Limang araw ang matuling lumipas at dumating na nga ang araw na ‘magpapakasal’ kuno si Pia. Habang abala sa paghahanda ang mga tao sa mansyon, si Georgina naman ay nakahilata pa rin sa kama habang naglalaro sa kanyang cellphone. Pero hindi nakatiis ay lumabas siya ng kuwarto at tumambay sa veranda. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang mga tao na abala sa pabalik-balik habang may ginagawang kung ano-ano. Nang tumingin siya sa labas ng gate ay nakita niyang muli ang ilang sasakyang nakahilira na tila ba inihatid ang presidente ng Pilipinas.
Hindi nagkaroon ng kaunting interes si Georgina kaya napagpasyahan niyang bumalik sa loob. Akmang tatalikod siya at papasok nang mahagip ng kanyang mata ang ikalawang kotse na nakaparada sa labas ng gate na unti-unting bumaba ang bintana at lumitaw ang guwapong mukha ni Rhett. Nakasuot ito nang salamin kaya hindi niya alam kung sa kanya nakatingin pero nakita niya kung paano tumaas ang sulok ng labi nito. Kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at bumakas ang pagkailang. Nang biglang inalis ng lalaki ang suot na salamin ay nagtama ang mata nila ng lalaki. Hindi niya alam kung namumukhaan siya nito dahil sa disguise niya noong una nilang pagkikita pero biglang kinabahan si Georgina dahil sa klase ng titig sa kanya ni Rhett. Dali-dali siyang pumasok sa loob at alam niyang wala siyang takas kung hindi siya aalis ng bahay kaya imbes na humilata ay lumabas siya ng kuwarto at pasekreto siyang tumakas mula sa kusina. “Naghihintay po sa kotse si Mr. Castaneda. Puwede po bang pakitawag si Ms. Lucindo?” Narinig ni Georgina ang isa sa mga tauhan ni Rhett na kausap ang madrasta. Dahil parehong babad na babad ang mga ito sa pag-uusap ay walang may nakapansin sa kanya. Kahit ang mga kasambahay nila ay wala rin sa kusina kaya malaya siyang nakalabas. Malawak ang ngiti niya habang nagtatatakbong umalis ng bahay habang walang tigil na inaasar sa isip si Pia at ang madrasta dahil sa katangahan ng mga ito, pati na rin si Rhett na ang buong akala niya ay maiisahan niya. Dahil ang sumunod na nangyari ay siyang magpapabago nang tuluyan sa buhay niya. Bigla siyang nabangga sa isang matigas na bisig at kung hindi siya nito nahawakan sa braso ay napasubsob siya sa semento. “At saan sa tingin mo ang punta mo, Georgina? Tatakas ka?” Ang pamilyar at malamig na boses na may halong panunudyo ang sumalubong kay Georgina nang umangat siya ng tingin. Lihim siyang napamura. Nakilala siya nito kahit ibang-iba ang hitsura na nakita nito? Nakasuot ang lalaki ng itim na suit, simple pero malakas pa rin ang dating. “Hindi ako si Georgina. May kailangan ba kayo sa kanya, sir? ” pagmamaangan niya. Nagkunwari siyang hindi ito kilala bagama’t alam niya sa sarili niya na kilala na siya nito. “Huwag ka nang mag-deny. Hindi ikaw si Georgina? Kaya pala suot mo ang singsing na bigay ko,” nakaangat ang isang kilay at nang-aasar tanong nito. Sa pagkakataong ito ay hindi na kayang magsinungaling ni Georgina. “Hindi mo ba talaga ako titigilan? Sinabi ko nang hindi ako magpapakasal sa ‘yo. Bakit nandito ka pa rin?” “Hindi pa ba halata na hindi ako sang-ayon sa ‘yo na tanggihan mo ang alok kong kasal?” Gustuhin man ni Georgina na mainis dito nang matagal ay hindi niya magawa dahil ang tono ng lalaki kapag nagsasalita ng tagalog ay nakakatawa. Marahil ay kakauwi lang nito ng Pilipinas at hindi pa gaanong sanay na magsalita ng sariling lengguwahe. “May karapatan akong tumanggi dahil hindi naman kita kilala. Isa pa, iyon.” Itinuro niya ang garahe kung saan nakatayo ang kapatid niyang hilaw habang nakasuot ng puting gown na animoy bonggang-bonggang kasal ang pupuntahan. “Nakita mo ‘yon. Siya ang willing na willing magpakasal sa ‘yo. Bakit hindi siya ang piliin mo?” “You are prettier than her,” mahinang sabi nito pero dinig na dinig ni Georgina. Nang tingnan niya ito ay sa kanya lang ito nakatingin at hindi man lang tinapunan ng tingin si Pia. Nakahawak pa rin ito sa braso niya kaya’t magkalapit ang katawan nila. Nang marinig iyon ni Georgina ay bumilis ang tibok ng kanyang puso at hindi agad makapagsalita. Ilang segundo ang lumipas saka lang siya nakabawi at hinawakan ang kamay ng lalaki saka isa-isang inalis ang daliri nito sa pagkakahawak sa kanya. “Mas maganda siya. Sa katunayan ay isa siyang modelo ng perfume mo. Kaya siya ang pakasalan mo,” giit pa niya. Unti-unti siyang humakbang paatras upang magkaroon ng agwat ang katawan nila dahil pakiramdam niya ay nasu-suffocate siya sa sobrang lapit ng katawan nila. “No. Kung sino ang may suot ng singsing ay siya ang pakakasalan ko,” matigas ang boses na tugon nito. “Ibabalik ko ang singsing mo at ibigay mo sa kanya. Nababagay sa nagpipilantik niyang daliri ang singsing mo.” Sinubukan niyang tanggalin ang singsing pero ni kaunti ay ayaw iyong gumalaw sa daliri niya. “Ano ba itong singsing mo at bakit hindi matanggal?” Ngumisi nang nakakaloko ang lalaki saka ibinulsa ang dalawang palad sa suot nitong pantalon habang nakatingin sa kanya. “Huwag ka nang mag-abala dahil ang espesyal kong langis lang ang makakapagtanggal niyan. At kapag kasal na tayo saka lang iyon lalabas.” Napahinto sa ginagawa si Georgina at naniningkit ang matang tumingin kay Rhett. Isang segundo ang lumipas bago niya nakuha kung ano ang ibig sabihin nito. “Bastos!” Malakas na napahalakhak ang lalaki saka malaki ang hakbang na lumapit sa kanya at mabilis siyang pinangko na parang isang sako ng bigas. Dumaan ito sa backgate upang walang makakita sa kanila saka dumiretso sa nakaabang nitong kotse. Samantala, sa loob ng mansyon ay nag-umpisa nang magtaka ang pamilya Lucindo nang isang oras na ang lumipas ay wala pa rin ang groom. “Pasensya na, Mr. Lucindo. Kasama na po ni Mr. Castaneda si Ms. Lucindo. Kailangan na po naming umalis,” ang paliwanag ni Archer sa ama ni Georgina nang tumawag dito si Rhett. “Ano? Ano’ng kasama? Eh, nandito pa si Pia?” hindi makapaniwalang tanong ni Mitz. “Sino pong Pia? Georgina po ang pangalan ng pakakasalan ni Mr. Castaneda.” Parang binagsakan ng langit ang mukha ni Pia at ng ina nito, habang si Mr. Lucindo ay hindi alam kung ano ang ire-react, nang marinig ang sinabi ni Archer. Hindi makapaniwala ang mag-ina na ang babaeng kinaiinisan nila ang siyang papakasalan ni Rhett. Hanggang sa makaalis ito ay tila tuod ang tatlo na hindi makakilos, lalo na si Pia na nag-resign pa sa trabaho nito para lang magampanan ang pagiging asawa ni Rhett. “Ano na lang ang mangyayari sa akin, ma?”Gustong katusan ni Georgina ang sarili dahil hindi na naman siya nakahuma habang akay-akay ni Rhett. Wala siyang ideya kung saan siya nito dadalhin at wala ring silbi ang kakulitan niya sa pagtatanong dahil buong biyahe ay tahimik ang lalaki at hindi pinansin ang pagmamaldita niya. Tatlumpong minuto ang nakalipas bago tuluyang huminto ang sasakyan sa harap ng isang magarang mansyon na may limang palapag. Sa sobrang lawak niyon ay hindi alam ni Georgina kung mansyon o palasyo ang nasa harapan niya. Bumaba siya ng kotse pagkahinto niyon at namamanghang pinagmasdan ang malapalasyong mansyon. “Dito ka nakatira?” nanlalaki pa rin ang matang tanong niya kay Rhett. Alam niyang mayaman ang lalaki pero hindi niya akalain na ganito kayaman. Kung tama nga ang hinala niya ay hindi lang perfume ang negosyo ng lalaki. Tinapunan siya nang hindi makapaniwalang tingin ni Rhett. “Kung hindi dito, saan?” nakahalukipkip na tanong nito habang nakataas ang isang kilay.Inirolyo ni Georgina ang mata. “Na
Nang marinig ni Georgina ang sinabi ng ‘asawa’ ay kaagad na naningkit ang kanyang mata. Inilagay niya ang magkabilang braso sa harap ng dibdib upang harangin ang papalapit na katawan nito. “Wala sa usapan natin ‘to,” matigas na anas ni Georgina habang patuloy sa pagharang ang dalawang braso sa dibdib upang hindi makalapit ang mukha ng lalaki. Malakas ito pero kaya niya itong labanan. Hindi man siya aktibo ngayon sa dating trabaho ay hindi naman niya hinahayaan na basta na lang mawawala ang natutunan.“Wala akong sinabing hindi puwede. Mag-asawa tayo at katungkulan mo ang pagbigyan ang pangangailangan ko,” Rhett teases. May nakakalokong ngiti sa mata nito habang ang mukha ay pilit na ibinaba sa kanya nang paunti-unti. Georgina was not scared. Nilabanan niya nang mas nakakalokong ngisi si Rhett saka iniyakap ang dalawang paa sa baywang ng lalaki, at mahigpit na niyakap ang braso sa leeg nito saka mabilis na inikot ang katawan nilang dalawa. Ngayon ay nakapaibabaw na siya rito. “Saa
Chapter:Mapaklang napangiti si Georgina. Ito ang iniiwasan niya sa lahat, ang magkaroon ng kaaway sa bahay ng ibang tao pero tila hindi siya gustong patahimikin at bigyan ng kapayapaan dahil unang araw pa lang ay may gusto na agad sumubok ng kanyang pasensya. Matapos ang hagikhik na narinig ni Georgina ay sinundan iyon ng nang-uuyam na boses mula sa kanyang likuran. “Sa tingin mo may karapatan kang tumira sa pamamahay namin? Eh, ano ngayon kung ikaw ang asawa ng kapatid ko? Hindi ka pa rin nararapat dahil isa ka lang basura na pinulot ng kapatid ko sa isang tabi. Ni hindi ko nga kilala kung saang pamilya ka nanggaling. Hindi ako makapaghintay na pulutin ka sa kangkungan kapag pinalayas ka rito.”Kinalma ni Georgina ang sarili. Nakahanda na sana siya na patulan ito, pero nang marinig na binanggit nito ang salitang kuya ay binura niya ang ideyang patulan ito. Kalmado ang mukha at nakahanda ang pekeng ngiti niya nang humarap siya rito. Basang-basa ang buo niyang katawan at dahil bukas
Dahil walang ibang damit na masuot ay walang nagawa si Georgina kundi ang lumabas ng bahay na nakasuot ng polo at boxer ni Rhett. Hanggang hita lang ang haba niyon kaya kitang-kita ang mahaba at mapuputi niyang legs. Wala rin siya suot na bra kaya nang lumabas siya ng kuwarto ni Rhett at bumaba sa salas ay pinagtitinginan siya ng mga kasambahay pero nakataas ang noong nilampasan at hindi pinansin ang mga ito. Napaikot na lang ang kanyang mata nang marinig ang bulungan ng mga ito. Naghihintay na sa kotse sa labas ng gate si Kraven, ang dati niyang kasamahan sa trabaho. Kung hitsura lang ang pag-uusapan ay dumugin din ito ng kababaihan pero iba ang karisma nito keysa sa asawa niya. Kung si Rhett ay yung tipong malamig at suplado, si Kraven naman ay happy-go-lucky. Wala itong ibang hilig kundi makipag-sex, mapababae man o lalaki. Kaya nang makita siya nitong sa kapiranggot na suot ay napasipol ito. “Damn, so hot!” nakangising tukso nito nang makapasok siya sa backseat. “Scram! Nasaan
“Team leader, paano nangyaring nawala ang mga files? Paano ang PPT(powerpoint presentation) na pinaghirapan natin?” Binalingan ni Georgina ang team leader na ka-close niya sa trabaho dahil ito ang tanging tumulong sa kanya habang nangangapa pa siya sa trabaho. Naisuklay niya ang daliri sa medyo basa pang buhok habang nakapameywang ang isang kamay. Kung titingnan si Georgina ng mga taong hindi nakakilala sa kanya ay iisipin ng mga ito na siya ang boss ng kumpanya dahil sa postura niya. Dahil sa matangkad siya, kahit ano’ng istilo ng damit ay naayon sa kanya. Hindi lang ‘yon. Lumulutang ang ganda niya sa ibang mga empleyado kaya marami ang naiinggit sa kanya, lalo na ang pamangkin ng team manager nila na kapareho niyang nasa probationary period. Umiling si Divine, ang team leader, saka walang buhay na napaupo sa upuan nito habang ang kanilang team manager ay patuloy pa rin sa matalas na pagtingin sa kanya. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Georgie. Kailangan na ang PPT ngayon dahil p
“The file is fixed, sir. Maari na po kayong pumunta sa conference room para sa meeting,” malawak ang ngiting nilingon ni Georgina si Rhett. Bahagya niyang itinagilid ang mukha upang ilayo sa mukha nitong nakayuko pa rin. Hindi niya ito sinagot tungkol sa sinabi nito bago muling ibinalik ang atensyon sa file na naayos niya. “I’ll talk to you when we get home,” banta nito na may kasamang mahinang tapik sa kanyang balikat. Nang maramdaman ni Georgina na umalis na ito ay saka lang siya nakahinga nang maluwag na tila nakawala sa isang masikip na hawla. Ni hindi niya binigyang pansin ang pagbabanta nito. Hindi siya natatakot.“Georgie, kilala mo si Mr. Castaneda?” nagtatakang tanong ni Divine at hinila at upuan sa katabing mesa bago umupo sa tabi niya. Huminto ang kamay ni Georgina na nakahawak sa mouse at alanganin ang ngiti na nilingon ang TL. “Kilala? Hindi ah!” matigas na tanggi niya. Magaling siyang magtago ng ekspresyon sa ibang tao, pero bakit pagdating kay Rhett ay nahihirapan s
Next:“May nakalimutan ka!” Napatingin si Georgina sa kamay na pumigil sa pagsara ng elevator at umangat ang isang kilay nang makita kung sino iyon, si Mariella. May bitbit iyong maliit na box at malakas na itinapon sa kanya. “Ang basura mo!” Mabilis ang naging kilos ni Georgina at kaagad na nasalo ang box at nang sinilip niya kung ano ang laman niyon ay ang mga naiwan niyang gamit. Oo, naiwan. Kasi ang file na ibinigay niya kay Divine ay mayroon palang corrupted at hindi niya na-check nang maayos kaya’t nasayang ang oras ni Rhett na pumunta sa kumpanya nila na walang nakuhang maayos na presentation. Madilim ang mukha nito kanina nang lumabas mula sa conference room at kahit siya ay napag-initan din nito. Ang siste, dahil sa pagkakamali niya ay sinibak siya sa trabaho ng kanilang team leader kaya ngayon ay jobless na siya at kailangan niyang maghanap ng ibang trabaho upang abalahin ang sarili. Ayaw niyang araw-araw na manatili sa mansyon ng asawa at makita ang kontrabida nitong ka
Walang ano-ano ay biglang hinila ni Rhett si Georgina at mabilis na pinaupo sa kandungan nito saka isinubsob ang mukha sa malapad nitong dibdib. Ang suit jacket na nakalagay sa hita nito ay ibinalot sa hubad na katawan ni George. Mabuti na lamang at ang taong nagbukas ng pinto ng kotse ay hindi agad-agad yumuko kaya hindi nito nakita ang mukha ng babaeng nakakandong kay Rhett. Ang naabutan nito ay ang nakasubsob na babae sa dibdib ng mayamang lalaki. “Ah-ah— Mr. Castaneda, pasensya na po. Hindi ko alam—”“Scram!” malamig na sigaw ni Rhett sa lalaki saka hinigpitan ang pagkakayakap kay Georgina. Hindi niya alam kung saan kumuha ng lakas ng loob ang lalaking ito na basta-basta na lang buksan ang kotse niya. Kaagad namang lumapit ang assistant at driver na nasa hindi kalayuan nang makita ang komosyon. “Sino ang lalaking ‘yon?” matigas na tanong ni Rhett. Hindi niya pansin na mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya sa asawa at dahil wala itong suot na damit ay ramdam niya ang malambot n
Ngunit ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin bumabalik si Rhett. She distracted herself by reading reports on her phone, but that gave her a headache. Hindi siya makapag-concentrate dahil ang isip niya ay kina Rhett at Celeste. Ang pangako ni Rhett na hndi siya nito iiwan at babalik ito kaagad ay naglaho na parang bula. Bumalik siya sa pagkakahiga at pinilit ang sarili na matulog kahit pa ang kanyang mata ay namamasa na sa luha. Ilang beses siyang kumurap upang tanggalin ang luha sa mga mata at hindi siya nagtagumpay kaya naman bumangon siya at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Nagpapasalamat si Georgina at hindi na siya gaanong nahihilo at marahil ay umepekto na rin ang gamot na ininom niya kaya naman medyo nawala na ang pamumula ng palad. Nagpapasalamat siya at hindi iyon nagkaroon ng blisters. Dahil hindi rin naman siya dinalaw ng antok ay nagpasya siyang lumabas ng ward at nagbaka-sakaling makikita si Rhett. Hindi niya alam kung saan ang kuwarto ni Celeste at ayaw niya
Sa huli, pinili ni Rhett na manatili sa kuwarto ni Georgina at hindi siya nito iniwan. Inutusan nito si Nathalia na ihatid si Celeste sa ward nito kaya’t silang dalawa na lamang ang natira sa kuwarto. Umupo sa tabi niya si Rhett at agad siyang tinanong na puno ng pag-aalala sa mga mata at baka may hindi siya nararamdamang maganda. “Georgie?”Umiling si Georgina. Gusto lang niyang subukin ang magiging reaksyon ni Celeste kung pipigilan niya si Rhett at hindi nga siya nagkamali dahil naapektuhan ito nang malaman na mas gugustuhin ni Rhett na manatili sa kanyang tabi. May hinala siyang nagpapanggap lang ang babae kung ano ang tunay nitong nararamdaman para kunin ang atensyon ni Rhett. Pero wala na siyang pakialam kung nagpapanggap lang si Celeste kapag pareho nilang kaharap si Rhett. Ang mas nanaig sa isipin niya ngayon ay kung may kinalaman nga si Celeste sa pag-trigger niya ng allergy. Kahit ang pagka-aksidente nito ay co-incidental din. Mukhang gusto siyang manipulahin ng babae upan
Nang magising si Georgina ay nasa loob na siya ng isang pribadong kuwarto sa ospital at may nakakabit na IV drip sa likod ng palad. Medyo madilim ang paligid at ang tanging liwanag sa loob ng kuwarto ay mula sa ilaw na nasa sulok na medyo malamlam. Nakasara rin ang makapal na kurtina kaya hindi niya batid kung gabi o umaga na. Hindi na siya nahihirapang huminga at maayos na ang pakiramdam bukod sa pangangati ng palad na hanggang ngayon ay namumula at namamaga pa rin. Hindi alam ni Georgina kung saan nagsimula ang allergy niya dahil wala naman siyang nahawakan. Nagkakaroon siya ng severe allergy reaction kapag nakakahawak siya sa mga silver na bagay. Ramdam niya ang pagkatuyo ng lalamunan kaya naman nagbalak siyang tumayo pero nanlalambot ang katawan niya at bigla siyang nahilo dahil sa biglang pagbangon. Ito ang unang beses na dinala siya sa ospital dahil sa allergy at hindi niya nagugustuhan dahil pakiramdam niya ay wala siyang silbi. Wala siyang ibang kasama sa kuwarto. She smiled
Napakaganda ng babaeng kaharap ni Georgina. Maputi rin ito marahil ay namalagi sa America ng matagal na panahon. Pero mas matangkad siya rito at hindi rin pakakabog ang kanyang ganda. Ang pagkakaibahan lang nila, ang kanyang ganda ay tibong agresibo, matapang at hindi kailangan ng proteksyon samantalang ang babaeng kaharap niya ay parang porselana na kailangan ingatan dahil babasagin. “Excuse me, sino po ang hanap ninyo?” muling tanong ng babae nang hindi siya nakasagot sa una nitong tanong. Hindi siya sumagot dahil wala siyang plano na sagutin ito pero dahil sa klase ng tanong nito, na tila wala siyang koneksyon sa nagmamay-ari ng bahay ay bahagya siyang nainsulto. Pero ayaw niyang makipagkompetensya sa babaeng nagugustuhan ng kanyang asawa. “Wala akong hinahanap. Dito ako nakatira,” simpleng sagot niya. Her nonchalant expression gave Celeste the expression that she is bullying her. Napakurap si Celeste na tila hindi makapaniwala. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa at s
Kasunod ng guwapong lalaki ay ang mga unipormadong kalalakihan na mukhang bodyguards nito. Nang makita ni Georgina ang mga ito ay lalo niyang napatunayan na hindi basta-basta ang matandang kaharap niya. Kahit ang babaeng nakasagutan nila ay hindi makaimik sa mga bagong dating. Dali-dali itong sumakay ng sasakyan pero bago makaalis ay pinigilan ito ng guwapong lalaki at inabutan ng tseke. Marahil nang makita kung gaano kalaking halaga ang nakasulat sa tseke ay napalitan ng tuwa at pagsisisi sa mukha ng babae. Bumaba ito ng kotse, humingi ng tawad sa matanda at kay Georgina saka nagpasalamat sa binata na bagong dating saka lang umalis. “Lolo,” tawag ng lalaki sa matanda. Umangat ang kilay ni Georgina nang marinig ang tawag ng lalaki. So, apo pala ng matanda ang guwapong lalaki.hindi na niya pinansin ang mga ito at palihim na umalis pero hindi pa siya nakakalayo ay tinawag siya ng lalaki.“Miss, sandali.” Tumakbo ito papalapit sa kanya. “Salamat sa pagligtas kay lolo.” Nang ngumiti ito
“Heh, ako na lang ang naaawa para sa biktima mo, G,” biro ni Kraven na nakatayo sa gilid ni Georgina habang nakamasid sa mga bangkay na halos putol-putol ang katawan dahil sa gawa ni Georgina. Duguan ang damit niya pati na ang mukha. Ang espadang ginamit sa pagpaslang ng kalaban ay nakatutok pa rin sa pinakahuling lalaki na pinugutan niya ng ulo. Habol niya ang hininga habang nakatingin kay Kraven pero hindi niya ito sinagot. “Nailigtas na natin ang biktima, puwede na akong umalis, hindi ba?” Lumapit sa kanya si Rick at tumayo sa kabila niyang tabi. “There will be someone who will clean this place. Puwede ka ng umuwi, G,” Rick agreed. Bago makaalis si Georgina ay may idinagdag ito. “If the burden gets heavy, don’t hesitate to come to Isla Thalassina. Alam mong bahagi ka ng islang iyon, G.”Ngumiti si Georgina at nagpaalam na sa lahat. Nasa labas na at naghihintay sa kanya sina Vaia at Tony. mukhang nabalitaan na ng mga ito ang nangyari sa kanya at kay Rhett. “Where to, boss?”“My
Next:Hindi alam ni Georgina kung saan siya napadpad basta ang alam niya ay wala siyang tigil sa paglakad-takbo at kahit nananakit na ang paa niya hindi siya tumigil. Walang gaanong tao sa kinaroroonan niya at ang agwat ng mga bahay ay malalayo. Sa kabilang dako ng kalsada ay masukal na kagubatan. “Heh! Surpresa pala, huh?” mapait na bulong niya. Pasalampak siyang umupo sa tabi ng kalsada, tinanggal ang sapatos na suot at inilagay sa tagiliran saka tahimik na lumuha. Nasasaktan siya sa nakita. Nagseselos siya, aaminin niya pero hindi niya iyon pwedeng ipakita kay Nathalia o Rhett. Hindi niya puwedeng ipakita ang totoo niyang nararamdaman dahil kahinaan iyon. Sa walang taong kalsada ay dito siya magmumukmok at tahimik na iiyak. Kahit ang poste ng ilaw sa kalsada ay nakikisabay sa pagdamdam niya. Sabayan pa na unti-unting pumatak ang ulan. Muli siyang napatawa. May nagawa ba siyang kasalanan sa dati niyang buhay para parusahan siya ng ganito? Kahit lumalakas ang buhos ng ulan ay hind
Lumabas ng kuwarto si Rhett at tinanong ang nagdaang kasambahay kung saang kuwarto natulog si Georgina. Nang sinabi nitong sa fifth floor sa attic ay nagkasalubong ang kilay niya. “Ganoon kalayo?”Ang kuwarto niya sa fourth floor at ang kuwarto sa attic ay aabutin ng halos sampung minuto bago marating. Hindi niya alam na talagang dinamdam ng asawa ang sinabi niya. Agad siyang pumunta roon at nagpapasalamat siya dahil hindi iyon nakasara. Mahimbing na ang tulog ni Georgina nang makapasok siya kaya marahan ang hakbang niyang lumapit dito. Bumilis ang pintig ng kanyang puso nang makita ang maamo nitong mukha habang natutulog pero dahil bahagyang nakaawang ang labi nito ay tila naeengganyo siyang halikan iyon at ginawa nga niya. Bago pa man lumapit ang labi ni Rhett ay nagmulat na ito ng mata. Inunahan na niya ito bago pa siya magsalita pero hinayaan niyang magkalapit ang kanilang mukha. “Aalis ako ng ilang araw dahil may pupuntahan akong bussiness meeting sa Thailand. Kapag nakabalik
Nang makabalik sila resthouse na inuukupa ng grupo sa rancho ay nakatanggap ng international call si Jerome. Matapos nitong sagutin ang cellphone ay bumakas ang tuwa sa mukha nito bago ibinigay ang cellphone kay Rhett.“Georgie, mauna ka na sa kuwarto at may kakausapin lang ako.”Tumango si Georgina pero nang lingunin niya ang asawa ay nakita niya kung paano bumakas ang tuwa sa mukha nito. Hindi niya alam kung sino ang tumawag kay Rhett pero may hinala siya. Hindi nga siya nagkakamali dahil nang bumalik siya sa kuwarto na tinutuluyan niya kasunod si Nathalia ay sinabi nito kung sino ang kausap ni Rhett. “Kausap ni Tiyo ang kapatid ni Jerome. Balita ko ay uuwi na siya ng Pilipinas. Hmp! Alam naman na may asawa na ‘yung tao ay ipagsisiksikan pa ang sarili.”Mapaklang napatawa si Georgina. “Alright, then. Wala akong pakialam kung gaano pa sila katagal mag-usap. I am tired. Puwede ka nang bumalik sa kuwarto mo, Nat. Pagkatapos kong maligo ay matutulog na ako.”“Pero, Georgie–” Itinaas ni