AUDREY’S POV
Dalawang linggo na ang nakalilipas nang magsimula akong magtrabaho sa kompanya bilang isang dakilang secretary ng unico hijo ng isang mayamang pamilya. Habang inaayos ko ang mga papeles na nasa table ko para ibigay mamaya kay Mr. Lamnelle ng biglang may dumating na isang babae na halatang anak ng mayaman ang nagtanong sa akin kaya nakangiti ang mukha kong humarap dito.
"Miss, where is Mr. Harris Lamnelle?"
"He is currently in the meeting with the other executives, Ma'am. You can wait here. Hindi bale po ay matatapos na po sila any minute," pangungumbinsi ko sa kaniya. Tumango lang siya at umupo sa naka-assign na upuan para sa mga bisita. Nagbuklat siya ng mga magazines pero hindi naman niya ito binabasa dahil mabilis niya itong inililipat ang bawat pahina nito.
"How's Mr. Lamnelle as your boss, Miss Secretary?" biglaang tanong niya sa akin na nakapagpatigil sa ginagawa ko. Anong isasagot ko? Jusko naman! Pakiramdam ko tuloy nasa hot seat ako! Shet nasaan na ba ang magaling kong amo?! Napalunok ako at ngumiti ng hilaw dahil natatakot akong magkamali ng sasabihin dahil baka mamaya nililigawan pala ito ni bossing edi sira ang diskarte noon dito? Jusq! bossing help!
"Ah typical boss po siya. Maraming pinapagawa ngunit wala po ako sa posisyon para umangal sa mga utos niya dahil iyon po ang trabaho. Mahirap makipag usap sa kaniya dahil babarahin ka niya ng wala sa oras at syempre ay napakastrikto niya sa lahat ng bagay," sabi ko.
Marami pa pero ayaw ko naman magkaroon ng bad impression ang babaeng ito sa boss ko at sana hindi makarating sa kaniya ang sinabi ko at kung makakarating man edi ayos lang dahil totoo naman ang mga sinabi ko eh. Parang wala lang sa kaniya ang sinabi ko na mukhang tuwang-tuwa pa. Uupo na sana ulit ako ng may isang babae ulit na hinahabol ang hininga nito sa akin.
"Okay, Miss? Are you okay?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. "You are Audrey Santos, right? Pinapatawag ka ng CEO sa conference hall nila," hinihingal na sabi niya sa akin. Nagpaalam muna ako sa bisita ni Mr. CEO saka sumama sa kaniya, teka sino ba ito?
"Wait lang, Miss. Bakit mo hinayaan na utus-utosan ka lang noon?" tanong ko sa kaniya pagkasakay namin sa elevator na magdadala sa amin sa 38th floor. "I'm Kale Anne Knight, the VP’s secretary," pagpapakilala niya sa sarili niya pero infairness ah, ang ganda niya. Halos lahat naman ata na secretary ng mga executives dito ay may sinisigaw na itsura. Syempre, isa na ako roon ano hehe. Sumeryoso ako ng mukha at inayos ang suot ko para presentable akong haharapan sa kanilang lahat mamaya.
"Audrey Lane Santos," sabi ko sa kaniya at ngumiti lang siya sa akin. Hindi niya sinagot ang tanong ko dahil siguro minabuti niyang huwag magsalita tungkol sa CEO namin na mismong boss ko. Nang makarating kami sa floor na kung saan ginaganap ang meeting nila ngayon ay hindi ko maiwasan na mamangha sa mga disenyo ng hallway dahil makintab ang tiles na palaging nililinisan ng janitor dito.
"Halika pumasok na tayo," sabi niya at marahan niyang binuksan ang pinto kaya sumunod ako sa kaniya at nakita ko nga sila nakaupo sa kaniya-kaniya nilang mga swivel chairs at nakaharap sa malaking white board. U-shaped ang design ng conference hall ng kompanya. Sumunod ako kung saan siya pumwesto. Sa pwesto kong ito ay kitang-kita ko ang seryosong mukha ng isang Harris Lamnelle, his name seems really familiar to me aside from that it screams expensiveness.
"So are you saying that this damn company lost a one hundred million?" he asks coldly. Ano? one hundred million? Ang laking halaga noon! Sa puntong ito ay naging interesado akong makinig sa pagpupulong na ito. "Y-Yes, Mr. L-Lamnelle," nanginginig na sagot ng lalaking nasa harapan. Kahit naman sino ay manginginig talaga kapag kaharap mo ang seryoso at galit na pagmumukha ni CEO na kulang na lang ay hablutin ka at ihagis ka sa labas.
"When did it happen?" Mr. Vice President Louis Saavedra speaks.
"First week of this month, Sir," ang babae na ang sumagot sa tanong. Tinignan ko ito, hindi man lang ba siya kabahan? Kagaya nung kasama niya, na kaunti na lang ay mahihimatay na ito sa nerbyos. Somehow, I amazed by her bravery.
"FIRST WEEK?! Anong week na ngayon? Third week of the month! Why you didn't report immediately?!" Na-high blood na ang CEO, dahil tumayo na ito at dinuro-duro ang dalawang nasa harapan. "N-Naghanap po kami ng possibilities na maaring maging solusyon ng problema," sabi nung babae habang naka-hawak na sa laylayan ng kaniyang black suit. Nawala na ang tapang na ipinakita nito kanina dahil sa reaksyon ni bossing.
“Naghanap?” may panunuya sa boses ni bossing at ako mismo ay napalunok sa tono ng kaniyang boses nagsiiwas ng mga tingin ang lahat na nandidito bukod sa akin, Mr. Vice President at Kale, na tila normal na sa amin na makita siyang ganoon.
"Naghanap? May nahanap ba kayo? Wala diba?! What if I will fire the both of you right here, right now?" malamig na sabi niya. With his aura right now? It seems like he is surrounded by darkness. Walang umimik sa amin, maski ang mga kasama niyang nakiki-meeting ay hindi nakikialam. He own this building, you wouldn't dare to interfere with his decision making.
"Then fire them, dude," natatawang sabi ni Mr. Saavedra habang nakatingin sa dalawang nasa harapan may kakaibang ngisi sa kaniyang bibig pero matatalim ang kaniyang mga mata. “You two messed with wrong people,” saad niya at tinuro ang dalawa gamit ang kaniyang ballpen na hawak nito.
"Both of you are fired! Don't ever show me your damn faces to me! Don't let our path will be cross, the moment I see your faces. Is the time you will regret why you've messed in my company! Get lost!" nanggigil na sabi niya habang ang dalawa ay nagkaka-undagaga na. Lalapitan ko sana para abutan ng tubig upang kumalma siya pero pinigilan ako ni Kale at umiling sa akin.
Kaya na-gets ko kung ano ang ibig niyang sabihin. “Damn it!” sigaw niya sabay hampas sa lamesa kaya napapitlag kaming lahat except kay Mr. Saavedra lang na masama ang tingin sa dalawang nagmamadaling lumabas at halos gumapang na sa takot at kaba.
"Saavedra, investigate all the transactions from the Last Month and this month. You, Hummers, investigate who is the fucking unlucky asshole human behind this issue. All of you don't ever dare to tell anybody about the money lost in this company. Understood?" he said and walk away. Nag-bow ako sa kanila at saka sinundan ang boss ko na padabog na lumabas ng hall na ito. At ako naman ay halos magkandaugaga na ako sa paglalakad masabayan ko lang siya. Long legged kasi siya at nakasuot pa man din ako ng heels, mabuti na lang nakasabay ako sa kaniya.
He entered his office with the girl who is waiting patiently to him. Kaya umupo na lang ako sa area ko at tinignan ang pinto ng opisina niya. Na-iintriga talaga ako, sino ang babaeng iyon?
HARRIS’ POV
"Kuya, what happened?" Thalia said, my sister so I just look at her and heaved a deep sigh. "The company lost one hundred million," sabi ko sa kaniya at nagulat siya sa sinabi ko. “You speak like one hundred million is a massive lost in your company when in fact the estimated income of your company every month is one billion,” sabi ni Thalia sa akin kaya huminga ako ng malalim. “What do you want me to say?”
“That lost money is sixty percent of my employees’ salary, the company receives one billion per month but that does not mean one hundred million is a little amount,” saad ko saka huminga ng malalim at sumandal sa head rest ng aking kinauupuan na sofa ngayon. Pumikit ako ng aking mga mata dahil gusto kong sumabog at patayin ang dalawang iyon dahil sa galit ko, I know they are not behind this but they helped the culprit to execute this.
Saan ako kukuha ng ganon halaga? Kung mag-wiwithdraw ako sa bangko ng ganon kalaki, aabutin ako ng buwan or worst ay taon! Hindi ganon kadali ang mag-withdraw kahit na gamitin ko ang lahat ng connection ko sa business world.
"Then pull out some of your money in your bank account, Kuya. As simple as that, maghati tayo I'll lend you fifty million from my own money. Hindi pwede sa kompanya, baka hampasin ako ni Mama," sabi niya sa akin at umupo pa talaga sa lamesa ko.
She's now the CEO of Avedam Network. Pinamana iyon ni Mama sa kaniya because Mama is working now as a fully house wife. She’s a hands-on mother to us and a wife to Papa kahit na malalaki na kami at kayang-kaya na naming ang mga sarili namin still she never lets us alone.
Tumango ako sa kaniya saka umalis na siya, bibisita lang iyon para magliwaliw dito. Tss. Tinawag ko ang sekretarya ko. Dumating naman siya kaagad. "Get me a coffee," sabi ko sa kaniya pero hindi siya umalis para gawan ako ng kape instead she give me a glass of water. “Ang sabi ko kape.”
"Drink this, boss it will lessen your headache," sabi niya sa akin at hindi man lang natinag sa boses ko kaya hindi ko alam kung anong meron sa akin at kinuha ko iyon kahit na kape ang hinahanap ko, somehow it calms the storm inside me.
Pumunta siya sa likod ko saka niya nilagay ang mga kamay niya sa aking magkabilang sentido ko saka iyon minasahe. She used some liquid and it brings nothing but a relaxation to my body and soul. Even the scent of it, it soothes me.
Natigil ako sa paginom ko, why do I feel like I am in heaven right now? "Relax your mind and soul, Boss. So, you can decide better later," sabi niya sa akin at sinunod ko siya. I close my eyes and feel her soft hands. She seems a hardworking woman but her hands remain soft. Maalaga ito sa katawan niya. “What is that thing called?” tanong ko sa kaniya habang nakapikit ako.
“White flower, bossing.”
She just continues massaging my head. The smell of white flower and her perfume mixed on the air. It calms the turmoil inside me. I mentally noted to buy tons of this when I got home because it is relaxing. Suddenly, I remember what Papa said to me before.
“Alam mo, anak. Having a partner in life gives you the privilege to feel calm and peace; your mom was my secretary before. Every time I’m experiencing hard time she’s always there; ups and downs. She never let me shoulder the burden alone instead she’s with me the whole phase of my challenges that time. She became instantly my tranquility,”
“I don’t need a woman; all I want is an efficient and effective employee.”
Tumawa si Papa sa sinabi ko at napapailing siya. “Don’t be too hard on yourself; darating din ang araw na kakailanganin mo siya sa piling mo. Seeing her alone makes everything feel perfect.”
“You are too romantic, Papa. This is not how I viewed you before.”
Sabay lang kaming tumawa ni Papa sa sinabi kong iyon sa kaniya at napatango siya sa akin.
I gulped with that memory of mine. Having a relationship with someone especially with my secretary is not my thing. I have lots of things to deal with and having a partner beside me will only delay my plans and keeping a woman beside me will only add to the burden that I am carrying in my shoulder right now. Love is the last thing that I will do now after what I’ve been through with that shit.
AUDREY'S POV
Iniwan ko na si bossing sa kaniyang opisina nang mapansin kong tulog na siya kaya napangiti ako at inalala ang mukha niyang naka-aattract ng karamihan lalo na kaming mga babae kumbaga si bossing ay isang walking temptation, I watched him awhile ago as he sleeps. Sa dami ba naman ng problemang hinarap ng kompanya niya ay karapatan niya rin ang magpahinga. At masaya akong napagsilbihan ko siya kanina.
"Kanina pa kita hinihintay dito, Audrey," sambit ni Kale kaya umirap ako sa kaniya. Kahit na bago lang kaming magkakilala ay tila sobrang close na naming dalawa kung magbangayan kami. "Bakit? May ichichika ka ba sa akin? Kung wala eh, lumayas ka dito at magtratrabaho pa ako," sabi ko sa kaniya at hinampas naman niya ako sa braso.
"Aray naman, mabigat ang kamay mo ha," reklamo ko at hinimas ang brasong hinampas ng kamay niyang tila isang bakal. "Gusto lang kitang makilala ng lubos, Audrey," sabi niya sabay upo sa may upuan na nasa harapan ng table ko.
Umupo naman ako sa aking computer chair at inilagay ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng lamesa na tila isang consultant at si Kale ay kliyente ko. "Ano ba ang nais mong malaman tungkol sa akin?" tanong ko sa kaniya at napahagalpak kaming dalawa sa tawa dahil hindi ko talaga bagay ang umakto ng ganito.
"Tigil-tigilan mo iyang kahibangan mong iyan, mas bagay sa iyo ang makipag away," sabi niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "So, ayon na nga, lumaki ako sa orphanage sa pamumuno ng mga madre. Somehow, nakapag-graduate naman ako kahit ganito akong lumaki sa hirap at walang magulang," sabi ko sa kaniya at tumango-tango siya.
"Ang tibay mo naman. Ako naman may kapatid akong panganay at isang bunso, wala na rin ang mga magulang namin at itinaguyod lang talaga ako ng Ate ko para makapagtapos ako ng pag aaral at laking pasasalamat ko dahil meron siya, hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag hindi ako nakapag aral," sabi niya at napatango naman ako.
Education is really important and it has an advantage when you are looking for a job. Companies are hiring new employees that graduated in business related courses or management courses.
"Pero alam kong personal ito ha, may boy friend ka ba? Kung wala eh, ilalakad kita kay Sir Lamnelle," sabi niya at nagtaas-baba ang mga kilay niya. Gaya ko hindi rin siya kumportable sa usapin tungkol sa buhay namin dahil aware naman kami kung ano ang nangyayari sa mga buhay namin pero hindi na namin kailangan isipin pa lagi.
"Alam mo, ikaw, trabaho ang hanap ko dito, Kale hindi ang pakikipagrelasyon," sabi ko sa kaniya at dinuro ko pa siya gamit ang ballpen na nasa pen holder ko. Ngumisi lang ang babae at tumawa na parang demonyo. "Sa una mo lang iyan masasabi, Audrey," sabi niya at kumindat pa sa akin ang kigwa.
"Hinding-hindi ko maabot ang isang kagaya ni bossing dahil masyado siyang matayog para sa akin," sabi ko at iwinuwestra pa gap namin dalawa ni Bossing para magtigil si Kale sa kakaasar sa akin kay Bossing. "Pero aminin mo crush mo siya ano?" tanong niya sa akin at agad akong nag iwas ng direksyon ng ulo dahil bigla akong nakaramdam ng init sa magkabilang pisngi ko.
"Aysus! Normal lang iyan, sa gwapo ba naman ng boss mo aba mare magtataka ako kung hindi mo natitipuhan iyan," sabi niya sa akin kaya ngumiti lang ako ng hilaw. "Sino ba naman ang hindi diba? Ang gwapo niya lalo na kung naglalakad, agaw-pansin! Head turner kumbaga pero huwag lang bumukas ang bibig niya dahil nakaka-turn off siya, masyadong matalas ang dila," sabi ko sa kaniya at tumawa siya ng mahina.
"Ganoon na talaga siya kahit noon pa kaya ang masasabi ko sa iyo, magtiyaga ka at mahuhuli mo rin ang kiliti niyan," sabi niya sa akin at tinignan ako na tila nagpapahiwatig na "trust me" pero ngumuso lang ako.
Si bossing ang tipo ng lalaki na mahirap huliin baka sa kakahuli ko sa kaniya ay ako pala ang nahuli niya, edi game over na.
HARRIS’ POVI was sitting peacefully in my throne when someone knocks on my office door and an asshole walk in."Come in," I said. I saw my VP smiling like an idiot. Tss. What is this fucker doing here unannounced? Wala naman akong naalalang pinapatawag ko siya at wala rin siyang dalang kahit ano sa mga kamay nito bukod sa ngising nasa mga labi niya. "Dude! You didn't tell me that you have a beautiful secretary," he said at umupo pa sa isa sa mga sofa na nandito sa loob ng opisina ko. Umirap lang ako sa kaniya at secretary ko na naman ang nagiging target niya."And why the hell would I tell you?" kuno't noo ko siyang tinignan pagkatapos ko 'yun sabihin sa kaniya. Humalakhak lang ang gago. "Okay fine. I can't answer your question. I'm not a Philosopher," he said while grinning to me. "What are you doing here? I give you an office to stay. Go out and go to your damn office," I said a
AUDREY’S POV"Ms. Santos, cancel all my appointments for the next two days and now," sabi ni Mr. Lamnelle habang dala-dala ang sling bag niyang black. "Eh saan po kayo pupunta?" curious kong tanong sa kaniya kaya tumingin siya sa akin ng malamig. Ayan! Nagtanong ka pa kaya napanguso akong umiwas ng tingin."Somewhere and as my secretary, you still need to come here kahit wala ako dahil maraming paper works na naman ang babalikan ko and I want you to organize them. Be here, on time. Just don't forget I have my eyes here," seryoso niyang sabi sa akin at binigyan pa ako ng matalim na tingin na tila sinasabing wala akong kawala kahit na wala siya dito. Malaki pa man din ang floor na ito at nakakatakot mag isa."Opo, Sir," malugod kong sabi at saka nag-bow sa kaniya. I just watch him disappear in my sight saka ako bumuntong hininga. Tinignan ko ang mga papeles na nasa harapan ko ngayon. “Ano na? B
AUDREY’S POVNakatayo lang ako sa tapat ng pinto ng kaniyang opisina wala akong naririnig na ingay mula sa loob o may sound proof talaga ang opisina niya? Bubuksan ko sana ng may nagsalita sa likod ko kaya napatalon ako sa gulat, nang lingunin ko ito. Ang tatay ni Mr. Harris! Oh no! Agad akong nagbigay-galang sa kaniya at akala ko ba ay nasa loob siya kasama ng anak niya?"So, I repeat what are you doing here, iha?" maalumanay na tanong niya sa akin. "A-ah sir, nag-aalala kasi ako eh, baka kung ano ang nangyari sa kaniya sa loob knowing that he was betrayed by the people he trusted," sabi ko at ibinalik ko ulit ang tingin ko sa pinto, bumuntong-hininga ako although he doesn’t seem like suicidal person but you can never tell because a person has the ability to take their own lives."Wait iha, excuse me. Papalabasin ko lang ang anak kong iyan," sa
AUDREY’S POV The dinner meeting that was supposedly happen didn’t happen at all dahil hindi sumipot ang dapat sana na makakausap namin. Kaya ang ending ay na-badtrip ng malala si bossing at halos manginginig ang mga taong magtatakang lumapit sa kaniya dahil sa sama nito makatingin. Napahiya pa ako sa lahat dahil may tagos pala ang suot kong kulay puti na pencil skirt, hindi ko namalayan na first day ko pala dahil sa sobrang abala ko sa trabaho kaya pala kakaiba iyong pagkatakam ko sa mga street foods kahapon. Akala ko nga malalate kami sa meeting dahil na-traffic pa kami pero hindi rin pala kami sinipot!Matapos kaming kumain ng dinner kasi kami na ang nagtuloy ng naudlot, sayang naman iyong na-order na pagkain eh. Naalala ko na naman ang mahigpit na pagkakahawak ni bossing sa mga utensils na gamit niya at medyo kabado rin ako dahil baka mamaya itarak nito sa akin sa sobrang sama ng loob sa taong pinaasa lang kami sa wala. "Wait, Audrey," sabi ni Sir Harris n
AUDREY'S POV"Ayoko niyan," sabi ni bossing na parang bata sa pagkain na niluto ko kanina. Dinuguan lang naman ito pero huwag ka! Masarap ito! Kanina inutusan niya akong magluto ng kahit anong putahe tapos ngayon na may niluto ako, aayawan niya? Pinagloloko ba ako ng boss ko na ito? "Masarap ito kasi luto ko at saka talagang masarap ang putahe na ito. Saka hindi naman ito pinagbabawal sa religion natin ah," sabi ko sa kaniya at umupo opposite side, patuloy pa rin ako sa pangungumbinse sa kaniya pero umiiling parin siya at tila nandidiri sa nakahain sa kaniyang harapan. Para kasing tanga itong si bossing minsan. He crosses his arms above his chest. "You are just saying that because you're the one who cooked it. Besides, malinis ba iyang pinagkuhanan nila ng dugo? Saka hindi ba dugo iyan ng tao?" tanong nito sa akin. Bwisit na ito siya na nga ang nilutuan at papakainin ay siya pa ang mareklamo. “Ikaw ang dami mong reklamo, kanina na tinanong ko ku
AUDREY "Teka, saan mo ako dadalhin? Hindi ito ang daan papunta sa bahay ko," kinakabahan na sabi ko sa driver na kasama ko sa loob ng kotseng itim na gamit naming at agad naman akong sinalakay ng takot at kaba, humawak na ako sa pagbubuksan ng pinto. "Kalma ka lang, Miss dadalhin kita sa safe house ni bossing," tipid nitong sabi sa akin kaya nanlalaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya."Ano?!" gulat kong tanong sa kaniya. "Dadalhin mo ako sa lugar na hindi pamilyar sa akin?" tanong ko ulit sa kaniya pero patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Humugot siya ng malalim na buntong hininga, “magtataka na ako kung alam mo ang safe house ni boss,” naiirita nitong pambabara sa akin kaya sumimangot ako kahit kailan talaga ang mga tauhan ni bossing mainipin kagaya niya. “At saka hindi ako nababaliw para i-salvage ka dahil una at huli, anong makukuha ko sa iyo bukod sa kasalanan? Wala naman,” sabi niya kaya nagderetso ang dalawang kilay ko. “Porket mahirap ako eh gagantuhin
AUDREY'S POVEight-thirty in the evening at Hearfell Hotel. Mahigpit ang kapit ko sa braso ni bossing at ramdam ko ang tigas ng mga muscles ni bossing! Ang sarap tuloy maglambitin sa mga braso niya! Pero bago ko pa magawa iyon ay baka sinakal na niya ako gamit ito. Habang papasok kami sa loob ng venue ay nasa amin ang mga mata nila. May mga babaeng masamang tumingin sa akin at malagkit na tumingin sa kasama ko ngayon. "Bossing, sino-sino ang mga taong nandito?" tanong ko sa kaniya at gaya niya ay deretso lang ang tingin ko sa harapan. "Major stakeholders of companies or corporations, directors and chairmans of private hospital inside or outside of the country and there are some politicians who attended this event," sabi niya sa akin at napatango na lang ako sa sinabi niya puro bigating tao pala ang mga nandito eh. Napanguso tuloy ako lalo na’t nakita ko ang mga expensive things nila. Nakaramdam ako ng panliliit sa katawan ko gayong ang lakas ng loob kong magpunta
AUDREY LANE "Teka, saan mo ako dadalhin? Hindi ito ang daan papunta sa bahay ko," kinakabahan na sabi ko sa driver na kasama ko sa loob ng kotseng itim na gamit naming at agad naman akong sinalakay ng takot at kaba, humawak na ako sa pagbubuksan ng pinto. "Kalma ka lang, Miss dadalhin kita sa safe house ni bossing," tipid nitong sabi sa akin kaya nanlalaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya."Ano?!" gulat kong tanong sa kaniya. "Dadalhin mo ako sa lugar na hindi pamilyar sa akin?" tanong ko ulit sa kaniya pero patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Humugot siya ng malalim na buntong hininga, “magtataka na ako kung alam mo ang safe house ni boss,” naiirita nitong pambabara sa akin kaya sumimangot ako kahit kailan talaga ang mga tauhan ni bossing mainipin kagaya niya. “At saka hindi ako nababaliw para i-salvage ka dahil una at huli, anong makukuha ko sa iyo bukod sa kasalanan? Wala naman,” sabi niya kaya nagderetso ang dalawang kilay ko. “Porket mahir