Share

Chapter 3 - Social Media

Chapter 3

Napatitig si Jessa sa TV sa prison activity room. Pwede silang manood dito sa ganoong oras, pero natigilan at napatitig na lang si Jessa nang ipabalita ang tungkol sa napakabonggang birthday ni Kianne na ginastos ng CEO ng Zarri Corporation.

And the CEO of Zarri Corporation is Jessa’s husband—Harvey Villazarri. Almost 50 million ang ginastos ni Harvey sa birthday ni Kianne na siyang ibinalita sa TV.

May pinakita pang litrato kung saan nakaupo si Kianne sa wheelchair, pero kahit na nakaupo siya roon, kitang-kita pa rin ang ganda nito. Kianne was also smiling, so Jessa couldn’t stop herself from feeling angry.

Sa tabi ni Kianne ay nakatayo si Harvey habang nakangiti. Tumulo na lang ang luha ni Jessa nang makita kung gaano sila ka-perpekto tignan. Sa letratong pinakita, sobrang bagay sila roon kaya nakaramdam na si Jessa ng insecurities.

Kakalibing lang ng lola niya noong araw, pero nagawa na agad nilang magsaya dahil sa birthday ni Kianne.

Habang nakatingin at nakatitig sa TV, doon niya napagtanto ang isang bagay na pinipilit niyang hindi pansinin noon pa.

If a person doesn’t love you, kahit anong pilit at kahit na gawin mo ang lahat, hindi ka pa rin niya mamahalin.

Jessa did everything. Lahat ay halos binigay ni Jessa sa pag-aakalang magugustuhan din siya kalaunan ng kanyang asawa, pero kahit anong gawin niya, hindi siya nito minahal at hindi man lang siya sinubukang mahalin.

Bago pa ang kasal, gusto na ni Jessa si Harvey. Jessa was just a nobody who was attracted to Harvey and dreamed of being with him.

Napilitan lang naman si Harvey na pakasalan si Jessa dahil sa naging kasunduan ng mga lolo nilang dalawa na ngayon ay pumanaw na pareho. It was an arranged marriage. Ayaw ng pamilya ni Harvey kay Jessa, pero dahil nakalagay sa last will and testament ng lolo ni Harvey na hindi niya makukuha ang mana kung hindi niya papakasalan si Jessa, wala itong nagawa.

Dahil mahirap lang si Jessa, hindi rin siya gusto ng buong pamilya ni Harvey kaya kahit na alam ng buong pamilya ni Harvey na may babae si Harvey, ayos lang sa kanila at talagang kinukunsinti nila.

At dahil sagot din ng mga Villazarri ang pagamot ng lola ni Jessa, hindi niya magawang pumalag sa lahat ng ginagawa ni Harvey. Masakit para kay Jessa na may ibang mahal ang kanyang asawa at harapan na pinapakita kung gaano niya ito kamahal at kung gaano ang kaya niyang ibigay dito, pero walang magawa si Jessa.

Umasa siya. Sa tatlong taon na pagsasama nila ni Harvey, umasa siya, pero kahit anong gawin niya, talagang hindi siya magawang tignan at mahalin ni Harvey.

Maulan nang tuluyang makalaya si Jessa at wala man lang sumundo sa kanya kahit alam ng lahat kung kailan siya lalaya. And because she didn’t have anything, basang-basa siya nang makarating sa bahay nila ng kanyang asawa.

She opened the door using her fingerprint. Halos nilalamig dahil basang-basa sa ulan. Pagbukas, agad siyang pumasok at nakita niyang pababa si Harvey sa hagdan habang bagong ligo.

“Oh? Why are you here?” Halos umaangat ang labi ni Jessa nang marinig ang pagtataka sa boses ng kanyang asawa.

“Ngayon ako lumaya. Don’t tell me you forgot that?” Jessa looked at Harvey straight then she saw how Harvey closed his eyes.

“Sorry. Nakalimutan ko nga. Pumasok ka na lang sa taas, you look like a beggar right now.” Linagpasan ni Harvey si Jessa pagkasabi niya non.

Napapikit si Jessa. “I want to tell you something.”

That made Harvey stop from walking.

“Ano? Hindi ba ‘yan makakapaghintay? I still need to do something, Jessa. Kianne called me and she needs me, kaya pwede bang mamaya na ‘yan?” Harvey said at maglalakad na sana ulit, pero natigilan nang magsalita si Jessa.

“Let’s divorce.” Nakapikit pa si Jessa nang sabihin niya iyon. Kunot-noo naman si Harvey sa narinig.

“What the hell are you saying?!” Agad na naglakad si Harvey para lapitan si Jessa. Nang maramdaman ni Jessa na nasa harapan na niya si Harvey, matapang niyang tinignan ito.

“I said let’s divorce.” Pag-uulit ni Jessa.

Harvey sighed and even held his neck.

“You are talking nonsense, Jessa. Umakyat ka na lang sa taas at magpahinga. Pagod ka lang kaya mo nasasabi—”

“You are right, pagod na ako and this is my decision. Maghiwalay na tayo because we both know that this relationship will not work out.”

Napahilot si Harvey sa sintido at tumalikod, pero agad ding humarap kay Jessa at tinignan ito ng seryoso.

“Nagkakaganito ka ba dahil hindi kita sinundo? What the hell, Jessa? Para kang bata!”

Natawa si Jessa sa narinig, pero agad ding nawala. Napalunok siya at saka muling tinignan si Harvey.

“Hindi iyon. We both know how bullshit this marriage is, Harvey! Hindi mo naman ako mahal, hindi ba? So let’s just divorce para makapagpakasal na rin kayo ni Kianne.”

Napailing si Harvey at siya naman itong natawa.

“This is really nonsense.” Mariing ani ni Harvey at tuluyan nang umalis.

Agad na napakapit si Jessa sa gilid niya dahil sa kaba. Sinabi niya iyon ng buong tapang, pero ang totoo, sobra siyang kinakabahan. Because Harvey already left and Jessa knew kung saan ito pumunta, umakyat na lang si Jessa sa kwarto at naligo.

Mabagal ang galaw ni Jessa sa pagligo dahil talagang nawawalan na siya ng gana sa lahat ng bagay. Almost 1 hour si Jessa sa banyo and the first thing she got was her phone inside the drawer.

It’s been a year since she held her phone. Binuksan niya ang social media na palagi niyang ginagamit, but she wanted to cry again when she saw a picture of Harvey with Kianne. They looked so sweet together. Nakaselfie si Kianne habang sa tabi niya ay si Harvey na nakangiti and in that picture, Harvey is holding an apple and a knife and he is peeling the apple.

“A night with you again.” Iyon ang caption na nakalagay sa taas ng litrato.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status