Share

Billionaire's Ex: She's Back for Revenge
Billionaire's Ex: She's Back for Revenge
Author: Midnight Ghost

Chapter 1 - Kulong

Chapter 1 - Kulong

“Ahh! Ahhh! Har—Harvey! Ahh!”

Napapikit si Jessa habang dinarama ang paglalabas-masok ni Harvey sa kanya. Inaangkin siya ni Harvey mula sa likod at halos hindi na niya alam kung saan hahawak.

Ilang beses pa at halos sobrang bilis ang paglabas-masok ni Harvey hanggang sa tuluyan niyang makamit ang dulo. Kaagad na inalis ni Harvey ang kanyang sarili mula kay Jessa at tumayo.

Nanghihinang napahiga si Jessa at tinignan si Harvey. Kitang-kita ni Jessa ang pagtulo ng pawis ni Harvey dahil sa ginawa nilang dalawa.

“Ano? Bakit parang sobrang napagod ka?”

Hindi nagsalita si Jessa at tahimik na tinakpan ang buong katawan.

“Thanks for today, uutusan ko ang secretary ko na bilhan ka ng latest bag mamaya.” Sabi ni Harvey na may pagka-bored na itsura.

Si Harvey ay guwapo at talagang may perpektong mga katangian sa mukha. Ang kanyang katawan ay talagang sobrang ganda dahil sa alaga sa gym. Perpekto at maraming babaeng babae ang nagkakagusto rito.

“Here. You can also use this” Bumaba ang tingin ni Jessa sa harap niya. Isang card ito na naglalaman ng pera ni Harvey sa bangko.

Harvey is her husband, pero…

Tatlong taon na silang kasal, but Harvey is having an affair at kung umasta ay para lamang bayaran si Jessa.

Alam ni Jessa ang tungkol doon, ngunit wala siyang magawa. Wala siyang magawa kung hindi hayaang mangaliwa ang kanyang asawa. Napaiwas si Jessa ng tingin kay Harvey dahil sa naramdaman niyang paninikip ng dibdib niya.

Ginagawa nila ito hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil wala lang.

“Nakalimutan mo na atang nakakulong pa rin ako hanggang ngayon,” Jessa said sarcastically but in pain.

“Lalabas ka bukas, hindi ba? Then you can use the bag and that card. It’s simple as that, bakit ba ginagawa mong komplikado?”

Halos madurog si Jessa sa narinig niya mula sa kanyang asawa. Parang hindi malaking bagay ang pagkakulong niya sa presinto sa tono ni Harvey.

“I told you, mabilis lang lumipas ang taon. Makakalabas ka na rin naman kaya maghintay ka lang. Stop being so problematic.”

Subrang pagpipigil ni Jessa na huwag umiyak kahit na halos manikip nanaman ang dibdib niya.

“S-Si Lola, malala na raw ang kalagayan niya. Pwede mo ba akong samahan sa pagpunta sa kanya? You know, she will be happy to see us together. Baka kapag nakita niya tayong magkasama na pumunta roon ay bumuti ng kaunti ang lagay niya.” Namamaos na sambit ni Jessa dahil halos maramdaman niyang may nakabara sa lalamunan niya.

Nasa bilangguan si Jessa ng halos isang taon, pero dahil sa performance niya ngayon ay nabibigyan siya ng isang araw para lumabas at mabisita ang lola niya. Kung hindi dahil sa performance na iyon, hindi niya madadalaw ang kanyang lola kaya ginagawa lahat ni Jessa na maging maayos ang performance niya para makita ang kanyang lola na nasa ospital.

Galing sa ibang bansa si Harvey at ngayon ang pagbabalik niya kaya pinuntahan ni Harvey si Jessa sa presinto. Dahil may koneksyon si Harvey sa loob ng presinto, nagagawa nila ito at para kay Jessa, para lang siyang parausan ng kanyang asawa at pagkatapos ay babalik sa taong totoong mahal niya.

“Fine.”

Halos mawala ang tinik sa lalamunan ni Jessa nang pumayag si Harvey na samahan siya sa pagbisita sa lola niya.

Sa sobrang saya niya, maaga siyang gumising kinaumagahan para mag-ayos. Ang plano ay aalis na siya agad at deretso na sa ospital, pero dahil ayaw niyang makita siya ng kanyang lola na hindi maayos ang itsura, dumeretso muna siya upang mag-ayos ng mabuti. Nagdala siya ng bagong dress at inayos ang sarili.

Nakangiti pa si Jessa nang tuluyan na niyang kasama si Harvey at papunta na sa ospital, ngunit biglang naramdaman niyang nawala ang saya nang huminto ang sasakyan. May binasa si Harvey sa phone niya at halos malaglag ang balikat ni Jessa nang marinig ang sunod na sinabi ni Harvey.

“I can’t go with you. May gagawin pa pala ako ngayon. Just use my card and buy food for lola. Mag-taxi ka na rin.” Sabi ni Harvey nang hindi man lang tiningnan si Jessa.

Hindi na nagulat si Jessa, pero namayani pa rin sa kanya ang lungkot dahil alam niya na hindi ito ang unang beses na biglang nagbago ang isip nito dahil sa isang text o tawag.

Walang nagawa si Jessa kung hindi lumabas ng kotse at panoorin ang kotse ni Harvey na paalis. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at pumara na lang ng taxi.

“Lola!” Halos mamutla at manghina si Jessa nang makita ang kalagayan ng kanyang lola.

Noong huling punta niya rito dalawang buwan na ang nakalipas, hindi ganito kalala ang lola niya, kaya't gulat na gulat siya nang makita siyang may ventilator na ang kanyang lola.

“L-Lola, gising na po. Nandito na po ako.” Umiiyak na sambit ni Jessa nang tuluyan niyang malapit ang kanyang lola.

Unti-unting nagmulat ng mata ang kanyang lola at kitang-kita ni Jessa ang panghihina ng tingin nito sa kanya.

“J-Jessa, A-Apo.” Hirap na hirap ang kanyang lola sa pagsambit ng pangalan nito.

“L-Lola, anong nangyari? Bakit biglang ganito?” Pumatak na ng tuluyan ang luha ni Jessa at agad na hinawakan ang kamay ng kanyang lola.

“Wala namang sinabi ang nurse tungkol dito noong nagkausap k-kami.” Dugtong ni Jessa at napasulyap sa ventilator.

Kahit na nanghihina, sinubukan ng lola ni Jessa na iangat ang kamay na hawak ni Jessa upang hawakan ang mukha ni Jessa. Hinayaan ni Jessa na hawakan siya ng kanyang lola.

“Sinabi ko sa kanila na huwag sabihin ang tungkol dito kasi alam kong i-iyak ka. S-Saka alam kong m-malapit na akong magpahinga, a-apo ko.”

Ilang ulit na napailing si Jessa.

“Lola, naman! Huwag kang magsalita ng ganyan!” Umiiyak na sagot ni Jessa.

“P-Pwede na nga akong magpahinga k-kasi nakita na kita.” Halos mapahagulgol na si Jessa sa mga naririnig.

“H-Huwag ka naman magsalita ng ganyan, lola! Makakalabas na ako ng kulungan sa susunod na buwan. M-Magkakasama na tayo. M-Mababantayan na kita.” Tarantang sambit ni Jessabat sinubukang ngumiti, pero napapapikit na lang din dahil sa nakikita niyang nanghihina na talaga ang lola niya.

Ngumiti nang kaunti ang lola ni Jessa, pero halos hirap na sa paghinga dahil talagang nanghihina na ang buong katawan ng kanyang lola.

“L-Lola.” Napayuko si Jessa habang umiiyak.

“Pwede mo bang b-buksan mo iyong d-drawer?” Napaangat ng tingin si Jessa nang marinig iyon. Nanghihina man, sinunod niya ang sinabi ng lola.

Pagbukas ni Jessa sa drawer, nakita niya ang isang pendant na jade. Mukhang mamahalin at walang katulad.

“I-Ingatan mo ‘yan. That—” Hindi natuloy ang sasabihin ng lola ni Jessa nang bumukas ang pinto at pumasok si Harvey.

Napangiti si Jessa at agad na tinignan ang kanyang lola.

“Nandito si Harvey, lola! Nandito siya para bisitahin kayo!” Masayang ani ni Jessa.

Nginitian ni Jessa si Harvey nang lumapit ito, ngunit ang sunod na sinabi nito ay nagpalaglag ng balikat ni Jessa at nawala ng tuluyan ang ngiti sa labi.

“Kianne is sick and she needs a blood transfusion immediately.” Sabi ni Harvey.

Halos mapapikit na lang si Jessa dahil ang Kianne na tinutukoy ni Harvey ay ang kabit nito at ang dahilan kung bakit nakulong at nakakulong pa rin si Jessa ng halos isang taon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status