“MISS DEL RIO,"
Naniningkit ang mga matang napatingin si Andrea Mikaela sa babaeng tumawag sa kaniya. Her old-fashioned professor in Research II subject. Nabaling din sa kaniya ang atensyon ng mga kaklase niya. "What?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa matandang propesora. Kita niya ang pagkunot nang makunat na nitong noo. Ang eyeglasses nito ay nakapatong na sa ibaba ng nose bridge nito. Mukhang hindi yata nito nagustuhan ang naging sagot niya. "You're not listening, Miss Del Rio!" bulyaw nito na ikinasinghap ng mga kaklase niya. Halata sa mga itsura ng mga ito na natatakot ang mga ito para sa kaniya. Lihim siyang napaismid. Alam din naman niyang ang iba sa mga ito ay natatakot na madamay sa kaniya. Pero sino ba ang gustong makinig dito kung ang boring naman nito laging pakinggan? At paulit-ulit pa. Seriously? Ilang ulit ba nitong ipinapasagot sa kanila ang tanong nito? At ilang ulit ba nitong ulit-ulitin sa isang buong taon ang mga tanong nitong nakakarindi na sa pandinig niya? Hindi lang naman siya ang nagrereklamo sa klase ng pagtuturo nito dahil lahat naman sila. It’s just that, she is the only one who has the guts to answer this old-fashioned professor in front of them. "I heard what you were asking, Prof. But Miss Montreal answered it already, yesterday." Nanlalaki naman ang mga mata ng matandang propesora na nakatingin sa kaniya. "Am I right, Miss Montreal?" baling niya pang tanong sa kaniyang kaklase, na nasa unahan niya nakaupo. "Yes, Prof. Natanong niyo na po iyon sa akin kahapon at nasagot ko na rin po," magalang na paliwanag ni Miss Montreal na mas lalong ikinalaki ng mga mata ng kanilang propesora. Andrea tsked and shook her head in disbelief at her professor. Mukhang napahiya naman ito dahil namumula ang mukha nito. What is research? Really? Noong unang araw pa yata nito ng klase iyon natanong sa kanila at ngayon ay nasa kalagitnaan na sila ng semester at nasa ikatlong chapters na rin siya sa ginawa niyang research pero iyon pa rin ang naging tanong nito. Damn! What a waste of time. "O-Okay. That's it for now. Do your research, dismissed." anito. Saka nagmamadaling lumabas ng research room ng medicine building. She shook her head again, feeling disappointed at her Professor. Pagkuwan ay ibinalik niya ang paningin sa labas ng medicine building. Nasa ikatlong palapag ang room na kinaroroonan niya. Nakaupo siya malapit sa may glass window kaya kitang-kita niya ang mga estudyanteng kaniya-kaniyang nagkukumpulan sa ibaba. May nagbabasa sa lilim ng naglalakihang mga puno ng kahoy. Meron ding nagpapa-cute lang sa boyfriend o di kaya'y sa mga lalaking gusto ng mga ito. Napatingala siya. Mataas na rin ang sikat ng araw pero dahil sa mga punong nakapalibot sa loob ng school ay hindi iyon masyadong nakasisira ng balat. Prone pa naman ang skin cancer ngayon dahil sa unti-unti ng pagkakasira ng ozone layer. Nasa ikatlong taon na siya sa kursong medisina. Gusto kasi niyang maging doctor para kapag may mangyari namang hindi maganda sa miyembro ng kanilang pamilya ay makakatulong siya. Napapikit siya nang maalala na naman niya ang nangyari sa Mommy Ysabella niya, years ago. When she saw her mother unconsciously bathed her own blood. At wala siyang nagawa kundi ang umiyak lang nang umiyak noon. Pinahamak pa niya ang kaniyang kuya Luke. Her older brother died because of her… "Kuya!" tili niya nang bigla na lang siyang hablutin ng mga taong nakasuot ng itim na maskara ang mga mukha. "Hmm!" Nagpapasag siya. Hindi na rin siya makasigaw dahil tinakpan ng malaking kamay nito ang bibig niya. Takot na takot siya. Nag-iiyak. May busal na rin ang bibig niya. "Hmmm!!" napatili siya, nang nang makita niyang marahas nitong itinulak si Andrei kaya napasubsob ang kapatid niya sa kanya. Umiiyak na kaagad naman siya nitong niyakap. "Let us go—hmm!" hindi na natuloy ni Andrei ang sinasabi dahil nilagyan kaagad ng busal ng lalaki ang bibig ng kapatid niya. Takot na takot siyang mahigpit na lang na niyakap niya si Andrei. Halos maalog din ang utak niya nang nabunggo ang sinasakyan nilang puting van. "Andrea, okay ka lang?" Napakurap siya at agad bumalik sa kasalukuyan ang isip niya nang marinig niya ang nag-aalalang boses ni Miss Montreal na tanong sa kanya. Nang makitang hahawakan na sana siya nito ay kaagad siyang napatayo at napaatras. "Don't touch me!" malamig at mariin niyang singhal sa babae. Nanlaki naman ang mga matang naibaba nito ang kamay at napayuko. "S-Sorry, I—" Hindi na niya ito pinakinggan at kaagad na siyang tumalikod, bitbit ang libro niya. "Miss Del Rio—" "Tabi!" singhal niya sa lalaking classmate na akmang haharang sa dinaraanan niya. Nakangiwing tumabi naman ito. Nagpatuloy siya sa paglabas ng research room. Walang lingon-likod na naglakad siya sa may hallway. Sa tatlong taong pag-aaral niya ng medisina ay wala ni isa siyang naging kaibigan. Maraming gustong makipagkaibigan sa kanya pero harap-harapan naman niyang sinasabi sa mga ito na ayaw niyang makipagkaibigan. She totally shut them down. Nawalan na siya ng tiwala sa mga taong nakapaligid sa kaniya maliban sa kaniyang pamilya at sa matalik niyang kaibigang si Karenina. Shit! Hiyaw ng isip niya nang may bumunggo sa kaniya. Malakas at napaka-solid niyon kaya napaupo siya sa marmol na sahig ng building at nabitawan niya ang dalang medicine book. "Sorry, Miss.” Sabi ng lalaking nakabunggo sa kaniya. Pero hindi naman kaagad siya nakasagot dahil natulala na lang siya habang nakatingala sa lalaki. Ang guwapo nito. Napaka-perfect ng mukha—natigil naman siya sa iniisip nang magsalita ito ulit. “As much as I want you to stares at me like I am the most handsome in the world but I'm kinda in hurry, so I got to go!" He smirked, at agad din siyang tinalikuran. Agad namang nag-init ang pisngi niya sa pagkapahiya. Nagtatagis ang ngipin at naniningkit ang kaniyang mga matang sinundan na lang niya ng tingin ang lalaki. Mukhang hindi ito tagarito sa medicine building dahil iba ang suot nito. Nakapang-aeronautical uniform kasi ito. "May araw ka rin sa 'kin, idiot!" hiyaw niya sa sobrang inis. Pero mas naiinis siya sa sarili at bakit gano’n na lang ang pagkakatulala niya sa lalaking iyon. Tumayo siya at dinampot ang nabitiwang libro saka hinanap ng kaniyang mga mata ang sling bag niyang nabitiwan din niya kanina nang bungguin siya sa tatanga-tangang lalaking iyon. "Pilot? Pero tatanga-tanga naman. Baka ibangga rin lang nito iyong eroplano." she murmured. Umismid siya at pinulot ang kaniyang sling bag. Mabuti na lang hindi niya iyon naitapon sa pinaka-ibaba ng building. Kapag nagkataon ipapa-salvage talaga niya ang lalaking iyon. Salvage talaga? Eh, natulala ka nga sa ka-gwapuhan niya? tuya ng ng isang bahagi ng isip niya. Dali-dali siyang bumaba ng building at kaagad tinungo ang parking lot. Nagsisikip ang dibdib niya at gusto niyang huminga muna. At iisang lugar lang ang alam niya kung saan siya kampante at gagaan ang pakiramdam niya. Nang makapasok siya sa loob ng mausoleum ay walang sali-salitang inilapag lang niya sa ibabaw ng puntod ng kaniyang kuya Luke ang dala niyang isang tangkay ng white rose. She sighed at basta na lang sumalampak sa tabi ng puntod nito. Sa pagpikit ng kaniyang mga mata ay siyang pagtulo naman ng butil-butil na mga luha niya. "I missed you, Kuya. Naiinis ako ngayon kasi may bumunggo sa aking tatanga-tangang pilot student kanina. Hindi man lang nag-abalang tulungan ako." sumbong niya. "Naiinis na nga ako sa matandang Prof namin, dinagdagan pa ng lalaking iyon. Makikita ko lang iyon ulit ipapasuntok ko talaga iyon sa mga bodyguards kong invisible." daldal niya pa. Para siyang baliw. Ang daldal niya kapag puntod ni Luke ang kaharap niya pero kapag nasa school siya, daig pa niya ang isang robot. Bansag nga niya doon ay 'The Walking bossy, mute Princess'. Para daw kasi siyang prinsesa na ayaw magsalita. Kung magsalita naman lagi pang nakasinghal o di kaya'y nang-uutos. Well, she has a brain. A body to die for and a face who launched a thousand ship. Mayaman at sikat ang pamilya. Pero kung papipiliin siya mas mabuti pang wala siya noon pero kumpleto silang pamilya. Nandito ang kuya Luke niya. Si Andrei at hindi na niya makikita ang Mommy at Daddy niya na malungkot kapag sasapit na ang birthday nilang tatlo. Hindi man ipinapakita ng mga ito sa kanila pero alam niyang hindi pa rin tanggap ng mga magulang niya ang nangyaring pagkamatay ni kuya Luke. Mayaman nga sila. Sobrang yaman pero wala namang nagawa 'yang kayamanan na iyan para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanila lalong-lalo na kay kuya Luke. Madaldal at masayahin pa rin sana si Andrei. Hindi sana ito aalis nang bansa at pipiliing doon mag-masteral sa Europe. Hindi masakit ang dibdib niya sa tuwing may okasyon ang pamilya niya at makikita niyang hindi sila kumpleto. "Alam mo ba, Kuya, na may gusto akong gawing kaibigan maliban kay Karenina?" Yes. She wants to be friend with Miss Sierrah Montreal. Mabait kasi ito at lagi siyang kinakausap kahit hindi naman niya ito sinasagot. Pareho din sila ng gusto, ang magiging neurosurgeon in the future. Araw-araw ay pipiliin nitong maupo sa tabi niya o di kaya'y sa kaniyang unahan para lagi nitong ikukuwento sa kaniya ang bunsong kapatid nitong nawawala raw kahit hindi niya ito kinakausap ay patuloy pa rin itong nagkukuwento. Ito lang din ang pipili sa kaniya at gusto siyang makasama kapag may group work silang gagawin. "Talaga? May napupusuan ka ng maging kaibigan mo sa medicine school?" Bigla siyang napabangon nang marinig niya ang boses ni Karenina. "Hey, kanina ka pa nandiyan?" tanong niya sa kaibigan, nang makita itong nakatayo malapit sa may pinto ng mausoleum. Tumango ito at naglakad palapit sa kanya. May bitbit itong isang basket na white roses. Kaagad naman nito iyong inilapag sa tabi ng puntod ng kanyang kapatid nang makalapit na ito. Pagkuwan ay naupo sa tabi niya. Napatingin siya sa kanyang wristwatch. Alas y sinco na pala. Kaya pala narito na ito. Araw-araw rin itong bumibisita rito pagkatapos ng trabaho nito. Tatambay din kagaya niya at magkukuwento ng kung anu-ano sa harap ng puntod ni kuya Luke. Hindi pa rin kasi ito naka-move on sa pag-ibig nito sa kapatid niya. Hayst! Sayang gustong-gusto pa naman sana niya na ito ang magiging asawa ng kuya Luke niya. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," basag nito sa katahimikan. Tiningnan niya ito. "M-Magagalit ka ba?" Nag-aalalang tanong niya sa kaibigan pero ngumiti lang ito at umiling-iling. "Why would I?" nakataas ang isang kilay nito. Ngumuso siya. "Hindi ako magagalit. Masaya nga ako at may napupusuan ka ng maging kaibigan mo, Addie." Bumuntonghininga siya at napayuko. "But I want you to know that you're my only best friend." Naramdaman niya ang pagyakap nito nang mahigpit sa kanya. "I know." Karenina whisper. Naluluhang niyakap niya ito pabalik. They promised to each other, through thick and thin they're still together as best friend. When she was weak Karenina was her strength. When she was sad, Karenina was there to make her happy. Marami na rin silang pinagdadaanan bilang magkaibigan. Days passed by and she and Sierah became friends. Hindi na sila mapaghiwalay sa isa’t isa. Kung nasaan siya ay naroon din ito, kung saan naman ito gusto ay sinasamahan din niya. Natoto na rin siyang makisama sa mga ibang friends pa nito. Dinala rin niya ito sa paboritong tambayan niya, ang mausoleum ng pamilya niya at ipinakilala niya ito sa kuya Luke niya bilang bago niyang kaibigan. But something happened to Sierah that made her heart shattered into pieces."DOC, bumalik na po ang heart rate ng pasyente." Saka lang nakahinga ng maluwang si Andrea Mikaela nang marinig iyon sa isa sa mga nurse na nag-assist sa kaniya sa loob ng operating room. She's currently operating the patient, para alisin ang brain tumor nito nang bigla na lang huminto ang heart rate nito. Kaya kinakailangan nila muna itong i-revived at pabalikin sa normal ang tibok ng puso nito bago niya ipagpapatuloy ang operasyon dito. And thank God, the woman’s heart rate came back. Hindi lang din naman siya ang nakahinga ng maluwag, pati na rin ang mga kasama niyang nasa loob ng operating room. After a couple of an hour, the operation was done, and it was successful. "Thank you so much, Dra. Del Rio," puno ng pasasalamat na sabi ni Mr. Gregorio Villanueva nang sabihin niya rito na successful ang operasyon ng asawa nitong si Mrs. Evangeline Villanueva. "She will be transferred at the recovery room, kung magtuloy-tuloy ang response ng kalusugan niya." "Thank you so much,
AFTER Andrea's encounter with Mr. Brixton Alessandro Sanford, the new investor of their company, she felt like she wants to see him again and talk to him despite with his attitude towards her. Hindi niya alam kung bakit iyon ang nararamdaman niya sa lalaking iyon. He's arrogant and very full of himself but why she felt like—she felt like she wanted to know him more. Kahit napaka-arogante nito, may bahagi pa rin ng puso niya na gusto niya itong makasama. Damn! Ano ba ang ibig sabihin nitong nararamdaman niya para sa lalaking iyon? Shit! Hindi siya pwedeng magkagusto sa lalaking iyon! This is absurd! "Okay lang po ba kayo, Dra. Del Rio?" Napakurap siya at nilingon niya ang katabi na si Dra. Venice. Pero ininguso lang nito ang mga kasamahan nilang doctor. Kaagad namang natuon ang pansin niya sa mga kasama niyang doctor sa loob ng meeting room. They had a meeting regarding the decreasing stock of medicines inside the hospital. At kailangan nila iyong masolusyunan bago pa man maub
ANDREA was seating quietly in front of a large, triangular shaped conference table. Nakikinig lang siya sa mga board of directors na kanina pa naghahayag ng kanilang mga opinion at suggestions patungkol sa crisis na kinakaharap ngayon ng hospital. Ang lolo Alexander naman niya ay tahimik lang din na nakikinig sa mga ito. Pero hindi rin nagtagal ang pananahimik nito at nagsalita na rin. “This hospital remains as it is no matter what.” Natahimik ang lahat ng mga board members sa pinalidad ng boses ng kaniyang abuelo. Lalo na sina Dr. Villa at Dra. Seraspi na kanina pa iginigiit ang kagustuhang ibalik ang DRMC sa dating estado nito. Nasa Italy ang abuelo kasama ni lola Annaliese para magbakasyon. Nakasanayan na kasi ng mga ito na tuwing wedding anniversary ng mga ito ay umuuwi talaga ang lolo Alexander niya sa bansa kung saan ito ipinanganak. Pero dahil tinawagan ito ni Dra. Seraspi tungkol sa problema ng hospital kaya heto ito ngayon sa harap nila. Hindi man lang pinalipas ng i
NANG HUMINTO ang sasakyan ni Andrea Mikaela sa tapat ng sampung palapag na building ng Montreal Pharmaceuticals ay agad niyang tinanggal ang kaniyang seatbelt at bumaba ng sasakyan. Bitbit ang kaniyang shoulder bag ay taas noo siyang naglakad papunta sa entrada ng building. Agad namang binuksan ng guard ang double glass door pagkatapat niya roon. "Good morning, Ma'am." bati nito sa kaniya. Isang tango lang ang isinagot niya sa guwardiya at tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya patungo sa may receptionist area. The whole area was very spacious. Sa tantiya niya ay nasa limang hektarya ang sinakop ng buong building, and it was made of transparent thick glass. Iniisip tuloy niya na baka obsess sa salamin si Mr. Yohan Everette Montreal. Andrea couldn't help but smirk at her thought. “Good morning, Ma’am. How may I help you?” The girl in the receptionist area asked her, nang huminto siya sa tapat n'yon. “I’m Dra. Andrea Mikaela Del Rio,” pagpapakilala niya. “And I have an appoin
“Good morning, Doc. Pinapatawag po kayo ng lolo niyo sa kaniyang opisina.” Agad na bungad ng sekretarya ni Andrea, pagkapasok niya sa kaniyang clinic. Napatingin siya sa kaniyang pambisig na relo. Its 10:30 in the morning. Alam ng lolo niya na male-late siya ng kaunti sa pagpasok ng hospital dahil sa meeting niya sa CEO ng Montreal Pharmaceutical na hindi na naman natuloy. Kumuyom ang kamao niya at nalukot ang noo. Masama pa rin ang loob niya sa nangyaring pagkansela na naman ni Mr. Montreal sa meeting nila. That was the second time. Damn, him! “Okay lang po ba kayo, Doktora?” Muli siyang napatingin kay Lirah. Kita niya sa mukha nito ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya. Siguro dahil sa nakikita nitong hindi maipinta ang hitsura niya. Tumango lang siya at pumasok sa isa pang silid kung saan niya kinakausap ang kaniyang mga pasyente. Inilapag niya ang bag sa kaniyang upuan. Kinuha niya ang kaniyang phone saka lumabas ulit ng clinic para puntahan ang Abuelo sa opisi
LIHIM na pinagmamasdan ni Andrea si Lorelei. The woman was stunningly beautiful in her royal blue cocktail dress. Ayaw man niyang aminin pero maganda ang babae. Hindi talaga niya masisisi si Andrei kung nabaliw ito noon sa babae. She looks innocent and pure. Of course, sa mga taong hindi ito lubusang kilala. Because behind that innocent face was an evil woman that hurt her brother. Hindi man niya alam ang buong kuwento ng mga ito pero alam niya na ito ang dahilan kaya naaksidente noon si Andrei sa Prague. “Stop murdering her in your thought, Addie.” Bulong na saway sa kaniya ni Karenina. Ngunit hindi pa rin siya natinag. Nakatitig pa rin siya sa babae. “How I wished my eyes could throw a dagger,” pabulong din niyang sabi kay Karenina. Suminghap si Karenina na ikinalingon naman ni Miss Navarre sa kanila. Malamig na sinalubong naman niya ang mga mata nito. Hindi rin ito nakatagal at iniwas din agad sa kaniya ang mga mata. But there’s something in her. Hindi lang niya matukoy kung a
NAG-IGTING ang bagang ng lalaking halos perpekto sa pagkakaukit. Ang magkasalubong nitong kilay ay nadedepina ng kulay itim at malalim nitong mga mata.“Are you okay?” tanong nito.Napakurap si Andrea. Naitulak niya ito at agad na inayos ang sarili. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at nanlalambot pa ang mga tuhod niya.“Y-Yeah. Thank you.” Damn, for stuttering!Hindi pinahalata ang pagkataranta ay mabilis siyang naglakad pabalik sa loob ng building.She was tense as fuck. Hindi niya alam kung sa takot niya na muntik na siyang maatrasan ng sasakyan o sa hawak ng estrangherong lalaking iyon. Pero ramdam niyang may iba pa sa takot na iyon. At alam niya kung ano iyon. She is physically attracted to that man!She vividly recalls the spark that surged through her when she collided with the man's sturdy chest.Sh*t. Pakiramdam niya nanuyo ang lalamunan niya. Kaya nang may makasalubong siyang waiter na may dalang wine ay agad siyang kumuha ng isang glass at inisang lagok ang laman n’yon.Pe
MABILIS na umalis si Andrea sa gitna ng dance floor. Nanggigil na iniwan niya roon ang lalaki. Hindi na niya makita si Reichel kaya bumalik na lang muna siya sa bar counter. Naupo siya sa high stool at nag-order ng tequila.Nang mailapag ng bartender ang order niya ay agad niyang inubos iyon at muling nag-order. Damn it. Ginawa na nga niya lahat para lang makalimutan ang estrangherong lalaking iyon, pero ayon at nilapitan na naman siya ulit."One glass of whiskey,"She gasped when she heard the man's deep baritone voice requesting a glass of whiskey. Shit. Hindi ba talaga siya nito titigilan sa paglapit?Hindi siya umimik at pinanatili ang mga mata sa kaniyang inuming kalalapag lang ulit ng lalaking bartender. Pero sa gilid ng kaniyang mga mata, nakita niyang naupo ang lalaki sa katabing stool kung saan siya nakaupo."Are you stalking me?" Hindi na niya napigilan ang sariling tanong dito. Humarap siya rito at mariin itong tinititigan. Trying to intimidate him, but it seems he is not
"Let go of me!"Mahina pero madiing sabi ni Andrea, habang pilit na hinihila niya ang kaniyang braso mula kay Theon. Kahit ang dalawang guwardya na nakatayo sa may exit ng ospital, hindi nakapagsalita nang masamang tingnan ito ni Theon. Para pa ngang takot ang mga ito sa lalaki dahil agad din na gumilid para makadaan sila.Pero nang maisip niya na si Theon na ang magiging director ng ospital na ito sa mga susunod na araw, mas lalo pa siyang pinanghinaan ng loob. Huminto lang si Theon sa paghila sa kaniya nang tuluyan na silang makalabas ng hospital at hinintay ang pagdating ng sasakyan nito na kinukuha ng valet. Pero hindi pa rin nito binibitiwan ang braso niya."Hindi ako sasama, sa 'yo. Bitiwan mo na ako!" piglas niya. Ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakapit ng kamay nito sa braso niya na pakiramdamdam niya mag-iiwan iyon ng marka sa balat niya.Nang huminto sa harap nila ang sasakyan nito, agad itong bumaba sa dalawang baitang na hagdanan bago pa man makaapak sa lupa habang
ANDREA'S anxiously going back and forth in front of the emergency room. Pabalik-balik siya sa pag-upo at tayo. Gano'n din si Mhie. Panay rin ang pagparoo't parito nito habang hinintay nila ang paglabas ng doktor na umasikaso kay Dhie sa loob. Her brother, Lucas, was just standing near the emergency room door with his stoic face, but she knows he is worried too. She never saw this coming. After Andrei's, nakalimutan na niya ang ganitong pakiramdam. Ang kaba na hindi niya mawari, ang takot na baka lumabas na wala ng buhay ang kaniyang ama d'yan sa loob ng emergency room. "God, please... save my father," she murmured. "I know I am not a good daughter to my parents. What happened to my father now was entirely my fault, so, please, save him." Dhie can't do this to them. No, not yet, not tomorrow or the other years. Kung may dapat mang parusahan, siya iyon. Dahil siya naman ang dahilan kung bakit nawala sa kanila ang kompanya. Nahinto siya sa pagparoo't parito at agad na napahawak sa ka
TAHIMIK ang Mommy niya habang lulan sila ng sasakyan papunta sa kompanya. Her lolo Alexander Del Rio called. Kailangan daw nilang pumunta sa Impero dahil nagpatawag ng meeting si Mr. Sanford sa lahat ng stockholders and shareholders. Hindi rin naman siya nagulat pa, dahil nasabihan na siya ni Mhie na baka magpatawag ng urgent meeting si Dhie.Pero mukhang hindi na makapaghintay ang traydor na si Mr. Sanford kaya ito na ang gumawa n'yon. Pero alam niyang hindi iyon ang dahilan kung bakit kibuin-dili siya ng kaniyang ina. Wala pa itong ideya sa kung ano man ang ginawa ni Mr. Sanford. Kaya may pakiramdam siya na may kinalaman iyon sa pagtawag ni Mrs. Montenegro dito kanina. "Mhie-" "Was it true?" Mhie asked her coldly. Ang mga mata ay nasa harap lang nito nakapirmi. Fear welled in her stomach when she realized that it could be either about her wedding or the company shares she sold to her husband. "True... what po?" Nanginig pa ang mga labi niya. "That you and Theon got married i
WHEN the traffic light turned red, Andrea stopped her car in the middle of the EDSA highway. Humigpit ang hawak niya sa manibela, walang pakialam kahit namuti na ang knuckles ng mga daliri niya sa sobrang higpit."Ahhh!"She shouted her anger and disappointment to herself. Sa matinding galit at pagkabigo na nararamdaman para sa sarili, nahampas niya ng nakakumo niyang mga kamay ang manibela ng sasakayan."Bakit ang tanga ko..." she muttered, as tears rolled down her cheeks.She fucking fell into his trap.Damn it! Muli niyang nahampas ang manibela ng sasakyan at isinubsob ang mukha roon.Namatay ang kuya Luke niya dahil sa katigasan ng ulo niya. Ngayon naman, nilagay niya na naman sa alanganin ang kompanya ni Dhie at ang hospital...But no… she shook her head. Hindi siya makapapayag na tuluyang magtagumpay ang mga ito sa masama nitong balak sa pamilya niya at makuha ang kompanyang pinaghirapang palaguin ng mga ninuno niya.Napa-angat ang tingin niya nang tumunog ang cell phone niya na
"Wala po si Sir Logan sa kanyang opisina ngayon, Doktora. Hindi po siya pumasok," ani ng sekretarya ni Mr. Yohan Montreal."Then tell me where he is now." Andrea demanded.Hindi pa rin humuhupa ang galit niya kay Theon. Paanong nagawa nito iyon sa kanila?Umiling si Miss Madrigal. "Hindi ko po alam, Dok—""Where's your boss then?" Tukoy niya kay Yohan Montreal."Nasa loob ng opisina niya, Dok. Pero bawal po siyang disturbuhin—"Nahinto ito sa pagsasalita nang bumukas ang pinto ng opisina ni Yohan Montreal at lumabas doon ang lalaki, kasunod ang dalawa pang lalaki, na mukhang kasing edad lang din ni Yohan Montreal at parehong naka-corporate attire.Nang makita siya ni Yohan ay agad itong lumapit sa kinaroroonan niya. Bahagya namang gumilid si Miss Madrigal para bigyan ng espasyo ang boss nito.“Andrea,” bati nito sa kaniya, nang tuluyan na itong nakalapit. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong nito.She gritted her teeth. Mas lalo lang siyang nakaramdam nang galit. Did this man also know wh
THEON'S private chopper landed at the helipad at the top of Montreal Tower. Andrea noticed five males in black uniform promptly approaching the private chopper. Maybe they are staff here. Tinanggal niya ang suot niyang headphone at seatbelt. Nang buksan ng isang staff ang pinto sa gilid niya ay agad din siyang lumabas. Gano'n din si Theon na nasa tabi ng piloto, matapos pagbuksan din ng isa pang staff ang pinto sa gilid nito. Naramdaman niya agad ang lamig ng panggabing hangin sa balat niya nang tuluyan ng lumapat ang mga paa niya sa sahig. Nilingon niya si Theon. Kausap na nito ang piloto nito. Mukhang may ibinilin lang ito sa piloto base na rin sa panay na pagtango ng lalaki habang nakikinig sa mga sinasabi ni Theon dito. Huminga siya nang malalim at tumingala. Kita niya ang maraming bituing nagkikislapan sa langit, ang malaki at bilog na buwan na nagsisilbing ilaw rito sa buong rooftop. There are installed lights surround the area, but it seems they were intentionally left off
THE JUDGE started the wedding ceremony. Halos hindi na si Andrea humihinga. She felt nervous and a bit of fear. She didn't know what that fear was for. Tiningnan niya si Theon para basahin ang iniisip nito. But as usual, his eyes were cold and she couldn't see any emotion in them. Nang banggitin ng Judge na maaari na silang magpalitan ng singsing, may kinuha si Theon sa bulsa ng suot nitong pantalon na wedding bands. Isinuot nito sa daliri niya ang isang gold ring na may nakapalibot na limang diamonds. Manghang napatitig naman siya sa singsing. Hindi siya maalam sa mga alahas pero alam niyang mamahalin ang singsing na binili nito. Hindi rin niya in-expect na magkapagbigay ito ng singsing sa kaniya. Knowing that this is a shutgun wedding. May ibinigay rin ito sa kaniya na singsing. It's a plain gold wedding ring. Isinuot naman niya iyon sa palasingsingan nito. "You can kiss her now, hijo." Nakangiting sabi ng Judge kay Theon. Theon framed her face in his hands and claimed her lip
WHEN Andrea woke up the next morning, she was immediately nervous about what would happen this afternoon. She wished her best friend was here.She had tried calling Karenina several times last night, but she couldn't reach her.Gusto sana niya itong papupuntahin dito. Para may mapagsasabihan naman siya sa mga nangyayari sa buhay niya. Sa sitwasyong kinasusuungan niya. Pero kung kailan naman niya ito kailangan, saka naman ito hindi niya matawagan.Nagtataka rin siya at ilang araw na rin itong hindi tumawag sa kaniya. Imposible rin na hindi nito nabalitaan ang nangyari sa kaniya. Kaya ang tampong nararamdaman niya para sa matalik na kaibigan ay kaagad ding napalitan ng pag-aalala.Inabot niya ang phone niya na nasa ibabaw ng bedside drawer at muli niyang tinawagan ang numero ni Karenina. Ngunit katulad ng mga nauna niyang tawag dito ay puro babaeng operator pa rin ang nagsasalita sa kabilang linya.She sighed and dialled her number again. Pero operator ulit ang nagsasalita.Nagtipa siya
HABANG nakikipag-usap si Theon sa lola ni Andrea, nakatuon lamang ang kanyang tingin sa lalaki. Hindi pa rin siya makapaniwala sa biglaang pagdating nito.Sa nangyaring sagutan nila kanina, sa galit na nakikita niya sa mga mata nito, kumbinsido na siyang siya talaga ang gagawa ng paraan para lang mapilit niya itong pakasal sa kaniya. Kaya nakagugulat na bigla na lang itong dumating at pumayag na magpakasal silang dalawa. O baka may gusto na naman itong hilinging kapalit kaya biglang nagbago ang isip nito.Bumukas ang front door ng villa at lumabas si Tita Evangeline. Pero agad din itong natigilan nang makita si Theon na kausap pa rin ang lola niya. Hindi rin yata makapaniwala na nandito ang anak, at kinausap ang lola niya.Nang makabawi sa pagkabigla ay agad na lumapit sa kaniya ang ginang.“He is here…” manghang sambit nito.Hindi naman niya alam kung ano ang isasagot dahil hindi rin niya alam kung bakit biglang nagbago ang isip ni Theon kaya tumango na lang siya.Nang makitang tapos