“Kamusta ang brownies?” Tanong sa akin ni Richard sa kabilang linya.
“Ikaw, panay ang tawag mo.” Nakaapat na tawag na yata siya sa akin ngayong araw bukod pa sa mayat’mayang text. Muntik na ngang masunog iyong brownies dahil sa pagsagot ko sa tawag niya kanina. “Akala mo ay hindi ka nagtatrabaho eh. Kung hindi ka natawag, text ka naman ng text. Sinasayang mo nag ibinabayad ng network sa iyo. Paano kung may pumansin sa pagiging tamad mo diyan sa set? Paano kung ma-tsismis ka na iresponsableng direktor? Paano na ang career mo? Baka wala ka anng makuha na bagong project.” Mahaba kong litanya.
Alam ko naman kasi kung gaano ka-busy siya ngayon. Nabanggit nina ate Raq sa akin kanina na mabibigat ang mga eksenang kinukunan nila today kaya sobra silang aligaga ngayon. Stresseed na stressed na nga daw siya.
“At ano pa iyong nabalitaan ko, ang init daw ng ulo mo kanina sa kanila. Pero kapag tumatalikod ka ay na
“Today ko lang tinanggap. Sayang kasi, naisip ko na malaking tulong rin ito para sa grupo. Malaki ang sweldo sa ganito at hindi pa masyadong pagod.” Sagot ko kay Stacy sa kabilang linya.Dalangin ko na sana ay huwag akong tamaan ng kidlat sa patuloy kong pagsisinungaling sa girlfriend ko. Wala na akong maisip na pwedeng idahilan kung hindi ang trabaho ko. Alam ko naman kasi na kukulitin niya ako ng maigi na sumunod sa kanila sa Batangas, pero kapag idinahilan ko ang trabaho ay titigil na siya. Ganoon kasi siya, kapag ang pagiging direktor ko na ang pinag uusapan ay naiintidihan niya. Ayaw na ayaw niya na magkakaproblema ako na work related. Hindi ba nga at nasermunan pa ako ng Babe ko kanina dahil uminit ang ulo ko sa set.“Huwag ka nang malungkot Babe.” Pagpapatuloy ko pa. “Promise, pagbalik n’yo ay babawi ako sa iyo. At baka pwede na rin nating kausapin ang Daddy mo. Baka pwede na tayong magsabi sa kanya na buntis ka.
“Stacy!” Pasigaw na nasabi ni ate Raq pagkakita niya sa akin. “Ano ang ginagawa mo rito?” Kasalukuyan yata siyang may kinukuha sa service van kaya naman nilapitan ko na siya.Napansin ko na parang ninenerbyos siya habang nagtatanong sa dahilan kung bakit ano narito. Palingon lingon pa siya sa paligid.Yes, naisipan ko na magpunta na nga lang dito sa set since malapit lang naman ito sa bahay. Mabuti na lang talaga at nasabi sa akin ni ate kung saan ang exact address ng location ngayon kaya hindi naman ako nahirapang magpunta kahit nag-taxi lang ako.Kabado pa ako noong nagpaalam ako kay Daddy kanina na magpupunta nga ako rito sa set, pasalamat na lang kay Tita Amanda at napapayag ko si Daddy. Halos makulili na nga ang tenga ko kanina sa sobrang daming bilin niya na akala mo ay isa akong paslit na first time sasabak sa field trip. Minsan talaga ay may pagka OA si Daddy kaya tinatawanan lang namin siya kanina ni Tita.Na
“Stacy!” Narinig kong tawag sa akin ni kuya Eric pagkakita niya sa akin na naglalakad palapit sa kanila. “Ano ang ginagawa mo rito?”“Ano bang tanong iyan kuya, hindi na ba ako welcome rito?”Pabiro lang ang pagtatanong ko kay kuya Eric pero nagtataka talaga ako. Bakit pareho sila ng reaksyon ni ate Raq noong makita ako? Bakit parang gulat na gulat sila na dumalaw ako? Hindi na ba ako welcome rito? Wala na ba akong karapatang dalawin sila? Bawal na ba akong magpunta rito sa set? O may itinatago sila sa akin kaya parang ayaw nila akong nandito.“Hindi naman sa ganoon. Nagulat lang ako kasi hindi naman ansabi sa amin ni Rekdi na darating ka ngayon eh.” Katwiran naman niya sa akin.“Akala ko kasi ayaw n’yo na akong makita rito sa set eh, magtatampo talaga ako sa inyo kapag ganoon kuya.”“Ano bang ayaw? Ano iyang pinagsasabi mo diyan na bata ka.” Sabi naman ni k
“Nagpapasalamat nga po ako kay Direk Richard dahil hindi po niya kami pinapabayaan ni M. Parati niya po kaming inaalalayan kapag may mabibigat na eksena lalo na po si M dahil baguhan pa lang po siyang artista.”Halos manliit na ako kung paanong i-build up ako nitong si A sa mga executives ng network na kaharap namin sa ngayon. Last minute na kasi nang nagpasabi ang mga ito na bibisita sa amin, at dahil maliit na bahay ang location namin ngayon ay wala akong choice kung hindi ang dito na lang sila i-accommodate sa aircon tent na para kay A.“Kaya nga talagang hinintay namin na mabakante ang schedule nitong si Direk para sa first project n’yo na ito ni M. Alam namin kasi na iingatan niya kayo at aalagaan especially nga si M dahil bago ang lahat ng ito sa kanya. Kumbaga ay nasa mabuting kamay kayo at ang loveteam ninyo.”“Wala naman po akong nagiging problema sa mga batang ito, sir. Wala pong pasaway at primadonna s
“Babe, masama ba ang pakiramdam mo?” Tanong ko kay Stacy nang pareho na kaming nakaupo sa loob ng kotse ko. Simula kasi noong ginising ko siya dahil last sequence na ay napansin ko na ang pagiging tahimik niya sa akin. Yes, sa akin lang dahil sa ibang tao naman kanina sa shoot ay magiliw siyang nagpaalam bago kami umalis.Nang magpaalam ang mga bisita kaninang bandang alas otso ay nagmamadali ko siyang binalikan. Nag alala pa ako sa kanya dahil baka hindi siya nakakain ng maayos dahil kinulit na naman siya ng guapito boys but seems like na walang dahilan ang pag aalala ko, dahil nang puntahan ko siya ay nakita ko siyang tumatawa pa habang nakikipagkwentuhan sa kanila.Natutuwa naman ako na nakikita ko siyang masaya kasama ang grupo. Alam ko na nami-miss na rin nila ang isa’t isa. Natutuwa ako na hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nila kay Stacy. Pero hindi pa rin nawala ang pag aalala ko kanina na baka may isa sa kanila ang makapagsa
“Ibaba mo nga ako!” Tili ko nang pagkatapos niyang buksan ang pintuan ng bahay niya ay bigla niya akong buhatin.“Be still Babe.”“Please, huwag mo na akong kargahin. Ibaba mo na ako.” Muli kong pakiusap sa kanya pero taliwas sa sinasabi ko nag ginawa ko dahil mahigpit akong kumapit sa leeg niya at saka humilig sa dibdib niya.Pero totoo sa sarili ko na hangga’t maaari aya ayw kong magpabuhat sa kanya. Nahihiya kasi ako. Nahihiya ako dahl alam ko na hindi na ako katulad ng dati. Bukod sa may isa pang buhay sa katawan ko ay alam ko na malaki ang idinagdag ng timbang ko. Halos triple yata ng regular kong kinakain dati ang kain ko ngayon. Alam ko na nagtataka na si Dad dahil alam niya na hindi ako malakas kumain pero ngayon ay biglang nagbago. Ang laki talaga ng pinagbago pero hindi lang siguro nagsasalita si dad sa takot na masaktan niya ang feelings ko.“Babe, huwag kang mag alala. Alam ko ang i
Naalimpungatan ako ng maramdaman ang mahinang pagtampal sa pisngi ko, pagmulat ko ng mga mata ay ang magandang mukha ni Stacy ang nabungaran ko. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Bunga siguro ng ilang gabi kong pagpupuyat kaya madali akong nakatulog. Paano ba naman, bukod sa sorpresang inihahanda ko para kay Stacy ay dalawang script din nag tinatrabaho ko. Ang balak ko kanina matapos niyang tanggihan ang hiling ko na maghubad sa harapan ko ay pumikit lang at humiga, hihintayin ko na lang muna siyang matapos makapag shower, pero hindi ko inaasahan na matutuloy pala sa pag idlip ang pagpikit ko lang kanina.“Babe, nakatulog ba ako?” Hindi ko siguradong tanong sa kanya. “May masakit ba sa iyo? Why, may problema ba?” Puno ng pag aalalang tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi niya ako basta bastang gigisingin kung wala namang matibay na dahilan.“No, maayos nag pakiramdam ko.” Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos marinig
“Mabuti naman at pinayagan ka ni Rekdi na sumama sa amin.” Sabi ni ate Raq pagkaupong pagkaupo ko sa restaurant kung saan nila ako hinihintay. This time ay kasama na sa bonding day namin si sir Sam.“Bakit naman hindi niya ako papayagan ate, kayo naman ang kasama ko.”“Iyon na nga eh, kami kasi ang kasama mo kaya sigurado kami na hindi ka niya papayagan.” Bakit parang may pakiramdam ako na may laman ang sinasabi ni ate?Kahapon habang nasa shoot ako ay nalaman ko na magpupunta sila sa mall. Nahihiya man ay nagtanong ako kung pwede ba akong sumama sa kanila, pare pareho na lang kasing mga mukha ang nakikita at nakakasama ko sa araw araw. Kung hindi si Daddy at tita Amanda ay si Richard naman, si Lola Cedes sana kaya lang ay bumalik na siya sa Batangas.Hindi ko naman matawagan at maaya ang mga kaibigan kong sina Apz at Ida dahil alam ko na hindi pa kami ayos, hindi pa bumabalik ang dating closeness namin. F