“Team leader, paano nangyaring nawala ang mga files? Paano ang PPT(powerpoint presentation) na pinaghirapan natin?” Binalingan ni Georgina ang team leader na ka-close niya sa trabaho dahil ito ang tanging tumulong sa kanya habang nangangapa pa siya sa trabaho. Naisuklay niya ang daliri sa medyo basa pang buhok habang nakapameywang ang isang kamay. Kung titingnan si Georgina ng mga taong hindi nakakilala sa kanya ay iisipin ng mga ito na siya ang boss ng kumpanya dahil sa postura niya. Dahil sa matangkad siya, kahit ano’ng istilo ng damit ay naayon sa kanya. Hindi lang ‘yon. Lumulutang ang ganda niya sa ibang mga empleyado kaya marami ang naiinggit sa kanya, lalo na ang pamangkin ng team manager nila na kapareho niyang nasa probationary period. Umiling si Divine, ang team leader, saka walang buhay na napaupo sa upuan nito habang ang kanilang team manager ay patuloy pa rin sa matalas na pagtingin sa kanya. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Georgie. Kailangan na ang PPT ngayon dahil p
“The file is fixed, sir. Maari na po kayong pumunta sa conference room para sa meeting,” malawak ang ngiting nilingon ni Georgina si Rhett. Bahagya niyang itinagilid ang mukha upang ilayo sa mukha nitong nakayuko pa rin. Hindi niya ito sinagot tungkol sa sinabi nito bago muling ibinalik ang atensyon sa file na naayos niya. “I’ll talk to you when we get home,” banta nito na may kasamang mahinang tapik sa kanyang balikat. Nang maramdaman ni Georgina na umalis na ito ay saka lang siya nakahinga nang maluwag na tila nakawala sa isang masikip na hawla. Ni hindi niya binigyang pansin ang pagbabanta nito. Hindi siya natatakot.“Georgie, kilala mo si Mr. Castaneda?” nagtatakang tanong ni Divine at hinila at upuan sa katabing mesa bago umupo sa tabi niya. Huminto ang kamay ni Georgina na nakahawak sa mouse at alanganin ang ngiti na nilingon ang TL. “Kilala? Hindi ah!” matigas na tanggi niya. Magaling siyang magtago ng ekspresyon sa ibang tao, pero bakit pagdating kay Rhett ay nahihirapan s
Next:“May nakalimutan ka!” Napatingin si Georgina sa kamay na pumigil sa pagsara ng elevator at umangat ang isang kilay nang makita kung sino iyon, si Mariella. May bitbit iyong maliit na box at malakas na itinapon sa kanya. “Ang basura mo!” Mabilis ang naging kilos ni Georgina at kaagad na nasalo ang box at nang sinilip niya kung ano ang laman niyon ay ang mga naiwan niyang gamit. Oo, naiwan. Kasi ang file na ibinigay niya kay Divine ay mayroon palang corrupted at hindi niya na-check nang maayos kaya’t nasayang ang oras ni Rhett na pumunta sa kumpanya nila na walang nakuhang maayos na presentation. Madilim ang mukha nito kanina nang lumabas mula sa conference room at kahit siya ay napag-initan din nito. Ang siste, dahil sa pagkakamali niya ay sinibak siya sa trabaho ng kanilang team leader kaya ngayon ay jobless na siya at kailangan niyang maghanap ng ibang trabaho upang abalahin ang sarili. Ayaw niyang araw-araw na manatili sa mansyon ng asawa at makita ang kontrabida nitong ka
Walang ano-ano ay biglang hinila ni Rhett si Georgina at mabilis na pinaupo sa kandungan nito saka isinubsob ang mukha sa malapad nitong dibdib. Ang suit jacket na nakalagay sa hita nito ay ibinalot sa hubad na katawan ni George. Mabuti na lamang at ang taong nagbukas ng pinto ng kotse ay hindi agad-agad yumuko kaya hindi nito nakita ang mukha ng babaeng nakakandong kay Rhett. Ang naabutan nito ay ang nakasubsob na babae sa dibdib ng mayamang lalaki. “Ah-ah— Mr. Castaneda, pasensya na po. Hindi ko alam—”“Scram!” malamig na sigaw ni Rhett sa lalaki saka hinigpitan ang pagkakayakap kay Georgina. Hindi niya alam kung saan kumuha ng lakas ng loob ang lalaking ito na basta-basta na lang buksan ang kotse niya. Kaagad namang lumapit ang assistant at driver na nasa hindi kalayuan nang makita ang komosyon. “Sino ang lalaking ‘yon?” matigas na tanong ni Rhett. Hindi niya pansin na mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya sa asawa at dahil wala itong suot na damit ay ramdam niya ang malambot n
Napatda si Georgina sa nakita at hindi agad makakilos dahil biglang naging blangko ang isip niya pagkakita sa istriktang mukha ng lola ni Rhett. Dagdagan pa na nagsumbong na si Rizza rito at siniraan ang pagkatao niya. “Ikaw ang asawa ng apo ko?” mataray ang namamaos na boses nito nang nagtanong. Mataray pa rin ang pagkakatingin nito sa kanya na parang hinuhubaran ang kanyang kaluluwa. Pero sandali lang ang pagkatulala ni Georgina dahil agad siyang nakabawi. “Ako nga po. May problema po ba?”Malakas itong napaismid. “Isang katulad mo ang kinuhang asawa ng apo ko? Isang araw ka pa lang na nananatili rito at malakas na agad ang loob mong i-bully ang apo? Sa tingin mo ba magiging reyna ka sa pamamahay na ito?” pasaring nito.Hindi na nagtaka si Georgina kung saan nakuha ni Rizza ang ugali nito. Like grandmother, like granddaughter. Hindi alam ni Georgina kung ano ang itatawag sa matanda pero ginawa niya ang lahat para maging magalang ang boses. “Alam niyo naman po siguro ang kasabiha
Gustong katusan ni Georgina ang sarili. Kailangan pa ba niyang alamin kung paano nito nalaman? Sa taong katulad ni Rhett ay imposibleng hindi nito malaman kung ano ang pinanggawa niya. Kailangan niya ng ibayong pag-iingat upang hindi nito malaman ang tunay niyang katauhan. “A-anong sinabi mo? Lalaki? Ano’ng lalaki?” pagmamaang-maangan niya. Iniwas niya ang tingin sa mapanuri nitong mata. Mahinang napatawa si Rhett at lalo pang hinigpitan ang pagkakadiin sa balikat niya baka yumuko at bumulong sa kanyang tainga. “Hmm… lalaki.” Inangat nito ang mukha at nagtapat ang mukha nila hanggang sa halos gahibla na lang ang pagitan nila sa isa’t isa. Bumilis ang tahip ng puso ni Georgina at sinubukan niyang pumalag upang makawala rito pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Rhett. “Kung may boyfriend ka, make sure na hindi kayo makikita ng ibang tao at baka makarating kay lola. Siguradong mawawala ang tiwala n’un sa ‘yo.”“Boyfriend?” hindi makapaniwalang tanong niya. Bakit iniis
“Bakit, boss?” tanong ni Tony, ang alyas ng tauhan ni Georgina. Ito ang namamahala sa negosyo niya habang nasa poder siya ni Rhett.Itinabon ni Georgina ang pabilog numero na kasinglaki ng mukha niya kaya imposibleng makita siya nito. Nasa VIP section din sina Georgina kasama ang tatlong tauhan saka si Benedetta pero may salamin na nakaharang sa bawat section ng VIP costumers. “May nakita akong kakilala. It would do me bad if that scumbag see me,” sagot niya kay Tony saka tumayo. “Let’s switch seats.” Nasa pinakasulok ang upuan ni Tony at dahil apat na tao ang nasa gilid niya ay hindi siya gaanong makikita. Nagpapasalamat siya at may subrerong suot si Benedetta at hiniram niya iyon sa babae.Nang magsimula ang auction ay hindi agad nag-bid si Georgina. Iisa lang ang pakay nila kaya’t naghintay sila na umabot hanggang sa dulo ang auction saka lang lumabas ang painting ng kanyang ina. “Magkano ang perang dala mo, Tony?” tanong ni Georgina habang nakikinig sa auctioneer na pinapaliwana
“Boss?” ulit pa ni Rhett saka tiningnan ang papalapit na si Tony. Nakayuko si Tony habang abala sa cellphone kaya hindi niya akalain na kausap ni Georgina si Rhett. “Boss, wala ka man lang bang gagawin? Sa tuwing naiisip ko pa lang a ibang tao ang nakakuha ng painting na importanteng-importante sa atin ay umiinit na ang ulo ko. Boss, bakit ‘di ka sumasagot? Sabihin mo lang kung ano ang—”Biglang natigil ang pagsasalita ni Tony nang nag-angat ang ttingin nila ni Georgina at pinandilatan ito. Nang makita na si Rhett ang nasa likuran niya ay muli itong yumuko at nagkunwari na may kausap sa telepono. Dahil nakasuot ito ng bluetooth earpiece ay tila biglang naalis ang hinala ni Rhett na si Georgina ang kausap ni Tony. “Ah!” biglang humina ang boses nito nang mapadaan sa tabi nila. “Damn, boss. Nasa harapan ko bigla si Rhett at sigurado akong narinig niya ang sinabi ko.”“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ano ang ginagawa mo dito, Georgi?” Ang tanong ni Rhett ang nagpabalik sa diwa n
Malakas na tumawa si Georgina dahil sa sinabi ni Pia. Ang kapal nga rin naman ng mukha nitong mang-angkin. Pero hindi na siya nakapagsalita pa dahil may baritonong boses ang nagsalita mula sa pintuan at kahit hindi na niya ito lingunin pa ay kilalang-kilala na niya kung sino. “Georgie, hindi mo sinabing may bisita pala tayo?” Natigil ang tawa ni Georgina pero nanatili ang ngiti sa labi na nilapitan ang asawa. “Rhett, you already know them, right? They are my ‘family’. But my sister here claims na siya raw ang dapat na maging asawa mo at hindi ako. Paano ‘yan, aalis na ako rito?” Kinindatan niya ang asawa nang makita ang pagdilim ng mukha nito dahil sa sinabi niya. Rhett was wearing his office suit, and he looked promising, but with a cold aura surrounding him, the three on the sofa seemed a little scared. “Sino’ng maysabing aalis ka? Ikaw ang asawa ko at wala nang iba. Kung may aalis man dito ay walang iba kundi sila.” Tukoy nito sa tatlo na nanatili pa rin
Hindi agad bumaba si Georgina dahil lang naghihintay sa kanya ang pamilya niya. Scratch that, hindi na pala niya pamilya dahil hindi naman niya tunay na ama si Mr. Lucindo na siyang tanging nag-uugnay sa kanya sa pamilyang nakalakihan. “Miss Georgie, inutusan ko na ho ang mga kasambahay na maghintay sa inyo sa baba. Kapag handa na po kayo ay—”Itinaas ni Georgina ang palad para patigilan sa pagsasalita ang mayordoma. “Huwag na, Manang. Hayaan mo silang maghintay hanggang sa gusto nila.” Tumango ang ginang at saka umalis. Bumaba ito gamit ang elevator dahil kapag naghagdan ito ay aabutin na ito ng rayuma nito. Samantalang si Georgina ay tinungo ang hagdanan at dahan-dahan ang lakad na bumaba habang pinapakinggan ang usapan sa salas. Rinig na rinig niya ang malakas na usapan ng mag-ina kahit pa nasa railings siya sa fourth floor. Hindi siya nagbihis at ang tanging suot ay ang malaking damit ni Rhett at ang maikling shorts. Nakalugay rin ang buhok niya na sinuklay niya lang ng kamay. K
“Tell me, Rhett. Sinadya mo ba talagang pumunta sa mall kung nasaan ako? Did you locate me with a tracker again?”Ngumisi si Rhett dahil sa sinabi ni Georgina pero hindi tinanggi ang akusasyon nito. “I’ll try not to do that in the future.”Umikot ang mata ni Georgina at inirapan ang asawa. “I was just strolling out. At wala namang mangyayari sa akin, eh. I can defend myself just fine.”“Really? Kung ganun bakit hindi mo sinabi sa lalaking iyon na hindi mo kasalanan at hindi ikaw ang gumamit ng pangalan ng kapatid niya?”Sa narinig ay muling napairap si Georgina. Fredrick Farrington is really getting on her nerves. Lagi na lang silang nagtatalo kapag nagkaharap sila nito. Ginagap ni Rhett ang kanyang palad at marahan iyong pinisil. “Gusto ko lang masiguro ang kaligtasan mo. Hindi sa binabawalan kitang lumabas pero sana ay alam ko rin kung saan ka pupunta.” “Ang sabihin mo, masiyado mo lang akong kinokontrol. Hmp!”Paano pala kung pumunta si Georgina sa kanyang opisina? Eh di, malalama
Taas ang noo na naglakad palapit sa kanya si Rhett. Wala itong ibang kasama kundi ang bagong assistant nito at mukhang kagagaling lang sa meeting ang mga ito. Rhett’s aura is so powerful and intimidating that Jerome’s classmates were stunned and speechless. Seryoso ang madilim nitong mukha habang nakatuon ang tingin kay Fredrick. Georgina could smell the gunpowder wafting in the air, but Rhett didn’t have a plan to ceasefire. Kaya naman sinalubong ng tingin ni Georgina ang asawa at nang nilingon siya nito ay nagkasalubong ang tingin nila. Nababasa niya sa mga mata nito ang pagod pero nang nagkatitigan sila ay ngumiti ito at kaagad na nawala ang pagkasimangot ng mukha. “Bakit ka nandito?” hindi mapigilang tanong ni Georgina dito. Bagama’t nakangiti ay may halong pagtataka sa boses niya. Lumapit sa kanya si Rhett at tumayo sa tabi niya saka siya kinindatan na parang silang dalawa lang ang naroon at ang ibang nakapalibot ay mga display lamang. “Nandito ako para sunduin ka,” kaswal na
May awa na tiningnan ni Georgina si Jerome. Hindi niya akalaing pati ito ay ginawang scapegoat ni Celeste. Hindi niya alam kung paano pero sinabi sa kanya ni Rhett na ang IP address ng taong nag-upload ng video niya ay mula sa mansyon ng mga Farrington. Pero alam niyang hindi iyon magagawa ni Jerome dahil hindi ito hihingi ng tulong sa kanya para burahin ang video kung ito ang maygawa. Pagkatapos niyang mag-almusal ay umakyat siya sa taas at nagbihis. Pagkababa niya ay naabutan niya si Jerome na naglalaro sa cellphone nito. “Oh, bakit hindi ka pa nakaalis?” tanong niya upang kunin ang atensyon nito na halos hindi maagaw dahil masiyadong itong tutok na tutok at hindi alam ang pagbaba niya. Kinuha ni Georgina at itim na ankle boots sa shoe cabinet at isinuot iyon saka muling nilingon si Jerome. Nakatingin na sa kanya ang binatilyo. “Ang sabi mo ay kaswal lang ang pagiging mag-asawa niyo ni Kuya Rhett. Sabihin mo nga sa akin, Georgina. Nagkakagusto ka na ba sa kanya?”Inihilig ni Geor
“You’re awake?”Biglang nagmulat ng mata si Georgina nang marinig ang baritonong boses ng asawa na nagsalita sa ibabaw niya. Nagsalubong ang mata nila at naningkit iyon dahil sa sobrang lapit ng mukha nilang dalawa. “What are you doing?” namamalat ang boses niya dahil bagong gising. Hindi lang siya pagod kundi puyat pa dahil matapos niyang ma-finalize ang bagong desinyo ng building na ginawa niya kagabi ay pinadalhan siya ni Rick ng mensahe tungkol sa kanyang ina. May nakuha itong lead kung bakit may taong interesadong patumbahin ang kanyang ina. Iyon ay dahil sa isang nakalaban nitong pulitiko at ang painting na ginagawa nito noon ay tungkol sa kasakiman at pangungurakot ng pulitiko na iyon. Hanggang sa ngayon ay hinahanap pa rin nila ang painting na iyon para malaman kung sino ang taong nakabangga ng kanyang ina. Ang isa pang sinabi ni Rick ay walang kinalaman si Rhett sa pagkamatay ng kanyang ina. Nagkataon lang na nandoon ito sa hotel lobby noong araw na namatay ito. Isa pa, ha
Hindi alam ni Georgina ung ano-ano ang uri ng inumin ang ibinuhos sa kanya pero napapasalamat siya at ni isa ay walang mainit na inumin ang bumuhos sa kanya. Hindi niya alam kung gaano kahaba ang pagtitimpi na ginawa niya para lang hindi balagbakin ang mga kabataang nakaharap sa kanya. “What the hell are you all doing?” Ang mataginting at galit na boses ang biglang gumulat sa mga kabataan na tila sinindihan ang puwet sa takot. Isa-isang nagsipulasan ang mga ito upang bigyan ng daan si Rhett na madilim ang mukhang nakatayo sa entrance ng shop at diretso ang matang nakatingin sa kanya. Naniningkit ang mata nito habang inilibot ang tingin sa mga college at high school students na karamihan sa mga naroon ay nakauniporme pa ng sikat na paaralan. Ang buong akala niya ay ayaw pumasok ng asawa niya kaya naman hinayaan niya itog magmukmok sa labas pero dahil sa narinig na kumosyon ay hindi niya mapigilang bumalik at hindi nga siya nagkamali ng hinala na nasa kaguluhan ito pero kung ano ang
Habang abala sa pagtipa ang daliri ni Georgina at hinahanap ang IP address ng nag-upload ng video tungkol sa kanya ay ilang beses na siyang pinadalhan ni Rhett ng mensahe. Kinukumusta siya nito kung ayos lang ba ang pakiramdam niya at kung may masakit ba sa kanya. Sinabihan rin siya nito na kapag gising na siya ay magpadala siya rito ng mensahe pero lahat ng iyon ay hindi binasa ni Georgina dahil abala siya sa pagha-hack sa account ng taong nag-upload ng video. Alam niyang hindi iyon galing sa vlogger mismo dahil binalaan na iyon ni Fredrick na ‘wag magsalita, iyon ang sinabi sa kanya ni Jerome noong tinanong niya kanina. Kung sino man ang gustong manira sa kanya ay sisiguraduhin niyang hindi magtatagumpay. Ang problema, nasa kalagitnaan na siya ng pagha-hack sa account ng original poster nang bigla siyang tinawagan ng asawa. Sinulyapan lang iyon ni Georgina pero hindi niya sinagot at nagpatuloy sa mabibilis na pagtipa na para bang may hinahabol na script at kailangan nang isumite. N
Matapos ang mainit na pagsasalo nina Georgina at Rhett ay magkayakap silang humiga sa higaan. Nakatalikod si Georgina kay Rhett habang yakap siya nito mula sa likura. “Georgie?” Rhett nuzzled his face on her neck and softly breathed into her skin. “Hmm?” she asked. Her eyes were closed because of tiredness, but she was still alert to answer her husband.“I like you.” Rhett kissed her neck and tightened his hug. “I am still waiting for your answer…”Naimulat ni Georgina ang mata kahit pa nanakit iyon sa antok. “What about Celeste? Wala ba talagang kung anong meron sa inyo? Ang tingin ko kasi sa kanya ay gusto ka niya. Sheynon also said that you two grew up together and that you always chose to be with Celeste.” Kung gustuhin ni Georgina na maging seryoso sa relasyon nila ni Rhett ay kailangan muna niyang siguraduhin na walang ibang babaeng nakakapit sa pangalan ni Rhett. Kahit pa sinabi nito noong nakaraan na magkababata lang sila nito at close lang silang dalawa dahil niligtas ito