Kahit naiinis ay hindi ko naiwasang bumilib sa boyfriend ko. Natapos namin agad ang limang sequence sa location na ito. Sa kabila ng mahirap na pag execute dahil nga kumplikado ang lugar ay natapos namin ang mga eksena nang walang naging aberya. Bukod sa maputik ay maingay pa itong location, nagawa niya pa ring iraos ang mga eksena ng maayos, maganda at mabilis.
“Bilib naman talaga ako sa iyo buntis.” Napalingon ako kay kuya Mike nang magsalita siya.
“Bakit kuya?”
“Nakatagal ka rito sa location.” Tumawa pa siya pagkatapos niyang magsalita.
“Ayos naman po ang location natin ah. “
“Mabuti na lang talaga ay hindi ka maselan magbuntis.”
“Oo nga po kuya, mabuti na lang at nakipag cooperate si baby ngayon.” Hindi ko na naman naiwasang hindi haplusin nag tiyan ko. Nakakatuwa na nakakapag usap na kami ng ganito. Since open na sa kanila ang pagbubuntis ko, lahat sil
Napansin ko ang pagmamadali ni Richard na pagbuksan ako ng pintuan ng kotse pagkapasok na pagkapasok ng kotse niya sagarahe ng bahay niya.“O nagmamadali?” Hindi ko napigilang pagbibiro sa sa kanya. Iyong inis na nararamdaman ko sa kanya simula pa kagabi ay parang bula na biglang naglaho the moment na nakita ko si Lillian na nahulog sa kangkungan kanina. Parang bawi bawi ang lahat ng sama ng loob at pang iinis na ibinigay sa akin ng babaeng linta na iyon.“Kanina pa kaya ako kating kati.” Mabilis naman niyang sagot sa biro ko. At para mas ma-emphasize pa ang sinabi niya ay nagkamot pa siya ng braso sa harapan ko.“Paanong braso ang nangangati sa iyo eh hindi naman nabasa iyan noong nahulog ka sa ilog kanina.” Nagpatiuna na akong maglakad papasok sa bahay niya. Ito talagang boyfriend ko, gagawa na rin lang ng alibi ay iyong hindi pa kapani paniwala. Nang lingunin ko siya ay kitang kita ko ang ekspresyon sa mukha n
“Ano ba! Nakakainis ka na ha!” Naiinis kong sabi kay Richard na katabi ko ngayon sa kotse. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hampasin ang braso niya. Pabalik na kami sa shoot at papunta na sa susunod na location, nakakainis lang kasi dahil kanina ko pa napapansin ang ngiti sa labi niya. Palalampasin ko na nga lang sana dahli ang buong akala ko ay babaguhin naman niya ang uri ng pagkakangiti niya, pero lumipas na ilang minuto ay ganoon pa rin. Aakalain mo na nakaplaster na iyon sa pagmumukha niya kaya mas lalo akong naasar. Naiinis ako dahil hindi ko alam kung para saan iyon, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng ngiti na iyon.“Aray naman Babe!” Akala mo naman ay totoong nasaktan siya kung maka array naman ang lalaking ito. Hindi pa nakuntento, hinimas niya pa ang tinamaang braso na hinampas ko. “Ano ba ang ginawa ko?” Pagmamaang maangan niya pa na lalong ikinainis ko. Kulang na lang ay sabunutan ko siya pero pinigilan
Tamang tama lang ang pagdating namin sa second location dahil naabutan namin silang kumakain ng pananghalian. Mabuti na lang at itong second location ay mas malapit sa bahay ni Richard kaya naman hindi kami masyadong na-traffic. Hindi naging mahirap sa amin ang pagpunta rito unlike sa grupo. Sobrang traffic daw kaya halos kadarating lang nila.Katulad ng instruction kanina ni Richard kay Direk Juls sa telepono, nagpa lunch break na muna ito bago magsimula muli sa pagse set up.Nakaupo na rin kami ni Richard sa mesa kasalo nila at naghihintay na lang na dalhan kami ng pagkain ng mga kuyang utility.“Rekdi.” Narinig kong pagtawag ni kuya Eric sa atensyon ng katabi ko. “Nag-shower ka lang naman ‘di ba? Bakit ang tagal mo naman yata. Ang lapit lapit ng bahay mo rito pagkatapos ay thirty minutes earlier ka na nakaalis sa amin sa last location.”“Ikaw lang naman Rekdi ang nahulog sa ilog, bakit parang si Stacy a
Pagkatapos akong asarin ay si Sam naman ang napagbalingan ng grupo. Hindi sila tumitigil sa pang aasar dahil sa sinabi kong paraan ng paghahanap sa akin ni Lola Cedes sa kanya. Kahit ako noong narinig iyon ay natatawa dahil tinawag na bading ni Lola si Sam. Biruin mo iyon, si Sam na bestfriend ko, isang taong kilalalng kilala ko ay sasabihin ni Lola na bading. Sobrang nakakatawa naman kasi iyon.At dahil alam ko naman na napakaimposibleng bagay iyon, sasali na rin sana ako sa grupo sa pang aasar sa kanya pero nakita ko ang nagbabantang tingin sa akin ng Babe ko kaya pinigilan ko ang sarili ko na sumabat. Oo na, aminado ako na takot akong talaga kay Stacy, mahirap na at baka hindi pa matuloy iyong gagawin namin mamaya sa bahay. Baka mag init pa ang ulo nito sa akin, mahirap na.“Oo! Bakla ako! Ano naman ngayon? May problema ba kayo sa pagiging bakla ko?” Mayamaya ay narinig kong sinabi ni Sam sa amin.Hindi ako nakahuma dahil sa narinig
Isang oras na simula nang matapos ang shoot pero nandito pa rin ako sa third location namin, sa isang restaurant dito sa Tomas Morato. Nagkwekwentuhan pa rin kasi kami nina ate Raq at sir Sam.“Uy Stacy, baka uminit na naman ang ulo ni Rekdi. Kanina ka pa niya hinihintay sa kotse. Mababakas ang pag aalala sa boses ni ate habang sinasabi niya sa akin iyon.Dahil maaga naman kaming natapos ngayon ay gusto ko pa silang makausap. Wala pa kasing alas diyes ay pack up na kami. Kaya naman nagpaalam ako kay Richard na kung pwede ay makikipagkwentuhan muna ako kahit sandali kina ate Raq at sir Sam, pumayag naman siya. Tutal naman ay nagpaiwan din sina kuya Mike at kuya Eric para makipagkwentuhan sa kanya. Pero kanina pa umalis ang guapito boys, thirty minutes na rin yata ang lumipas. Kaya naman, nagpunta na lang sa kotse si Richard at doon niya ako hinihintay ngayon. Sigurado ay nanonood na naman iyon ng paborito niyang documentary series kaya hindi na
Pagdating sa bahay ni Richard ay dumiretso ako agad sa room niya at mabilisang nag-shower. Sa buong maghapon na nasa shoot ako, feeling ko ay naglalagkit ako. Habang nasa banyo ako ay pinapakiramdaman ko kung umakyat din ba ang boyfriend ko, pero wala akong narinig na kahit na anong kaluskos. Iniwan ko siya kanina sa sala pag akyat ko rito. Hindi ko tuloy sigurado kung nakatulog ba siya roon, nakapikit na kasi siya nang iwanan ko kanina.Pagbaba ko mula sa kuwarto ay nakita kong ganoon pa rin ang ayos niya. Baka sobra lang napagod, hinayaan ko na muna siya makapagpahinga. Gigisingin ko na lang siya kapag natapos ko na ang balak kong gawin. Gusto ko kasing gumawa ng churros, nakapanood ako ng video online last week kung paano ang gumawa ng churros. Mabuti na nga lang at nakapag grocery kami ni Richard last week kaya sigurado ako na kumpleto ang ingredients sa pantry niya.May nadaanan na naman kasi akong video online kanina at bigla akong nag-crave. At dah
Habang nasa shower ay hindi ko naiwasang balikan ang naging pag uusap namin ng Daddy ni Stacy. Yes, lingid kasi sa kaalaman ng girlfriend ko, habang abala siya sa pakikipagkwentuhan kina Sam at Raq kanina sa loob ng restaurant ay pumuslit ako papunta sa bahay nila. Mabuti na lang at five minutes away lang ang bahay nila mula sa restaurant kaya madali ko lang iyong nagawa at hindi ako nagkaproblema pabalik. Totoong tinawagan ko ang Daddy niya pero hindi dahil ipagpapaalam ko siya ngayong gabi, tinawagan ko si Mr. Mendoza para humingi ng permiso na magpunta sa bahay nila at makausap siya ng personal. Buong tapang akong humarap at nakipag usap kay Mr. Mendoza at kay Miss Amanda.“O Richard. Tapos na ba kayo?” Tanong ni Mr. Mendoza sa akin the moment na pinagbuksan niya ako ng pinto. “Tapos na ba ang shooting ninyo?”“Opo sir.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay napansin kong tumingin siya sa likuran ko. “Hi
“Tapos ka nang gumawa?” Tanong ko nang maabutan ko siyang nagliligpit na. Nagtaka ako dahil wala naman akong nakitang churros sa paligid.Ipinakita niya sa akin ang dough na nakabalot na ngayon sa cling wrap. “Ilalagay ko na lang ito sa ref, then I’m done.”“Done” Nagtataka kong tanong.“Yup, bukas ko na lang ito lulutuin. Gabi na rin kasi at pagod na ako kung magluluto pa.”“So, no churros for tonight, how about my pandesal?” Bahagya ko pang itinaas ang suot kong t-shirt para ipakita ang tiyan ko. “I hope you are not that tired for this, Babe.” Kumindat pa ako at bahagya kong kinagat ang pang ibaba kong labi para sana akitin siya.“Ibaba mo nga iyan, at huwag kang mangarap. Walang pandesal diyan sa tiyan mo. Kung dati oo, may pandesal diyan noong una kong makita iyan. But now? I don’t think so. Baka hindi mo napapansin, tumataba ka na.”