I feel the pain. Sorry, Mr. Shein. Hello Cardo Dalisay. Hinahanap pa rin kita. Hahaha. Thank you sa nagbabasa nito.
“I’m leaving.” Basa ko sa sulat ni Harold na kanina pa walang imik mula ng makabalik kami sa bahay. “Mr. Shein is upstairs.” Sulat niya ulit kaya tumango ako. Bumalik ako sa ginagawa ko, iyon ay ang dalhan ng pagkain si Mr. Shein sa itaas at narinig ko na ang mga yabag ni Harold papalayo. As long as alam kong may kasama ako ay napapanatag ang loob ko. Ayaw ko lang ng mag-isa. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Inakyat ko na ang mga pagkain sa kwarto. Naabutan ko si Mr. Shein na nakahiga sa kama at tila ay malalim ang iniisip. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga saka pumasok sa loob. “Dinalhan kita ng pagkain.” Sabi ko. Wala akong nakuhang response sa kaniya kaya lumapit ako sa kama at naupo. “Ayos ka lang?” mahinahon na tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. Napayuko ako dahil sa tingin ko ay sinabi ni Harold sa kaniya ang nangyari sa bahay. Pakiramdam ko ay nagi-guilty ako. “Pwede ba akong makahiram ng damit mo? Makikiligo sana ako.” Hindi kumibo si Mr. Shein
Nakahiga ako sa kama ngayon. Kasama ko si Mr. Shein. Nakatingin ako sa harapan. Rinig ko ang mahinang pag buntong hininga niya."Gusto mong mag-aral ulit?" agad akong napatingin sa kaniya. Napaisip ako, ang totoo niyan ay gusto kong makapagtapos. Kaya lang ay wala kaming pera."Pangarap ng itay na makapagtapos ako ng pag-aaral kaya gusto kong makatapos pero mag iipon muna ako."Sabi ko. Natahimik bigla si Mr. Shein kaya humarap ako sa kaniya."Bakit mo pala naitanong?"Napapikit ako ng hawakan niya ang pisngi ko. Ito ang isa sa napansin ko kay Mr. Shein. Ang touchy niya."I can support you love. Pwede kang mag-aral ulit." Nagulat ako. Agad kong ibinalik ang paningin ko sa kisame. "Pwede mong ipagpatuloy ang pag-aaral mo. Ako ang bahala sa tuition, sa baon, at sa lahat na kakailanganin mo. Ako na rin bahala mag suporta sa pamilya mo." Ang totoo ay nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ako agad naka react at tila ay pinoproseso ko pa ang sinabi niya. Ang laki na ng tulong niya sa 'min. S
Sinamahan nga ako ni Harold sa school. Gaya ng sabi ni Mr. Shein ay nag enrol ako sa isang university dito sa bayan. Sabi ko kay Harold na ayos lang ako kahit doon sa community college dahil libre lang ang tuition para projects nalang at pamasahe ang gagastusan pero ang sabi niya ay utos daw ni Mr. Shein na dito ako e enrol kaya wala akong nagawa. Papauwi na kami, kakatapos lang namin kumain sa karenderya kanina. Hindi ko nga alam kung ayos lang ba kay Harold kasi kanina nang dalhin ko siya doon sa karenderya, nakita ko ang bahagyang pagngiwi niya. Napaisip tuloy ako kung sanay ba siya sa mga ganoon o hindi. Sa labas lang ako nakatingin. Doon ko nalang itinuon ang buong attention ko habang binabaybay namin ang daan pauwi sa bahay ni Mr. Shein. Nakita ko sa daan ang isang kuting. “Hala! Itigil mo muna Harold.” Sabi ko at pinatigil siya. Agad akong bumaba ng kotse at pinuntahan ang kuting na kulay itim. “Kawawa ka naman. Asan ang nanay mo?” nag-ingay lang siya ng “meow” at dinidilaan
Kinabukasan, ay nakita ko si Harold na nasa sala. Nakasimangot ang mukha niya habang may hawak na papel.Bumaba ang mata ko sa hawak hawak niya. "I'm hungry," napaawang ang labi ko sa nakasulat. Pagkatapos niyang maging bastos kahapon ay maggaganiyan siya? Aba!Ibinaba ko si Oprah at agad siyang tumakbo paikot ikot sa malaking bahay ni Mr. Shein. Speaking of, hindi ko na naman siya naabutan pagkagising."Maghintay ka diyan. Napuyat ako kagabi." Sabi ko sa kaniya at totoo naman dahil dinadaldal ako ng asawa ko kagabi. Late na yata kami nakatulog.Nang balingan ko siya nang tingin ay nakita ko ang kakaibang ngiti niya."Anong iniisip mo?"'I'm not thinking of anything bad.' Sulat niya. Pinagsingkitan ko siya ng mata. Bakit pakiramdam ko ay nagsisinungalong siya?"Anong gusto mo?" Binuksan ko ang ref. Wala na palang laman ito. Bumaling ako kay Harold. "Egg and fried rice lang muna. Wala na palang laman ang ref." Sabi ko. Agad siyang nagsulat. "Okay. We're going to buy groceries after."
Naging awkward ang pagitan sa amin dalawa. Pagkatapos ng nangyari kanina ay nanood lang ako ng palabas sa TV.Nasa katabi siyang upuan. Tila ay pinapakiramdaman namin ang isa't-isa.Gusto ko ng mag gabi. Gusto ko nang pumasok sa kwarto ni Mr. Shein at siya lang ang dadaldalin ko buong magdamag.Hindi ko alam kung bakit humantong kami sa point na niyayakap niya 'ko. Wala rin akong ka ideya ideya kanina. Nadala ako sa emosyon ko. Ito kasing luha ko. Oras na napuno ako sa kaloob-looban ay basta nalang ako naiiyak kahit sobrang babaw naman ng dahilan. Nakakinis talaga.Nakita kong tumayo siya. Sinundan ko siya nang tingin. Mukhang palabas siya ng bahay. Iiwan ba niya ako? Huwag naman sana.Takot talaga akong maiwan mag-isa.Tatayo na sana ako para sundan siya nang bigla siyang bumalik na may dalang Pizza. Naamoy ko ang bango ng dala niya.Tumalon si Oprah sa sahig at tumakbo palapit kay Harold. Makikihingi siguro ng pagkain.Napalunok ako nang mas lalong nanunuot sa ilong ko ang bango no
10 years ago The sky is mourning. You see nothing but a glimpse of light behind the thick dark of columbus clouds. It's sparkling, causing sounds that brings fear and anxiety to everyone. The loud thunder that strikes in the sky gives scream to the hymn of a child from her deep slumber. People are running, putting their things above their head, covering it from the droplets that slowly pouring in the surface. She's sitting in the single seated chair outside the store. Holding the books tightly without minding the people surrounds her. Sa lahat ng mga taong tumatakbo sa labas, tanging siya lang ang bukod tanging pinagmamasdan ni Harold Oliver Shein sa harapan. Hindi niya magawang lapitan kahit gusto niyang payungan ito gamit ang payong na bitbit niya. Walang ulan ang pumatak sa kaniya, ngunit basa ang damit dahil sa pawis no'ng tinakbo niya ang bahay nila papunta sa pinapasukang paaralan ni Lorelay. "Hindi ako nakaabot." Munting bulong ni Mr. Shein habang patuloy na pinagmamasda
“You smell like strawberries,” I curse myself non-stop after my wife said that. Kakakain ko lang ng strawberries kanina when she’s washing the dishes. And literally forgot about it. I take a deep breathe and look at the mirror. Ang dami kong kapalpakan nagawa ngayon. I almost exposed myself earlier when Gregg called me. Kasamahan ko dati sa kampo when I joined the army. I never thought na magkikita kami sa gorcery store kanina. And I just realized lately na namali ako ng contact lens na suot. Kinuha ko ang cellphone sa drawer at nakitang may missed call si Lee. Tumingin muna ako kay Lorelay saka lumabas. Lee is calling again. Kinuha ko ang sinigang na dinala niya sa kwarto at ibinaba. Agad na sinalubong ako ni Oprah. I gained weight everyday. I need to go to gym to exercise or else tataba ako. I ate twice a night. I can’t say no to my wife. She cooked it for me so ayaw kong sayangin. “Shein,” “Yes?” “Where are you?” “Home. Why?” “I saw your brother,” -------------------------
“So voice actor ka na pala ngayon?” kumunot ang noo ko nang marinig ang dalawa sa kusina. Nakaayos na ako at ready to go na. Nang tignan ko ang sarili ko sa salamin kanina, napangiti ako nang makita na bumagay ang uniform sa ‘kin.Nakakapagtaka lang dahil hindi ko naman sinabi ang size ko but mukhang alam na ng asawa ko kung ano. ‘E bakit naman hindi? Nakita na niya ang buong katawan mo.’ Namula ako nang marinig ang sarili kong kinakausap ang repleksyon sa salamin.Pati na rin ang mga damit ko dito ay ka size ko. Parang lahat ay customized para sa ‘kin. Kahit sapatos o tsinelas. Lahat ay kasya.Bumalik ako sa kusina at narinig ang dalawa na nag-uusap. “Shut up,” angil ng kausap nito na ikinakunot ng noo ko. Boses ni Mr. Shein?! Nandito siya?Nagmamadali ako sa pagpunta sa kanila ngunit ang nadatnan ko ay si Richmoon at si Harold na kumakain. Sabay silang lumingon sa ‘kin. Parang nadismaya ako nang makita na wala si Mr. Shein kasama nila.Akala ko ay makikita ko na ang mukha niya.“Bak