Share

Chapter 6 - Painful Life

Chapter 6

“Why are you still awake?” Sinubukan ni Jessa ang lahat ng makakaya niya para pigilan ang mapahagulgol nang marinig ang malambing na boses ng kanyang asawang si Harvey habang nasa telepono ito sa kanyang kabit.

Nakapatay na ang ilaw at parehas na silang nakahiga sa kama. Nakatagilid at nakatalikod si Jessa kay Harvey, at siguro akala ni Harvey ay natutulog na si Jessa, pero ang totoo ay hindi pa tulog si Jessa at talagang nasaksihan at narinig kung gaano kamalumanay si Harvey pagdating kay Kianne, sa kabit niya.

“You should sleep. It's not good for you kung magpuyat ka, you know that right?” Sambit ni Harvey at talagang mas naging malumanay pa ang boses niya..

Kinagat ni Jessa ang labi niya. Kasama nga niya ang kanyang asawa ngayon at katabi niya sa kama, pero palaging si Kianne ang inaatupag nito. Hindi tuloy maiwasan ni Jessa na isipin kung may pakialam ba si Harvey sa kanya kahit kaunti.

Jessa really tried everything to be a good wife, pero nasasaktan siya ng sobra dahil kahit anong gawin niya, si Kianne pa rin ang gusto ng asawa niya at lahat ng ginagawa niya ay balewala.

Gumalaw ang kama at sunod ay ang pagtawa ni Harvey; siguro may sinabi si Kianne na nakakatawa kaya tumawa ito.

“Okay. Okay. Ibababa ko na ‘to so that you can sleep. Goodnight. I love you.”

Jessa closed her eyes habang patuloy sa tulo ang luha niya. While hearing that, it really made Jessa want to cry hard. May ibang mahal ang asawa niya. Sa loob ng pagsasama nila, kahit kailan ay hindi narinig ni Jessa ang mga katagang iyon, dahilan kung bakit naramdaman niya ang paulit-ulit na pagkirot ng dibdib niya.

Sa panaginip ni Jessa ay sinasabihan siya ng asawa ng tatlong letrang iyon, pero alam niyang panaginip lang iyon dahil kahit kailan, hinding hindi siya sasabihan ng asawa niya ng tatlong letrang iyon dahil ang mahal niya ay ang kabit niya.

Hinawakan at hinaplos ni Jessa ang tiyan niya. She's pregnant and she doesn't even have the guts to tell Harvey na buntis siya at magiging ama na ito dahil alam niya sa sarili niya na mas mahalaga pa rin ang kabit nito.

Tinanong ni Jessa ang tungkol sa pagbubuntis at halos hindi na nagulat si Jessa sa sagot ng kanyang asawa; talagang sakit sa damdamin ang naramdaman niya.

Ilang minuto ang nakalipas, Jessa felt an arm wrapped around her waist, pero agad niyang tinanggal ang pagyakap ni Harvey sa kanya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya.

“Gising ka?” tanong ni Harvey, at narinig ang gulat doon, pero hindi na sumagot si Jessa dahil wala namang kwenta kung sagutin niya iyon.

Hanggang sa narinig niya ang buntong-hininga ni Harvey, pero wala namang narinig mula sa kanya pagkatapos non.

Kinabukasan, wala nanaman sa tabi niya si Harvey. Lumabas siya at hinanap ito sa baba, pero sa sandaling makitang wala ito sa lahat ng sulok ng bahay, bumuntong hininga na lang si Jessa.

Nasa bahay nanaman ni Kianne ang asawa niya. As usual, Jessa was again alone in the house at halos nakatulala siya hanggang sa magtanghali, naghihintay kay Harvey na makauwi.

Sa ganitong araw ay nasa hospital sana si Jessa para magtrabaho bilang doktor, pero dahil ex-convict na siya, wala nang siguradong tatanggap sa kanya bilang doctor dahil sa sirang sira na ang imahe niya sa nangyare.

Jessa cried as she thought about how painful her life is. Ni wala man lang siyang matawagan para masabihan ng problema niya. She doesn't have a friend or even a family to call. Ang nag-iisang pamilya niya, ang lola niya, ay pumanaw na at wala nang natira sa kanya.

Pagkatapos na matulala ng halos ilang oras si Jessa sa sala, naisip niyang matulog na lang. Nakuha naman niya agad ang tulog niya, pero nagising siya sa malakas na pagbukas ng pinto ng kwarto nila ni Harvey.

“Look at this woman! Aba, anong akala mo? Isa kang reyna rito? You are sleeping gayong ganitong oras?!”

“M-Mama,” utal na tawag ni Jessa sa ina ng kanyang asawa nang pumasok ito sa kwarto. Si Madam Grace VILLAZARRI.

Nakatayo ang mother-in-law ni Jessa sa paanan ng kama at mapanuring tinignan si Jessa mula ulo hanggang paa. Ang mga mata niya ay tila nagmamasid at talaga namang punong-puno ng pang-uusig, sinusuri ang bawat detalye ng itsura ni Jessa.

Ang kanyang mukha ay sobrang seryoso at halos nakakatakot, walang bakas ng ngiti, habang ang mga kamay ay naka-cross sa kanyang dibdib. Ang suot niya ay eleganteng elegante at talagang kitang-kita ang yaman nito. Ang damit pa lang ay sumisigaw na ng sobrang karangyaan.

“Kakalabas mo lang sa kulungan tapos tulog-tulog lang ang gagawin mo riyan? You should be cleaning up the entire place, not acting like a queen na natutulog around at this hour! You’re disgusting! Ni wala kang panama kay Kianne kasi kahit na ganoon ang kalagayan niya, nagtatrabaho pa rin siya sa kompanya nila. Eh ikaw?”

Nanatiling tahimik si Jessa dahil sanay na siyang makarinig ng masasakit na salita mula sa mama ng kanyang asawa. Noon pa man ay hindi talaga gusto ng mama ni Harvey si Jessa at noon pa man, ramdam na ramdam na ni Jessa iyon.

“Wala ka man lang alam at talagang nadatnan kitang ganyan? Dapat sayo ay bumabawi; aba, sobrang laki ng kahihiyan na dinulot mo sa pamilya kaya wala kang karapatang magbuhay-reyna!”

“Sorry po—” Napapikit si Jessa at pinigilan ang pagluha nang sampalin siya ng mother-in-law niya.

Hindi na bago ang lahat ng iyon kay Jessa. Noon pa man ay ganito na siya sa kanya kaya hindi na nagugulat si Jessa.

“Para ‘yan sa kahihiyan na dinulot mo sa pamilya!” Nanatiling nakatagilid ang ulo ni Jessa dahil sa sampal. Napalunok siya at pinigilan ang umiyak ng sobra dahil kapag ginawa niya iyon, kapag umiyak si Jessa sa harap nito, mas lalo siyang pag-iinitan ng mother-in-law ni Harvey na si Madam Grace.

“Dito kami kakain for dinner. Magluto ka para naman makabawi ka kahit kaunti sa lahat ng kahihiyang dinala mo sa pamilya.” Pagkatapos noon, lumabas na si Madam Grace at naiwan si Jessa na nanghihina.

Napaupo si Jessa at hindi na nagawang pigilan ang pagluha.

“Ate?” Agad na pinunasan ni Jessa ang luha nang marinig ang malumanay na tawag sa kanya ng napakabatang kapatid ng kanyang asawa na si Cresia. She is 8 years old.

Jessa tried to smile nang makita si Cresia sa pinto. Si Cresia naman ay lumapit kay Jessa at agad na hinawakan ang mukha ni Jessa. Mas lalo tuloy na hindi napigilan ni Jessa ang umiyak dahil pakiramdam niya, kahit na bata lang ang nasa harap niya, biglang may kakampi siya.

“Stop crying na po. And sorry about everything mama said.” Sinubukang ngumiti ni Jessa, pero sa huli ay hinila niya na lang si Cresia para yakapin.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lenotar Mayie
next please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status