Araw ng shoot ngayon. Dahil medyo late ang calltime kaya hindi ko kinailangang gumising ng sobrang aga katulad ng mga nakaraang shoot. Since coding ang kotse ko ngayon, nag-grab na lang ako papunta sa location namin. Mabuti na lang at malapit lang iyon, sa may Quezon Avenue lang daw. Buti na lang talaga at hindi na ako nakakaramdam ng pagkahilo ngayon. Kailangan ko na sigurong magpa check-up sa doctor at baka anemic na naman ako katulad nang dati.
Pagbaba ng grab car ay hindi ko naiwasang kabahan nang makita kung nasaan ako ngayon. Paano ba naman, may naalala ako sa location namin ngayon. Kailangan ba talagang sa isang bar kami ngayon, hindi ordinaryong bar kung hindi katulad ng isang napuntahan ko noong gabi na iyon.
Matagal lang akong nasa labas, hindi pansin ang paglabas masok ng mga crew na may buhat na kung anu-anong equipment. Nagdadalawang isip akong pumasok, feeling ko ay ipagkakanulo ko ang sarili ko once tumapak ako sa lugar na ito. Nakatingin l
Saktong pagkabalik ko mula sa sasakyan ay nakita ko si Stacy sa entrance ng bar, alam ko mula sa pagkakatitig niya sa signage ay may naalala siya sa lugar na ito. May mga ala-alang bumalik sa isipan niya, katulad ng mga naalala ko kanina pagkarating ko sa location.“Memories?” Hindi ko naiwasang itanong mula sa kanyang likuran. “Bakit ayaw mo pang pumasok? May naalala ka ano?” dagdag ko pa. Napilitan na akong unahan siya sa paghakbang dahil hindi niya man lang ako tinapunan kahit na isang saglit na sulyap. Pero imbes na ngiti ay isang irap ang natanggap ko mula sa kanya, saka mabilis akong nilampasan.Hahabulin ko pa sana siya at sasabayan sa pagpunta sa breakfast table nang makita ko siyang masayang sinalubong ni Sam. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawang pag alalay ni Sam sa siko ni Stacy samantalang papunta lang naman sila sa kinaroroonan ni Raq. Maayos naman ang kulay niya ngayon, malayo sa pamumutla niya noong nakaraang araw ka
Lumingon akong muli sa pinanggalingan ko kaya naman kitang kita ko ang tingin niya sa akin. Kung ako ang tatanungin ay ayaw ko na sanang bigyan ng kahulugan ang klase ng tinging iyon, ayaw ko nang umasa, ayaw ko nang masaktan. Ayoko nang manghula sa kung ano ang mayroon kami, nagmumukha lang akong tanga, nagmumukha lang akong assumera.Pero ano na naman ang ibig sabihin ng halik na iyon? Bakit gusto na namang umasa ng puso ko? At ano iyong sinabi niya? Kung bibigyan ko ba siya ng karapatan ay bibigyan ko siya? Bakit, hihingi nga ba siya? Gusto ba talaga niya ng karapatan? At bakit ko ba pinoproblema ito, masisira lang nito ang focus ko sa goal na sinet ko para sa sarili ko.Hingang malalim, iyon muna ang ginawa ko. May iba pa pala akong dapat ipag-alala. Paano kung nakita ni Ate Raq na magkasama kami ni Direk, anong ipapaliwanag ko sa kanya? Worst is, paano kung nakita niya kung ano ang ginagawa namin?I felt relieve nang makalapit kay Ate, mukha n
“Feel at home ha.” Sabi niya sa akin nang makapasok kami sa bahay niya. Nagpatiuna siya sa akin paakyat at saka dinala ako sa isang kuwarto. “Ayos lang ba sa iyo ito? Kaya lang ay walang banyo dito sa loob ha, you have to go sa dulo ng hallway.” Saglit siyang nag isip tapos ay muling nagsalita, “Pwede ka rin namang doon na lang sa kwarto ko, may sariling banyo doon, may bathtub pa.”Napahinto ako pagkarinig sa sinabi niya. Biglang may eksenang pumasok sa isipan ko.“Uy, naalala niya.” Tudyo niya sa akin nang mapansin niya ang naging reksyon ko sa sinabi niya. “Iyan, nag-blush na naman siya. Siyempre ay joke lang iyon. Hindi ba at nagpromise naman ako sa iyo na behave ako. Pero kapag pinilit mo ako, wala naman akong magagawa.” Irap uli ang isinagot ko sa kanya.Pero paano ko ba masasabi sa kanya ang problema ko? May dala akong toiletries, undies at extra shirt at pants. Pero wala akon
“So, what do you like to eat?” tanong niya nang pareho na kaming nakadulog sa hapag.Tiningnan ko ang mga pagkaing nasa mesa na nakalimutan namin kanina pagkatapos ay muli ko siyang tiningnan para sabihin kahit ano pero inunahan niya ako.“Teka lang, sinasabi ko sa iyo ha hindi ako kasama sa pagpipilian. Kumain ka na muna before mo ‘yan i-consider.”Nakatikim tuloy siya ng isang pinong kurot sa tagiliran.“Naku! Huwag mo muna akong hawakan, utang na loob. Pinagbigyan lang kita sa time-out dahil alam kong gutom na gutom ka na.”Inirapan ko tuloy siya dahil doon, so kaya lang pala talaga kami tumigil ay dahil sa gutom na ako. May pakiramdam naman talaga ako kanina na ayaw niya pang tumigil, na balak niya pa na magpatuloy kami sa kuwarto niya. Kaya lang ay narinig niya ang pagkalam ng sikmura ko, nakonsensya yata kaya pinagbigyan muna akong kumain. Nakakaubos naman talaga ng lakas at nakakagutom
“Ano na Stacy, sama ka sa amin magpunta sa mall?” maaga uli kami ngayon kumpara sa normal naming dismissal kaya nag aaya sina Ida at Apz na magpunta sa mall at manood na rin sine pagkatapos mamasyal. Magrelax daw muna kami dahil pare-pareho kaming stressed sa kanya kanya naming practicum. Isa pa ay matagal na rin kaming hindi nakakapag bonding magkakaibigan. Pero kasi naman, may iba akong lakad ngayon.“Hindi kasi ako pwede.” Sa isip ko ay nag iisip na akong magandang idadahilan sa kanila.Panay ang tingin ko sa cellphone ko habang kausap ko ang mga kaibigan ko, paano ba naman ay kanina pa text ng text itong boyfriend ko. Napangiti ako sa isiping iyon. Yes, finally ay nagkaintindihan na kaming dalawa, boyfriend ko na siya at girlfriend na niya ako. Sa dami ng mga nangyaring pakiramdaman sa pagitan namin, nagkaaminan rin kami. Kahit pa na matindi ang kagustuhan ko na sana ay pareho kami ng nararamdaman, hindi pa rin nawala ang takot
Tahimik kong ibinaba ang kamay kong hindi man lang pinagkaabalahang tingnan ng girlfriend ko. Excited pa naman ako dahil makaka holding hands ko na siya habang naglalakad dito sa University. Isa kaya ito sa pangarap ko noong nag aaral ako pero dahil sa sobrang busy ko sa mga raket noon ay hindi man lang ako nagkaroon ng chance na magka girlfriend.Yes, girlfriend ko na si Stacy. Ang babaeng hindi nagpatahimik sa isipan ko simula noong makita ko ang malungkot niyang mga mata sa bar.Sino ang mag aakala na mabilis ko lang pala siyang makikitang muli, na hindi ako mahihirapan sa paghahanap sa kanya. Para bang regalo siya sa akin ng Diyos dahil ang una at pangalawa naming pagkikita ay parehong hindi inaasahan, parehong hindi plinano pero nangyari pa rin.Simula nang iwan niya ako sa bahay namin pagkatapos ng mga nangyari sa pagitan namin ay hindi na ako natahimik, hindi na siya nawala sa isipan ko. Gabi gabi ko siyang iniisip, umaasam na sana ay magkit
Hindi nga ako nagkamali, hindi pa man kami nakakarating sa bahay ay bumuhos na ang malakas na ulan. Mukhang may bagyo pa yata. Mabagal tuloy ang usad ng trapiko at halos nagbuhol buhol na ang mga sasakyan sa kalsada, halos lahat ay nagmamadali nang makarating sa mga pupuntahan. Nag aalala ako dahil mabilis pa naman tumaas ang tubig baha sa lugar namin.“What if ma-stranded tayo rito? Sa lakas ng ulan na ito parang hindi imposibleng mangyari,” napatingin ako sa katabi ko nang marinig ko siyang magsalita. Akala ko pa naman talagang nagtatampo na siya sa akin dahil kanina pa siya tahimik. Mabibilang nga sa daliri ang pagsulyap niya sa akin habang nagmamaneho siya. Ako naman ay pinakikiramdaman lang siya, hinihintay kong siya ang unang magsalita. Pagkatapos niyang magbiro kanina ay nagtanong siya tungkol kay daddy, gusto na raw niyang magpakilala bilang boyfriend ko pero muli ay tumanggi ako. Hindi pa ako handa, hindi pa sa ngayon. Simula noon ay naging
“Sabi ko naman sa iyo na ihinto mo na doon sa kabilang street.” Reklamo ko ngayon sa matigas ang ulong boyfriend ko.Araw ng shoot at late na kaming pareho sa alas nuwebe na calltime. Paano ba naman ang magaling na lalaking ito, imbes na magmadali sa pagkilos kanina ay akala mo walang naghihintay na trabaho sa kanya. Hindi na kami nakauwi sa bahay niya kagabi dahil nga sa lakas ng ulan. Buong akala ko nga ay mapa-pack up ang shoot ngayon dahil sa panahon kagabi pero may for airing daw kaya kinakailangan na matuloy ang shoot ngayong araw na ito.“At ano? Maglalakad ka ng ganoon kalayo?”“Kaysa naman may makakita sa akin na galing dito sa loob ng kotse.”“Ano naman kung makita ka nilang galing dito? Binata naman ako, dalaga ka naman, so anong problema doon?”Bumuntong hininga muna ako, parang nawawalan na ako ng pasensiya. “Richard, babalik na naman ba tayo sa issue na ‘yan?&rd