“So, what do you like to eat?” tanong niya nang pareho na kaming nakadulog sa hapag.
Tiningnan ko ang mga pagkaing nasa mesa na nakalimutan namin kanina pagkatapos ay muli ko siyang tiningnan para sabihin kahit ano pero inunahan niya ako.
“Teka lang, sinasabi ko sa iyo ha hindi ako kasama sa pagpipilian. Kumain ka na muna before mo ‘yan i-consider.”
Nakatikim tuloy siya ng isang pinong kurot sa tagiliran.
“Naku! Huwag mo muna akong hawakan, utang na loob. Pinagbigyan lang kita sa time-out dahil alam kong gutom na gutom ka na.”
Inirapan ko tuloy siya dahil doon, so kaya lang pala talaga kami tumigil ay dahil sa gutom na ako. May pakiramdam naman talaga ako kanina na ayaw niya pang tumigil, na balak niya pa na magpatuloy kami sa kuwarto niya. Kaya lang ay narinig niya ang pagkalam ng sikmura ko, nakonsensya yata kaya pinagbigyan muna akong kumain. Nakakaubos naman talaga ng lakas at nakakagutom
“Ano na Stacy, sama ka sa amin magpunta sa mall?” maaga uli kami ngayon kumpara sa normal naming dismissal kaya nag aaya sina Ida at Apz na magpunta sa mall at manood na rin sine pagkatapos mamasyal. Magrelax daw muna kami dahil pare-pareho kaming stressed sa kanya kanya naming practicum. Isa pa ay matagal na rin kaming hindi nakakapag bonding magkakaibigan. Pero kasi naman, may iba akong lakad ngayon.“Hindi kasi ako pwede.” Sa isip ko ay nag iisip na akong magandang idadahilan sa kanila.Panay ang tingin ko sa cellphone ko habang kausap ko ang mga kaibigan ko, paano ba naman ay kanina pa text ng text itong boyfriend ko. Napangiti ako sa isiping iyon. Yes, finally ay nagkaintindihan na kaming dalawa, boyfriend ko na siya at girlfriend na niya ako. Sa dami ng mga nangyaring pakiramdaman sa pagitan namin, nagkaaminan rin kami. Kahit pa na matindi ang kagustuhan ko na sana ay pareho kami ng nararamdaman, hindi pa rin nawala ang takot
Tahimik kong ibinaba ang kamay kong hindi man lang pinagkaabalahang tingnan ng girlfriend ko. Excited pa naman ako dahil makaka holding hands ko na siya habang naglalakad dito sa University. Isa kaya ito sa pangarap ko noong nag aaral ako pero dahil sa sobrang busy ko sa mga raket noon ay hindi man lang ako nagkaroon ng chance na magka girlfriend.Yes, girlfriend ko na si Stacy. Ang babaeng hindi nagpatahimik sa isipan ko simula noong makita ko ang malungkot niyang mga mata sa bar.Sino ang mag aakala na mabilis ko lang pala siyang makikitang muli, na hindi ako mahihirapan sa paghahanap sa kanya. Para bang regalo siya sa akin ng Diyos dahil ang una at pangalawa naming pagkikita ay parehong hindi inaasahan, parehong hindi plinano pero nangyari pa rin.Simula nang iwan niya ako sa bahay namin pagkatapos ng mga nangyari sa pagitan namin ay hindi na ako natahimik, hindi na siya nawala sa isipan ko. Gabi gabi ko siyang iniisip, umaasam na sana ay magkit
Hindi nga ako nagkamali, hindi pa man kami nakakarating sa bahay ay bumuhos na ang malakas na ulan. Mukhang may bagyo pa yata. Mabagal tuloy ang usad ng trapiko at halos nagbuhol buhol na ang mga sasakyan sa kalsada, halos lahat ay nagmamadali nang makarating sa mga pupuntahan. Nag aalala ako dahil mabilis pa naman tumaas ang tubig baha sa lugar namin.“What if ma-stranded tayo rito? Sa lakas ng ulan na ito parang hindi imposibleng mangyari,” napatingin ako sa katabi ko nang marinig ko siyang magsalita. Akala ko pa naman talagang nagtatampo na siya sa akin dahil kanina pa siya tahimik. Mabibilang nga sa daliri ang pagsulyap niya sa akin habang nagmamaneho siya. Ako naman ay pinakikiramdaman lang siya, hinihintay kong siya ang unang magsalita. Pagkatapos niyang magbiro kanina ay nagtanong siya tungkol kay daddy, gusto na raw niyang magpakilala bilang boyfriend ko pero muli ay tumanggi ako. Hindi pa ako handa, hindi pa sa ngayon. Simula noon ay naging
“Sabi ko naman sa iyo na ihinto mo na doon sa kabilang street.” Reklamo ko ngayon sa matigas ang ulong boyfriend ko.Araw ng shoot at late na kaming pareho sa alas nuwebe na calltime. Paano ba naman ang magaling na lalaking ito, imbes na magmadali sa pagkilos kanina ay akala mo walang naghihintay na trabaho sa kanya. Hindi na kami nakauwi sa bahay niya kagabi dahil nga sa lakas ng ulan. Buong akala ko nga ay mapa-pack up ang shoot ngayon dahil sa panahon kagabi pero may for airing daw kaya kinakailangan na matuloy ang shoot ngayong araw na ito.“At ano? Maglalakad ka ng ganoon kalayo?”“Kaysa naman may makakita sa akin na galing dito sa loob ng kotse.”“Ano naman kung makita ka nilang galing dito? Binata naman ako, dalaga ka naman, so anong problema doon?”Bumuntong hininga muna ako, parang nawawalan na ako ng pasensiya. “Richard, babalik na naman ba tayo sa issue na ‘yan?&rd
“Hello Miss! Nagro-roll na ba kayo?” napalingon ako sa babaeng lumapit sa akin. Hindi siya pamilyar sa akin.Nagsisimula na ang shoot sa loob ng bahay. Nandito ako ngayon sa labas dahil may pina-check sa akin si ate Raq. Pinapahintay niya sa akin ang isang talent nang may isang babaeng lumapit sa akin, mestiza at ang tangkad. Nanliit tuloy ako dahil ang ganda at sopistikada niya sa suot niyang dress samantalang ako ay mukhang high schooler sa suot kong simpleng t-shirt at pantalon. Saglit pa akong napatulala sa kanya.“Miss?” kuha niyang muli sa atensyon ko nang hindi ako sumagot agad.Agad naman akong nakabawi mula sa pagkakatulala, ngumiti muna ako sa kanya bago siya sagutin. “Yes po.”“Alright, maghihintay na lang muna ako.”“Ikaw po ba iyong talent namin for today?” Nagtaka pa ako dahil ang description sa script ay tsismosang kapit-bahay.Pero umiling siya, “
“Grabe talaga ang kamandag ni Rekdi.” Si kuya Eric na tila manghang mangha sa direktor namin. Sabay sabay kaming nagla-lunch sa tent sa labas ng bahay. “Siya pa talaga ang pinupuntahan ng babae sa trabaho, mukhang matindi ang iniwang bakas ni Rekdi kay Lillian kaya hindi siya nito makalimutan.” At tumawa pa ito pagkatapos sabihin iyon.“At talagang nagpa-deliver pa siya ng gustong pagkain ni Lillian. Pwede niya namang ipilit na itong sa catering na lang ang kainin nila, masarap naman ang pagkain natin dito.”“Kasi nga, hindi ba at Chinese food daw ang gusto ni Lillian kaya sinunod ni Rekdi. Hindi ko rin naman siya masisisi, kung ako man si Rekdi ay pagbibigyan ko ang lahat ng gusto ni Lillian.”Hindi namin kasabay sa pagkain ngayon ang boyfriend ko dahil ayon sa mga magaling kong kuya dito sa shoot, dapat daw ay bigyan namin ng privacy ang lalaking iyon at ang babaeng higad.Grabe lang sa pagpu
“So, girl umamin ka. Ano ang chika sa inyo ni Rekdi?” na-corner ako ni ate habang naghihintay kami sa nagseset-up na lighting department.Nandito kami sa dining room ng bahay habang ang guwapito boys ay doon nakatambay sa tent sa labas. At ang magaling kong boyfriend, hindi ko alam kung ano na ang nangyayari. Pagkatapos ng maarte niyang pagwo-walk out kanina ay hindi na bumaba mula sa ObVan though nag-tetext naman siya kanina sa akin at tinanong ako kung kumain daw ba ako ng maayos at kinukumusta kung okay lang ba ako. Maging sa hapunan ay hindi siya sumabay sa amin, nag stay lang siya sa sasakyan niya at doon nagpahatid ng dinner. Grabe naman pala siya topakin pero sabi ng mga kuya ko ay dapat hayaan lang siya para matauhan. Gustuhin ko man siyang puntahan ay hindi ko magawa, natatakot ako na may makakita sa akin at may makahalata sa kung ano ang totoong relasyon naming dalawa.“Sa amin?” Pagmamaang maangan ko, hangga’t maaa
Inihatid ko sa gate ang kaibigan kong doctor na nakatira lang din malapit sa bahay ko. Buti na lang at nagkataong wala siyang duty ngayon sa ospital kaya agad siyang nakapunta rito sa bahay.“Brod, salamat ha.” Sabi ko habang naglalakad kami.“Wala iyon, basta ikaw.” Tinapik niya pa ako sa balikat bago muling magsalita. “Pakainin mo siya agad pagkagising niya, pero iyong light lang dapat.” Iyon lang at muli siyang nagpaalam sa akin saka tuloy tuloy na sa paglabas.Pagkaalis niya ay agad kong binalikan si Stacy na payapa nang natutulog sa loob ng kuwarto ko. Umupo ako sa kamang kinahihigaan niya saka masayang pinagmasdan siya. Nakangiting binalikan ko ang mga nangyari kanina pagkarating namin galing sa shoot.Pagkapasok na pagkapasok sa bahay ay agad ko siyang isinandal sa pintuan saka idiniin ang sarili ko sa kanya. Hindi niya naman itinago ang pagkagulat. “Yes babe, iyan ang dahilan kung bakit h