Share

Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia
Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia
Author: SQQ27

Chapter One

Author: SQQ27
last update Huling Na-update: 2024-10-10 12:52:54

Hindi magkandaugaga si Georgina habang bitbit ang malaking bayong at hawak-hawak ng isang kamay ang mahabang palda upang hindi siya madapa saka lalo pang binilisan ang paglalakad. Isang minuto na lang at male-late na siya sa appointment niyang inilaan sa kanya ng madrasta. Ano pa nga ba ang gagawin niya kundi ang makipag-date na naman sa mga lalaking hindi niya kilala na nireto nito. Mabuti sana kung kahit papaano ay disente namang tingnan ang nakakasalamuha niya pero hindi. Bukod sa matatanda na ay para pa ang mga itong nakalunok ng sangkaterbang beer sa laki ng tiyan.

Katulad na lang ng ka-meet up niya ngayon na nakilala niya dahil sa deskripsyon na ipinadala sa kanya ng madrasta. Ang lalaking kaharap niya ay kasing-edad na ng kanyang ama at naninilaw ang ngipin na tila hindi nagto-toothbrush. Kahit sa harap ito ni Georgie, ang palayaw niya, nakaupo ay singhot na singhot niya ang masangsang nitong amoy na parang bulok na isda. Nasa isang kilalang restaurant sila sa Quezon City kaya karamihan sa mga kustomer ay nakatingin sa kanila dahil sa kakaibang ayos nila. Paano kasi ay para siyang manang sa suot niyang mahabang manggas na polo at sayad sa lupa na palda na kulay dilaw.

“Ikaw? Ikaw ang anak ni Mitz? Nakakadismaya ka naman, iha. Ang akala ko pa naman isang maganda at seksi ang ipapadala sa akin ng babaeng ‘yon!” magkasalubong ang kilay na turan nito kay Georgie habang titig na titig sa kanya. Halatang-halata ang pagkadismaya at pagkadisgusto sa nagmamantika nitong mukha.

Napaismid si Georgie. “Ano’ng tingin ng lalaking ‘to sa sarili nito? Isang adonis na napakakisig at malakas makalaglag panty?! Naiinis na hiyaw niya.

Hindi niya rin masisisi ang kaharap kung bakit nagawa siyang laitin nito. Nakasuot siya ng makapal na salamin na hugis parisukat at maitim pa sa uling ang makapal niyang kilay. Ang kanyang labi ay kinulayan niya matingkad na kulay pulang lipstick at sa kapal niyon ay nagkalat na sa kanyang bibig at hindi lang ‘yon. Naglagay rin siya ng pekeng bulutong sa mukha upang lalong mandiri ang katagpo niya. Ginawa ni Georgie ang lahat ng ito upang itago ang kagandahan niya. Nadala na siya sa unang blind date na pinuntahan niya dahil muntikan na siyang halayin ng katagpo dahil sa tunay niyang hitsura.

“Mabuti naman po kung ganoon, Uncle.” Ipinagdiinan niya ang huling sinabi. “Nang sa ganoon ay hindi ko na kayo kailangang harapin dahil hindi ko kaya ang masangsang na amoy na binubuga ng bunganga mo.”

Matabil ang dila ni Georgie lalo na kapag hindi niya gusto ang kaharap. Hindi lang ‘yon. Nais niyang ipabatid sa kanyang madrasta sa pamamagitan ng lalaking kaharap kung paano niya sinabotahe ang blind date na sinet-up nito. Wala itong pakialam kung sino mang lalaki ang mapapangasawa niya basta ang mahalaga ay masipa siya nito sa mansyon ng mga Lucindo upang marahil ay kamkamin nito ang yaman na dapat ay para sa kanya.

“Pangit ka na nga, matalas pa ang dila mo. Pustahan, walang lalaking papatol sa pangit na katulad mo!”

Tumaas ang sulok ng labi ni Georgina at nakakalokong tinapunan ito ng tingin. Isinukbit niya sa balikat ang bayong at mabilis na tumayo pero bago iyon ay binalingan niya ang lalaki. “Ipapakita ko sa ‘yo, na kahit ganito ang hitsura ko ay may papatol sa akin dahil maalindog ako.”

Nahagip ng kanyang mata ang isang lalaking nakasuot ng kulay maroon na bussiness suit na papalapit sa kinaroroonan niya at kaagad itong nilapitan ni Georgina. Nagulat ang lalaki nang bigla siyang huminto sa harap nito. Kasunod niyon ay hindi na niya binigyan ng pagkakataon ang lalaki na makahuma. Kaagad niya itong hinawakan sa magkabilang pisngi at hinila pababa ang mukha saka mabilis na dinampian ng halik ang labi nito.

Pinanganak na matapang at palaban sa kahit anong hamon ng buhay si Georgina. Lalo na magmula nang mamatay ang kanyang ina at nag-asawa ng iba ang kanyang ama. At kapag may taong gustong humamon sa kanya ay hindi niya ito uurungan, katulad na lang ngayon. Nang maghiwalay ang labi nila ay isang malamig na tingin ang ipinukol sa kanya ng kaharap. Hindi maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha nito pero hindi umatras si Georgina bagama’t bahagyang nakaramdam nang kaba sa dibdib dahil sa talim ng tingin nito.

Ngayon lang niya napansin kung gaano kaguwapo ang lalaking kaharap. Nanghihigop ang matalim na tingin nito at ang makinis na mukha ay kasingdilim ng makapal na ulam na anumang oras ay nagbabadyang bumuhos.

“Pasensya na, kailangan ko lang—”

“Who the fuck are you to touch me? I dare you to try that again and I will cut off your lips!” mababa ang boses at umiigting ang panga na banta nito.

Umangat ang isang kilay ni Georgina. Hindi naapektuhan sa galit ng lalaki. “Sus! OA mo naman. Parang halik lang, eh. As if naman hindi ka pa nakatikim nu’n! Porke ba ganito ang hitsura ko ay wala na akong karapatang manghalik?” Inirapan niya ito saka humalukipkip. Alam niyang mali nga ang ginawa niyang panghahalik dito pero ipaglalaban niya na tama siya. Huwag kang mag-alala, mabango ang bunganga ko. Kahit ang lipstick na gamit ko ay napakamahal, hindi ka na lugi dahil nalasahan mo!

“Halik lang? So, kahit sinong lalaki ang haharap sa ‘yo ay basta mo na lang hahalikan? Ganu’n ka na kadesperada dahil wala nang papatol sa ‘yo?”

Gaano man katapang si Georgina, malambot pa rin ang puso niya sa masasakit na insulto at nasaktan siya sa sinabi ng lalaki. Walang sali-salitang lumipad ang palad niya sa pisngi nito. The crisp sound of her slap echoed in the entire restaurant and the surroundings became frozen. Naikuyom ni Georgina ang kamao. “Hindi porke’t guwapo ka ay puwede mo nang yurakan ang pagkatao ko. Hindi mo ako kilala para insultuhin nang ganyan. Sa ‘yo na ‘yang halik mo dahil hindi ako interesado!” Mabilis niya itong tinalikuran at nagmamartsang naglakad palabas ng restaurant.

Tuluyan nang nasira ang araw niya pero kahit papaano, sa isiping ligtas na naman siya sa blind date na s-in-et-up ng madrasta ay gumaan nang bahagya ang pakiramdam ni Georgina. Hindi pa man siya nakakaapak sa labas ng restaurant ay biglang may pumigil sa braso niya. Mahigpit ang pagkakahawak niyon at wala siyang planong bitiwan. Nang lingunin niya kung sino ay ang guwapo pero supladong lalaking hinalikan niya.

“Wait up, lady. Sa tingin mo basta-basta ka na lang makaalis matapos mo akong sampalin? Pagbabayaran mo ang ginawa mo.” Pagkasabi niyon ay biglang may unipormadong kalalakihan ang tumayo sa tabi nito. “Hulihin niyo siya at dalhin sa kotse,” puno ng awtoridad na utos nito.

Gustong kaltukan ni Georgina ang sarili. Ano ba ‘tong napasukan ko? Miyembro ba siya ng mafia at gusto niya akong kidnap-in?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
monzuki23
support! niceee
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter Two:

    Ginawa ni Georgina ang lahat para makawala sa pagkakahawak ng lalaki pero malakas ito. Dahil sa matangkad ito at matipuno ang katawan ay parang langgam lamang siya kumpara sa isang elepante. Kahit nagsisisigaw siya upang kunin ang atensyon ng mga dumaraan ay walang pakialam sa kanya ang lalaki at pabagsak siya nitong ipinasok sa loob bago ito sumunod para masiguradong hindi siya makatakas. “Start the car.” Mawtoridad na utos nito sa driver na kaagad namang tumalima. Kahit hindi ito tumingin kay Georgina ay ramdam na ramdam ng dalaga kung gaano kalamig ang emosyon sa mga mata nito nang marinig ang matigas nitong boses.Nang umandar ang sasakyan ay sumunod ang mga tauhan ng lalaki. Ilang kotse rin ang nakasunod sa kanila kaya lalong nagduda si Georgina na miyembro ng isang mafia ang katabi niya. May alam siya sa self-defense, kaya niyang makipaglaban, pero matagal na niyang kinalimutan ang gawaing iyon dahil nagbibigay iyon nang masakit na alala sa kanya. “Saan mo ako dadalhin? Buksa

    Huling Na-update : 2024-10-10
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter Three

    Lalong lumakas ang ugong sa buong paligid dahil sa sinabi ni Rhett. Ngunit wala siyang pakialam kung ano man ang hitsura ng babaeng nakuha niya. Ang mahalaga ay may maipakilala siya sa madla na babaeng papakasalan tulad ng hiling ng kanyang lolo. Kung hindi lang ito nagpumilit at kung hindi siya nag-aalala sa kalagayan nito ay suntok pa sa buwan na magpapakasal siya. Ibinalik niya sa emcee ang mikropono saka hinawakan ang babae sa braso na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang pangalan saka ito inalalayan pababa ng stage. Nang makapunta sila sa mesa at makaupo ay pinaupo niya ito sa kanyang tabi at dumukwang upang bumulong sa tainga nito. “Tell me your name,” utos niya. Hindi siya umalis hangga’t hindi ito sumasagot pero ang nakaagaw sa pansin niya ay ang mabangong perfume na gamit nito. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang amoy dahil produkto niya iyon at alam niya kung magkano ang presyo ng perfume na gamit nito. It was worth thousands. Ang perfume na ito ay ang bagong collection

    Huling Na-update : 2024-10-10
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter Four

    Umaga na nang makauwi si Georgina dahil tumuloy siya sa kalapit na hotel upang iwasan ang mga taong humahabol sa kanya. Ang buong akala niya ay payapa na siya pag-uwi pero hindi pala dahil ang kanyang madrasta ang sumalubong sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa gate ng mansyon nila. “Napaka-ingrata! Pinahiya mo na naman ako sa kaibigan ko at hindi ka nakipag-date sa kanya?” Malakas na sampal ang kasunod niyon na nagpabiling sa mukha ni Georgina.“Ingrata? Date? Bakit kaya hindi ikaw ang makipag-date sa matandang ulupong na ‘yon?” Nakaangat ang isang kilay na sagot niya. Mapang-asar ang tono ng boses niya pero ang mata niya ay matalim na nakatingin dito. Hinaplos niya ang pisngi na nasampal nito upang tanggalin ang sakit habang pinipigilan ang sarili na huwag itong patulan. Baka hindi niya mapigilan at mabugbog niya ito nang husto na matagal na niyang gustong gawin. “Pasalamat ka at may lalaki pang gustong makipagkita sa ‘yo. Ano pa bang gusto mo at lahat na lang ng n

    Huling Na-update : 2024-10-10
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter Five

    Limang araw ang matuling lumipas at dumating na nga ang araw na ‘magpapakasal’ kuno si Pia. Habang abala sa paghahanda ang mga tao sa mansyon, si Georgina naman ay nakahilata pa rin sa kama habang naglalaro sa kanyang cellphone. Pero hindi nakatiis ay lumabas siya ng kuwarto at tumambay sa veranda. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang mga tao na abala sa pabalik-balik habang may ginagawang kung ano-ano. Nang tumingin siya sa labas ng gate ay nakita niyang muli ang ilang sasakyang nakahilira na tila ba inihatid ang presidente ng Pilipinas.Hindi nagkaroon ng kaunting interes si Georgina kaya napagpasyahan niyang bumalik sa loob. Akmang tatalikod siya at papasok nang mahagip ng kanyang mata ang ikalawang kotse na nakaparada sa labas ng gate na unti-unting bumaba ang bintana at lumitaw ang guwapong mukha ni Rhett. Nakasuot ito nang salamin kaya hindi niya alam kung sa kanya nakatingin pero nakita niya kung paano tumaas ang sulok ng labi nito. Kaagad na nagbago ang ekspresyo

    Huling Na-update : 2024-10-10
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter Six

    Gustong katusan ni Georgina ang sarili dahil hindi na naman siya nakahuma habang akay-akay ni Rhett. Wala siyang ideya kung saan siya nito dadalhin at wala ring silbi ang kakulitan niya sa pagtatanong dahil buong biyahe ay tahimik ang lalaki at hindi pinansin ang pagmamaldita niya. Tatlumpong minuto ang nakalipas bago tuluyang huminto ang sasakyan sa harap ng isang magarang mansyon na may limang palapag. Sa sobrang lawak niyon ay hindi alam ni Georgina kung mansyon o palasyo ang nasa harapan niya. Bumaba siya ng kotse pagkahinto niyon at namamanghang pinagmasdan ang malapalasyong mansyon. “Dito ka nakatira?” nanlalaki pa rin ang matang tanong niya kay Rhett. Alam niyang mayaman ang lalaki pero hindi niya akalain na ganito kayaman. Kung tama nga ang hinala niya ay hindi lang perfume ang negosyo ng lalaki. Tinapunan siya nang hindi makapaniwalang tingin ni Rhett. “Kung hindi dito, saan?” nakahalukipkip na tanong nito habang nakataas ang isang kilay.Inirolyo ni Georgina ang mata. “Na

    Huling Na-update : 2024-10-15
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter Seven:

    Nang marinig ni Georgina ang sinabi ng ‘asawa’ ay kaagad na naningkit ang kanyang mata. Inilagay niya ang magkabilang braso sa harap ng dibdib upang harangin ang papalapit na katawan nito. “Wala sa usapan natin ‘to,” matigas na anas ni Georgina habang patuloy sa pagharang ang dalawang braso sa dibdib upang hindi makalapit ang mukha ng lalaki. Malakas ito pero kaya niya itong labanan. Hindi man siya aktibo ngayon sa dating trabaho ay hindi naman niya hinahayaan na basta na lang mawawala ang natutunan.“Wala akong sinabing hindi puwede. Mag-asawa tayo at katungkulan mo ang pagbigyan ang pangangailangan ko,” Rhett teases. May nakakalokong ngiti sa mata nito habang ang mukha ay pilit na ibinaba sa kanya nang paunti-unti. Georgina was not scared. Nilabanan niya nang mas nakakalokong ngisi si Rhett saka iniyakap ang dalawang paa sa baywang ng lalaki, at mahigpit na niyakap ang braso sa leeg nito saka mabilis na inikot ang katawan nilang dalawa. Ngayon ay nakapaibabaw na siya rito. “Saa

    Huling Na-update : 2024-10-18
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter Eight :

    Chapter:Mapaklang napangiti si Georgina. Ito ang iniiwasan niya sa lahat, ang magkaroon ng kaaway sa bahay ng ibang tao pero tila hindi siya gustong patahimikin at bigyan ng kapayapaan dahil unang araw pa lang ay may gusto na agad sumubok ng kanyang pasensya. Matapos ang hagikhik na narinig ni Georgina ay sinundan iyon ng nang-uuyam na boses mula sa kanyang likuran. “Sa tingin mo may karapatan kang tumira sa pamamahay namin? Eh, ano ngayon kung ikaw ang asawa ng kapatid ko? Hindi ka pa rin nararapat dahil isa ka lang basura na pinulot ng kapatid ko sa isang tabi. Ni hindi ko nga kilala kung saang pamilya ka nanggaling. Hindi ako makapaghintay na pulutin ka sa kangkungan kapag pinalayas ka rito.”Kinalma ni Georgina ang sarili. Nakahanda na sana siya na patulan ito, pero nang marinig na binanggit nito ang salitang kuya ay binura niya ang ideyang patulan ito. Kalmado ang mukha at nakahanda ang pekeng ngiti niya nang humarap siya rito. Basang-basa ang buo niyang katawan at dahil bukas

    Huling Na-update : 2024-10-18
  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter Nine:

    Dahil walang ibang damit na masuot ay walang nagawa si Georgina kundi ang lumabas ng bahay na nakasuot ng polo at boxer ni Rhett. Hanggang hita lang ang haba niyon kaya kitang-kita ang mahaba at mapuputi niyang legs. Wala rin siya suot na bra kaya nang lumabas siya ng kuwarto ni Rhett at bumaba sa salas ay pinagtitinginan siya ng mga kasambahay pero nakataas ang noong nilampasan at hindi pinansin ang mga ito. Napaikot na lang ang kanyang mata nang marinig ang bulungan ng mga ito. Naghihintay na sa kotse sa labas ng gate si Kraven, ang dati niyang kasamahan sa trabaho. Kung hitsura lang ang pag-uusapan ay dumugin din ito ng kababaihan pero iba ang karisma nito keysa sa asawa niya. Kung si Rhett ay yung tipong malamig at suplado, si Kraven naman ay happy-go-lucky. Wala itong ibang hilig kundi makipag-sex, mapababae man o lalaki. Kaya nang makita siya nitong sa kapiranggot na suot ay napasipol ito. “Damn, so hot!” nakangising tukso nito nang makapasok siya sa backseat. “Scram! Nasaan

    Huling Na-update : 2024-10-21

Pinakabagong kabanata

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 71: Dignity that rich people can't buy

    Ngunit ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin bumabalik si Rhett. She distracted herself by reading reports on her phone, but that gave her a headache. Hindi siya makapag-concentrate dahil ang isip niya ay kina Rhett at Celeste. Ang pangako ni Rhett na hndi siya nito iiwan at babalik ito kaagad ay naglaho na parang bula. Bumalik siya sa pagkakahiga at pinilit ang sarili na matulog kahit pa ang kanyang mata ay namamasa na sa luha. Ilang beses siyang kumurap upang tanggalin ang luha sa mga mata at hindi siya nagtagumpay kaya naman bumangon siya at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Nagpapasalamat si Georgina at hindi na siya gaanong nahihilo at marahil ay umepekto na rin ang gamot na ininom niya kaya naman medyo nawala na ang pamumula ng palad. Nagpapasalamat siya at hindi iyon nagkaroon ng blisters. Dahil hindi rin naman siya dinalaw ng antok ay nagpasya siyang lumabas ng ward at nagbaka-sakaling makikita si Rhett. Hindi niya alam kung saan ang kuwarto ni Celeste at ayaw niya

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 70: Act

    Sa huli, pinili ni Rhett na manatili sa kuwarto ni Georgina at hindi siya nito iniwan. Inutusan nito si Nathalia na ihatid si Celeste sa ward nito kaya’t silang dalawa na lamang ang natira sa kuwarto. Umupo sa tabi niya si Rhett at agad siyang tinanong na puno ng pag-aalala sa mga mata at baka may hindi siya nararamdamang maganda. “Georgie?”Umiling si Georgina. Gusto lang niyang subukin ang magiging reaksyon ni Celeste kung pipigilan niya si Rhett at hindi nga siya nagkamali dahil naapektuhan ito nang malaman na mas gugustuhin ni Rhett na manatili sa kanyang tabi. May hinala siyang nagpapanggap lang ang babae kung ano ang tunay nitong nararamdaman para kunin ang atensyon ni Rhett. Pero wala na siyang pakialam kung nagpapanggap lang si Celeste kapag pareho nilang kaharap si Rhett. Ang mas nanaig sa isipin niya ngayon ay kung may kinalaman nga si Celeste sa pag-trigger niya ng allergy. Kahit ang pagka-aksidente nito ay co-incidental din. Mukhang gusto siyang manipulahin ng babae upan

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 69: Hospital

    Nang magising si Georgina ay nasa loob na siya ng isang pribadong kuwarto sa ospital at may nakakabit na IV drip sa likod ng palad. Medyo madilim ang paligid at ang tanging liwanag sa loob ng kuwarto ay mula sa ilaw na nasa sulok na medyo malamlam. Nakasara rin ang makapal na kurtina kaya hindi niya batid kung gabi o umaga na. Hindi na siya nahihirapang huminga at maayos na ang pakiramdam bukod sa pangangati ng palad na hanggang ngayon ay namumula at namamaga pa rin. Hindi alam ni Georgina kung saan nagsimula ang allergy niya dahil wala naman siyang nahawakan. Nagkakaroon siya ng severe allergy reaction kapag nakakahawak siya sa mga silver na bagay. Ramdam niya ang pagkatuyo ng lalamunan kaya naman nagbalak siyang tumayo pero nanlalambot ang katawan niya at bigla siyang nahilo dahil sa biglang pagbangon. Ito ang unang beses na dinala siya sa ospital dahil sa allergy at hindi niya nagugustuhan dahil pakiramdam niya ay wala siyang silbi. Wala siyang ibang kasama sa kuwarto. She smiled

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 68: She fainted

    Napakaganda ng babaeng kaharap ni Georgina. Maputi rin ito marahil ay namalagi sa America ng matagal na panahon. Pero mas matangkad siya rito at hindi rin pakakabog ang kanyang ganda. Ang pagkakaibahan lang nila, ang kanyang ganda ay tibong agresibo, matapang at hindi kailangan ng proteksyon samantalang ang babaeng kaharap niya ay parang porselana na kailangan ingatan dahil babasagin. “Excuse me, sino po ang hanap ninyo?” muling tanong ng babae nang hindi siya nakasagot sa una nitong tanong. Hindi siya sumagot dahil wala siyang plano na sagutin ito pero dahil sa klase ng tanong nito, na tila wala siyang koneksyon sa nagmamay-ari ng bahay ay bahagya siyang nainsulto. Pero ayaw niyang makipagkompetensya sa babaeng nagugustuhan ng kanyang asawa. “Wala akong hinahanap. Dito ako nakatira,” simpleng sagot niya. Her nonchalant expression gave Celeste the expression that she is bullying her. Napakurap si Celeste na tila hindi makapaniwala. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa at s

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 67: Meet up

    Kasunod ng guwapong lalaki ay ang mga unipormadong kalalakihan na mukhang bodyguards nito. Nang makita ni Georgina ang mga ito ay lalo niyang napatunayan na hindi basta-basta ang matandang kaharap niya. Kahit ang babaeng nakasagutan nila ay hindi makaimik sa mga bagong dating. Dali-dali itong sumakay ng sasakyan pero bago makaalis ay pinigilan ito ng guwapong lalaki at inabutan ng tseke. Marahil nang makita kung gaano kalaking halaga ang nakasulat sa tseke ay napalitan ng tuwa at pagsisisi sa mukha ng babae. Bumaba ito ng kotse, humingi ng tawad sa matanda at kay Georgina saka nagpasalamat sa binata na bagong dating saka lang umalis. “Lolo,” tawag ng lalaki sa matanda. Umangat ang kilay ni Georgina nang marinig ang tawag ng lalaki. So, apo pala ng matanda ang guwapong lalaki.hindi na niya pinansin ang mga ito at palihim na umalis pero hindi pa siya nakakalayo ay tinawag siya ng lalaki.“Miss, sandali.” Tumakbo ito papalapit sa kanya. “Salamat sa pagligtas kay lolo.” Nang ngumiti ito

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 66: Who?

    “Heh, ako na lang ang naaawa para sa biktima mo, G,” biro ni Kraven na nakatayo sa gilid ni Georgina habang nakamasid sa mga bangkay na halos putol-putol ang katawan dahil sa gawa ni Georgina. Duguan ang damit niya pati na ang mukha. Ang espadang ginamit sa pagpaslang ng kalaban ay nakatutok pa rin sa pinakahuling lalaki na pinugutan niya ng ulo. Habol niya ang hininga habang nakatingin kay Kraven pero hindi niya ito sinagot. “Nailigtas na natin ang biktima, puwede na akong umalis, hindi ba?” Lumapit sa kanya si Rick at tumayo sa kabila niyang tabi. “There will be someone who will clean this place. Puwede ka ng umuwi, G,” Rick agreed. Bago makaalis si Georgina ay may idinagdag ito. “If the burden gets heavy, don’t hesitate to come to Isla Thalassina. Alam mong bahagi ka ng islang iyon, G.”Ngumiti si Georgina at nagpaalam na sa lahat. Nasa labas na at naghihintay sa kanya sina Vaia at Tony. mukhang nabalitaan na ng mga ito ang nangyari sa kanya at kay Rhett. “Where to, boss?”“My

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 65: G is jealous/ went off to let out some steam

    Next:Hindi alam ni Georgina kung saan siya napadpad basta ang alam niya ay wala siyang tigil sa paglakad-takbo at kahit nananakit na ang paa niya hindi siya tumigil. Walang gaanong tao sa kinaroroonan niya at ang agwat ng mga bahay ay malalayo. Sa kabilang dako ng kalsada ay masukal na kagubatan. “Heh! Surpresa pala, huh?” mapait na bulong niya. Pasalampak siyang umupo sa tabi ng kalsada, tinanggal ang sapatos na suot at inilagay sa tagiliran saka tahimik na lumuha. Nasasaktan siya sa nakita. Nagseselos siya, aaminin niya pero hindi niya iyon pwedeng ipakita kay Nathalia o Rhett. Hindi niya puwedeng ipakita ang totoo niyang nararamdaman dahil kahinaan iyon. Sa walang taong kalsada ay dito siya magmumukmok at tahimik na iiyak. Kahit ang poste ng ilaw sa kalsada ay nakikisabay sa pagdamdam niya. Sabayan pa na unti-unting pumatak ang ulan. Muli siyang napatawa. May nagawa ba siyang kasalanan sa dati niyang buhay para parusahan siya ng ganito? Kahit lumalakas ang buhos ng ulan ay hind

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 64: The White Moonlight is back

    Lumabas ng kuwarto si Rhett at tinanong ang nagdaang kasambahay kung saang kuwarto natulog si Georgina. Nang sinabi nitong sa fifth floor sa attic ay nagkasalubong ang kilay niya. “Ganoon kalayo?”Ang kuwarto niya sa fourth floor at ang kuwarto sa attic ay aabutin ng halos sampung minuto bago marating. Hindi niya alam na talagang dinamdam ng asawa ang sinabi niya. Agad siyang pumunta roon at nagpapasalamat siya dahil hindi iyon nakasara. Mahimbing na ang tulog ni Georgina nang makapasok siya kaya marahan ang hakbang niyang lumapit dito. Bumilis ang pintig ng kanyang puso nang makita ang maamo nitong mukha habang natutulog pero dahil bahagyang nakaawang ang labi nito ay tila naeengganyo siyang halikan iyon at ginawa nga niya. Bago pa man lumapit ang labi ni Rhett ay nagmulat na ito ng mata. Inunahan na niya ito bago pa siya magsalita pero hinayaan niyang magkalapit ang kanilang mukha. “Aalis ako ng ilang araw dahil may pupuntahan akong bussiness meeting sa Thailand. Kapag nakabalik

  • Blind Date Gone Wrong, The Hottest Billionaire Became My Fia   Chapter 63: Celeste

    Nang makabalik sila resthouse na inuukupa ng grupo sa rancho ay nakatanggap ng international call si Jerome. Matapos nitong sagutin ang cellphone ay bumakas ang tuwa sa mukha nito bago ibinigay ang cellphone kay Rhett.“Georgie, mauna ka na sa kuwarto at may kakausapin lang ako.”Tumango si Georgina pero nang lingunin niya ang asawa ay nakita niya kung paano bumakas ang tuwa sa mukha nito. Hindi niya alam kung sino ang tumawag kay Rhett pero may hinala siya. Hindi nga siya nagkakamali dahil nang bumalik siya sa kuwarto na tinutuluyan niya kasunod si Nathalia ay sinabi nito kung sino ang kausap ni Rhett. “Kausap ni Tiyo ang kapatid ni Jerome. Balita ko ay uuwi na siya ng Pilipinas. Hmp! Alam naman na may asawa na ‘yung tao ay ipagsisiksikan pa ang sarili.”Mapaklang napatawa si Georgina. “Alright, then. Wala akong pakialam kung gaano pa sila katagal mag-usap. I am tired. Puwede ka nang bumalik sa kuwarto mo, Nat. Pagkatapos kong maligo ay matutulog na ako.”“Pero, Georgie–” Itinaas ni

DMCA.com Protection Status