Share

Chapter 5 - Pregnant

Chapter 5

Jessa woke up as if something was happening in her stomach. Napatakip siya sa labi and then Jessa immediately stood up as if her stomach was turning, and she rushed to the bathroom.

Pagpasok na pagpasok, agad siyang dumuwal. Ilang beses siyang dumuwal at parang nahihilo, pero hindi naman nagtagal ay umayos din ang lagay niya.

She was washing herself nang marinig niya si Harvey sa labas ng banyo. Pagkagising niya, wala si Harvey sa tabi niya, and because of what happened last night, pinagpasalamat niya iyon dahil hindi niya ito kayang harapin gayong bumigat nanaman siya sa mga halik at haplos nito.

Pagkatapos kasi nang paghindi at pagmamatigas ni Jessa ay nauwi pa rin iyon sa pag-angkin ni Harvey kay Jessa. Jessa tried everything na hindi mahulog sa mga halik ni Harvey, pero sa huli, just like every time na nag-aaway sila ni Harvey, palagi siya nitong nakukuha sa mga halik at pag-angkin.

“Jessa, let’s eat!” She heard Harvey say. Napapikit at nakagat na lang tuloy ni Jessa ang labi.

Tinignan ni Jessa ang sarili bago maghilamos. She heard Harvey calling her again, pero hindi siya nagsalita. Napasulyap na lang si Jessa nang tuluyang bumukas ang pinto.

“Didn’t you hear that I was calling you?” Agad na tanong ni Harvey nang magtama ang tingin nila.

“Narinig ko—”

“Kung ganoon bakit hindi ka nagsasalita? The food is ready. Mag-ayos ka na at bumaba.” Harvey said and then immediately closed the door.

Nalaglag ang balikat ni Jessa. Nalungkot siya, pero hindi na siya nagulat sa pagiging marahas nanaman ng pagkausap sa kanya ni Harvey.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Jessa bago mabilis na lumabas, tamang-tama lang ang bilis niya para maabutan si Harvey sa paglabas sa pinto.

“I’m serious, Harvey. I’m going to file a divorce,” Jessa immediately said, making Harvey stop.

Kitang-kita ni Jessa ang pagpikit ng mariin ni Harvey at parang nainis na rin ito.

“What? I already told you last night to stop talking about that. Hindi pa ba tayo tapos diyan? What the hell, Jessa?” Mariing ani ni Harvey.

Jessa was about to say something, pero agad na lumabas si Harvey sa kwarto kaya naiwan na lang si Jessa na halos pagsakluban ng langit at lupa.

Ayaw pa sana ni Jessa na bumaba, pero dahil nakaramdam na siya ng gutom, agad na rin siyang bumaba.

“Good that you’re already here. Let’s eat,” seryosong ani ni Harvey as he started eating, but Jessa saw him staring at his phone and smiling. Kahit hindi tanungin o makita ni Jessa, alam niyang si Kianne iyon.

Jessa looked at all the food on the table. Dahil sa pagkakulong, talagang namayat na si Jessa at hindi na katulad ang kanyang katawan.

“Eat, Jessa.” Si Harvey nang makita ang pagkatulala ni Jessa at parang walang balak kumain.

Nakagat ni Jessa ang labi at tinignan ulit si Harvey. Mukhang alam na ulit ni Harvey ang sasabihin ni Jessa kaya inunahan na niya ito.

“Ano bang gusto mong gawin ko para huwag mong banggitin ang divorce?” Harvey seriously said at binaba ang kubyertos.

Akala ni Harvey ay tuluyan na niyang napalambot si Jessa kagabi at hindi na babanggitin ang salitang “divorce,” pero mukhang mali siya.

“Bakit ba kasi ayaw mo? Isn’t this what you wanted after our marriage years ago? You wanted us to divorce immediately, kaya bakit ngayong gusto ko na ay ganyan ka?” Tuluyang tumulo ang luha ni Jessa.

“I’m already giving you what you want. Let’s divorce, Harvey.” Dugtong pa ni Jessa kahit na ang totoo ay hindi niya iyon gusto dahil kahit anong nangyari, si Harvey pa rin ang gusto niya, pero dahil nakakaramdam din si Jessa ng pagod, gusto na lang niyang matapos ang kasal nila.

Jessa waited for Harvey to say something, pero napatitig na lang si Jessa sa harap niya nang padarag itong tumayo. Sa sobrang lakas ng pagtulak ni Harvey sa upuan niya, naglikha ito ng napakalakas na tunog. Harvey didn’t say a word and just left after that.

Naiwan si Jessa na umiiyak. She tried to calm herself at nang medyo bumuti na ulit ang lagay niya, mabagal na niyang nilagyan ang pinggan niya ng pagkain.

When she got to the chicken curry, na siyang paborito niya, agad siyang napatakip sa ilong. She didn’t know what was happening when she smelled something strange in the chicken curry. After a moment, she stood up and ran to the nearest bathroom to throw up again.

Ilang beses siyang dumuwal at pagkatapos ay parang naiiyak na siya nang may bumubuo sa isip niya.

“N-No…” Jessa said while her eyes were closed, pero bumaba ang tingin ni Jessa sa pulso niya at agad na nilagay ang daliri doon.

Napamura na lang si Jessa nang maramdaman ang mabilis na pagpitik ng pulso niya. Bilang isang doctor, alam ni Jessa na iyon ang isa sa mga senyales na buntis siya.

Hindi alam ni Jessa ang gagawin. Hindi siya makapaniwala na ngayong naisipan niyang makipag-divorce ay nangyari pa ito. Jessa was taking pills even while she was in confinement dahil may nangyayari pa rin naman sa kanila ng kanyang asawa kahit na nakakulong siya, pero naalala niya na noong araw na pinuntahan niya ang lola niya sa hospital, hindi siya nakainom ng pills. Sa sobrang daming nangyari noong araw na iyon, hindi nakainom ng pills si Jessa at sinundan pa iyon ng tatlong araw na halos manghina siya.

To make sure if she’s pregnant, she went outside to buy a pregnancy test at tatlo ang binili niya. Ang tatlong pregnancy test na iyon ay positive lahat kaya halos hindi na niya alam ang iisipin niya.

Jessa was too occupied after knowing that she was pregnant. Napabalik lang siya sa tamang katinuan nang dumating si Harvey.

“Don’t start, Jessa. Stop saying that word divorce.” Agad na ani ni Harvey at naupo sa kama. Mukha siyang pagod.

Nakagat ni Jessa ang labi at napahigpit ang hawak sa tiyan niya.

“You really don’t want us to divorce?” Mahinang ani ni Jessa, na siyang ikinahinga ni Harvey ng sobrang lalim.

He was about to talk, pero agad na nagsalita si Jessa.

“Then what if I’m pregnant? Is it fine with you?” Nilakasan ni Jessa ang loob ng tanungin iyon.

Harvey looked at her at kitang-kita ni Jessa ang pagkunot ng noo ni Harvey.

“Alam mong hindi ka dapat mabuntis, Jessa. Kung mabubuntis ka, hindi ka makakapagbigay ng dugo kay Kianne. Kianne still needs you for her blood transfusion, so stop saying nonsense, dahil hindi ka pwedeng mabuntis.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status