“Babae, sigurado kang lalabanan mo kami sa billiard?”“Sa liit mong ‘yan kaya mo kayang itulak ng cue ang mga bola?”Dahil sa magkasunod na komento ng dalawang lalaki ay nagtawan ang ibang kasamahan nito. Inirapan ni Georgina ang mga ito saka kinuha kay Nathalia ang cue stick at walang buhay na nagtanong. “Bakit mo naman kasi naisipang makipaglaro sa kanila kung hindi ka naman pala marunong?”Napakamot sa ulo si Nathalia saka kiyemeng tumingin sa isa sa mga lalaking naroon. Nang sundan ito ni Georgina ng tingin ay umangat ang isang kilay niya. Kaya pala. May nakursunadahan pala itong lalaki na sa tantiya niya ay kasing-edad lang nito pero talaga naman makapagpigil hininga ang kaguwapuhan. Georgina rolled her eyes when that man winked at him.Malawak ang premium VIP room at hindi lang billiard table ang naroon dahil meron ding majong table. Sa kasalukuyan ay doon malapit nakaupo si Rhett at kasama ang kaibigan nito. Nasulyapaan din ni Georgina ang lalaking kumausap sa kanya kanina sa
Limang segundo ang lumipas at walang sali-salitang tumayo si Georgina mula sa hita ni Rhett at tumakbo palabas ng private room habang pinagtitinginan ng mga naroroon. Mabilis siyang sinundan ni Nathalia.“Georgi, sandali. Saan ka pupunta?”“Let’s go home,” sagot niya na hindi ito nililingon. Dire-diretso siyang bumaba at kahit ang mga waiter at bouncers na binati siya ay hindi niya pinansin. The amount of courage she brought was depleted faster than girls changing clothes. Naabutan lamang siya ni Nathalia nang makalabas na siya ng G’s. Tumayo siya sa bouncer na nagbabantay sa labas habang ito ay tila alertong nakabantay sa kanya nang makita ang balisa niyang mukha.”May problema po ba, boss?” tanong nito.Umiling si Georgina. “Ipagtawag mo ako ng taxi,” mababa ang boses na utos niya. Hindi pa rin siya maka-get over sa halik na iginawad sa kanya ni Rhett. His lips taste so good and Georgina wanted to respond badly if not for the people inside the room staring at them. Ipinilig niya a
Natigilan si Georgina at hindi agad makasagot dahil sa sinabi ng kanyang ama. Humigpit ang hawak niya sa painting na dala at tinapunan ng tingin ang nakangising si Pia. “Walang katotohanan ‘yan, pa,” kaila niya. Maingat siyang humakbang papasok sa loob dahil sa nagkalat na bubog mula sa mga vase at kung ano pang babasagin na binasag ng kanyang ama. Madilim na madilim ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Ano’ng hindi totoo, Georgina? Huwag ka nang magkaila dahil alam na ni papa ang katotohanan tungkol sa kalandian mo.”Umikot ang mata ni Georgina dahil sa narinig. Hindi na niya kailangan alamin kung paano nalaman ng kanyang ama dahil nasa harapan na niya ang kontrabidang nagsumbong na naman kung ano ang ginawa niya. “Hindi totoo? Ano ito kung ganu’n?” Halos mabasag ang mesa nang malakas nitong inilapag ang picture na hawak sa mesa. “Pinag-aral kita sa magandang paaralan para maghanap ng disenteng trabaho at hindi maging hostess sa bar.”Nang bumaba ang tingin ni Georgina doon
Nakagat ni Georgina ang labi sa pagkadismaya. Sa tuwing kakausapin niya ang ama tungkol sa kanyang ina ay ganito ang lagi nitong sinasabi o kaya ai iniiba nito ang usapan. Malakas ang kutob niya na may sikretong tinatago ang ama sa kanya!Kahit bata pa nang huli niyang makita ang ina ay hindi niya inisip na isa itong kabet dahil napakabait nito at wala sa awra nito na kaya nitong mang-agaw ng lalaking may pamilya na. “Sige, pa,” paalam niya, puno ng lungkot ang boses dahil sa muli ay bigo na naman siyang makakuha ng impormasyon tungkol sa kanyang ina. Iniwan niya ang painting na binigay ni Rhett sa kanyang ama at hinayaan iyon sa pangangalaga nito. Pagkatapos nu’n ay dire-diretso siyang lumabas ng bahay. Hindi siya nag-aalala na baka may gawing masama ang mag-ina sa painting ng kanyang ina dahil ramdam niya na may pagtingin pa ang kanyang ama sa kanyang ina. Habang naghihintay ng bus sa bus stop na malapit sa bahay nila ay isang itim na maybach ang huminto sa tapat niya. Napangang
“Georgina… ikaw na talaga. The best of all!” biglang komento ni Nathalia. Nagsisimula na silang kumain at pati si Rhett ay tila nagustuhan na rin ang pagkain. Pansit pares ang kinakain nito samantalang si Georgina ay umorder ng bulalo para sa sarili pero halos si Rhett na rin ang umubos niyon dahil nagustuhan nito. “Ikaw lang ang nag-iisang babaeng nagpakain kay tito sa isang paresan!”Napangisi si Georgina saka sinulyapan si Rhett na hindi pa rin maipinta ang mukha dahil sa hindi ito komportable at naiinitan sa loob. “The best?” biglang sabad ni Jerome. Nakataas ang kilay nito at puno nang pagmamalaking nagsalita. “Mas the best si ‘G’. kung hindi mo siya kilala ay siya lang naman ang isa sa pinakakilalang hacker sa buong mundo. Balang araw ay siya ay aasawahin ko at ibibigay ko lahat ng gusto niya para hindi niya ako iwan!”“Cough!” Napaubo si Georgina at nasamid sa tubig na iniinom nang marinig ang sinabi ni Jerome. Sa sobrang pagkagulat niya ay nanikip ang dibdib niya sa walang ti
Imbes na matakot dahil sa pinakita ni Jerome ay napaismid lang si Georgina. Alam niyang malinis ang konsensya niya at kung ano man ang dahilan kung bakit napapunta sa kanya ang relo ay kanyang aalamin. “Ano ngayon ang masasabi mo, babae? Isa kang magnanakaw. Sa tingin mo ba ay worthy kang maging asawa ni Kuya Rhett?” Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Sheynon. “Huh! Georgi, talagang ikaw ang kumuha ng relo ko?”Nanatiling kalmado ang mukha ni Georgina kahit pinagtitinginan na siya ng ibang kustomer. At kahit pinagtutulungan na siya nina Jerome at Sheynon ay hindi siya nagpakita ng takot.Relax ang mukha na tiningnan niya si Sheynon. “Sigurado ka ba d’yan sa sinasabi mo, Sheynon? Sigurado kang kinuha ko ang relo mo a sinadya mong ilagay ‘yan sa akin para i-frame up ako? Ikaw ang nakakaalam ng katutuhanan, Sheynon. Kaya ba ng konsensya mo ang pinanggagawa mo?”Inosenteng tumingin sa kanya si Sheynon at sumagot. “Wala akong alam sa sinasabi mo, Georgi. Bakit ko naman ipapahiya a
Habang nasa daan pauwi sa bahay ni Rhett ay nakatanggap ng text message si Georgina galing sa hindi kilalang numero. Kalakip niyon ay ang litrato niya at ni Rhett na magkasamang papasok ng restawran na pinanggalingan nila. Napangisi siya. ‘Someone is bringing trouble for me, huh,’ bulong niya sa sarili. Dahil nakatuon ang pansin niya sa cellphone ay hindi niya napansin na nakatitig pala sa kanya si Rhett. Nang makita siya nitong nakangisi habang nakatingin sa cellphone ay dumilim ang mukha nito. “What? Does your man make you happier than being with me?” Napapitlag si Georgina nang marinig ang malamig na boses ni Rhett at nawala ang ngisi na nakapaskil sa labi. Ang maganda niyang mukha ay nangulubot nang nilingon ang asawa. “Oo, bakit may reklamo ka?” pang-aasar niya. Lalong dumilim ang mukha ni Rhett at tumalim ang mata. Tinalikuran siya nito at hanggang makarating sila sa bahay ay hindi na ito umimik. Binalewala iyon ni Georgina. Wala siyang ideya kung bakit galit na naman ito.
“Bakit, ano’ng kailangan mo at napatawag ka?” iritado ang boses ni Rizza nang sagutin ang cellphone. Hindi siya makapaniwala na tinawagan siya ni Jerome nang wala sa oras. “Rizza, sinasabi ko sa ‘yo. Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.”Naikot niya ang mata sa patutsada ni Jerome. “Ano na naman ‘to?” marahas siyang bumuga ng hangin at patamad na humiga sa sunlounger upang hayaan ang katulong na masahiin ang balikat niya. Sumimsim siya ng orange juice bago nagsalita. “Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Bakit ba kailangan mo pang magpaligoy-ligoy? Para kang bata.”“Oo na, sige na. Ako na ang bata. Anyways, alam mo ba kung sino ang sinusundan ko ngayon? Ang asawa ng kapatid mo.”Natigil ang pagsimsim ni Rizza mula sa iniinom na orange juice nang marinig ang sinabi ni Jerome. Base sa excitement na nabasa sa boses ng lalaki ay nahihinuha niyang may maganda itong ibabalita sa kanya. “Sabihin mo na kung ano at ‘wag mo akong binibitin.”“Bilisan mo at pumunta ka sa gallery ni kuya Dunca
Dinala siya ni Rhett sa fire exit at pagkasara na pagkasara ng pinto ay agad itong kinompronta ni Georgina. “What? Bakit mo ako dinala rito? Naniniwala ka rin sa babaeng iyon na ako ang may gawa kaya napaso si Santino?” walang emosyon na tanong ni Georgina. Sumandal siya sa pader sa tabi ng maliit na bintana at tumingin sa labas. It was raining. Tila sumasabay ang ulan sa kanyang emosyon. Hindi niya alam kung kailan siya magtitiis ng ganito. Gusto niya lang makalayo sa lalaking ito pero bakit lagi silang pinagtatagpo? Kapag nakaanak na siya ay si siguraduhin niyang hindi na niya ito makikita at hindi nito malalaman na nagkaanak sila. Nakita niyang kinapkap ni Rhett lahat ng bulsa nito pero wala itong nahanap. “Feel like smoking again?” she asked, brows raised high. Nang magsalita siya ay tila biglang naalala ni Rhett na tinapon nito lahat ng sigarilyo na dala dahil pinagsabihan ito ni Georgina. Lumapit sa kinatatayuan niya si Rhett at biglang kinuha ang kanyang kamay saka ininspe
Halos tapos na sa pagkain si Georgina nang bumalik si Celeste kasama ang anak nito. Dahil may kliyente na tumawag kay Duncan ay umalis rin ito para sagutin ang tawag sa labas. Walang nagawa si Georgina kundi tapusin ang pagkain kaharap si Celeste na katulad niya ay hindi rin siya pinansin. May isang upuan na nakapagitan sa kanila ni Santino kaya malapit lang sa kanya ang bata. Pabilog ang mesa kaya kung bumalik si Rhett ay magkakaharap sila nito. Tapos nang subuan ni Celeste si Santino nang biglang may waiter na pumasok sa private room na may tulak-tulak na food tray. Lumapit ito sa gilid niya at kinuha ang soup kettle upang dagdagan ang sabaw na halos paubos na. Habang nagsasalin ito ng sabaw ang waiter ay abala naman si Georgina sa pakikipagpalitan ng mensahe kay Tony si Georgina kaya hindi niya napansin ang makahulugang tinginan ni Celeste at ng waiter. Nang umangat ng tingin si Georgina ay sakto namang nakita niya ang kamay ng waiter na bahagyang niliko ang kamay kaya nabuhos a
Nang makita ni Georgina ang araw kung ilang buwan nang buntis si Celeste ay biglang may bumikig sa kanyang lalamunan. Six weeks… ito ang mga araw na wala si Rhett dahil nasa ibang bansa ito para raw sa negosyo nito pero ang totoo ay abala ito sa pakikipaglampungan sa ibang babae? Nang mga araw na iyon ay lagi pa siyang tinawagan ni Rhett para kumustahin, para tanungin kung nakakain na ba siya at nananabik na raw ito sa kanya… huh! All lies!Bigla-bigla ay ramdam na naman niya na tila hinahalukay ang sikmura niya pero hindi niya pinakita kay Celeste na naapektuhan siya. She was a fool for believing Rhett’s words. A hypocritical image of Rhett appeared in her mind and she felt disgusted. Pero panandalian lang ang pagdaan ng sama ng loob na iyon dahil kalmado pa rin niyang tiningnan si Celeste. “Congratulations, kung ganoon. I am hoping you will get a girl like you wish for,” kalmadong wika niya na tila ba hindi naapektuhan sa ipinagbubuntis nito. Well, she really doesn’t care dahil ma
Ngumiti nang makahulugan si Georgina sa tanong ni Celeste. “Bakit? Ano naman ngayon sa ‘yo kung buntis ako?”Dumilim ang mukha nito at ang kamay na nasa magkabilang gilid ay mahigpit na kumuyom. “Georgina, huwag mong gamitin ang dahilan na buntis ka para agawin sa amin ng anak ko si Rhett. Masaya na siya sa piling namin.”Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Georgina na ikinagalit lalo ni Celeste batay sa pagdilim ng mukha nito. Ibang-iba ang hitsura nito ngayon sa hitsura kapag may ibang taong kaharap, lalo na si Rhett. Pero alam ni Georgina na ito ang totoong mukha ng babae at hindi ang mapagkunwaring inosente at mabait. Mahina siyang napatawa saka nilakumos ang ginamit na tisyu at tinapon iyon sa basurahan na parang bola ng basketball at tantsadong pumasok iyon. “Miss Farrington,” mahinang tawag niya saka umikot para humarap dito habang nakasandal sa lababo. “Bakit sa tingin ko ang sinabi mo ay patungkol sa iyong sarili? Hindi ba at ginamit mo ang anak mong si Santino para mapalapit
“Georgie! Hindi ko akalaing mami-meet ka namin dito! Isn’t it a coincidence?” Mapaklang ngumiti si Georgina sa tanong ni Celeste. “Hmm… siguro,” balewalang sagot niya. “Bakit nga pala kayo magkasama ni Duncan?”Imbes na si Georgina ang sumagot ay si Duncan ang nagsalita. “Your brother promoted her to be the manager of the sales department. I am just showing her the distribution store and looking at what's on the market.”Ang totoo ay kinabahan si Georgina sa maaring isagot ng damuhong si Duncan pero nagpapasalamat siya ng sa huli ay naging sensible din pala ito. Buong sandali ay hindi niya tiningnan si Rhett. Magmula nang makita niya ang malungkot pero galit nitong reaksyon kagabi ay hindi na siya pinatulog ng kanyang konsensya. “That’s a sign for a celebration!” Celeste chimed. “Tamang-tama dahil papunta na rin kami ngayon sa restaurant para kumain. Bakit hindi niyo kami samahan?” Tumingin pa ito kay Rhett bilang paghingi ng permiso pero walang ekspresyon sa mukha ng lalaki. Hinay
“Manager?” mahina siyang napatawa. Matalim ang matang sinulyapan niya si Duncan na ala niyang dahilan kung bakit na-promote siya ni Fredrick sa trabaho. Ano’ng laro ang gusto ng mga ito?Hindi kailangan ni Georgina ang promotion. Hindi rin maari na mapalayo siya kay Fredrick dahil magiging limitado ang pagkakataon para makakuha siya ng impormasyon tungkol sa kanyang ina. Habang umiikot ang isip niya para makaisip nng idadahilan ay may matagumpay naman na ngiti sa labi si Duncan habang sumisimsim ng kape. “Kung wala ka nang ibang sasabihin ay makakalabas ka na. Ihahatid ka ni Nolan sa magiging opisina mo as the manager of the sales department.”Napanganga si Georgina. Ni hindi na siya binigyan nito ng pagkakatapon na makapagrason at agad-agad na itong nagdesisyon. Porke ba ito ang boss ay aalilain na talaga siya nito? Hindi pa ito nakuntento sa ginawa nito kagabi at talagang pinapahirapan siya ngayon. Kuhh… kung talagang magkaroon ng pagkakataon na makilala siya ni Fredrick bilang ka
Pagkapasok na pagkapasok ni Tony sa loob ng penthouse ay agad na bumungad sa paningin niya si Rhett na nakaupo sa salas at ang hindi maipintang mukha ni Georgina. Muling bumalik ang tingin niya kay Rhett at nagkasukatan sila ng tingin. ‘Bakit nandito ito? Ang akala ko ba ay ayaw siyang makita ni Georgina?’ tanong niya sa isip. Dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari ay muli niyang ibinalik ang nagtatakang tingin sa kanyang boss at lihim itong tinanong. Nilingon ni Georgina si Tony at pinandilatan ng mata pero nginitian lang siya nito at matapos hubarin ang suot na sapatos ay dumiretso ito sa kusina para maghugas ng kamay at kumuha ng tubig bago bumalik sa kanila sa salas. “Siya ang asawa mo? Bakit tinawag ka niyang boss?” “Hmm…” Georgina hummed as an answer and glanced at Rhett. Mahina ang boses niya pero alam niyang narinig siya ng kaharap. Hindi na niya kailangang i-deny ang set-up nila ni Tony para hindi nito malaman kung ano talaga ang relasyon niya sa Geo’s group. Pe
Natameme si Georgina sa sinabi ni Rhett pero hindi niya ito sinunod. Hindi niya sinagot ang tawag at mabilis na pinindot ang cancel button saka iniwas ang tingin kay Rhett. Sigurado siya na si Tony ang tumatawag at pinrank siya. Hindi niya alam kung kailan nito pinakialaman ang cellphone niya pero gusto niya itong kutusan kapag makita niya. “Takot ka bang malaman ng bago mong asawa na kasama mo ang dati mong asawa?” Nabigla si Georgina sa tanong ni Rhett. Bagong asawa? Dating asawa? Bakit kung ano-ano na naman ang pinag-iisip ng lalaking ito? Pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sarkasmo sa boses nito. Is he jealous?“Sino siya? Kailan ka nagpakasal?” malamig pa sa niyebe ng Antartica ang boses ni Rhett nang muling magsalita. Kalmado man ito ay ramdam niya ang pigil nitong galit. Hindi alam ni Georgina ang isasagot. Tumikhim siya upang alisin ang bara sa lalamunan at sinakyan ang prank ni Tony. “Mr. Castaneda, sa tingin ko ho ay wala na kayong pakialam sa personal na buhay k
Mabilis na itinulak ni Georgina si Rhett upang hindi na magtagal ang kanilang halikan. Nanabik man siya sa labi nito ay alam pa rin niyang hindi puwede dahil may iba na ito. “Mr. Castaneda shouldn’t do that,” saway niya sa mahinang boses. Kahit sinong makarinig niyon ay iisipin ng mga itong gusto niya ang ginawang paghalik nito.Madilim ang mukha ni Rhett dahil sa ginawa niyang pagtulak dito. Mabuti na lang at kanina pa itinaas ng assistant ang partition ng kotse kaya hindi nakikita ng mga ito kung ano ang ginagawa nila. “Do what? Kissing you? Hindi ba at ginagawa iyon ng mag-asawa?” “We are not Husband and wife anymore. Kapag marinig ito ng nanay ng anak mo ay sigurado akong magagalit iyon.”Tumahimik si Rhett pero hindi inalis ang matiim na pagkakatingin sa kanya. Bumalik na rin ito sa dati nitong puwesto at ikinabit muli ang seatbelt. Ramdam ni Georgina na pinipigilan nito ang galit dahil na rin sa ilang beses nitong pagtagis ng bagang at pagbuga ng mararahas na hininga. Makaraa