Ginawa ni Georgina ang lahat para makawala sa pagkakahawak ng lalaki pero malakas ito. Dahil sa matangkad ito at matipuno ang katawan ay parang langgam lamang siya kumpara sa isang elepante. Kahit nagsisisigaw siya upang kunin ang atensyon ng mga dumaraan ay walang pakialam sa kanya ang lalaki at pabagsak siya nitong ipinasok sa loob bago ito sumunod para masiguradong hindi siya makatakas.
“Start the car.” Mawtoridad na utos nito sa driver na kaagad namang tumalima. Kahit hindi ito tumingin kay Georgina ay ramdam na ramdam ng dalaga kung gaano kalamig ang emosyon sa mga mata nito nang marinig ang matigas nitong boses. Nang umandar ang sasakyan ay sumunod ang mga tauhan ng lalaki. Ilang kotse rin ang nakasunod sa kanila kaya lalong nagduda si Georgina na miyembro ng isang mafia ang katabi niya. May alam siya sa self-defense, kaya niyang makipaglaban, pero matagal na niyang kinalimutan ang gawaing iyon dahil nagbibigay iyon nang masakit na alala sa kanya. “Saan mo ako dadalhin? Buksan mo ang pinto, bababa ako. Hindi tama ‘tong ginagawa mo, kidnaping ‘to!” Walang tigil ang bunganga ni Georgina habang niraratrat ang katabi. Sinubukan niyang buksan ang pinto kahit pa umaandar iyon pero hindi iyon bumukas dahil naka-lock at driver lang ang may access. “Kung hindi mo ‘to bubuksan, sisirain ko ang bintana at tatalon ako.” Yes, she was talking nonsense but was desperate to get out of the car. Nilingon siya ng lalaki at binigyan nang malamig na tingin. “Gusto mo bang i-tape ko ‘yang bibig mo para tumahimik ka?” Biglang naisara ni Georgina ang bibig at tumahimik. Lalong lumalakas ang hinala niya na miyembro ng mafia ang lalaki. Hindi lang basta miyembro, baka lider pa ito lalo na at narinig niya kanina ang isa sa tauhan nito na tinatawag itong boss. Nang hindi na siya nagsasalita ay muli siyang tinitigan nang matalim ng lalaki bago nito ibinalik ang tingin sa daan. Pero paano kakayanin ni Georgina ang katahimikan? Hindi siya sanay kaya muli siyang nagtatatalak at ininda ang matalim na tingin na ipinukol sa kanya ng lalaki. “Hindi ako titigil sa pagsasalita hanggang marindi ‘yang tainga mo at ibaba mo ako sa sasakyang ito!” pagpupumilit niya. Hindi siya pinansin ng lalaki bagkus ay kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. Inignora siya nito na para ba isa siyang agiw na anumang oras ay liliparin ng hangin. Naiinis na bumuga ng hangin si Georgina at naikamot ang daliri sa buhok habang naiiritang nilingon ang lalaki. “Sinabi ko nang buksan mo ang pinto at bababa ako!” She insisted and waited. Hindi niya napansin na dahil sa pinagpawisan siya kanina, ang make-up na ginamit bilang bulutong ay unti-unting natutunaw at dumaloy iyon pababa sa kanyang pisngi, kaya nang humarap sa kanya ang lalaki ay nagulat ito at napamura. “Fuck! What the fuck!” Hindi maintindihan ni Georgina kung bakit ganoon na lang ang gulat ng lalaki pero malakas siyang napahagalpak ng tawa dahil sa nakakatawang ekspresyon nito. “What's with you?” tanong niya sa englis na may british accent. Alam niyang nakakatawa ang hitsura niya pero mas nakakatawa ang reaksyon ng lalaki. Naiinis siyang tinalikuran ng lalaki at nagsalita pero ang driver ang kinausap nito. “Unlock the door and let this woman jump out of the car, but don't stop driving. Let her do what she wants!” Napangisi si Georgina nang makita ang asar-talong mukha ng lalaki at tumingin sa labas ng bintana. Sa isang boss ng mafia na katulad ng katabi ay hindi ito ganoon kabrutal tulad ng mga naeengkwentro niya noong nasa trabaho pa siya. Nakita niya sa sulok ng kanyang mata na kinausap ng lalaki ang driver. Nang marinig niya ang pag-click sa lock ng pinto at tumingin sa salamin sa harap ay nagkasalubong ang mata nila ng driver. Binawi niya ang tingin ang tingin at muling sinulyapan ang lalaking katabi pero hindi ito nakatingin sa kanya. Hinayaan niya ito at mabilis na tinanggal ang suot na seatbelt, mabuti na lang at hindi siya nito pinosasan. Lumawak ang pagkakangisi niya saka mabilis na binuksan ang pinto at tumalon kahit umaandar pa ang kotse. Ang akala niya ay nagtagumpay na siya pero muli na naman siyang napigilan ng lalaki na dumukwang at niyakap siya sa beywang saka binuhat at pinaupo sa kandungan nito bago isinuot ang seatbelt kasama ang katawan niya. Mabilis namang inihinto ng driver ang kotse at bumaba upang isara ang pinto bago nagpatuloy sa pagmamaneho. “Are you trying to get yourself killed, woman?” may inis sa boses na sigaw nito sa harap ni Georgina. Bumubuga sa mukha niya ang mabangong hininga nito dahil gasino lang ang pagitan nila. “Ang sabi mo tatalon ako, e sinunod lang naman kita,” nang-aasar na sagot niya na lalong ikinagalit ng lalaki. Naningkit ang mata nito habang habol ang hininga sa galit. “Kapag inulit mo pa ‘yun ay hindi mo na makikita ang liwanag ng araw,” banta nito. Inirolyo niya ang mga mata bago ito sinagot. “Tinatakot mo ba ako?” Tumaas ang sulok ng labi nito bago hinigpitan ang pagkakayakap sa beywang niya. “Tinatakot? Sa tingin mo sapat ang salita ko para takutin kita? Itanim mo sa kukute mo na mas ito ang nakakatakot.” Bahagya itong gumalaw at nanlaki ang mata ni Georgina nang matuklasan kung saan nakasentro ang upo niya. “Bastos!” Nagsisisigaw na pinagsusuntok niya ito sa dibdib. “Bitiwan mo ako, ano ba!” Pero hindi siya pinakinggan ng lalaki. At kahit naramdaman ng dalaga ang matigas na ugat nito sa ilalim niya ay hindi siya nito pinaalis sa pagkakaupo sa hita nito bagkus ay kinuha nito ang posas mula sa kung saan saka pinosasan ang isa niyang kamay ang ang kamay nito. Napamaang si Georgina sa nakita at wala na siyang nagawa dahil hanggang pagbaba ng sasakyan ay nakaposas ang kamay nila ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikilala. Sa isang hotel siya dinala ng lalaki at habang naglalakad ay sari-saring senaryo na ang bumubuo sa isip niya kung paano takasan ang lalaki ngunit imbes na dalhin siya nito sa kuwarto ay sa banquet hall siya nito dinala. Nang makapasok nga sila ay nakakalulang dekorasyon ang bumungad sa kanya. Marami rin ang tao sa loob na pawang nakasuot ng suits at gowns. Napatingin si Georgina sa sarili at nanliit pero hindi pa rin niya maintindihan kung bakit siya dinala dito. Umugong ang bulungan at pati ang malumanay na musika ay huminto dahil sa biglang pagpasok nilang dalawa. Hindi kaya ia-auction siya nito para sa malaking halaga? Hindi ba iyon ang karamihan sa mga mafia? Dire-diretso ang lakad nila hanggang makarating sila sa stage kung saan inabutan ng emcee ng microphone ang lalaki na agad naman nitong kinuha. “Maraming salamat sa pagpunta. Ngayong gabi ay nais kong ipakilala sa inyo ang babaeng aking pakakasalan.” Pagkasabi niyon ay humarap sa kanya ang lalaki at binigyan siya ng pekeng ngiti bago isinuot ang diamond ring sa kanyang daliri. Para iyong isinukat dahil tamang-tama ang sukat para sa kanya. Habang si Georgina ay nanlalaki ang mata at hindi makapaniwalang nakatingin dito. Babaeng pakakasalan? Ano ‘to?Lalong lumakas ang ugong sa buong paligid dahil sa sinabi ni Rhett. Ngunit wala siyang pakialam kung ano man ang hitsura ng babaeng nakuha niya. Ang mahalaga ay may maipakilala siya sa madla na babaeng papakasalan tulad ng hiling ng kanyang lolo. Kung hindi lang ito nagpumilit at kung hindi siya nag-aalala sa kalagayan nito ay suntok pa sa buwan na magpapakasal siya. Ibinalik niya sa emcee ang mikropono saka hinawakan ang babae sa braso na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang pangalan saka ito inalalayan pababa ng stage. Nang makapunta sila sa mesa at makaupo ay pinaupo niya ito sa kanyang tabi at dumukwang upang bumulong sa tainga nito. “Tell me your name,” utos niya. Hindi siya umalis hangga’t hindi ito sumasagot pero ang nakaagaw sa pansin niya ay ang mabangong perfume na gamit nito. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang amoy dahil produkto niya iyon at alam niya kung magkano ang presyo ng perfume na gamit nito. It was worth thousands. Ang perfume na ito ay ang bagong collection
Umaga na nang makauwi si Georgina dahil tumuloy siya sa kalapit na hotel upang iwasan ang mga taong humahabol sa kanya. Ang buong akala niya ay payapa na siya pag-uwi pero hindi pala dahil ang kanyang madrasta ang sumalubong sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa gate ng mansyon nila. “Napaka-ingrata! Pinahiya mo na naman ako sa kaibigan ko at hindi ka nakipag-date sa kanya?” Malakas na sampal ang kasunod niyon na nagpabiling sa mukha ni Georgina.“Ingrata? Date? Bakit kaya hindi ikaw ang makipag-date sa matandang ulupong na ‘yon?” Nakaangat ang isang kilay na sagot niya. Mapang-asar ang tono ng boses niya pero ang mata niya ay matalim na nakatingin dito. Hinaplos niya ang pisngi na nasampal nito upang tanggalin ang sakit habang pinipigilan ang sarili na huwag itong patulan. Baka hindi niya mapigilan at mabugbog niya ito nang husto na matagal na niyang gustong gawin. “Pasalamat ka at may lalaki pang gustong makipagkita sa ‘yo. Ano pa bang gusto mo at lahat na lang ng n
Limang araw ang matuling lumipas at dumating na nga ang araw na ‘magpapakasal’ kuno si Pia. Habang abala sa paghahanda ang mga tao sa mansyon, si Georgina naman ay nakahilata pa rin sa kama habang naglalaro sa kanyang cellphone. Pero hindi nakatiis ay lumabas siya ng kuwarto at tumambay sa veranda. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang mga tao na abala sa pabalik-balik habang may ginagawang kung ano-ano. Nang tumingin siya sa labas ng gate ay nakita niyang muli ang ilang sasakyang nakahilira na tila ba inihatid ang presidente ng Pilipinas.Hindi nagkaroon ng kaunting interes si Georgina kaya napagpasyahan niyang bumalik sa loob. Akmang tatalikod siya at papasok nang mahagip ng kanyang mata ang ikalawang kotse na nakaparada sa labas ng gate na unti-unting bumaba ang bintana at lumitaw ang guwapong mukha ni Rhett. Nakasuot ito nang salamin kaya hindi niya alam kung sa kanya nakatingin pero nakita niya kung paano tumaas ang sulok ng labi nito. Kaagad na nagbago ang ekspresyo
Gustong katusan ni Georgina ang sarili dahil hindi na naman siya nakahuma habang akay-akay ni Rhett. Wala siyang ideya kung saan siya nito dadalhin at wala ring silbi ang kakulitan niya sa pagtatanong dahil buong biyahe ay tahimik ang lalaki at hindi pinansin ang pagmamaldita niya. Tatlumpong minuto ang nakalipas bago tuluyang huminto ang sasakyan sa harap ng isang magarang mansyon na may limang palapag. Sa sobrang lawak niyon ay hindi alam ni Georgina kung mansyon o palasyo ang nasa harapan niya. Bumaba siya ng kotse pagkahinto niyon at namamanghang pinagmasdan ang malapalasyong mansyon. “Dito ka nakatira?” nanlalaki pa rin ang matang tanong niya kay Rhett. Alam niyang mayaman ang lalaki pero hindi niya akalain na ganito kayaman. Kung tama nga ang hinala niya ay hindi lang perfume ang negosyo ng lalaki. Tinapunan siya nang hindi makapaniwalang tingin ni Rhett. “Kung hindi dito, saan?” nakahalukipkip na tanong nito habang nakataas ang isang kilay.Inirolyo ni Georgina ang mata. “Na
Nang marinig ni Georgina ang sinabi ng ‘asawa’ ay kaagad na naningkit ang kanyang mata. Inilagay niya ang magkabilang braso sa harap ng dibdib upang harangin ang papalapit na katawan nito. “Wala sa usapan natin ‘to,” matigas na anas ni Georgina habang patuloy sa pagharang ang dalawang braso sa dibdib upang hindi makalapit ang mukha ng lalaki. Malakas ito pero kaya niya itong labanan. Hindi man siya aktibo ngayon sa dating trabaho ay hindi naman niya hinahayaan na basta na lang mawawala ang natutunan.“Wala akong sinabing hindi puwede. Mag-asawa tayo at katungkulan mo ang pagbigyan ang pangangailangan ko,” Rhett teases. May nakakalokong ngiti sa mata nito habang ang mukha ay pilit na ibinaba sa kanya nang paunti-unti. Georgina was not scared. Nilabanan niya nang mas nakakalokong ngisi si Rhett saka iniyakap ang dalawang paa sa baywang ng lalaki, at mahigpit na niyakap ang braso sa leeg nito saka mabilis na inikot ang katawan nilang dalawa. Ngayon ay nakapaibabaw na siya rito. “Saa
Chapter:Mapaklang napangiti si Georgina. Ito ang iniiwasan niya sa lahat, ang magkaroon ng kaaway sa bahay ng ibang tao pero tila hindi siya gustong patahimikin at bigyan ng kapayapaan dahil unang araw pa lang ay may gusto na agad sumubok ng kanyang pasensya. Matapos ang hagikhik na narinig ni Georgina ay sinundan iyon ng nang-uuyam na boses mula sa kanyang likuran. “Sa tingin mo may karapatan kang tumira sa pamamahay namin? Eh, ano ngayon kung ikaw ang asawa ng kapatid ko? Hindi ka pa rin nararapat dahil isa ka lang basura na pinulot ng kapatid ko sa isang tabi. Ni hindi ko nga kilala kung saang pamilya ka nanggaling. Hindi ako makapaghintay na pulutin ka sa kangkungan kapag pinalayas ka rito.”Kinalma ni Georgina ang sarili. Nakahanda na sana siya na patulan ito, pero nang marinig na binanggit nito ang salitang kuya ay binura niya ang ideyang patulan ito. Kalmado ang mukha at nakahanda ang pekeng ngiti niya nang humarap siya rito. Basang-basa ang buo niyang katawan at dahil bukas
Dahil walang ibang damit na masuot ay walang nagawa si Georgina kundi ang lumabas ng bahay na nakasuot ng polo at boxer ni Rhett. Hanggang hita lang ang haba niyon kaya kitang-kita ang mahaba at mapuputi niyang legs. Wala rin siya suot na bra kaya nang lumabas siya ng kuwarto ni Rhett at bumaba sa salas ay pinagtitinginan siya ng mga kasambahay pero nakataas ang noong nilampasan at hindi pinansin ang mga ito. Napaikot na lang ang kanyang mata nang marinig ang bulungan ng mga ito. Naghihintay na sa kotse sa labas ng gate si Kraven, ang dati niyang kasamahan sa trabaho. Kung hitsura lang ang pag-uusapan ay dumugin din ito ng kababaihan pero iba ang karisma nito keysa sa asawa niya. Kung si Rhett ay yung tipong malamig at suplado, si Kraven naman ay happy-go-lucky. Wala itong ibang hilig kundi makipag-sex, mapababae man o lalaki. Kaya nang makita siya nitong sa kapiranggot na suot ay napasipol ito. “Damn, so hot!” nakangising tukso nito nang makapasok siya sa backseat. “Scram! Nasaan
“Team leader, paano nangyaring nawala ang mga files? Paano ang PPT(powerpoint presentation) na pinaghirapan natin?” Binalingan ni Georgina ang team leader na ka-close niya sa trabaho dahil ito ang tanging tumulong sa kanya habang nangangapa pa siya sa trabaho. Naisuklay niya ang daliri sa medyo basa pang buhok habang nakapameywang ang isang kamay. Kung titingnan si Georgina ng mga taong hindi nakakilala sa kanya ay iisipin ng mga ito na siya ang boss ng kumpanya dahil sa postura niya. Dahil sa matangkad siya, kahit ano’ng istilo ng damit ay naayon sa kanya. Hindi lang ‘yon. Lumulutang ang ganda niya sa ibang mga empleyado kaya marami ang naiinggit sa kanya, lalo na ang pamangkin ng team manager nila na kapareho niyang nasa probationary period. Umiling si Divine, ang team leader, saka walang buhay na napaupo sa upuan nito habang ang kanilang team manager ay patuloy pa rin sa matalas na pagtingin sa kanya. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Georgie. Kailangan na ang PPT ngayon dahil p
“Bakit naman sambakol ang mukha mo? Sino na naman ang nang-away sa beauty ng CSS, huh?” nanunudyong salubong sa kanya ni Kraven nang makarating siya sa isang abandonang building na pagtatagpuan nila. Bukod kay Kraven ay naroon din si Tony at ang apprentice ni Rick na si Benedetta. Kung titingnan ang tatlo ay para ang mga itong magkakarera dahil sa mga sports car na gamit ng mga ito at si Georgina ang tagabitbit ng flag dahil siya lang ang nag-iisang sakay ng taxi. “That annoying husband of mine. Gustong i-extend ang kasal namin. Ano ‘yun kontrata sa trabaho na puwedeng i-extend kung kailan mo gusto?” Nagpapadyak sa inis na reklamo niya saka lumapit kay Tony na nakasandal sa kotse nito, este sa kotse niya. Dahil ang kotseng gamit nito ay ang kanyang apple green McLaren GT. Hindi ito ang nag-iisang sportscar niya kaya hinayaan niya si Tony na gamitin iyon keysa matengga lang sa apartment niya at hindi naman nagagamit hangga’t nasa poder siya ni Rhett. Iniabot sa kanya ni Tony ang sus
“Who are you chatting with na kahit nasa tabi mo na ako ay hindi mo pa rin alam?”Napapitlag si Georgina dahil sa tanong ni Rhett na nasa tabi lang niya habang paakyat sila ng maliit na flatform. Hindi siya agad nakasagot at bigla siyang napatigil sa paglalakad kaya naman inilahad ng asawa ang palad upang alalayan siya. The whole place went silent. Lahat ng atensyon ay nakatutok sa kanila, lalo na ang mga babae niyang kaklase na ang mata ay halos hindi tanggalin kay Rhett. Georgina tried to compose herself and, fortunately, she got back into her real self before taking Rhett’s hand and letting him lead her on stage. Nang makaakyat sila ay walang nakuhang sagot mula sa kanya si Rhett pero nababasa ni Georgina sa mga mata na hidi pa rin nawawala ang kuryosidad nito kahit nakangiti pa itong nakatingin sa mga taong nanonood.Hindi pa sila nakakalapit sa microphone nang biglang yumuko si Rhett at may iinulong sa tainga niya. “You haven’t answered me yet, my wife. Sino ang ka-chat mo? Ta
Ilang araw matapos ang insidente sa exhibit gallery ni Duncan at tuluyan nang umayos ang pakiramdam ni Georgina. Ngayong araw ay nakatakda siyang pumunta sa kanyang opisina upang bisitahin ang negosyo ngunit nagpumilit si Rhett na ihatid siya. Naghihinala ito na baka kung saan na naman siya pupunta. “Wala ka bang tiwala sa asawa mo?” nanunudyong tanong niya kay Rhett. Kinuha niya ang pabilog at makapal na antipara na nakapatong sa mesa katabi ng kama at isinuot iyon. Matapos suklayin ang lampas balikat na buhok ay ipinuyod niya iyon sa kalahati. She was wearing tight jeans and a loose t-shirt. Pero kahit ganoon ay nakikita pa rin ang magandang hubog ng kanyang katawan. Habang nakatitig sa full-length mirror ay napansin niya sa repleksyon si Rhett na titig na titig sa kanya. Umangat ang kilay niya at saka lang ito nagsalita. “May tiwala o wala, nakakarating pa rin sa akin ang balita na may lalaki kang kinakatagpo. Hmm…” Naglakad ito at huminto sa likuran niya saka hinawakan siya sa
“Lola Rhea? Nandito rin po kayo?” muling tanong ni Georgina kay lola Rhea. Hindi niya akalain na makikita ito rito. And it dawned on her. Magkakasama ang mga taong may galit sa kanya at inanyayaan pa ng mga ito si Lola Rhea. “Georgina. Huwag ka nang magmalinis. Kitang-kita ng mga mata namin kung paano ka nakipaglandian sa ibang lalaki habang wala si kuya.” Dinuro siya ni Rizza. There was a smug look on her face as if she already had won the battle. “Huwag mo nang tawaging lola ang lola ko dahil hindi na belong sa pamilya namin ang isang haliparot na katulad mo.”Sinundan pa iyon ng nang-uuyam na boses ni Jerome na nakisali na rin sa usapan. “Huling-huli ka na sa akto, babae. Wala ka nang kawala.”Dahil sa mga patutsada ng dalawa ay lalong nakaramdam ng pananakit ng tiyan si Georgina na umakyat sa kanyang ulo kaya bigla siyang nahilo. Wala siyang lakas para makipagtalo sa dalawa. Mabuti na lang hindi na niya kinailangan magsalita dahil si Duncan ang nagsalita.“Nandito pala kayo, lola
“Bakit, ano’ng kailangan mo at napatawag ka?” iritado ang boses ni Rizza nang sagutin ang cellphone. Hindi siya makapaniwala na tinawagan siya ni Jerome nang wala sa oras. “Rizza, sinasabi ko sa ‘yo. Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.”Naikot niya ang mata sa patutsada ni Jerome. “Ano na naman ‘to?” marahas siyang bumuga ng hangin at patamad na humiga sa sunlounger upang hayaan ang katulong na masahiin ang balikat niya. Sumimsim siya ng orange juice bago nagsalita. “Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Bakit ba kailangan mo pang magpaligoy-ligoy? Para kang bata.”“Oo na, sige na. Ako na ang bata. Anyways, alam mo ba kung sino ang sinusundan ko ngayon? Ang asawa ng kapatid mo.”Natigil ang pagsimsim ni Rizza mula sa iniinom na orange juice nang marinig ang sinabi ni Jerome. Base sa excitement na nabasa sa boses ng lalaki ay nahihinuha niyang may maganda itong ibabalita sa kanya. “Sabihin mo na kung ano at ‘wag mo akong binibitin.”“Bilisan mo at pumunta ka sa gallery ni kuya Dunca
Habang nasa daan pauwi sa bahay ni Rhett ay nakatanggap ng text message si Georgina galing sa hindi kilalang numero. Kalakip niyon ay ang litrato niya at ni Rhett na magkasamang papasok ng restawran na pinanggalingan nila. Napangisi siya. ‘Someone is bringing trouble for me, huh,’ bulong niya sa sarili. Dahil nakatuon ang pansin niya sa cellphone ay hindi niya napansin na nakatitig pala sa kanya si Rhett. Nang makita siya nitong nakangisi habang nakatingin sa cellphone ay dumilim ang mukha nito. “What? Does your man make you happier than being with me?” Napapitlag si Georgina nang marinig ang malamig na boses ni Rhett at nawala ang ngisi na nakapaskil sa labi. Ang maganda niyang mukha ay nangulubot nang nilingon ang asawa. “Oo, bakit may reklamo ka?” pang-aasar niya. Lalong dumilim ang mukha ni Rhett at tumalim ang mata. Tinalikuran siya nito at hanggang makarating sila sa bahay ay hindi na ito umimik. Binalewala iyon ni Georgina. Wala siyang ideya kung bakit galit na naman ito.
Imbes na matakot dahil sa pinakita ni Jerome ay napaismid lang si Georgina. Alam niyang malinis ang konsensya niya at kung ano man ang dahilan kung bakit napapunta sa kanya ang relo ay kanyang aalamin. “Ano ngayon ang masasabi mo, babae? Isa kang magnanakaw. Sa tingin mo ba ay worthy kang maging asawa ni Kuya Rhett?” Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Sheynon. “Huh! Georgi, talagang ikaw ang kumuha ng relo ko?”Nanatiling kalmado ang mukha ni Georgina kahit pinagtitinginan na siya ng ibang kustomer. At kahit pinagtutulungan na siya nina Jerome at Sheynon ay hindi siya nagpakita ng takot.Relax ang mukha na tiningnan niya si Sheynon. “Sigurado ka ba d’yan sa sinasabi mo, Sheynon? Sigurado kang kinuha ko ang relo mo a sinadya mong ilagay ‘yan sa akin para i-frame up ako? Ikaw ang nakakaalam ng katutuhanan, Sheynon. Kaya ba ng konsensya mo ang pinanggagawa mo?”Inosenteng tumingin sa kanya si Sheynon at sumagot. “Wala akong alam sa sinasabi mo, Georgi. Bakit ko naman ipapahiya a
“Georgina… ikaw na talaga. The best of all!” biglang komento ni Nathalia. Nagsisimula na silang kumain at pati si Rhett ay tila nagustuhan na rin ang pagkain. Pansit pares ang kinakain nito samantalang si Georgina ay umorder ng bulalo para sa sarili pero halos si Rhett na rin ang umubos niyon dahil nagustuhan nito. “Ikaw lang ang nag-iisang babaeng nagpakain kay tito sa isang paresan!”Napangisi si Georgina saka sinulyapan si Rhett na hindi pa rin maipinta ang mukha dahil sa hindi ito komportable at naiinitan sa loob. “The best?” biglang sabad ni Jerome. Nakataas ang kilay nito at puno nang pagmamalaking nagsalita. “Mas the best si ‘G’. kung hindi mo siya kilala ay siya lang naman ang isa sa pinakakilalang hacker sa buong mundo. Balang araw ay siya ay aasawahin ko at ibibigay ko lahat ng gusto niya para hindi niya ako iwan!”“Cough!” Napaubo si Georgina at nasamid sa tubig na iniinom nang marinig ang sinabi ni Jerome. Sa sobrang pagkagulat niya ay nanikip ang dibdib niya sa walang ti
Nakagat ni Georgina ang labi sa pagkadismaya. Sa tuwing kakausapin niya ang ama tungkol sa kanyang ina ay ganito ang lagi nitong sinasabi o kaya ai iniiba nito ang usapan. Malakas ang kutob niya na may sikretong tinatago ang ama sa kanya!Kahit bata pa nang huli niyang makita ang ina ay hindi niya inisip na isa itong kabet dahil napakabait nito at wala sa awra nito na kaya nitong mang-agaw ng lalaking may pamilya na. “Sige, pa,” paalam niya, puno ng lungkot ang boses dahil sa muli ay bigo na naman siyang makakuha ng impormasyon tungkol sa kanyang ina. Iniwan niya ang painting na binigay ni Rhett sa kanyang ama at hinayaan iyon sa pangangalaga nito. Pagkatapos nu’n ay dire-diretso siyang lumabas ng bahay. Hindi siya nag-aalala na baka may gawing masama ang mag-ina sa painting ng kanyang ina dahil ramdam niya na may pagtingin pa ang kanyang ama sa kanyang ina. Habang naghihintay ng bus sa bus stop na malapit sa bahay nila ay isang itim na maybach ang huminto sa tapat niya. Napangang