Lalong lumakas ang ugong sa buong paligid dahil sa sinabi ni Rhett. Ngunit wala siyang pakialam kung ano man ang hitsura ng babaeng nakuha niya. Ang mahalaga ay may maipakilala siya sa madla na babaeng papakasalan tulad ng hiling ng kanyang lolo. Kung hindi lang ito nagpumilit at kung hindi siya nag-aalala sa kalagayan nito ay suntok pa sa buwan na magpapakasal siya.
Ibinalik niya sa emcee ang mikropono saka hinawakan ang babae sa braso na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang pangalan saka ito inalalayan pababa ng stage. Nang makapunta sila sa mesa at makaupo ay pinaupo niya ito sa kanyang tabi at dumukwang upang bumulong sa tainga nito. “Tell me your name,” utos niya. Hindi siya umalis hangga’t hindi ito sumasagot pero ang nakaagaw sa pansin niya ay ang mabangong perfume na gamit nito. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang amoy dahil produkto niya iyon at alam niya kung magkano ang presyo ng perfume na gamit nito. It was worth thousands. Ang perfume na ito ay ang bagong collection ng Nillulf Scents at tanging sa ibang bansa pa lang available. At kaya siya umuwi dito sa Pilipinas ay para i-launch ang bagong Nillulf scents. Lihim na napaangat ang kanyang kilay. Mukhang may tinatago ang babaeng katabi niya kaya ito nagkukunwanri at tinatago ang tunay na anyo. “Magtatanong ka lang ng pangalan ko at talagang didikit ka pa sa katawan ko? At sinong nagsabi sa ‘yong pakakasalan kita?” pabalang na tanong ng babae. Nanlalantang napasandal sa upuan si Rhett saka sinagot ang dalaga sa seryosong boses. “You kissed me. Take responsibility.” Nilingon niya ito na may nanunudyong tingin habang ang kanang kamay ay inabot ang wine glass na ibinigay ng waiter. Maraming tao ang gustong makipag-congratulate sa kanya pero ni isa ay walang makalapit dahil sa bodyguard na nakatayo sa harapan nila at pinigilan ang mga itong lumapit. Hindi niya halos kilala ang mga umattend dahil ang lolo niya ang nag-imbita sa mga ito. “Take responsibility? Parang halik lang ‘tas kailangan ko nang magpakasal agad sa ‘yo? Ano ‘to, joke?” sarkastikong sabi nito saka pasalampak na sumandal sa sandalan ng upuan at nakahalukipkip na nakatingin pa rin sa kanya. “Sino ka ba? Isa ka bang miyembro ng mafia kaya basta-basta mo na lang akong kinidnap?” Kahit nagagalit na ang babae ay pigil na pigil pa rin nito ang boses upang hindi sila marinig ng iba. Mukhang ayaw nito sa eskandalo. “Hindi mo ako kilala?” Itinuro niya ang sarili. Hindi makapaniwala. Siguro hindi lang siya sanay, pero kahit saan pa siya magpunta ay halos kilala siya ng mga tao. “Magtatanong ba ako kung kilala kita? Sabihin mo na at huwag mong pasakitin ang ulo ko sa pag-iisip at baka mag-walk out ako rito.” Mahina siyang napabuntong-hininga. “I am Rhett Nillulf Castaňeda.” Umangat ang isang kilay ng babae parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Nillulf? As in Nillulf Scents?” “En. So, can you tell me what your name is now?” Muli siyang yumuko at halos ipagdikit niya ang pisngi rito dahil mula sa sulok ng kanyang mata ay nakita niya ang isa sa kaibigan ng kanyang lolo na nakatingin sa kanila. “Georgi.” “Short of Georgina?” “Kung alam mo na ang sagot bakit mo pa kailangang itanong?” Napatawa si Rhett. Mukhang palaban na palaban ang ugali ng babaeng nakuha niya. “Masama bang alamin ang buong pangalan ng babaeng pakasalan ko?” may ngiti sa labi at nanunudyo ang matang tanong niya. Hindi niya inalis ang matiim na pagkatitig dito. Gusto niyang hubarin ang mapanlinlang na awra nito at alamin kung ano ang totoong damdamin nito mula sa malatsokolate nitong mata. Biglang tumayo si Georgina. “Kailangan ko ng banyo.” Nilingon ni Rhett ang isa sa mga tauhan at sinenyasan ito na ihatid si Georgina sa banyo. Nang makaalis ang babae ay lumapit sa kanya ang assistant na si Archer. “Boss, sigurado ka ba na siya ang gusto mong maging stand-in fiancee? Tingnan mo naman ung paano siya manamit at kumilos. Daig pa ang lalaki, napakabrusko.” Matagal na niyang kasa-kasama ang assistant niya dahil kaklase pa niya ito noong highschool. Dahil ayaw nitong pamahalaan ang negosyo ng pamilya nito ay sa kanya ito sumasama hanggang sa huli ay nag-apply na kanyang assistant. Dahil doon, kahit gusto niya itong kastiguhin dahil sa sinabi nito tungkol kay Georgina ay hindi niya ginawa pero pinagsabihan pa rin niya ito. “Huwag kang magpadalos-dalos sa salita mo hangga’t hindi mo pa kilala ang isang tao.” Nagkibit-balikat si Archer habang ang tingin ay na kay Georgina pa rin na ngayon ay napapalibutan ng ilang kababaihan at tila nanaisin nitong maging pagong at magtago sa shell nito. “Sigurado ka bang kaya niya ang sarili niya?” Umangat ang sulok ng labi ni Rhett at tinungga ang natitirang alak sa kanyang wine glass habang parehong nakatingin kay Georgina. “My soon to be wife is a badass. Tandaan mo ‘yan.” *** Nang makaalis sa mesa ng lalaking gusto siyang pakasalan, na si Rhett Castaneda pala, ay kaagad na hinarang si Georgina ng ilang kababaihan at walang balak na siya ay paalisin. Mahina siyang napatawa saka binigyan ng gitnang daliri si Rhett dahil alam niyang nakasunod ang tingin nito sa kanya. “Ikaw? Ikaw ang fiancee ni Rhett? Sa hitsura mo pa lang mukha ka ng hampaslupa, tapos ikaw ang pakakasalan niya?” “Tingnan mo naman ang damit na suot, parang labandera lang namin.” Nagkatawanan ang mga kababaihang nakapalibot sa kanya pero nanatili ang pagkakangisi ni Georgi. “Alis,” malamig na utos niya. “Aba, palaban!” Gusto pa sanang bigyang ni Georgina ng isa pang pagkakataon ang mga kaharap pero parang puputok na ang kanyang pantog kaya sa isang mabilis na kilos ay inapakan niya ang gown ng babaeng huling nagsalita saka hinablot ang hawak na baso ng isa pa bago isinaboy sa mukha nito ang laman. Napasinghap naman ang ibang naroon at isa-isang nag-alisan upang bigyan siya ng daan. Pumalakpak siya. “Bravo. Kung ganyan sana kayo kabait, e ‘di sana ay wala nang may nadamay.” Dire-diretso siyang pumunta sa tulong ng tauhan na hindi siya tinulungan kanina kaya tinandaan niya ang mukha nito, for future purposes. Nang makarating sa banyo, at matapos mai-relieve ang sarili ay nanatili pa rin siya sa loob ng kubeta at dumungaw sa bintana. Nasa second floor lang ang kinaroroonan niya at masiyadong mataas para talunin kaya kinuha niya ang tali na nasa kanyang dala-dalang bayong saka itinali iyon sa grills ng bintana na nasa gilid at itinapon ang kabilang dulo sa labas. Hindi iyon umabot sa lupa pero kaya na niya naiyong talunin. Matapos itulak pataas ang bintana hanggang kumasya siya ay mabilis siyang umakyat saka gamit ang lubid ay unti-unti siyang bumaba. “Tingnan natin kung sino pa ang magpapakasal sa ‘yo, Mr. Rhett Castaneda!” malakas siyang humalakhak habang lakad-takbo upang mabilis na makaalis sa lugar na iyon at takasan ang lalaking inangkin siyang fiancee. “Not in my wildest dreams na magpapakasal ako sa ‘yo, ***o.”Umaga na nang makauwi si Georgina dahil tumuloy siya sa kalapit na hotel upang iwasan ang mga taong humahabol sa kanya. Ang buong akala niya ay payapa na siya pag-uwi pero hindi pala dahil ang kanyang madrasta ang sumalubong sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa gate ng mansyon nila. “Napaka-ingrata! Pinahiya mo na naman ako sa kaibigan ko at hindi ka nakipag-date sa kanya?” Malakas na sampal ang kasunod niyon na nagpabiling sa mukha ni Georgina.“Ingrata? Date? Bakit kaya hindi ikaw ang makipag-date sa matandang ulupong na ‘yon?” Nakaangat ang isang kilay na sagot niya. Mapang-asar ang tono ng boses niya pero ang mata niya ay matalim na nakatingin dito. Hinaplos niya ang pisngi na nasampal nito upang tanggalin ang sakit habang pinipigilan ang sarili na huwag itong patulan. Baka hindi niya mapigilan at mabugbog niya ito nang husto na matagal na niyang gustong gawin. “Pasalamat ka at may lalaki pang gustong makipagkita sa ‘yo. Ano pa bang gusto mo at lahat na lang ng n
Limang araw ang matuling lumipas at dumating na nga ang araw na ‘magpapakasal’ kuno si Pia. Habang abala sa paghahanda ang mga tao sa mansyon, si Georgina naman ay nakahilata pa rin sa kama habang naglalaro sa kanyang cellphone. Pero hindi nakatiis ay lumabas siya ng kuwarto at tumambay sa veranda. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang mga tao na abala sa pabalik-balik habang may ginagawang kung ano-ano. Nang tumingin siya sa labas ng gate ay nakita niyang muli ang ilang sasakyang nakahilira na tila ba inihatid ang presidente ng Pilipinas. Hindi nagkaroon ng kaunting interes si Georgina kaya napagpasyahan niyang bumalik sa loob. Akmang tatalikod siya at papasok nang mahagip ng kanyang mata ang ikalawang kotse na nakaparada sa labas ng gate na unti-unting bumaba ang bintana at lumitaw ang guwapong mukha ni Rhett. Nakasuot ito nang salamin kaya hindi niya alam kung sa kanya nakatingin pero nakita niya kung paano tumaas ang sulok ng labi nito. Kaagad na nagbago ang ekspre
Gustong katusan ni Georgina ang sarili dahil hindi na naman siya nakahuma habang akay-akay ni Rhett. Wala siyang ideya kung saan siya nito dadalhin at wala ring silbi ang kakulitan niya sa pagtatanong dahil buong biyahe ay tahimik ang lalaki at hindi pinansin ang pagmamaldita niya. Tatlumpong minuto ang nakalipas bago tuluyang huminto ang sasakyan sa harap ng isang magarang mansyon na may limang palapag. Sa sobrang lawak niyon ay hindi alam ni Georgina kung mansyon o palasyo ang nasa harapan niya. Bumaba siya ng kotse pagkahinto niyon at namamanghang pinagmasdan ang malapalasyong mansyon. “Dito ka nakatira?” nanlalaki pa rin ang matang tanong niya kay Rhett. Alam niyang mayaman ang lalaki pero hindi niya akalain na ganito kayaman. Kung tama nga ang hinala niya ay hindi lang perfume ang negosyo ng lalaki. Tinapunan siya nang hindi makapaniwalang tingin ni Rhett. “Kung hindi dito, saan?” nakahalukipkip na tanong nito habang nakataas ang isang kilay.Inirolyo ni Georgina ang mata. “Na
Nang marinig ni Georgina ang sinabi ng ‘asawa’ ay kaagad na naningkit ang kanyang mata. Inilagay niya ang magkabilang braso sa harap ng dibdib upang harangin ang papalapit na katawan nito. “Wala sa usapan natin ‘to,” matigas na anas ni Georgina habang patuloy sa pagharang ang dalawang braso sa dibdib upang hindi makalapit ang mukha ng lalaki. Malakas ito pero kaya niya itong labanan. Hindi man siya aktibo ngayon sa dating trabaho ay hindi naman niya hinahayaan na basta na lang mawawala ang natutunan.“Wala akong sinabing hindi puwede. Mag-asawa tayo at katungkulan mo ang pagbigyan ang pangangailangan ko,” Rhett teases. May nakakalokong ngiti sa mata nito habang ang mukha ay pilit na ibinaba sa kanya nang paunti-unti. Georgina was not scared. Nilabanan niya nang mas nakakalokong ngisi si Rhett saka iniyakap ang dalawang paa sa baywang ng lalaki, at mahigpit na niyakap ang braso sa leeg nito saka mabilis na inikot ang katawan nilang dalawa. Ngayon ay nakapaibabaw na siya rito. “Saa
Chapter:Mapaklang napangiti si Georgina. Ito ang iniiwasan niya sa lahat, ang magkaroon ng kaaway sa bahay ng ibang tao pero tila hindi siya gustong patahimikin at bigyan ng kapayapaan dahil unang araw pa lang ay may gusto na agad sumubok ng kanyang pasensya. Matapos ang hagikhik na narinig ni Georgina ay sinundan iyon ng nang-uuyam na boses mula sa kanyang likuran. “Sa tingin mo may karapatan kang tumira sa pamamahay namin? Eh, ano ngayon kung ikaw ang asawa ng kapatid ko? Hindi ka pa rin nararapat dahil isa ka lang basura na pinulot ng kapatid ko sa isang tabi. Ni hindi ko nga kilala kung saang pamilya ka nanggaling. Hindi ako makapaghintay na pulutin ka sa kangkungan kapag pinalayas ka rito.”Kinalma ni Georgina ang sarili. Nakahanda na sana siya na patulan ito, pero nang marinig na binanggit nito ang salitang kuya ay binura niya ang ideyang patulan ito. Kalmado ang mukha at nakahanda ang pekeng ngiti niya nang humarap siya rito. Basang-basa ang buo niyang katawan at dahil bukas
Dahil walang ibang damit na masuot ay walang nagawa si Georgina kundi ang lumabas ng bahay na nakasuot ng polo at boxer ni Rhett. Hanggang hita lang ang haba niyon kaya kitang-kita ang mahaba at mapuputi niyang legs. Wala rin siya suot na bra kaya nang lumabas siya ng kuwarto ni Rhett at bumaba sa salas ay pinagtitinginan siya ng mga kasambahay pero nakataas ang noong nilampasan at hindi pinansin ang mga ito. Napaikot na lang ang kanyang mata nang marinig ang bulungan ng mga ito. Naghihintay na sa kotse sa labas ng gate si Kraven, ang dati niyang kasamahan sa trabaho. Kung hitsura lang ang pag-uusapan ay dumugin din ito ng kababaihan pero iba ang karisma nito keysa sa asawa niya. Kung si Rhett ay yung tipong malamig at suplado, si Kraven naman ay happy-go-lucky. Wala itong ibang hilig kundi makipag-sex, mapababae man o lalaki. Kaya nang makita siya nitong sa kapiranggot na suot ay napasipol ito. “Damn, so hot!” nakangising tukso nito nang makapasok siya sa backseat. “Scram! Nasaan
“Team leader, paano nangyaring nawala ang mga files? Paano ang PPT(powerpoint presentation) na pinaghirapan natin?” Binalingan ni Georgina ang team leader na ka-close niya sa trabaho dahil ito ang tanging tumulong sa kanya habang nangangapa pa siya sa trabaho. Naisuklay niya ang daliri sa medyo basa pang buhok habang nakapameywang ang isang kamay. Kung titingnan si Georgina ng mga taong hindi nakakilala sa kanya ay iisipin ng mga ito na siya ang boss ng kumpanya dahil sa postura niya. Dahil sa matangkad siya, kahit ano’ng istilo ng damit ay naayon sa kanya. Hindi lang ‘yon. Lumulutang ang ganda niya sa ibang mga empleyado kaya marami ang naiinggit sa kanya, lalo na ang pamangkin ng team manager nila na kapareho niyang nasa probationary period. Umiling si Divine, ang team leader, saka walang buhay na napaupo sa upuan nito habang ang kanilang team manager ay patuloy pa rin sa matalas na pagtingin sa kanya. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Georgie. Kailangan na ang PPT ngayon dahil p
“The file is fixed, sir. Maari na po kayong pumunta sa conference room para sa meeting,” malawak ang ngiting nilingon ni Georgina si Rhett. Bahagya niyang itinagilid ang mukha upang ilayo sa mukha nitong nakayuko pa rin. Hindi niya ito sinagot tungkol sa sinabi nito bago muling ibinalik ang atensyon sa file na naayos niya. “I’ll talk to you when we get home,” banta nito na may kasamang mahinang tapik sa kanyang balikat. Nang maramdaman ni Georgina na umalis na ito ay saka lang siya nakahinga nang maluwag na tila nakawala sa isang masikip na hawla. Ni hindi niya binigyang pansin ang pagbabanta nito. Hindi siya natatakot.“Georgie, kilala mo si Mr. Castaneda?” nagtatakang tanong ni Divine at hinila at upuan sa katabing mesa bago umupo sa tabi niya. Huminto ang kamay ni Georgina na nakahawak sa mouse at alanganin ang ngiti na nilingon ang TL. “Kilala? Hindi ah!” matigas na tanggi niya. Magaling siyang magtago ng ekspresyon sa ibang tao, pero bakit pagdating kay Rhett ay nahihirapan s
Halos tapos na sa pagkain si Georgina nang bumalik si Celeste kasama ang anak nito. Dahil may kliyente na tumawag kay Duncan ay umalis rin ito para sagutin ang tawag sa labas. Walang nagawa si Georgina kundi tapusin ang pagkain kaharap si Celeste na katulad niya ay hindi rin siya pinansin. May isang upuan na nakapagitan sa kanila ni Santino kaya malapit lang sa kanya ang bata. Pabilog ang mesa kaya kung bumalik si Rhett ay magkakaharap sila nito. Tapos nang subuan ni Celeste si Santino nang biglang may waiter na pumasok sa private room na may tulak-tulak na food tray. Lumapit ito sa gilid niya at kinuha ang soup kettle upang dagdagan ang sabaw na halos paubos na. Habang nagsasalin ito ng sabaw ang waiter ay abala naman si Georgina sa pakikipagpalitan ng mensahe kay Tony si Georgina kaya hindi niya napansin ang makahulugang tinginan ni Celeste at ng waiter. Nang umangat ng tingin si Georgina ay sakto namang nakita niya ang kamay ng waiter na bahagyang niliko ang kamay kaya nabuhos a
Nang makita ni Georgina ang araw kung ilang buwan nang buntis si Celeste ay biglang may bumikig sa kanyang lalamunan. Six weeks… ito ang mga araw na wala si Rhett dahil nasa ibang bansa ito para raw sa negosyo nito pero ang totoo ay abala ito sa pakikipaglampungan sa ibang babae? Nang mga araw na iyon ay lagi pa siyang tinawagan ni Rhett para kumustahin, para tanungin kung nakakain na ba siya at nananabik na raw ito sa kanya… huh! All lies!Bigla-bigla ay ramdam na naman niya na tila hinahalukay ang sikmura niya pero hindi niya pinakita kay Celeste na naapektuhan siya. She was a fool for believing Rhett’s words. A hypocritical image of Rhett appeared in her mind and she felt disgusted. Pero panandalian lang ang pagdaan ng sama ng loob na iyon dahil kalmado pa rin niyang tiningnan si Celeste. “Congratulations, kung ganoon. I am hoping you will get a girl like you wish for,” kalmadong wika niya na tila ba hindi naapektuhan sa ipinagbubuntis nito. Well, she really doesn’t care dahil ma
Ngumiti nang makahulugan si Georgina sa tanong ni Celeste. “Bakit? Ano naman ngayon sa ‘yo kung buntis ako?”Dumilim ang mukha nito at ang kamay na nasa magkabilang gilid ay mahigpit na kumuyom. “Georgina, huwag mong gamitin ang dahilan na buntis ka para agawin sa amin ng anak ko si Rhett. Masaya na siya sa piling namin.”Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Georgina na ikinagalit lalo ni Celeste batay sa pagdilim ng mukha nito. Ibang-iba ang hitsura nito ngayon sa hitsura kapag may ibang taong kaharap, lalo na si Rhett. Pero alam ni Georgina na ito ang totoong mukha ng babae at hindi ang mapagkunwaring inosente at mabait. Mahina siyang napatawa saka nilakumos ang ginamit na tisyu at tinapon iyon sa basurahan na parang bola ng basketball at tantsadong pumasok iyon. “Miss Farrington,” mahinang tawag niya saka umikot para humarap dito habang nakasandal sa lababo. “Bakit sa tingin ko ang sinabi mo ay patungkol sa iyong sarili? Hindi ba at ginamit mo ang anak mong si Santino para mapalapit
“Georgie! Hindi ko akalaing mami-meet ka namin dito! Isn’t it a coincidence?” Mapaklang ngumiti si Georgina sa tanong ni Celeste. “Hmm… siguro,” balewalang sagot niya. “Bakit nga pala kayo magkasama ni Duncan?”Imbes na si Georgina ang sumagot ay si Duncan ang nagsalita. “Your brother promoted her to be the manager of the sales department. I am just showing her the distribution store and looking at what's on the market.”Ang totoo ay kinabahan si Georgina sa maaring isagot ng damuhong si Duncan pero nagpapasalamat siya ng sa huli ay naging sensible din pala ito. Buong sandali ay hindi niya tiningnan si Rhett. Magmula nang makita niya ang malungkot pero galit nitong reaksyon kagabi ay hindi na siya pinatulog ng kanyang konsensya. “That’s a sign for a celebration!” Celeste chimed. “Tamang-tama dahil papunta na rin kami ngayon sa restaurant para kumain. Bakit hindi niyo kami samahan?” Tumingin pa ito kay Rhett bilang paghingi ng permiso pero walang ekspresyon sa mukha ng lalaki. Hinay
“Manager?” mahina siyang napatawa. Matalim ang matang sinulyapan niya si Duncan na ala niyang dahilan kung bakit na-promote siya ni Fredrick sa trabaho. Ano’ng laro ang gusto ng mga ito?Hindi kailangan ni Georgina ang promotion. Hindi rin maari na mapalayo siya kay Fredrick dahil magiging limitado ang pagkakataon para makakuha siya ng impormasyon tungkol sa kanyang ina. Habang umiikot ang isip niya para makaisip nng idadahilan ay may matagumpay naman na ngiti sa labi si Duncan habang sumisimsim ng kape. “Kung wala ka nang ibang sasabihin ay makakalabas ka na. Ihahatid ka ni Nolan sa magiging opisina mo as the manager of the sales department.”Napanganga si Georgina. Ni hindi na siya binigyan nito ng pagkakatapon na makapagrason at agad-agad na itong nagdesisyon. Porke ba ito ang boss ay aalilain na talaga siya nito? Hindi pa ito nakuntento sa ginawa nito kagabi at talagang pinapahirapan siya ngayon. Kuhh… kung talagang magkaroon ng pagkakataon na makilala siya ni Fredrick bilang ka
Pagkapasok na pagkapasok ni Tony sa loob ng penthouse ay agad na bumungad sa paningin niya si Rhett na nakaupo sa salas at ang hindi maipintang mukha ni Georgina. Muling bumalik ang tingin niya kay Rhett at nagkasukatan sila ng tingin. ‘Bakit nandito ito? Ang akala ko ba ay ayaw siyang makita ni Georgina?’ tanong niya sa isip. Dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari ay muli niyang ibinalik ang nagtatakang tingin sa kanyang boss at lihim itong tinanong. Nilingon ni Georgina si Tony at pinandilatan ng mata pero nginitian lang siya nito at matapos hubarin ang suot na sapatos ay dumiretso ito sa kusina para maghugas ng kamay at kumuha ng tubig bago bumalik sa kanila sa salas. “Siya ang asawa mo? Bakit tinawag ka niyang boss?” “Hmm…” Georgina hummed as an answer and glanced at Rhett. Mahina ang boses niya pero alam niyang narinig siya ng kaharap. Hindi na niya kailangang i-deny ang set-up nila ni Tony para hindi nito malaman kung ano talaga ang relasyon niya sa Geo’s group. Pe
Natameme si Georgina sa sinabi ni Rhett pero hindi niya ito sinunod. Hindi niya sinagot ang tawag at mabilis na pinindot ang cancel button saka iniwas ang tingin kay Rhett. Sigurado siya na si Tony ang tumatawag at pinrank siya. Hindi niya alam kung kailan nito pinakialaman ang cellphone niya pero gusto niya itong kutusan kapag makita niya. “Takot ka bang malaman ng bago mong asawa na kasama mo ang dati mong asawa?” Nabigla si Georgina sa tanong ni Rhett. Bagong asawa? Dating asawa? Bakit kung ano-ano na naman ang pinag-iisip ng lalaking ito? Pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sarkasmo sa boses nito. Is he jealous?“Sino siya? Kailan ka nagpakasal?” malamig pa sa niyebe ng Antartica ang boses ni Rhett nang muling magsalita. Kalmado man ito ay ramdam niya ang pigil nitong galit. Hindi alam ni Georgina ang isasagot. Tumikhim siya upang alisin ang bara sa lalamunan at sinakyan ang prank ni Tony. “Mr. Castaneda, sa tingin ko ho ay wala na kayong pakialam sa personal na buhay k
Mabilis na itinulak ni Georgina si Rhett upang hindi na magtagal ang kanilang halikan. Nanabik man siya sa labi nito ay alam pa rin niyang hindi puwede dahil may iba na ito. “Mr. Castaneda shouldn’t do that,” saway niya sa mahinang boses. Kahit sinong makarinig niyon ay iisipin ng mga itong gusto niya ang ginawang paghalik nito.Madilim ang mukha ni Rhett dahil sa ginawa niyang pagtulak dito. Mabuti na lang at kanina pa itinaas ng assistant ang partition ng kotse kaya hindi nakikita ng mga ito kung ano ang ginagawa nila. “Do what? Kissing you? Hindi ba at ginagawa iyon ng mag-asawa?” “We are not Husband and wife anymore. Kapag marinig ito ng nanay ng anak mo ay sigurado akong magagalit iyon.”Tumahimik si Rhett pero hindi inalis ang matiim na pagkakatingin sa kanya. Bumalik na rin ito sa dati nitong puwesto at ikinabit muli ang seatbelt. Ramdam ni Georgina na pinipigilan nito ang galit dahil na rin sa ilang beses nitong pagtagis ng bagang at pagbuga ng mararahas na hininga. Makaraa
“Papa?” mahina ang boses na tawag ni Santino. Nang marinig ang sinabi ni Santino ay malakas na singhap ang narinig mula sa mga tao. Hindi makapaniwala ang mga ito na ang bali-balitang may anak na sina Rhett at Celeste, ang couple na hinahangaan ng lahat, ay totoo pala. “Iyan na ba ang anak nila? He is cute!”Habang nagkakasayahan ang lahat sa galak dahil sa nakita na nila ang anak nina Celesta at Rhett si Georgina naman ay tahimik na umalis. Walang ibang nakapansin sa kanya kundi si Fredrick na agad siyang nilapitan at si Duncan na hindi inalis ang tingin sa kanya hanggang sa makalabas siya ng bulwagan. Pero si Rhett… ay walang ibang ginawa kundi ang i-entertain si Celeste at Santino. “Duncan, pare. Hindi talaga maalis ang tingin mo kay Georgina, huh? Talaga bang interesado ka na sa kanya?”Tumaas ang sulok ng labi ni Duncan sa tanong ni Archer na tulad niya ay nakatingin din sa pintong nilabasan ni Georgina. Nilingon niya ang kaibigan. “Bakit naman hindi?” Nawala ang ngisi sa la