Ara POV
"Nandito ako sa harden namin ngaun. Nakadekwatro akong nakaupo. Ngingiti-ngiti habang nakatingin sa kawalan. Sa wakas natupad din ang plano ko, kasabwat si Mommy. Hinithit ko ang sigarilyo sabay buga ng usok. Napapikit pa ako habang ninanamnam ang sarap ng nikotina na humahagod sa aking lalamunan. Nang maupos ang sigarilyo ay idinutdot ko ang upos nito sa ashtray na nasa harap ko.Wala akong choice niyaya na ako ni Gabriel magpakasal. Hindi ko siya mahindian kasi mahal ko siya pero hindi pa ako ready magpakasal. Mayaman ang Pamilya nila at alam ko kapag ipipilit ko na hindi muna magpakasal at tuparin muna ang pangarap ko na maging modelo hindi siya papayag. Kaya naman naisipan ko na habang tinutupad ko ang pangarap ko ipakasal ko muna siya sa kapatid ko.Yes, yan ang plano ko. Itatali ko muna si Gabriel sa kapatid ko para kapag ready na ako madali ko na siyang makuha ulit. Baka kasi mapunta pa siya sa ibang babae at mahirapan akong bawiin siya kapag ready na ako. Marami pa namang haliparot ang aaligid-aligid sa boyfriend ko. Maraming mga babae na handang maghubad sa harap ni Gabriel para lang mapansin at iyan ang hindi ko mapapayagan. Akin lang si Gabriel. Kaya hangang hindi pa ako ready na tuluyang magpatali sa kanya itatali ko muna siya sa kapatid ko. Knowing sa attitude ng kapatid ko madali kong maagaw ang akin. May pagkatanga kasi itong kapatid ko eh. Mabilis paikutin at napakainosente. Kayang kaya kong bawiin si Gabriel sa kanya kapag gusto ko.Sa ngayon magkukunwari ako na payag ako sa kasal nila dahil mahal ko ang kapatid ko pero "NO" gagamitin ko lang siya. Alam kong pagdating ng araw ako lagi ang papaboran ng aming pamilya lalo na ni Mommy kasi ako ang paborito niyang anak. 21 years old pa lang naman ako at next week pupunta ako sa New York para doon magmomodelo. Hindi ito alam ni Gabriel. Matagal ko ng pangarap ito at nandyan si Gaston para tulungan ako.Si Gaston ang manager ko at siya ang bahala sa lahat. Nangako siya sa akin na tutulungan nya ako sa lahat ng bagay para matupad ang pangarap ko." Siya na bahala sa lahat ng papeles ko at titirhan pagdating ng new york. Napakabait na manager ni Gaston kaya naman malaki ang tiwala ko dito pati na din si Mommy. Matagal ko na itong kilala at siya ang lagi kong kasama kapag may mga pinupuntahan akong audition at fashion shaw dito sa Pilipinas. Ito din ang nag-aasikaso sa lahat ng schedules ko. May ibang hawak na artist ito pero alam kong ako ang pinaka paborito nito dahil pagdating sa akin galante ito.Lihim akong napangiti habang iniimagine na sa wakas matutupad lahat ng pangarap ko na walang maging sagabal. Bata pa lang ako pangarap ko ng maging International Model. Alam kong may ibubuga ako pagdating sa larangang iyon. Nangako naman sa akin si Gaston na gagawin niya ang lahat upang natupad ang aking mga pangarap." Mam Ara tawag po kayo ng Daddy at Mommy mo sa Study Room. Dumating na po kasi ang magkakasal kina Mam Carissa at Sir Gabriel. Nandoon na din po ang mga magulang ni Sir Gabriel ." Sabi sa akin ni Manang ang aming katulong. Matagal na namin itong kasambahay. Halos ito na ang nagpalaki sa amin ni Carissa." Sige Manang susunod na ako" sabi ko sa kanya. Kailangan kong palungkutin ang aking awra para kapani-paniwala na nalulungkot ako sa mga nangyari. Pero sa kaloob-looban ng puso ko tuwang tuwa ako. Tagumpay ang plano. Magiging panatag ang aking kalooban habang tinutupad lahat ng pangarap ko.Sumunod na agad ako sa study Room at nadatnan ko si Mommy, Daddy, mga magulang ni Gabriel na sila Tita Moira at Tito Ralph. Nandito na din si Gabriel at Carissa pati na din ang judge na magkakasal sa kanila. Yes ngayun agad ang kasal nila. Desisyon ito ni Daddy na agad naman sinang-ayunan ni Mommy. Alam namin ang ugali ni Daddy. Conservative ito. Well hindi nakakapagtaka yun kasi ang mga namayapa naming Lolo at Lola ay lingkod ng simbahan. Doon yata namana ni Daddy ang ganitong pag-uugali. Nang tingnan ko si Carissa ay Kapansin-pansin ang lungkot sa mukha ni Carissa samantalang si Gabriel naman ay nakatiim-bagang. Ora-orada ang kasal kasi kunyari din hindi papayag si Mommy na hindi agad panagutan ni Gabriel ang nangyari sa kanila ni Carissa. Stict lang ang peg ni Mommy pero kasama na yan sa plano namin. Ako yata ang favorite daughter ng Mommy ko.Nang tingnan ko ang mukha nila Tito at Tita hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nila. Alam nila pareho na ako ang girlfriend ng kanilang anak. Boto nga sa akin si Tita Moira kasi lagi naman ako dinadala ni Gabriel sa bahay nila tuwing may sinicelebrate ang pamilya. Kaya hindi na ako iba sa kanila. Alam ko din na mababait ang mga ito sa kabila ng katayuan nito sa buhay. Super yaman ng mga ito pero bakas sa mga mukha ng mag-asawa ang kabaitan."Ara Babe Im sorry. Pwede bang pag uspan muna natin ito?" sambit sa akin ni Gabriel. "Mom Dad I love Ara at siya dapat ang pakasalan ko hindi si Carissa."Tito, Tita Please si Ara ang gusto ko". Sana naman bigyan niyo muna kami ng time na makapag usap" Hindi pwedeng sa isang iglap lang ikakasal ako sa kapatid ng girlfriend ko." pakiusap ni Gabriel. Bakas sa boses nito ang tinitimping emosyon."Gabriel, nangyari na ang hindi dapat mangyari. Dapat si Carissa ang panagutan mo dahil may nangyari na sa inyo. Hindi kami papayag na parang wala lang ang nangyari kagabi. Paano kung mabuntis siya. At ano nalang sasabihin ng mga tao ng mga kakilala namin. Nakakahiya ang mga nangyari".mahabang litanya ni Mommy.Samantalang si Carissa naman ay tahimik lang at nakayuko. Alam kong confused pa rin siya sa mga nangyari. At iniisip kung paano napunta silang dalawa ni Gabriel sa kama. Simple lang naman ang ginawa namin ni Mommy nilagyan namin ng pampatulog ang kanilang mga inumin. Tapos pareho namin silang hinubaran. Makasarili na kung makasarili pero ito lang ang paraan para hindi makawala sa akin si Gabriel. Pagbalik ko galing sa New York babawiin ko siya kay Carissa. Gagawin ko ang lahat para maging akin siya ulit. Sa ngayon ito muna ang pinaka the best na desisyon.." Gabriel, hangang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niyo akong lukuhin. Mahal na mahal kita pero bakit nangyari ito?" Kapatid ko si Carissa at dapat lang na panagutan mo siya."" Siguro tangapin ko nalang na hindi tayo para sa isat isa." wika ko na may lungkot sa tinig. Kailangan kong magkunwaring malungkot para kapani-paniwala ang drama. At kailangan na ipakita ko sa kanila na mabait ako at kaya kong magparaya para sa nag-iisa kong kapatid." Ara, Iha napakabait mo talagang bata ka. Hindi ko akalain na magpaparaya ka para sa kapatid mo". Bakas sa mukha ni mommy Moira ang paghanga habang sinasabi sa akin ang katagang iyon. Lihim na nagdiwang ang aking puso."Thank you Tita.. Siguro hindi kami para sa isat isa ng anak niyo. Gagawin ko po ang tama, at iyun ay magparaya..." sagot ko kay Tita Moira at napangiti ito sa sinabi ko. Tumango tango naman si Tito Ralph."Mom, Dad pwede naman na wag na natin ituloy ang pagpapakasal. Please.... Hindi nman namin ginusto ang nangyari l. Hanggang ngayun hindi ko pa din po maisip kung paano kami napunta sa iisang kama ni Kuya Gabriel.. " wika naman ni Carissa."Tumahimik ka Carissa". Kung hindi dahil sayo hindi mangyayari ito." Napakalaking pasakit sa Ate mo itong ginawa mo. Hindi ka man lang nag-isip na masasaktan ang Ate mo sa pinagagawa mo." Pabulyaw na sabi ni Mommy."Mom tama na yan. Carissa kapatid kita at hangad ko ang kaligayahan mo... nyong dalawa ni Gabriel. Ipapaubaya ko na siya sayo. Sana alagaan mo siya. Alam ko naman na noon ka pa may gusto sa kanya". Madrama kong sabi."Ate Hindi! . Itama natin to. Kayo dapat ni Kuya Gabriel ang ikakasal hindi ako." "Ate please...... Ayaw kong ako ang magiging dahilan ng paghihiway niyo ni Kuya. Alam ko kung gaano niyo kamahal ang isat isa. Saksi ako doon. Please Ate...." naluluhang sagot ni Carissa."No Carissa ito ang tama." Mahal kita kasi kapatid kita" "Handa akong magparaya para sa kaligayahan mo...."Madamdamin kong sabi dito. Kunyari pa ay pinunasan ko ang luha sa aking mga mata."Tama na yan. Carissa, Gabriel magpapakasal kayo ngaun din at wala ng marami pang satsat. Ginusto niyo ito kaya dapat lang na panindigan niyo. Pagkatapos ng kasal isama mo si Carissa sa inyo Gabriel. Ayaw kong makita na nahihirapan si Ara dahil sa mga nangyayari.." Mahabang litanya ni Daddy." Pero Dad paano ang pag aaral ko. Pwede bang dito nalang muna ako? " Sumasamong pakiusap ni Carissa." Hindi Carissa dapat lang na sumama ka na sa asawa mo pagkatapos ng Kasal. Wag ka na muna makipag usap at makipagkita sa Ate mo para makamoved-on agad siya. Masakit sa kanya ang mga nangyari kaya naman umalis ka ka na muna sa bahay na ito..." Wika ni Daddy."Tama yan. Gabriel Anak isama mo si Carissa sa bahay mo pagkatapos ng kasal para sa katahimikan ng lahat total naman mag asawa na kayo kaya dapat lang magsama kayo sa iisang bahay. Diba kakatapos lang gawin yung dream house mo? Doon mo nalang muna itira si Carissa after nito". Mahabang litanya ni Mommy Moira."Dream house namin ni Ara iyun Mom. Para sa kanya ang bahay na iyun..." bakas ang inis sa boses ni Gabriel na wika nito."Gabriel Please tama na. Kalimutan mo na ako. Simula ngayon itoon mo na ang pansin kay Carissa. Siya dapat ang itira mo sa bahay na iyun kasi magiging asawa mo na siya. Kalimutan mo na ako. Alam kong masakit pero ito ang tama." madamdamin kong wika kay Gabriel." No!!!! ... Ikaw ang mahal ko Ara. Hindi ako papayag na mawala ka sa akin. Ayusin natin ito. Mag-usap tayo. Yung tayo lang.. Please... " nakikusap na wika ni Gabriel na labis ko namang ikinatuwa. Walang duda, mahal na mahal ako nito."Stop it.. Gabriel tama na.... Please. Palayain mo na ako... Huwag mo ng dagdagan ang sakit na nararamdaman ko. Maawa ka Gabriel." nakikiusap kong wika dito na labis naman nitong ikinalungkot."Bweno ok na ba lahat? " Siguro pwede na umpisahan ang kasal". Deklara ni Daddy Ralph.Tumango naman agad si Daddy at Mommy Helena. Agad naman na naghanda ang judge naagkakasal. Tahimik lang akong nanonood habang ginaganap ang seremonyas. Wala naman masyadong ganap. Halata sa mukha ni Gabriel ang labis na pagtutol. Balisa naman ang mukha ni Carissa. Halos hindi makasagot ang mga ito sa tanong ng judge. Well hindi naman nila kailangan sumagot. Formality lang ang kasal-kasalan na ito. Ang pinakahighlight lang talaga ay ang pagpirma sa merriage certificate or merriage contract na nagdedeklara na legal na mag-asawa na sila Carissa at Gabriel..Carissa POVTapos na ang kasal namin ni Gabriel. As in hangang ngayon lutang pa rin ako. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kong paano umakto. Basta sa kaloob-looban ng puso ko, natatakot ako. Nandito ako sa aking kwarto ngayon para ayusin ang mga gamit ko. Kailangan ko ng
CARISSA POVNagising ako ng mga 6:00 ng gabi. Agad akong bumangon at nagpunta sa CR para maligo. Ginawa ko ang aking routine at nagbihis. Satong kakatapos ko lang magbihis ng may narinig akong kumakatok sa pinto ng room ko. Agad ko itong pinagbuksan at nakita ko ang isang naka uniform na katulong. N
CARISSAMONDAYMaaga pa lang nandito na ako sa School. Katulad ng nabanggit nila Mommy Moira at Daddy Ralph hinatid ako ni Mang Raul. Simula ngayung araw ito na ang maghahatid at susundo sa akin sa school. Kahit na nahihiya ako ay wala akong magawa dahil ito ang kanilang gusto. Dumirecho ako sa tamb
CARISSAMabilis na lumipas ang mga araw. Mag iisang buwan na din ako nakatira dito sa mansion nila Gabriel. Maayos naman ang pakikitungo sa akin mg aking mga in-laws.Ramdam ko na tanggap nila ako. Si Mommy Moira napakabait niya lagi ko siyang nakabonding dito sa garden ng mansion kapag wala akong p
GABRIEL POVKanina pa ako nakatitig sa magandang mukha ni Carissa. Maraming gumugulo sa isip ko. Hindi ko akalain na virgin pa ito sa kadahilanan na nagising kami parehong walang saplot ng araw na iyun. Kung ganun walang physical na nangyari sa amin. Pero sino ang may pakana ng lahat. Bakit magkatab
CARISSANagising ako kinabukasan sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha na nagmumula sa siwang ng kurtina mula sa bintana. Nang tingnan ko ang oras sa side table ng aking kama nagulat ako kasi alas-8 na pala ng umaga.Nang subukan kung kumilos para bumangon naramdaman ko ang sakit ng buo kong k
"Magrereseta ako ng gamot para kay Carissa. Please Gabriel, sundin mo ang sinasabi ko. Masyadong napwersa ang perlas ni Carissa kaya naman kailangan muna niyang magpagaling." wika ni Genie.Tanging bunting-hininga lang ang nagawa ni Gabriel. Tumango lang ito at sinenyasan ang doctor na pinsan na lum
"Ikaw lang ang magshopping Bestie, samahan nalang kita." nakangiti kong sagot dito. "No Bestie libre kita ngayon". Bilhin mo lahat ng gusto mo ako ang bahala". Nakangiti na sagot nito. " Naku, ikaw talaga huwag na. Kompleto pa naman ako sa mga gamit. Binilhan ako ng mga inlaws ko noh??" sagot ko d
CARISSA VILLARAMA POV Hindi ko mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko habang nakatanaw ako sa mga nagkakasayahan! Parang kailan lang noong mga panahon na lumuha ako at nasaktan dahil sa pag-ibig. Mga panahon na walang kasiguraduhan kong magiging masaya ba ako sa buhay ko. Mga panahon
ELLA POV Hindi ako makapaniwala habang titig na titig ako sa dokumentong hawak ni Kenneth. Hindi ko akalain na noon pa man, nagplano na pala siyang gawin ito. Na isurpresa ako at ang buo kong pamilya dahil sa malaki niyang regalo na hatid sa aming lahat. "Naku, nag-abala ka pa! Nakakahiya! Sapat
ELLA POV Hindi man kami masyadong nakatulog ni Kenneth dahil sa sobrang ingay sa paligid, wala kaming choice kundi ang bumangon. Malambot na ang hinihigaan namin dito sa tent kaya hindi na nagreklamo pa si Kenneth na sumasakit ang likod niya. Pagkalabas namin ng tent, siyang papasok naman ang mga
ELLA POV Mainit na nga dahil katanghaliang tapat, lalo pang pinainit ni Kenneth ang buong sandali. Parehong naliligo kami sa pawis pagkatapos naming maiparamdam kung gaano kami kasabik sa isat-isat. Mabuti na lang at maginoo itong asawa ko dahil siya pa talaga ang nagpunas ng pawis sa buo kong k
ELLA POV "Anong sabi mo? Nagsinungaling si Vina sa akin?" kaagad na tanong ko kay Kenneth pagkapasok namin dito sa bahay. Nandito kami sa kusina at sabay na pinagsaluhan ang request kong tinolang manok kanina. Mabuti na lang at nakisama ang baby sa sinapupunan ko at tinagap lahat ng pagkain na isi
ELLA POV Para akong nakalutang sa alapaap habang pilit na inaabsorb ng utak ko ang sinasabi ni Kenneth ngayun. Hindi ko akalain na darating kami sa ganitong sitwasyon. Ang magpruposed sya ng kasal na aminado akong matagal kong hinintay. "Oo naman! Siyempre! Gusto ko...gustong-gusto kong magpakas
ELLA POV "Si Kenneth, nasa labas siya? Paanong---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla akong kalabitin ni Thalia. Nagtatakang nakatitig siya sa akin. "Oo, Kenneth nga daw ang pangalan! Kilala mo Ate?" tanong niya sa akin. Tumango ako at mabilis ang hakbang na lumbas ng bahay. Kaagad
ELLA POV Pagkatapos kumain ng agahan muli akong pumasok sa kwarto at nahiga. Medyo mainit dito sa loob ng kwarto kaya itinutok ko talaga sa katawan ko ang nag-iisa naming electric fan. Ilang saglit lang kaagad na din naman akong nakatulog. Nagising ako sa mahinang yugyog sa akin. Pupungas-pungas
ELLA POV "Uyyy Ondo? Ang aga mo naman! Wala ka bang trabaho ngayun?" narinig kong sambit ni Nanay nang labasin niya kung sino mang bisita ang tumatawag sa labas. Hindi ko na napigilan pa na mapahilot sa sarili kong sintido. Kakatapos ko lang makipag-usap sa sugo ng tagahanga ko na nagbigay ng s