“Boss?” ulit pa ni Rhett saka tiningnan ang papalapit na si Tony. Nakayuko si Tony habang abala sa cellphone kaya hindi niya akalain na kausap ni Georgina si Rhett. “Boss, wala ka man lang bang gagawin? Sa tuwing naiisip ko pa lang a ibang tao ang nakakuha ng painting na importanteng-importante sa atin ay umiinit na ang ulo ko. Boss, bakit ‘di ka sumasagot? Sabihin mo lang kung ano ang—”Biglang natigil ang pagsasalita ni Tony nang nag-angat ang ttingin nila ni Georgina at pinandilatan ito. Nang makita na si Rhett ang nasa likuran niya ay muli itong yumuko at nagkunwari na may kausap sa telepono. Dahil nakasuot ito ng bluetooth earpiece ay tila biglang naalis ang hinala ni Rhett na si Georgina ang kausap ni Tony. “Ah!” biglang humina ang boses nito nang mapadaan sa tabi nila. “Damn, boss. Nasa harapan ko bigla si Rhett at sigurado akong narinig niya ang sinabi ko.”“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ano ang ginagawa mo dito, Georgi?” Ang tanong ni Rhett ang nagpabalik sa diwa n
Matapos ayusan at makapagbihis ng pang-abay na damit ay saka lang na-realize ni Georgina kung ano ang trabahong pinagawa sa kanya ng kanyang asawa. Iyon ay maging abay ng pamangkin sa kasal nito. Ang buong akala niya, kaya sila pumunta sa hotel ay para maging isa siyang kahit tagalinis o front desk worker doon, pero nagkakamali siya. “Bakit hindi maipinta ang mukha mo, tiya?” Peke ang ngiting nilingon ni Georgina si Nathalia, ang pinsan ni Rhett na ikakasal, saka nagsalita. “Wala. Sandali lang at pupunta muna ako sa banyo,” paalam niya.Mahinang tumango si Nathalia bilang pagsang-ayon dahil inaayusan pa ito ng make-up artist. Nang makalabas si Georgina sa kuwarto kung saan sila inaayusan ay marahas siyang napabuga ng hangin. Nakatanggap siya ng text mula kay Rick ngayon-ngayon lang na tumawag daw rito ang asawa niya at pinapaimbestigahan siya. Hindi niya alam na magkakilala pala ang dalawa. At ganoon din ang gulat ni Rick nang malaman nitong siya pala ang asawa na tinutukoy ni Rhett
Hindi na nagsinungaling pa si Georgina at umamin sa nang-uusig na tingin ni Rhett. “Yes, is there a problem with it?” Nakaangat ang isang kilay na tanong niya. Naglakad siya at balak na umalis sa lugar na iyon pero agad na sumunod sa kanya si Rhett. “Alam mo ba na sinira mo ang kasal ng pamangkin ko at ipinahiya siya sa ibang tao?” Mababa ang boses na tanong nito at tumalim ang mata.Biglang huminto sa paglalakad si Georgina at hinarap dito. Marahil ay hindi inaasahan ni Rhett ang gagawin niyang paghinto kaya muntikan itong mapabangga sa kanya. Mabuti na lang at agad nitong nabalanse ang katawan. “Yes, alam ko. And to tell you the truth, this is not my goddamn business to interfere, pero bilang isang tiyuhin, maatim mo ba na maikasal sa isang manloloko ang pamangkin mo?” Naiiritang tanong niya. Rhett shrugged his shoulders. “Well, you did the right thing.” Umaliwalas ang mukha nito na para bang hindi siya nito tiningnan nang masama.“Yun naman pala, eh. So, anong problema?” Iritabl
Nanatili ang tingin ni Georgina kay Rhett habang ang kamay ay nakahawak sa baso ng alak na ibinigay ng estrangherong lalaki. Ngunit niya iyon nagawang inumin dahil biglang tumunog ang cellphone niya. Si Nathalia ang tumatawag. Nang makita nito ang tiyuhin ay agad itong umalis sa mesa nila at umakyat sa taas para puntahan si Rhett.“Tita, hindi nila ako papasukin!”Kumunot ang noo ni Georgina sa narinig. “Hindi papasukin? Bakit ano’ng nangyari?” “I need your help here, tita!”Napatampal sa noo si Georgina at ibinalik sa lalaki ang baso. “I’m sorry, I can’t drink this.” Tumayo siya bago pa ito makasagot at sinundan si Nathali sa second floor. Ang alam niya ay may mga bouncer sa hallway ng second floor at nagbabantay pero niya mawari kung bakit ayaw ng mga tong papasukin si Nathalia. Mabilis siyang nakarating sa itaas pero bago siya makaapak sa sahig ng second flor ay sinalubong siya ni Tony. “Boss, ikaw nga,” gulat na sabi nito. “Bakit hindi mo sinabing pupunta ka rito? Kung hindi pa
“Babae, sigurado kang lalabanan mo kami sa billiard?”“Sa liit mong ‘yan kaya mo kayang itulak ng cue ang mga bola?”Dahil sa magkasunod na komento ng dalawang lalaki ay nagtawan ang ibang kasamahan nito. Inirapan ni Georgina ang mga ito saka kinuha kay Nathalia ang cue stick at walang buhay na nagtanong. “Bakit mo naman kasi naisipang makipaglaro sa kanila kung hindi ka naman pala marunong?”Napakamot sa ulo si Nathalia saka kiyemeng tumingin sa isa sa mga lalaking naroon. Nang sundan ito ni Georgina ng tingin ay umangat ang isang kilay niya. Kaya pala. May nakursunadahan pala itong lalaki na sa tantiya niya ay kasing-edad lang nito pero talaga naman makapagpigil hininga ang kaguwapuhan. Georgina rolled her eyes when that man winked at him.Malawak ang premium VIP room at hindi lang billiard table ang naroon dahil meron ding majong table. Sa kasalukuyan ay doon malapit nakaupo si Rhett at kasama ang kaibigan nito. Nasulyapaan din ni Georgina ang lalaking kumausap sa kanya kanina sa
Limang segundo ang lumipas at walang sali-salitang tumayo si Georgina mula sa hita ni Rhett at tumakbo palabas ng private room habang pinagtitinginan ng mga naroroon. Mabilis siyang sinundan ni Nathalia.“Georgi, sandali. Saan ka pupunta?”“Let’s go home,” sagot niya na hindi ito nililingon. Dire-diretso siyang bumaba at kahit ang mga waiter at bouncers na binati siya ay hindi niya pinansin. The amount of courage she brought was depleted faster than girls changing clothes. Naabutan lamang siya ni Nathalia nang makalabas na siya ng G’s. Tumayo siya sa bouncer na nagbabantay sa labas habang ito ay tila alertong nakabantay sa kanya nang makita ang balisa niyang mukha.”May problema po ba, boss?” tanong nito.Umiling si Georgina. “Ipagtawag mo ako ng taxi,” mababa ang boses na utos niya. Hindi pa rin siya maka-get over sa halik na iginawad sa kanya ni Rhett. His lips taste so good and Georgina wanted to respond badly if not for the people inside the room staring at them. Ipinilig niya a
Natigilan si Georgina at hindi agad makasagot dahil sa sinabi ng kanyang ama. Humigpit ang hawak niya sa painting na dala at tinapunan ng tingin ang nakangising si Pia. “Walang katotohanan ‘yan, pa,” kaila niya. Maingat siyang humakbang papasok sa loob dahil sa nagkalat na bubog mula sa mga vase at kung ano pang babasagin na binasag ng kanyang ama. Madilim na madilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Ano’ng hindi totoo, Georgina? Huwag ka nang magkaila dahil alam na ni papa ang katotohanan tungkol sa kalandian mo.”Umikot ang mata ni Georgina dahil sa narinig. Hindi na niya kailangan alamin kung paano nalaman ng kanyang ama dahil nasa harapan na niya ang kontrabidang nagsumbong na naman kung ano ang ginawa niya. “Hindi totoo? Ano ito kung ganu’n?” Halos mabasag ang mesa nang malakas nitong inilapag ang picture na hawak sa mesa. “Pinag-aral kita sa magandang paaralan para maghanap ng disenteng trabaho at hindi maging hostess sa bar.”Nang bumaba ang tingin ni Georgina doon
Nakagat ni Georgina ang labi sa pagkadismaya. Sa tuwing kakausapin niya ang ama tungkol sa kanyang ina ay ganito ang lagi nitong sinasabi o kaya ai iniiba nito ang usapan. Malakas ang kutob niya na may sikretong tinatago ang ama sa kanya!Kahit bata pa nang huli niyang makita ang ina ay hindi niya inisip na isa itong kabet dahil napakabait nito at wala sa awra nito na kaya nitong mang-agaw ng lalaking may pamilya na. “Sige, pa,” paalam niya, puno ng lungkot ang boses dahil sa muli ay bigo na naman siyang makakuha ng impormasyon tungkol sa kanyang ina. Iniwan niya ang painting na binigay ni Rhett sa kanyang ama at hinayaan iyon sa pangangalaga nito. Pagkatapos nu’n ay dire-diretso siyang lumabas ng bahay. Hindi siya nag-aalala na baka may gawing masama ang mag-ina sa painting ng kanyang ina dahil ramdam niya na may pagtingin pa ang kanyang ama sa kanyang ina. Habang naghihintay ng bus sa bus stop na malapit sa bahay nila ay isang itim na maybach ang huminto sa tapat niya. Napangang
“Georgie! Hindi ko akalaing mami-meet ka namin dito! Isn’t it a coincidence?” Mapaklang ngumiti si Georgina sa tanong ni Celeste. “Hmm… siguro,” balewalang sagot niya. “Bakit nga pala kayo magkasama ni Duncan?”Imbes na si Georgina ang sumagot ay si Duncan ang nagsalita. “Your brother promoted her to be the manager of the sales department. I am just showing her the distribution store and looking at what's on the market.”Ang totoo ay kinabahan si Georgina sa maaring isagot ng damuhong si Duncan pero nagpapasalamat siya ng sa huli ay naging sensible din pala ito. Buong sandali ay hindi niya tiningnan si Rhett. Magmula nang makita niya ang malungkot pero galit nitong reaksyon kagabi ay hindi na siya pinatulog ng kanyang konsensya. “That’s a sign for a celebration!” Celeste chimed. “Tamang-tama dahil papunta na rin kami ngayon sa restaurant para kumain. Bakit hindi niyo kami samahan?” Tumingin pa ito kay Rhett bilang paghingi ng permiso pero walang ekspresyon sa mukha ng lalaki. Hinay
“Manager?” mahina siyang napatawa. Matalim ang matang sinulyapan niya si Duncan na ala niyang dahilan kung bakit na-promote siya ni Fredrick sa trabaho. Ano’ng laro ang gusto ng mga ito?Hindi kailangan ni Georgina ang promotion. Hindi rin maari na mapalayo siya kay Fredrick dahil magiging limitado ang pagkakataon para makakuha siya ng impormasyon tungkol sa kanyang ina. Habang umiikot ang isip niya para makaisip nng idadahilan ay may matagumpay naman na ngiti sa labi si Duncan habang sumisimsim ng kape. “Kung wala ka nang ibang sasabihin ay makakalabas ka na. Ihahatid ka ni Nolan sa magiging opisina mo as the manager of the sales department.”Napanganga si Georgina. Ni hindi na siya binigyan nito ng pagkakatapon na makapagrason at agad-agad na itong nagdesisyon. Porke ba ito ang boss ay aalilain na talaga siya nito? Hindi pa ito nakuntento sa ginawa nito kagabi at talagang pinapahirapan siya ngayon. Kuhh… kung talagang magkaroon ng pagkakataon na makilala siya ni Fredrick bilang ka
Pagkapasok na pagkapasok ni Tony sa loob ng penthouse ay agad na bumungad sa paningin niya si Rhett na nakaupo sa salas at ang hindi maipintang mukha ni Georgina. Muling bumalik ang tingin niya kay Rhett at nagkasukatan sila ng tingin. ‘Bakit nandito ito? Ang akala ko ba ay ayaw siyang makita ni Georgina?’ tanong niya sa isip. Dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari ay muli niyang ibinalik ang nagtatakang tingin sa kanyang boss at lihim itong tinanong. Nilingon ni Georgina si Tony at pinandilatan ng mata pero nginitian lang siya nito at matapos hubarin ang suot na sapatos ay dumiretso ito sa kusina para maghugas ng kamay at kumuha ng tubig bago bumalik sa kanila sa salas. “Siya ang asawa mo? Bakit tinawag ka niyang boss?” “Hmm…” Georgina hummed as an answer and glanced at Rhett. Mahina ang boses niya pero alam niyang narinig siya ng kaharap. Hindi na niya kailangang i-deny ang set-up nila ni Tony para hindi nito malaman kung ano talaga ang relasyon niya sa Geo’s group. Pe
Natameme si Georgina sa sinabi ni Rhett pero hindi niya ito sinunod. Hindi niya sinagot ang tawag at mabilis na pinindot ang cancel button saka iniwas ang tingin kay Rhett. Sigurado siya na si Tony ang tumatawag at pinrank siya. Hindi niya alam kung kailan nito pinakialaman ang cellphone niya pero gusto niya itong kutusan kapag makita niya. “Takot ka bang malaman ng bago mong asawa na kasama mo ang dati mong asawa?” Nabigla si Georgina sa tanong ni Rhett. Bagong asawa? Dating asawa? Bakit kung ano-ano na naman ang pinag-iisip ng lalaking ito? Pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sarkasmo sa boses nito. Is he jealous?“Sino siya? Kailan ka nagpakasal?” malamig pa sa niyebe ng Antartica ang boses ni Rhett nang muling magsalita. Kalmado man ito ay ramdam niya ang pigil nitong galit. Hindi alam ni Georgina ang isasagot. Tumikhim siya upang alisin ang bara sa lalamunan at sinakyan ang prank ni Tony. “Mr. Castaneda, sa tingin ko ho ay wala na kayong pakialam sa personal na buhay k
Mabilis na itinulak ni Georgina si Rhett upang hindi na magtagal ang kanilang halikan. Nanabik man siya sa labi nito ay alam pa rin niyang hindi puwede dahil may iba na ito. “Mr. Castaneda shouldn’t do that,” saway niya sa mahinang boses. Kahit sinong makarinig niyon ay iisipin ng mga itong gusto niya ang ginawang paghalik nito.Madilim ang mukha ni Rhett dahil sa ginawa niyang pagtulak dito. Mabuti na lang at kanina pa itinaas ng assistant ang partition ng kotse kaya hindi nakikita ng mga ito kung ano ang ginagawa nila. “Do what? Kissing you? Hindi ba at ginagawa iyon ng mag-asawa?” “We are not Husband and wife anymore. Kapag marinig ito ng nanay ng anak mo ay sigurado akong magagalit iyon.”Tumahimik si Rhett pero hindi inalis ang matiim na pagkakatingin sa kanya. Bumalik na rin ito sa dati nitong puwesto at ikinabit muli ang seatbelt. Ramdam ni Georgina na pinipigilan nito ang galit dahil na rin sa ilang beses nitong pagtagis ng bagang at pagbuga ng mararahas na hininga. Makaraa
“Papa?” mahina ang boses na tawag ni Santino. Nang marinig ang sinabi ni Santino ay malakas na singhap ang narinig mula sa mga tao. Hindi makapaniwala ang mga ito na ang bali-balitang may anak na sina Rhett at Celeste, ang couple na hinahangaan ng lahat, ay totoo pala. “Iyan na ba ang anak nila? He is cute!”Habang nagkakasayahan ang lahat sa galak dahil sa nakita na nila ang anak nina Celesta at Rhett si Georgina naman ay tahimik na umalis. Walang ibang nakapansin sa kanya kundi si Fredrick na agad siyang nilapitan at si Duncan na hindi inalis ang tingin sa kanya hanggang sa makalabas siya ng bulwagan. Pero si Rhett… ay walang ibang ginawa kundi ang i-entertain si Celeste at Santino. “Duncan, pare. Hindi talaga maalis ang tingin mo kay Georgina, huh? Talaga bang interesado ka na sa kanya?”Tumaas ang sulok ng labi ni Duncan sa tanong ni Archer na tulad niya ay nakatingin din sa pintong nilabasan ni Georgina. Nilingon niya ang kaibigan. “Bakit naman hindi?” Nawala ang ngisi sa la
Napalunok si Georgina dahil sa mainit na hininga ni Rhett na dumampi sa kanyang tainga. Dahil nabigla siya sa biglang pagsulpot nito ay halos hindi alam ni Georgina kung ano ang magiging reaksyon. Ilang segundo ang lumipas saka lang niya na-compose ang sarili at malalim na humugot ng buntong-hininga upang pakalmahin ang sarili. Pilit niyang inagaw ang kamay sa pagkakahawak nito pero hindi ito pumayag. Initagilid niya ang ulo at naguguluhan na nilingon ito. Kanina ay hindi siya nito pinansin, bakit ngayon ay bigla na lang itong lumapit sa kanya at umakto na close na close sila? Habag nagkakatitigan ang dalawa, sina Archer at Sean naman ay nakataas ang sulok ng labi habang nakangisi at nakamasid sa kanila na tila ba ayos lang sa mga ito ang ginagawa nilang dalawa. Pero si Duncan… hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin kay Georgina. Bakit kapag si Rhett ang kaharap nito ay kaya nitong magbago ng ekspresyon pero kapag siya ay lagi na lang walang ekspresyon sa mukha?Samantala,
Mabilis na hinawakan ni Georgina ang palad na nakahawak sa kanya at malakas iyong pinilipit bago hinarap kung sino man ang may-ari niyon. Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa iritasyon sa kanyang Boss at dahil ginulat pa siya ng kung sinong pontio Pilato ay lalong nadagdagan ang inis niya. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita na si Duncan iyon. “Georgina, it’s me! Why are you suddenly attacking?” Marahas na binitawan ni Georgina ang palad nito na hawak niya saka mabilis na tumalikod upang itago ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha. Ang totoo, kahit naiinis siya sa taong nang-istorbo sa kanya, sa loob-loob niya ay umaasa siyang si Rhett iyon. Turns out that she was just overthinking. Bakit naman siya babalikan ng lalaking iyon kung may iba na itong kasama?“I’m not happy to see, got it?” hindi niya itinago ang pagkainis saka tuluyan itong iniwan upang pumasok sa loob. “Pero masaya ako na makita kang muli, Gigi!”Nang makapasok siya sa bulwagan ay patuloy pa rin sa pagpa-p
Biglang tumigil ang mundo ni Georgina nang magtama ang tingin nila ni Rhett. Pakiramdam niya ay silang dalawa lang ni Rhett ang naroon at ang iba ay tila background lamang. Hindi niya alam kung kaba o excited ang nararamdaman niya pero biglang sumakit ang puson niya. Is her baby reacting dahil nakita niya ang tatay nito? O dahil mataas ang tinalunan niyang pader kanina?Upang makatakas sa kuwarto na pinagdalhan sa kanya ni Brusko ay lumabas siya sa bintana ng banyo at naglakad sa maliit na espasyo sa labas, kumapit sa hamba ng bintana hanggang makababa siya sa ground floor. Mabuti na lang at abala ang tao sa loob at medyo may kadiliman sa likurang bahagi ng manor kaya naman walang nakakita sa kanya. “Mr. Castaneda, sa pagkakatanda ko ay hindi ka imbitado sa okasyong ito?”Ang istriktong tanong na iyon ang biglang nagpagising kay Georgina. Matalim ang tingin nito kay Celeste, kahit pa si Rhett ang tinatanong nito, na agad na nangunyapit sa lalaki nang makita ito. Seryoso ang mukha ni