Home / Romance / Behind the Scene / Kabanata 17.2 - Kiss

Share

Kabanata 17.2 - Kiss

Author: shewhomakeshappyy
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Laro tayo! Chicken fight!" suhestiyon ni Kendall. Pumayag naman sila. Ang unang naglaban ay si Ken at Grace, nakasakay si Ken kay Travis habang si Grace ay doon sa isang kaibigan ni Travis. In the end, natalo si Grasya. Paulit ulit na ganoon ang nangyari, paulit ulit ding nananalo sila Kendall. Madaya. 

"Si Treia naman!" sigaw ni Iris. Umiling ako kahit panay ang sigaw nila.

"Game na! Minsan lang, sinong manok mo?" tanong ni Mads. Wala naman akong choice dahil baka masabihan akong KJ ng mga 'to. Inisa isa ko ang mga kaibigan nila Travis, wala akong kakilala kundi si Rio lang kaya siya na ang pinili ko.

"Ayusin mo," bulong ko bago sumampa sakaniya. Malawak ang ngiti ni Ken na tila ba sure na siyang mananalo ulit sila, competitive ako kaya hindi ako magpapatalo no! 

Magkahawak ang kamay namin at tinutulak ang isa't-isa. Natatawa ako sa ginagawa namin, ganoon rin siya 

"Nikolai is looking at you.. with jealous eyes," sambit nito dahilan para mawalan ako ng balanse at bumagsak sa tubig.

Pagkaahon ko ay panay ang tawanan nila, hinagilap ko si Rio at hinampas ang tubig papunta sakaniya. Tumama naman 'yon sa mukha niya kaya lalo akong natawa.

"Bakit mo 'ko hinayaang mahulog!" sambit ko sakaniya at patuloy na winiwisikan ng tubig ang mukha niya, patuloy din siya sa pagtakip dito.

"Teka— ah.. Aray, masakit sa mata!" dahil doon ay tumigil ako at lumapit sakaniya. Medyo na guilty ako sa ginawa ko. Inangat ko ang mukha niya para matingnan ang mga mata nito ngunit nakapikit siya. 

"Buksan mo, titingnan ko," utos ko. Sinunod niya naman 'yon, nang makitang wala namang nangyari ay hinampas ko siya sa braso niya. Humagalpak naman siya ng tawa, sabi na nga ba at puro kalokohan lang ang nasa utak nito! 

Patuloy lang ang ginagawa naming laro, mga ilang sandali pa ay sumama na sa amin sila ate at nakilaro na rin. Panay ang abot sa'kin ng alak nila Ate Laureen, siya namang tanggap ko. Medyo umiikot na rin ang paningin ko pero hindi ako tumigil lalo pa noong natanaw ko na naman si Isaiah at yung babae niya, hindi pa rin pala siya nilulubayan at may paghimas pa sa dibdib ha! Dito pa talaga sa harap ng maraming tao? Wala ba silang privacy? Respeto naman sa mga nandidiri!

"Kami naman ni Treia maglalaban!" hinigit ako ni Ate Laureen patayo. Nagulat ako sa presinta niya, halatang tipsy na siya. Trip niya ba 'ko? Kanina pa siya ha, doon palang sa barko ay panay ako na ang inaabala niya. Ganito yata talaga si Ate Laureen kapag lasing. Ayos lang din naman sa'kin dahil medyo nag eenjoy na rin ako.

"Oh sige, sinong manok niyo?" tanong ni Ate Dria. Pumili naman si Ate Laureen, si Kuya Grae daw ang partner niya pero nagpunta na si Kuya Isagani sa harap nito at pumwesto para makasampa si Ate Laureen sakaniya. Nagulat naman ang lahat, aayaw na sana si Ate Laureen nang hinigit siya ni Kuya at pinilit na sumampa sa likod nito, wala siyang nagawa.

"That was weird," sambit ni Ate Cora at nagkibit balikat. Mga ilang segundo ay nasa harapan ko na rin si Isaiah. Mukhang alam ko na kung anong dahilan kaya hindi na 'ko tumanggi, ayokong mag cause ng kahit anong scene dito.

"Kumapit ka lang.. hindi kita bibitawan," sambit nito nang maramdamang nag aalinlangan ako.

"Jauregui vs Jauregui, mag ex yung isa habang itong isa naman ay nagliligawan palang. This is exciting!" sigaw ni Kuya Berty, yung gay na may ari ng company na kaibigan din nila ate, habang napalakpak pa. Nagtatawanan naman ang iba.

"Hello dear brother, mabuti at kumikilos ka na ngayon," sambit ni Kuya Isagani sakaniya. Hindi ko na sila inintindi, kailangan matapos agad ito.

"Push me really hard, Treia. This game sucks! Wag na nating patagalin 'to," bulong ni Ate Laureen sa'kin, naguluhan naman ako sa gusto niyang ipahiwatig.

"Push me! Yung malakas, Treia," sambit pa nito. Mas lalo kong nilakasan ang tulak sakaniya pero tila malakas si Kuya Isagani at hindi sila mabagsak bagsak.

"Ibagsak mo 'ko," sambit ko kay Isaiah, ramdam ko naman ang pagtataka niya. "Now, push me Ate Laureen," sambit ko. Isang tulak lang ay nahulog agad ako. Umahon akong nakakapit sa braso ni Isaiah at gaya ng sabi niya, hindi niya nga 'ko binitawan. 

Umalis na kami roon, patuloy lang sila sa paglalaro at hindi namalayan na umakyat na 'ko sa barko. Paika ika pa ang lakad ko paakyat, muntik pa ko madulas nang humakbang na 'ko sa hagdan. Mabuti nalang at may humawak sa bewang ko para maalalayan ako.

"Oh please, Isaiah! You don't have to follow me, baka mamaya ay hinahanap ka na nung babae mo." Napairap ako sa sinabi ko, I sounded like jealous girlfriend. Gosh!

Kinuha ko ang isang towel at pumwesto sa counter. Kita ang ngising pilit niyang itinatago. Nag order pa 'kong margarita. Pipigilan pa sana ako ni Isaiah pero tinungga ko na agad. Ganoon din ang ginawa ko sa pangalawa at noong pangatlong shot ay hinila niya na 'ko paalis doon. Hawak niya ang shirt ko sa isang kamay habang ang isa ay nasa bewang ko at inaalalayan ako maglakad. 

Hindi ko alam kung bakit ako nasunod sakaniya gayong kanina lang ay may ibang babae siyang kasama. At bakit ko ba siya kasama? Bakit wala siya doon sa babae niya? Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas.

"Doon ka na sa babae mo! Alis!" Pagtataboy ko sakaniya dahilan para mapaupo ako sa buhanginan. Masyadong masakit ang ulo ko, umiikot na rin ang paningin ko. Gusto ko nalang humiga sa kama ko at matulog na. Nakakapagod ang gabing ito. 

"Hey.. get up," malambing ang pagkakasabi niya. Parang tinutunaw ako ng bawat salita niya. Parang nalalasing ako lalo sa bawat titig niya. 

"Don't touch me! Ano nalang ang sasabihin ng babae mo—"

He held me. 

"Wala akong ibang babae.." maingat ang pagkakasabi nito. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos ay tinulak palayo. Ramdam ko na ang mga buhangin sa katawan ko dala ng pagkakaupo ko rito sa buhanginan habang si Isaiah ay nasa harap ko at pilit akong tinatayo. Tumigil siya sa ginagawa niya at marahan akong tinitigan.

Hinawakan niya ang pisngi ko at inangat ang mukha ko para magtama ang mga mata namin. Nakakalunod ang mga tingin niya, tipong kahit marunong ka lumangoy ay malulunod ka rito.

"Wala akong iba.." aniya. Bakas ang sinseridad sa boses nito.

Bumibigat na ang talukap ng mata ko ngunit mas pinili kong tingnan siya. Ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas na tingnan siya sa mga mata. 

"Why.. why do I like you?" bulong ko, sapat na para marinig niya. Tila nagulat siya sa sinabi ko pero agad rin namang nakabawi.

Inilapit ko ang mukha ko sakaniya. I was about to kiss him nang umiwas siya. Damn! 

"Do you like me?" tanong ko, halos hindi ko na makilala ang boses ko. I'm begging now. 

"If only you knew how much I like you—" aniya.

"No, you don't. You don't even want to kiss me!"

Para akong batang nakikipag away ngayon sa asta ko. Hindi ko alam kung dala ba 'to ng alak o ng nararamdaman ko. I was about to cry! 

"Lasing ka, ayokong—" Isaiah. 

"No, you don't like me, Isaiah. Ang mabuti pa, lubayan mo na 'ko. Doon ka na sa babae—" again, he cut me off. Not by his words. He shut me off with a kiss.

Related chapters

  • Behind the Scene   Kabanata 18.1 - Breakfast Date

    Nagising ako nang may kamay na tumatapik sa binti ko. Inaantok pa 'ko at ang sakit ng ulo ko. Patuloy lang siya sa pagtapik sa binti ko, tinabunan ko naman ng comforter ang mukha ko para hindi ako maistorbo kaso walang epekto."The fuck, Iris! I'm sleeping!" sigaw ko at bahagyang sinipa ito. Tumigil siya sandali at pagtapos ay nagsimula na naman sa pagtapik sa akin."Bitch, ang kulit... mo," fuck!"I didn't mean to wake you up but.. your sister told me that any minute from now, your mother will call you out for a breakfast," ani Isaiah. Tiningnan ko ito, mukhang kagigising niya lang din at mukhang inaantok pa siya. Iginala ko ang mga mata ko sa buong kwarto. Oh my God! Hindi pa rin nag sisink in sa akin ang lahat. I am inside his room! Inalala ko ang mga ginawa ko kagabi bago ako makatulog. Shit! I kissed him! What the fuck, Cha

  • Behind the Scene   Kabanata 18.2 - Alone

    "The fuck is that, Almario?" inis na tanong ko rito.He doesn't seems scared now, ngumisi ito and believe me, nakakainis ang ngisi niyang 'yon!"Tinulungan na nga kitang makaalis doon tapos sisigawan mo lang ako? Wala man lang bang thank you kiss?" aniya.Mas lalo akong nainis, pinandilatan ko siya ng mata at bahagyang hinampas ang braso. Mahina lamang 'yon ngunit ininda niya pa rin. Ang arte!"Manigas ka r'yan!" sigaw ko at naglakad na palayo."Matigas na nga, kanina pa!" sigaw naman nito dahilan ng pagtigil ko.Nilingon ko siyang muli at siniringan, itinaas ko rin ang middle finger ko. Natawa naman siya sa ginawa ko bago sumunod. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at hindi na siya pinansin kahit pa nakabuntot ito sa akin."Thank you hug nalang kung ayaw mo ng kiss.." biro niya pa.

  • Behind the Scene   Kabanata 19. 1 - Jet Ski

    Hapon na nang mapag-pasyahan nilang maghanda na para mamaya. I'm wearing a gray two piece knotted bikini. Naka messy bun ang buhok ko and I'm done putting sunblock lotion all over my body."Did you see my sarong?" tanong ko kay Iris.Tumigil siya saglit sa pag-aayos ng swimsuit niya at binalingan ako."Nakita ko kanina sa bathroom, naiwan mo yata roon," aniya.Nagtungo ako sa bathroom para kunin 'yon. I wrapped it on my waist, tinatakpan ang pambaba ko. Nakikita naman ang isa kong legs tuwing naglalakad and I like it.Nang matapos kami sa pag-aayos ay nagpasya na kaming magtungo sa labas. I wear my sunglasses dahil medyo may araw pa and it

  • Behind the Scene   Kabanata 19.2 - No

    "May daya dyan sa jet ski niyo, palit kaya tayo!" reklamo ni Kuya Isagani, hindi pa rin matanggap ang pagkatalo nila. Bumaba na 'ko sa jet ski, aalalayan pa sana ako ni Isaiah nang tanggihan ko ito. Hindi ko na siya binalingan ng tingin at naglakad na patungo sa mga kaibigan ko na ngayon ay naglalaro ng volleyball. Agad naman akong sinalubong ni Rio na may dalang towel. Inabot niya sa'kin 'yon kaya kinuha ko at ibinalot sa sarili. "Guarding yourself, huh?" aniya sa malokong tono. Tumingin sa nasa likod ko bago tumingin sa'kin at ngumisi. Nilingon kong muli si Isaiah na nasa tabing dagat pa rin at nakatanaw sa'min, nag-iwas agad ako nang magtama ang tingin namin bago sinamaan ng tingin si Almario. "You can use me, you know?" malokong sambit nito.

  • Behind the Scene   Kabanata 20.1 - Party

    Dalawang araw nalang bago mag pasko at may pa-party ngayon si Kendall sa isa sa mga properties nila. Annually kasi siyang nagpapaganap every christmas break at wala dapat siyang balak magpaganap ngayong year dahil gusto niyang mag-bakasyon abroad. Kaso pinilit raw siya ng iba niyang kaibigan kaya napilitan si gaga.Last year ay nag rent siyang isang buong bar, ngayon naman ay sa isa sa mga bahay lang nila dahil hindi siya masyadong nakapaghanda."Put it there, Kuya! Be careful, baka mabasag!" stressed na sambit nito.Tuwing may mga ganitong party ay hands on talaga siya, gusto niya palaging maganda ang kalalabasan. Gusto man naming tumulong ay alam kong kaya niya na, kung ano kasi ang gusto niyang mangyari ay ayon talaga ang susundin niya. Hindi naman namin ma-visualize ang gu

  • Behind the Scene   Kabanata 20.2 - Gifts

    "Gusto ko na rin mag-bukas ng regalo!" sigaw ni Iris habang nakatanaw sa regalong natanggap ko. Nginitian ko lamang sila habang ibinabalik ang regalo sa paperbag kanina."Oo nga, magbukasan na tayong gifts. I'll call Kendall muna," si Mads na tumayo agad at nagtungo sa labas.Ilang minuto pa ay nakarating na sila kaya umakyat na kaming magkakaibigan sa kwarto nito, hindi na sumama ang dalawang excess baggage dahil ayaw daw nilang makaistorbo."Oh, sinong mauuna?" tanong ni Grace na kapit na kapit sa regalo niya.Nag presintang mauna si Kendall, inilabas nito mula sa isang cabinet ang paperbag at dahan dahang inabot yon kay Iris."OMG, sana hindi sex toys 'to ha?" aniya kaya nagtawanan ka

  • Behind the Scene   Kabanata 21.1 - Christmas Eve

    Hapon na at abala ang lahat para sa Christmas Eve mamaya. Napuyat ako kagabi dahil late na kami nakauwi, panay kasi ang tanong sa'kin ng mga kaibigan ko. They got curious because they saw us, me and Isaiah, together. I just told them that we're fine. Sinabi ko rin sa mga ito na hindi pa kami, tama naman 'di ba? Hindi pa naman talaga kami, I don't even know if he's courting me because he's not saying anything about it!Should I ask him? No!"Hey, you're close with Rio right? Magugustuhan niya ba 'to?" itinaas ko ang isang kwintas na may camera na pendant at hinarap 'yon kay Travis.We are at the mall for our last minute shopping. Bibilhan ko ng regalo si Isaiah, sinabay ko na rin si Almario. Travis is with me the whole time habang si Ate and Kuya ang magkasama, hindi ko na alam kung nasaan.

  • Behind the Scene   Kabanata 21.2 - Kiss

    "Why? Aren't you happy you saw me?" tanong nito.Napangiti ako sa ideyang naisip ko."Nakakasawa na ang mukha mo, lagi nalang kita nakikita!" tugon ko, pinipigilan pa ang pagtawa.Kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko."Ako, hindi ako nagsasawa sa mukha mo. I can't even wait to wake up everyday and see your face beside me early in the morning," aniya, ni walang bakas ng kahit ano sa mukha nito. Mukhang seryoso siya sa mga sinabi niya.Agad na nag-init ang pisngi ko at pasimple itong pinalo sa dibdib."Korni mo!" 'yun lamang ang nasabi ko.

Latest chapter

  • Behind the Scene   Wakas IV

    Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f

  • Behind the Scene   Wakas III

    Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n

  • Behind the Scene   Wakas II

    Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l

  • Behind the Scene   Wakas I

    Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil

  • Behind the Scene   Kabanata 31.3 - Despidida

    "Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.

  • Behind the Scene   Kabanata 31.2 - Camera and Album

    Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri

  • Behind the Scene   Kabanata 31.1 - Envelope

    I couldn't contain it, I just want to cry and cry all day pero pinigilan ko dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niyang mahina ako ngayon."You knew yet you didn't even told me? How dare you, Isaiah!" my voice thundered.Agad na napalitan ng pagkabahala ang itsura niya. Lumapit ito sa akin para pakalmahin ako pero bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko, siya namang pag-iwas ko. Panay ang paghampas ko rito, hindi ko na naisip kung nasasaktan ba siya kasi ako, sobrang nasasaktan ako!I told him everything, wala akong nilihim sakaniya. Alam niya kung gaano ko kagustong malaman ang dahilan kung bakit ayaw sa'kin ng pamilya ko, alam niya kung gaano ako katakot makagawa ng pagkakamali dahil baka tuluyan na nila akong hindi tanggapin. Alam niya rin kung gaano ako

  • Behind the Scene   Kabanata 30.2 - Betrayed

    Nagpasya akong umalis sa hospital noong araw na 'yon, I drive all the way to Isaiah. Sigurado akong nasa condo lang siya. He's sick, mag-isa lang siya roon kaya walang nag-aalaga sakaniya. I felt bad becase of it, I should be the one to take care of him, ni hindi niya sinabing may sakit pala siya. The hell, Treia, you're out of your fucking mind for the past days!Dumaan ako sa fastfood restaurant at pharmacy para bumili ng makakain at ng gamot. I have spare key kaya madali kong nabuksan ang room niya. I saw him on the couch nakahiga ito at hindi pa nagpalit ng damit, mukhang kagagaling lang sa trabaho. He looks tired and cold, nakayakap siya sa sarili niya at nanginginig pa.My baby's sick.Ibinaba ko ang mga binili ko at agad na nagtungo sakaniya. I held his cheeks, mainit ito. Bahagyang dumilat ang mata niya, kasunod no'n ang paghaplos niya sa kamay kong nakahawak sa pi

  • Behind the Scene   Kabanata 30.1 - Unstable

    Kararating lang namin sa ospital, my father is in the ICU, fighting for his life. Sumabay nalang ako kay Isaiah patungo rito, hindi ko kasi alam kung kaya ko bang mag drive knowing that one of the important person in my life is in danger. Iniwan namin ang kotse ko roon, he promised to take care of that. Isaiah never leave my side, my mother is also here with us, nakaupo lang kami sa labas ng ICU habang hinihintay na matapos ang operasyon. Si Ate naman hinatid daw pauwi si bunso pauwi. No one told me what happened to Papa, parang iwas silang lahat sa'kin nang dumating ako, even my mother.Napatayo kami nang makarinig ng ingay, patungo sa'min si Tita at mukhang galit na galit. Huminto siya sa harap ko, akmang sasampalin na 'ko ngunit naiwan sa ere ang kamay niya at dinuro-duro nalang ako nang makita kung sinong nasa tabi ko."You.. this is all your fault!" her voice thundered.

DMCA.com Protection Status