"Hello Bestie.. Kumusta?" sagot ni Roldan sa kabilang linya. "Bestie, help!!!! Hindi ko na kaya" habol ang hininga na sagot ni Carissa. "Bestie, what happened.... Saan ka ngayon pupuntahan kita" natataranta na sagot ni Roldan. Humihikbi na sumagot si Carissa " Dito sa park Bestie.. Please puntuhan mo ako.. Hindi ko na kaya... Nakipaghiwalay na siya sa akin...... Ang sakit...... Sakit.." sumisigok na sagot ni Carissa. Halatang pinipilit na lang nitong magsalita. "Saang Park Bestie??? Please hold on.. Wag mong masyadong isipin ang problema.. Pupuntahan kita diyan promise.. Send mo sa akin ang location mo ok????... Tarantang sagot ni Roldan. Hindi sumagot si Carissa.. Patuloy lang ito sa pagluha. " Hello Bestie naririnig mo ba ako?? Send mo sa akin ang location mo Para napuntahan kita." halos nagmamakaawa na wika ni Roldan. Alam niya kasi na wala sa huwesyo ang kanyang kaibigan baka mapahamak ito. "Bestie please magsalita ka naman. Sige na send mo na sa akin kung saan ka. Paalis na ako.... Nandito na ako sa kotse." wika ulit ni Roldan. Nag-umpisa na din ito magdrive. Maya-maya pa ay nareceived na din niya ang location kong saan naroon si Carissa. Agad niya itong pinuntahan at natagpuan sa isang upuan. Nakayuko ito at halatang hirap sa paghinga. Nang mahawakan ni Roldan ay agad niyang itinaas ang mukha ni Carissa. Nagulat siya sa hitsura nito. Maputla ito at nakapikit na. Bakas sa mukha nito ang mga luha at paghihirap. Agad na niyakap ni Roldan ang kanyang kaibigan. Maya-maya pa ay naramdaman niya itong lumungay-ngay sa kanyang balikat. Bumagsak din ang mga kamay nito. Nataranta si Roldan ng marealized niya na nawalan ng malay si Carissa . Agad niya itong binuhat at isinakay sa kotse. Pinaharurot agad niya papuntang hospital.
View MoreCARISSA VILLARAMA POV Hindi ko mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko habang nakatanaw ako sa mga nagkakasayahan! Parang kailan lang noong mga panahon na lumuha ako at nasaktan dahil sa pag-ibig. Mga panahon na walang kasiguraduhan kong magiging masaya ba ako sa buhay ko. Mga panahon
ELLA POV Hindi ako makapaniwala habang titig na titig ako sa dokumentong hawak ni Kenneth. Hindi ko akalain na noon pa man, nagplano na pala siyang gawin ito. Na isurpresa ako at ang buo kong pamilya dahil sa malaki niyang regalo na hatid sa aming lahat. "Naku, nag-abala ka pa! Nakakahiya! Sapat
ELLA POV Hindi man kami masyadong nakatulog ni Kenneth dahil sa sobrang ingay sa paligid, wala kaming choice kundi ang bumangon. Malambot na ang hinihigaan namin dito sa tent kaya hindi na nagreklamo pa si Kenneth na sumasakit ang likod niya. Pagkalabas namin ng tent, siyang papasok naman ang mga
ELLA POV Mainit na nga dahil katanghaliang tapat, lalo pang pinainit ni Kenneth ang buong sandali. Parehong naliligo kami sa pawis pagkatapos naming maiparamdam kung gaano kami kasabik sa isat-isat. Mabuti na lang at maginoo itong asawa ko dahil siya pa talaga ang nagpunas ng pawis sa buo kong k
ELLA POV "Anong sabi mo? Nagsinungaling si Vina sa akin?" kaagad na tanong ko kay Kenneth pagkapasok namin dito sa bahay. Nandito kami sa kusina at sabay na pinagsaluhan ang request kong tinolang manok kanina. Mabuti na lang at nakisama ang baby sa sinapupunan ko at tinagap lahat ng pagkain na isi
ELLA POV Para akong nakalutang sa alapaap habang pilit na inaabsorb ng utak ko ang sinasabi ni Kenneth ngayun. Hindi ko akalain na darating kami sa ganitong sitwasyon. Ang magpruposed sya ng kasal na aminado akong matagal kong hinintay. "Oo naman! Siyempre! Gusto ko...gustong-gusto kong magpakas
ELLA POV "Si Kenneth, nasa labas siya? Paanong---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla akong kalabitin ni Thalia. Nagtatakang nakatitig siya sa akin. "Oo, Kenneth nga daw ang pangalan! Kilala mo Ate?" tanong niya sa akin. Tumango ako at mabilis ang hakbang na lumbas ng bahay. Kaagad
ELLA POV Pagkatapos kumain ng agahan muli akong pumasok sa kwarto at nahiga. Medyo mainit dito sa loob ng kwarto kaya itinutok ko talaga sa katawan ko ang nag-iisa naming electric fan. Ilang saglit lang kaagad na din naman akong nakatulog. Nagising ako sa mahinang yugyog sa akin. Pupungas-pungas
ELLA POV "Uyyy Ondo? Ang aga mo naman! Wala ka bang trabaho ngayun?" narinig kong sambit ni Nanay nang labasin niya kung sino mang bisita ang tumatawag sa labas. Hindi ko na napigilan pa na mapahilot sa sarili kong sintido. Kakatapos ko lang makipag-usap sa sugo ng tagahanga ko na nagbigay ng s
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments