“Babe.” Tawag ko kay Stacy kasabay ng mahina kong pagkatok sa pinto ng kwarto niya. Nang wala akong natanggap na sagot ay sinubukan ko na lang pihitin ang knob ng pinto at saka marahan itong binuksan.
Pagkabukas ay nakita ko siyang nakaupo sa isang sulok ng kwarto niya habang nakayuko at yakap yakap ang isang unan. Awang awa ako sa kanya sa nakita ko ngayon. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Alam ko na naramdaman niya ang presensya ko sa loob ng kwarto gayunpaman ay hindi niya man lang iniangat ang ulo niya para tingnan ako. Pagkalapit ay napansin ko ang pagbaba at pagtaas ng balikat niya, senyales na umiiyak siya.
“Babe.” Muli kong tawag sa kanya pero hindi pa rin siya tumingin sa akin. Tumayo ako sa tapat niya at pilit na iniangat ang mukha niya nang sa ganoon ay tumingin siya sa akin. Pero ganoon pa rin, ayaw niya pa ring umalis mula sa pagkakayupyop sa unan na hawak niya. Nag aalala na ako, heto na naman siya at umiiyak na na
“Ngayong boyfriend ka na ng anak ko, I guess ay wala na naman akong magagawa kung hindi ang tanggapin ka bilang parte ng buhay ni Stacy.” Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Mr. Mendoza sa akin. “Alam mo naman na ngayon lang kami uli nagkasundong mag ama kaya ayaw kong gumawa ng mga bagay na magiging dahilan para sumama ang loob niya sa akin. Hindi ko gusto na magkaroon uli siya ng dahilan na magalit sa akin at tuluyan na akong hindi pansinin at kausapin.” Kanina pa ako rito at ang sabi niya ay natutulog raw si Stacy. Gusto niya nga sanang gisingin na noong dumating ako pero pinigilan ko siya. Naisip ko rin naman ang posibilidad na natutulog pa si Stacy habang papunta ako rito kanina dahil hindi siya sumasagot sa mga tawag at text messages ko. Mas gusto ko na makapagpahinga muna siya para makabawi siya sa pagod at puyat bunga ng pagbabantay niya ng ilang gabi sa Daddy niya sa ospital. Kailangan niya na bawiin ang lak
Araw ng shoot. Maaga akong sinundo ni Richard kanina sa bahay at ngayon nga papunta na kami sa location. Gusto ko sanang sumama sa kanya kagabi pauwi s abahay niya pero hindi siya pumayag. Respeto raw sa Daddy ko. Ayaw niya raw masira na lang basta ang tiwala na ibinigay sa kanya ng Daddy ko. Hindi ko tuloy maiwasang mag isip kung ano ano ang napag usapan nila noong natutulog pa ako. Ano kaya ang ang ginawang pananakot sa kanya ni Dad para magawa niyang makapagpigil kagabi?Hindi naman basta bastang aakyat iyong si Dad lalo pa ang pumasok sa kwarto ko na wala akong permiso kaya malabong mahuli kami. At saka pwede namang mabilisan lang, hindi pa ako pinagbigyan. Kahit na may sinabi siya sa akin para hindi ako mag isip ng kung ano ano ay hindi ko pa rin maiwasang gawin iyon. Sino ba naman ang hindi mai-insecure kung katulad ni Lillian ang kalaban ko, ang karibal ko kay Richard. Ang ganda ganda ng babaeng iyon, ubod pa ng sexy at matured. Samantalang ako, ilang buw
Bago pa man na may masabi akong hindi maganda kay Stacy ay nagpasya na akong mauna sa kanyang lumabas ng sasakyan. Mas mabuti pa na umiwas na muna ako. Hindi maganda na magsabay ang init ng ulo naming dalawa, hindi maganda na magsalubong kami dahil sigurado ako na lalo lang lalala ito at ayaw ko naman na mangyari iyon. Hindi naman siguro masama ang mapuno kahit man lang minsan? Hindi ko lang kasi talaga maintindihan kung bakit ayaw niyang intindihin ang mga sinasabi ko sa kanya, ayaw niyang tanggapin ang pinapaliwanag ko. Nakakasawa na dahil paulit ulit na lang kami. Ang tigas ng ulo niya, ang tigas tigas din ng puso. Awang awa na ako kay Miss Amanda na wala namang ginawa kung hindi ang mahalin ang Daddy niya, pati na kay Mr. Mendoza ay naaawa rin ako. Naiipit na siya, gusto niyang bumawi sa tingin niyang mga naging pagkukulang sa anak niya pero hindi niya rin pwedeng pabayaan si Miss Amanda at ang relasyon nila. Baka imbes na makapagpahinga at marelax ang puso a
Kahit naiinis ay hindi ko naiwasang bumilib sa boyfriend ko. Natapos namin agad ang limang sequence sa location na ito. Sa kabila ng mahirap na pag execute dahil nga kumplikado ang lugar ay natapos namin ang mga eksena nang walang naging aberya. Bukod sa maputik ay maingay pa itong location, nagawa niya pa ring iraos ang mga eksena ng maayos, maganda at mabilis.“Bilib naman talaga ako sa iyo buntis.” Napalingon ako kay kuya Mike nang magsalita siya.“Bakit kuya?”“Nakatagal ka rito sa location.” Tumawa pa siya pagkatapos niyang magsalita.“Ayos naman po ang location natin ah. ““Mabuti na lang talaga ay hindi ka maselan magbuntis.”“Oo nga po kuya, mabuti na lang at nakipag cooperate si baby ngayon.” Hindi ko na naman naiwasang hindi haplusin nag tiyan ko. Nakakatuwa na nakakapag usap na kami ng ganito. Since open na sa kanila ang pagbubuntis ko, lahat sil
Napansin ko ang pagmamadali ni Richard na pagbuksan ako ng pintuan ng kotse pagkapasok na pagkapasok ng kotse niya sagarahe ng bahay niya.“O nagmamadali?” Hindi ko napigilang pagbibiro sa sa kanya. Iyong inis na nararamdaman ko sa kanya simula pa kagabi ay parang bula na biglang naglaho the moment na nakita ko si Lillian na nahulog sa kangkungan kanina. Parang bawi bawi ang lahat ng sama ng loob at pang iinis na ibinigay sa akin ng babaeng linta na iyon.“Kanina pa kaya ako kating kati.” Mabilis naman niyang sagot sa biro ko. At para mas ma-emphasize pa ang sinabi niya ay nagkamot pa siya ng braso sa harapan ko.“Paanong braso ang nangangati sa iyo eh hindi naman nabasa iyan noong nahulog ka sa ilog kanina.” Nagpatiuna na akong maglakad papasok sa bahay niya. Ito talagang boyfriend ko, gagawa na rin lang ng alibi ay iyong hindi pa kapani paniwala. Nang lingunin ko siya ay kitang kita ko ang ekspresyon sa mukha n
“Ano ba! Nakakainis ka na ha!” Naiinis kong sabi kay Richard na katabi ko ngayon sa kotse. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hampasin ang braso niya. Pabalik na kami sa shoot at papunta na sa susunod na location, nakakainis lang kasi dahil kanina ko pa napapansin ang ngiti sa labi niya. Palalampasin ko na nga lang sana dahli ang buong akala ko ay babaguhin naman niya ang uri ng pagkakangiti niya, pero lumipas na ilang minuto ay ganoon pa rin. Aakalain mo na nakaplaster na iyon sa pagmumukha niya kaya mas lalo akong naasar. Naiinis ako dahil hindi ko alam kung para saan iyon, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng ngiti na iyon.“Aray naman Babe!” Akala mo naman ay totoong nasaktan siya kung maka array naman ang lalaking ito. Hindi pa nakuntento, hinimas niya pa ang tinamaang braso na hinampas ko. “Ano ba ang ginawa ko?” Pagmamaang maangan niya pa na lalong ikinainis ko. Kulang na lang ay sabunutan ko siya pero pinigilan
Tamang tama lang ang pagdating namin sa second location dahil naabutan namin silang kumakain ng pananghalian. Mabuti na lang at itong second location ay mas malapit sa bahay ni Richard kaya naman hindi kami masyadong na-traffic. Hindi naging mahirap sa amin ang pagpunta rito unlike sa grupo. Sobrang traffic daw kaya halos kadarating lang nila.Katulad ng instruction kanina ni Richard kay Direk Juls sa telepono, nagpa lunch break na muna ito bago magsimula muli sa pagse set up.Nakaupo na rin kami ni Richard sa mesa kasalo nila at naghihintay na lang na dalhan kami ng pagkain ng mga kuyang utility.“Rekdi.” Narinig kong pagtawag ni kuya Eric sa atensyon ng katabi ko. “Nag-shower ka lang naman ‘di ba? Bakit ang tagal mo naman yata. Ang lapit lapit ng bahay mo rito pagkatapos ay thirty minutes earlier ka na nakaalis sa amin sa last location.”“Ikaw lang naman Rekdi ang nahulog sa ilog, bakit parang si Stacy a
Pagkatapos akong asarin ay si Sam naman ang napagbalingan ng grupo. Hindi sila tumitigil sa pang aasar dahil sa sinabi kong paraan ng paghahanap sa akin ni Lola Cedes sa kanya. Kahit ako noong narinig iyon ay natatawa dahil tinawag na bading ni Lola si Sam. Biruin mo iyon, si Sam na bestfriend ko, isang taong kilalalng kilala ko ay sasabihin ni Lola na bading. Sobrang nakakatawa naman kasi iyon.At dahil alam ko naman na napakaimposibleng bagay iyon, sasali na rin sana ako sa grupo sa pang aasar sa kanya pero nakita ko ang nagbabantang tingin sa akin ng Babe ko kaya pinigilan ko ang sarili ko na sumabat. Oo na, aminado ako na takot akong talaga kay Stacy, mahirap na at baka hindi pa matuloy iyong gagawin namin mamaya sa bahay. Baka mag init pa ang ulo nito sa akin, mahirap na.“Oo! Bakla ako! Ano naman ngayon? May problema ba kayo sa pagiging bakla ko?” Mayamaya ay narinig kong sinabi ni Sam sa amin.Hindi ako nakahuma dahil sa narinig