“Rekdi!” tawag ni Juls sa pansin ko. Hindi ko namamalayan na tinatawag na pala niya ako pero hindi ko pinapansin.
Nandito ako ngayon sa pre-production meeting namin. Nandito ang katawan ko pero ang utak ko ay wala. Hanggang sa ngayon ay hindi maalis sa isip ko ang mga napag usapan namin ni Stacy kagabi tungkol sa kalagayan niya ngayon.
“Basta bukas ng umaga ay sasamahan kita sa doctor, hindi pwedeng hindi ka magpacheck-up para makasigurado tayo na pareho kayong healthy ng baby natin.” Hindi ko naiwasang mapangiti sa pagbanggit ko ng baby, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaanak na ako, kami ni Stacy. May takot sa panibagong responsibilidad na haharapin namin pero mas lamang ang saya sa paparating na blessing.
“Pwede bang” hindi niya na natapos ang anumang nais niyang sabihin dahil umiling ako agad, kaya naman ay pinalo niya ako sa dibdib. “Pwede bang patapusin mo na muna
I’m on my way to your house, Babe. Naka-ready ka na ba?Kumain ka na ba? Daan muna tayo sa resto kasi hindi ako nakakain kanina s ameeting, nagmamadali akong puntahan ka.Nandito na ako sa labas n’yo.Babe?Where the hell are you? Hindi ba at usapan natin ay susunduin kita ngayon after my meeting? Bakit umalis ka at hindi nagsasabi sa akin?Napabuntong hininga ako pagkabasa sa napakaraming text na ipinadala sa akin ng boyfriend ko bukod pa sa ilang missed calls.Totoo naman iyon, umalis ako ng bahay kaninang hindi nagsasabi sa kanya. Ang sinabi niya sa akin ay pagkatapos na pagkatapos ng meeting niya ay pupuntahan niya ako agad. Ako pa pala ang pumilit sa kanya na um-attend ng meeting nila, alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang trabaho niya base sa mga kwento ng mga tao sa shoot. Kaya ayaw kong balewalain niya iyon para lang paboran ako. Hindi maatim ng konsensya ko na isakripisyo niya ang shoot thinking na maram
“Don’t worry about me, I’m totally fine.” Natuwa na sana ako dahil sa wakas ay sinagot na ni Stacy ang tawag ko. Sa dami na ng naipadala kong text sa kanya simula nang nasa meeting ako kanina hanggang sa pagtawag ko ng maraming beses, ngayon lang siya sumagot. Magsasalita pa sana ako para tanungin kung nasaan ba siya ngayon, kung kumain na ba siya pero agad niya ring pinutol ang tawag ko. Nagtaka ako sa tono ng boses niya, parang may mali, bakit parang galit siya sa akin? Sa tingin ko nga ay hindi tama ang ginagawa niya ngayon sa akin, mukha akong tanga sa pag aalala tapos sasagutin niya lang ng ganoon. Alalang alala ako sa kanya tapos sasabihan niya ako ng ganoon?Nandito ako sa school niya ngayon, matiyagang nag aabang sa kanya dahil nga nagbabakasakali akong dito ko siya mahahanap. Gusto ko nang bumaba ng kotse at magtanong sa mga kaklase niya o kaya naman ay kay Miss Perez kaya lang ay inaalala ko ang posibleng galit niya kapag ginawa
Nagkwekwentuhan kami ng mga tao ko habang nagsasalo sa breakfast. Shoot day. Medyo nakakapanibago na hindi ko siya nakikita ngayon. Pero mas mabuti na iyon para naman makapagpahinga siya dahil kinakailangan niya iyon. Hindi ko na rin siya sinubukang tawagan kagabi dahil na-realize ko na baka gusto niya muna ng space, pinagbigyan ko na muna siya doon pero hanggang kagabi lang. Pinadalhan ko lang siya ng goodnight text kagabi, kanina pagkagising ko at bago ako umalis ng bahay papunta rito sa location ngayong araw. Wala man akong natanggap na sagot mula sa kanya ay hinayaan ko lang. Iintindihin ko na lang muna siya katulad ng advice sa akin ng kaibigan ko kahapon.Hindi pa rin nawawala ang pag aasaran ng mga kaharap ko nang magulat ako dahil sa pagsasalita ni Sam habang may tinitingan.“Stacy! Buti naman at dumating ka na.” Malakas niyang sabi kaya naman ay napalingon ako sa tinitingnan niya, at totoo nga. Nandito nga siya ngayon.Nagulat
“Uy Stacy.” Mahinang tawag sa atensyon ko ni ate Raq. Nangangalahati na kami sa mga eksenang kukunan for today. Nagkataong nagseset-up pa ng mga ilaw kaya hindi kami masyadong busy, afford magkwentuhan.“Bakit ate?”“Anong nangyayari? Anong latest chika?”“Nangyayari? Chika?” naguguluhang balik tanong ko sa kanya.“Iyong sa inyo ni Rekdi, anong mayroon?”“Na ano po?” siyempre, kahit alam ko naman ang gusto niyang itanong ay nagmaang maangan ako.“Akala mo ba ay hindi ko napapansin, may something sa nyo eh.” Hindi ko siya sinagot, tumingin lang ako sa kanya kaya muli siyang nagsalita. “So, ano na? Sabihin mo naman sa akin kung anong nangyayari? Tayo tayo lang naman ang makakalaam if ever.” Pamimilit pa niya pero hindi ako aamin, hindi muna kahit halata ko naman na may alam na siya.Tiningnan ko lang siya, tinging hindi na
“Rekdi, inom tayo pagkatapos natin today ha.” Narinig kong sabi sa akin ni Eric sa headset.“Oo nga Rekdi, maaga pa naman.” Segunda naman ni Mike na nasa kabilang camera. “Matagal ka na naming hindi nakakasama, sawang sawa na kami sa pagmumukha ni Bumbay. Parati na lang siya ang nakaksaama naming uminom simula nang mag umpisa itong ts.”“Um-okay na ang ibang tropa, ikaw na lang ang hindi umu-oo.” Kumbinse pa ni Matt sa akin na katabi ko lang ngayon dito sa loob ng ObVan.Napaisip ako, dahil wala rin naman akong gagawin mamaya ay pumayag na rin ako. Tutal naman Sabado bukas at ang preprod for Monday ay nagawa na rin kahapon. Parati ko kasing sinasabi na magpre prod na for two days para libre na ang weekends naming lahat.Si Stacy naman ay mukhang hindi sasama sa bahay ko kahit na pilitin ko pa siya. Obvious pa rin na gusto niya ng space kaya pagbibigyan ko na muna siya, baka kasi nasasakal ko na
Tahimik lang ang naging biyahe namin papunta sa bahay nila. Alam kong nakikiramdam lang siya sa akin habang ako naman ay pinipigilan ang sarili na muling magsalita.Ipinarada ko ang kotse sa harapan ng bahay nila nang makarating sa destinasyon, bago siya lumabas ng kotse ay mabilis ko siyang pinigilan. Hinawakan ko ang braso niya kaya napahinto siya.“I’m giving you five minutes to get some clothes.”Tiningnan niya ako ng buong pagtataka.“Sa bahay ka na muna uli, mahirap na dahil wala ka pa rin namang kasama dito sa bahay ninyo. Walang mag aalaga sa inyo dito.”“Pero…”Tumingin ako sa relo ko, “Fourteen minutes or baka gusto mo na ako na ang kumuha ng mga damit mo? ‘Di kaya naman, mag stay ka na lang sa bahay ko ng ganyan, kasya naman sa iyo ang mga t-shirt ko and I would not mind Babe to see you roaming around my house naked.”Tinitigan niya ako. Mukhan
Lumingon lingon ako pagkapasok ko bar na madalas naming tinatambayan. Hinanap ng mga mata ko ang grupo ko mula sa mga taong nagkakasiyahan doon. Agad ko namang nakita si Eric na ngayon ay masayang kumakaway sa akin, mukhang inaabangan talaga nila ang pagdating ko. Kaya naman ay agad akong naglakad palapit sa mesa nila.“O, Rekdi.” Nag abot agad sa akin si Mike ng bote ng beer pagkaupong pagkaupo ko. Doon ako pumwesto sa bakanteng silya sa tabi ni Eric.Pagkaabot ko ng bote ay agad kong dinala ito sa bibig. Halos mapangalahati ko ang lamang beer ng bote nang ibinaba ko ito sa mesa.“Whoah! Easy lang Rekdi. Parang uhaw na uhaw ka ah.” Pansin ni Juls sa ginawa kong pag inom.“Nakakauhaw ba ang paghatid kay Stacy? Saan mo ba inihatid?” maintrigang banat naman ni Sam. Nakatikim tuloy siya ng masamang tingin mula sa akin na hindi nakalampas sa mga kasama namin dito ngayon.“Hala ka! Lagot ka Sam! Bu
Nagising ako sa pakiramdam na parang may nakatingin sa akin. Mayamaya ay naramdaman ko na nga ang kung anong humahaplos sa pisngi ko. Dahil doon ay unti unti kong idinilat ang aking mga mata para lang mabungaran ang seryosong mukha ni Richard na nakatingin sa akin.Hindi ko namalayan ang mga sumunod pang nangyari, basta ang alam ko lang ay ang unti unti niyang paghigang muli sa akin. Bumangon pala ako nang hindi ko namamalayan.“Are we having sex?” Tanong ko habang nakatitig sa mukha niya. Hindi ko na alam ang nangyayari, basta sumusunod lang ako sa nararamdaamn ko ngayon.Narinig ko siyang sumagot sa tanong ko pero hindi ko na naintidihan pa iyon dahil muli, muli akong nalunod sa mga maiinit niyang halik kung kaya’t napahawak na lang ako sa kanya at mahigpit na kumapit sa batok niya upang mas lalong palalimin ang halik na pinagsasaluhan naming dalawa.Narinig ko siyang umungol dahil sa pagganti ko ng halik kaya naman ay pa