Share

Chapter 1: Marriage

"Once you sign the paper, you are already bound by him. There’s no escape, only death." Naiinip na kinuha ko ang ballpen para permahan ang papeles para maging legal ang lahat.

‘Para sa pang-ospital ng kapatid ko, lahat ay gagawin ko,’ ang siyang laging tumatatak sa isipan ko. Indeed I am bound by him.

“Congratulations Lorelay, you are an officially wife to Mr.Shein,” ang mga katagang sabi ni mayor na hindi ko magawang e selebra. Araw ng kasal ko sa lalaking hindi ko kilala. Kinasal ako sa lalaking sinasabi ng iba na isang matandang hukluban na nakatira sa haunted mansion.

“Wala kang dapat na ipag-aalala dahil sagot na ni Mr. Shein ang bayad sa ospital ng kapatid mo.” Huling sinabi nito bago umalis.

“Bes, tama ba kaya itong desisyon mo sa buhay?” tanong ng kaibigan ko na si Shiela. Tama ba kaya itong desisyon ko sa buhay? Ang sagot ay hindi ko rin alam.

Ang importante sa ‘kin ngayon ay ma operahan ang kapatid kong may sakit.

“Oh ready na ang mga maleta mo. Kailan ka ba aalis mamaya?” nang mapatingin ako sa maleta na hawak ko ay parang gusto ko na lang bawiin ang marriage contract na pinermahan ko kanina.

Paanong asawa na ‘ko ng lalaking hindi ko kilala? Mabuti sana kung bata at mabait, ang rinig rinig ko pa naman ay isang matandang hukluban na raw ito. Patay na ako nito.

“Bes, bakit ako pumayag?” naiiyak na tanong ko sa best friend ko.

“Dahil wala ka ng pera bes at kailangan mo ng kalahating milyon pampa-opera sa kapatid mo.” Napabuntong hininga ako. Jusko! Anong gagawin ko ngayon?

“Sige na bes, iwan na muna kita at pupuntahan ko muna si nanay para sabihing aalis na ‘ko,”

“Sige. Ingat ka bes,” tumango ako at agad na umalis.

Agad akong pumunta ng hospital para puntahan si inay at ang kapatid ko. Nang makarating ako doon ay nakita kong nililipat na si Dave, ang bunso namin sa OR.

“'Nay, kamusta na?”

“Anak, may nagbayad na raw nang pang opera sa kapatid mo, sa ‘yo ba galing ‘yon? saan ka kumuha ng pera?”

“Nay humingi po ako ng advanced payment sa amo ko po kaya mamaya ay dapat na ‘kong umalis.” Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil kailangan kong magsinungaling kay inay.

Alam kong hindi niya 'ko papayagan sa desisyon ko na pumayag bilang asawa ni Ho Shein. Wala akong ibang choice kun’di gawin ito.

“Ganoon ba anak? Mag-iingat ka kung ganoon,” aniya.

“Sige po 'nay. Huwag niyo pong pababayaan ang sarili niyo at mag-iingat po kayo lagi ni Dave.”

Niyakap ko si nanay nang mahigpit dahil hindi ko na alam kung makakabalik pa ba ako sa kanila. Aaminin kong natatakot ako pero wala nang atrasan ito.

Agad akong bumalik sa bahay para kunin ang mga maleta ko. Ang usapan namin ni Mayor Gacus na kukunin ako ng mga tauhan ni Mr. Shein sa bahay mga bandang alas siete ng gabi.

Six thirty na kaya maya-maya ay darating na sila.

“Bes, tawagan mo lang ulit ako kung isang drug dealer o mafia boss ‘yang napangasawa mo at magtatawag ako ng abogado para e annul yung kasal niyo,” drug dealer? Mafia boss?

Paano kung isang drug dealer na isang matandang hukluban nga si Mr. Shein? Paano na ‘ko?

Pero paano pag isang mafia boss pala siya na isa ring matandang hukluban? Lagot ako!

Pero paano pag isang matandang hukluban lang?

“Bes nakikinig ka-“

“Bes tama na, nag o-overthink ako dahil sa ‘yo.”

Nag sign pa siya ng zip sa bibig niya habang heto ako at kinakabahan sa sinabi niya dahil paano nga kung totoo ‘yong sinasabi niya?

Napapitlag ako nang marinig ang busina ng sasakyan sa labas ng bahay namin. Pumasok ang mga men in black suit at walang pasabi na kinuha agad ang mga maleta ko sa sahig.

“Lady Lay, hinihintay na po kayo ni Mr. Shein sa mansion niya.” Tumingin ako kay Shiela. Naroon ang kaba sa mukha ko. Yung kaibigan ko rin ay parang natatae sa kahihinatnan ko sa buhay.

“Bes, may oras pa para tumakbo,” bulong ni Shiela sa ‘kin. Gusto ko man tumakbo pero wala na akong maatrasan pa sa pagkakataong ito. Masiyado ng huli ang lahat.

“Goodbye bes,” malungkot akong tinitigan ng kaibigan ko. Halatang himdi siya payag sa desisyon ko. Pero kasi, saan kami hahanap ng kalahating milyon ni inay pambayad sa ospital?

Paglabas ko ng bahay ay maraming kapit bahay ang nakatingin sa ‘kin na puro awa ang namutawi sa mga mata. Tila nakiki simpatya sa kamalasan ko sa buhay. Hindi ko din alam na marami palang nagmamalasakit sa ‘kin.

“Mag-iingat ka Lay,” sabi ni aleng Nene, ang dakilang marites sa ‘ming lugar.

Oo, dakilang tsimosa.

“Ma mi-miss ka namin Lay,” sabi ni aleng Joana, and marites number 2.

“R.I.P” parang bumalik lahat ng dugo ko sa mukha ng marinig ang sinabi ni Taleyang, ang marites number 3 sa baryo namin.

“Anong R.I.P? Hoy!! kayong mga chismosa kayo, pwede bang umalis na kayo? Wala kayong ambag sa Earth,” pagtatanggol ng kaibigan ko sa ‘kin.

Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na buntong hininga at sumakay sa magarang sasakyan ni Mr. Shein.

Yakap ko ang saril ko habang binabaybay namin ang daan papunta sa bundok. Hindi ko din alam kung bakit nasa toktok ng bundok nakatayo ang mansion ni Mr. Shein. Kaya nababansagang haunted mansion e.

Pagdating namin sa lugar kung saan mismo nakatayo ang bahay ay agad ako napatingin sa paligid. Nakakatakot nga ang kapaligiran. Maraming patay na puno sa labas. Kulang sa linis.

Iyong sa loob naman ng mansion, halos kulay itim ang mga kurtina. Hindi ko na tuloy alam kung ilang araw nalang ang ilalagi ko sa mundong ito.

“Pumasok na po kayo lady Lay,” pati ang mga kasuotan ng mga tauhan niya itim lahat. Mula sa sapatos hanggang sa damit pati na ang shades. All black.

Sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko. Ramdam ko ang panginginig nito. Pati na rin ang buong katawan ko na halos kulang nalang ay mahimatay ako.

Nang malapit na ‘ko sa loob ay lumabas ang isang babae. Nakahinga ako nang maluwang nang makita ang suot niyang may tela na puti kahit itim ang pang ilalim.

Naka suot siya ng pangkatulong na damit.

“Maligayang pagdating lady Lay. Hinihintay na po kayo ni Mr. Shein.”

Heto na. Ito na ‘yong araw na ayaw kong mangyari. Ang makaharap si Mr. Shein. Bakit ba siya naghahanap ng mapapangasawa? Ganoon ba siya kapangit at walang pumatol sa kaniya? O sadyang uugod-ugod na siya?

Pumasok ako sa loob habang walang tigil sa pag kabog ang puso ko. Sa sobrang lakas nito, halos wala na akong marinig na kahit ano.

Pagtapak ko palang sa loob, halos malula ako sa mga kagamitan ni Mr. Shein sa bahay. Kumikinang ang bawat isa at halatang may halaga. Pwede na isangla sa sanglaan.

Iyong tiles niya, marbles habang ang chandelier ay sobrang magarbo. His house speaks dollars kahit parang mansion sa labas.

“This way lady Lay,” agad akong sumunod sa katulong na sumalubong sa ‘kin kanina. Ayaw ko maiwan at baka mawala pa ‘ko. Sa sobrang laki ng bahay niya ay hindi malabong mawawala nga ako.

“Ate, saan punta natin?” kinakabahan kong tanong sa katulong.

“Kailangan niyo po munang kumain lady Lay at baka po nagugutom na kayo,” sabi nito. Bakit ba sila lady nang lady sa ‘kin? Nakakahiya naman.

Nang makita ko ang nakahain sa mesa, natakam ako bigla. Hindi ko aakalain na ganito karangya at karami ang pagkaing inihanda nila Mr. Shein sa bahay nila.

“Kumain na po muna kayo lady Lay,” nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko nakita ang rebolto ni Mr. Shein. Akala ko nandito siya at hinihintay ako.

Agad akong umupo at nagsimulang kumuha ng pagkain sa mesa. Inuna kong kinuha ‘yong madalang lang mahain sa amin, gaya ng lobsters at kung ano pa. Ang mahal kasi, hindi namin afford every day.

Pinuno ko ang plato ko ng pagkain habang nakamasid pa rin sa paligid. Gusto ko na talagang makita si Mr. Shein para magka-alaman na kung ano ang itsura niya.

“Manang, is she here?” biglang kumabog ang puso ko nang marinig ang boses na iyon. Hindi ko kilala kung kanino pero natitiyak ko na lalaki ito. Baka si Mr. Shein na ito.

Agad kong minadali ang pagkain ko. Nataranta ako nang marinig ang mga yabag nila paparating sa gawi ko. Halos mabulunan ako na ininuman ko pa ng tubig.

“Nandito po siya sir,”

Agad akong tumayo at yumuko sa harapan niya. Siya na ba si Mr. Shein?

“Magandang gabi po,” kinakabahang sabi ko.

“Good evening,” ang boses nito, bata pa. Yung tipong nasa 30’s malayo sa bulong-bulungan sa ‘min na nasa 70 na ang edad nito.

Unti-unti kong inangat ang ulo ko. Napalunok ako nang makita ang itsura niya. Drug dealer na matandang hukluban? No. he’s far from that.

Mafia boss na matandang hukluban? Definitely not.

Matandang hukluban? Hinding-hindi, kasi ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay isang gwapong lalaki na parang diyos ng kagwapuhan.

Nakanganga lang ako sa harapan niya habang pinagmamasdan siya. Ang mata ay singkit, at may makinis at maputing balat. Matangkad na ‘ko pero mas matangkad pa siya sa ‘kin.

Possible bang may kagaya niya na gwapo?

“Mr. Shein, it’s nice to meet you,” nilahad ko ang kamay ko sa harapan niya. Mali pala ang haka-haka ng lahat dahil sobrang gwapo pala nitong Mr.Shein. Pero nagulat ako nang marinig ang tawa niya. Bakit siya natatawa? May mali ba?

“I think we have some misunderstanding here miss Lorelay. I’m not your husband. Hindi ako si Mr. Shein.”

What the!

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Annalyn Operario
maganda basahen
goodnovel comment avatar
Joylyn Sanchez Apostol
haha akala ko CIA na
goodnovel comment avatar
Mercy Ares Obina
magpatuloy ng nakilala ko din si mr Shein
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status