Share

Chapter 4

AXECEL

Am a Bisexual, but none of my family knows that I'm a bi'. Gelo knows my secrets, and it's fine to him naman dahil 'yung sekreto ko ay sekreto niya rin. We support each other. Kaya hindi na siya magtataka kung gugustuhin ko su Top o hindi. Kahit naman siya ay gusto si Top pero mas gusto niya si Alfred. Iba raw karisma ni Alfred. Well, totoo naman.

"Once upon a time. I was innocent. Then, I discover, Christoper Vicente. Hoy!!!"

"Ano?!"

Ang aga-aga inaasar ako nitong si Gelo.

Lumipat siya ng upuan. Tumabi siya sa akin at nanumbabang ngumiting nakaharap sa akin. Salubong ang mga kilay ko dahil sa reaksyon niya. Pero imbes na patulan ay nagpatuloy ako sa pagkain.

"Boyfriend niya ba si Top?" Ito naman si Mariam ay diretsyahan kung magtanong. Akala mo naman inosente.

"Hindi. Pero nagtitikiman!" Naging Manila boy lang, naging liberated na.

Binatukan ko si Gelo dahil hindi na ako natutuwa sa sinabi niya.

"Masarap?" Segunda naman ni Mariam.

Nakakawalan na ng gana kumain.

"Alam niyo—kayo—pwede ba kumain nalang kayo! Ikaw, Gelo, ha! May bangs 'yang dila mo!"

"Nakita ko kayo kagabi," panimula ni Gelo. "May label na ba kayo? Mag kwento ka naman, Akel." Mayamaya ay tumabi na rin si Mariam.

"Hindi niyo sinasabi sa akin na mga ano pala kayo—"

"Bisexual kaming pareho ni Gelo." Sagot ko kay Mariam.

"We like girls and we like guys!" Pagtatama naman ni Gelo.

"Alam ko. And I'm proud to say, I'm a lesbian, pero hindi ako katulad ng ibang lesbi na nagsusuot ng panlalaki na damit. Lesbi ako na babae rin manamit." Amin din ni Mariam.

"Gandang lesbi ka, Mars. Ano na, Akel?" Ayaw talaga ako tigilan ni Gelo. Hindi matatahimik ang lalaking 'to hangga't hindi nasasagot ang tanong niya.

"Wala! Halik lang ng kalasingan 'yun. Okay na? Goods na?"

Sinamaan ako ng tingin ni Gelo. Alam ko naman na hindi pa iyan siya kontento sa sagot ko. Pero tama na iyon. Ayaw kong pag-usapan ang nangyari kagabi. We both drunk.

"Okay! Okay! Pero hindi pa tayo tapos, Akel."

"Buang! Kumain na nga kayo!"

Hindi na naimik ang dalawa hanggang sa natapos ang lunch namin.

"Nga pala, birthday ko on Monday. Punta kayo sa venue ha?" Sabi ni Mariam.

"Saan pala bahay mo?" Tanong ni Gelo.

"Alabang."

"Ang layo ackla!" sabat kaagad ni Gelo. "Happy birthday nalang." Sabi pa nito.

"Gaga! Hindi ko naman sinabi na doon ang venue. Basta Monday evening text ko ang location. Punta kayong dalawa ha? Kayo lang kaibigan ko maliban sa jowa ko at counsins ko na hindi pa sigurado kung pupunta ba talaga."

Nagkatinginan kami ni Gelo. Tumango ako.

"Sige, punta kami, Mars." Sabi ko.

Sumang-ayon din si Gelo. Ako lang naman kasi ang inaantay niyang pumayag.

Panay kwentuhan ang dalawa habang ako ay panay review ng mga lectures ko sa ibang subject. Oo at hindi lang ang sagot ko sa kanila kapag may tinatanung ang mga ito sa akin.

"Axecel?" Mayamaya ay tumawag sa akin dahilan para mahinto ako sa aking ginagawa. Pagtingala ko... si Top. Mag-isa lang siyang sumugod sa tambayan namin tatlo.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko.

"Ang liit ng uni para hindi ka mahanap." Sagot niya. Napairap ako.

"Aw! Sana all hinahanap." Sabi naman ni Mariam.

"Maliit pa pala 'to sa 'yo?" Wika naman ni Gelo. Tukoy sa university.

Nagkibit balikat si Top.

"Ano'ng kailangan mo't ako pa talaga ang hinanap mo? Ang layo ng faculty ng fine arts. Napunta ka pa talaga dito sa Polsci faculty ha? Pwede mo naman ako tawagn o i-text."

"I don't have your number."

Hindi ako nakasagot. Oo nga pala.

"Pahiram muna sa kaibigan niyo." Paalam ni Top kina Mariam at Gelo sabay hila ng bag ko dahilan para sumunod ako sa kanya.

"Hoy! Sandali! Saan mo ako dadalhin?!"

"Akel?! Pa-kopya ng assignment!" Pahabol na sigaw ni Gelo.

"I'm hungry." Wika ni Top nang medyo makalayo na kami sa mga kaibigan ko.

"Dala ko ba ang kanin't ulam? Bitawan mo nga muna ako, Top!"

Bumitaw naman siya kakahila ng backpack ko, at huminto. Humarap siya sa akin at namewang. Biglang umamo ang mukha.

"Samahan mo akong kumain." Aniya sa mahinang tono ng boses.

"E bakit sa akin ka pa nagpapasama? Ha? Saan na ba si Alfred at mga kasamahan mo sa swimming club? Magsama kayo!"

"Walang klase si Alfred."

"E di kumain ka mag-isa. Bakit pa kasi kailangan ako pa."

"Ikaw lang gusto ko, Axecel."

Napataas ako ng kilay. Magkaiba ang building ng Fine Arts at Polsci, pero nagawa niya akong puntahan para lang samahan siyang kumain ng pananghalian nito. Sinalubong ko ang mga titig niya sa akin, at sa huli ay ako rin ang sumuko.

"Okay! Tara na sa cafeteria."

Nauna na akong maglakad sa kanya. Ramdam ko naman na nakasunod siya sa likuran ko, at mayamaya ay nakaakbay na ito sa aking balikat dahilan para mailang ako.

"Lumayo ka nga! Mamya kung ano na isipin ng ibang eatudyante sa atin. Ma-tsismis pa tayo."

"Pareho tayong lalaki. Walang makakaisip niyang iniisip mo. What do you want to eat?"

Napairap ako. Tama nga naman. Pero iba pa rin kasi dahil sa pagkakaalam ko ang daming mga babae sa faculty nila na naghahabol sa kanya. At maliban kay Alfred at sa swimming club officers na nakakasama niya madalas ay wala na raw itong ibang kasabay. Saka isa akong transferee student na galing pa ng Mindanao, at introverted na estudyante rito sa university namin.

"Ang dami mo namang in-order na pagkain. Mauubos mo ba iyan?"

Napuno lang naman ang isang square table namin.

"Sino nagsabi sa iyo na ako lang kakain nito? Tulungan mo akong ubusin ito." Ngiti niya sabay kindat. Yawa oi! Nabuang naman ni siya!

"Hindi ako gutom, Top. Kumain na ako kanina nang dumating ka do'n sa tambayan namin."

Umiling siya. "Kanina pa naman iyon, iba naman na ngayon. Tulungan mo ako na ubusin ito."

"Ayaw ko!"

"Hindi ka uuwi ng apartment mo hangga't hindi natin nauubos ito."

"Baliw ka ba?! Um-order ka nang pagkadaming pagkain tapos babantaan mo ako na hindi makakauwi ng apartment ko kung hindi mauubos lahat ng ito!"

Tumango siya. Nagsimula na siyang lumamon, at maging ang pinggan na nasa harapan ko ay nilagyan niya na rin ng pagkain.

"After this. Warm up tayo."

"Ano?! Anong warm-up sinasabi mo!"

Natawa siya sa reaksyon ko.

"Swimming," pagtatama niya. Umiiling na nakangiti. "Gusto mo ba ng ibang warm up?" Pabulong niyang sabi. He teasing me. Ganda pa ng ngisi.

Umiling ako. Hindi nakatutuwa ang biro niya.

"Okay! Bilisan mo nang kumain diyan, at nang makapagensayo na."

"Opo. Finish your foods, too. Walang tatayo sa bangko na ito hangga't 'di nauubos ang pagkain sa lamesa. Blessing iyan."

"Sino ba kasi may sabi sa iyo na bumili ka nang maraming pagkain—mmm!"

Wala talagang modo ang lalaking 'to! Nagsasalita pa nga ako nang sinubuan niya na ako ng pagkain sa bunganga.

"Eat." Aniya.

"Busog na ako." Sabi ko saka uminom ng tubig.

"Hindi pa ubos ang pagkain, Axecel."

"Akel." Wika ko.

"Huh?"

"Akel nalang. Mahaba ang Axecel."

Tumango-tango siya. "Okay, Akel."

"I-take out mo nalang 'yang mga 'di nagalaw na pagkain. Bigay mo do'n sa mga taong walang makain."

"Should I?"

"Oo naman! Maraming bata ngayon sa mundo ang walang makain dahil sa kahirapan, at hirap na rin ng buhay. Ikaw—napakaswerte mo dahil araw-araw may kinakain ka. Tignan mo 'to ngayon—ang dami mo in-order tapos hindi mo naman naubos. Imbes itapon mo iyan, ibigay mo do'n sa mga batang nasa kalye."

Nakangiti siya. Hindi ko alam kong pinagtatawanan niya ba ang mga sinabi ko o natawa siya dahil sa mukha ko.

"Yes sir," sagot niya. "You from Mindanao, right?" Tanong niya out of nowhere.

Tumango ako. "Bakit?"

"Saan sa Mindanao? If you don't mind?"

"South Cotabato. Ilonggo ang dialect namin. Bakit mo natanong?"

Nagkibit balikat siya. "Nothing. I used to live in Mindanao before."

Nagulat ako. Nakatira siya dati sa Mindanao. Seryoso?

"Talaga?" Paninigurado ko.

"Hmmm... Davao."

"Ah? May bahay pala kayo sa Dabaw kung ganun?"

Umiling siya. "I rented a house for seven months."

"Nag-aral ka do'n? Kailan?"

"I just want to be alone."

Hindi ako nagsalita. Bakit, Top? Gusto ko sana tanungin pero nag-aalinlangan ako, at baka sabihin niyang nangingialam ako sa buhay niya.

"A-ah... Okay."

Ngumiti ako nang magtama ang mga mata namin. Bigla ko nalang nakita sa mga mata niya ang kalungkutan.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko. Hindi siya sumagot, imbes ay ngumiti lang ito sa akin.

"Let's go? Naka-styro na 'tong mga natirang foods."

"Ah? Sige. Saan mo naman ibibigay mga iyan?"

"As you said; sa mga batang kalye."

Napangiti ako. Hindi ko naman in-expect na susundin niya ang suggestion ko. Sinabi ko lang naman, at baka matauhan. Natauhan nga.

"Let's go?"

"Sasama pa ako? Gagastos lang pamasahe."

"Hindi ko naman sinabi na sasakay pa tayo para lang ibigay itong pagkain sa mga bata sa kalye. Labas tayo ng Uni, then maglakad tayo. Okay lang ba sa 'yo?"

Peke akong tumawa. Oo nga pala.

"Ah okay!"

Lumabas kami ng University. Hindi ko alam kung saan kami maghahanap ng mga batang kalye dahil wala naman akong may nakitang mga bata malapit dito sa University. Doon sa pinagtatrabahuhan ko meron.

Palinga-linga ako hanggang sa may nakita akong bata na nagbibinta ng sampaguita. Kinalabit ko si Top para makuha ko ang atensyon niya. Nilapitan namin ang bata. Walang sabi na ibinigay ni Top yung pagkain, at sa hindi inaasahan, pinakyaw pa ang sampaguita na tinitinda ng bata.

"Maraming salamat po." Tuwang-tuwa na sabi ng bata.

"Bata, umuwi ka na sa inyo, at kumain ka na, ha?" Sabi ko. Nakangiti. Habang itong kasama ko ay pinapanood lang kaming nag-uusap ng bata.

Nang makaalis ang bata, niyaya ko na si Top na bumalik ng Uni para makapag ensayo.

"How long have you been a swimmer?" Tanong ni Top na nahihintay sa akin sa labas ng shower room.

"Since ten-year old? Ikaw ba?" Lumabas na ako ng shower room. Naka-swim trunks na rin pala siya. Umiwaa ako ng tingin sa dahil lantaran niyang pinapakita sa akin ang napaka-seksi nitong katawan. No doubt na swimmer talaga siya.

"You have a nice shape of body." Aniya.

"Yeah! You too." sagot ko naman. "Ikaw? Kailan ka nagsimula maging swimmer?" Inulit ko ang tanong. Baka kasi mapunta na naman sa kung ano ang topiko.

"Since ten year old, too. Remember when I told you about my brother? He pass away twelve-years ago?"

Tumango ako. Nasa pool area na kami. Naupo muna kami saglit para magkwentuhan tutal alas-cinco palang naman ng hapon at hindi namin kailangan magmadaling umuwi.

"Ano pala nangyari sa brother mo? Anong koneksyon ng pagiging swimmer mo sa kanya?"

Tahimik muna siya. Siguro nag-aalinlangan na sabihin sa akin dahil siguro naging trauma iyon sa kanya.

"We are both elementary swimmers. We promise na magiging National Athlete kami ng Pilipinas, pero... after the event at school, I didn't know that his friends had invited him to go to the river, which was unknown to the school and our parents, including me. Something tragic happened to him and to his friends."

Napatungo si Top. Bigla nalang siyang huminto sa pagkukwento dahil naging emosyonal na ito. Nilapitan ko siya para i-comfort para naman mabawasan ang nararamdaman nito.

"Sorry kung nagtanong pa ako. Hindi ko alam—"

"I promise to him na ipagpatuloy ko ang pagiging swimmer dahil iyon ang pangarap niya sa amin dalawa. My parents disagree na maging swimmer ako baka raw mangyari sa akin ang nangyari sa kapatid ko noon. My parents and I, we argue all the times."

I pat his shoulder. Lumuhod ako para pumantay sa kanya—patuloy ang pagtapik sa balikat nito.

"I can lean my shoulders to you," sabi ko. "Nandito lang ako sa 'yo para damayan ka."

Hinayaan ko siya na ihilig ang ulo niya sa balikat ko. Tahimik lang siya ng mga ilang minuto. Nang umangat na ang mukha niya; nakangiti na ito.

"Are you okay?" Tanong ko.

Tumango naman siya. "You are the best listener that I've ever meet. Please, stay by my side for a long time, Akel."

Ngumiti ako at tumango. Napaatras ako ng kaunti nang bigla akong ginawaran ni Top ng halik sa labi. Mabilis lang iyon pero nakakaalaa dahil may cctv ang pool area.

"May cctv rito. Should we continue inside, instead?"

Paborito niya talaga na asarin ako.

"Let's continue after a little warm-up." Sabi ko naman sa kanya na ikinatuwa niya.

Loko-loko din pala.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status