Share

Kabanata 0003

Carissa POV

Tapos na ang kasal namin ni Gabriel. As in hangang ngayon lutang pa rin ako. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kong paano umakto. Basta sa kaloob-looban ng puso ko, natatakot ako.

Nandito ako sa aking kwarto ngayon para ayusin ang mga gamit ko. Kailangan ko ng sumama kay Kuya Gabriel kasi yan ang napag usapan bago ang kasal. Kahit masama ang loob ko sa aking mga magulang dahil halos ipagtabuyan nila ako wala akong magagawa. Kailangan ko silang sundin kahit labag sa aking kalooban.

Nakaharap ko na din ang mga magulang ni Kuya Gabriel at hindi ko alam kong paano aakto sa harap nila. Alam kong ang pagkakaalam nila si Ate Ara ang girlfriend ng anak nila. Siguro ang baba ng tungin nila sa akin. Mukhang mababait naman sila pero malay ko bang nagkukunwari lang sila. Ang alam ko kasi sa mga mayayaman istrikta sila at mahirap pakisamahan. Si Kuya Gabriel naman alam kong galit siya sa akin. Kuya ang tawag ko sa kanya kasi yun ang nakasanayan ko noon pa. Nakikita ko sa mga mata nya ang galit at pagkapoot sa akin tuwing tinitingnan niya ako.

Hayst hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi pa kami masyadong nakakapag-usap nila Mommy at Daddy pati na din si Ate Ara. Basta sabi lang nila hindi na daw ako pwede magtagal dito sa bahay kasi nasasaktan si Ate Ara sa mga nangyari. Nasasaktan din naman ako ah. Hindi ko nga alam kong bakit nangyari lahat ito. Alam kong mas mahal nila Mommy at Daddy si Ara kaysa sa akin. Minsan napapaisip ako kung anak ba talaga nila ako kasi kahit noon hindi ko maramdaman na nag eexist ako sa pamilyang ito. Si ate Ara lagi ang kanilang pinapaboran. Lahat ng gusto ni Ate binibigay nila samantalang wala silang pakialam sa akin.

Nakakalungkot lang kasi hindi ko maramdaman kung importante ba ako sa pamilyang ito. Sa ngayon aalis na ako sa bahay na ito. Hindi ko alam kung anong kapalaran ang naghinhintay sa akin.

Hindi ko pa din nabanggit sa mga kaibigan ko ang kinasadlakan kung sitwasyon ngayon. Tiyak na magugulat sila kapag mlaman nila na kinasal na ako. Tsaka ko nlng siguro sabihin sa kanila pagpasok ko sa school. Sa ngayon kailangan ko munang magfocus sa kung anong buhay ko ngayon kasama si Kuya Gabriel. Sana lang maging mabait siya sa akin at wag nyang isisi sa akin ang nangyari.

"Oh tapos ka na ba mag ayos ng mga gamit mo"? "Kanina pa naghihintay si Gabriel sayo sa baba. Bilisan mo ang kilos mo. Kahit kailan napakalamya mo talaga." pabulyaw na sabi sa akin ni Mommy.

"Malapit na po Mommy. Inaayos ko lang itong mga gamit ko sa school. Sinisigurado ko na wala akong nakalimutan." sagot ko kay Mommy.

"Ngayong kasal na kayo ni Gabriel siya na bahala sa iyo. Wala na kaming pakialam kung ano man ang desisyon nya tungkol sa pagsasama niyo. Next week pupunta ang ate mo sa New York para ituloy at tuparin ang kanyang pangarap na maging modelo at para na din makalimot." pahayag ni Mommy. Nagulat man ako sa sinabi nito hindi na lang ako kumibo at pinagpatuloy ko ang aking ginagawa.

Alam ko noon pa pangarap ni Ate na umalis ng bansa at pumunta sa New York para maging sikat na modelo.

" Mommy sana mapatawad ako ni Ate sa mga nangyari. " Kahit ako naguguluhan pa rin hangang ngayon bakit nangyari ito."Malungkot kong sabi.

" Ang sabihin mo pinairal mo ang kalandian. Hayst ewan ko ba kung kanino ka nagmana. Puro pasakit ang binibigay mo sa pamilyang ito.. " pagalit na sambit ni Mommy sa akin.

" Ang sakit mo naman po magsalita Mommy. Alam ng Diyos na hindi ko ginusto lahat ito. " tumutulo na ang luha ko na sabi sa kanya.

" Tigilan mo na nga yan kadramahan mo. Bilisan mo ng kumilos para makaalis na kayo." Galit niyang sabi. Wala itong pakialam sa nararamdaman ko. Siguro wala talaga itong pagmamahal na nararamdaman sa akin. Kung ituring ako parang hindi ako nito anak.

Lalong nag-uunahan sa pagtulo ang aking luha sa sinabi ni Mommy. Masakit para sa akin na marinig ang mga masasakit na salita. Parang hindi talaga nila ako anak. Hindi ko man lang maramdaman na mahal nila ako.

" Mom bakit po ganyan kayo sa akin. Bakit hindi ko maramdaman na mahal niyo din ako? " hindi ko natiis na sabi sa kanya.

"letche! Tigilan mo na nga yang kadramahan mo na yan. Alam naman natin pareho na lamang si Ate Ara mo sa lahat ng bagay. Siya ang magdadala ng swerte sa pamilyang ito. Ikaw ano ang ambag mo sa pamilyang ito?" galit na sabi ni Mommy. "Mula noong bata pa laging nagbibigay ng karangalan sa pamilya natin si Ate Ara mo. Palagi siyang panalo sa mga pageant na sinasalihan niya. Matalino ang ate mo at may pangarap sa buhay. Eh ikaw anong meron ka. Diba wala? Wala kang pangarap sa buhay". Kaya wag mo akong tanungin bakit mas pinapaboran namin si ate Ara mo kaysa sayo. Kasi mas marami siyang lamang kaysa sayo." mahabang litanya ni Mommy sa akin.

Lalo akong napaiyak sa mga sinabi ni Mommy sa akin. Ang sakit na marinig sa sarili mong ina na kinukompara ka sa kapatid mo. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko.

Hindi nalang ako umimik at pinagpatuloy ko na lang ang pagliligpit ko sa akin mga gamit. Masama ang loob ko kay Mommy pero ayaw ko na lang magsalita kasi baka lalong madagdagan ang sama ng loob ko sa kanya.

"Sige na bilisan mo na ang kilos mo at baka mainip na si Gabriel sa paghihintay sayo."Sabay labas sa aking kwarto ni Mommy.

.......…................................................

Sakay na ako ngayon sa sasakyan ni Gabriel. Nasa passenger set siya kasi may driver naman at ako naman nandito sa likod ng kotse. Tahimik lang kami habang umuusad ang sasakyan.

Pagkatpaos ng kasal namin ni Gabriel agad na umalis ang mga magulang nito. Liban sa seremonya ng kasal na ginanap sa library ng bahay namin wala ng ibang ganap. Walang kahit kunting salo-salo or reception katulad ng isang pangkaraniwang kasal. Tanging ilang piraso lang ng papel ang nagbubukod sa aming dalawa.

Hindi ko na din nakita si Ate Ara bago kami umalis. Ayon kay Daddy nagkulong daw ito ng kwarto at ayaw munang makipag-usap kahit kanino.

Hindi ko alam kung saang bahay n ako

dadalhin ni Gabriel pero sana maging ok ang lahat sa amin. Sana hindi niya ituloy ang pagbabanta na gagantihan niya ako kasi nakipaghiwalay sa kanya si ate Ara.

"Manong iderecho mo nalang sa Mansion ang kotse. Hindi pwedeng sa dreamhouse namin ni Ara titira si Carissa. Para sa aming dalawa lang iyon at hindi pwedeng tumira kahit sinong babae doon." narinig kong sabi ni Gabriel sa kanyang driver.

Parang kinurot ang puso ko sa narinig. Hindi nalang ako umimik dahil alam kung wala akong karapatan na magreklamo.

Maya-maya pa pumasok kami sa maluwang na bakuran. Nalulula ako sa ganda ng bakuran. Parang nasa isang paraiso ako hindi ko akalain na ganito sila kayaman.

May sumalubong sa amin na isang nakauniform na katulong. "Magandang hapon senyorito". Magalang na bati niya kay Gabriel.

"Manang Delia dalhin mo sa Carissa sa Servants quarter. Bagong kasamahan niyo siya dito". Ituro mo sa kanya ang lahat ng dapat nyang gawin. "sabi ni Gabriel.

Natulala ako sa kanyang sinabi. Hindi ko akalain na gagawin niya pala akong kasambahay. Sabagay ito siguro ang sinabi niyang ganti sa akin sa nangyari. Hindi ako umiimik at nakayuko lang.

" Ano po? Sabi ni Madam Moira asawa niyo po siya"? Gulat na sabi ni aling Delia.

"Hindi Manang. Wala akong asawa at kahit kailan hindi ko siya pwede na maging asawa" . Nakatiim bagang na sagot ni Gabriel.

"Ah ganoon po ba? Sige po masusunod po". Iha halika sumama ka sa akin at ituturo ko ang maging kwarto mo. "baling sa akin ni Aling Delia.

" Mang Raul, ibaba mo ang mga gamit ni Carissa sa kotse at dalhin sa quarter niya. " utos ni Gabriel sa kanyang driver.

" Masusunod po Senyorito" sagot naman ni Mang Raul.

"Ano itong narinig ko na sa servants quarter tutuloy si Carissa? Gabriel ano ang ibig sabihin nito? Ano bang kalukuhan ang pumasok diyan sa utak mo? " Biglang sulpot ni tita Moira.

"You heard it right Mom. Sa servants quarter tutuloy si Carissa kasi kahit kailan hindi ko siya matatangap bilang asawa. Iisang babae lang ang gusto ko maging asawa at yun ay walang iba kundi si Ara." sagot ni Gabriel.

"Gabriel magdahan-dahan ka nga sa pananalita mo. Nasa harap mo ang asawa mo". Hindi mo man lang naisip na nasasaktan siya diyan sa lumalabas sa bibig mo." saway ni Tita Moira.

" No Mom tingin ko walang pakiramdam ang babae na yan dahil sa ginawa niya sa amin ni Ara." Sagot ni Gabriel.

" Gabriel kailan ka pa naging bastos? Hindi ka namin tinuruan ng Daddy mo para manakit na damdamin lalo na at asawa mo ang nasa harap mo". Nagagalit na sagot ni Tita Moira.

"Sa kwarto mo dapat tutuloy si Carissa dahil asawa mo siya." Sabi ni mommy kay Gabriel.

"No Mom, wala akong asawa at ako ang magdedesisyon kung saan ang maging kwarto ni Carissa dahil may atraso siya sa akin."Sagot ni Gabriel.

"Lalong big NO anak. Huwag mong gawin ito sa asawa mo. Kahit anong mangyari asawa mo na si Carissa kaya dapat lang na turuan mo ang sarili mo na irespito siya bilang iyong katuwang sa buhay." paliwanag ni Tita Moira.

"Hindi siya tutuloy sa kwarto ko Mom dahil kapag ipipilit niyo ang gusto niyo hindi na talaga ako uuwi sa bahay na ito. Ayaw kong makasama ang babaeng yan." sagot na Gabriel.

Para akong sinampal sa narinig ko. Masakit ang mga binitiwan na salita ni Kuya Gabriel. Hindi talaga maikakaila na galit siya sa akin.

" Tita Moira ok lang po. " Sa servants quarter nalang po ako tutuloy" wag na po kayo magtalo". Kimi kong sabi kay Tita. Nahihiya ako sa mga nangyari. Dahil sa akin mukhang magkakasamaan pa ng loob ang mag-ina.

"Call me Mommy, Carissa. Simula ng kinasal kayo ni Gabriel mother in law mo na ako. Kaya dapat lang na Mommy at Daddy na din ang tawag mo sa amin ni Tito Ralph mo."Sabi sa akin ni Mommy Moira

Nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ko akalain na ganito ito kabait. Wala akong nakitang panghuhusga sa mga tingin nito sa akin.

Parang tangap nito ang mga nangyari.

" Sige po Ma....Ma.. Mommy ". Nauutal kong sagot dito at ng napadako ang tingin ko kay Kuya Gabriel matalim itong nakatitig sa akin. Nakakatakot siyang tumingin.

" Gabriel kung hindi ka pa ready na makasama ang asawa mo sa kwarto mo pwede siyang tumuloy sa isa sa mga kwarto dito sa bahay. . Marami tayong bakanteng kwarto dito sa bahay na maging komportable si Carissa. Wag ka sanang maging malupit sa kanya." Napakabata niya pa para magdusa." Mahinahong wika ni Mommy Moira.

" Bahala po kayo Mommy basta wag lang sa kwarto ko dahil kahit kailan hindi ko matatangap ang babaeng iyan. Sige po papasok na ako sa loob walang patutunguhan itong pag uusap na ito." Sabay talikod ni Kuya Gabriel sa amin.

" Iha halika na ituturo ko sayo ang maging kwarto mo. Pag pasensyahan mo na muna ang asawa mo ha? Malambing na sabi sa akin ni Mommy Moira.

"Hindi po ba kayo galit sa akin. Ako po kasi ang sinisisi ng lahat kaya po nangyari ang gulo na ito" . May namuong luha sa aking mga mata na tanong kay Mommy Moira.

"Iha wala ako sa lugar para husgahan ka. Diba desi-otso ka pa lang?. Napakabata mo pa para sa ganitong klaseng problema." nakangiti na sagot ni Mommy.

Hindi ako makapaniwala na ganito pala kabait ang Mommy ni Kuya Gabriel. Akala ko talaga istrikta siya kasi hindi siya kumikibo kanina nung ikinasal kami ng anak nila.

" Salamat po Mommy. Ang bait niyo po pala."Nakangiti kong sagot sa kanya.

Tinitigan niya ako sa mukha at hinaplos niya ang aking pisngi. Medyo masakit pa rin ang aking magkabilaang pisngi dahil sa sampal na binigay sa akin ng aking Ina kaninang umaga.

" Halika na Iha ituturo ko sayo kung saan ang maging kwarto mo" . Sabay hawak sa aking kamay ni Mommy Moira.

"Mang Raul, isunod niyo ang mga gamit ni Carissa sa kanyang kwarto." Utos ni Mommy kay Mang Raul.

" Opo Madam". Sagot ni Mang Raul.

"Lets go Iha.... Sabi ni Mommy sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa sobrang ganda ng kwarto na binigay sa akin ni Mommy Moira. Kulay pink ang kabuan ng kwarto at talaga namang kitang kita ang karangyaan sa gamit na nasa loob nito. Malayong-malayo ito sa hitsura ng kwarto ko sa aming bahay. Hindi ko maimagine kung gaano sila kayaman.

"Ito ang magiging kwarto mo Iha. Yung sa kabilang pinto naman na nadaanan natin kanina yun ang kwarto ng asawa mo." nakangiti na sabi sa akin ni Mommy Moira.

"Ang ganda po ng kwarto na ito Mommy" "Salamat po" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Bweno iha magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka. Ipapasundo nalang kita mamaya sa katulong kapag kakain na ng hapunan." Sabi ni Mommy Moiraa sa akin.

" Salamat po ulit Mommy." nahihiya kong sabi sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at lumabas na ng kwarto.

Nang mapag-isa ako sa kwarto nakatulala akong nakatingin sa kawalan. Ano kayang maging kinabukasan ang naghihintay sa akin sa bagong yugto ng buhay ko. Very thankfull ako kasi mabait si Mommy Moira sa akin. Natatakot ako kay Kuya Gabriel na asawa ko na ngayon. Iba siya kung tumitig sa akin. Masakit at matalim. Kitang kita ang galit nya sa akin.

Masakit sa akin dahil pinagbibintangan nila ako na ako ang may kasalanan.

Hinaplos ko ang aking pisngi na may namumula pa dahil sa sampal na binigay sa akin ng aking ina. Malungkot akong napabuntung-hininga. Hindi ko alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa akin. Para na din kasi akong itinakwil ng sarili kong pamilya. Galit silang lahat sa akin dahil sa mga nangyari. Well hindi ko sila masisisi kasi noon pa man paborito na nilang anak si Ate Ara.

Komen (143)
goodnovel comment avatar
lopenagladiesha
Ganda Ng story,nkkaiyak lng bkit ngu mpisa ulit aq s chapter 1...chapter 278 n q eh...
goodnovel comment avatar
Chelle Alangilan
ganda ng story ...️...️...️
goodnovel comment avatar
Leona isabel Alviz
Open please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status