“Sir naman, ano na naman po ba ang sinabi ninyo kay Stacy?” Tanong ko kay Mr. Mendoza the moment na lumabas siya ng kwarto at hinarap ako sa sala nila. “Masama na naman ang loob niya kahapon noong pagtawag sa akin.”
“Ginawa? Wala naman akong ginawa ah. Ano nga ba ang sinabi ko? Ano ba ang isinumbong ng anak kong iyon?”
“Naiinis daw siya sa inyo at masama ang loob niya. Sir naman, gumawa na nga po ako ng mga paraan para maging ayos kayo, para magkabati kayo at bumalik ang dating closeness ninyo pagkatapos ay ganito na naman ang mangyayari. Baka bumalik na naman sa hindi ninyo pagkikibuan ito ha.”
Ayaw ko na mauwi lang sa wala ang pinaghirapan ko. Hindi naman sa nanghihinayang ako sa effort na ipinakita ko para lang mapag ayaos ang mag ama, kaya lang ay ayaw ko na muling bumalik ang ganoong sitwasyon. Ang gusto ko ay maayos ang maging relasyon nilang mag ama once nagpropose ako kay Stacy. Ayaw ko na may
“Hi Babe!” Bati ko kay Stacy nang makalapit siya sa kotse ko. Pagkatapos ay agad ko siyang binigyan ng halik sa pisngi. Napansin ko na good mood siya, dahil kung bad mood siya ay hindi niya ako papayagan nito na humalik kahit sa pisngi niya lang. Hate na hate niya kasi ang public display of affection, ayaw niya na nakikita ng ibang tao ang pagiging sweet ko sa kanya. Para lang daw sa aming dalawa iyon na hindi ko man ma-gets ay pinagbibigyan ko na lang.“Kanina ka pa?” Tanong niya habang inaalalayan ko siyang makaupo sa passenger’s seat. Matapos noon ay mabilsi akong umikot at saka pumwesto na sa harap ng manibela.“Kadarating ko lang Babe.” Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya kaya nagtanong ako. “Why? Kanina ka pa ba naghihintay sa akin?”“Hindi naman. Kaka-dismiss lang ng prof namin. Nagtataka lang ako kung bakit kadarating mo lang.”“Ano namang nakakapagtaka doon? O
“Stacy, iha. Hindi ka ba aalis ngayon? Tanghali na, nandito ka pa rin sa bahay natin.” Tanong sa akin ni Dad ng maabutan niya ako sa loob ng entertainment room namin habang nagma-marathon ng favorite kong Korean drama.“Hindi Dad.” Hindi tumitinging sagot ko sa kanya.“Hindi ka magpupunta sa school? Hindi ka papasok?”“Hindi po Dad. Semestral break na po namin ngayon.”“Anak naman, dahan dahan naman sa pagkain ng popcorn. Baka mawalan ka na ng gana for lunch niyan.”“No Dad, I still have room for food. At saka sobrang sarap lang po nitong popcorn. The best ang pagkaka microwave ni Tita Amanda.” Hindi ko alam kung bakit sa tingin ko ay mas masarap siya ngayon samantalang same brand lang naman ito ng palagi kong binibili. Baka may binago ang factory because I don’t think may iba pang paraan ng pagkaka microwave para sumarap ng ganito ang popcorn.&ldquo
“Nakakabato na dito sa bahay, bakit ba kasi ayaw mo akong pagbigyan na magpatuloy sa practicum ko? Ilang oras na lang ang kailangan ko para matapos iyon eh. Bakit pinagbabawalan mo ako na magpunta diyan?” Sunod sunod kong tanong kay Richard habang kausap ko siya sa telepono.Katatapos ko lang kumain ng tanghalian kasabay si Dad at si Tita Amanda. As usual ay marami na naman akong nakain, superb talaga ang cooking skills ni Tita, wala akong reklamo. Parang lahat ng iluto niya ay napakasarap sa panlasa ko. Sorry kay Mommy dahil feeling ko ay pinagtataksilan ko siya dahil mas gusto ko talaga ang luto ni Tita. Mabuti na nga lang at hindi nagtataka si dad sa dami ng kinakain ko ngayon, mabuti na lang at hindi siya nakakahalata na halos pang dalawang tao na ang kinakain ko which is totoo naman. He was glad seeing me na maganang kumain, dapat raw na bumawi ako sa pagkain dahil sa tingin niya ay malaki ang ipinayat ko since namatay si Mom. While si Tita Aman
“Tita?” Tawag ko sa pansin niya. Naabutan ko siya sa garden at inaasikaso ang mga halaman ni Mommy na matagal nang napabayaan. Pero lately ay napansin ko na nagkabuhay muli, naging makulay uli ang garden.“Yes Stacy?”“Tita anong ginagawa n’yo po dito sa labas?”“Inaayos ko lang itong mga halaman.” Sagot naman niya sa akin.“Ang init init dito, pwede naman pong mamaya na ninyo iyan gawin.” Nakita ko kasi siyang may inililipat na isang halaman sa isang mas malaking paso. Tanghaling tapat pero nandito siya sa labas.“Bakit mo ako hinahanap iha?” Inalis niya ang suot niyang gloves saka ako hinarap.“Itatanong ko lang po kung may ingredients po tayo for brownies? Kung wala naman po ay sasaglit na lang ako sa grocery.” May malapit lang naman kasi na grocery, nasa labas lang iyon ng village kaya walang problema kung mag-drive man ako papunta roo
“Kamusta ang brownies?” Tanong sa akin ni Richard sa kabilang linya.“Ikaw, panay ang tawag mo.” Nakaapat na tawag na yata siya sa akin ngayong araw bukod pa sa mayat’mayang text. Muntik na ngang masunog iyong brownies dahil sa pagsagot ko sa tawag niya kanina. “Akala mo ay hindi ka nagtatrabaho eh. Kung hindi ka natawag, text ka naman ng text. Sinasayang mo nag ibinabayad ng network sa iyo. Paano kung may pumansin sa pagiging tamad mo diyan sa set? Paano kung ma-tsismis ka na iresponsableng direktor? Paano na ang career mo? Baka wala ka anng makuha na bagong project.” Mahaba kong litanya.Alam ko naman kasi kung gaano ka-busy siya ngayon. Nabanggit nina ate Raq sa akin kanina na mabibigat ang mga eksenang kinukunan nila today kaya sobra silang aligaga ngayon. Stresseed na stressed na nga daw siya.“At ano pa iyong nabalitaan ko, ang init daw ng ulo mo kanina sa kanila. Pero kapag tumatalikod ka ay na
“Today ko lang tinanggap. Sayang kasi, naisip ko na malaking tulong rin ito para sa grupo. Malaki ang sweldo sa ganito at hindi pa masyadong pagod.” Sagot ko kay Stacy sa kabilang linya.Dalangin ko na sana ay huwag akong tamaan ng kidlat sa patuloy kong pagsisinungaling sa girlfriend ko. Wala na akong maisip na pwedeng idahilan kung hindi ang trabaho ko. Alam ko naman kasi na kukulitin niya ako ng maigi na sumunod sa kanila sa Batangas, pero kapag idinahilan ko ang trabaho ay titigil na siya. Ganoon kasi siya, kapag ang pagiging direktor ko na ang pinag uusapan ay naiintidihan niya. Ayaw na ayaw niya na magkakaproblema ako na work related. Hindi ba nga at nasermunan pa ako ng Babe ko kanina dahil uminit ang ulo ko sa set.“Huwag ka nang malungkot Babe.” Pagpapatuloy ko pa. “Promise, pagbalik n’yo ay babawi ako sa iyo. At baka pwede na rin nating kausapin ang Daddy mo. Baka pwede na tayong magsabi sa kanya na buntis ka.
“Stacy!” Pasigaw na nasabi ni ate Raq pagkakita niya sa akin. “Ano ang ginagawa mo rito?” Kasalukuyan yata siyang may kinukuha sa service van kaya naman nilapitan ko na siya.Napansin ko na parang ninenerbyos siya habang nagtatanong sa dahilan kung bakit ano narito. Palingon lingon pa siya sa paligid.Yes, naisipan ko na magpunta na nga lang dito sa set since malapit lang naman ito sa bahay. Mabuti na lang talaga at nasabi sa akin ni ate kung saan ang exact address ng location ngayon kaya hindi naman ako nahirapang magpunta kahit nag-taxi lang ako.Kabado pa ako noong nagpaalam ako kay Daddy kanina na magpupunta nga ako rito sa set, pasalamat na lang kay Tita Amanda at napapayag ko si Daddy. Halos makulili na nga ang tenga ko kanina sa sobrang daming bilin niya na akala mo ay isa akong paslit na first time sasabak sa field trip. Minsan talaga ay may pagka OA si Daddy kaya tinatawanan lang namin siya kanina ni Tita.Na
“Stacy!” Narinig kong tawag sa akin ni kuya Eric pagkakita niya sa akin na naglalakad palapit sa kanila. “Ano ang ginagawa mo rito?”“Ano bang tanong iyan kuya, hindi na ba ako welcome rito?”Pabiro lang ang pagtatanong ko kay kuya Eric pero nagtataka talaga ako. Bakit pareho sila ng reaksyon ni ate Raq noong makita ako? Bakit parang gulat na gulat sila na dumalaw ako? Hindi na ba ako welcome rito? Wala na ba akong karapatang dalawin sila? Bawal na ba akong magpunta rito sa set? O may itinatago sila sa akin kaya parang ayaw nila akong nandito.“Hindi naman sa ganoon. Nagulat lang ako kasi hindi naman ansabi sa amin ni Rekdi na darating ka ngayon eh.” Katwiran naman niya sa akin.“Akala ko kasi ayaw n’yo na akong makita rito sa set eh, magtatampo talaga ako sa inyo kapag ganoon kuya.”“Ano bang ayaw? Ano iyang pinagsasabi mo diyan na bata ka.” Sabi naman ni k