“What?” hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya. Siya si Mr. Ho Shein? Kung siya ang asawa ko ay sino iyong nakita kong puti ang buhok sa labas kanina?
“Niloloko mo ba ako? ‘Di ba si Shein ay isang matandang hukluban?” agad niya kong binitawan ngunit narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Napanganga ako.
Nababaliw na ba siya? Ang mahinang tawa niya ay mas lalong lumakas at para akong timang na nakatulala habang nakatingala sa kaniya. Ang gwapo nang pagtawa niya.
“So my wife was expecting that her husband is an old hag, huh?” madiin ang pagkagat ko sa labi ko sa sinabi niya. Kung ganoon, siya nga si Mr. Shein? Hala ka! Pero required ba na kaakit-akit ang boses niya?
“Hindi ka matandang hukluban?” paninigurado ko.
“Do I sounded old to you?” No. He’s not! In fact, nakakahalina nga ang boses niya. Pero baka isang mafia boss or drug lord nga siya?
“Isa ka bang mafia boss?” kinakabahan kong tanong sa kaniya. Or baka drug dealer talaga.
Hindi ko alam kung bakit na naman at bigla siyang natawa ulit. Joker na pala ako ngayon.
“Really wife? So your husband is a mafia boss now and what’s the other again? Oh drug dealer. I see.” There’s something on his voice. I can see his eyes. The color of it is in the shade of blue but it looks so sad. Kumikinang ang ganda ng mata niya sa madilim na kwartong ito. He’s laughing but his eyes didn’t.
At bakit parang hindi siya madman gaya ng naririnig ko?
He sounded like a well-educated man.
Napalunok ako ng ilang beses lalo nang hawakan niya ulit ako sa kamay. This time he was tracing my hand kung malambot ba ito o hindi. Nakakahiya. Nakaramdam ako ng hiya at hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib.
Hawak niya ang kamay ko at inakay palabas ng bahay. Hindi ko makita ang kabuuan ng itsura niya sa ngayon pero alam kong mamaya ay makikita ko na ang totoong itsura ng napangasawa ko na sinasabi nilang madman.
Nang makalabas kami ay agad na sumalubong sa ‘min ang mga katulong kanina na nagbihis sa ‘kin. Sa harapan ay nakita ko rin si Richmoon at ang lalaking naka puti ang buhok ko kanina.
Sobrang nagulat ako nang makita ang itsura ng lalaki na akala ko ay isang matanda na si Mr. Shein dahil ang nagmamay-ari sa puting buhok na iyon ay hindi pala matanda kundi isang binatang may mala koryanong mukha.
Kung ganoon ang lalaking kasama ko nga sa kwarto ay si Mr. Shein na walang iba kun’di ang asawa ko. Halos hindi ako makakilos agad nang maisip ang bagay na ‘yon. Nasa likuran ko siya pero hindi pa rin ako makalingon.
Lahat sila ay nakatingin sa ‘kin. Gusto kong lingunin si Mr. Shein pero nahihiya ako.
“Saan mo siya nakita Ho?” tanong ni Richmoon.
“Pumasok siya sa kwarto ko,” nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan nang magsalita siya.
“Oh. Hindi mo siya na orient brute?” natatawang tanong nong koryano kay Richmoon. Nagkibit balikat ang lalaki at tumingin sa ‘kin na siyang dahilan kung bakit napaatras ako.
Bumangga ako kay Mr. Shein. Bigla niya 'kong hinawakan para hindi ako tuluyang matumba na siyang nagpakaba ng husto sa puso ko. Paano niya nagagawang pakabahin ako ng ganito?
Nang lingunin ko siya ay sandali akong napatanga. Sandali kong pinakatitigan ang itsura niya. Kumunot ang noo ko kung bakit naka sombrero siya at nakamask.
“Ikaw ba talaga si Mr. Shein?”
“Yes sweetheart. I’m Harold Olver Shein, your husband,” nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Tinitigan ko lang ito. Hindi ko magawang ikilos ang kamay ko para tanggapin ang kamay niya.
Panget ba ang mukha niya? Bakit siya naka mask? Hindi ko talaga makita ang mukha niya except sa mata.
“Brute, I think your wife is a bit slow?” napatingin ako sa koryanong sumabat na binuntutan ng tawa ni Richmoon. Sinamaan ko silang dalwa nang tingin. Talagang iniinsulto nila ako.
“Tumahimik ka koryanong hilaw,” galit na sabi ko sa kaniya. Sumimangot ang mukha nito pero umalingawngaw naman ang malutong na tawa ni Mr. Shein.
Nakita kong natigilan sandali ang dalawa habang nakatingin sa asawa kong tumatawa sa harapan naming lahat.
“Anong sabi mo?” pagalit na sabi nong koryano. Inirapan ko lang siya at hinarap ulit si Mr. Shein na amuse na amuse habang nakatingin sa ‘kin. Hindi ko rin alam kung bakit amuse na amuse siya.
Nilahad ko ang kamay ko sa harapan niya to offer a shakehands. Tinignan niya ito bago tanggapin.
“Hi, I’m Lorelay Sugala and nice to meet you Mr. Harold Oliver Shein.” His eyes darkened at klarong klaro iyon sa harapan naming lahat. I even heard his friends curses. Kinabahan ako bigla kung bakit ganoon ang naging reaction niya kung nakipagkilala lang naman ako sa kaniya.
“Stop that,” he said. Napapahiyang binawi ko ang kamay ko at naguguluhang tinignan siya. Ayaw niya bang makipagkilala?
“Do your thing here and don’t mind me,” aniya sa supladong boses at tinalikuran kami at bumalik sa kwarto niya. Naguguluhang nilingon ko si Richmoon at ang kasama nitong koryano.
“He doesn’t like formalities. Lalo na sa’yo.” Sagot ni Richmoon na para bang alam na niya kung ano ang itatanong ko. Pero bakit? May rason ba kung bakit ayaw niya?
“Ayaw niya kasi sa mga pangit na katulad mo,” sabat nong koryano. Sa inis ko ay sinipa ko ang paa niya.
“Mas pangit ka,” napahiyaw siya sa sakit. Serves him right. “Tabi nga,” binangga ko siya sa balikat at nagpahatid kay manang sa kwarto ko. Kakapalit ko pa lang ng dress na ito pero gusto ko nang magpalit ng damit na komportableng suotin.
“Maiwan na po kita Lady Lay,” tumango ako kay manang at naligo ulit para matanggal lahat ng make up ko sa mukha at pawis sa katawan. Pinagpawisan kasi ako kanina nang makaharap ko ang asawa ko.
Mabilis lang akong naligo at humiga sa kama. Iniisip ko ang pagkikita namin kanina. Hindi ko alam bakit naka mask siya at naka cap. Ayaw ba niyang makita ko ang mukha niya?
Hindi ko naman siya kukutyain kung sakaling panget nga siya. Hindi naman ako pinalaking ganoon ng mga magulang ko. Ayaw ko lang talaga sa mga criminal dahil sila ang dahilan kung bakit namatay ang tatay ko.
Nagpahinga ako sandali at saka lumabas nang sinundo ako ni manang para kumain. Huminga ako nang malalim saka lumabas. Wala na ang mga kaibigan ni Mr. Shein kaya medyo tahimik ang malaking bahay na ito.
“Manang, hindi po ba sasabay sa ‘kin ang a-asawa ko po?”
“Hindi talaga dito kumakain si Mr. Shein, lady Lay. Nagpapahatid lang siya ng pagkain niya lagi sa kwarto niya.”
“Po? Hindi niyo po ba nakita ang mukha niya?”
“Hindi ko maisasagot iyan, lady Lay. Pag pasensyahan niyo na po. Pinagbawalan niya kaming magsabi ng tungkol sa kaniya sa ‘yo.”
Mas lalo akong na curious kung bakit bawal.
“Manang, sabihan niyo po siya na magpapasama po ako.”
“Sasabihan ko po. Hindi ko po maipapangako na susunod siya sa ‘yo.” Tumango ako sa sinabi niya. Mababait ang mga tao dito. Siguro mabait si Mr. Shein kasi kung masama ang ugali niya, hindi ganito ka loyal sila manang.
“I’m sorry po ma’am but may ginagawa daw po siya. Kakain lang siya after mong kumain.” Tumango nalang ako at kumain na. Kung iisipin, ang ganda ng buhay ko dito.
Natapos ako sa pagkain ng mag-isa sa hapagkainan. Masarap nga ang pagkaing nakahanda dito pero ang lungkot-lungkot. Mas pipiliin ko pang kumain sa bahay-kubo naming bahay, at least doon ay masaya kami at laging may kwentuhan.
Nasa kama ako at iniisip ko pa rin si Mr. Shein. Sobrang laki ng kwarto ko na ito pero sobrang lamig. Wala kang maririnig na kahit ano. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay may multong magpapakita sa akin mamaya.
Kinuha ko ang isang unan ko. Ayaw ko talaga ng mag-isa. Lumabas ulit ako ng kwarto para puntahan sina manang. Pero nagulat ako nang makita na lahat ng mga katulong including manang ay may dalang mga maleta.
“Saan po kayo pupunta?” tanong ko sa kanila.
“Dahil nandito ka na po kayo, kailangan na po naming umalis lady Lay.”
“Aalis? Bakit kayo aalis? Sinisante ba kayo ni Mr. Shein?”
“Hindi po. Kailangan naming lumipat sa ibang property niya. Inutusan niya lang kami ngayong araw para maghanda sa pagdating ninyo.”
“Paano po ako? Sino pong makakasama ko dito?” kinakabahan na ako. Kung ganoon, kami lang dalawa ni Mr. Shein ang titira dito?
“Huwag po kayong mag-alala lady Lay, kasama niyo naman po si Mr. Shein. Sige po, mauna na kami.” Wala na akong nagawa. Nakatingin lang ako sa kanilang lahat na papalabas ng bahay.
Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana dahil bago ko isara ang pintuan, umihip ng malamig ang hangin. Agad kong niyakap ang unan ko. Binabaybay ang daan pabalik sa kwarto ko pero hindi ko alam kung bakit dinadala ako ng mga paa ko papunta sa kwarto na pinasok ko kanina. Ang kwarto ni Mr. Shein.
Anong gagawin ko dito?
Tumalikod ako at humarap ulit. Nakakabaliw ang sitwasyon kong ito. Bumuntong hininga ako saka humugot ng lakas ng loob.
Kumatok ako. “Ano… anong ginagawa mo?” hindi siya sumagot. Sa sobrang tahimik ng bahay niya ay halos nagmistula itong haunted house.
“Gutom ka na ba? Gusto mong kumain?” tahimik pa rin siya. Umupo ako sa sahig at ipinatong ang ulo ko sa unan na nasa ibabaw ng tuhod ko. Unti-unti ko nang naramdaman ang antok nang maramdaman ko na bumukas ang pintuan ng kwarto niya.
Pumikit ako at nagkunwari na tulog.
Naramdaman ko ang pagdami ng labi niya sa noo ko at sa leeg ko. Pinigilan ko ang sarili ko na suminghap. Gusto kong ibuka ang mga mata ko para makita ang itsura niya dahil wala siyang suot na mask ngayon.
But hindi ko nagawa nang pumasok kami sa loob ng kwarto niya na nababalot ng dilim saka niya ako inihiga sa kama niya.
“You’re awake, don’t try harder.” Sabi niya na nagpamulat bigla sa mga mata ko.
Tumambad na naman sa akin ang kadiliman. Alam kong may ilaw sa kwarto niya kaya nagtataka ako kung bakit ayaw niya sa maliwanag. "Bakit ang dilim sa kwarto mo?" tanong ko. Baka isipin niya na paki-alamera ako. Ang totoo niyan ay wala naman akong pakialam sa kaniya. Curious lang ako. Kung wala lang akong autophobia ay hindi ako maglalakas loob na pumunta dito. "Don't like it," aniya. Kinumutan niya 'ko kanina kaya nakahiga ako habang nakatingin sa direction na pinanggalingan ng boses niya na balot na balot ng kumot. Nasa bintana siya. Nakabukas ang bintana niya kaya pumapasok ang hangin mula sa labas. Masiyadong maginaw dahil sa lakas ng hangin dahil sa paparating na ulan at mula sa aircon. Naka upo si Mr. Shein sa bintana niya. Hindi ko makita ang mukha but naaaninag ko ang hugis nito dahil sa konting liwanang mula sa pa minsan-minsang pagkidlat. Nakatagilid siya sa akin kaya alam ko kung gaano katangos ang ilong niya. Naaaninag ko rin ang mahahaba niyang pilik mata at ang bibig n
The moment that I hit her with this fvcking water from the hose, the moment I know that I messed up. I supposedly water that soil but damn, binitawan niya agad ang hose at nagmamadali siyang tumalikod kaya nagmamadali rin akong saluhin ang hose. Then, hindi ko sinasadyang maitutok sa kaniya ang hose so it's not my fault na mabasa ko siya. But, my wife is glaring at me now. What should I do? "What the fvck!" Nakagat ko ang labi ko nang marinig ang mura niya. Damn! I swear! I'm gonna punish her lips for swearing. "Bakit mo 'ko binasa?" She's mad. She's really mad. Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang ma realize ko na akala pala niya ay hindi ako makapagsalita. I don't have my voice changer device kanina so I have no choice but to keep silent the whole fvcking time. Hindi ko naman aakalain na aakalain niyang putol ang dila ko. "Say sorry to me!" She demanded. I wanted to wife, but I can't. "Wait!" Aniya at umalis papalayo. Hindi ko alam kung saan siya pupunta so I waited for her t
“Are you bored?” tanong ni Lorelay kay Harold na inilingan lang ng binata. Nasa sala ang dalawa. Nakaupo si Lorelay sa mahabang sofa at nanonood ng palabas sa malaking TV screen ni Mr. Shein sa bahay nila. Ibinalik ni Lorelay ang paningin niya sa palabas ngunit nakakunot na ang noo niya. “He’s weird. Bakit sa akin siya nakatingin lagi?” ani ng dalaga sa isipan nito. “Gusto mo bang ilipat ko ang palabas?” tumaas ang sulok ng labi ng lalaki nang makita kung paano nag ri-react ang asawa niya sa mga titig niya. Halos kada minuto ito nagtatanong sa kaniya. Kumuha siya ng papel saka sumulat ng ‘It’s fine. Don’t bother.’ Napabuntong hininga si Lorelay at tinignan ang orasan. Malapit ng mag alas otso ngunit wala pa rin si Mr. Shein. Tumayo siya para kumuha ng tubig. Nang makita ni Harold ang pag-alis ng dalaga ay saka ito tumayo at nagtutumakbo sa loob ng kwarto niya. Agad niyang hinubad ang damit niya at nagsuot ng magarang damit pang opisina. “If Richmoon and Lee know about this, I’m tot
10 years ago Hinihingal na nagising ako mula sa pagkakatulog. Palagi akong binabangungot ng gabing iyon. Gusto ko mang kalimutan, ngunit hindi ko magawa. Malakas ang buhos ng ulan ng lumabas ako ng bahay. Sinalubong ako ni Sita, ang katulong na pinagkakatiwalaan ni mommy sa bahay. “Sir Oliver, saan po kayo pupunta?” hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakasalubong ko si Richmoon. May dala siyang sasakyan at nakababa ang bintana. “C’mon, Ho.” Nagmamadali akong pumasok at hinubad ang raincoat na suot. Agad na ibinato ni Richmoon ang lata ng beer sa ‘kin na agad kong sinalo bago niya paandarin ang sasakyan papunta sa school. Dahil malakas kami sa guard, agad kaming pinapasok. Nakaabang na si Lee sa harapan at kunot ang kaniyang noo habang hawak hawak ang ballpen. Bago ako lumabas, kinuha ko ang sumbrero ni Richmoon na nakita ko sa upuan. “Ang tagal niyo Shein. Late na ako sa last subject ko.” Hindi na ‘ko sumagot at nagtuloy-tuloy lang sa offi
"Happy birthday, Ho/Shein." "Happy birthday, bro!" Bati ng mga kaibigan ni Mr. Shein sa kaniya habang siya ay nakahilata pa sa sariling kama. "Hey, wake up. Baka mamaya darating sila tita dito." Pananakot ni Lee ngunit tulog mantika pa rin ang kaibigan. "I have cake here." "Can I eat it?" hirit ni Richmoon kay TG kaya sinamaan siya nito nang tingin. "Ikaw may birthday?" sumimangot ang binata na tinawanan lang ni Lee. "We travel for 4 hours Shein. Huwag mo naman kami tulugan." Ani ni Lee habang nakatingin sa kaibigan na nakapikit ang mata. "I slept late earlier. What you expect? You barged in and expect me to welcome you? Help yourself man. I'm so sleepy." Inaantok na sabi ng binata sa mga kaibigan. Napailing ang tatlo sa sinabi ni Mr. Shein at napagdesisyunan na bumaba. "Ang laki ng bahay niya dito." Komento ni Richmoon habang nakatingin sa malaking bahay ni Mr. Shein na agad namang sinang ayunan ni Lee. "Nagmumukha na nga itong haunted house dahil matagal ng walang nakatira
----Back to the present----- Umisog ako sa pinakadulong parte ng kama. Ayaw kong lumapit kay Mr. Shein dahil nakakailang. Pakiramdam ko kasi ay kitang kita niya ‘ko kahit na sobrang dilim sa kwarto niya. “You’re not asleep yet. How’s your day?” rinig kong tanong niya. Humarap ako sa kisame habang hawak ang kumot. Wala naman akong ginawa buong araw kun’di ang maglinis ng bahay niya. “Naglinis lang ako kasama si Harold. Speaking of, nawala nalang siya bigla kanina. Saan siya umuuwi?” nagtataka kong tanong sa asawa ko. Narinig ko ang tikhim niya. “Hindi ko alam.” Tipid na sagot nito. Ganoon ba? Nakalimutan ko kasing itanong kanina. Hindi nalang ako nagsalita. Biglang tumahimik sa pagitan namin. Naging awkward ang pagitan namin dalawa. Pinapakiramdaman ko siya. Hindi talaga ako sanay matulog ng may kasama sa kama. Ayos lang sana kung si inay o si bunso o kahit man lang si Shiela pero this time, it’s totally different. “Ang lalim na naman ng iniisip mo.” Sabi ni Mr. Shein kaya napahar
What the fvck is my wife thinking? Gusto niya akong isama sa loob ng kwarto niya? Tang.ina! Tulala akong naghihintay dito sa kwarto. Naiinis ako. Gusto ko siyang pagalitan kanina. How can she this careless? Paano pag ibang tao ako? Lakad upo ang ginagawa ko habang hinihintay siyang matapos sa loob. Naiinis talaga ako sa kaniya. Bakit niya hinahayaan ang ibang lalaki na maghintay sa loob ng kwarto niya? I was so happy earlier when I saw my shirt on her. I imagine a lot of image of her in my mind wearing my things. But when she told me to fvcking wait for her dahil maliligo siya, pakiramdam ko ay sasabog ako. She’s so damn innocent. Naririnig ko ang mga patak ng tubig sa loob. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko ngayon. I don't know kung saan ako naiinis. Sa kaniya ba o sa sarili ko. Damn it. I can feel my friend. He’s really alive. Pumikit ako trying to calm myself. Kung anong iniisip ko sa loob ng banyo. I’m sorry, baby. Dumaan ang ilang minuto na ganoon lang ginawa ko
Kinabukasan ay nagpasama ako kay Harold papunta sa bayan. Uuwi ako sa bahay para bisitahin si Dave at inay. Sa tingin ko ay nakauwi na sila sa bahay. Kagabi, kinakabahan akong nagpaalam kay Mr. Shein dahil akala ko ay hindi niya ako papayagan. Buti nalang at pumayag siya basta isama ko lang si Harold. “Seatbelt.” Napatuwid ako ng umupo nang lumapit si Harold sa ‘kin bigla para isuot sa ‘kin ang seatbelt. “Salamat,” sabi ko nang matapos niyang isuot. Ngumiti lang siya at agad na nag drive paalis sa bahay ni Mr. Shein. Gusto ko sanang itanong kay Harold kung bakit nawawala siya bigla tuwing dumadating si Mr. Shein pero naalala ko na hindi pala siya nakakapagsalita. Minsan nakakapanis ng laway pag siya ang kasama ko. Napasandal ako sa bintana at nakitang nagsisipasukan na ang mga studyante sa paaralan. Napangiti ako habang nakatingin sa kanila. Wala talagang sasaya kung makapagtapos ka ng pag-aaral. Kung hindi lang sana problema ang pera, baka engineer na ‘ko ngayon. Nang lumagpas na