Sa loob ng hotel, magulo ang kwarto.
Nagising si Vaiana na ramdam ang matinding sakit sa buong katawan. Hinilamos niya ang kanyang mukha bago tuloyang bumangon, ngunit napansin ang matangkad na pigurang nakahiga sa tabi niya.
Isang napakagwapong mukha—matangos ang ilong, malalim ang mga mata, at matalim ang mga linya ng kanyang mukha. Mahimbing pa rin itong natutulog.
Ang lalaking nakahiga sa tabi niya ay walang ibang kundi ang kanyang amo—at asawa sa papel—si Kyro de Vera.
Umupo si Vaiana sa kama, at nang dumulas ang kumot, lumantad ang ilang marka sa kanyang maputing balikat. Tumayo siya, at kitang-kita ang bakas ng dugo sa sapin ng kama.
Pagtingin niya sa oras, malapit na siyang mahuli sa trabaho. Dinampot niya ang gusot na uniporme at agad itong sinuot. Napansin niyang punit na ang kanyang stockings—ginawa niya itong bola at itinapon sa basurahan bago sinuot ang kanyang takong.
Maya-maya, may kumatok sa pinto.
Nakapaghanda na si Vaiana at bumalik sa anyo ng isang maayos at propesyonal na sekretarya. Kinuha niya ang kanyang bag at at handa nang umalis ng silid.
Isang napakagandang babae ang pumasok—ang babaeng siya mismo ang tumawag.
“Humiga ka lang sa kama at hintayin mong magising si Mr. de Vera. Wala ka nang kailangang sabihin pa.” Walang emosyon na sinabi ni Vaiana.
Saglit siyang lumingon sa lalaking natutulog sa kama. May kurot sa kanyang puso, pero pinili niyang umalis.
Ayaw niyang malaman ni Kyro ang nangyari kagabi. May kasunduan silang tatapusin ang kasal nila pagkatapos ng tatlong taong lihim na pagsasama—at sa panahong iyon, hindi sila dapat lumampas sa limitasyon.
Pitong taon na siyang personal na sekretarya ni Kyro, at tatlong taon bilang kanyang asawa. Mula noong araw ng kanilang pagtatapos, nanatili na siyang kasama nito at hindi kailanman lumayo.
Ngunit sa parehong araw na iyon, sinabi na rin ni Kyro sa kanya na ang relasyon nila ay mananatili lamang bilang amo at tauhan. Hindi kailanman maaaring lumampas sa hangganang iyon.
***
Habang nakatayo si Vaiana sa tabi ng bintana sa pasilyo, naalala pa rin niya ang nangyari kagabi. Nang hawakan siya ni Kyro, habang mahina nitong binabanggit ang isang pangalan—Althea.
Muling kumirot ang puso niya. Si Althea ang unang minahal ni Kyro at hanggayon ay mahal niya pa rin ito. Ginamit lang siya bilang panakip-butas.
Alam niya iyon. Kilala niya si Kyro. Hindi nito gugustuhing may mangyari sa kanila.
Ang kasal na ito—siya lang ang nagseryoso. Dapat na itong matapos. At ang nangyari kagabi ay maaaring ituring bilang pagtatapos ng tatlong taon nilang pagsasama.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita ang isang headline sa balita: “Rising star singer, Miss Althea, bumalik ng bansa kasama ang kanyang fiancé!”
Napakapit siya sa kanyang telepono, at ang pait sa kanyang puso ay lalong lumalim. Maging ang dulo ng ilong niya ay uminit.
Ngayon niya naintindihan kung bakit ito nalasing kagabi, kung bakit ito umiiyak habang yakap siya.
Humihip ang malamig na hangin. Mapait siyang napangiti, inilagay ang cellphone sa kanyang bag, at kinuha ang isang kahang sigarilyo.
Sinindihan niya ito, idinikit sa kanyang manipis at mahahabang daliri, at hinayaang lumipad ang usok—unti-unting tinatabunan ang kanyang malamlam ngunit napakagandang mukha.
Sa sandaling iyon, dumating si Elyse na humihingal sa pagtakbo.
“Miss Vaiana, dumating na po ang suit ni Mr. de Vera. Ihahatid ko na.”
Naputol ang pag-iisip ni Vaiana at tumingin siya kay Elyse.
Sinulyapan niya ang dala nito at sinabi, “Sandale”
Nag-alinlangan si Elyse. “May problema po ba, Miss Vaiana?”
“Ayaw niya ng asul. Palitan mo ng itim. Itali ng may plaid stripes. Plantsahin uli, siguraduhin mong walang gusot. At huwag mong gamitin ang transparent na plastic bag—ayaw niyang makarinig ng tunog ng plastik. Isabit mo na lang nang maayos sa hanger bago mo dalhin.”
Si Vaiana ay parang isang personal na butler ni Kyro—alam ang bawat maliit niyang nakasanayan, at ni minsan ay hindi siya nagkamali.
Napamulagat si Elyse. Tatlong buwan pa lang siya sa trabaho, pero ilang beses na siyang ninerbyos dahil sa presensya ni Mr. de Vera. Halos magkamali na naman siya ngayon.
Agad siyang tumakbo para palitan ang damit. “Salamat po, Miss Vaiana.”
Ngunit biglang nagmula sa loob ng kwarto ang isang galit na sigaw—
“LUMABAS KA!”
Kasunod nito, narinig ang takot na sigaw ng babae.
Makalipas ang ilang sandali, bumukas ang pinto.
Lalabas na sana si Elyse, pero namumula ang kanyang mga mata at mukhang matamlay. Napagalitan siya. At sa pagkakataong ito, mukhang talagang iritable si Kyro.
Tumingin siya kay Vaiana na tila nagmamakaawa. “Miss Vaiana, pinapatawag ka ni Mr. de Vera.”
Tinitigan ni Vaiana ang bukas na pinto. Alam niyang hindi ito magiging madali. “Sige, bumaba ka na.”
Pinatay niya ang sigarilyo sa ashtray at pumasok sa suite.
Sa pintuan pa lang, nakita na niyang magulo ang buong kwarto. Kalat ang mga gamit ni Kyro—sira ang lampshade, at ang cellphone nito ay basag ang screen ngunit patuloy pa ring nagvi-vibrate.
Ang babaeng natagpuan niya ay takot na takot, walang saplot, hindi alam kung saan tatayo, at may bakas ng kawalan sa kanyang mga mata.
Samantala, nakaupo nang madilim sa kama si Kyro. Ang kanyang pangangatawan ay perpekto—matagal na siyang nag-eehersisyo kaya malinaw ang hubog ng kanyang muscles, malapad ang kanyang dibdib, at kitang-kita ang kanyang mga pandesal sa tiyan. Ang kanyang V-line ay bahagyang natatakpan ng kumot. Kahit mukhang kaakit-akit, ang ekspresyon sa kanyang gwapong mukha ay mabigat, madilim ang kanyang mga mata, at tila nasa gilid na ng galit.
Lumapit si Vaiana, pinulot ang natumbang lampshade, saka kumuha ng isang basong tubig at inilapag ito sa tabi ng kama. "Mr. de Vera, may meeting kayo ng alas-nwebe y medya. Kailangan n'yo nang gumising."
Malamig ang tingin ni Kyro sa babae, na parang hindi siya makapaniwala sa nangyari.
Napansin iyon ni Vaiana at sinabihan ang babae, "Pwede ka nang umalis."
Nag-aalalang pinulot ng babae ang kanyang damit at agad na lumabas, ayaw nang manatili pa kahit isang segundo.
Nanumbalik ang katahimikan. Dahan-dahang inilipat ni Kyro ang kanyang tingin kay Vaiana.
Sanay na si Vaiana sa ganitong sitwasyon kaya inabot niya sa kanya ang baso ng tubig at inilapag ang kanyang puting polo sa kama. "Mr. de Vera, magbihis na po kayo."
Pero hindi gumalaw si Kyro. Malinaw ang inis sa kanyang mukha, at malamig niyang sinabi, "Saan ka pumunta kagabi?"
Napatigil saglit si Vaiana. Pinapagalitan ba siya nito dahil hindi siya nanatili sa tabi niya? Dahil hinayaan niyang ibang babae ang humawak sa kanya? Dahil hindi siya ang babaeng tinawag niyang ‘My woman’?
Lumiit ang kanyang mga mata. "Mr. de Vera, lasing kayo kagabi. Kung ano man ang nangyari, wala na kayong dapat alalahanin. Matatanda na tayo, hindi kailangang bigyan ng kahulugan ang lahat."
Ipinapahiwatig niyang wala siyang balak guluhin ang buhay nito, at hindi niya hahayaang makialam ang babaeng kasama niya kanina.
Matalim ang tingin ni Kyro, saka bahagyang tumingala. "Tatanungin kitang muli, saan ka pumunta kagabi?"
Bahagyang kinabahan si Vaiana. "Dahil sa dami ng trabaho ko nitong mga nakaraang araw, nakatulog ako sa opisina."
Pagkasabi niya niyon, napangisi nang malamig si Kyro.
Nanatili ang matigas niyang ekspresyon, hindi nagsalita, at tumayo mula sa kama habang nakabalot lang ng tuwalya ang katawan.
Pinagmasdan ni Vaiana ang kanyang likuran, at naramdaman niya ang bigat sa kanyang dibdib.
Lagi siyang itinuring ni Kyro bilang isang estranghero—isang bagay na hindi kanais-nais.
Pero kagabi, nang yakapin siya nito at tawagin siyang ‘My woman’ hindi naman gano’n ang pakikitungo niya rito.
***
Nang bumalik siya sa kanyang ulirat, nakaligo na si Kyro at nakatayo sa harap ng salamin. Lumapit si Vaiana para tulungan siyang isara ang kanyang polo, tulad ng nakasanayan niya.
Napakataas ni Kyro—1.88 metro. Kahit 1.68 metro siya, hindi pa rin sapat ang tangkad niya para maabot nang maayos ang kanyang leeg.
Nakatayo ito nang tuwid, halatang inis sa sarili. Siguro ay galit ito dahil pakiramdam niya ay nadumihan siya kagabi—dahil nagkamali siya.
Dahil sa hindi ito yumuko, napilitan siyang tumingkayad at inabot ang kanyang leeg para ayusin ang necktie nito.
Habang abala siya sa pag-aayos, dumampi sa kanyang tainga ang mainit na hininga ni Kyro.
At sa isang paos na boses, sinabi nito, "Vaiana, ang babaeng kasama ko kagabi… ikaw ‘yon."
Narinig ni Vaiana ang sinabi niya, kaya nagulat siya at muntik nang matapilok. Nawalan siya ng balanse at napasandal kay Kyro. Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit nitong palad sa kanyang baywang, mahigpit ngunit hindi masakit.Parang kumislap ang alaala sa kanyang isipan—ang init ng kanyang balat, ang paraan ng paghawak nito sa kanya noong gabing iyon. Ngunit kasabay ng pagbalik ng gunita ay ang pait ng katotohanang pinaglaruan lamang siya ng lalaki. Hindi niya dapat hinayaan ang sarili niyang mahulog sa bitag ng maling pag-asa.Pinakalma niya ang sarili, pilit na isinantabi ang nararamdaman, at iniangat ang tingin upang salubungin ang malalim nitong mga mata. Napakaseryoso ng titig ni Kyro—puno ng pagsusuri, pagdududa, at isang bagay na hindi niya mabasa. Parang kaya nitong pasukin ang isip niya at alamin ang mga lihim na pilit niyang itinatago.Mabilis ang tibok ng puso ni Vaiana. Hindi niya kinaya ang lalim ng tingin nito kaya agad niyang iniwas ang kanyang paningin at yumu
Tumingala siya at nakita si Althea na nakasuot ng apron, may hawak na sandok. Nang magtama ang kanilang mga mata, bahagyang ngumiti si Althea at malumanay na bumati."Hi, bisita ka rin ba ni Tita Karen? Saktong may natira pang sopas, halika at umupo ka."Ang tinig nito'y banayad, tila ba kalmado sa kabila ng sitwasyong hindi niya mawari. Ang kilos niya ay hindi nag-aalangan, at ang tindig niya—tiyak, puno ng kumpiyansa. Para siyang tunay na maybahay ng tahanang ito, habang si Vaiana naman ay isang estrangherang hindi kabilang.Tama, malapit na siyang maging tagalabas.Napalalim ang kunot sa noo ni Vaiana, hindi niya mapigilan ang biglang pag-igting ng kaba sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya'y para siyang isdang inilagay sa tuyong lupa—hindi makagalaw, hindi makahinga.Nang ikasal siya kay Kyro, ipinaalam niya ito sa buong lungsod. Alam iyon ng lahat. Maging si Althea ay nagpadala pa ng liham ng pagbati noon. Imposibleng hindi nito alam na siya ang asawa ni Kyro.Napansin ni Althea na
“Hindi maganda ang pakiramdam ni Miss Vaiana ngayon, kaya hindi niya kaya na maghatid ng mga ito. Wala akong magawa kundi ako na lang ang nagdala," mahinahong paliwanag ni Althea habang bahagyang itinaas ang kamay niyang may kapansin-pansing paso. "Kyro, huwag mong sisihin si Miss Vaiana. Hindi ko iniisip na sinadya niya ito. Hindi naman siya mag-aaksaya ng oras nang walang dahilan."Nanatili lang si Kyro na tahimik, ngunit halatang hindi niya nagustuhan ang nangyari. Hindi niya kailanman hinayaang mapunta sa ibang kamay ang mahahalagang dokumento ng kumpanya, lalo na kung si Vaiana ang dapat may dala nito.Saglit siyang napapikit, pinipigil ang bumibigat niyang damdamin. Hinila niya ang kanyang necktie, saka malamig na sumagot, "Ayos lang."Isang katahimikan ang namagitan sa kanila bago muling nagsalita si Kyro. "Nandito ka na rin lang, umupo ka muna."Napakislot ang puso ni Althea. Hindi niya napigilan ang bahagyang ngiti sa labi. Kahit paano, mukhang hindi pa siya tuluyang isinanta

Sa loob ng hotel, magulo ang kwarto.Nagising si Vaiana na ramdam ang matinding sakit sa buong katawan. Hinilamos niya ang kanyang mukha bago tuloyang bumangon, ngunit napansin ang matangkad na pigurang nakahiga sa tabi niya.Isang napakagwapong mukha—matangos ang ilong, malalim ang mga mata, at matalim ang mga linya ng kanyang mukha. Mahimbing pa rin itong natutulog. Ang lalaking nakahiga sa tabi niya ay walang ibang kundi ang kanyang amo—at asawa sa papel—si Kyro de Vera.Umupo si Vaiana sa kama, at nang dumulas ang kumot, lumantad ang ilang marka sa kanyang maputing balikat. Tumayo siya, at kitang-kita ang bakas ng dugo sa sapin ng kama.Pagtingin niya sa oras, malapit na siyang mahuli sa trabaho. Dinampot niya ang gusot na uniporme at agad itong sinuot. Napansin niyang punit na ang kanyang stockings—ginawa niya itong bola at itinapon sa basurahan bago sinuot ang kanyang takong.Maya-maya, may kumatok sa pinto.Nakapaghanda na si Vaiana at bumalik sa anyo ng isang maayos at propes