Share

Chapter 2 - Blood Transfusion

Chapter 2 – Blood Transfusion

“Ano ba, Harvey! Gusto kong makasama si Lola! Hindi mo ba nakikita ang lagay niya?! Let me go!” Sinubukan ni Jessa na tanggalin ang kamay ni Harvey na nakahawak sa kanya, pero hindi niya iyon magawang matanggal dahil sa sobrang higpit.

Kinaladkad siya nito kanina kahit ayaw niyang sumama at kinakabahan si Jessa dahil kung ano ang iisipin ng kanyang lola sa pagkaladkad sa kanya ni Harvey.

Ang ayaw ni Jessa na mangyari ngayon ay ang mag-isip ng kung anu-ano ang kanyang lola.

Akala ni Jessa ay sumunod din si Harvey dahil sa nagbago ang isip nito na dalawin na lang ang lola niya, pero halos hindi niya magawang sikmurahin nang malaman na pinuntahan siya ni Harvey para lang sa kailangan ng kabit nito ng blood transfusion.

“Hindi mo rin ba ako narinig? I said Kianne is sick! She needs a blood transfusion kaya sumama ka na lang, pwede?” Galit at inis na ani ni Harvey.

“Well, I don’t care! Kailangan ako ng lola ko kaya pwede ba? Let me go! Bakit hindi ka na lang kumuha ng dugo mula sa blood bank kahit ngayon lang?”

Sinubukan ulit ni Jessa na kumawala habang hinihila pa rin siya ni Harvey, pero kahit anong gawin niya ay hindi siya pinakawalan ni Harvey.

“Nagkakaubusan ang type AB+ na dugo and I know you fvcking know that, so why don’t you just come?!” Mas hinila siya ni Harvey at dahil may lumapit na sa kanila na tauhan mismo ni Harvey, walang nagawa si Jessa kung hindi umiyak na lamang.

Hinila si Jessa palabas ng ward at dinala direkta sa blood transfusion station at ang tanging nagawa ni Jessa ay ang umiyak.

A normal person cannot donate more than 470 milliliters of blood, but Harvey said na hindi raw ito sasapat para kay Kianne, so he directly asked someone to draw 900 milliliters na talagang nagpahina kay Jessa.

Pagkatapos makuhanan ng dugo si Jessa, halos hindi na niya maitaas ang sarili. Naging maputla na rin ang kanyang balat.

Kahit na nanghihina at walang lakas, pinilit ni Jessa na bumalik sa kwarto ng kanyang lola para tignan ito. She used her last strength to go back to her lola’s room. Ginawa niyang suporta ang mga pader na madaraanan niya, pero pagpasok nito sa kwarto, ang ventilator na hindi na gumagana ang nadatnan niya roon at ang lola niyang nakatakip na ng puting kumot.

“L-Lola?” Halos maiyak si Jessa at halos umikot na rin ang paningin niya. Ang mga paa niya ay nanginginig na rin, pero ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para tuluyang lumapit doon. Hirap na hirap at halos gumapang na siya para malapitan ang lola niya.

“L-Lola, h-huwag kang ganyan. L-Lola, gumising ka! P-Please, s-sabi ko, huwag mo akong iwan. L-Lola.” Ang kwarto ay napuno ng iyak ni Jessa nang ibaba niya ang puting kumot. Niyakap niya ito ng mahigpit habang patuloy na umiiling at tinatawag ang kanyang lola na para bang kapag ginawa niya iyon ay magigising ang lola niya.

“Jessa, I want to say my condolences.” Narinig ni Jessa ang boses ni Harvey sa likod niya.

Napapikit si Jessa at naikuyom ang kamao nang marinig ang boses ni Harvey.

“I’m here to say that and also to inform you that Kianne is out of danger, thank you for your hard work… At saka tumawag si General na kailangan mo nang bumalik sa presinto.”

Halos hindi na makahinga si Jessa sa narinig. Agad na lumapit si Jessa kay Harvey, pero dahil sa panghihina ng tuhod ay muntik pa siyang matumba. Mabuti na lang at nakahawak siya sa damit ni Harvey.

“No! I’m not going back there. Harvey, please, help me! Walang mag-aasikaso sa libing ni Lola kung hindi ako lang. P-Please, do something. A-Ayokong umalis.” Jessa begged and almost kneeled.

“P-Please, Harvey.” Napayuko na si Jessa habang nakakapit pa rin sa damit ni Harvey.

“Wala akong magagawa sa bagay na ‘yan, Jessa. Hindi basta-basta nababayaran ang mga tao sa loob—”

Napaangat si Jessa ng tingin.

“So are you telling me na hindi mo binabayaran ang mga tao roon para makalabas ako at para makapag-blood transfusion ako para sa kabit mo?” Hindi napigilan ni Jessa ang magtunog ng sarkastiko.

“Iba iyon, Jessa. And don’t call her that—”

“Anong iba doon?!” Bulyaw ni Jessa at sinubukang tumayo kahit na nanghihina na talaga ang tuhod.

“Walang iba doon, dahil ang totoo, mas importante yang kabit mo kaysa sa lahat ng bagay! You always put your mistress in the first line! Lola ko ang usapan dito, Harvey! She is literally your in-law kaya bakit hindi mo kayang bayaran ang mga tao sa presinto gayong ginagawa mo naman iyon tuwing kailangan ng kabit mo ang dugo ko?!”

“I said don’t call her that—”

“Why? Isn’t that the name of that woman? A fvcking mistress—”

“Shut up!” Napatalon sa gulat si Jessa sa sigaw ni Harvey.

“I still came here even though I didn’t want to because I know I need to pay respect to your grandmother, pero hindi ako pumunta rito para marinig ang pambabastos mo kay Kianne!”

Napahikbi si Jessa at napapikit.

“P-Please, let me be at Lola’s funeral. P-Please, Harvey. P-Promise, hindi na ako magmamatigas at kusa na akong magbibigay ng dugo kay Kianne, just let me with my lola on her funeral.” Mahina at halos nagkabasag-basag na ang boses ni Jessa.

She is really too broken and all.

“Don’t say that as if I need to beg for your blood. Nakalimutan mo na ba? You are the reason why Kianne is in a wheelchair. Kaya dapat lang na pagdusaan mo ang ginawa mo sa kanya. You deserve to be in jail and are obliged to give your blood to Kianne dahil kasalanan mo.” Sabi ni Harvey sa kanyang mababa at malamig na boses.

Pumikit si Jessa sa sakit.

Noong nakaraang taon, nahulog si Kianne sa hagdan kaya siya naka-wheelchair at kailangan ang halos buwan-buwan na blood transfusion. That day, Kianne accused Jessa na tinulak siya, but the truth is, Jessa didn’t do that. Iyon din ang rason kaya nakulong si Jessa.

Sinubukan niyang sabihin na hindi siya ang gumawa, pero walang naniwala sa kanya lalo na at wala siyang ebidensya.

“It’s just 1 year, Jessa. Pasalamat ka dahil mabait si Kianne at pumayag na isang taon ka lang sa kulungan. You should be thankful.”

Biglang naalala ni Jessa kung paano siya tignan ng pamilya ni Harvey. Tinignan siya ng mga ito ng may pandidiri.

Walang nagawa si Jessa. Hinatid siya ng driver ni Harvey sa presinto. Jessa brokenly just cried there while thinking about her lola. At dahil hindi na rin kaya ng kanyang katawan dahil sa sobrang daming dugo ang nawala, talagang nanatili siyang nakahiga ng halos tatlong araw at sa araw na iyon, nabalitaan niyang nailibing na ang kanyang lola.

Sa sobrang lungkot ni Jessa, parang nawalan na siya ng pag-asa. Jessa just had her lola beside her, and now, she’s gone.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status