family doctor from time to time to monitor your health, Mrs. Villanueva. And don't forget to take your medication for the surgical wound. Additionally, you must be mindful of your diet and know what to eat and what to avoid, 'kay?" “Yes, Doc. Thank you.”“You’re welcome, Mrs. Villanueva,”“Oh, dear, call me Tita Evangeline.”Hindi na siya nagsalita pa at tumango
NAG-HALF Day si Andrea sa trabaho. Nagbilin lang siya sa kaniyang sekretarya na pababalikin na lang sa Lunes nang umaga, kung sakaling may mga pasyente pa rin na pupunta at bigyan na lang muna ng appointment schedule."Noted, Doc." Dinampot niya ang shoulder bag at nagpaalam nang umalis. Pagkalabas niya ng DRMC building, agad niyang pinatunog ang sasakyan gamit ang car key niyang hawak. Sumakay din kaagad siya at nag-drive pauwi ng mansion. Pagkarating niya ay dumiretso siya sa kaniyang kuwarto para makaligo. Alas seis pa naman ng gabi ang party kaya may oras pa siya na makapag-ayos ng sarili. Sa totoo lang, kinakabahan siya. Hindi niya alam kung makukumbinsi niya si Mrs. Villanueva. Pero kung hindi man... she will do what she plans. Nakaupo na siya sa harap ng vanity mirror niya rito sa loob ng kuwarto nang may kumatok mula sa labas ng pintuan. "Pasok," aniya, habang ipinagpatuloy ang ginagawa sa kaniyang mukha. Mula sa repleksyon ng salamin, nakita niyang bumukas ang pinto at
SUNUD-SUNOD ang ginawang paglunok ni Andrea. Huli nilang pagkikita ni Theon ay sobra-sobra ang inis niya rito na gusto niya itong sigawan. Ipamukha rito na hindi siya cheap na babae gaya ng ipinaramdam nito sa kaniya.Mas lalo pang naghuhuramintado ang loob niya nang umakto itong tila hindi na sila magkakakilala. That what happened to them that night was probably nothing to him. Pero nagtimpi siya dahil ayaw naman niyang ipahiya ang sarili lalo pa sa harap ng kaniyang abuelo at kapatid nito.Kaya nauna siyang umalis nang araw na iyon. Nagdahilan siya na tumawag sa kaniya ang sekretarya at marami ng pasyenteng naghihintay sa clinic niya. At nang muli niyang makausap ang abuelo ay humingi siya rito ng isang linggong palugit para maghanap ng ibang pharmacies.But guess what? She is here, executing her plan.Hindi matanggap ng pride niya, na pagkatapos ng ipinaramdam ng lalaki sa kaniya, ay kailangan na naman niyang magpakumbaba rito para masolusyonan na ang crisis na nangyayari ngayon sa
"Let go of me!"Mahina pero madiing sabi ni Andrea, habang pilit na hinihila niya ang kaniyang braso mula kay Theon. Kahit ang dalawang guwardya na nakatayo sa may exit ng ospital, hindi nakapagsalita nang masamang tingnan ito ni Theon. Para pa ngang takot ang mga ito sa lalaki dahil agad din na gumilid para makadaan sila.Pero nang maisip niya na si Theon na ang magiging director ng ospital na ito sa mga susunod na araw, mas lalo pa siyang pinanghinaan ng loob. Huminto lang si Theon sa paghila sa kaniya nang tuluyan na silang makalabas ng hospital at hinintay ang pagdating ng sasakyan nito na kinukuha ng valet. Pero hindi pa rin nito binibitiwan ang braso niya."Hindi ako sasama, sa 'yo. Bitiwan mo na ako!" piglas niya. Ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakapit ng kamay nito sa braso niya na pakiramdamdam niya mag-iiwan iyon ng marka sa balat niya.Nang huminto sa harap nila ang sasakyan nito, agad itong bumaba sa dalawang baitang na hagdanan bago pa man makaapak sa lupa habang
ANDREA'S anxiously going back and forth in front of the emergency room. Pabalik-balik siya sa pag-upo at tayo. Gano'n din si Mhie. Panay rin ang pagparoo't parito nito habang hinintay nila ang paglabas ng doktor na umasikaso kay Dhie sa loob. Her brother, Lucas, was just standing near the emergency room door with his stoic face, but she knows he is worried too. She never saw this coming. After Andrei's, nakalimutan na niya ang ganitong pakiramdam. Ang kaba na hindi niya mawari, ang takot na baka lumabas na wala ng buhay ang kaniyang ama d'yan sa loob ng emergency room. "God, please... save my father," she murmured. "I know I am not a good daughter to my parents. What happened to my father now was entirely my fault, so, please, save him." Dhie can't do this to them. No, not yet, not tomorrow or the other years. Kung may dapat mang parusahan, siya iyon. Dahil siya naman ang dahilan kung bakit nawala sa kanila ang kompanya. Nahinto siya sa pagparoo't parito at agad na napahawak sa ka
TAHIMIK ang Mommy niya habang lulan sila ng sasakyan papunta sa kompanya. Her lolo Alexander Del Rio called. Kailangan daw nilang pumunta sa Impero dahil nagpatawag ng meeting si Mr. Sanford sa lahat ng stockholders and shareholders. Hindi rin naman siya nagulat pa, dahil nasabihan na siya ni Mhie na baka magpatawag ng urgent meeting si Dhie.Pero mukhang hindi na makapaghintay ang traydor na si Mr. Sanford kaya ito na ang gumawa n'yon. Pero alam niyang hindi iyon ang dahilan kung bakit kibuin-dili siya ng kaniyang ina. Wala pa itong ideya sa kung ano man ang ginawa ni Mr. Sanford. Kaya may pakiramdam siya na may kinalaman iyon sa pagtawag ni Mrs. Montenegro dito kanina. "Mhie-" "Was it true?" Mhie asked her coldly. Ang mga mata ay nasa harap lang nito nakapirmi. Fear welled in her stomach when she realized that it could be either about her wedding or the company shares she sold to her husband. "True... what po?" Nanginig pa ang mga labi niya. "That you and Theon got married i
WHEN the traffic light turned red, Andrea stopped her car in the middle of the EDSA highway. Humigpit ang hawak niya sa manibela, walang pakialam kahit namuti na ang knuckles ng mga daliri niya sa sobrang higpit."Ahhh!"She shouted her anger and disappointment to herself. Sa matinding galit at pagkabigo na nararamdaman para sa sarili, nahampas niya ng nakakumo niyang mga kamay ang manibela ng sasakayan."Bakit ang tanga ko..." she muttered, as tears rolled down her cheeks.She fucking fell into his trap.Damn it! Muli niyang nahampas ang manibela ng sasakyan at isinubsob ang mukha roon.Namatay ang kuya Luke niya dahil sa katigasan ng ulo niya. Ngayon naman, nilagay niya na naman sa alanganin ang kompanya ni Dhie at ang hospital...But no… she shook her head. Hindi siya makapapayag na tuluyang magtagumpay ang mga ito sa masama nitong balak sa pamilya niya at makuha ang kompanyang pinaghirapang palaguin ng mga ninuno niya.Napa-angat ang tingin niya nang tumunog ang cell phone niya na
"Wala po si Sir Logan sa kanyang opisina ngayon, Doktora. Hindi po siya pumasok," ani ng sekretarya ni Mr. Yohan Montreal."Then tell me where he is now." Andrea demanded.Hindi pa rin humuhupa ang galit niya kay Theon. Paanong nagawa nito iyon sa kanila?Umiling si Miss Madrigal. "Hindi ko po alam, Dok—""Where's your boss then?" Tukoy niya kay Yohan Montreal."Nasa loob ng opisina niya, Dok. Pero bawal po siyang disturbuhin—"Nahinto ito sa pagsasalita nang bumukas ang pinto ng opisina ni Yohan Montreal at lumabas doon ang lalaki, kasunod ang dalawa pang lalaki, na mukhang kasing edad lang din ni Yohan Montreal at parehong naka-corporate attire.Nang makita siya ni Yohan ay agad itong lumapit sa kinaroroonan niya. Bahagya namang gumilid si Miss Madrigal para bigyan ng espasyo ang boss nito.“Andrea,” bati nito sa kaniya, nang tuluyan na itong nakalapit. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong nito.She gritted her teeth. Mas lalo lang siyang nakaramdam nang galit. Did this man also know wh
THEON'S private chopper landed at the helipad at the top of Montreal Tower. Andrea noticed five males in black uniform promptly approaching the private chopper. Maybe they are staff here. Tinanggal niya ang suot niyang headphone at seatbelt. Nang buksan ng isang staff ang pinto sa gilid niya ay agad din siyang lumabas. Gano'n din si Theon na nasa tabi ng piloto, matapos pagbuksan din ng isa pang staff ang pinto sa gilid nito. Naramdaman niya agad ang lamig ng panggabing hangin sa balat niya nang tuluyan ng lumapat ang mga paa niya sa sahig. Nilingon niya si Theon. Kausap na nito ang piloto nito. Mukhang may ibinilin lang ito sa piloto base na rin sa panay na pagtango ng lalaki habang nakikinig sa mga sinasabi ni Theon dito. Huminga siya nang malalim at tumingala. Kita niya ang maraming bituing nagkikislapan sa langit, ang malaki at bilog na buwan na nagsisilbing ilaw rito sa buong rooftop. There are installed lights surround the area, but it seems they were intentionally left off
THE JUDGE started the wedding ceremony. Halos hindi na si Andrea humihinga. She felt nervous and a bit of fear. She didn't know what that fear was for. Tiningnan niya si Theon para basahin ang iniisip nito. But as usual, his eyes were cold and she couldn't see any emotion in them. Nang banggitin ng Judge na maaari na silang magpalitan ng singsing, may kinuha si Theon sa bulsa ng suot nitong pantalon na wedding bands. Isinuot nito sa daliri niya ang isang gold ring na may nakapalibot na limang diamonds. Manghang napatitig naman siya sa singsing. Hindi siya maalam sa mga alahas pero alam niyang mamahalin ang singsing na binili nito. Hindi rin niya in-expect na magkapagbigay ito ng singsing sa kaniya. Knowing that this is a shutgun wedding. May ibinigay rin ito sa kaniya na singsing. It's a plain gold wedding ring. Isinuot naman niya iyon sa palasingsingan nito. "You can kiss her now, hijo." Nakangiting sabi ng Judge kay Theon. Theon framed her face in his hands and claimed her lip
WHEN Andrea woke up the next morning, she was immediately nervous about what would happen this afternoon. She wished her best friend was here.She had tried calling Karenina several times last night, but she couldn't reach her.Gusto sana niya itong papupuntahin dito. Para may mapagsasabihan naman siya sa mga nangyayari sa buhay niya. Sa sitwasyong kinasusuungan niya. Pero kung kailan naman niya ito kailangan, saka naman ito hindi niya matawagan.Nagtataka rin siya at ilang araw na rin itong hindi tumawag sa kaniya. Imposible rin na hindi nito nabalitaan ang nangyari sa kaniya. Kaya ang tampong nararamdaman niya para sa matalik na kaibigan ay kaagad ding napalitan ng pag-aalala.Inabot niya ang phone niya na nasa ibabaw ng bedside drawer at muli niyang tinawagan ang numero ni Karenina. Ngunit katulad ng mga nauna niyang tawag dito ay puro babaeng operator pa rin ang nagsasalita sa kabilang linya.She sighed and dialled her number again. Pero operator ulit ang nagsasalita.Nagtipa siya
HABANG nakikipag-usap si Theon sa lola ni Andrea, nakatuon lamang ang kanyang tingin sa lalaki. Hindi pa rin siya makapaniwala sa biglaang pagdating nito.Sa nangyaring sagutan nila kanina, sa galit na nakikita niya sa mga mata nito, kumbinsido na siyang siya talaga ang gagawa ng paraan para lang mapilit niya itong pakasal sa kaniya. Kaya nakagugulat na bigla na lang itong dumating at pumayag na magpakasal silang dalawa. O baka may gusto na naman itong hilinging kapalit kaya biglang nagbago ang isip nito.Bumukas ang front door ng villa at lumabas si Tita Evangeline. Pero agad din itong natigilan nang makita si Theon na kausap pa rin ang lola niya. Hindi rin yata makapaniwala na nandito ang anak, at kinausap ang lola niya.Nang makabawi sa pagkabigla ay agad na lumapit sa kaniya ang ginang.“He is here…” manghang sambit nito.Hindi naman niya alam kung ano ang isasagot dahil hindi rin niya alam kung bakit biglang nagbago ang isip ni Theon kaya tumango na lang siya.Nang makitang tapos