NANG HUMINTO ang sasakyan ni Andrea Mikaela sa tapat ng sampung palapag na building ng Montreal Pharmaceuticals ay agad niyang tinanggal ang kaniyang seatbelt at bumaba ng sasakyan.
Bitbit ang kaniyang shoulder bag ay taas noo siyang naglakad papunta sa entrada ng building. Agad namang binuksan ng guard ang double glass door pagkatapat niya roon. "Good morning, Ma'am." bati nito sa kaniya. Isang tango lang ang isinagot niya sa guwardiya at tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya patungo sa may receptionist area. The whole area was very spacious. Sa tantiya niya ay nasa limang hektarya ang sinakop ng buong building, and it was made of transparent thick glass. Iniisip tuloy niya na baka obsess sa salamin si Mr. Yohan Everette Montreal. Andrea couldn't help but smirk at her thought. “Good morning, Ma’am. How may I help you?” The girl in the receptionist area asked her, nang huminto siya sa tapat n'yon. “I’m Dra. Andrea Mikaela Del Rio,” pagpapakilala niya. “And I have an appointment meeting with the CEO at exactly 9 o’clock in the morning.” dugtong niya pa. Tumango naman ang babae at agad na may tinipa ito sa computer na nasa harap nito. “Okay, Doc, the CEO’s office was on the 10th floor.” Sabi ng babaeng receptionist. May pinindot itong number sa intercom, pagkuwan ay kausap na nito ang secretary ng CEO. “Miss Madrigal, Dra. Del Rio is already here at the ground floor.” Nakita niya pang tumango-tango ito habang nakikinig sa sinasabi ng kausap nito sa kabilang linya. "Noted, Miss." Muling sabi nito, pagkatapos ay pinindot ulit ang intercom at humarap ulit sa kaniya. “Doc, Miss Madrigal will be expecting you at the CEO’s office.” “Thank you.” Pasalamat niya at naglakad na patungo sa may lift. Nang nasa tapat na siya ng elevator ay nakita niya ang pulang led arrow sa may gilid na nangangahulugan na pababa na ang lift kaya naghintay muna siya saglit. Pero isang minuto na lang ang lumipas pero hindi pa rin tuluyang nakababa ang lift at nagsimula na siyang mainip. Tumingin siya sa suot niyang wristwatch at ilang minuto na lang din ang natira bago mag-alas nuwebe ng umaga. She hates to be a latecomer. That couldn't be a better impression. Not that she wants to impress the CEO of this big pharmacy, but she wants his yes to her proposal, kaya dapat lang na hindi niya ito paghihintayin. That's unprofessional too! “C’mon…” mahinang sambit niya habang nakatingala sa lift na nasa itaas pa rin. It was a circular glass lift, kaya kitang-kita niya kung saang palapag na iyon. Huminga siya ng malalim at panay ang tingin niya sa pambisig niyang relo. She almost lost her patience when she heard the girl in the receptionist area greeted at someone. "Good morning, Sir." "Good morning." A man with a deep voice greeted back and it sends chills on her system. Mabilis ang ginawang paglingon niya kung saan iyong boses na iyon. Isang matangkad na lalaki na parang haring naglakad sa may hallway ang nakita niya at patungo ito sa kung saan siya nakatayo. Nakita pa niya kung paano ito sinundan ng tingin ng babaeng receptionist at nakita rin niya sa mukha ng babae ang sobrang paghanga sa lalaki. The man was wearing a black leather jacket with a black V-neck t-shirt inside and was tucked in his jeans with a black belt. Nakasuot din ito ng aviator kaya hindi niya alam kung sa kaniya ba ito nakatingin o sa dinadaanan nito. The man's hair was unruly, and some strands fell to his forehead, but it made him more attractive. Attractive? What the heck is she thinking? Napakurap siya at agad na iniwas ang tingin sa lalaki at itinuon na lang niya ang paningin sa elevator na na-stock na yata sa itaas. Pero agad din niyang nahigit ang kaniyang hininga nang masamyo niya ang pabango ng lalaki nang dumaan ito sa likuran niya. His manly scent was sent shiver down to her spine. Sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niyang huminto ito sa tapat ng isa pang lift. Narinig niyang bumukas ang elevator sa tapat nito kaya agad siyang napalingon dito. Pumasok ang lalaki sa loob. Nang tingnan niya ang elevator sa harap niya ay hindi pa rin ito gumagalaw kaya mabilis siyang naglakad papunta sa kabilang elevator kung saan pumasok ang lalaki. “Sandali!” pigil niya nang akmang pipindutin na sana nito ang elevator button para sumara. Mabilis siyang naglakad at agad na pumasok sa loob ng lift. “Damn! May elevator naman pala rito. Bakit pa ako naghintay sa pesteng lift na iyon na ang tagal bago bumaba?” Naiinis na litanya niya habang inaayos niya ang sarili dahil pakiramdam niya ay nangarag na siya. “Which floor are you going to, Miss?” tanong ng lalaki sa kaniya. Napaigtad pa siya at bahagyang napalayo nang tumama sa likod ng leeg niya ang mainit nitong hininga. Kinikilabutan siya at agad na dumadagundong sa kaba ang puso niya. Napalunok siya. She has this phobia, sa mga estranghero lalo pa at silang dalawa lang ang narito sa loob ng elevator. She has developed this anxiety disorder when she and her siblings were kidnapped when they were five years old. Nagawa rin naman niyang labanan lalo na at madalas na humaharap siya sa mga estrangherong pasyente ng hospital. But this time she felt it again with this stranger. Siguro dahil sila lang dalawa ang nandito sa loob ng elevator. Malalim na bumuntong-hininga siya. “Ako na,” aniya. Nagpasalamat na lang siya at hindi nanginig boses niya. Pero kabaliktaran naman sa kamay niyang nanginginig na pinindot ang floor number kung saan siya pupunta. Pasimple rin siyang lumayo sa lalaki ng ilang sentimetro. Halos pigilan na rin niya ang sarili sa paghinga para matigil ang malakas na kabog ng puso niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nanalangin na sana makarating na siya sa palapag kung saan ang opisina ng CEO. Nagsisisi talaga siya kung bakit pa siya sumabay rito. Sana naghintay na lang siya. Kinuyom niya ang dalawang kamay at mariin niya iyong pinisil-pisil para matigil ang panginginig. Nagsimula na ring manlamig ang katawan niya at pinagpapawisan ang kaniyang noo. Sh*t! Sana naghintay na lang talaga siya kung kailan bababa iyong lift na unang pinaghintayan niya kanina. Bakit ba kasi hindi niya naisip na lalaki itong kasabay niya at sila lang din na dalawa? “You’re going to CEO’s office?” tanong ng lalaki. Mahinang napasinghap siya at naimulat ang mga mata. Kumunot ang noo niya at nanatili lang ang tingin niya sa harap niya. Hindi niya alam kung sasagutin ito o hindi. Hindi naman niya ito kilala, so why bothered answering him? “Sorry, hindi ka ba nakakaintindi ng English?” tanong nito ulit. Mas lalong kumunot ang noo niya at naniningkit ang mga matang nilingon na niya ito. Matangkad na siya sa kaniyang taas na 5 feet and 6 inches pero mas matangkad ito kaya kailangan pa niyang tumingala para makita niya ang mukha ng lalaki. Pero agad din siyang napasinghap nang makasalubong niya ang mga mata nito. Tinanggal na kasi nito ang suot nitong aviator. His eyes are so deep-set that his eyelashes touch the skin under his thick eyebrows. They were dark, dreaming, sleeping, waiting for color. Shit! Why the hell she's complimenting this man's eyes? But he looks familiar most especially his eyes. Parang nakita na niya ito noon, hindi lang siya sure kung saan. Ipinilig niya ang ulo at pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Excuse me?” mataray niyang tanong rito. Pinagtaasan pa niya ito ng isang kilay. His mouth formed an O shaped, then he chuckled lowly. Mas lalong naningkit ang mga mata niyang nakatingin sa lalaki. "I thought—" “You thought what? Na isa akong bobo at hindi makaintindi ng tagalog, yeah.” Putol niya sa sinabi ng aroganteng lalaki. But he just smirked. Nagtagis ang mga ngipin niyang agad na lang niyang iniwas ang tingin dito. This man reminds her of Mr. Brixton Alessandro Sanford. Arrogant and so full of himself. At baka nga mas malala pa ang lalaking ‘to sa lalaking ‘yon. Pero kumpara sa lalaking ‘to, kaya niyang salubungin sa mga mata si Mr. Sanford. Nang marinig niya ang pagtunog ng elevator ay halos umusal siya ng pasasalamat. Nang bumukas ang pinto ay kaagad siyang humakbang palabas. Gano’n din ang lalaki at ramdam pa niya ang pagsunod nito sa kaniya. “Ate,” Natigilan si Andrea at bahagya pang namilog ang mga mata. What did he call her? Ate? Mukha ba siyang Ate sa paningin nito? Annoyed, she turned her back to face him again. Pero muntik na siyang bumunggo sa dibdib nito kung hindi lang kaagad niya natukod ang dalawang palad sa malapad nitong dibdib. “Shit!” malutong niyang mura at mabilis na inalis niya ang dalawang palad na nakalapat sa dibdib nito. “Sinusundan mo ba ako, ha? At ano iyong itinawag mo sa akin? Ate? Mukha ba akong Ate?” talak niya sa lalaki. Kumunot ang noo ng lalaki. Pero agad din siyang natigilan nang makitang hawak nito sa kanang kamay nito ang phone at nakadikit iyon sa tainga nito. “Okay. Nah, I just want to talk to him for some matters, so I thought he will be here today. Anyway, thanks for calling me, Ate Liv.” Shit! Hindi siya ang sinabihan nitong Ate! Sa sobrang kahihiyan ay mabilis niya itong tinalikuran at tinahak niya ang kaliwang hallway pero tinawag siya ng lalaki. Pero hindi na niya ito nilingon at patuloy lang siyang naglakad. "Miss, wait!" malakas na ang boses na pigil nito sa kaniya. Huminto siya. Matalim ang mga matang nilingon niya ito. "Ano ba'ng problema mo, ha?!" Naiinis na talagang tanong niya sa lalaki. Nakakunot ng noo nito. Nakita pa niya ang paggalaw ng panga nito. Hindi yata nagustuhan ang pagtaas ng boses niya. Kahit siya, ay hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit ganito na lang siya kainis dito. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong inis. Or maybe because, pinagkamalan talaga siya nitong bobo kanina. Sa hitsura niyang ito, bobo pa rin ang tingin nito sa kaniya? Yes, she’s cold-hearted at madalas na wala siyang pake sa mga estrangherong katulad nito. Pero ni minsan ay hindi pa siya napagkamalang bobo, until this stranger in front of her— “The CEO can’t come—" Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang may babaeng biglang sumulpot sa harap nila. The woman was wearing a black coat and a white long sleeve as an inner. It was tucked in with a black pencil cut skirt and a black stiletto. Maganda ang babae at sa tingin niya ay hindi nalalayo ang edad nilang dalawa. Ito yata si Miss Madrigal, ang sekretarya ni Mr. Montreal. "Good morning, Sir Logan.” Bati nito sa lalaki na Logan pala ang pangalan. Ang mga mata ng babae ay nakapirmi lang sa mukha ng lalaking kaharap. Mukhang aligaga pa ito at tila nagkaroon ng tension sa katawan. “Ah, Sir. Your b—” “I know.” Putol kaagad ng lalaki sa sasabihin pa sana ni Miss Madrigal. “Ate Olivia called me a while ago.” sabi pa nito, pagkatapos ay binalingan siya. Saka lang din siya napansin ni Miss Madrigal. “Dra. Del Rio?” gulat pa nitong sambit. “Ahm, Doktora, Mr. Montreal—" muling naputol ang pagsasalita nito nang tumunog ulit ang phone ng lalaki. “Excuse me.” anito, saka naglakad pabalik sa lift kung saan sila nanggaling kanina. Tila may magnet naman na humatak sa kaniya para sundan ng tingin ang lalaki. Gano’n din si Miss Madrigal. Nang tuluyan nang makapasok ang lalaki sa loob ng lift at humarap ito sa pinto. She sucked her breath when he looked up at her and their eyes met again. Her heart beats erratically too. Nasa tainga pa rin ang phone nito at tila nakikinig lang sa kausap nito sa kabilang linya. Then the elevator door closed. Napalunok siya. Napahawak pa siya sa tapat ng dibdib niya sa sobrang pagkabog n’yon na tila tumakbo siya ng milya-milya. Damn! What was that? “I’m sorry, Dra. Del Rio for the short notice but the CEO can’t make it today.” Napatingin siya kay Miss Madrigal na ngayon ay muli ng nakaharap sa kaniya. “Pardon?” “Hindi po makakarating si Mr. Montreal, Doc. Tumawag po siya kanina. He postponed the meeting and he said he will personally call you if he already finished studying the proposal you sent to him.” “Again.” She said with gritted teeth. Hindi na rin niya maitago ang pagdilim ng hitsura niya. "Then bakit niyo pa ako pinapaakyat dito kung hindi rin naman pala siya makakarating?" "Ngayon lang kasi siya tumawag, Doc. I'm sorry." sagot ni Miss Madrigal sa kaniya. She looks so sorry for her. Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. Hindi naman niya puwedeng ibunton dito ang inis niya sa unprofessional nitong boss. “Tell him, he’s wasting my time. He’s unprofessional.” Naiiritang sabi niya. Napakurap ito saka napangiwi. “I have to go.” Paalam niya at tuluyan ng umalis.“Good morning, Doc. Pinapatawag po kayo ng lolo niyo sa kaniyang opisina.” Agad na bungad ng sekretarya ni Andrea, pagkapasok niya sa kaniyang clinic. Napatingin siya sa kaniyang pambisig na relo. Its 10:30 in the morning. Alam ng lolo niya na male-late siya ng kaunti sa pagpasok ng hospital dahil sa meeting niya sa CEO ng Montreal Pharmaceutical na hindi na naman natuloy. Kumuyom ang kamao niya at nalukot ang noo. Masama pa rin ang loob niya sa nangyaring pagkansela na naman ni Mr. Montreal sa meeting nila. That was the second time. Damn, him! “Okay lang po ba kayo, Doktora?” Muli siyang napatingin kay Lirah. Kita niya sa mukha nito ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya. Siguro dahil sa nakikita nitong hindi maipinta ang hitsura niya. Tumango lang siya at pumasok sa isa pang silid kung saan niya kinakausap ang kaniyang mga pasyente. Inilapag niya ang bag sa kaniyang upuan. Kinuha niya ang kaniyang phone saka lumabas ulit ng clinic para puntahan ang Abuelo sa opisi
LIHIM na pinagmamasdan ni Andrea si Lorelei. The woman was stunningly beautiful in her royal blue cocktail dress. Ayaw man niyang aminin pero maganda ang babae. Hindi talaga niya masisisi si Andrei kung nabaliw ito noon sa babae. She looks innocent and pure. Of course, sa mga taong hindi ito lubusang kilala. Because behind that innocent face was an evil woman that hurt her brother. Hindi man niya alam ang buong kuwento ng mga ito pero alam niya na ito ang dahilan kaya naaksidente noon si Andrei sa Prague. “Stop murdering her in your thought, Addie.” Bulong na saway sa kaniya ni Karenina. Ngunit hindi pa rin siya natinag. Nakatitig pa rin siya sa babae. “How I wished my eyes could throw a dagger,” pabulong din niyang sabi kay Karenina. Suminghap si Karenina na ikinalingon naman ni Miss Navarre sa kanila. Malamig na sinalubong naman niya ang mga mata nito. Hindi rin ito nakatagal at iniwas din agad sa kaniya ang mga mata. But there’s something in her. Hindi lang niya matukoy kung a
NAG-IGTING ang bagang ng lalaking halos perpekto sa pagkakaukit. Ang magkasalubong nitong kilay ay nadedepina ng kulay itim at malalim nitong mga mata.“Are you okay?” tanong nito.Napakurap si Andrea. Naitulak niya ito at agad na inayos ang sarili. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at nanlalambot pa ang mga tuhod niya.“Y-Yeah. Thank you.” Damn, for stuttering!Hindi pinahalata ang pagkataranta ay mabilis siyang naglakad pabalik sa loob ng building.She was tense as fuck. Hindi niya alam kung sa takot niya na muntik na siyang maatrasan ng sasakyan o sa hawak ng estrangherong lalaking iyon. Pero ramdam niyang may iba pa sa takot na iyon. At alam niya kung ano iyon. She is physically attracted to that man!She vividly recalls the spark that surged through her when she collided with the man's sturdy chest.Sh*t. Pakiramdam niya nanuyo ang lalamunan niya. Kaya nang may makasalubong siyang waiter na may dalang wine ay agad siyang kumuha ng isang glass at inisang lagok ang laman n’yon.Pe
MABILIS na umalis si Andrea sa gitna ng dance floor. Nanggigil na iniwan niya roon ang lalaki. Hindi na niya makita si Reichel kaya bumalik na lang muna siya sa bar counter. Naupo siya sa high stool at nag-order ng tequila.Nang mailapag ng bartender ang order niya ay agad niyang inubos iyon at muling nag-order. Damn it. Ginawa na nga niya lahat para lang makalimutan ang estrangherong lalaking iyon, pero ayon at nilapitan na naman siya ulit."One glass of whiskey,"She gasped when she heard the man's deep baritone voice requesting a glass of whiskey. Shit. Hindi ba talaga siya nito titigilan sa paglapit?Hindi siya umimik at pinanatili ang mga mata sa kaniyang inuming kalalapag lang ulit ng lalaking bartender. Pero sa gilid ng kaniyang mga mata, nakita niyang naupo ang lalaki sa katabing stool kung saan siya nakaupo."Are you stalking me?" Hindi na niya napigilan ang sariling tanong dito. Humarap siya rito at mariin itong tinititigan. Trying to intimidate him, but it seems he is not
ANDREA woke up in a small room. Tila rin may mabigat na sementong nakapatong sa kaniyang ulo. Marahas niyang idinilat ang mga mata pero mabilis din niyang pinagsisihan dahil sa pagsalakay sa kaniya ng liwanag.Agad niyang nasapo ang kaniyang noo. Fucking hang over!Tumihaya siya at inisip kung paano mawawala iyon pero bago pa man siya makapag-isip ng matino ay muling bumalik sa kaniya ang lahat ng nangyari kagabi.She's aching all over most especially in between her thighs.Muli siyang napapikit ng mariin. She remembers they were kissing hard, she asked him to fuck her, then the rest… wala na siyang naaalala, kung paano siya nadala ni Theon dito, kung paano...shit. At nakasisiguro siya na may nangyari sa kanila ng lalaki.Umahon siya at naupo pero muntik na siyang mapahiyaw nang maramdaman ang sakit sa pagitan ng mga hita niya.Damn it!She eyed the small bed where she was. Napansin din niya na bukod sa maliit na nightstand sa gilid nitong maliit na kama ay wala na siyang iba pang gami
MONDAY morning, Andrea received a call from her grandfather. Sinabi nitong dumiretso siya sa Montreal Pharmaceuticals building.Ang lolo Alexander niya ang tinawagan ng kaniyang sekretarya nang hindi siya makontak ng babae upang ipaalam na tumawag si Miss Madrigal at ipinaalam na nag-set na ng meeting si Mr. Montreal.Buong araw siyang tulog kahapon nang makauwi siya ng mansion. Hindi rin niya napansin na nawalan na ng baterya ang cell phone niya kaya hindi siya makontak ng secretary niya.Napatingin siya sa suot niyang relo. It's 7:45 AM. Alas otso ang sinet na meeting ni Mr. Montreal."I'll be there, Lo," aniya, habang nagmamadaling bumaba ng hagdanan. "Addie, slow down. Why the hurry?" Narinig niyang saway sa kaniya ng ina. Natigil siya sa may paanan ng hagdanan at nilingon ito sa may sala. Nakaupo ito sa couch katabi si Dhie. Sa harap ng mga ito ay dalawang tasa na nasa ibabaw ng center table. Tumayo ang Mommy niya at nilapitan siya."I'll hang up now, Lo," paalam niya sa abuel
“Congratulations, Mrs. Villanueva,” bati ni Andrea sa ginang, nang makita niya ang MRI brain test results nito matapos ang operasyon nito. And so far, wala siyang komplikasyon na nakikita.Nasabi na rin naman iyon sa kaniya ng radiologist at ni Dra. Venice, na isa sa mga neurologist dito bago pa man niya nakita ang MRI test result ng ginang. Na cleared na ito at maaaring magtuloy-tuloy na ang recovery nito. But of course, she needs to check it herself.“Oh, God, thank you.” Mangiyak-ngiyak nitong sambit.Niyakap naman ito ng asawa nito na masaya rin mula sa narinig sa kaniya."However, it's important that you still visit your family doctor from time to time to monitor your health, Mrs. Villanueva. And don't forget to take your medication for the surgical wound. Additionally, you must be mindful of your diet and know what to eat and what to avoid, 'kay?" “Yes, Doc. Thank you.”“You’re welcome, Mrs. Villanueva,”“Oh, dear, call me Tita Evangeline.”Hindi na siya nagsalita pa at tumango
NAG-HALF Day si Andrea sa trabaho. Nagbilin lang siya sa kaniyang sekretarya na pababalikin na lang sa Lunes nang umaga, kung sakaling may mga pasyente pa rin na pupunta at bigyan na lang muna ng appointment schedule."Noted, Doc." Dinampot niya ang shoulder bag at nagpaalam nang umalis. Pagkalabas niya ng DRMC building, agad niyang pinatunog ang sasakyan gamit ang car key niyang hawak. Sumakay din kaagad siya at nag-drive pauwi ng mansion. Pagkarating niya ay dumiretso siya sa kaniyang kuwarto para makaligo. Alas seis pa naman ng gabi ang party kaya may oras pa siya na makapag-ayos ng sarili. Sa totoo lang, kinakabahan siya. Hindi niya alam kung makukumbinsi niya si Mrs. Villanueva. Pero kung hindi man... she will do what she plans. Nakaupo na siya sa harap ng vanity mirror niya rito sa loob ng kuwarto nang may kumatok mula sa labas ng pintuan. "Pasok," aniya, habang ipinagpatuloy ang ginagawa sa kaniyang mukha. Mula sa repleksyon ng salamin, nakita niyang bumukas ang pinto at
Sierah Montreal...Midical mission in Cebu... two years ago?Who is she? Bakit wala siyang maalala na may kakilala siyang Sierah Montreal? Is she a doctor? Nurse?Wala siyang natatandaan na nagkaroon siya ng medical mission sa Cebu, two years ago. Yes, may branch sila ng DRMC sa Cebu. Pero noong nakaraang taon lang iyon naipatayo at ngayong taon lang din iyon binuksan para sa mga pasyente.Napahawak siya ulit sa kaniyang ulo. Tila sasabog ito sa mga katanungan na nasa utak niya. "B-Bakit hindi ko maalala kung totoo iyang mga pinagsasabi mo, ha?" tanong niya, her voice quivering with a mix of fear and frustration.She desperately searched her memory, trying to piece together any fragment of the events Theon was accusing her of.Ang madilim na mga mata ni Theon ay nang-aakusa pa ring nakatitig sa kaniya. His gaze was unwavering, a dark pool of suspicion that seemed to penetrate her very soul. His hands clenched into fists at his sides. His jaw was set, the muscles in his face twitching
"Let go of me!"Mahina pero madiing sabi ni Andrea, habang pilit na hinihila niya ang kaniyang braso mula kay Theon. Kahit ang dalawang guwardya na nakatayo sa may exit ng ospital, hindi nakapagsalita nang masamang tingnan ito ni Theon. Para pa ngang takot ang mga ito sa lalaki dahil agad din na gumilid para makadaan sila.Pero nang maisip niya na si Theon na ang magiging director ng ospital na ito sa mga susunod na araw, mas lalo pa siyang pinanghinaan ng loob. Huminto lang si Theon sa paghila sa kaniya nang tuluyan na silang makalabas ng hospital at hinintay ang pagdating ng sasakyan nito na kinukuha ng valet. Pero hindi pa rin nito binibitiwan ang braso niya."Hindi ako sasama, sa 'yo. Bitiwan mo na ako!" piglas niya. Ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakapit ng kamay nito sa braso niya na pakiramdamdam niya mag-iiwan iyon ng marka sa balat niya.Nang huminto sa harap nila ang sasakyan nito, agad itong bumaba sa dalawang baitang na hagdanan bago pa man makaapak sa lupa habang
ANDREA'S anxiously going back and forth in front of the emergency room. Pabalik-balik siya sa pag-upo at tayo. Gano'n din si Mhie. Panay rin ang pagparoo't parito nito habang hinintay nila ang paglabas ng doktor na umasikaso kay Dhie sa loob. Her brother, Lucas, was just standing near the emergency room door with his stoic face, but she knows he is worried too. She never saw this coming. After Andrei's, nakalimutan na niya ang ganitong pakiramdam. Ang kaba na hindi niya mawari, ang takot na baka lumabas na wala ng buhay ang kaniyang ama d'yan sa loob ng emergency room. "God, please... save my father," she murmured. "I know I am not a good daughter to my parents. What happened to my father now was entirely my fault, so, please, save him." Dhie can't do this to them. No, not yet, not tomorrow or the other years. Kung may dapat mang parusahan, siya iyon. Dahil siya naman ang dahilan kung bakit nawala sa kanila ang kompanya. Nahinto siya sa pagparoo't parito at agad na napahawak sa ka
TAHIMIK ang Mommy niya habang lulan sila ng sasakyan papunta sa kompanya. Her lolo Alexander Del Rio called. Kailangan daw nilang pumunta sa Impero dahil nagpatawag ng meeting si Mr. Sanford sa lahat ng stockholders and shareholders. Hindi rin naman siya nagulat pa, dahil nasabihan na siya ni Mhie na baka magpatawag ng urgent meeting si Dhie.Pero mukhang hindi na makapaghintay ang traydor na si Mr. Sanford kaya ito na ang gumawa n'yon. Pero alam niyang hindi iyon ang dahilan kung bakit kibuin-dili siya ng kaniyang ina. Wala pa itong ideya sa kung ano man ang ginawa ni Mr. Sanford. Kaya may pakiramdam siya na may kinalaman iyon sa pagtawag ni Mrs. Montenegro dito kanina. "Mhie-" "Was it true?" Mhie asked her coldly. Ang mga mata ay nasa harap lang nito nakapirmi. Fear welled in her stomach when she realized that it could be either about her wedding or the company shares she sold to her husband. "True... what po?" Nanginig pa ang mga labi niya. "That you and Theon got married i
WHEN the traffic light turned red, Andrea stopped her car in the middle of the EDSA highway. Humigpit ang hawak niya sa manibela, walang pakialam kahit namuti na ang knuckles ng mga daliri niya sa sobrang higpit."Ahhh!"She shouted her anger and disappointment to herself. Sa matinding galit at pagkabigo na nararamdaman para sa sarili, nahampas niya ng nakakumo niyang mga kamay ang manibela ng sasakayan."Bakit ang tanga ko..." she muttered, as tears rolled down her cheeks.She fucking fell into his trap.Damn it! Muli niyang nahampas ang manibela ng sasakyan at isinubsob ang mukha roon.Namatay ang kuya Luke niya dahil sa katigasan ng ulo niya. Ngayon naman, nilagay niya na naman sa alanganin ang kompanya ni Dhie at ang hospital...But no… she shook her head. Hindi siya makapapayag na tuluyang magtagumpay ang mga ito sa masama nitong balak sa pamilya niya at makuha ang kompanyang pinaghirapang palaguin ng mga ninuno niya.Napa-angat ang tingin niya nang tumunog ang cell phone niya na
"Wala po si Sir Logan sa kanyang opisina ngayon, Doktora. Hindi po siya pumasok," ani ng sekretarya ni Mr. Yohan Montreal."Then tell me where he is now." Andrea demanded.Hindi pa rin humuhupa ang galit niya kay Theon. Paanong nagawa nito iyon sa kanila?Umiling si Miss Madrigal. "Hindi ko po alam, Dok—""Where's your boss then?" Tukoy niya kay Yohan Montreal."Nasa loob ng opisina niya, Dok. Pero bawal po siyang disturbuhin—"Nahinto ito sa pagsasalita nang bumukas ang pinto ng opisina ni Yohan Montreal at lumabas doon ang lalaki, kasunod ang dalawa pang lalaki, na mukhang kasing edad lang din ni Yohan Montreal at parehong naka-corporate attire.Nang makita siya ni Yohan ay agad itong lumapit sa kinaroroonan niya. Bahagya namang gumilid si Miss Madrigal para bigyan ng espasyo ang boss nito.“Andrea,” bati nito sa kaniya, nang tuluyan na itong nakalapit. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong nito.She gritted her teeth. Mas lalo lang siyang nakaramdam nang galit. Did this man also know wh
THEON'S private chopper landed at the helipad at the top of Montreal Tower. Andrea noticed five males in black uniform promptly approaching the private chopper. Maybe they are staff here. Tinanggal niya ang suot niyang headphone at seatbelt. Nang buksan ng isang staff ang pinto sa gilid niya ay agad din siyang lumabas. Gano'n din si Theon na nasa tabi ng piloto, matapos pagbuksan din ng isa pang staff ang pinto sa gilid nito. Naramdaman niya agad ang lamig ng panggabing hangin sa balat niya nang tuluyan ng lumapat ang mga paa niya sa sahig. Nilingon niya si Theon. Kausap na nito ang piloto nito. Mukhang may ibinilin lang ito sa piloto base na rin sa panay na pagtango ng lalaki habang nakikinig sa mga sinasabi ni Theon dito. Huminga siya nang malalim at tumingala. Kita niya ang maraming bituing nagkikislapan sa langit, ang malaki at bilog na buwan na nagsisilbing ilaw rito sa buong rooftop. There are installed lights surround the area, but it seems they were intentionally left off
THE JUDGE started the wedding ceremony. Halos hindi na si Andrea humihinga. She felt nervous and a bit of fear. She didn't know what that fear was for. Tiningnan niya si Theon para basahin ang iniisip nito. But as usual, his eyes were cold and she couldn't see any emotion in them. Nang banggitin ng Judge na maaari na silang magpalitan ng singsing, may kinuha si Theon sa bulsa ng suot nitong pantalon na wedding bands. Isinuot nito sa daliri niya ang isang gold ring na may nakapalibot na limang diamonds. Manghang napatitig naman siya sa singsing. Hindi siya maalam sa mga alahas pero alam niyang mamahalin ang singsing na binili nito. Hindi rin niya in-expect na magkapagbigay ito ng singsing sa kaniya. Knowing that this is a shutgun wedding. May ibinigay rin ito sa kaniya na singsing. It's a plain gold wedding ring. Isinuot naman niya iyon sa palasingsingan nito. "You can kiss her now, hijo." Nakangiting sabi ng Judge kay Theon. Theon framed her face in his hands and claimed her lip
WHEN Andrea woke up the next morning, she was immediately nervous about what would happen this afternoon. She wished her best friend was here.She had tried calling Karenina several times last night, but she couldn't reach her.Gusto sana niya itong papupuntahin dito. Para may mapagsasabihan naman siya sa mga nangyayari sa buhay niya. Sa sitwasyong kinasusuungan niya. Pero kung kailan naman niya ito kailangan, saka naman ito hindi niya matawagan.Nagtataka rin siya at ilang araw na rin itong hindi tumawag sa kaniya. Imposible rin na hindi nito nabalitaan ang nangyari sa kaniya. Kaya ang tampong nararamdaman niya para sa matalik na kaibigan ay kaagad ding napalitan ng pag-aalala.Inabot niya ang phone niya na nasa ibabaw ng bedside drawer at muli niyang tinawagan ang numero ni Karenina. Ngunit katulad ng mga nauna niyang tawag dito ay puro babaeng operator pa rin ang nagsasalita sa kabilang linya.She sighed and dialled her number again. Pero operator ulit ang nagsasalita.Nagtipa siya