Share

Bounderies Between Us (BL)
Bounderies Between Us (BL)
Author: Mhai Villa Nueva

Prologue

AXECEL

"Akel, sinabihan mo na ba 'yung table doon sa dulo na magsasarado na tayo mayamaya?"

"Opo. Alam naman na po nila Madam. Magpahinga ka na po't ako na ang bahala sa kanila."

"Hindi naman sa nagmamadali na palayasin sila, Akel. Ang akin lang naman kasi, alak na alak na din ako kanina pa."

Natawa ako. Isang buwan na akong nagpa-part-time dito sa mini bar ni Madam Alex dito lang malapit sa university na pinag-aaralan ko. Mabuti nga't pumayag siya na sumadline ako kahit ang totoo ay full-time employee ang hinahanap niya. Sa awa ng Diyos naging maayos ang trabaho rito.

Alas-onse na ng gabi ng papaalis na ang huling costumer namin. Sa loob ng isang buwan ay madalas silang grupo ang nahuhuling mag-bill out. Grupo din sila ng mga estudyante ng NDMU—mga señior ko ata ang mga ito.

"Top! Mahal na mahal kita! Mahal na mahal kita, brother!" Natatawang sabi ng mestisong lalaki sa katabi nitong pinangalanan nitong Top.

"I know. Uwi na tayo ihahatid na kita sa dorm mo, Esra." ani naman nitong lalaking si Top sa kaibigang lasing. "Let's go! Let's go!" Inakay na ang kaibigan palabas ng mini bar.

"Last round pa, brod! Hindi pa naman ako lasing, eh!" Wika naman ni Esra kay Top sabay tulak nito dahilan para matumba si Esra.

"Hays! Kapag lasing na kasi, uwi na. Pahihirapan pa niya kasama nito." Biglang sambit ni Madam Alex sa akin na nagmamasid sa dalawang nakalabas na ng mimi bar.

Pailing ako. "Pero atleast hindi sila 'yung tipo na naglalasing tapos naghahanap ng away." sabi ko naman sa bossing ko. "Silipin ko muna sila sa daan Madam." Dali-dali akong lumabas ng mini bar, at sinundan 'yung dalawang nasa daan na.

"Balik ka kaagad, Akel." Pahabol ng boss ko.

Tahimik akong nakamasid sa dalawang magkaibigan hanggang sa maisakay ni Top ang kaibigan nitong si Esra sa taxi.

"'Tay pakihatid nalang po sa harap ng dorm. Naghihintay 'yung ka-boardmate niya sa labas ng gate. Ito po ang bayad, maraming salamat po. Ingat!"

Pagkasabi ay kaagad naman umalis ang taxi. Iniisip ko nalang kung alam ba ng tsuper ang dorm ng kaibigan niyang iyon.

"May lighter ka ba diyan?" nagpalingalinga ako ng tingin. Walang tao maliban sa akin. "I'm asking you." Wika niya nang makalapit sa akin.

"Ha? So-sorry?" Utal kong sabi.

Pumagilid kami sa daan. Nasa ilalim kami ng dilaw na ilaw ng poste kaya medyo 'di nakikita ko ang mukha niya, at magkatabi lang kami.

"Why are you following us?"

"Not really. I mean, naninigurado na makakauwi kayo baka kasi magkaroon pa ng kargo si bossing sa inyo."

"So? You're concern to us?" mahina niyang sabi. "To me?" Dagdag pa niya dahilan para balingan ko siya.

Napairap ako. "Bakit hindi ka pa umuwi? Hindi ka sumabay do'n sa kaibigan mo?" Pag-iba ko nang usapan.

Rinig ko ang pagbuga niya ng hangin sa kawalan. Nakatingala siya sa langit. Ang gwapo niyang lalaki. Masyadong perpekto ang mukha.

"Umiinom ka ba?" Tanong niya.

"Hmm..." Mahina kong sagot.

"Then, let's drink. Samahan mo ako." pagkwan ay naglakad na siya palayo sa akin. "I'm waiting. Magpaalam ka na sa boss mo." Binalingan niya ako pagkatapos.

Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag na sumama sa kanya. Dali-dali naman akong bumalik ng mini bar at nagpaalam sa boss ko na aalis na. Nang makalabas na ulit, nasa kanto si Top nakasandal sa poste ng ilaw habang sa akin nakatingin.

Hindi na ako nagdalawang isip. Basta nalang ako sumama sa kanya kahit hindi ko pa siya kilala—hindi niya pa ako kilala. Parang sinabi nalang ng isip ko na sumama ako sa kanya dahil wala naman siyang gagawin na masama sa akin. Nararamdaman ko din naman iyon.

"Bakit ka pumayag na sumama sa akin? Hindi ka ba takot na baka may gagawin akong masama sa iyo?"

"Wala ka naman sigurong masamang balak na gagawin sa akin, ano?"

"Depende." Mayamaya ay napangiti siya sabay lagok ng alak galing sa baso

Napairap ako. Sinabayan ko rin siya ng tungga.

"Minsan kasi maganda rin makipagkaibigan sa hindi natin kakilala. Saka alam ko naman na mabuti kang tao."

"So, we're friends?"

"Depende."

Natawa siya.

"To be honest, dalawang buwan pa lang ako dito mula nang makabalik ako galing ng Maynila no." Nagsimula na siyang magbahagi ng kwento niya.

"Kaya mo ako niyaya para may kausap ka?" Tanong ko. Hindi naman siya nagsalita, imbes lumagok lang ulit ng alak.

"Willing ka naman makinig, diba?"

Nagkibit balikat ako at lumagok ulit ng alak.

"Magsalita ka lang diyan. Nandito lang ako sa tabi mo, nakikinig ng kwento."

"Really? Abutin tayo ng umaga kapag tinuloy ko na ito," sabay tingin sa analog clock na nasa wall ng bar na pinag-iinuman namin. "Wanna go somewhere else?" Suwisyon niya na may ngiti sa labi. Ang guwapo niya. Para siyang isang aktor ng Korean drama. Pointed ang tangos ng ilong, mahaba ang mukha, hugis puso ang labi, at singkit ang mga mata. Idagdag pa ang makakapal na kilay at gupit pang high school ang buhok.

"Somewhere else? Ang dami mo naman alam na lugar."

Nagkibit balikat siya. "My place?" Wika niya habang titig na titig sa mga mata ko. Mayamaya ay pasimple siyang ngumiti. Binabasa niya siguro ang reaksyon ko sa sinabi niya.

Maliban sa ka-roommate ko, wala na akong ibang kaibigan. Naiilang o nahihiya kasi ako makipagkaibigan sa mga ka-klase ko dahil na rin siguro hindi ako taga-syudad? O dahil ayaw ko lang talaga dahil kuntento na ako sa buhay ang mag-aral, may isang room mate na makulit, at boss na mabait. Gusto ko lang talaga makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, at makahanap ng trabaho.

Ngayon, isang lalaking sinamahan ko lang para sabayan uminom dahil nag-aya nga. Hindi ako palakaibigan, pero nang ayain niya ako, kaagad akong sumama. Magaan ang loob ko sa kanya, komportable, at alam kong wala siyang masamang gagawin sa akin.

"Bahay mo?"

Tumango siya. "Apartment ko to be exact. It's okay kung ayaw—"

"Sige."

"Really? Hey! It's okay if you wanna go home na. Saan ba bahay mo?"

Ngumiti lang ako, at mayamaya ay tumayo.

"Alas-dose na. Saan ba apartment mo?"

"Seriously? Gusto mo talagang malaman ang kwento ng buhay ko?"

Nagkibit balikat ako. "Depende sa takbo ng alak. Huwag kang mag-alala nagpaalam na ako sa room mate ko na 'di ako makauwi ng apartment."

"It's because of me, right?"

"Nah! Because I choose to come with you."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo. Napaatras ako nang bigla siyang lumapit sa akin dahilan para mahawakan ko ang braso niya. Hindi ko naman inaasahan na hapitin nito ang bewang ko dahilan para hilain niya ako papalapit sa kanya. Subrang lapit.

"I'm warning you," sabi niya sa mahinang boses nito. "I'll give you a ten second just to run away." Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko.

"Why would I run away from you?" tanong ko din sa kanya. "Are you into guy?" Tanong ko dahilan para ngumisi siya.

Napakagat labi siyang may ngiti sa labi.

"Are you gay?" Seryosong tanong ko. Hindi niya pa rin ako pinapakawalan. Mahigpit pa rin ang pagkakahapit niya sa aking bewang.

"No I am not gay nor not straight. I like girl and I like guy, too. And yes, I like you, because I am bi' for your info."

Sinubukan niyang idikit ang mga labi niya sa mga labi ko nang ginamit ko ang braso ko panangga sa dibdib niya.

"This is between you and me." Sabi ko.

"It's our secret." pabulong niyang sabi sa gilid ng aking taenga. "Just for tonight." Sambit pa nito sabay dila sa dulo ng aking taenga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status