“Sabi ko naman sa iyo na ihinto mo na doon sa kabilang street.” Reklamo ko ngayon sa matigas ang ulong boyfriend ko.
Araw ng shoot at late na kaming pareho sa alas nuwebe na calltime. Paano ba naman ang magaling na lalaking ito, imbes na magmadali sa pagkilos kanina ay akala mo walang naghihintay na trabaho sa kanya. Hindi na kami nakauwi sa bahay niya kagabi dahil nga sa lakas ng ulan. Buong akala ko nga ay mapa-pack up ang shoot ngayon dahil sa panahon kagabi pero may for airing daw kaya kinakailangan na matuloy ang shoot ngayong araw na ito.
“At ano? Maglalakad ka ng ganoon kalayo?”
“Kaysa naman may makakita sa akin na galing dito sa loob ng kotse.”
“Ano naman kung makita ka nilang galing dito? Binata naman ako, dalaga ka naman, so anong problema doon?”
Bumuntong hininga muna ako, parang nawawalan na ako ng pasensiya. “Richard, babalik na naman ba tayo sa issue na ‘yan?&rd
“Hello Miss! Nagro-roll na ba kayo?” napalingon ako sa babaeng lumapit sa akin. Hindi siya pamilyar sa akin.Nagsisimula na ang shoot sa loob ng bahay. Nandito ako ngayon sa labas dahil may pina-check sa akin si ate Raq. Pinapahintay niya sa akin ang isang talent nang may isang babaeng lumapit sa akin, mestiza at ang tangkad. Nanliit tuloy ako dahil ang ganda at sopistikada niya sa suot niyang dress samantalang ako ay mukhang high schooler sa suot kong simpleng t-shirt at pantalon. Saglit pa akong napatulala sa kanya.“Miss?” kuha niyang muli sa atensyon ko nang hindi ako sumagot agad.Agad naman akong nakabawi mula sa pagkakatulala, ngumiti muna ako sa kanya bago siya sagutin. “Yes po.”“Alright, maghihintay na lang muna ako.”“Ikaw po ba iyong talent namin for today?” Nagtaka pa ako dahil ang description sa script ay tsismosang kapit-bahay.Pero umiling siya, “
“Grabe talaga ang kamandag ni Rekdi.” Si kuya Eric na tila manghang mangha sa direktor namin. Sabay sabay kaming nagla-lunch sa tent sa labas ng bahay. “Siya pa talaga ang pinupuntahan ng babae sa trabaho, mukhang matindi ang iniwang bakas ni Rekdi kay Lillian kaya hindi siya nito makalimutan.” At tumawa pa ito pagkatapos sabihin iyon.“At talagang nagpa-deliver pa siya ng gustong pagkain ni Lillian. Pwede niya namang ipilit na itong sa catering na lang ang kainin nila, masarap naman ang pagkain natin dito.”“Kasi nga, hindi ba at Chinese food daw ang gusto ni Lillian kaya sinunod ni Rekdi. Hindi ko rin naman siya masisisi, kung ako man si Rekdi ay pagbibigyan ko ang lahat ng gusto ni Lillian.”Hindi namin kasabay sa pagkain ngayon ang boyfriend ko dahil ayon sa mga magaling kong kuya dito sa shoot, dapat daw ay bigyan namin ng privacy ang lalaking iyon at ang babaeng higad.Grabe lang sa pagpu
“So, girl umamin ka. Ano ang chika sa inyo ni Rekdi?” na-corner ako ni ate habang naghihintay kami sa nagseset-up na lighting department.Nandito kami sa dining room ng bahay habang ang guwapito boys ay doon nakatambay sa tent sa labas. At ang magaling kong boyfriend, hindi ko alam kung ano na ang nangyayari. Pagkatapos ng maarte niyang pagwo-walk out kanina ay hindi na bumaba mula sa ObVan though nag-tetext naman siya kanina sa akin at tinanong ako kung kumain daw ba ako ng maayos at kinukumusta kung okay lang ba ako. Maging sa hapunan ay hindi siya sumabay sa amin, nag stay lang siya sa sasakyan niya at doon nagpahatid ng dinner. Grabe naman pala siya topakin pero sabi ng mga kuya ko ay dapat hayaan lang siya para matauhan. Gustuhin ko man siyang puntahan ay hindi ko magawa, natatakot ako na may makakita sa akin at may makahalata sa kung ano ang totoong relasyon naming dalawa.“Sa amin?” Pagmamaang maangan ko, hangga’t maaa
Inihatid ko sa gate ang kaibigan kong doctor na nakatira lang din malapit sa bahay ko. Buti na lang at nagkataong wala siyang duty ngayon sa ospital kaya agad siyang nakapunta rito sa bahay.“Brod, salamat ha.” Sabi ko habang naglalakad kami.“Wala iyon, basta ikaw.” Tinapik niya pa ako sa balikat bago muling magsalita. “Pakainin mo siya agad pagkagising niya, pero iyong light lang dapat.” Iyon lang at muli siyang nagpaalam sa akin saka tuloy tuloy na sa paglabas.Pagkaalis niya ay agad kong binalikan si Stacy na payapa nang natutulog sa loob ng kuwarto ko. Umupo ako sa kamang kinahihigaan niya saka masayang pinagmasdan siya. Nakangiting binalikan ko ang mga nangyari kanina pagkarating namin galing sa shoot.Pagkapasok na pagkapasok sa bahay ay agad ko siyang isinandal sa pintuan saka idiniin ang sarili ko sa kanya. Hindi niya naman itinago ang pagkagulat. “Yes babe, iyan ang dahilan kung bakit h
“Rekdi!” tawag ni Juls sa pansin ko. Hindi ko namamalayan na tinatawag na pala niya ako pero hindi ko pinapansin.Nandito ako ngayon sa pre-production meeting namin. Nandito ang katawan ko pero ang utak ko ay wala. Hanggang sa ngayon ay hindi maalis sa isip ko ang mga napag usapan namin ni Stacy kagabi tungkol sa kalagayan niya ngayon.“Basta bukas ng umaga ay sasamahan kita sa doctor, hindi pwedeng hindi ka magpacheck-up para makasigurado tayo na pareho kayong healthy ng baby natin.” Hindi ko naiwasang mapangiti sa pagbanggit ko ng baby, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaanak na ako, kami ni Stacy. May takot sa panibagong responsibilidad na haharapin namin pero mas lamang ang saya sa paparating na blessing.“Pwede bang” hindi niya na natapos ang anumang nais niyang sabihin dahil umiling ako agad, kaya naman ay pinalo niya ako sa dibdib. “Pwede bang patapusin mo na muna
I’m on my way to your house, Babe. Naka-ready ka na ba?Kumain ka na ba? Daan muna tayo sa resto kasi hindi ako nakakain kanina s ameeting, nagmamadali akong puntahan ka.Nandito na ako sa labas n’yo.Babe?Where the hell are you? Hindi ba at usapan natin ay susunduin kita ngayon after my meeting? Bakit umalis ka at hindi nagsasabi sa akin?Napabuntong hininga ako pagkabasa sa napakaraming text na ipinadala sa akin ng boyfriend ko bukod pa sa ilang missed calls.Totoo naman iyon, umalis ako ng bahay kaninang hindi nagsasabi sa kanya. Ang sinabi niya sa akin ay pagkatapos na pagkatapos ng meeting niya ay pupuntahan niya ako agad. Ako pa pala ang pumilit sa kanya na um-attend ng meeting nila, alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang trabaho niya base sa mga kwento ng mga tao sa shoot. Kaya ayaw kong balewalain niya iyon para lang paboran ako. Hindi maatim ng konsensya ko na isakripisyo niya ang shoot thinking na maram
“Don’t worry about me, I’m totally fine.” Natuwa na sana ako dahil sa wakas ay sinagot na ni Stacy ang tawag ko. Sa dami na ng naipadala kong text sa kanya simula nang nasa meeting ako kanina hanggang sa pagtawag ko ng maraming beses, ngayon lang siya sumagot. Magsasalita pa sana ako para tanungin kung nasaan ba siya ngayon, kung kumain na ba siya pero agad niya ring pinutol ang tawag ko. Nagtaka ako sa tono ng boses niya, parang may mali, bakit parang galit siya sa akin? Sa tingin ko nga ay hindi tama ang ginagawa niya ngayon sa akin, mukha akong tanga sa pag aalala tapos sasagutin niya lang ng ganoon. Alalang alala ako sa kanya tapos sasabihan niya ako ng ganoon?Nandito ako sa school niya ngayon, matiyagang nag aabang sa kanya dahil nga nagbabakasakali akong dito ko siya mahahanap. Gusto ko nang bumaba ng kotse at magtanong sa mga kaklase niya o kaya naman ay kay Miss Perez kaya lang ay inaalala ko ang posibleng galit niya kapag ginawa
Nagkwekwentuhan kami ng mga tao ko habang nagsasalo sa breakfast. Shoot day. Medyo nakakapanibago na hindi ko siya nakikita ngayon. Pero mas mabuti na iyon para naman makapagpahinga siya dahil kinakailangan niya iyon. Hindi ko na rin siya sinubukang tawagan kagabi dahil na-realize ko na baka gusto niya muna ng space, pinagbigyan ko na muna siya doon pero hanggang kagabi lang. Pinadalhan ko lang siya ng goodnight text kagabi, kanina pagkagising ko at bago ako umalis ng bahay papunta rito sa location ngayong araw. Wala man akong natanggap na sagot mula sa kanya ay hinayaan ko lang. Iintindihin ko na lang muna siya katulad ng advice sa akin ng kaibigan ko kahapon.Hindi pa rin nawawala ang pag aasaran ng mga kaharap ko nang magulat ako dahil sa pagsasalita ni Sam habang may tinitingan.“Stacy! Buti naman at dumating ka na.” Malakas niyang sabi kaya naman ay napalingon ako sa tinitingnan niya, at totoo nga. Nandito nga siya ngayon.Nagulat