“Sigurado ka na bang talaga diyan Rekdi?” Tanong sa akin ni Eric pagkatapos nilang kumalma mula sa sinabi ko. “Baka nabibigla ka lang, pwede pa naman yatang umurong.”
“Oo nga naman Rekdi. Baka ma-miss mo niyan ang buhay binata ha.” Si Mike naman ngayon.
“Kilala n’yo ako guys, kapag ginusto ko ang isang bagay, ang ibig sabihin noon ay desidido na ako. At saka buntis na si Stacy, ilang buwan na lang ay lalabas na ang baby namin. Dapat lang naman siguro na isipin ko na ang pagpapamilya. Hindi na rin naman ako bumabata. Isa pa ay naiinggit ako sa inyo.”
“Naiinggit ka sa amin?” Tila gulat na tanong ni tatay Matt sa akin. “Aba’y ano ang kinaiinggitan mo sa amin? Ikaw nga diyan eh. Pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo.”
“Nakakasawa din naman Tay Matt ang pagiging binata. Syempre tumatanda na rin ako, gusto ko rin na paggising ko sa umaga ay may makikita akon
“Sam.” Tawag ko sa pansin ni Sam, ang matalik kong kaibigan since high school.“Yes, Rekdi?” Nang angat siya ng paningin sa akin. Kasalukuyan kasi siyang nagbabasa ng bagong dating na script. Muli ay pinaalalahanan ko angs arili ko. Si Sam ito, ang matalik kong kaibigan since high school. Kahit na ano ay pwede kong sabihin sa kanya. Kahit na ano ay pwede kong ikonsulta. Karamay ko siya sa lahat. Mula sa kalokohan hanggang sa madilim na sandali ng buhay ko. Siya, sila ni Luke ang karamay at kasama ko nang sabay na amwala ang parents ko. Sa kanila ay pwede akong magsabi ng totoo, hindi ko kinakaialnagn na magkunwari. Hindi ko kailangan na magtago ng nararamdaman.“Natatakot ako, sa totoo lang. Kinakabahan ako sa gagawin ko.”Pagkarinig sa sinabi kong iyon ay tumayo siya mula sa kinauupuan at saka lumapit sa akin.“Ano ang sinabi mo?”“Natatako at Sam, paano kung ayawan na naman ako n
“Kailan nga itong binabalak mong proposal Rekdi?” Tanong sa akin ni Tay Matt habang pareho na kaming nasa loob ng ObVan.Katatapos lang ng isang eksena kaya nagse-set up pa ngayon sa floor. Hindi ko na naman kinakailangang bumaba pa at magpunta roon dahil nakapag blocking na rin ako kanina para sa susunod na eksenang kukunan. Dahil nga sa continuation lang naman ang susunod na eksena kaya hindi magbabago ang artistang kailangan sa next sequence. Set up lang ang pinabago ko sa kanila kaya ang punong abala ngayon sa floor ay ang lighting at art department. At nandoon naman si Juls, tiwala ako na nasu-supervise niya ang gusto kong mangyari para sa kukunang eksena.“Sa twenty-four sana Tay Matt. Tamang tama kasi dahil wala rin tayong trabaho noon dahil nga may shoot sa Morocco ang mga artista natin. Kaya sana makikiusap ako sa inyo, alam n’yo naman na kailangang kailangan ko ang suporta ng mga taong malalapit sa akin at kayo iyon. Kayo
“I love you too Babe. Huwag na malungkot ha, aayusin ko iyong problema mo. Goodluck sa exam mo.”Pagkarinig ko sa sinabing iyon ni Richard sa kabilang linya agad ko nang pinutol ang tawag. Huminga muna ako ng malalim saka tumingin sa paligid. Nandito ako ngayon sa isa sa mga gazebo dito sa school, nag iisa. Hindi ko alam kung nasaan sina Ida at Apz, I’ve been texting them pero hindi naman sila sumasagot, siguro ay nagtatampo pa rin sila sa akin ngayon. Malamang ay nagagalit at masama pa rin ang loob nila dahil ang pakiramdam nila ay pinaglihiman ko sila.Hindi ko rin naman sila masisisi kung nakakaramdam sila ng ganoon sa akin. May karapatan silang magalit. May usapan kami bilang matalik na magkakaibigan na walang lihiman hanggang sa dulo pero anong ginawa ko? Hindi katwiran na dahil hindi kami madalas na nagkikita kaya hindi ako nakakapagkwento sa kanila. Hindi dahilan na halos wala kaming oras sa isa’t isa para hindi ko ipaalam s
“Rekdi, nag kaaberya si A sa guesting niya.” Imporma sa akin ni Juls. Umakyat pa siya sa ObVan para sabihin sa akin ng personal. Hangga’t maaari kasi ay aayw kong ipaalam ang mga ganitong aberya sa iba ko pang artista at crew. “After lunch pa raw maibibigay sa atin. Magpapa-lunchbreak na lang muna ako.”“Mabuti pa nga kaysa pare pareho tayong nakatengga rito. Wala naman tayong magagawa dahil para rin sa promo ng show natin nag pagpunta niya doon. Kaya langnakakainis na naaberya tayo. Sayang ang oeas natin, kung alam ko lang na ganyan nag mangyayari ay sana iyong second location na lang ang inuna natin.”“Kaya nga eh, hindi rin naman gusto ng bata iyon. Sigurado na pagdating noon dito ay kuntodo paghingi ng sorry.” Iyon lang at bumaba na rin agad si Juls kasunod si Tatay.Naiwan akong mag isa dito sa ObVan. Namomroblema na naman kasi ako. Paano ba naman ay nagtext ang big boss sa akin na dadalaw
“Kumain na kayo ni Lola?” Tanong ko kay Stacy sa kabilang linya. Kasalukyan akong nakaupo sa labas ng ObVan ngayon dahil nagseset-up pa. Isa pa ay may hinihintay pa kaming artista kaya hindi pa kami makapag-take.“Yes, pagdating ko ay nakapagluto na siya ng pochero. Grabe, namiss ko ang ganoong luto.” Halata ko na sobrang na-amaze siya base sa tono ng boses niya. “Since namatay si Mommy ay hindi na ako nakakain ng ganoong kasarap.” Pagkwekwento pa niya. Oo nga pala, noong nasa Batangas kami ay hindi naipagluto ni Lola si Stacy dahil teritoryo ni Mang Celia iyon, ang matagal nang kusinera ni Lola.“Favorite niyang lutuin sa akin iyan eh. Ano ba naman iyang si Lola, kung kailan may trabaho ako ay saka pa nagluto niyan.”“Ako na kasi ang paborito niya eh, hindi na raw ikaw.” Pang aasar pa niya saka binuntutan ng malakas na tawa.“Hay naku, magjo-joint force na naman kayo ni Lola.
“Sir naman, ano na naman po ba ang sinabi ninyo kay Stacy?” Tanong ko kay Mr. Mendoza the moment na lumabas siya ng kwarto at hinarap ako sa sala nila. “Masama na naman ang loob niya kahapon noong pagtawag sa akin.”“Ginawa? Wala naman akong ginawa ah. Ano nga ba ang sinabi ko? Ano ba ang isinumbong ng anak kong iyon?”“Naiinis daw siya sa inyo at masama ang loob niya. Sir naman, gumawa na nga po ako ng mga paraan para maging ayos kayo, para magkabati kayo at bumalik ang dating closeness ninyo pagkatapos ay ganito na naman ang mangyayari. Baka bumalik na naman sa hindi ninyo pagkikibuan ito ha.”Ayaw ko na mauwi lang sa wala ang pinaghirapan ko. Hindi naman sa nanghihinayang ako sa effort na ipinakita ko para lang mapag ayaos ang mag ama, kaya lang ay ayaw ko na muling bumalik ang ganoong sitwasyon. Ang gusto ko ay maayos ang maging relasyon nilang mag ama once nagpropose ako kay Stacy. Ayaw ko na may
“Hi Babe!” Bati ko kay Stacy nang makalapit siya sa kotse ko. Pagkatapos ay agad ko siyang binigyan ng halik sa pisngi. Napansin ko na good mood siya, dahil kung bad mood siya ay hindi niya ako papayagan nito na humalik kahit sa pisngi niya lang. Hate na hate niya kasi ang public display of affection, ayaw niya na nakikita ng ibang tao ang pagiging sweet ko sa kanya. Para lang daw sa aming dalawa iyon na hindi ko man ma-gets ay pinagbibigyan ko na lang.“Kanina ka pa?” Tanong niya habang inaalalayan ko siyang makaupo sa passenger’s seat. Matapos noon ay mabilsi akong umikot at saka pumwesto na sa harap ng manibela.“Kadarating ko lang Babe.” Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya kaya nagtanong ako. “Why? Kanina ka pa ba naghihintay sa akin?”“Hindi naman. Kaka-dismiss lang ng prof namin. Nagtataka lang ako kung bakit kadarating mo lang.”“Ano namang nakakapagtaka doon? O
“Stacy, iha. Hindi ka ba aalis ngayon? Tanghali na, nandito ka pa rin sa bahay natin.” Tanong sa akin ni Dad ng maabutan niya ako sa loob ng entertainment room namin habang nagma-marathon ng favorite kong Korean drama.“Hindi Dad.” Hindi tumitinging sagot ko sa kanya.“Hindi ka magpupunta sa school? Hindi ka papasok?”“Hindi po Dad. Semestral break na po namin ngayon.”“Anak naman, dahan dahan naman sa pagkain ng popcorn. Baka mawalan ka na ng gana for lunch niyan.”“No Dad, I still have room for food. At saka sobrang sarap lang po nitong popcorn. The best ang pagkaka microwave ni Tita Amanda.” Hindi ko alam kung bakit sa tingin ko ay mas masarap siya ngayon samantalang same brand lang naman ito ng palagi kong binibili. Baka may binago ang factory because I don’t think may iba pang paraan ng pagkaka microwave para sumarap ng ganito ang popcorn.&ldquo