AUDREY’S POV
Nakatayo lang ako sa tapat ng pinto ng kaniyang opisina wala akong naririnig na ingay mula sa loob o may sound proof talaga ang opisina niya? Bubuksan ko sana ng may nagsalita sa likod ko kaya napatalon ako sa gulat, nang lingunin ko ito. Ang tatay ni Mr. Harris! Oh no! Agad akong nagbigay-galang sa kaniya at akala ko ba ay nasa loob siya kasama ng anak niya?
"So, I repeat what are you doing here, iha?" maalumanay na tanong niya sa akin. "A-ah sir, nag-aalala kasi ako eh, baka kung ano ang nangyari sa kaniya sa loob knowing that he was betrayed by the people he trusted," sabi ko at ibinalik ko ulit ang tingin ko sa pinto, bumuntong-hininga ako although he doesn’t seem like suicidal person but you can never tell because a person has the ability to take their own lives.
"Wait iha, excuse me. Papalabasin ko lang ang anak kong iyan," sabi niya. Tumabi naman ako at kinatok niya ng malakas ang pinto. "Harris Lance! Open this fucking door!" Mr. Lamnelle yelled. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Now, I know where Harris got his beautiful genes, hindi ko pa man din nakikita ang kaniyang ina ay alam kong maganda rin ito. Mr. Lamnelle is one of the businessmen in the business world that they fear because he can erase someone else’s business with just snap of his finger so no one dares to mess with him.
"Damn it, Dad. I'm trying myself to calm here," sabi niya pagka-bukas ng pinto. Niluwagan niya ang kaniyang neck tie, gulo-gulo ang buhok niya na maayos kanina lang pati ang longsleeves niya ay naka-roll up hanggang siko niya. Tinignan niya ako at tinaasan ng kaliwang kilay niya kaya ngumuso ako at nagtago sa likod ni Mr. Lamnelle.
"What are you doing here?" tanong niya sa akin. I was caught off guard, damn. Anong sasabihin ko, nag-iisip pa lang ako nang magsalita ang ama nito ay halos gusto ko ng tumakbo. "She was worried to you, Harris," he said at hindi ko alam kung dinadaya ako ng paningin dahil nakita ko ang pag-ngisi ng mag-ama. Akala ko ipagtatanggol ako ng ama niya pero ipinagkanulo pa ako sa satanas.
I'm doomed!
"Oh really?" amuse na sabi ni Sir Harris. Kaya inikutan ko na lang siya ng mata. "Since you came out from your lungga I see that you are fine. Excuse me, Sir Harris & Mr. Lamnelle," sabi ko sa kanila at tumalikod na para pumunta sa pwesto ko para na rin maitago ang kahihiyan ko sa harapan niya. Hindi ko naman alam na mapagbiro rin pala si Mr. Lamnelle dahil ang pagkakaalam ko sa kaniya ay isa siyang striktong tao gaya ng anak niya. Napagpasyahan kong matulog na lang dahil sa stress na naramdaman ko ngayong araw na ito.
People really do change or they just revealed their true self.
Nagising ako sa malakas na tunog sa lamesa ko kung saan naka-patong ang ulo ko. Kaya napabalikwas ako sa pagkabangon only i can see my boss smirking like an handsome idiot tss. "No sleeping in working hours, Ms. Secretary," sabi niya sa akin kaya napasimangot ako sa kaniya. Dumukwang ako para kunin ang nilapag niyang dalawang makakapal konti na folder para magkunwaring nagtratrabaho.
"Damn it," mahinang bulong niya kaya napa-tingin ako sa kaniya na ngayon ay namumula ang mga tenga niya, naka-side view kasi siya sa akin. "Ayos ka lang ba, bossing?" tanong ko sa kaniya at nagtataka akong kumunot ang noo ko.
"Damn it. Mag-ayos ka nga ng sarili mo, Ms. Santos. Hindi iyong nakikita ang boobs mo na paniguradong flat naman," sabi niya ng derederetso. Kaya napatingin ako sa dibdib ko at totoo nga, nakikita konti ang ilang balat sa dibdib ko. Binobosohan ba ako nito?! At saka ano raw?! ako, flat chested?! Bwisit!
Free view na nga lang eh, nilait pa ako! Inayos ko ang damit ko saka taas noo akong tumingin sa boss ko na naka-cross arms siya na nasa dibdib niya at bored lang siyang nakatingin sa akin. "Ako? Flat chested?! Ha!" sabi ko at ini-straight ko ang likod ko para makita niya ang hugis ng s**o ko na ngayon lang nag-sink in sa akin ang kagagahan ko. Wait parang may mali? Fuck! May mali talaga ano ba iyan!
Shit! Ang tanga mo sobra, Audrey! Paniguradong ikinakahiya na ako ngayon ng aking mga ancestors at isinumusumpa na nila ako sa sobrang hiya nila sa akin!
Pero huli na kasi nahagip niya ang bewang ko kaya napalapit ako sa mukha niya kahit may lamesang nag-hihiwalay sa amin. "Oh really? Can I see it?" nang-aakit na tanong niya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin dahil biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko. “A-Ang landi mo naman, bossing!” sabi ko at tinulak siya ng bahagya.
"B-Bastos ka, Sir Harris!" sabi ko at linakasan ko na siyang tinulak sa dibdib niya. Uy! Tsansing ako hihi. Kahit naman sukdulan siya ng kagwpuhan ay hindi ako madaling bibigay dapat magpakadalagang pilipina ako.
"Sino kaya ang nag-poise para ma-emphasize ang flat chested nito? Ako ba o ikaw?" tanong niya sa akin na ikinairap ko. Asar siya ah! "Okay fine. Ako na. Tss. Bitaw na, Sir Harris. Baka may makakita pa sa atin dito. Ma-iissue tayo juskolerd," sabi ko kaya agad naman niya akong binitawan. Hinawi ko naman ang imaginary bangs ko.
Ay bakit? Ang bango-bango pa naman niya. Joke ko lang 'yon, lapit ulit tayo sir.
Malandi talaga. Malandi talaga ang kaluluwa ko pero totoo naman kasi, isa siyang malaking tukso! Kailangan ko mamaya maligo ng holy water at lumuhod habang nagdadasal papunta sa altar ng simbahan dahil naka-on ang malandi mode nang katawan ko na for sure nadadagdagan na naman sa listahan ang kasalanan ko sa mundong ibabaw na ito.
"Arrange my things inside of my office & get my bag there. I'll wait you at the lobby. We will have a dinner meeting today," sabi niya sa akin. Ngayon ko lang napansin ang oras at madilim na rin konti sa labas kumbaga papalubog na ang araw.
Pumasok ako sa opisina niya at hindi mo aakalain na lalaki ang nag-sstay dito, I mean hindi naman sa nag-sstereo type ako rito ah? Minsan kasi iyong opisina ng mga lalaki, magulo at madumi pero ibahan mo ang opisina ng boss ko. Parang walang gumalaw sa mga kagamitan dito dahil sa sobrang ayos ng mga gamit at linis ng paligid. Nang dumako ang tingin ko sa lamesa niya ay saka ko lang naalala ang gamit na pinapasabi niya.
"Hey ano na?!" sigaw nito sa labas kaya napapitlag ako sa gulat at tinakbo na ang kaniyang pinapakuha na gamit. Nung lumabas ako nakasimangot na naman sa akin. Iniabot ko na sa kaniya ang gamit niya saka kinuha naman niya ito. “Kung lalabas ka kasi dapat kunin mo na lahat ng anek-anek mo, boss!” pangangaral ko sa kaniya at sinamaan lang niya ako ng tingin.
"Bilisan mong mag-lakad diyan time conscious pa naman ang ka-meeting natin ngayon," sabi niya. Pagkapasok namin sa loob ng private elevator niya ay saka ko naman siya sinumbatan. "Gaya mo? Ayos lang sa akin, Boss. Sanayan lang iyan," sabi ko at ngumiti ng pang-aasar sa kaniya na sinamaan lang niya ako ng tingin pero agad ko rin inayos ang sarili ko dahil baka mamaya hindi siya makapagtimpi sa akin ay bigla akong sakalin.
Minsan mahirap biruin si bossing dahil sineseryoso ang lahat ng bagay iyong tila bang walang sense of humor sa katawan, I will suggest later na mag-enroll siya sa workshop kung paano mag-joke at tumanggap ng joke para hindi siya napagiiwanan ng panahon.
Somehow, I feel safe with him. Hindi katulad ng dati na hindi ako confortable sa presence niya pero ngayon parang nagbago na. I don't know why. Iyong tipong parang turing ko sa kaniya ay isang tropa na kahit anong oras ay pwede mong tarantaduhin. Pero syempre hindi ko pwedeng gawin iyan sa kaniya palagi dahil baka mawalan ako ng trabaho at walang tatanggap sa akin na trabaho kung nasesante ako dahil sa katarantaduhan ko sa buhay.
Sabay kaming lumabas mula sa elevator at nasa parking space kami kaagad ng kompanya. “Wala ka bang driver, boss?” tanong ko sa kaniya at kinuha niya ang susi mula sa kaniyang bulsa. “I don’t need it,” sagot niya sa akin at agad na pinatunog ang kaniyang sasakyan. Umilaw naman ang headlights nito at umalingawngaw ang tunog ng sasakyan niya sa kabuuan ng parking space.
Agad akong nakaramdam ng excitement na makakasakay ako sa kaniyang sasakyan for the first time at mararanasan ko kung paano ba siya magmaneho ng sasakyan. He open the passenger seat at nakatayo lang ako sa tabi niya. “What are you standing there, woman? Get in or do you want me to carry you?” tanong niya sa akin kaya ngumuso ako saka umirap sa kaniya.
“Bossing, wala naman mawawala kung magpapaka-gentleman ka diba?” tanong ko sa kaniya at tumingin siya sa akin. “Ano pa ba sa tingin ko ang ginagawa ko sa iyo ngayon ha?” tanong niya sa akin kaya ngumuso ako. “Oo na, sasakay na,” sabi ko saka umupo na sa upuan.
Ang bango ng loob ng sasakyan niya, amoy na amoy niya. Umikot siya para sumakay sa driver seat. Pinanood ko lang siya na kalikutin ang sasakyan niya at nagulat ako nung bigla siyang tumingin sa gawi ko. “Sit properly,” sabi niya sa akin kaya umayos naman ako ng upo at halos tumigil ang paghinga ko at nag-slow motion ang buong mundo ko nung dumukwang siya sa akin.
“Don’t forget to fasten your seatbelt,” sabi niya sa akin at iyon pala ay ilalagay ang seatbelt akala ko kung ano. Nag-imagine pa tuloy ako ng kung ano-ano sa utak ko. “S-Salamat naman,” sabi ko at humigpit ang hawak ko sa seatbelt na animo’y nandoon ang buhay ko. Nagmaneho na siya paalis ng parking space.
Habang binabaybay namin ang kalsada ay may nakita akong nagtitinda ng mga street foods sa tabi kaya napatingin ako sa wrist watch kong tig-one hundred sa bangketa at five-thirty na pala sa hapon. “Boss natatakam ako noon,” sabi ko at gustong-gusto kong kumain noon na tila isang naglilihing babae pero imposible naman na maglihi ako.
“What?” tanong niya sa akin at itinuro ko ang mga nakahilera sa daan. Tumingin muna siya sa relong pambisig niya at bumuntong-hininga siya saka tumango, “I’ll park it somewhere,” sabi niya sa akin at napapalakpak naman ako sa kagalakan. “Thank you, boss!” masayang sabi ko.
Inilabas ko ang wallet ko mula sa bag ko at nung nakahanap na siya ng bakanteng pwesto na malapit naman sa mga nagtitinda ay agad kong inalis ang seatbelt saka nagmamadaling lumabas ng sasakyan. “Wait for me,” sabi ni bossing sa akin kaya hinintay ko naman siya. Before walking away he look back at his car and he nodded as we walk towards the vendors.
Hindi na kami lumapit pa sa may mga nagiihaw ng barbeque dahil baka mausukan pa kami at mag amoy barbeque pa kami lalo na’t may ka-meeting kami mamaya. “Magkano poi tong chicken skin?” tanong ko sa nagtitinda at tumingin silang lahat sa amin lalo na sa kasama kong lalaki.
“Bente pesos isang baso, ineng,” sagot nito kaya agad akong naglabas ng pera pero pinigilan ako ni bossing. He handed me a yellow bill. “Here, spend it,” sabi niya sa akin at napatulala ako ng ilang segundo sa kamay niya sa harapan ko. “Sure ka ba, boss? Baka mamaya utang ko pa ito sa iyo ha,” sabi ko pero tinignan lang ako nito kaya ngumiti ako at nagpasalamat baka bawiin bigla.
“Ano baa ng gusto mo? Try mo itong chicken skin pero baka mamaya may allergy ka nito ha,” sabi ko sa kaniya at umiling siya. Kumuha ako ng dalawang stick para tig-isa kami at tinuruan ko siya kung paano tumusok. Para akong may alagang kinder ngayon dahil sa kaniya.
“Masarap diba?” tanong ko at tumango siya kaya bumili pa ako ng isang baso. Pinaupo ko naman siya sa mga upuan na nandidito at napatitig na lang sa kaniya ang mga taong nandidito, ilan sa kanila ay nagchichismisan at ilan sa kanila ay kinikilig dahil may gwapong napadpad sa ganitong kainan.
“Magkano po ang isang stick na calamares?” tanong ko naman ito ang pinakapaborito ko sa lahat. “Dose pesos ang isang stick, anak,” sabi sa akin ng tindera kaya naaliw naman ako sa sinabi niya. “Pabili po ng limang stick,” sabi ko at iniabot ang bayad sa kaniya.
“Nobyo mo ba iyan, iha? Ang gwapo naman,” kinikilig na chika niya sa akin kaya ngumiti na lamang ako. “Hindi kop o siya boyfriend,” sagot ko pero hindi siya naniwala at sinabihan pa ako na hindi ko dapat ikinakahiya ang kagaya ni bossing. Syempre kung boyfriend ko ito hindi ko siya ikakahiya ano!
Tumingin ako sa kinaroroonan niya at tila kinikilig pa ako dahil para ko siyang boyfriend na naghihintay sa akin pero agad akong tumikhim nung tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Hmp! Ang sungit naman ng gwapong ito!
Lumapit ako sa kaniya dala-dala ang binili kong limang sticks ng calamares. “What’s that?” tanong niya sa akin. “Calamares, boss,” sagot ko at ino-offeran ko siya at halatang ngayon lang siya makakakain ng ganitong uri ng pagkain. Isinawsaw ko ito sa suka at ginaya naman niya ako. Sumubo ako at ganoon din siya gusto ko mang matawa sa hitsura niya dahil para siyang isang paslit sa paningin ko.
Ngunit hindi koi yon gagawin dahil baka ma-offend siya sa akin at bigla na lamang niya ako iwanan dito. “Masarap ano?” tanong ko sa kaniya at tumango-tango siya. “This is more delicious than what we ate in a restaurant,” sabi niya kaya ngumiti ako ng malawak.
“Alam mo kasi, bossing hindi lahat ng masasarap na pagkain sa mundo ay matatagpuan mo sa mga five stars restaurants, minsan mahahanap mo sila sa mga street food vendors. Bukod sa masarap at kayang pantayan ang lasa ng mga nasa five stars restaurant ay kasya pa sa budget mo,” sabi ko at kinukumbinsi siya. “What are your favorite street foods?” tanong niya sa akin.
“Kita mo ba iyong sa nag iihaw? Paborito ko ang barbeque tapos itong calamares, chicken skin at tokneneng,” sabi ko sa kaniya at napatango-tango siya. “Why do you buy those foods if it’s your favorite?” tanong niya sa akin. “Hindi ako pwedeng pumunta doon sa may nag iihaw dahil baka dumikit sa damit ko at may kakausapin pa tayong possible investor diba at saka papasok tayo sa restaurant, ayoko naman na mapahiya ka dahil sa kasama mong amoy usok,” sabi ko sa kaniya.
“I see, next time I’ll treat you here again if you want,” sabi niya at umiwas ng tingin sa akin saka kumain siya ulit. “Talaga ba? Uy! Ang bait mo naman! Kukunin ka na ba ni Lord?” agad kong tanong na sana hindi ko ginawa. “You’ll lose a job again if he took my life,” sabi niya at napasimangot ako dahil sa atake niya. “Biruan lang naman tayo dito pero namemersonal ka na,” sabi ko dahil nawalan ako ng trabaho dati dahil namatay nga ang amo ko. “Quit talking and eat now,” sabi niya sa akin kaya umirap muna ako sa kaniya saka kumain ulit. Ang sarap pala kapag libre at sa tanang ng buhay ko ngayon lang ako nilibre at amo ko pa!
May tinatago talagang kabaitan minsan si bossing sa kaniyang katawan, he is not showy nga lang.
AUDREY’S POV The dinner meeting that was supposedly happen didn’t happen at all dahil hindi sumipot ang dapat sana na makakausap namin. Kaya ang ending ay na-badtrip ng malala si bossing at halos manginginig ang mga taong magtatakang lumapit sa kaniya dahil sa sama nito makatingin. Napahiya pa ako sa lahat dahil may tagos pala ang suot kong kulay puti na pencil skirt, hindi ko namalayan na first day ko pala dahil sa sobrang abala ko sa trabaho kaya pala kakaiba iyong pagkatakam ko sa mga street foods kahapon. Akala ko nga malalate kami sa meeting dahil na-traffic pa kami pero hindi rin pala kami sinipot!Matapos kaming kumain ng dinner kasi kami na ang nagtuloy ng naudlot, sayang naman iyong na-order na pagkain eh. Naalala ko na naman ang mahigpit na pagkakahawak ni bossing sa mga utensils na gamit niya at medyo kabado rin ako dahil baka mamaya itarak nito sa akin sa sobrang sama ng loob sa taong pinaasa lang kami sa wala. "Wait, Audrey," sabi ni Sir Harris n
AUDREY'S POV"Ayoko niyan," sabi ni bossing na parang bata sa pagkain na niluto ko kanina. Dinuguan lang naman ito pero huwag ka! Masarap ito! Kanina inutusan niya akong magluto ng kahit anong putahe tapos ngayon na may niluto ako, aayawan niya? Pinagloloko ba ako ng boss ko na ito? "Masarap ito kasi luto ko at saka talagang masarap ang putahe na ito. Saka hindi naman ito pinagbabawal sa religion natin ah," sabi ko sa kaniya at umupo opposite side, patuloy pa rin ako sa pangungumbinse sa kaniya pero umiiling parin siya at tila nandidiri sa nakahain sa kaniyang harapan. Para kasing tanga itong si bossing minsan. He crosses his arms above his chest. "You are just saying that because you're the one who cooked it. Besides, malinis ba iyang pinagkuhanan nila ng dugo? Saka hindi ba dugo iyan ng tao?" tanong nito sa akin. Bwisit na ito siya na nga ang nilutuan at papakainin ay siya pa ang mareklamo. “Ikaw ang dami mong reklamo, kanina na tinanong ko ku
AUDREY "Teka, saan mo ako dadalhin? Hindi ito ang daan papunta sa bahay ko," kinakabahan na sabi ko sa driver na kasama ko sa loob ng kotseng itim na gamit naming at agad naman akong sinalakay ng takot at kaba, humawak na ako sa pagbubuksan ng pinto. "Kalma ka lang, Miss dadalhin kita sa safe house ni bossing," tipid nitong sabi sa akin kaya nanlalaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya."Ano?!" gulat kong tanong sa kaniya. "Dadalhin mo ako sa lugar na hindi pamilyar sa akin?" tanong ko ulit sa kaniya pero patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Humugot siya ng malalim na buntong hininga, “magtataka na ako kung alam mo ang safe house ni boss,” naiirita nitong pambabara sa akin kaya sumimangot ako kahit kailan talaga ang mga tauhan ni bossing mainipin kagaya niya. “At saka hindi ako nababaliw para i-salvage ka dahil una at huli, anong makukuha ko sa iyo bukod sa kasalanan? Wala naman,” sabi niya kaya nagderetso ang dalawang kilay ko. “Porket mahirap ako eh gagantuhin
AUDREY'S POVEight-thirty in the evening at Hearfell Hotel. Mahigpit ang kapit ko sa braso ni bossing at ramdam ko ang tigas ng mga muscles ni bossing! Ang sarap tuloy maglambitin sa mga braso niya! Pero bago ko pa magawa iyon ay baka sinakal na niya ako gamit ito. Habang papasok kami sa loob ng venue ay nasa amin ang mga mata nila. May mga babaeng masamang tumingin sa akin at malagkit na tumingin sa kasama ko ngayon. "Bossing, sino-sino ang mga taong nandito?" tanong ko sa kaniya at gaya niya ay deretso lang ang tingin ko sa harapan. "Major stakeholders of companies or corporations, directors and chairmans of private hospital inside or outside of the country and there are some politicians who attended this event," sabi niya sa akin at napatango na lang ako sa sinabi niya puro bigating tao pala ang mga nandito eh. Napanguso tuloy ako lalo na’t nakita ko ang mga expensive things nila. Nakaramdam ako ng panliliit sa katawan ko gayong ang lakas ng loob kong magpunta
AUDREY LANE "Teka, saan mo ako dadalhin? Hindi ito ang daan papunta sa bahay ko," kinakabahan na sabi ko sa driver na kasama ko sa loob ng kotseng itim na gamit naming at agad naman akong sinalakay ng takot at kaba, humawak na ako sa pagbubuksan ng pinto. "Kalma ka lang, Miss dadalhin kita sa safe house ni bossing," tipid nitong sabi sa akin kaya nanlalaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya."Ano?!" gulat kong tanong sa kaniya. "Dadalhin mo ako sa lugar na hindi pamilyar sa akin?" tanong ko ulit sa kaniya pero patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Humugot siya ng malalim na buntong hininga, “magtataka na ako kung alam mo ang safe house ni boss,” naiirita nitong pambabara sa akin kaya sumimangot ako kahit kailan talaga ang mga tauhan ni bossing mainipin kagaya niya. “At saka hindi ako nababaliw para i-salvage ka dahil una at huli, anong makukuha ko sa iyo bukod sa kasalanan? Wala naman,” sabi niya kaya nagderetso ang dalawang kilay ko. “Porket mahir
Ten fifty-five in the evening at Hearfell Hotel.HARRISAfter I sent my sister away I run inside the hotel immediately to help my men dumaan ako sa exit ng hotel para hindi ako mapansin ng ibang grupo, I carefully walk inside with the gun in my hand and multiplying my instinct so I can cheat death and at the same time I can give him some people to escort going into hell. I look at my leather wrist watch and it’s ten in the evening, Daddy called me awhile ago to eliminate the Almanzo group here so I turn on my bluetooth earpiece. Napangiwi ako nung bumungad sa akin ang mga tawanan ng mga tauhan ko na tila nagsasaya pa sila. We are in the middle of mafia war, this is not our war but we’ll join them because I have my own agenda. "Boss, where are you?" "Boss, malapit na kami sa floor kung saan nag-sstay ang anak ni Mr. Alamanzo,""All right where are the others? I'm walking here in exit," sabi ko sa kanila from here in my spot, I clearly hear the people
AUDREYWhy does he have so many bruises in his face and body? They are all looking at me and bossing is just staring at me blankly. “Get us medical kits,” utos ni bossing sa isa sa mga kasambahay na nandidito at doon lang naalimpungatan ang lahat kaya gumalaw ang mga inutusan niya. Hindi naalis ang tingin ko sa kaniya habang naglalakad ako palapit dito. "What...What happened?" tanong ko sa kanila kaya napalingon sila ng sabay-sabay sa akin. Hindi ko alam kung anong sumanib na spiritu sa katawan ko at tumakbo papalapit kay Sir Harris. "A-Anong nangyari sayo? Kanina lang when I left y-you there you were fine," mahina kong sabi sa kaniya pero hindi siya umimik bagkus ay tinignan lang niya ako ng malamig. Sinubukan kong hawakan ang sugat niya sa pisngi ngunit hinuli niya ang aking kamay at ibinaba niya ito. "Why are you still awake?" paos na tanong niya sa akin at hindi pinansin ang tanong ko. "I've waited for you," mahina kong sabi. The atmosphere here is
AUDREY Walong araw na simula nung dalhin ako ni bossing sa kaniyang safe house sa Tagaytay, kaya pala ganon ang kapaligiran, nalaman ko na lang kinaumagahan at hindi kami gumamit ng kotse pauwi dito bagkus ay helicopter na pinalipad mismo ni bossing. Ultimate crush ko na si bossing! Habang nagpapalipad siya ng helicopter hindi ko maiwasan na mamangha sa kaniya lalo dahil bukod sa magaling siya sa pamamalakad ng kompanya nila ay magaling din siya magpalipad!"Secretary Lane," tawag sa akin ni Sir Harris through telephone na magkakabit sa kaniyang opisina sa area ko. Enebe, sher! Tumikhim muna ako at huminga ng malalim bago ko siya sinagot. "Yes, Sir?""May appointed meeting ba ako ngayong hapon?” tanong niya sa akin kaya dal-dali kong tinignan ang schedule niya for today sa aking monitor. "Meron, Sir. Its Cassandra Laneur," sabi ko sa kaniya na ikinatahimik niya at narinig ko ang malalim na buntong hininga niya."Wh