“MISS DEL RIO," Naniningkit ang mga matang napatingin si Andrea Mikaela sa babaeng tumawag sa kaniya. Her old-fashioned professor in Research II subject. Nabaling din sa kaniya ang atensyon ng mga kaklase niya. "What?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa matandang propesora. Kita niya ang pagkunot nang makunat na nitong noo. Ang eyeglasses nito ay nakapatong na sa ibaba ng nose bridge nito. Mukhang hindi yata nito nagustuhan ang naging sagot niya. "You're not listening, Miss Del Rio!" bulyaw nito na ikinasinghap ng mga kaklase niya. Halata sa mga itsura ng mga ito na natatakot ang mga ito para sa kaniya. Lihim siyang napaismid. Alam din naman niyang ang iba sa mga ito ay natatakot na madamay sa kaniya. Pero sino ba ang gustong makinig dito kung ang boring naman nito laging pakinggan? At paulit-ulit pa. Seriously? Ilang ulit ba nitong ipinapasagot sa kanila ang tanong nito? At ilang ulit ba nitong ulit-ulitin sa isang buong taon ang mga tanong nitong nakakarindi na sa
"DOC, bumalik na po ang heart rate ng pasyente." Saka lang nakahinga ng maluwang si Andrea Mikaela nang marinig iyon sa isa sa mga nurse na nag-assist sa kaniya sa loob ng operating room. She's currently operating the patient, para alisin ang brain tumor nito nang bigla na lang huminto ang heart rate nito. Kaya kinakailangan nila muna itong i-revived at pabalikin sa normal ang tibok ng puso nito bago niya ipagpapatuloy ang operasyon dito. And thank God, the woman’s heart rate came back. Hindi lang din naman siya ang nakahinga ng maluwag, pati na rin ang mga kasama niyang nasa loob ng operating room. After a couple of an hour, the operation was done, and it was successful. "Thank you so much, Dra. Del Rio," puno ng pasasalamat na sabi ni Mr. Gregorio Villanueva nang sabihin niya rito na successful ang operasyon ng asawa nitong si Mrs. Evangeline Villanueva. "She will be transferred at the recovery room, kung magtuloy-tuloy ang response ng kalusugan niya." "Thank you so much,
AFTER Andrea's encounter with Mr. Brixton Alessandro Sanford, the new investor of their company, she felt like she wants to see him again and talk to him despite with his attitude towards her. Hindi niya alam kung bakit iyon ang nararamdaman niya sa lalaking iyon. He's arrogant and very full of himself but why she felt like—she felt like she wanted to know him more. Kahit napaka-arogante nito, may bahagi pa rin ng puso niya na gusto niya itong makasama. Damn! Ano ba ang ibig sabihin nitong nararamdaman niya para sa lalaking iyon? Shit! Hindi siya pwedeng magkagusto sa lalaking iyon! This is absurd! "Okay lang po ba kayo, Dra. Del Rio?" Napakurap siya at nilingon niya ang katabi na si Dra. Venice. Pero ininguso lang nito ang mga kasamahan nilang doctor. Kaagad namang natuon ang pansin niya sa mga kasama niyang doctor sa loob ng meeting room. They had a meeting regarding the decreasing stock of medicines inside the hospital. At kailangan nila iyong masolusyunan bago pa man maub
ANDREA was seating quietly in front of a large, triangular shaped conference table. Nakikinig lang siya sa mga board of directors na kanina pa naghahayag ng kanilang mga opinion at suggestions patungkol sa crisis na kinakaharap ngayon ng hospital. Ang lolo Alexander naman niya ay tahimik lang din na nakikinig sa mga ito. Pero hindi rin nagtagal ang pananahimik nito at nagsalita na rin. “This hospital remains as it is no matter what.” Natahimik ang lahat ng mga board members sa pinalidad ng boses ng kaniyang abuelo. Lalo na sina Dr. Villa at Dra. Seraspi na kanina pa iginigiit ang kagustuhang ibalik ang DRMC sa dating estado nito. Nasa Italy ang abuelo kasama ni lola Annaliese para magbakasyon. Nakasanayan na kasi ng mga ito na tuwing wedding anniversary ng mga ito ay umuuwi talaga ang lolo Alexander niya sa bansa kung saan ito ipinanganak. Pero dahil tinawagan ito ni Dra. Seraspi tungkol sa problema ng hospital kaya heto ito ngayon sa harap nila. Hindi man lang pinalipas ng i
NANG HUMINTO ang sasakyan ni Andrea Mikaela sa tapat ng sampung palapag na building ng Montreal Pharmaceuticals ay agad niyang tinanggal ang kaniyang seatbelt at bumaba ng sasakyan. Bitbit ang kaniyang shoulder bag ay taas noo siyang naglakad papunta sa entrada ng building. Agad namang binuksan ng guard ang double glass door pagkatapat niya roon. "Good morning, Ma'am." bati nito sa kaniya. Isang tango lang ang isinagot niya sa guwardiya at tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya patungo sa may receptionist area. The whole area was very spacious. Sa tantiya niya ay nasa limang hektarya ang sinakop ng buong building, and it was made of transparent thick glass. Iniisip tuloy niya na baka obsess sa salamin si Mr. Yohan Everette Montreal. Andrea couldn't help but smirk at her thought. “Good morning, Ma’am. How may I help you?” The girl in the receptionist area asked her, nang huminto siya sa tapat n'yon. “I’m Dra. Andrea Mikaela Del Rio,” pagpapakilala niya. “And I have an appoin
“Good morning, Doc. Pinapatawag po kayo ng lolo niyo sa kaniyang opisina.” Agad na bungad ng sekretarya ni Andrea, pagkapasok niya sa kaniyang clinic. Napatingin siya sa kaniyang pambisig na relo. Its 10:30 in the morning. Alam ng lolo niya na male-late siya ng kaunti sa pagpasok ng hospital dahil sa meeting niya sa CEO ng Montreal Pharmaceutical na hindi na naman natuloy. Kumuyom ang kamao niya at nalukot ang noo. Masama pa rin ang loob niya sa nangyaring pagkansela na naman ni Mr. Montreal sa meeting nila. That was the second time. Damn, him! “Okay lang po ba kayo, Doktora?” Muli siyang napatingin kay Lirah. Kita niya sa mukha nito ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya. Siguro dahil sa nakikita nitong hindi maipinta ang hitsura niya. Tumango lang siya at pumasok sa isa pang silid kung saan niya kinakausap ang kaniyang mga pasyente. Inilapag niya ang bag sa kaniyang upuan. Kinuha niya ang kaniyang phone saka lumabas ulit ng clinic para puntahan ang Abuelo sa opisi
LIHIM na pinagmamasdan ni Andrea si Lorelei. The woman was stunningly beautiful in her royal blue cocktail dress. Ayaw man niyang aminin pero maganda ang babae. Hindi talaga niya masisisi si Andrei kung nabaliw ito noon sa babae. She looks innocent and pure. Of course, sa mga taong hindi ito lubusang kilala. Because behind that innocent face was an evil woman that hurt her brother. Hindi man niya alam ang buong kuwento ng mga ito pero alam niya na ito ang dahilan kaya naaksidente noon si Andrei sa Prague. “Stop murdering her in your thought, Addie.” Bulong na saway sa kaniya ni Karenina. Ngunit hindi pa rin siya natinag. Nakatitig pa rin siya sa babae. “How I wished my eyes could throw a dagger,” pabulong din niyang sabi kay Karenina. Suminghap si Karenina na ikinalingon naman ni Miss Navarre sa kanila. Malamig na sinalubong naman niya ang mga mata nito. Hindi rin ito nakatagal at iniwas din agad sa kaniya ang mga mata. But there’s something in her. Hindi lang niya matukoy kung a
NAG-IGTING ang bagang ng lalaking halos perpekto sa pagkakaukit. Ang magkasalubong nitong kilay ay nadedepina ng kulay itim at malalim nitong mga mata.“Are you okay?” tanong nito.Napakurap si Andrea. Naitulak niya ito at agad na inayos ang sarili. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at nanlalambot pa ang mga tuhod niya.“Y-Yeah. Thank you.” Damn, for stuttering!Hindi pinahalata ang pagkataranta ay mabilis siyang naglakad pabalik sa loob ng building.She was tense as fuck. Hindi niya alam kung sa takot niya na muntik na siyang maatrasan ng sasakyan o sa hawak ng estrangherong lalaking iyon. Pero ramdam niyang may iba pa sa takot na iyon. At alam niya kung ano iyon. She is physically attracted to that man!She vividly recalls the spark that surged through her when she collided with the man's sturdy chest.Sh*t. Pakiramdam niya nanuyo ang lalamunan niya. Kaya nang may makasalubong siyang waiter na may dalang wine ay agad siyang kumuha ng isang glass at inisang lagok ang laman n’yon.Pe
Sierah Montreal...Midical mission in Cebu... two years ago?Who is she? Bakit wala siyang maalala na may kakilala siyang Sierah Montreal? Is she a doctor? Nurse?Wala siyang natatandaan na nagkaroon siya ng medical mission sa Cebu, two years ago. Yes, may branch sila ng DRMC sa Cebu. Pero noong nakaraang taon lang iyon naipatayo at ngayong taon lang din iyon binuksan para sa mga pasyente.Napahawak siya ulit sa kaniyang ulo. Tila sasabog ito sa mga katanungan na nasa utak niya. "B-Bakit hindi ko maalala kung totoo iyang mga pinagsasabi mo, ha?" tanong niya, her voice quivering with a mix of fear and frustration.She desperately searched her memory, trying to piece together any fragment of the events Theon was accusing her of.Ang madilim na mga mata ni Theon ay nang-aakusa pa ring nakatitig sa kaniya. His gaze was unwavering, a dark pool of suspicion that seemed to penetrate her very soul. His hands clenched into fists at his sides. His jaw was set, the muscles in his face twitching
"Let go of me!"Mahina pero madiing sabi ni Andrea, habang pilit na hinihila niya ang kaniyang braso mula kay Theon. Kahit ang dalawang guwardya na nakatayo sa may exit ng ospital, hindi nakapagsalita nang masamang tingnan ito ni Theon. Para pa ngang takot ang mga ito sa lalaki dahil agad din na gumilid para makadaan sila.Pero nang maisip niya na si Theon na ang magiging director ng ospital na ito sa mga susunod na araw, mas lalo pa siyang pinanghinaan ng loob. Huminto lang si Theon sa paghila sa kaniya nang tuluyan na silang makalabas ng hospital at hinintay ang pagdating ng sasakyan nito na kinukuha ng valet. Pero hindi pa rin nito binibitiwan ang braso niya."Hindi ako sasama, sa 'yo. Bitiwan mo na ako!" piglas niya. Ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakapit ng kamay nito sa braso niya na pakiramdamdam niya mag-iiwan iyon ng marka sa balat niya.Nang huminto sa harap nila ang sasakyan nito, agad itong bumaba sa dalawang baitang na hagdanan bago pa man makaapak sa lupa habang
ANDREA'S anxiously going back and forth in front of the emergency room. Pabalik-balik siya sa pag-upo at tayo. Gano'n din si Mhie. Panay rin ang pagparoo't parito nito habang hinintay nila ang paglabas ng doktor na umasikaso kay Dhie sa loob. Her brother, Lucas, was just standing near the emergency room door with his stoic face, but she knows he is worried too. She never saw this coming. After Andrei's, nakalimutan na niya ang ganitong pakiramdam. Ang kaba na hindi niya mawari, ang takot na baka lumabas na wala ng buhay ang kaniyang ama d'yan sa loob ng emergency room. "God, please... save my father," she murmured. "I know I am not a good daughter to my parents. What happened to my father now was entirely my fault, so, please, save him." Dhie can't do this to them. No, not yet, not tomorrow or the other years. Kung may dapat mang parusahan, siya iyon. Dahil siya naman ang dahilan kung bakit nawala sa kanila ang kompanya. Nahinto siya sa pagparoo't parito at agad na napahawak sa ka
TAHIMIK ang Mommy niya habang lulan sila ng sasakyan papunta sa kompanya. Her lolo Alexander Del Rio called. Kailangan daw nilang pumunta sa Impero dahil nagpatawag ng meeting si Mr. Sanford sa lahat ng stockholders and shareholders. Hindi rin naman siya nagulat pa, dahil nasabihan na siya ni Mhie na baka magpatawag ng urgent meeting si Dhie.Pero mukhang hindi na makapaghintay ang traydor na si Mr. Sanford kaya ito na ang gumawa n'yon. Pero alam niyang hindi iyon ang dahilan kung bakit kibuin-dili siya ng kaniyang ina. Wala pa itong ideya sa kung ano man ang ginawa ni Mr. Sanford. Kaya may pakiramdam siya na may kinalaman iyon sa pagtawag ni Mrs. Montenegro dito kanina. "Mhie-" "Was it true?" Mhie asked her coldly. Ang mga mata ay nasa harap lang nito nakapirmi. Fear welled in her stomach when she realized that it could be either about her wedding or the company shares she sold to her husband. "True... what po?" Nanginig pa ang mga labi niya. "That you and Theon got married i
WHEN the traffic light turned red, Andrea stopped her car in the middle of the EDSA highway. Humigpit ang hawak niya sa manibela, walang pakialam kahit namuti na ang knuckles ng mga daliri niya sa sobrang higpit."Ahhh!"She shouted her anger and disappointment to herself. Sa matinding galit at pagkabigo na nararamdaman para sa sarili, nahampas niya ng nakakumo niyang mga kamay ang manibela ng sasakayan."Bakit ang tanga ko..." she muttered, as tears rolled down her cheeks.She fucking fell into his trap.Damn it! Muli niyang nahampas ang manibela ng sasakyan at isinubsob ang mukha roon.Namatay ang kuya Luke niya dahil sa katigasan ng ulo niya. Ngayon naman, nilagay niya na naman sa alanganin ang kompanya ni Dhie at ang hospital...But no… she shook her head. Hindi siya makapapayag na tuluyang magtagumpay ang mga ito sa masama nitong balak sa pamilya niya at makuha ang kompanyang pinaghirapang palaguin ng mga ninuno niya.Napa-angat ang tingin niya nang tumunog ang cell phone niya na
"Wala po si Sir Logan sa kanyang opisina ngayon, Doktora. Hindi po siya pumasok," ani ng sekretarya ni Mr. Yohan Montreal."Then tell me where he is now." Andrea demanded.Hindi pa rin humuhupa ang galit niya kay Theon. Paanong nagawa nito iyon sa kanila?Umiling si Miss Madrigal. "Hindi ko po alam, Dok—""Where's your boss then?" Tukoy niya kay Yohan Montreal."Nasa loob ng opisina niya, Dok. Pero bawal po siyang disturbuhin—"Nahinto ito sa pagsasalita nang bumukas ang pinto ng opisina ni Yohan Montreal at lumabas doon ang lalaki, kasunod ang dalawa pang lalaki, na mukhang kasing edad lang din ni Yohan Montreal at parehong naka-corporate attire.Nang makita siya ni Yohan ay agad itong lumapit sa kinaroroonan niya. Bahagya namang gumilid si Miss Madrigal para bigyan ng espasyo ang boss nito.“Andrea,” bati nito sa kaniya, nang tuluyan na itong nakalapit. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong nito.She gritted her teeth. Mas lalo lang siyang nakaramdam nang galit. Did this man also know wh
THEON'S private chopper landed at the helipad at the top of Montreal Tower. Andrea noticed five males in black uniform promptly approaching the private chopper. Maybe they are staff here. Tinanggal niya ang suot niyang headphone at seatbelt. Nang buksan ng isang staff ang pinto sa gilid niya ay agad din siyang lumabas. Gano'n din si Theon na nasa tabi ng piloto, matapos pagbuksan din ng isa pang staff ang pinto sa gilid nito. Naramdaman niya agad ang lamig ng panggabing hangin sa balat niya nang tuluyan ng lumapat ang mga paa niya sa sahig. Nilingon niya si Theon. Kausap na nito ang piloto nito. Mukhang may ibinilin lang ito sa piloto base na rin sa panay na pagtango ng lalaki habang nakikinig sa mga sinasabi ni Theon dito. Huminga siya nang malalim at tumingala. Kita niya ang maraming bituing nagkikislapan sa langit, ang malaki at bilog na buwan na nagsisilbing ilaw rito sa buong rooftop. There are installed lights surround the area, but it seems they were intentionally left off
THE JUDGE started the wedding ceremony. Halos hindi na si Andrea humihinga. She felt nervous and a bit of fear. She didn't know what that fear was for. Tiningnan niya si Theon para basahin ang iniisip nito. But as usual, his eyes were cold and she couldn't see any emotion in them. Nang banggitin ng Judge na maaari na silang magpalitan ng singsing, may kinuha si Theon sa bulsa ng suot nitong pantalon na wedding bands. Isinuot nito sa daliri niya ang isang gold ring na may nakapalibot na limang diamonds. Manghang napatitig naman siya sa singsing. Hindi siya maalam sa mga alahas pero alam niyang mamahalin ang singsing na binili nito. Hindi rin niya in-expect na magkapagbigay ito ng singsing sa kaniya. Knowing that this is a shutgun wedding. May ibinigay rin ito sa kaniya na singsing. It's a plain gold wedding ring. Isinuot naman niya iyon sa palasingsingan nito. "You can kiss her now, hijo." Nakangiting sabi ng Judge kay Theon. Theon framed her face in his hands and claimed her lip
WHEN Andrea woke up the next morning, she was immediately nervous about what would happen this afternoon. She wished her best friend was here.She had tried calling Karenina several times last night, but she couldn't reach her.Gusto sana niya itong papupuntahin dito. Para may mapagsasabihan naman siya sa mga nangyayari sa buhay niya. Sa sitwasyong kinasusuungan niya. Pero kung kailan naman niya ito kailangan, saka naman ito hindi niya matawagan.Nagtataka rin siya at ilang araw na rin itong hindi tumawag sa kaniya. Imposible rin na hindi nito nabalitaan ang nangyari sa kaniya. Kaya ang tampong nararamdaman niya para sa matalik na kaibigan ay kaagad ding napalitan ng pag-aalala.Inabot niya ang phone niya na nasa ibabaw ng bedside drawer at muli niyang tinawagan ang numero ni Karenina. Ngunit katulad ng mga nauna niyang tawag dito ay puro babaeng operator pa rin ang nagsasalita sa kabilang linya.She sighed and dialled her number again. Pero operator ulit ang nagsasalita.Nagtipa siya