Share

Chapter 4: Harold

Tumambad na naman sa akin ang kadiliman. Alam kong may ilaw sa kwarto niya kaya nagtataka ako kung bakit ayaw niya sa maliwanag.

"Bakit ang dilim sa kwarto mo?" tanong ko. Baka isipin niya na paki-alamera ako. Ang totoo niyan ay wala naman akong pakialam sa kaniya. Curious lang ako. Kung wala lang akong autophobia ay hindi ako maglalakas loob na pumunta dito.

"Don't like it," aniya. Kinumutan niya 'ko kanina kaya nakahiga ako habang nakatingin sa direction na pinanggalingan ng boses niya na balot na balot ng kumot.

Nasa bintana siya. Nakabukas ang bintana niya kaya pumapasok ang hangin mula sa labas. Masiyadong maginaw dahil sa lakas ng hangin dahil sa paparating na ulan at mula sa aircon.

Naka upo si Mr. Shein sa bintana niya. Hindi ko makita ang mukha but naaaninag ko ang hugis nito dahil sa konting liwanang mula sa pa minsan-minsang pagkidlat.

Nakatagilid siya sa akin kaya alam ko kung gaano katangos ang ilong niya. Naaaninag ko rin ang mahahaba niyang pilik mata at ang bibig niyang bumubuga ng usok dahil sa sigarilyo.

Nag yo-yosi siya. Wala siyang damit pang itaas kaya pati ang hubog ng katawan ay kitang kita ko rin. Nakatingin lang ako kung paano niya pagmasdan ang tahimik at madilim na kapaligiran sa labas. 

Masiyado siyang misteryoso, masiyado siyang malungkot.

Nang bumaling siya sa gawi ko, pinatay niya ang yosi niya at nilagay sa ashtray na nasa gilid ng lamesa.

"Bakit gising ka pa?" tanong niya. Kasi hindi ako makatulog. Isa ito sa iniisip ko bago ko permahan ang kontrata. Ayaw ko talaga na mag-isa ako kaya kapag nasa hospital si inay ay pinapapunta ko si Shiela sa bahay para samahan ako.

Iniisip ko kung sinong makakatabi ko sa kwarto. Inisip ko agad na si Mr. Shein marahil ang makakatabi ko dahil siya naman ang asawa ko but ang nangyari ay mag-isa lang pala sana ako sa kwarto ko dito sa bahay na ito.

Hindi ko aakalain na ako pala mismo ang pupunta sa kwarto niya para lang may makasama ako buong magdamag.

Mas mabuti na ito kaysa sa mamatay ako.

"Hindi ako makatulog," sagot ko. Sinirado na niya ang bintana at dahan-dahang lumapit sa 'kin. Naririnig ko na ang mga yabag ng paa niya.

Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko sensyales na nasa tabi ko na siya.

Iisa lang ang kumot sa kwarto na ito kaya naramdaman ko ang pagdampi ng paa niya sa paa ko.

"Kumain ka na?" narinig kong aniya sa tabi ko. Tumango ako. Nakaharap ako sa kisame. Hindi ko kayang humarap sa kaniya dahil kinakabahan ako.

Ramdam ko ang hininga niya sa balat ko kaya alam kong nakaharap siya sa akin.

Hinawakan niya ang ilang hibla ng buhok ko. Tahimik lang ako at hindi ko kayang mag reklamo. After all, binili niya ako.

"You should sleep," halos manayo ang balahibo ko sa boses niya malapit sa tenga ko. I could feel his nose on my cheeks.

"Amoy sigarilyo ka," hindi ko napigilang sabihin iyon sa kaniya. Naramdaman kong natigilan siya. Na offend ko ba siya? Pahamak talaga itong bibig ko minsan.

"Anong sabi mo?" ulit niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Naiinis na siguro ito panigurado sa 'kin. Ang daldal ko naman kasi.

"Wala. Goodnight," sabi ko at tumalikod sa kaniya. I heard him chuckled. Naramdaman ko na tumayo siya pero hindi ko na pinansin at pinilit ang sarili na makatulog.

Kinaumagahan, nang kapain ko ang higaan ay wala na si Mr. Shein sa tabi ko. Nilukob ng kaba ang dibdib ko sa kaisipang ako lang mag-isa.

Agad akong tumakbo papalabas ng kwarto niya. Sinubukang hanapin si Mr. Shein. Pero sa sobrang laki ng bahay niya ay hindi ko siya makita.

Anytime ay maiiyak na 'ko. Nagpatuloy ako sa pag hahanap hanggang sa makarating ako sa sala.

Nakahinga ako ng maluwag ng may nakita akong lalaki sa couch, nakaupo at nagbabasa ng magazine. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

"Sino ka?" tanong ko.

Agad siyang nag-angat ng tingin sa akin. Walang emotion ang mga mata niya. Nang suyurin ko ang katawan niya, masasabi kong gwapo siya. Aside sa may magandang mukha, maganda rin ang hubog ng katawan niya.

May sinulat siya sa isang papel at inabot sa 'kin.

'I'm your bodyguard.' Aniya. Bodyguard? Bakit may bodyguard ako?

"Si Mr. Shein ba nagsabi sa 'yo?" tanong ko at tumango siya. Hindi ba siya nagsasalita?

"Hindi ka ba nakakapagsalita?" tanong ko. Hindi siya nag react. Nakatingin lang siya sa akin. Siguro, oo. 

"Nasaan pala ang asawa ko?" tanong ko sa kaniya. Nakitang kong nagsulat na naman siya sa papel. Nakakainip naman kausapin siya. 

'He's busy,' basa ko sa sulat niya. Nagkibit balikat nalang ako. It's his life, bahala siya. Basta may makasama lang ako, ayos na iyon.

"Come, let's eat." Sabi ko sa kaniya at inaya siya sa kusina. Ayos lang naman siguro pakialam ko fridge niya.

Nang mapadaan kami sa glass door, natigilan ako ng mapansin ang reflection ko sa salamin. 

Magulo pa ang buhok ko. Ang pangit ng itsura pero mas naagaw ng attention ko ang namumulang bahagi ng balat ko na nasa bandang leeg ibabaw konti sa dibdib. 

Napahawak ako dito. 

Bakit namumula ito? Kagat ba ito ng lamok? Humarap ako sa bodyguard.

"Kagat ba ito ng lamok?" tanong ko. Nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya habang nakatingin sa itinuturo ko. 

Nagsulat siya sa papel. 

"Maybe," aniya. Tumalikod ulit ako para tignan. Really? Kagat ng lamok ito? Isang batalyon ba ng lamok kumagat dito at masiyadong malaki ang pamumula ng balat ko? 

Ipinagsalawang bahala ko nalang at pumuntang kusina. 

"Umupo ka nalang diyan. Magluluto muna ako. What do you want?" Sabi ko habang pinapaki alaman ang fridge ni Mr. Shein. 

Ay oo nga pala, hindi pala siya nagsasalita. Humarap ulit ako sa, ano nga ulit pangalan niya? 

"Anong pangalan mo?" tanong ko. 

Nagsulat siya sa papel saka binigay sa 'kin. Seryoso, time consuming siya kausap. 

"Harold and I want chicken adobo." Sabi nito. Chicken adobo? Tamang tama pala dahil specialty ko yata ang chicken adobo. 

"Alright." Sabi ko at kumuha ng ingredients sa fridge. 

Nang maluto na ang adobo ay sabay kaming kumain ni Harold. Magana siyang kumain, halos naubos niya ang kanin.

"Mabuti naman at nagustuhan mo." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

Iniisip ko si Mr. Shein. Paano ko pala gagawin ang wife duties ko for him kung busy siya lagi?

"Nasaan pala ang asawa ko? I mean, alam mo kung nasaan siya? Balak ko sanang dalhan siya ng lunch niya mamaya."

Naubo bigla si Harold kaya nataranta ako at binigyan siya ng tubig. Dagan dahan naman kasi sa pagkain para hindi mabilaukan.

Nang makainom na siya ng tubig ay tumingin siya sa akin. Naghihintay ako ng sagot niya. Kumuha siya ng ballpen at papel saka sumulat ulit.

"You can't talk to him. He's really busy." Basa ko. Siguro sinabihan siya ni Mr. Shein na hindi siya disturbuhin. But I'm sure, he won't mind kung kaibigan niya ang uutusan ko.

"How about Richmoon? Can you call him?" kumunot ang noo niya sa sinabi ko. What? Anong mali doon?

Sumulat ulit siya and this time ay parang pagalit na.

"Why would you call him? Do you like him?" tumingin ako sa kaniya at masama ang tingin niya sa 'kin. Bakit galit siya?

"Easy. Gusto ko lang naman na makisuyo sa kaniya para dalhan si Mr. Shein ng pangtanghalian niya. It's my duty as his wife." Sabi ko. Natahimik siya bigla at unti-unting nawala ang galit sa mukha niya.

Nagsulat siya ulit. "Fine," sabi nito. Ngumiti ako at nagpasalamat.

"Kumain ka ulit," sabi ko.

Naglinis lang ako sa malaking bahay ni Mr. Shein, inuutusan ko si Harold na buhatin ang mga mabibigat na bagay sa loob. Maganda ang interior design ng bahay niya pero sa labas, ang daming patay na puno. Nagmumukha itong haunted mansion kaya hindi nababagay ang bahay sa ambiance ng lugar.

Kakausapin ko si Mr. Shein mamaya kung pwede ko bang linisan ang labas.

Nang magtanghalian na ay nagluto na 'ko para kay Mr. Shein at sa lunch namin ni Harold.

Nasa tabi ko siya at tinitignan ang mga ginagawa ko. Nang ilalagay ko na sa lunchbock ay inayos ko ng mabuti para aesthetic.

Malapit na 'kong matapos ng kinalabit ako ni Harold kaya napatingin ako sa kaniya. Agad niyang binigay sa 'kin ang isang pirasong papel na sinulatan niya.

"Bakit mo pinapaganda?" basa ko sa sulat niya. Itong pagkain ba ang tinutukoy niya?

"Para naman ganahan siya sa pagkain." Sabi ko. Tamang-tama naman dahil pumasok si Richmoon.

"Hello Lorelay, hello H-" nabitin sa ere ang sasabihin niya nang bigla itong natahimik. Nakatingin ito kay Harold kaya lumingon ako sa katabi ko at nakitang nakatingin lang ito kay Richmoon.

"Oh okay," sabi ni Richmoon. Kunot noong nagpapalit palit nang tingin ako sa dalawa. Anong nangyayari?

"So bakit mo pala ako pinatawag Lady Lay?" tanong ni Richmoon. Andito na naman tayo sa Lay Lay na iyan. Nakakailang.

"Huwag mo na akong tawaging Lady Lay, Richmoon. Lalay nalang if you want." Sabi ko. Nakita ko siyang sumulyap kay Harold at agad na napatayo ng tuwid bigla. Tumikhim siya at hilaw na ngumiti.

Kinuha ko ang lunchbox at lumapit kay Richmoon. "Pakibigay ito kay Mr. Shein. Sabi kasi ni Harold ay busy raw siya." Nang dumampi ang kamay ko sa kamay niya at agad siyang napaatras. Muntik pang nahulog ang lunchbox.

Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. "Wala akong sakit." Sabi ko.

"No, I mean. Yeah. You're perfectly fine. Sorry, nagulat lang ako." Aniya at sumulyap ulit kay Harold. Nakita kong may namumuo ng pawis sa mukha niya.

"Ayos ka lang?" nag-aalala kong tanong. Lumapit ako sa kaniya at agad na nilapat ang kamay ko sa noo niya to check if may lagnat ba siya.

"Sweet Jesus!" Agad siyang napaatras. This is too much.

"Wala nga akong sakit." Naiinis na sabi ko na.

"I k-know. Huwag ka l-lang lumapit." Aniya. Ano bang nangyayari sa kaniya?

"Siya ang lumapit sa 'kin. Hindi ako!" Aniya kay Harold. Nang tignan ko si Harold ay madilim ang mukha niya habang nakatingin sa amin dalawa ni Richmoon.

"I'm leaving," sabi ni Richmoon at nagmamadaling umalis sa harapan namin na para bang may hinahabol. Weird. 

---------

Kasama ko si Harold sa labas. Naglilinis ako ng buong bahay. Sinabihan ko siya na huwag niya 'kong iiwan kaya wala siyang nagawa kun'di samahan ako kahit saan man ako magpunta.

"Harold, paki abot nga iyong shovel. Magbubungkal ako ng lupa." Sabi ko sa kaniya nang mapansin na biyak-biyak ang lupa sa labas ng bahay ni Mr. Shein.

Kinuha niya ang shovel at nang aabutin ko na sana ay agad niyang inilayo ito.

Dahil hindi siya nakakapagsalita, kanina pa kami tahimik lang at walang kibo sa isa't-isa. Hindi rin naman ako nagtatanong dahil nakakainip mag hintay sa sagot niya na isinusulat pa niya sa isang pirasong papel. 

Agad kaming naglabas ng hose at ikinabit sa gripo sa labas para binyagan ang lupa.

"Harold, pakihawak muna ng hose. Ililigpit ko lang itong mga equipment." Hinintay ko siyang makalapit sa akin para maabot ang hose.

Agad niyang kinuha ang hose sa kamay ko, nang tumalikod ako ay napatili ako nang sa akin tumama ang tubig.

What the fvck! 

Nang lumingon ako sa kaniya, nakita ko siyang walang emotion na nakatingin sa 'kin.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hula ko si harold at mr.shein ay iisa nagpakilala lang syang body guard
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status