“Sir may nabili po kasi akong isang resort sa Batangas. Kung gusto ninyo ay doon po muna kayo magbakasyon.” Alok ko kay Mr. Mendoza.
Yes, dito ako tumuloy sa bahay nila instead sa meeting ko with Danny. Lingid sa kaalaman ni Stacy ay noong araw na nagpunta kami sa Batangas ay iyon din ang araw na inabot ko kay Danny ang tseke na naglalaman ng paunang bayad ko sa resort. Nang makita ko na nagustuhan niya iyong lugar ay agad ko nang binayaran ang kalahati noon. Iyong balance ay binayaran ko na kanina, nag bank transfer na lang ako dahil nagka emergency siya ngayon at hindi nga makakapunta sa meeting namin.
“Niyayabangan mo ba ako, magaling na lalaki? Hindi porket buntis na ang anak ko ay pwede ka nang magmalaki sa akin. Tandaan mo na pwedeng pwede ko pa ring ilayo sa iyo ang anak ko kung gugustuhin ko.”
“Pero syempre ay hindi n’yo po iyan gagawin dahil masasaktan si Stacy.”
“Sabi ko nga.” P
“Anak, kailan ang umpisa ng semestral break ninyo?” Tanong sa akin ni Dad habang kumakain kami ng agahan. Siya, ako at si Tita Amanda ang magkasalo ngayon. Kagabi nang hinatid ako ni Richard ay gusto niya sanang magsabi na kami kay dad ng kalagayan ko, na buntis ako. Pero hindi ako pumayag. Baka kasi matagalan kami, baka matagalan siya sa pagbalik sa bahay niya. Hindi ako sigurado kung pakakawalan ba siya agad ni daddy pagkatapos nitong malaman ang totoo. Pinagmamadali ko pa man din si Richard na makauwi sa bahay niya dahil nag aalala nga ako kay Lola Cedes, naiwan namin siyang mag isa sa bahay.Gusto ko man siyang isama ay hindi nama pwepwede, sabi ng boyfriend ko. Ang sabi niya ay baka iba ang isipin ng tatay ko kapag nagdala na siya ng kamag anak. Baka daw lalo itong magalit sa kanya at maging dahilan ng pagbabawal sa aming magkita. May posibilidad daw na isipin ni dad na nagmamadali na siyang kuhanin ako, na angkinin ako bilang kanya. Ayaw niya d
“Rekdi, nasaan si Stacy? Agad na tanong sa akin ni Eric the moment na makaupo ako sa harapan nila. Lumingon pa siya sa pinanggalingan ko. “Bakit hindi mo yata kasama si buntis ngayon?” Kadarating ko lang ng location, feeling empty na naman ako pagpunta ko rito dahil wala akong pasahero. Nakakapanibago man ay dapat na rin akong masanay, malapit nang dumating ang oras na hindi na pwedeng sumama sa akin sa shoot si Stacy. Kapag lumaki na ang tiyan niya ay hindi na ako papayag na magpunta pa siya rito at tumulong. Ang minsang pagdalaw ay pwepwede naman siguro o kaya naman kung talagang namimiss na niya ang mga kolokoy na ito, mas mabuti na sila na lang ang bumisita kay Stacy sa bahay. Doon na lang nila puntahan para mas safe.“Final exams na nila eh. Hindi na muna siya magpupunta rito.” Paliwanag ko.“Ay, aayain pa naman sana naming manood ng basketball sa Friday.” Nangunot ang noo ko, pasakalye niya pa lang. &l
“Sigurado ka na bang talaga diyan Rekdi?” Tanong sa akin ni Eric pagkatapos nilang kumalma mula sa sinabi ko. “Baka nabibigla ka lang, pwede pa naman yatang umurong.”“Oo nga naman Rekdi. Baka ma-miss mo niyan ang buhay binata ha.” Si Mike naman ngayon.“Kilala n’yo ako guys, kapag ginusto ko ang isang bagay, ang ibig sabihin noon ay desidido na ako. At saka buntis na si Stacy, ilang buwan na lang ay lalabas na ang baby namin. Dapat lang naman siguro na isipin ko na ang pagpapamilya. Hindi na rin naman ako bumabata. Isa pa ay naiinggit ako sa inyo.”“Naiinggit ka sa amin?” Tila gulat na tanong ni tatay Matt sa akin. “Aba’y ano ang kinaiinggitan mo sa amin? Ikaw nga diyan eh. Pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo.”“Nakakasawa din naman Tay Matt ang pagiging binata. Syempre tumatanda na rin ako, gusto ko rin na paggising ko sa umaga ay may makikita akon
“Sam.” Tawag ko sa pansin ni Sam, ang matalik kong kaibigan since high school.“Yes, Rekdi?” Nang angat siya ng paningin sa akin. Kasalukuyan kasi siyang nagbabasa ng bagong dating na script. Muli ay pinaalalahanan ko angs arili ko. Si Sam ito, ang matalik kong kaibigan since high school. Kahit na ano ay pwede kong sabihin sa kanya. Kahit na ano ay pwede kong ikonsulta. Karamay ko siya sa lahat. Mula sa kalokohan hanggang sa madilim na sandali ng buhay ko. Siya, sila ni Luke ang karamay at kasama ko nang sabay na amwala ang parents ko. Sa kanila ay pwede akong magsabi ng totoo, hindi ko kinakaialnagn na magkunwari. Hindi ko kailangan na magtago ng nararamdaman.“Natatakot ako, sa totoo lang. Kinakabahan ako sa gagawin ko.”Pagkarinig sa sinabi kong iyon ay tumayo siya mula sa kinauupuan at saka lumapit sa akin.“Ano ang sinabi mo?”“Natatako at Sam, paano kung ayawan na naman ako n
“Kailan nga itong binabalak mong proposal Rekdi?” Tanong sa akin ni Tay Matt habang pareho na kaming nasa loob ng ObVan.Katatapos lang ng isang eksena kaya nagse-set up pa ngayon sa floor. Hindi ko na naman kinakailangang bumaba pa at magpunta roon dahil nakapag blocking na rin ako kanina para sa susunod na eksenang kukunan. Dahil nga sa continuation lang naman ang susunod na eksena kaya hindi magbabago ang artistang kailangan sa next sequence. Set up lang ang pinabago ko sa kanila kaya ang punong abala ngayon sa floor ay ang lighting at art department. At nandoon naman si Juls, tiwala ako na nasu-supervise niya ang gusto kong mangyari para sa kukunang eksena.“Sa twenty-four sana Tay Matt. Tamang tama kasi dahil wala rin tayong trabaho noon dahil nga may shoot sa Morocco ang mga artista natin. Kaya sana makikiusap ako sa inyo, alam n’yo naman na kailangang kailangan ko ang suporta ng mga taong malalapit sa akin at kayo iyon. Kayo
“I love you too Babe. Huwag na malungkot ha, aayusin ko iyong problema mo. Goodluck sa exam mo.”Pagkarinig ko sa sinabing iyon ni Richard sa kabilang linya agad ko nang pinutol ang tawag. Huminga muna ako ng malalim saka tumingin sa paligid. Nandito ako ngayon sa isa sa mga gazebo dito sa school, nag iisa. Hindi ko alam kung nasaan sina Ida at Apz, I’ve been texting them pero hindi naman sila sumasagot, siguro ay nagtatampo pa rin sila sa akin ngayon. Malamang ay nagagalit at masama pa rin ang loob nila dahil ang pakiramdam nila ay pinaglihiman ko sila.Hindi ko rin naman sila masisisi kung nakakaramdam sila ng ganoon sa akin. May karapatan silang magalit. May usapan kami bilang matalik na magkakaibigan na walang lihiman hanggang sa dulo pero anong ginawa ko? Hindi katwiran na dahil hindi kami madalas na nagkikita kaya hindi ako nakakapagkwento sa kanila. Hindi dahilan na halos wala kaming oras sa isa’t isa para hindi ko ipaalam s
“Rekdi, nag kaaberya si A sa guesting niya.” Imporma sa akin ni Juls. Umakyat pa siya sa ObVan para sabihin sa akin ng personal. Hangga’t maaari kasi ay aayw kong ipaalam ang mga ganitong aberya sa iba ko pang artista at crew. “After lunch pa raw maibibigay sa atin. Magpapa-lunchbreak na lang muna ako.”“Mabuti pa nga kaysa pare pareho tayong nakatengga rito. Wala naman tayong magagawa dahil para rin sa promo ng show natin nag pagpunta niya doon. Kaya langnakakainis na naaberya tayo. Sayang ang oeas natin, kung alam ko lang na ganyan nag mangyayari ay sana iyong second location na lang ang inuna natin.”“Kaya nga eh, hindi rin naman gusto ng bata iyon. Sigurado na pagdating noon dito ay kuntodo paghingi ng sorry.” Iyon lang at bumaba na rin agad si Juls kasunod si Tatay.Naiwan akong mag isa dito sa ObVan. Namomroblema na naman kasi ako. Paano ba naman ay nagtext ang big boss sa akin na dadalaw
“Kumain na kayo ni Lola?” Tanong ko kay Stacy sa kabilang linya. Kasalukyan akong nakaupo sa labas ng ObVan ngayon dahil nagseset-up pa. Isa pa ay may hinihintay pa kaming artista kaya hindi pa kami makapag-take.“Yes, pagdating ko ay nakapagluto na siya ng pochero. Grabe, namiss ko ang ganoong luto.” Halata ko na sobrang na-amaze siya base sa tono ng boses niya. “Since namatay si Mommy ay hindi na ako nakakain ng ganoong kasarap.” Pagkwekwento pa niya. Oo nga pala, noong nasa Batangas kami ay hindi naipagluto ni Lola si Stacy dahil teritoryo ni Mang Celia iyon, ang matagal nang kusinera ni Lola.“Favorite niyang lutuin sa akin iyan eh. Ano ba naman iyang si Lola, kung kailan may trabaho ako ay saka pa nagluto niyan.”“Ako na kasi ang paborito niya eh, hindi na raw ikaw.” Pang aasar pa niya saka binuntutan ng malakas na tawa.“Hay naku, magjo-joint force na naman kayo ni Lola.
“T-teka… Ano ito? Bakit may ganito? A-anong nangyayari?” Nauutal kong tanong kay Richard na hanggang ngayon ay nananatiling nalakuhod sa harapan ko at nakalahad sa akin ang palad niyang may tangan na kahita ng singsing.“At saka ano ang ginagawa nila rito?” Tumayo ako mula sa kinauupuan at lalakad na sana para lumapit sa mga taong nakapaligid sa amin. Ano ba ang ginagawa nila rito sa resort? Bakit sila nandito, parang napakaimposible naman na gusto lang nilang manood ng shoot. Pahakbang na ako nang tumayo rin si Richard at pigilan ako.“Babe, where do you think you are going?”“And you,” baling ko sa kanya. “What do you think you are doing right now? Ano ang ibig sbaihin nito?” Pagkasabi ko noon ay nakita kong napalunok ng ilang beses ang kaharap ko sabay napakamot sa batok niya.“K-kasi Babe… A-ano kasi…” Siya ngayon ang hindi magkandatuto sa pagsag
“Stacy.” Napalingon akong muli kay Kuya Eric nang marinig ko na tinawag niya ako. “Upo ka daw muna doon. Mag stand-in ka raw muna, iche-check lang namin ang camera angle.” Pagpapatuloy niya pa.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinabi ni kuya. Well, noong practicum days ko naman ay madalas na pinapagawa nila sa akin ito. Hindi ba nga at inamin sa akin ni Richard na madalas siya ang nagsasabi kina kuya Mike at kuya Eric na ipagawa sa akin ito, dahil nga may motibo siya. Gusto niya raw kasi akong makita kahit sa monitor lang.Medyo creepy sa totoo lang pero nakakakilig rin naman. Noong nakwento niya sa akin iyon habang magkatabi kaming nakahiga sa kama niya at sinita ko siya. Ang sabi ko pa nga ay kung gusto niya pala akong makita, sana pala ay in-assign niya ako sa loob ng ObVan. Doon ay palagi niya akong makikita. Pero ang sabi niya lang sa akin ay masyado na raw garapal kung iyon ang ginawa niya. Inikutan ko lang siya
“No Stacy, hindi mo na kami kailangang tulungan. Kayang kaya na namin ito.” Pagsaway sa akin ni sir Sam.Nakikita ko naman kasi kung gaano sila ka aligaga sa ngayon. Ramdam ko na kulang na kulang sila sa tao kaya alam ko na nahihirapan sila. Hindi pa ba sapat na proof ang haggard na hitsura ni ate kanina. Iyong tipong nagpapanic at halos maiyak na dahil sa dami ng ginagawa, na kahit nakakaramdam ng pagod ay hindi makapagreklamo dahil halos lahat sila ay pawang maraming ginagawa.“At saka malalagot kami nito kay Rekdi kapag nakita niyang pinatutulong ka namin. Baka makasama naman ito sa kalagayan mo.” Dagdag niya pa.“Ay oh, ang OA naman. Hindi naman po ako magbubuhat ng camera at ilaw, o kaya naman ay imposible naman akong maghihila ng mga kable dito. Kaya ayos lang ko, hindi ito makakasama sa akin. Sa totoo nga lang po ay namiss ko ang tumulong sa production. Though halos saglit lang naman po ang pagpapracticum
Chapter 143“Rekdi, si Stacy!” Nagulat ako nang biglang magsalita si Eric.“Si Stacy? Nasa kabilang resort, kasama ng Daddy niya at ni Miss Amanda?” Hindi tumitinging sagot ko sa kanya. Abala ako sa pag iinspeksyon sa checklist namin. Baka kasi may ma-miss out ako, mahirap na.“Hindi Rekdi! Tingnan mo, kausap siya nina Raq at Sam!” Si Mike naman ngayon na kababakasan ng pagpapanic sa boses.Dahil sa narinig ay saka lang ako lumingon sa direksyong tinitingnan nila. At dahil nga salamin naman ang dingding ng opisinang kinaroroonan namin ay kitang kita ko ang kagandahang hinding hindi ko pagsasawaan kailanman. Awtomatiko akong napangiti, ilang araw ko na nga bang hindi nasilayan ang mukha ng Babe ko?Hindi ko napigilan ang sarili ko, agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at akmang hahakbang na palabas ng opisina nang pigilan ako ng dalawang kasama ko.“Rekdi, saan ka pupunta?”&ldqu
Ang bilis naman ang aksyon ni Lord, pinagbigyan agad ang kanina lang ay hinihiling ko. Simula pa kagabi ay ipinagdarasal ko na sana ay makasama ko si Richard kahit na alam ko naman na imposible iyon na mangyari. Papunta kaming south at ang grupo naman niya ay sa north ang punta. Kahit saang anggulo ko isipin ay hindi talaga kami magpapang abot.Kahit hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit sila napunta sa resort na ito ay hindi na iyon mahalaga sa ngayon. Imposible naman kasi na sinadya ng boyfriend ko na dito sila mag location sa katabing resort kung saan kami nagbabakasyon. Wala siyang paraan para malaman kung nasaan kami dahil kahit nga ako ay clueless sa pupuntahan namin kaninang umaga. Kaya nga nagulat ako nang makita kong medyo pamilyar ang lugar na tinatahak ng van. Mas lalo namang imposible na sabihin sa kanya ni Daddy, hindi nga sila nag uusap kung hindi ko pa pilitin si Daddy eh, ang sabihin pa kaya kung saan kami magpupunta? Kung pwede nga lang
“Mukhang masarap nang maglakad sa buhanginan ah.” Sabi ko sa sarili ko. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin ako sa loob ng restaurant, wala namang masyadong customer kaya naisip ko kanina na ayos lang na magtagal muna ako rito. Sayang naman ang kagandahan ng paligid kung magkukulong lang ako sa loob ng cottage namin katulad ng ginagawa nina Daddy at Tita Amanda.Pagkatapos naming mag usap kanina ni Tita at magkwentuhan pa ng kaunti ay lubusang gumaan na ang pakiramdam ko. Nabawasan na ang matagal nang nakadagang mabigat sa dibdib ko. Ngayon ay masasabi ko na tuluyan ko nang napalaya ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ko kina dad at tita Amanda. Alam ko sa sarili ko na wala na akong ill feelings na nararamdaman sa relasyon, as in totally wiped out na lahat ng sakit na naramdaman ko noon.Malaking tulong na sa bahay namin tumira si Tita dahil nakilala ko siya ng husto. Nalaman ko kung bakit siya nagustuhan ni dad, nalaman ko kung bakit m
“Paano ba iyan Babe, problem solved na.” Mayamaya ay narinig kong sabi sa akin ng boyfriend ko sa kabilang linya. Sinabi ko kasi sa kanya na alam na ni Daddy na buntis ako.“Eh ano naman ngayon?” Hindi ko napigilan ang sarili kong tarayan siya. Akala niya ba ay nakalimutan ko na ng atraso niya sa akin. Ngayon niya lang sinagot ang tawag ko sa kanya, nagpadala lang siya sa akin kanina ng text na kagigising niya lang. Pagkatapos ay wala na. Nakakapanibago na talaga siya ngayon.“Eh ‘di kasalan na ang susunod.”“Kasalan? Nino?” Tanong ko sa kanya. “Sina Dad at Tita Amanda ba? Pero wala naman silang nababanggit sa akin eh, happy na raw sila na magkasama sila. I don’t think na magpapakasal pa sila.” Totoo naman ang sinabi ko, dahil noong minsan ay natanong ko silang dalawa habang magkakasalo kami sa breakfast. Kako ay bakit hindi pa sila magpakasal since okay na naman ako sa relasyo
“Ano, kamusta ang set up natin Juls?” Nagpa-panic kong tanong kay Juls.“Rekdi naman, dumadagdag ka lang sa pagkakataranta namin eh. Relax ka lang diyan.”“Paanong hindi ako matataranta, anong oras na eh. Ang usapan namin ng Daddy ni Stacy ay before sunset niya dadalhin rito ang Babe ko.”“Alas-dos pa lang naman Rekdi. Hayaan mo na lang muna kami rito, kami na ang bahala.” Pagpapahinahon naman sa akin ni Sam.“At isa pa Rekdi, ano ba ang ikinatatakot mo? Iyon bang mawala ang sunset, pwede naman nating dayain sa ilaw iyan.”“Siraulo ka talaga Mike, ginawa mo pang shoot itong proposal ni Rekdi.” Sita sa kanya ni Eric.Lahat kami ay nandito na sa Batangas, sa katabing resort kung saan naroon ngayon si Stacy. Kumpleto nag grupo ko, wala man silang papel sa gagawin ko ay gusto ko na maging saksi sila sa gagaiwn kong ito. Ang totoo ay kagabi pa nandito ang grupo
“Anak, bakit mukhang malungkot ka ngayon? Hindi ka ba excited sa magiging bakasyon natin?” Tanong sa akin ni dad paglingon niya sa akin dito sa backseat. Nasa harapan kasi siya nakaupo katabi ng company driver namin habang kami naman ni Tita Amanda ang nakaupo rito sa likuran ng van. Maaga kaming umalis ng bahay at ngayon nga ay nasa bandang Batangas na kami.“Excited naman po dad.” Walang kagana ganang sagot ko sa kanya.“Iyan ba ang mukha ng excited?” Tanong naman sa akin ng katabi kong si Tita. Napilitan tuloy akong ngumiti para mapanatag silang dalawa.“Nakow! Alam ko na kung bakit, alam ko na ang dahilan ng pinagkakaganyan mong bata ka.”Kinunotan ko lang ng noo si Dad saka pumikit na lang.“Uy, huwag ka nang matulog. Malapit na tayo. Kanina ka pa tulog ng tulog. Anong oras ka ba natulog kagabi? Baka nakipagtelebabad ka pa sa Richard na iyon samantalang sinabihan na kita na ma