Home / Romance / Body Shot / Chapter 127

Share

Chapter 127

Author: Raquiza Sausa
last update Last Updated: 2022-02-18 01:14:46

“Today ko lang tinanggap. Sayang kasi, naisip ko na malaking tulong rin ito para sa grupo. Malaki ang sweldo sa ganito at hindi pa masyadong pagod.” Sagot ko kay Stacy sa kabilang linya.

Dalangin ko na sana ay huwag akong tamaan ng kidlat sa patuloy kong pagsisinungaling sa girlfriend ko. Wala na akong maisip na pwedeng idahilan kung hindi ang trabaho ko. Alam ko naman kasi na kukulitin niya ako ng maigi na sumunod sa kanila sa Batangas, pero kapag idinahilan ko ang trabaho ay titigil na siya. Ganoon kasi siya, kapag ang pagiging direktor ko na ang pinag uusapan ay naiintidihan niya. Ayaw na ayaw niya na magkakaproblema ako na work related. Hindi ba nga at nasermunan pa ako ng Babe ko kanina dahil uminit ang ulo ko sa set.

“Huwag ka nang malungkot Babe.” Pagpapatuloy ko pa. “Promise, pagbalik n’yo ay babawi ako sa iyo. At baka pwede na rin nating kausapin ang Daddy mo. Baka pwede na tayong magsabi sa kanya na buntis ka.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Body Shot   Chapter 128

    “Stacy!” Pasigaw na nasabi ni ate Raq pagkakita niya sa akin. “Ano ang ginagawa mo rito?” Kasalukuyan yata siyang may kinukuha sa service van kaya naman nilapitan ko na siya.Napansin ko na parang ninenerbyos siya habang nagtatanong sa dahilan kung bakit ano narito. Palingon lingon pa siya sa paligid.Yes, naisipan ko na magpunta na nga lang dito sa set since malapit lang naman ito sa bahay. Mabuti na lang talaga at nasabi sa akin ni ate kung saan ang exact address ng location ngayon kaya hindi naman ako nahirapang magpunta kahit nag-taxi lang ako.Kabado pa ako noong nagpaalam ako kay Daddy kanina na magpupunta nga ako rito sa set, pasalamat na lang kay Tita Amanda at napapayag ko si Daddy. Halos makulili na nga ang tenga ko kanina sa sobrang daming bilin niya na akala mo ay isa akong paslit na first time sasabak sa field trip. Minsan talaga ay may pagka OA si Daddy kaya tinatawanan lang namin siya kanina ni Tita.Na

    Last Updated : 2022-02-19
  • Body Shot   Chapter 129

    “Stacy!” Narinig kong tawag sa akin ni kuya Eric pagkakita niya sa akin na naglalakad palapit sa kanila. “Ano ang ginagawa mo rito?”“Ano bang tanong iyan kuya, hindi na ba ako welcome rito?”Pabiro lang ang pagtatanong ko kay kuya Eric pero nagtataka talaga ako. Bakit pareho sila ng reaksyon ni ate Raq noong makita ako? Bakit parang gulat na gulat sila na dumalaw ako? Hindi na ba ako welcome rito? Wala na ba akong karapatang dalawin sila? Bawal na ba akong magpunta rito sa set? O may itinatago sila sa akin kaya parang ayaw nila akong nandito.“Hindi naman sa ganoon. Nagulat lang ako kasi hindi naman ansabi sa amin ni Rekdi na darating ka ngayon eh.” Katwiran naman niya sa akin.“Akala ko kasi ayaw n’yo na akong makita rito sa set eh, magtatampo talaga ako sa inyo kapag ganoon kuya.”“Ano bang ayaw? Ano iyang pinagsasabi mo diyan na bata ka.” Sabi naman ni k

    Last Updated : 2022-02-20
  • Body Shot   Chapter 130

    “Nagpapasalamat nga po ako kay Direk Richard dahil hindi po niya kami pinapabayaan ni M. Parati niya po kaming inaalalayan kapag may mabibigat na eksena lalo na po si M dahil baguhan pa lang po siyang artista.”Halos manliit na ako kung paanong i-build up ako nitong si A sa mga executives ng network na kaharap namin sa ngayon. Last minute na kasi nang nagpasabi ang mga ito na bibisita sa amin, at dahil maliit na bahay ang location namin ngayon ay wala akong choice kung hindi ang dito na lang sila i-accommodate sa aircon tent na para kay A.“Kaya nga talagang hinintay namin na mabakante ang schedule nitong si Direk para sa first project n’yo na ito ni M. Alam namin kasi na iingatan niya kayo at aalagaan especially nga si M dahil bago ang lahat ng ito sa kanya. Kumbaga ay nasa mabuting kamay kayo at ang loveteam ninyo.”“Wala naman po akong nagiging problema sa mga batang ito, sir. Wala pong pasaway at primadonna s

    Last Updated : 2022-02-21
  • Body Shot   Chapter 131

    “Babe, masama ba ang pakiramdam mo?” Tanong ko kay Stacy nang pareho na kaming nakaupo sa loob ng kotse ko. Simula kasi noong ginising ko siya dahil last sequence na ay napansin ko na ang pagiging tahimik niya sa akin. Yes, sa akin lang dahil sa ibang tao naman kanina sa shoot ay magiliw siyang nagpaalam bago kami umalis.Nang magpaalam ang mga bisita kaninang bandang alas otso ay nagmamadali ko siyang binalikan. Nag alala pa ako sa kanya dahil baka hindi siya nakakain ng maayos dahil kinulit na naman siya ng guapito boys but seems like na walang dahilan ang pag aalala ko, dahil nang puntahan ko siya ay nakita ko siyang tumatawa pa habang nakikipagkwentuhan sa kanila.Natutuwa naman ako na nakikita ko siyang masaya kasama ang grupo. Alam ko na nami-miss na rin nila ang isa’t isa. Natutuwa ako na hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nila kay Stacy. Pero hindi pa rin nawala ang pag aalala ko kanina na baka may isa sa kanila ang makapagsa

    Last Updated : 2022-02-22
  • Body Shot   Chapter 132

    “Ibaba mo nga ako!” Tili ko nang pagkatapos niyang buksan ang pintuan ng bahay niya ay bigla niya akong buhatin.“Be still Babe.”“Please, huwag mo na akong kargahin. Ibaba mo na ako.” Muli kong pakiusap sa kanya pero taliwas sa sinasabi ko nag ginawa ko dahil mahigpit akong kumapit sa leeg niya at saka humilig sa dibdib niya.Pero totoo sa sarili ko na hangga’t maaari aya ayw kong magpabuhat sa kanya. Nahihiya kasi ako. Nahihiya ako dahl alam ko na hindi na ako katulad ng dati. Bukod sa may isa pang buhay sa katawan ko ay alam ko na malaki ang idinagdag ng timbang ko. Halos triple yata ng regular kong kinakain dati ang kain ko ngayon. Alam ko na nagtataka na si Dad dahil alam niya na hindi ako malakas kumain pero ngayon ay biglang nagbago. Ang laki talaga ng pinagbago pero hindi lang siguro nagsasalita si dad sa takot na masaktan niya ang feelings ko.“Babe, huwag kang mag alala. Alam ko ang i

    Last Updated : 2022-02-23
  • Body Shot   Chapter 133

    Naalimpungatan ako ng maramdaman ang mahinang pagtampal sa pisngi ko, pagmulat ko ng mga mata ay ang magandang mukha ni Stacy ang nabungaran ko. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Bunga siguro ng ilang gabi kong pagpupuyat kaya madali akong nakatulog. Paano ba naman, bukod sa sorpresang inihahanda ko para kay Stacy ay dalawang script din nag tinatrabaho ko. Ang balak ko kanina matapos niyang tanggihan ang hiling ko na maghubad sa harapan ko ay pumikit lang at humiga, hihintayin ko na lang muna siyang matapos makapag shower, pero hindi ko inaasahan na matutuloy pala sa pag idlip ang pagpikit ko lang kanina.“Babe, nakatulog ba ako?” Hindi ko siguradong tanong sa kanya. “May masakit ba sa iyo? Why, may problema ba?” Puno ng pag aalalang tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi niya ako basta bastang gigisingin kung wala namang matibay na dahilan.“No, maayos nag pakiramdam ko.” Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos marinig

    Last Updated : 2022-02-24
  • Body Shot   Chapter 134

    “Mabuti naman at pinayagan ka ni Rekdi na sumama sa amin.” Sabi ni ate Raq pagkaupong pagkaupo ko sa restaurant kung saan nila ako hinihintay. This time ay kasama na sa bonding day namin si sir Sam.“Bakit naman hindi niya ako papayagan ate, kayo naman ang kasama ko.”“Iyon na nga eh, kami kasi ang kasama mo kaya sigurado kami na hindi ka niya papayagan.” Bakit parang may pakiramdam ako na may laman ang sinasabi ni ate?Kahapon habang nasa shoot ako ay nalaman ko na magpupunta sila sa mall. Nahihiya man ay nagtanong ako kung pwede ba akong sumama sa kanila, pare pareho na lang kasing mga mukha ang nakikita at nakakasama ko sa araw araw. Kung hindi si Daddy at tita Amanda ay si Richard naman, si Lola Cedes sana kaya lang ay bumalik na siya sa Batangas.Hindi ko naman matawagan at maaya ang mga kaibigan kong sina Apz at Ida dahil alam ko na hindi pa kami ayos, hindi pa bumabalik ang dating closeness namin. F

    Last Updated : 2022-02-25
  • Body Shot   Chapter 135

    “Mukhang masayang masaya tayo ah.” Bati ko sa masayang mukha ni Stacy nang pareho na kaming nakasakay sa kotse niya. “Baka naman nagpakapagod ka, baka hinila ka pa ng dalawang iyon sa kung saan saan ha. Babe, bawal sa iyo ang masyadong mapagod. Saan ba kayo nagpunta pa bukod sa resto?”“Sa resto lang kami, hindi kami umalis doon kaya hindi ako napagod sa paglalakad.”“What?” Gulat kong sabi. “Halos tatlong oras kayo sa loob ng mall na iyon, kumain lang kayo sa restaurant? Ano ba ang mga in-order ninyo at sobrang tagal naman yatang nai-serve ng mga pagakin ninyo.”“Pasta, chicken, pizza. Iyon lang naman ang mga order namin. Five minutes after kong makarating ay nai-serve na nila iyong pagakin namin.”“Then, bakit ang tagal ninyo doon? Don’t tell me na nagkwentuhan lang kayo?”“Yes, nagkwentuhan nga lang kami. Ang dami kaya naming napag usapa

    Last Updated : 2022-02-26

Latest chapter

  • Body Shot   Chapter 146

    “T-teka… Ano ito? Bakit may ganito? A-anong nangyayari?” Nauutal kong tanong kay Richard na hanggang ngayon ay nananatiling nalakuhod sa harapan ko at nakalahad sa akin ang palad niyang may tangan na kahita ng singsing.“At saka ano ang ginagawa nila rito?” Tumayo ako mula sa kinauupuan at lalakad na sana para lumapit sa mga taong nakapaligid sa amin. Ano ba ang ginagawa nila rito sa resort? Bakit sila nandito, parang napakaimposible naman na gusto lang nilang manood ng shoot. Pahakbang na ako nang tumayo rin si Richard at pigilan ako.“Babe, where do you think you are going?”“And you,” baling ko sa kanya. “What do you think you are doing right now? Ano ang ibig sbaihin nito?” Pagkasabi ko noon ay nakita kong napalunok ng ilang beses ang kaharap ko sabay napakamot sa batok niya.“K-kasi Babe… A-ano kasi…” Siya ngayon ang hindi magkandatuto sa pagsag

  • Body Shot   Chapter 145

    “Stacy.” Napalingon akong muli kay Kuya Eric nang marinig ko na tinawag niya ako. “Upo ka daw muna doon. Mag stand-in ka raw muna, iche-check lang namin ang camera angle.” Pagpapatuloy niya pa.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinabi ni kuya. Well, noong practicum days ko naman ay madalas na pinapagawa nila sa akin ito. Hindi ba nga at inamin sa akin ni Richard na madalas siya ang nagsasabi kina kuya Mike at kuya Eric na ipagawa sa akin ito, dahil nga may motibo siya. Gusto niya raw kasi akong makita kahit sa monitor lang.Medyo creepy sa totoo lang pero nakakakilig rin naman. Noong nakwento niya sa akin iyon habang magkatabi kaming nakahiga sa kama niya at sinita ko siya. Ang sabi ko pa nga ay kung gusto niya pala akong makita, sana pala ay in-assign niya ako sa loob ng ObVan. Doon ay palagi niya akong makikita. Pero ang sabi niya lang sa akin ay masyado na raw garapal kung iyon ang ginawa niya. Inikutan ko lang siya

  • Body Shot   Chapter 144

    “No Stacy, hindi mo na kami kailangang tulungan. Kayang kaya na namin ito.” Pagsaway sa akin ni sir Sam.Nakikita ko naman kasi kung gaano sila ka aligaga sa ngayon. Ramdam ko na kulang na kulang sila sa tao kaya alam ko na nahihirapan sila. Hindi pa ba sapat na proof ang haggard na hitsura ni ate kanina. Iyong tipong nagpapanic at halos maiyak na dahil sa dami ng ginagawa, na kahit nakakaramdam ng pagod ay hindi makapagreklamo dahil halos lahat sila ay pawang maraming ginagawa.“At saka malalagot kami nito kay Rekdi kapag nakita niyang pinatutulong ka namin. Baka makasama naman ito sa kalagayan mo.” Dagdag niya pa.“Ay oh, ang OA naman. Hindi naman po ako magbubuhat ng camera at ilaw, o kaya naman ay imposible naman akong maghihila ng mga kable dito. Kaya ayos lang ko, hindi ito makakasama sa akin. Sa totoo nga lang po ay namiss ko ang tumulong sa production. Though halos saglit lang naman po ang pagpapracticum

  • Body Shot   Chapter 143

    Chapter 143“Rekdi, si Stacy!” Nagulat ako nang biglang magsalita si Eric.“Si Stacy? Nasa kabilang resort, kasama ng Daddy niya at ni Miss Amanda?” Hindi tumitinging sagot ko sa kanya. Abala ako sa pag iinspeksyon sa checklist namin. Baka kasi may ma-miss out ako, mahirap na.“Hindi Rekdi! Tingnan mo, kausap siya nina Raq at Sam!” Si Mike naman ngayon na kababakasan ng pagpapanic sa boses.Dahil sa narinig ay saka lang ako lumingon sa direksyong tinitingnan nila. At dahil nga salamin naman ang dingding ng opisinang kinaroroonan namin ay kitang kita ko ang kagandahang hinding hindi ko pagsasawaan kailanman. Awtomatiko akong napangiti, ilang araw ko na nga bang hindi nasilayan ang mukha ng Babe ko?Hindi ko napigilan ang sarili ko, agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at akmang hahakbang na palabas ng opisina nang pigilan ako ng dalawang kasama ko.“Rekdi, saan ka pupunta?”&ldqu

  • Body Shot   Chapter 142

    Ang bilis naman ang aksyon ni Lord, pinagbigyan agad ang kanina lang ay hinihiling ko. Simula pa kagabi ay ipinagdarasal ko na sana ay makasama ko si Richard kahit na alam ko naman na imposible iyon na mangyari. Papunta kaming south at ang grupo naman niya ay sa north ang punta. Kahit saang anggulo ko isipin ay hindi talaga kami magpapang abot.Kahit hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit sila napunta sa resort na ito ay hindi na iyon mahalaga sa ngayon. Imposible naman kasi na sinadya ng boyfriend ko na dito sila mag location sa katabing resort kung saan kami nagbabakasyon. Wala siyang paraan para malaman kung nasaan kami dahil kahit nga ako ay clueless sa pupuntahan namin kaninang umaga. Kaya nga nagulat ako nang makita kong medyo pamilyar ang lugar na tinatahak ng van. Mas lalo namang imposible na sabihin sa kanya ni Daddy, hindi nga sila nag uusap kung hindi ko pa pilitin si Daddy eh, ang sabihin pa kaya kung saan kami magpupunta? Kung pwede nga lang

  • Body Shot   Chapter 141

    “Mukhang masarap nang maglakad sa buhanginan ah.” Sabi ko sa sarili ko. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin ako sa loob ng restaurant, wala namang masyadong customer kaya naisip ko kanina na ayos lang na magtagal muna ako rito. Sayang naman ang kagandahan ng paligid kung magkukulong lang ako sa loob ng cottage namin katulad ng ginagawa nina Daddy at Tita Amanda.Pagkatapos naming mag usap kanina ni Tita at magkwentuhan pa ng kaunti ay lubusang gumaan na ang pakiramdam ko. Nabawasan na ang matagal nang nakadagang mabigat sa dibdib ko. Ngayon ay masasabi ko na tuluyan ko nang napalaya ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ko kina dad at tita Amanda. Alam ko sa sarili ko na wala na akong ill feelings na nararamdaman sa relasyon, as in totally wiped out na lahat ng sakit na naramdaman ko noon.Malaking tulong na sa bahay namin tumira si Tita dahil nakilala ko siya ng husto. Nalaman ko kung bakit siya nagustuhan ni dad, nalaman ko kung bakit m

  • Body Shot   Chapter 140

    “Paano ba iyan Babe, problem solved na.” Mayamaya ay narinig kong sabi sa akin ng boyfriend ko sa kabilang linya. Sinabi ko kasi sa kanya na alam na ni Daddy na buntis ako.“Eh ano naman ngayon?” Hindi ko napigilan ang sarili kong tarayan siya. Akala niya ba ay nakalimutan ko na ng atraso niya sa akin. Ngayon niya lang sinagot ang tawag ko sa kanya, nagpadala lang siya sa akin kanina ng text na kagigising niya lang. Pagkatapos ay wala na. Nakakapanibago na talaga siya ngayon.“Eh ‘di kasalan na ang susunod.”“Kasalan? Nino?” Tanong ko sa kanya. “Sina Dad at Tita Amanda ba? Pero wala naman silang nababanggit sa akin eh, happy na raw sila na magkasama sila. I don’t think na magpapakasal pa sila.” Totoo naman ang sinabi ko, dahil noong minsan ay natanong ko silang dalawa habang magkakasalo kami sa breakfast. Kako ay bakit hindi pa sila magpakasal since okay na naman ako sa relasyo

  • Body Shot   Chapter 139

    “Ano, kamusta ang set up natin Juls?” Nagpa-panic kong tanong kay Juls.“Rekdi naman, dumadagdag ka lang sa pagkakataranta namin eh. Relax ka lang diyan.”“Paanong hindi ako matataranta, anong oras na eh. Ang usapan namin ng Daddy ni Stacy ay before sunset niya dadalhin rito ang Babe ko.”“Alas-dos pa lang naman Rekdi. Hayaan mo na lang muna kami rito, kami na ang bahala.” Pagpapahinahon naman sa akin ni Sam.“At isa pa Rekdi, ano ba ang ikinatatakot mo? Iyon bang mawala ang sunset, pwede naman nating dayain sa ilaw iyan.”“Siraulo ka talaga Mike, ginawa mo pang shoot itong proposal ni Rekdi.” Sita sa kanya ni Eric.Lahat kami ay nandito na sa Batangas, sa katabing resort kung saan naroon ngayon si Stacy. Kumpleto nag grupo ko, wala man silang papel sa gagawin ko ay gusto ko na maging saksi sila sa gagaiwn kong ito. Ang totoo ay kagabi pa nandito ang grupo

  • Body Shot   Chapter 138

    “Anak, bakit mukhang malungkot ka ngayon? Hindi ka ba excited sa magiging bakasyon natin?” Tanong sa akin ni dad paglingon niya sa akin dito sa backseat. Nasa harapan kasi siya nakaupo katabi ng company driver namin habang kami naman ni Tita Amanda ang nakaupo rito sa likuran ng van. Maaga kaming umalis ng bahay at ngayon nga ay nasa bandang Batangas na kami.“Excited naman po dad.” Walang kagana ganang sagot ko sa kanya.“Iyan ba ang mukha ng excited?” Tanong naman sa akin ng katabi kong si Tita. Napilitan tuloy akong ngumiti para mapanatag silang dalawa.“Nakow! Alam ko na kung bakit, alam ko na ang dahilan ng pinagkakaganyan mong bata ka.”Kinunotan ko lang ng noo si Dad saka pumikit na lang.“Uy, huwag ka nang matulog. Malapit na tayo. Kanina ka pa tulog ng tulog. Anong oras ka ba natulog kagabi? Baka nakipagtelebabad ka pa sa Richard na iyon samantalang sinabihan na kita na ma

DMCA.com Protection Status