Mrs. Villanueva gave a brief talk in front of their invited guests. Nagpasalamat ito sa kaligtasan nito sa tiyak na kamatayan, sa suporta ng pamilya nito para labanan ang sakit nito at nabigyan pa ito ng pagkakataon na iselebrar ang ikalimampu't anim na kaarawan nito ngayon. "Sabi ko, kung mabigyan man ulit ako nang pangalawang pagkakataon na mabuhay, gusto kong gamitin iyon para itama ang pagkakamali kong nagawa sa panganay kong a-anak at sana mabigyan din ako ng pagkakataon na makasama siya at makabawi sa mga pagkukulang ko sa kaniya." Bahagya pang pumiyok ang boses ni Mrs. Villanueva. Pinipigilan nitong maiyak sa harap ng mga bisita. Agad naman itong dinaluhan nang asawa nito at hinagod ang likod ng ginang para mapakalma. Nang tingnan niya si Theon ay wala man lang siyang emosyon na nakikita sa mukha ng lalaki, unlike his brother and sisters, na maluha-luha na nakatingin sa ina ng mga ito. Following Mrs. Villanueva's brief talk, dinner was served. Hindi naman naging tahimik
HOW DID he know that she holds shares in Impero Del Rio Associatti? Hindi naman iyon sekreto kaya lang, bakit gusto nitong makuha ang shares niya roon?He wants her shares, and in exchange, he will agree to sign the contract with Del Rio Medical Center without privatizing the hospital. And... she agreed to his proposal last night out of desperation!Nahilot niya ang noo. Pero alam niyang hindi niya pagsisisihan ang desisyon niyang iyon."Sweety, are you okay?"Agad niyang naibaba ang kamay at nag-angat nang tingin sa Mommy niya.Tumango siya. "Morning Mhie, medyo masakit lang ang ulo ko. But I'm okay, don't worry."Lumapit ito sa kaniya at ginawaran siya nito ng halik sa pisngi. Pagkatapos ay hinila nito ang upuan sa tabi ng kabisera at naupo na rin sa harap ng hapag."Nasabi nga ni Manang Tina sa akin na alas onse na raw ng gabi nang makauwi ka kagabi at nakainom. Hangover?" tanong nito.Yeah. Medyo tinamaan nga siya ng alak na ininom niya kagabi. Biglang uminit ang pisngi niya nang s
ANDREA presented her proposals to Yohan Montreal, and she could tell he was impressed. May mga tanong lang ito na agad din naman niyang nasasagot. Pagkatapos n'yon ay agad na itong pumirma sa kontrata. Gano'n din si lolo Alexander, as the owner and the director of DRMC.Sobra ang kaba niya kanina. Akala niya makikita niya si Theon dito. Na kasama ito sa pagpirma ng kontrata pero nang malaman niyang hindi ito makakapunta ay agad siyang nakahinga nang maluwag.Hindi pa siya handa na makausap ito. Lalo na at mainit pa sila sa mata ng publiko.Ipinaliwanag naman sa kanila ni Yohan Montreal kung bakit hindi raw makakapunta ang chairman, pero in-assure naman nito na aprobado na raw nito ang kontrata.Pero may pakiramdam siya na kaya ito wala rito ngayon dahil sa agreement nila.Of course, bago ito pipirma sa kontrata, kailangan muna nitong makasiguro na tutupad siya sa usapan nila. And that, he will have her shares in Impero.What a clever man!"Kapag nakapirma na ang Chairman saka namin ipa
"Damn you! Hindi ako bayaran!" madiing sigaw ni Andrea.Napakunot naman ang noo ni Theon. Kapagkuwa'y napangisi ito. "So, you want your shares to give it to me? You won't sell it?" tanong nito. Naroon pa rin ang maliit na ngising nakapaskil sa mukha nito. Napakurap-kurap siya. Iyon ba ang ibig sabihin nito? Hindi iyong siya ang—shit. Agad na uminit ang mukha niya sa kahihiyan at gusto na lang niyang bumukas itong kinatatayuan niya at lamunin na lang siya. Damn! Bakit pagdating sa lalaking 'to nawawala siya sa katinuan? At kung anu-ano pa ang pumapasok sa isip niya? She immediately composed herself. Tumikhim siya at iniwas ang mga mata rito at naupo siya sa silyang nasa kaliwang bahagi sa harap ng executive desk nito. "So?" Theon queried, nang matagal siyang natahimik. "I'm pleased to accept it, Doctora—" "Thirty million." putol niya rito at muli itong tiningnan. Nakita naman niya ang pagkalusaw ng ngising nakapaskil sa mukha nito at bahagyang kumunot ang noo. Wala siyang alam
PAGKAPASOK pa lang ni Andrea sa building ng Del Rio Medical Center ay agad na siyang sinalubong ng dalawang nurse.Pinapapunta siya sa ICU dahil isinugod daw roon ang pasyente niyang may brain aneurysm na ilang araw na rin niyang pinag-aaralan ang kondisyon."100 joules. Charge. Clear!" Andrea shouted. Then she placed the defibrillator pads on the patient's chest.Dalawang beses pa niyang inulit ang ginawa pero walang nangyari. Sinubukan din niyang i-CPR pero wala na talaga, tuluyan na itong nag-flat line."Come on..." aniya, habang patuloy na binibigyan ang pasyente ng CPR."Doctor Del Rio, the patient has no pulse and heartbeat." Narinig niyang sabi ng isang nurse na nagpatigil sa kaniya. Nanlulumong napatitig na lang siya sa walang buhay niyang pasyente. Ilang segundo pa ay napangat ang tingin niya sa orasan na nakasabit sa dingding rito sa ICU. "Time of death: 11:00 A.M." she declared. Pagkatapos ay walang lingon-likod na lumabas siya ng ICU. Tinanggal niya ang suot niyang medi
NAKATITIG lang si Andrea sa dalawang taong nasa loob ng elevator. Particularly sa taong hindi niya inaasahan na makikita niya rito. Sa sobrang pagkabigla ay nakalimutan na niya na kailangan niyang makatakas mula kay Dr. Villa.But at the same time, sobra-sobra ang relieve na nararamdaman niya. Kaya hindi niya napigilan na muli ay sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya."Hija..." sambit ng lolo Alexander niya.May pag-aalala sa boses nito. Pero hindi naman maalis ang mga mata niya sa kasama nito. Si Theon. Ni ang kumurap ay hindi niya magawa. Natatakot kasi siya na kapag kumurap siya ay mawawala ang mga ito sa harap niya.Na ilusyon lang niya itong lahat. Na narito ang lolo Alexander niya kasama si Theon Montreal.Nakita niya ang pagkalukot ng noo ni Theon na nakatitig pa rin sa kaniya. Humakbang ito palabas ng elevator. Gano'n din ang lolo niya."Hija, are you okay?" nag-aalalang tanong ng lolo Alexander niya sa kaniya.Pero bago pa man ang mga ito tuluyang makalapit sa kaniya ay nasa
"Ate Addie, are you okay?" Lucas asked, in his worried tone when he get near her and Mhie. Napangiti siya. Minsan lang talaga niya makitaan ng ganitong hitsura ang kapatid niya. Madalas kasi ay wala itong emosyon, kung hindi naman ay nakasimangot. "I'm okay, Lucas. Don't worry too much." His eyes sharpened. Lumapit si Mhie rito at hinagod ang likod ng balikat nito para pakalmahin. Nakatitig lang si Andrei sa kaniya. Para bang inaalam nito kung nagsasabi ba siya ng totoo o sinasabi lang niya iyon para hindi ang mga ito mag-alala. Nakita niyang bumaba ang tingin nito sa mga kamay niya. At alam niya kung bakit. "Okay lang talaga ako, Andrei." she assured him. Nagpasalamat siya at natigil na ang panginginig ng kamay niya, kundi malalaman talaga nito na nagsisisinungaling lang siya. What Dr. Villa did to her brought back her anxiety and the terrible memories of her past. "Tumawag ako kay Atty. Zaldievar. Sinigurado kong mabubulok sa kulungan ang lalaking iyon," sabi ni Andrei. Sh
SUNUD-SUNOD ang pagtungga ni Andrea ng alak. Tinatanaw niya ang dagat galing sa villa na kinaroroonan niya sa isang exclusive resort dito sa Coron na pag-aari ng mga Villanueva. Gamit ang private chopper ni Theon ay nakarating sila kaninang madaling araw rito. Sa kagustuhan niyang makalayo muna sa Maynila, sa mga media at sa problemang idinulot nina Dr. Villa at Dra. Seraspi ay napapayag siyang sumama muna kay Theon dito. This was also his idea. He was the one who suggested this vacation to her parents, na kaagad namang sumang-ayon sa kagustuhan din ng mga ito na makapagpahinga na muna siya. But for Theon, of course it's the other way around. He wants this vacation... for sex. At hindi naman siya impokrita, inaamin niyang gusto rin niya ang ideyang ito. Bukod sa may pinagkasunduan sila, they are both lusting each other. That's the truth. Muli siyang nagsalin ng alak sa hawak niyang baso at akmang iinumin na sana niya iyon nang may humawak sa palapulsuhan niya para pigilan siya.
"Let go of me!"Mahina pero madiing sabi ni Andrea, habang pilit na hinihila niya ang kaniyang braso mula kay Theon. Kahit ang dalawang guwardya na nakatayo sa may exit ng ospital, hindi nakapagsalita nang masamang tingnan ito ni Theon. Para pa ngang takot ang mga ito sa lalaki dahil agad din na gumilid para makadaan sila.Pero nang maisip niya na si Theon na ang magiging director ng ospital na ito sa mga susunod na araw, mas lalo pa siyang pinanghinaan ng loob. Huminto lang si Theon sa paghila sa kaniya nang tuluyan na silang makalabas ng hospital at hinintay ang pagdating ng sasakyan nito na kinukuha ng valet. Pero hindi pa rin nito binibitiwan ang braso niya."Hindi ako sasama, sa 'yo. Bitiwan mo na ako!" piglas niya. Ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakapit ng kamay nito sa braso niya na pakiramdamdam niya mag-iiwan iyon ng marka sa balat niya.Nang huminto sa harap nila ang sasakyan nito, agad itong bumaba sa dalawang baitang na hagdanan bago pa man makaapak sa lupa habang
ANDREA'S anxiously going back and forth in front of the emergency room. Pabalik-balik siya sa pag-upo at tayo. Gano'n din si Mhie. Panay rin ang pagparoo't parito nito habang hinintay nila ang paglabas ng doktor na umasikaso kay Dhie sa loob. Her brother, Lucas, was just standing near the emergency room door with his stoic face, but she knows he is worried too. She never saw this coming. After Andrei's, nakalimutan na niya ang ganitong pakiramdam. Ang kaba na hindi niya mawari, ang takot na baka lumabas na wala ng buhay ang kaniyang ama d'yan sa loob ng emergency room. "God, please... save my father," she murmured. "I know I am not a good daughter to my parents. What happened to my father now was entirely my fault, so, please, save him." Dhie can't do this to them. No, not yet, not tomorrow or the other years. Kung may dapat mang parusahan, siya iyon. Dahil siya naman ang dahilan kung bakit nawala sa kanila ang kompanya. Nahinto siya sa pagparoo't parito at agad na napahawak sa ka
TAHIMIK ang Mommy niya habang lulan sila ng sasakyan papunta sa kompanya. Her lolo Alexander Del Rio called. Kailangan daw nilang pumunta sa Impero dahil nagpatawag ng meeting si Mr. Sanford sa lahat ng stockholders and shareholders. Hindi rin naman siya nagulat pa, dahil nasabihan na siya ni Mhie na baka magpatawag ng urgent meeting si Dhie.Pero mukhang hindi na makapaghintay ang traydor na si Mr. Sanford kaya ito na ang gumawa n'yon. Pero alam niyang hindi iyon ang dahilan kung bakit kibuin-dili siya ng kaniyang ina. Wala pa itong ideya sa kung ano man ang ginawa ni Mr. Sanford. Kaya may pakiramdam siya na may kinalaman iyon sa pagtawag ni Mrs. Montenegro dito kanina. "Mhie-" "Was it true?" Mhie asked her coldly. Ang mga mata ay nasa harap lang nito nakapirmi. Fear welled in her stomach when she realized that it could be either about her wedding or the company shares she sold to her husband. "True... what po?" Nanginig pa ang mga labi niya. "That you and Theon got married i
WHEN the traffic light turned red, Andrea stopped her car in the middle of the EDSA highway. Humigpit ang hawak niya sa manibela, walang pakialam kahit namuti na ang knuckles ng mga daliri niya sa sobrang higpit."Ahhh!"She shouted her anger and disappointment to herself. Sa matinding galit at pagkabigo na nararamdaman para sa sarili, nahampas niya ng nakakumo niyang mga kamay ang manibela ng sasakayan."Bakit ang tanga ko..." she muttered, as tears rolled down her cheeks.She fucking fell into his trap.Damn it! Muli niyang nahampas ang manibela ng sasakyan at isinubsob ang mukha roon.Namatay ang kuya Luke niya dahil sa katigasan ng ulo niya. Ngayon naman, nilagay niya na naman sa alanganin ang kompanya ni Dhie at ang hospital...But no… she shook her head. Hindi siya makapapayag na tuluyang magtagumpay ang mga ito sa masama nitong balak sa pamilya niya at makuha ang kompanyang pinaghirapang palaguin ng mga ninuno niya.Napa-angat ang tingin niya nang tumunog ang cell phone niya na
"Wala po si Sir Logan sa kanyang opisina ngayon, Doktora. Hindi po siya pumasok," ani ng sekretarya ni Mr. Yohan Montreal."Then tell me where he is now." Andrea demanded.Hindi pa rin humuhupa ang galit niya kay Theon. Paanong nagawa nito iyon sa kanila?Umiling si Miss Madrigal. "Hindi ko po alam, Dok—""Where's your boss then?" Tukoy niya kay Yohan Montreal."Nasa loob ng opisina niya, Dok. Pero bawal po siyang disturbuhin—"Nahinto ito sa pagsasalita nang bumukas ang pinto ng opisina ni Yohan Montreal at lumabas doon ang lalaki, kasunod ang dalawa pang lalaki, na mukhang kasing edad lang din ni Yohan Montreal at parehong naka-corporate attire.Nang makita siya ni Yohan ay agad itong lumapit sa kinaroroonan niya. Bahagya namang gumilid si Miss Madrigal para bigyan ng espasyo ang boss nito.“Andrea,” bati nito sa kaniya, nang tuluyan na itong nakalapit. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong nito.She gritted her teeth. Mas lalo lang siyang nakaramdam nang galit. Did this man also know wh
THEON'S private chopper landed at the helipad at the top of Montreal Tower. Andrea noticed five males in black uniform promptly approaching the private chopper. Maybe they are staff here. Tinanggal niya ang suot niyang headphone at seatbelt. Nang buksan ng isang staff ang pinto sa gilid niya ay agad din siyang lumabas. Gano'n din si Theon na nasa tabi ng piloto, matapos pagbuksan din ng isa pang staff ang pinto sa gilid nito. Naramdaman niya agad ang lamig ng panggabing hangin sa balat niya nang tuluyan ng lumapat ang mga paa niya sa sahig. Nilingon niya si Theon. Kausap na nito ang piloto nito. Mukhang may ibinilin lang ito sa piloto base na rin sa panay na pagtango ng lalaki habang nakikinig sa mga sinasabi ni Theon dito. Huminga siya nang malalim at tumingala. Kita niya ang maraming bituing nagkikislapan sa langit, ang malaki at bilog na buwan na nagsisilbing ilaw rito sa buong rooftop. There are installed lights surround the area, but it seems they were intentionally left off
THE JUDGE started the wedding ceremony. Halos hindi na si Andrea humihinga. She felt nervous and a bit of fear. She didn't know what that fear was for. Tiningnan niya si Theon para basahin ang iniisip nito. But as usual, his eyes were cold and she couldn't see any emotion in them. Nang banggitin ng Judge na maaari na silang magpalitan ng singsing, may kinuha si Theon sa bulsa ng suot nitong pantalon na wedding bands. Isinuot nito sa daliri niya ang isang gold ring na may nakapalibot na limang diamonds. Manghang napatitig naman siya sa singsing. Hindi siya maalam sa mga alahas pero alam niyang mamahalin ang singsing na binili nito. Hindi rin niya in-expect na magkapagbigay ito ng singsing sa kaniya. Knowing that this is a shutgun wedding. May ibinigay rin ito sa kaniya na singsing. It's a plain gold wedding ring. Isinuot naman niya iyon sa palasingsingan nito. "You can kiss her now, hijo." Nakangiting sabi ng Judge kay Theon. Theon framed her face in his hands and claimed her lip
WHEN Andrea woke up the next morning, she was immediately nervous about what would happen this afternoon. She wished her best friend was here.She had tried calling Karenina several times last night, but she couldn't reach her.Gusto sana niya itong papupuntahin dito. Para may mapagsasabihan naman siya sa mga nangyayari sa buhay niya. Sa sitwasyong kinasusuungan niya. Pero kung kailan naman niya ito kailangan, saka naman ito hindi niya matawagan.Nagtataka rin siya at ilang araw na rin itong hindi tumawag sa kaniya. Imposible rin na hindi nito nabalitaan ang nangyari sa kaniya. Kaya ang tampong nararamdaman niya para sa matalik na kaibigan ay kaagad ding napalitan ng pag-aalala.Inabot niya ang phone niya na nasa ibabaw ng bedside drawer at muli niyang tinawagan ang numero ni Karenina. Ngunit katulad ng mga nauna niyang tawag dito ay puro babaeng operator pa rin ang nagsasalita sa kabilang linya.She sighed and dialled her number again. Pero operator ulit ang nagsasalita.Nagtipa siya
HABANG nakikipag-usap si Theon sa lola ni Andrea, nakatuon lamang ang kanyang tingin sa lalaki. Hindi pa rin siya makapaniwala sa biglaang pagdating nito.Sa nangyaring sagutan nila kanina, sa galit na nakikita niya sa mga mata nito, kumbinsido na siyang siya talaga ang gagawa ng paraan para lang mapilit niya itong pakasal sa kaniya. Kaya nakagugulat na bigla na lang itong dumating at pumayag na magpakasal silang dalawa. O baka may gusto na naman itong hilinging kapalit kaya biglang nagbago ang isip nito.Bumukas ang front door ng villa at lumabas si Tita Evangeline. Pero agad din itong natigilan nang makita si Theon na kausap pa rin ang lola niya. Hindi rin yata makapaniwala na nandito ang anak, at kinausap ang lola niya.Nang makabawi sa pagkabigla ay agad na lumapit sa kaniya ang ginang.“He is here…” manghang sambit nito.Hindi naman niya alam kung ano ang isasagot dahil hindi rin niya alam kung bakit biglang nagbago ang isip ni Theon kaya tumango na lang siya.Nang makitang tapos