NAG-HALF Day si Andrea sa trabaho. Nagbilin lang siya sa kaniyang sekretarya na pababalikin na lang sa Lunes nang umaga, kung sakaling may mga pasyente pa rin na pupunta at bigyan na lang muna ng appointment schedule."Noted, Doc." Dinampot niya ang shoulder bag at nagpaalam nang umalis. Pagkalabas niya ng DRMC building, agad niyang pinatunog ang sasakyan gamit ang car key niyang hawak. Sumakay din kaagad siya at nag-drive pauwi ng mansion. Pagkarating niya ay dumiretso siya sa kaniyang kuwarto para makaligo. Alas seis pa naman ng gabi ang party kaya may oras pa siya na makapag-ayos ng sarili. Sa totoo lang, kinakabahan siya. Hindi niya alam kung makukumbinsi niya si Mrs. Villanueva. Pero kung hindi man... she will do what she plans. Nakaupo na siya sa harap ng vanity mirror niya rito sa loob ng kuwarto nang may kumatok mula sa labas ng pintuan. "Pasok," aniya, habang ipinagpatuloy ang ginagawa sa kaniyang mukha. Mula sa repleksyon ng salamin, nakita niyang bumukas ang pinto at
SUNUD-SUNOD ang ginawang paglunok ni Andrea. Huli nilang pagkikita ni Theon ay sobra-sobra ang inis niya rito na gusto niya itong sigawan. Ipamukha rito na hindi siya cheap na babae gaya ng ipinaramdam nito sa kaniya.Mas lalo pang naghuhuramintado ang loob niya nang umakto itong tila hindi na sila magkakakilala. That what happened to them that night was probably nothing to him. Pero nagtimpi siya dahil ayaw naman niyang ipahiya ang sarili lalo pa sa harap ng kaniyang abuelo at kapatid nito.Kaya nauna siyang umalis nang araw na iyon. Nagdahilan siya na tumawag sa kaniya ang sekretarya at marami ng pasyenteng naghihintay sa clinic niya. At nang muli niyang makausap ang abuelo ay humingi siya rito ng isang linggong palugit para maghanap ng ibang pharmacies.But guess what? She is here, executing her plan.Hindi matanggap ng pride niya, na pagkatapos ng ipinaramdam ng lalaki sa kaniya, ay kailangan na naman niyang magpakumbaba rito para masolusyonan na ang crisis na nangyayari ngayon sa
Mrs. Villanueva gave a brief talk in front of their invited guests. Nagpasalamat ito sa kaligtasan nito sa tiyak na kamatayan, sa suporta ng pamilya nito para labanan ang sakit nito at nabigyan pa ito ng pagkakataon na iselebrar ang ikalimampu't anim na kaarawan nito ngayon. "Sabi ko, kung mabigyan man ulit ako nang pangalawang pagkakataon na mabuhay, gusto kong gamitin iyon para itama ang pagkakamali kong nagawa sa panganay kong a-anak at sana mabigyan din ako ng pagkakataon na makasama siya at makabawi sa mga pagkukulang ko sa kaniya." Bahagya pang pumiyok ang boses ni Mrs. Villanueva. Pinipigilan nitong maiyak sa harap ng mga bisita. Agad naman itong dinaluhan nang asawa nito at hinagod ang likod ng ginang para mapakalma. Nang tingnan niya si Theon ay wala man lang siyang emosyon na nakikita sa mukha ng lalaki, unlike his brother and sisters, na maluha-luha na nakatingin sa ina ng mga ito. Following Mrs. Villanueva's brief talk, dinner was served. Hindi naman naging tahimik
HOW DID he know that she holds shares in Impero Del Rio Associatti? Hindi naman iyon sekreto kaya lang, bakit gusto nitong makuha ang shares niya roon?He wants her shares, and in exchange, he will agree to sign the contract with Del Rio Medical Center without privatizing the hospital. And... she agreed to his proposal last night out of desperation!Nahilot niya ang noo. Pero alam niyang hindi niya pagsisisihan ang desisyon niyang iyon."Sweety, are you okay?"Agad niyang naibaba ang kamay at nag-angat nang tingin sa Mommy niya.Tumango siya. "Morning Mhie, medyo masakit lang ang ulo ko. But I'm okay, don't worry."Lumapit ito sa kaniya at ginawaran siya nito ng halik sa pisngi. Pagkatapos ay hinila nito ang upuan sa tabi ng kabisera at naupo na rin sa harap ng hapag."Nasabi nga ni Manang Tina sa akin na alas onse na raw ng gabi nang makauwi ka kagabi at nakainom. Hangover?" tanong nito.Yeah. Medyo tinamaan nga siya ng alak na ininom niya kagabi. Biglang uminit ang pisngi niya nang s
ANDREA presented her proposals to Yohan Montreal, and she could tell he was impressed. May mga tanong lang ito na agad din naman niyang nasasagot. Pagkatapos n'yon ay agad na itong pumirma sa kontrata. Gano'n din si lolo Alexander, as the owner and the director of DRMC.Sobra ang kaba niya kanina. Akala niya makikita niya si Theon dito. Na kasama ito sa pagpirma ng kontrata pero nang malaman niyang hindi ito makakapunta ay agad siyang nakahinga nang maluwag.Hindi pa siya handa na makausap ito. Lalo na at mainit pa sila sa mata ng publiko.Ipinaliwanag naman sa kanila ni Yohan Montreal kung bakit hindi raw makakapunta ang chairman, pero in-assure naman nito na aprobado na raw nito ang kontrata.Pero may pakiramdam siya na kaya ito wala rito ngayon dahil sa agreement nila.Of course, bago ito pipirma sa kontrata, kailangan muna nitong makasiguro na tutupad siya sa usapan nila. And that, he will have her shares in Impero.What a clever man!"Kapag nakapirma na ang Chairman saka namin ipa
"Damn you! Hindi ako bayaran!" madiing sigaw ni Andrea.Napakunot naman ang noo ni Theon. Kapagkuwa'y napangisi ito. "So, you want your shares to give it to me? You won't sell it?" tanong nito. Naroon pa rin ang maliit na ngising nakapaskil sa mukha nito. Napakurap-kurap siya. Iyon ba ang ibig sabihin nito? Hindi iyong siya ang—shit. Agad na uminit ang mukha niya sa kahihiyan at gusto na lang niyang bumukas itong kinatatayuan niya at lamunin na lang siya. Damn! Bakit pagdating sa lalaking 'to nawawala siya sa katinuan? At kung anu-ano pa ang pumapasok sa isip niya? She immediately composed herself. Tumikhim siya at iniwas ang mga mata rito at naupo siya sa silyang nasa kaliwang bahagi sa harap ng executive desk nito. "So?" Theon queried, nang matagal siyang natahimik. "I'm pleased to accept it, Doctora—" "Thirty million." putol niya rito at muli itong tiningnan. Nakita naman niya ang pagkalusaw ng ngising nakapaskil sa mukha nito at bahagyang kumunot ang noo. Wala siyang alam
PAGKAPASOK pa lang ni Andrea sa building ng Del Rio Medical Center ay agad na siyang sinalubong ng dalawang nurse.Pinapapunta siya sa ICU dahil isinugod daw roon ang pasyente niyang may brain aneurysm na ilang araw na rin niyang pinag-aaralan ang kondisyon."100 joules. Charge. Clear!" Andrea shouted. Then she placed the defibrillator pads on the patient's chest.Dalawang beses pa niyang inulit ang ginawa pero walang nangyari. Sinubukan din niyang i-CPR pero wala na talaga, tuluyan na itong nag-flat line."Come on..." aniya, habang patuloy na binibigyan ang pasyente ng CPR."Doctor Del Rio, the patient has no pulse and heartbeat." Narinig niyang sabi ng isang nurse na nagpatigil sa kaniya. Nanlulumong napatitig na lang siya sa walang buhay niyang pasyente. Ilang segundo pa ay napangat ang tingin niya sa orasan na nakasabit sa dingding rito sa ICU. "Time of death: 11:00 A.M." she declared. Pagkatapos ay walang lingon-likod na lumabas siya ng ICU. Tinanggal niya ang suot niyang medi
NAKATITIG lang si Andrea sa dalawang taong nasa loob ng elevator. Particularly sa taong hindi niya inaasahan na makikita niya rito. Sa sobrang pagkabigla ay nakalimutan na niya na kailangan niyang makatakas mula kay Dr. Villa.But at the same time, sobra-sobra ang relieve na nararamdaman niya. Kaya hindi niya napigilan na muli ay sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya."Hija..." sambit ng lolo Alexander niya.May pag-aalala sa boses nito. Pero hindi naman maalis ang mga mata niya sa kasama nito. Si Theon. Ni ang kumurap ay hindi niya magawa. Natatakot kasi siya na kapag kumurap siya ay mawawala ang mga ito sa harap niya.Na ilusyon lang niya itong lahat. Na narito ang lolo Alexander niya kasama si Theon Montreal.Nakita niya ang pagkalukot ng noo ni Theon na nakatitig pa rin sa kaniya. Humakbang ito palabas ng elevator. Gano'n din ang lolo niya."Hija, are you okay?" nag-aalalang tanong ng lolo Alexander niya sa kaniya.Pero bago pa man ang mga ito tuluyang makalapit sa kaniya ay nasa
ANDREA dropped her handbag on the floor. Nanlambot ang mga tuhod niya. Mabilis naman siyang dinaluhan ng lolo Alexander niya at pinaupo sa silyang nasa harap ng desk nito. Mabilis din na nagtawag si lola Annaliese ng kasambahay para magpakuha ng tubig para sa kaniya. Pakiramdam niya ay umikot ang silid at hindi siya makahinga sa halo-halong nararamdaman niya. Buhay si kuya Luke... At si Mr. Sanford... ito ang Kuya Luke niya... pero paano? Hindi ba at kasama itong sumabog noon sa lumang warehouse na pinagdalhan ng mga kidnapper nila noon? May katawan ng kuya niya ang nakuha ng mga otoridad sa pinangyarihan. Pina-DNA at positive iyon, 'di ba? Kaya paanong buhay? "Hija, are you okay?" Lolo Alexander asked, his voice laced with worry. Hindi siya makasagot. Para siyang nalulunod sa maraming katanungang nasa isip niya at sa nararamdaman niya. Lito, gulat at hindi niya alam kung maging masaya ba siya sa nalaman. Lola Annaliese rushed to her side with a glass of water in her ha
"No! Sierah! No, get of me!" Patuloy ang pagpupumiglas ni Andrea na tila ba naroon pa rin siya sa nakaraang iyon ng buhay niya. Her vision blurred, flickering between the reality in front of her and the past she'd fought so hard to escape. Ang mga kamay ng driver na pumipigil sa kaniya ay tila mas dumami pa. Ang ingay sa paligid ay mas lalo pang umingay at tila natataranta. Then, suddenly, she felt strong arms wrapping around her—firm, secure, grounding. Then, a familiar scent filled her senses. Theon... But why would he hug her if what he really wants is revenge on her? "Please, help me save Seirah," umiiyak na pakiusap niya rito. "Save her please, parang awa mo na..." Pero wala siyang narinig mula rito kundi mabibigat na paghinga. Maybe this is also the part of her past. Theon is not here. He is mad at her. He deceived her, for revenge of what happened to his wife, Seirah. "Addie, anak..." Narinig niya ang hikbi ng kaniyang ina. Her heart broke. Ang pagsa
"Go home, brat. I can take care of myself. You don't have to stay and take care of me,"Andrea sighed. Their grandfather, Alexander, wants her to go home and take her residency at Del Rio Medical Center, and she said that to her parents and Andrei in the middle of their dinner.Gusto rin naman niyang sa DRMC magtrabaho kaya lang ang inaalala niya ay si Andrei. Hindi pa tapos ang therapy nito para makapaglakad ulit."Besides, Mhie and Dhie are here too," dugtong pa nito, nang makitang nag-aalangan pa rin siya na umuwi ng Pilipinas."I know, but I want to go home when you fully recover, Kuya."Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya. Kapag seryoso siya ay tinatawag talaga niya itong Kuya at mananahimik na ito.Pero wala na siyang nagawa nang sumang-ayon din ang mga magulang nila kaya kinabukasan ay agad na nag-book siya ng ticket pauwi ng Pilipinas."Welcome home, hija. Congratulations on making it to the top two of MLE!" nakangiting sabi ng lolo Alexander niya at niyakap siya.She smiled and t
KUYOM ang mga kamao ni Andrea habang nakatitig sa bahay ni Andrei. Hindi pa rin siya makapaniwala na pinakasalan nito ang babaeng matinding nanakit dito. Na sa kabila ng sakit na ipinaranas dito ng babae...Marahas na bumuntonghininga siya. Kagaya ni Manang Tina, hindi rin siya naniniwala na paghihiganti lang ang gusto ni Andrei kaya nito pinakasalan ang babaeng iyon. Mahal pa rin nito si Lorelei. Maaaring sa ngayon, galit ito at gustong maghiganti kaya nasabi nito iyon kay Mr. Sanford.Nagtanggal siya ng seatbelt at lumabas ng sasakyan. She pressed the doorbell twice before the guard opened the gate for her.Kilala na siya ng guard dito kaya hindi na niya kailangang magpakilala pa."Is my brother's home?""Wala po si Sir Andrei, Ma'am. Dinala niya po ang asawa niya sa ospital kasama ang lolo niyo."Kumunot ang noo niya. Nandito ang abuelo niya?"Why? What happened?"Nakita niya sa mukha ng guard ang pag-aalangan pero sumagot din naman, "Pasensya na po, Ma'am, pero hindi ko po alam ku
Sierah Montreal...Midical mission in Cebu... two years ago?Who is she? Bakit wala siyang maalala na may kakilala siyang Sierah Montreal? Is she a doctor? Nurse?Wala siyang natatandaan na nagkaroon siya ng medical mission sa Cebu, two years ago. Yes, may branch sila ng DRMC sa Cebu. Pero noong nakaraang taon lang iyon naipatayo at ngayong taon lang din iyon binuksan para sa mga pasyente. Napahawak siya ulit sa kaniyang ulo. Tila sasabog ito sa mga katanungan na nasa utak niya. "B-Bakit hindi ko maalala kung totoo iyang mga pinagsasabi mo, ha?" tanong niya, her voice quivering with a mix of fear and frustration. She desperately searched her memory, trying to piece together any fragment of the events Theon was accusing her of. Ang madilim na mga mata ni Theon ay nang-aakusa pa ring nakatitig sa kaniya. His gaze was unwavering, a dark pool of suspicion that seemed to penetrate her very soul. His hands clenched into fists at his sides. His jaw was set, the muscles in his face twitch
"Let go of me!"Mahina pero madiing sabi ni Andrea, habang pilit na hinihila niya ang kaniyang braso mula kay Theon. Kahit ang dalawang guwardya na nakatayo sa may exit ng ospital, hindi nakapagsalita nang masamang tingnan ito ni Theon. Para pa ngang takot ang mga ito sa lalaki dahil agad din na gumilid para makadaan sila.Pero nang maisip niya na si Theon na ang magiging director ng ospital na ito sa mga susunod na araw, mas lalo pa siyang pinanghinaan ng loob. Huminto lang si Theon sa paghila sa kaniya nang tuluyan na silang makalabas ng hospital at hinintay ang pagdating ng sasakyan nito na kinukuha ng valet. Pero hindi pa rin nito binibitiwan ang braso niya."Hindi ako sasama, sa 'yo. Bitiwan mo na ako!" piglas niya. Ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakapit ng kamay nito sa braso niya na pakiramdamdam niya mag-iiwan iyon ng marka sa balat niya.Nang huminto sa harap nila ang sasakyan nito, agad itong bumaba sa dalawang baitang na hagdanan bago pa man makaapak sa lupa habang
ANDREA'S anxiously going back and forth in front of the emergency room. Pabalik-balik siya sa pag-upo at tayo. Gano'n din si Mhie. Panay rin ang pagparoo't parito nito habang hinintay nila ang paglabas ng doktor na umasikaso kay Dhie sa loob. Her brother, Lucas, was just standing near the emergency room door with his stoic face, but she knows he is worried too. She never saw this coming. After Andrei's, nakalimutan na niya ang ganitong pakiramdam. Ang kaba na hindi niya mawari, ang takot na baka lumabas na wala ng buhay ang kaniyang ama d'yan sa loob ng emergency room. "God, please... save my father," she murmured. "I know I am not a good daughter to my parents. What happened to my father now was entirely my fault, so, please, save him." Dhie can't do this to them. No, not yet, not tomorrow or the other years. Kung may dapat mang parusahan, siya iyon. Dahil siya naman ang dahilan kung bakit nawala sa kanila ang kompanya. Nahinto siya sa pagparoo't parito at agad na napahawak sa ka
TAHIMIK ang Mommy niya habang lulan sila ng sasakyan papunta sa kompanya. Her lolo Alexander Del Rio called. Kailangan daw nilang pumunta sa Impero dahil nagpatawag ng meeting si Mr. Sanford sa lahat ng stockholders and shareholders. Hindi rin naman siya nagulat pa, dahil nasabihan na siya ni Mhie na baka magpatawag ng urgent meeting si Dhie.Mukhang hindi na makapaghintay ang traydor na si Mr. Sanford kaya ito na ang gumawa n'yon. Pero alam niyang hindi iyon ang dahilan kung bakit kibuin-dili siya ng kaniyang ina. Wala pa itong ideya sa kung ano man ang ginawa ni Mr. Sanford. Kaya may pakiramdam siya na may kinalaman iyon sa pagtawag ni Mrs. Montenegro dito kanina. "Mhie-" "Was it true?" Mhie asked her coldly. Ang mga mata ay nasa harap lang nito nakapirmi. Fear welled in her stomach when she realized that it could be either about her wedding or the company shares she sold to her husband. "True... what po?" Nanginig pa ang mga labi niya. "That you and Theon got married in Cor
WHEN the traffic light turned red, Andrea stopped her car in the middle of the EDSA highway. Humigpit ang hawak niya sa manibela, walang pakialam kahit namuti na ang knuckles ng mga daliri niya sa sobrang higpit."Ahhh!"She shouted her anger and disappointment to herself. Sa matinding galit at pagkabigo na nararamdaman para sa sarili, nahampas niya ng nakakumo niyang mga kamay ang manibela ng sasakayan."Bakit ang tanga ko..." she muttered, as tears rolled down her cheeks. She fucking fell into his trap. Damn it! Muli niyang nahampas ang manibela ng sasakyan at isinubsob ang mukha roon. Namatay ang kuya Luke niya dahil sa katigasan ng ulo niya. Ngayon naman, nilagay niya na naman sa alanganin ang kompanya ni Dhie at ang hospital... But no… she shook her head. Hindi siya makapapayag na tuluyang magtagumpay ang mga ito sa masama nitong balak sa pamilya niya at makuha ang kompanyang pinaghirapang palaguin ng mga ninuno niya. Napa-angat ang tingin niya nang tumunog ang cell phone niy