Tamang tama lang ang pagdating namin sa second location dahil naabutan namin silang kumakain ng pananghalian. Mabuti na lang at itong second location ay mas malapit sa bahay ni Richard kaya naman hindi kami masyadong na-traffic. Hindi naging mahirap sa amin ang pagpunta rito unlike sa grupo. Sobrang traffic daw kaya halos kadarating lang nila.
Katulad ng instruction kanina ni Richard kay Direk Juls sa telepono, nagpa lunch break na muna ito bago magsimula muli sa pagse set up.
Nakaupo na rin kami ni Richard sa mesa kasalo nila at naghihintay na lang na dalhan kami ng pagkain ng mga kuyang utility.
“Rekdi.” Narinig kong pagtawag ni kuya Eric sa atensyon ng katabi ko. “Nag-shower ka lang naman ‘di ba? Bakit ang tagal mo naman yata. Ang lapit lapit ng bahay mo rito pagkatapos ay thirty minutes earlier ka na nakaalis sa amin sa last location.”
“Ikaw lang naman Rekdi ang nahulog sa ilog, bakit parang si Stacy a
Pagkatapos akong asarin ay si Sam naman ang napagbalingan ng grupo. Hindi sila tumitigil sa pang aasar dahil sa sinabi kong paraan ng paghahanap sa akin ni Lola Cedes sa kanya. Kahit ako noong narinig iyon ay natatawa dahil tinawag na bading ni Lola si Sam. Biruin mo iyon, si Sam na bestfriend ko, isang taong kilalalng kilala ko ay sasabihin ni Lola na bading. Sobrang nakakatawa naman kasi iyon.At dahil alam ko naman na napakaimposibleng bagay iyon, sasali na rin sana ako sa grupo sa pang aasar sa kanya pero nakita ko ang nagbabantang tingin sa akin ng Babe ko kaya pinigilan ko ang sarili ko na sumabat. Oo na, aminado ako na takot akong talaga kay Stacy, mahirap na at baka hindi pa matuloy iyong gagawin namin mamaya sa bahay. Baka mag init pa ang ulo nito sa akin, mahirap na.“Oo! Bakla ako! Ano naman ngayon? May problema ba kayo sa pagiging bakla ko?” Mayamaya ay narinig kong sinabi ni Sam sa amin.Hindi ako nakahuma dahil sa narinig
Isang oras na simula nang matapos ang shoot pero nandito pa rin ako sa third location namin, sa isang restaurant dito sa Tomas Morato. Nagkwekwentuhan pa rin kasi kami nina ate Raq at sir Sam.“Uy Stacy, baka uminit na naman ang ulo ni Rekdi. Kanina ka pa niya hinihintay sa kotse. Mababakas ang pag aalala sa boses ni ate habang sinasabi niya sa akin iyon.Dahil maaga naman kaming natapos ngayon ay gusto ko pa silang makausap. Wala pa kasing alas diyes ay pack up na kami. Kaya naman nagpaalam ako kay Richard na kung pwede ay makikipagkwentuhan muna ako kahit sandali kina ate Raq at sir Sam, pumayag naman siya. Tutal naman ay nagpaiwan din sina kuya Mike at kuya Eric para makipagkwentuhan sa kanya. Pero kanina pa umalis ang guapito boys, thirty minutes na rin yata ang lumipas. Kaya naman, nagpunta na lang sa kotse si Richard at doon niya ako hinihintay ngayon. Sigurado ay nanonood na naman iyon ng paborito niyang documentary series kaya hindi na
Pagdating sa bahay ni Richard ay dumiretso ako agad sa room niya at mabilisang nag-shower. Sa buong maghapon na nasa shoot ako, feeling ko ay naglalagkit ako. Habang nasa banyo ako ay pinapakiramdaman ko kung umakyat din ba ang boyfriend ko, pero wala akong narinig na kahit na anong kaluskos. Iniwan ko siya kanina sa sala pag akyat ko rito. Hindi ko tuloy sigurado kung nakatulog ba siya roon, nakapikit na kasi siya nang iwanan ko kanina.Pagbaba ko mula sa kuwarto ay nakita kong ganoon pa rin ang ayos niya. Baka sobra lang napagod, hinayaan ko na muna siya makapagpahinga. Gigisingin ko na lang siya kapag natapos ko na ang balak kong gawin. Gusto ko kasing gumawa ng churros, nakapanood ako ng video online last week kung paano ang gumawa ng churros. Mabuti na nga lang at nakapag grocery kami ni Richard last week kaya sigurado ako na kumpleto ang ingredients sa pantry niya.May nadaanan na naman kasi akong video online kanina at bigla akong nag-crave. At dah
Habang nasa shower ay hindi ko naiwasang balikan ang naging pag uusap namin ng Daddy ni Stacy. Yes, lingid kasi sa kaalaman ng girlfriend ko, habang abala siya sa pakikipagkwentuhan kina Sam at Raq kanina sa loob ng restaurant ay pumuslit ako papunta sa bahay nila. Mabuti na lang at five minutes away lang ang bahay nila mula sa restaurant kaya madali ko lang iyong nagawa at hindi ako nagkaproblema pabalik. Totoong tinawagan ko ang Daddy niya pero hindi dahil ipagpapaalam ko siya ngayong gabi, tinawagan ko si Mr. Mendoza para humingi ng permiso na magpunta sa bahay nila at makausap siya ng personal. Buong tapang akong humarap at nakipag usap kay Mr. Mendoza at kay Miss Amanda.“O Richard. Tapos na ba kayo?” Tanong ni Mr. Mendoza sa akin the moment na pinagbuksan niya ako ng pinto. “Tapos na ba ang shooting ninyo?”“Opo sir.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay napansin kong tumingin siya sa likuran ko. “Hi
“Tapos ka nang gumawa?” Tanong ko nang maabutan ko siyang nagliligpit na. Nagtaka ako dahil wala naman akong nakitang churros sa paligid.Ipinakita niya sa akin ang dough na nakabalot na ngayon sa cling wrap. “Ilalagay ko na lang ito sa ref, then I’m done.”“Done” Nagtataka kong tanong.“Yup, bukas ko na lang ito lulutuin. Gabi na rin kasi at pagod na ako kung magluluto pa.”“So, no churros for tonight, how about my pandesal?” Bahagya ko pang itinaas ang suot kong t-shirt para ipakita ang tiyan ko. “I hope you are not that tired for this, Babe.” Kumindat pa ako at bahagya kong kinagat ang pang ibaba kong labi para sana akitin siya.“Ibaba mo nga iyan, at huwag kang mangarap. Walang pandesal diyan sa tiyan mo. Kung dati oo, may pandesal diyan noong una kong makita iyan. But now? I don’t think so. Baka hindi mo napapansin, tumataba ka na.”
“Tired?” Tanong sa akin ni Richard after niya akong halikan sa pisngi. Sinundo niya ako rito sa school.“Hindi naman.” Matipid kong sagot.“I guess ay nakatulong ang ginawa nating pagre-review kagabi?” Kumindat pa ang loko habang inaalalayan akong makaupo sa unahan ng kotse.Hindi ko tuloy maiwasang balikan ang nangyari bago kami nagreview kagabi habang siya ay papasok na ngayon sa loob ng kotse.“I love you. I don’t know kung parati ko bang nasasabi sa iyo ito pero alam mo naman na thankful ako sa pagdating mo sa buhay ko ‘di ba? Na wala naman akong pinagsisishan sa mga nangyari sa ating dalawa. Kung papipiliin ako at bibigyan ng chance na bumalik sa oras na iyon, pipiliin ko pa rin na sumama sa iyo.” Hindi ko alam kung kaya ko bang maipaliwanag sa kanya kung gaano ang pasasalamat ko sa pagdating niya sa buhay ko, kung gaano siya kahalaga sa buhay ko sa ngayon.
“Lola Cedes!” Malakas na sabi ko pagkakita ko sa kanya. Naabutan ko siya sa loob ng kitchen ng bahay ni Richard. Agad ko siyang nilapitan at saka nagmano, habang ang boyfriend ko naman ay humalik sa pisngi ni Lola.“Stacy, iha.” Malambing niyang bati sa akin.“Kanina pa po kayo Lola? At ano po ang ginagawa ninyo dito sa kitchen?”“Medyo kanina pa ako rito. Ang sabi kasi sa akin niyang si Ricardo ay susunduin ka lang raw niya sa school. Sandali lang daw siyang mawawala. Aba eh halos tubuan na ako ng talaba ay wala pa rin kayong dalawa. Kaya heto, naisipan ko na lang na magluto.”Pagkasabi niyang iyon ay agad kong naamoy ang mabangong amoy ng niluluto niya, “Sinigang po ba iyan La?”“Oo, apo. Sinigang na baboy, nagprito na rin ako ng isda para may partner ang sinigang. Mabuti na lang at dumating na kayo, akala ko ay lalamig na itong pagkain nang hindi kayo dumarating.&rdq
“Sir may nabili po kasi akong isang resort sa Batangas. Kung gusto ninyo ay doon po muna kayo magbakasyon.” Alok ko kay Mr. Mendoza.Yes, dito ako tumuloy sa bahay nila instead sa meeting ko with Danny. Lingid sa kaalaman ni Stacy ay noong araw na nagpunta kami sa Batangas ay iyon din ang araw na inabot ko kay Danny ang tseke na naglalaman ng paunang bayad ko sa resort. Nang makita ko na nagustuhan niya iyong lugar ay agad ko nang binayaran ang kalahati noon. Iyong balance ay binayaran ko na kanina, nag bank transfer na lang ako dahil nagka emergency siya ngayon at hindi nga makakapunta sa meeting namin.“Niyayabangan mo ba ako, magaling na lalaki? Hindi porket buntis na ang anak ko ay pwede ka nang magmalaki sa akin. Tandaan mo na pwedeng pwede ko pa ring ilayo sa iyo ang anak ko kung gugustuhin ko.”“Pero syempre ay hindi n’yo po iyan gagawin dahil masasaktan si Stacy.”“Sabi ko nga.” P
“T-teka… Ano ito? Bakit may ganito? A-anong nangyayari?” Nauutal kong tanong kay Richard na hanggang ngayon ay nananatiling nalakuhod sa harapan ko at nakalahad sa akin ang palad niyang may tangan na kahita ng singsing.“At saka ano ang ginagawa nila rito?” Tumayo ako mula sa kinauupuan at lalakad na sana para lumapit sa mga taong nakapaligid sa amin. Ano ba ang ginagawa nila rito sa resort? Bakit sila nandito, parang napakaimposible naman na gusto lang nilang manood ng shoot. Pahakbang na ako nang tumayo rin si Richard at pigilan ako.“Babe, where do you think you are going?”“And you,” baling ko sa kanya. “What do you think you are doing right now? Ano ang ibig sbaihin nito?” Pagkasabi ko noon ay nakita kong napalunok ng ilang beses ang kaharap ko sabay napakamot sa batok niya.“K-kasi Babe… A-ano kasi…” Siya ngayon ang hindi magkandatuto sa pagsag
“Stacy.” Napalingon akong muli kay Kuya Eric nang marinig ko na tinawag niya ako. “Upo ka daw muna doon. Mag stand-in ka raw muna, iche-check lang namin ang camera angle.” Pagpapatuloy niya pa.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinabi ni kuya. Well, noong practicum days ko naman ay madalas na pinapagawa nila sa akin ito. Hindi ba nga at inamin sa akin ni Richard na madalas siya ang nagsasabi kina kuya Mike at kuya Eric na ipagawa sa akin ito, dahil nga may motibo siya. Gusto niya raw kasi akong makita kahit sa monitor lang.Medyo creepy sa totoo lang pero nakakakilig rin naman. Noong nakwento niya sa akin iyon habang magkatabi kaming nakahiga sa kama niya at sinita ko siya. Ang sabi ko pa nga ay kung gusto niya pala akong makita, sana pala ay in-assign niya ako sa loob ng ObVan. Doon ay palagi niya akong makikita. Pero ang sabi niya lang sa akin ay masyado na raw garapal kung iyon ang ginawa niya. Inikutan ko lang siya
“No Stacy, hindi mo na kami kailangang tulungan. Kayang kaya na namin ito.” Pagsaway sa akin ni sir Sam.Nakikita ko naman kasi kung gaano sila ka aligaga sa ngayon. Ramdam ko na kulang na kulang sila sa tao kaya alam ko na nahihirapan sila. Hindi pa ba sapat na proof ang haggard na hitsura ni ate kanina. Iyong tipong nagpapanic at halos maiyak na dahil sa dami ng ginagawa, na kahit nakakaramdam ng pagod ay hindi makapagreklamo dahil halos lahat sila ay pawang maraming ginagawa.“At saka malalagot kami nito kay Rekdi kapag nakita niyang pinatutulong ka namin. Baka makasama naman ito sa kalagayan mo.” Dagdag niya pa.“Ay oh, ang OA naman. Hindi naman po ako magbubuhat ng camera at ilaw, o kaya naman ay imposible naman akong maghihila ng mga kable dito. Kaya ayos lang ko, hindi ito makakasama sa akin. Sa totoo nga lang po ay namiss ko ang tumulong sa production. Though halos saglit lang naman po ang pagpapracticum
Chapter 143“Rekdi, si Stacy!” Nagulat ako nang biglang magsalita si Eric.“Si Stacy? Nasa kabilang resort, kasama ng Daddy niya at ni Miss Amanda?” Hindi tumitinging sagot ko sa kanya. Abala ako sa pag iinspeksyon sa checklist namin. Baka kasi may ma-miss out ako, mahirap na.“Hindi Rekdi! Tingnan mo, kausap siya nina Raq at Sam!” Si Mike naman ngayon na kababakasan ng pagpapanic sa boses.Dahil sa narinig ay saka lang ako lumingon sa direksyong tinitingnan nila. At dahil nga salamin naman ang dingding ng opisinang kinaroroonan namin ay kitang kita ko ang kagandahang hinding hindi ko pagsasawaan kailanman. Awtomatiko akong napangiti, ilang araw ko na nga bang hindi nasilayan ang mukha ng Babe ko?Hindi ko napigilan ang sarili ko, agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at akmang hahakbang na palabas ng opisina nang pigilan ako ng dalawang kasama ko.“Rekdi, saan ka pupunta?”&ldqu
Ang bilis naman ang aksyon ni Lord, pinagbigyan agad ang kanina lang ay hinihiling ko. Simula pa kagabi ay ipinagdarasal ko na sana ay makasama ko si Richard kahit na alam ko naman na imposible iyon na mangyari. Papunta kaming south at ang grupo naman niya ay sa north ang punta. Kahit saang anggulo ko isipin ay hindi talaga kami magpapang abot.Kahit hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit sila napunta sa resort na ito ay hindi na iyon mahalaga sa ngayon. Imposible naman kasi na sinadya ng boyfriend ko na dito sila mag location sa katabing resort kung saan kami nagbabakasyon. Wala siyang paraan para malaman kung nasaan kami dahil kahit nga ako ay clueless sa pupuntahan namin kaninang umaga. Kaya nga nagulat ako nang makita kong medyo pamilyar ang lugar na tinatahak ng van. Mas lalo namang imposible na sabihin sa kanya ni Daddy, hindi nga sila nag uusap kung hindi ko pa pilitin si Daddy eh, ang sabihin pa kaya kung saan kami magpupunta? Kung pwede nga lang
“Mukhang masarap nang maglakad sa buhanginan ah.” Sabi ko sa sarili ko. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin ako sa loob ng restaurant, wala namang masyadong customer kaya naisip ko kanina na ayos lang na magtagal muna ako rito. Sayang naman ang kagandahan ng paligid kung magkukulong lang ako sa loob ng cottage namin katulad ng ginagawa nina Daddy at Tita Amanda.Pagkatapos naming mag usap kanina ni Tita at magkwentuhan pa ng kaunti ay lubusang gumaan na ang pakiramdam ko. Nabawasan na ang matagal nang nakadagang mabigat sa dibdib ko. Ngayon ay masasabi ko na tuluyan ko nang napalaya ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ko kina dad at tita Amanda. Alam ko sa sarili ko na wala na akong ill feelings na nararamdaman sa relasyon, as in totally wiped out na lahat ng sakit na naramdaman ko noon.Malaking tulong na sa bahay namin tumira si Tita dahil nakilala ko siya ng husto. Nalaman ko kung bakit siya nagustuhan ni dad, nalaman ko kung bakit m
“Paano ba iyan Babe, problem solved na.” Mayamaya ay narinig kong sabi sa akin ng boyfriend ko sa kabilang linya. Sinabi ko kasi sa kanya na alam na ni Daddy na buntis ako.“Eh ano naman ngayon?” Hindi ko napigilan ang sarili kong tarayan siya. Akala niya ba ay nakalimutan ko na ng atraso niya sa akin. Ngayon niya lang sinagot ang tawag ko sa kanya, nagpadala lang siya sa akin kanina ng text na kagigising niya lang. Pagkatapos ay wala na. Nakakapanibago na talaga siya ngayon.“Eh ‘di kasalan na ang susunod.”“Kasalan? Nino?” Tanong ko sa kanya. “Sina Dad at Tita Amanda ba? Pero wala naman silang nababanggit sa akin eh, happy na raw sila na magkasama sila. I don’t think na magpapakasal pa sila.” Totoo naman ang sinabi ko, dahil noong minsan ay natanong ko silang dalawa habang magkakasalo kami sa breakfast. Kako ay bakit hindi pa sila magpakasal since okay na naman ako sa relasyo
“Ano, kamusta ang set up natin Juls?” Nagpa-panic kong tanong kay Juls.“Rekdi naman, dumadagdag ka lang sa pagkakataranta namin eh. Relax ka lang diyan.”“Paanong hindi ako matataranta, anong oras na eh. Ang usapan namin ng Daddy ni Stacy ay before sunset niya dadalhin rito ang Babe ko.”“Alas-dos pa lang naman Rekdi. Hayaan mo na lang muna kami rito, kami na ang bahala.” Pagpapahinahon naman sa akin ni Sam.“At isa pa Rekdi, ano ba ang ikinatatakot mo? Iyon bang mawala ang sunset, pwede naman nating dayain sa ilaw iyan.”“Siraulo ka talaga Mike, ginawa mo pang shoot itong proposal ni Rekdi.” Sita sa kanya ni Eric.Lahat kami ay nandito na sa Batangas, sa katabing resort kung saan naroon ngayon si Stacy. Kumpleto nag grupo ko, wala man silang papel sa gagawin ko ay gusto ko na maging saksi sila sa gagaiwn kong ito. Ang totoo ay kagabi pa nandito ang grupo
“Anak, bakit mukhang malungkot ka ngayon? Hindi ka ba excited sa magiging bakasyon natin?” Tanong sa akin ni dad paglingon niya sa akin dito sa backseat. Nasa harapan kasi siya nakaupo katabi ng company driver namin habang kami naman ni Tita Amanda ang nakaupo rito sa likuran ng van. Maaga kaming umalis ng bahay at ngayon nga ay nasa bandang Batangas na kami.“Excited naman po dad.” Walang kagana ganang sagot ko sa kanya.“Iyan ba ang mukha ng excited?” Tanong naman sa akin ng katabi kong si Tita. Napilitan tuloy akong ngumiti para mapanatag silang dalawa.“Nakow! Alam ko na kung bakit, alam ko na ang dahilan ng pinagkakaganyan mong bata ka.”Kinunotan ko lang ng noo si Dad saka pumikit na lang.“Uy, huwag ka nang matulog. Malapit na tayo. Kanina ka pa tulog ng tulog. Anong oras ka ba natulog kagabi? Baka nakipagtelebabad ka pa sa Richard na iyon samantalang sinabihan na kita na ma