I'm now wearing red sleeveless dress na napakaikli pero nag cycling naman ako kasi nagsu-sway ang baba nito tuwing gumagalaw, sumasabay sa pag-indak. Si Oly din naman ang ka-partner ko kaya no worries, I trust him.
Tonight is the night of our musical theater play as well as the auction. Yes, may auction din mamaya at ang mga perang malilikom ay ibabahagi namin sa napiling charity. Mga artworks ang ipapa-bid at kasama doon ang iba kong artwork. Sumilip ako sa curtain para makita ang mga tao. Halos mapuno na ang venue sa dami ng tao, natanaw ko naman sila Isaiah kasama si Mateo at Davis sa third row, malapit sa stage. Iris is also here together with her blockmates, nasa bandang unahan sila kaya tanaw na tanaw ko. I'm not nervous, sasayaw lang naman ako, 'di naman ako aarte. Una naming sasayawin is ballroom type, tatlong pair lang kaming sasayaw dito, next ay interpretative at huli ay modern na may halong hiphop, lahat na kami sasayaw dito para pasasalamat na rin sa mga nanood, so bale makakatatlong palit ako ng damit tonight. Kinumusta ko ang mga lead roles isa isa, I checked if they are fine especially their voice kasi musical 'tong play namin. They are fine naman daw, may kaunting problem lang kay Ivy na may solo performance mamaya, intermission number niya, pero ayos lang naman daw sabi niya. After few minutes ay nagsimula na, mula sa backstage ay nakatanaw ako sa mga nanonood. Kita ko ang tuwa sa mga mukha nila, minsan ay natatawa kapag nagbitaw ng joke ang mga naganap, minsan naman ay nalulungkot kapag malungkot ang eksena. This is my dream, I really want this! Since I was a kid, I know that performing in front of many people, capturing moments and doing films will have a big place in my heart. This is my passion, I'm really into this kind of stuffs, if only I can pursue it, why not? I've been performing for years already, usually back up dancer lang kasi more on behind the scene ang ganap ko, perks of being a director but the pressure is on you, it's never been easy. Sinenyasan ko ang mga kasama kong mag ready na kaya pumwesto na kami. May suot akong in-ear monitor since co-director ako para mabigyan ng instructions, informations or commands ang production team incase na may problema. As soon as the curtain opened and the music began, Oly held my waist and we started dancing. It is modern songs na ginawan namin ng steps for ballroom, seductive steps to be exact. I can hear the audiences scream, they're too loud. I saw Iris, nakatutok ang camera niya sa 'kin, she's also cheering for me. I gave her a smile and I wink at her. Ramdam kong sa bawat ikot ay nataas ang laylayan nitong dress na suot ko, buti at nag cycling talaga ako. Oly is a great dancer, siguro kung hindi mo siya kilala ay magkakagusto ka rito. Lalaking lalaki ang datingan, lalo na kapag sumasayaw. Hindi siya katulad ng iba na malambot gumalaw, 'di rin siya nananamit ng pambabae. Ayaw niya ng ganoon.Nang matapos yon ay agad kaming nagpuntang backstage para magpalit, I remind them that they did great, I always remind them that. Ayokong ma-feel nila na hindi enough yung ginawa nila that's why I'm reminding them always.Mahigit isang oras na ang makalipas, malapit na rin matapos ang play, naghahanda na nga ang mga actors and actresses dahil finale na kaya puro intermission number muna. I clapped my hands and cheered for my club mates who are now dancing, Oly is part of it and I can see how hot he is. May swag."TREIA, DID YOU HEAR ME?" Nasa gilid ako ng stage at pinapanood ang galaw ng mga dancers when I heard our director.Umalis agad ako sa pwesto ko at nagtungo sa backstage. "Treia speaking, is there a problem?" tanong ko kaagad, marahil ay may problema at kinakabahan na 'ko sa kung ano man 'yon. Our director sounds frustrated. "PUMUNTA KA DITO SA DRESSING ROOM, NGAYON NA!" sigaw niya, I can sense the frustration on his voice. Mukhang malaking problema nga! Dali-dali akong pumunta sa dressing room at nadatnan doon ang director pati ang ibang lead roles, nakapalibot sila kay Ivy na nakahawak sa lalamunan niya. Mukhang alam ko na ang problema, sabi na nga ba't hindi ayos 'tong isang ito! "You think you can do it? Patapos na yung auction, ikaw na ang susunod Ivy," sabi ni Noel, isa sa mga lead roles.Ivy is now crying, she shook her head while uttering 'no'. I feel bad, baka masyadong nabugbog sa rehearsal ang lalamunan niya kaya nagkaganito, patayan pa naman ang rehearsal namin noong nakaraan dahil gusto talaga naming maging perpekto. Pero hindi naman kami nagkulang sa pagpapaalala sakanila na magpahinga. Still, we are the ones who are responsible for this. I felt bad. "We don't have enough time! Kailangan may mag-perform doon sa stage, hindi tayo pwedeng magkaroon ng dull moment. Hindi pa nakaayos ang ibang a-acting sa finale kaya kailangan may mag-perform doon! Hindi na kakayanin, we need substitute!" hysterical na sambit ng director namin, lumapit ako kay Ivy para tanungin kung okay lang ba siya pero panay senyas lang ang ginagawa niya. Shit! We are in a major trouble! "We need someone who can sing, who can perform. Or atleast someone who can entertain the audience while the actors are preparing," sambit ko, lahat ng atensyon ay nasa akin.Nagkatinginan ang director at script writer bago tumingin sa 'kin. "Someone like you, Treia!" sambit nila. What the, no! I hate this!Tiningnan ko silang lahat at mukhang desidido talaga silang ako ang gawing substitute kay Ivy. "I'm not ready, iba na lang!" sambit ko. Napabuntong hininga ang director at seryoso akong binalingan ng tingin. Mukhang hopeless na siya ngayon. "Let's make a vote, anyone who's in favor of Treia being the substitute, raise your hand," aniya. Isa isang nagtaasan ng kamay ang mga nakapalibot sa amin. Wala ni isang natira!"This is unfair!" singhal ko. "We're living in a democratic country, Treia. Be ready, mag pe-perform ka na!" ani director. Wala na 'kong nagawa. Napabuntong hininga na lamang ako. Inabutan nila ako ng isang gitara at nag practice na ko sa isang gilid doon. Marunong akong mag gitara, piano, drums at marami pang ibang instruments. In-enrol ako ni Papa sa mga ganoon, yung iba naman ay sariling aral lang gaya ng gitara. Marunong din akong kumanta but I don't think I'm a great singer. Siguro ganoon talaga kapag ikaw mismo ang kumakanta, hindi mo ma-criticise ng maayos ang sarili mo dahil ikaw 'yon, e. Hindi na 'ko nagpalit ng suot, siguro naman ay ayos na 'to. Nang matapos na ang auction ay pumwesto na 'ko sa stage dala ang gitara, naghihintay nalang ng go signal mula sa emcee. Nakaupo ako sa isang upuan at nakatutok sa 'kin ang mic, hawak ko na rin ang gitara at handa na tumugtog. Unwell by Matchbox Twenty ang napili kong kantahin, 'yun kasi ang pinaka-kabisado ko sa lahat ng kantang paborito ko. "Let us all give a round of applause to the Pride of Silangan, Chantreia Sage Fabregar!" aniya. Pagkasabi niya no'n ay biglang bumukas ang kurtina. Nagpalakpakan ang lahat at nang magsimula na 'kong mag strum ay natahimik na sila."All day starin' at the ceilin' makin'Friends with shadows on my wall,"Pumikit ako nang marahan at dinama ang kanta. Paminsan-minsa'y napapatingin sa crowd, hinahagilap ang mga mata ni Iris. Sa mga ganitong sitwasyon ay kailangan ko ng pagbabalingan ng atensyon, kailangan ko ng lakas, baka kasi bigla akong mag-panic lalo pa't nakanta ako ngayon, ayos lang sana kung sumasayaw, e! Mas magaling ako roon. Imbis na mga mata ni Iris ang mahagilap ay mga mata ni Isaiah ang nakatagpo ko. Tahimik lang itong nakikinig sa akin. Slightly, I saw him smiling. Napangiti rin ako dahil doon."But I'm not crazy, I'm just a little unwell I know, right now you can't tell.. But stay a while and maybe then you'll see.. a different side of me.."
Itinuon ko nalang ang atensyon sa gitara at paminsan-minsa'y napapapikit na lamang. Damang dama ko ang kanta, kalaunan ay nawalan na 'ko ng pake sa reaction ng crowd dahil na-enjoy ko na ang pagkanta. It feels good singing again! "I'm just a little unwell.."Mga ilang minuto ay natapos na. Akala ko'y hindi nila nagustuhan ang pagkanta ko dahil tahimik ang crowd nang tingnan ko ang mga ito. Ilang saglit pa ay umingay na ito, napuno ng hiyawan at palakpakan ang venue. I smiled because of that. I bowed my head before leaving the stage, still smiling.Nagtapos ang play sa isang masigabong palakpakan. Hindi muna nagsiuwian ang mga manonood pati na rin kami, nanatili kami sa stage para magbigay pasasalamat sa mga narito ngayon. At bilang isa ako sa may pinakamahalagang role dito, isa ako sa hiningian ng speech. I'm not prepared!"Uh, I just wanna say thank you to all of you for watching this event for a cause, God knows how much this little act will help hundreds or even thousands of kids and homeless people, so thank you and again, see you next year." I chuckled and bow my head. Nang matapos 'yon ay nagpunta na 'ko backstage para magpalit. Iris called me, nauna na raw siyang umalis dahil pinapauwi na siya. Okay lang naman sa 'kin, at least she watched me. Siya lang kasi ang hindi busy ngayon kaya siya lang din ang nakapunta.I'm now wearing maong short and gray loose shirt, hindi na 'ko nag abalang i tucked-in 'yon dahil pagod na 'ko at the same time gutom. It's almost 12 am, dadaan nalang ako sa mamihan sa may kanto para makakain. Ginutom ako sa play kanina, e.I was about to enter my car nang may tumawag sa 'kin, si Isaiah. May inabot siya kay Mateo bago nagpunta sa 'kin, sumunod naman ang dalawa sakaniya na patungo na sa akin."Congrats, Treia. You did well kanina.." bati ni Mateo. Nginitian ko na lamang ito, I feel uneasy when someone compliments me, I don't know how to respond!"Galing mo nga, e! Kung ikaw siguro ang girlfriend ko, sarap mo ipagyabang— aray!" ani Davis.Natawa nalang ako dahil binatukam siya ni Isaiah. May sinabi siya kay Mateo at may kung anong inabot rito bago sila umalis. Nagpaalam ang mga ito, I waved at them."Your ticket," inilahad niya ang isang ticket sa harap ko. Kinuha ko naman
I'm preparing for the color fun run later, 9 AM ang start no'n at 8 AM palang so I have much time to prepare. 7 AM ako gumising at nakaligo na rin ako kanina, maong short, black crop top sando and white rubber shoes lang ang suot ko since may ibibigay naman na damit, kasama kasi 'yon sa binayaran. Though, hindi ako ang nagbayad. I feel guilty tuloy! Pinagbayad ko si Isaiah tapos nilibre niya 'ko, unfair. Isaiah will pick me up, ayos din naman since ayokong mag drive kasi hassle at the same time sayang sa gas. Kaso nagdadalawang isip ako ngayon kung tutuloy pa ba o hindi. I already checked my twitter account, madaming nag follow request sa 'kin, ganoon din sa IG at pati sa FB ay madaming nag follow, mabuti nalang at naka private lahat ng accounts ko. Karamihan ay hate post ang nakikita ko and yes, nakakasakit sila. They even posted pictures of me, kuha 'yon kahapon sa performance namin na may caption na 'Felt bad for
Bumungad sa 'kin ang sasakyan ni Isaiah, ito yung sasakyan niya noong nagkita kami sa parking lot ng school nila, noong hinatid niya 'ko sa cafeteria. Hindi siya bumaba ng sasakyan kaya dali dali akong pumasok, baka biglang lumabas si Mama at makita pa kami. Mahirap na!I didn't greet him, ayaw ko lang. Mabuti at 'di niya rin ako pinansin at pinaandar na ang sasakyan. Hindi rin ako nag insist na magpatugtog dahil ayoko lang. Wala ako sa mood makinig ng music ngayon, kinakalma ko pa yung sarili ko sa mga nabasa ko kanina. Sana pala hindi nalang ako sumama, nagsisisi na 'ko ngayon!"I know you're not okay, I'm sorry," sambit niya habang may kinukuhang paper bag sa likod at inabot 'yon sa 'kin, he sincerely apologize. Tumingin siya sa 'kin saglit bago ibinalik ang tingin sa harap. I'm not mad at him, I'm mad at myself kasi bakit pinaniniwalaan ko ang mga pinagsasabi nila tungkol sa 'kin? Hindi ko magawang hindi intindihin, ewan ko ba.
Next week na yung wedding ni Ate so we're planning to throw a bridal's shower. Simple party lang with her friends, no boys allowed sana ang gusto niya pero mapilit ang friends niya kaya they invited guys, ganoon naman usually sa bridal's shower 'di ba? May guy na naka mask tas magsasayaw. Invited din ang friends ko para daw may kasama akong ka-edaran ko. Nakikita ko yung friendship namin sa friendship nila Ate.They're so nice, I barely see them these days kasi focus ako sa studies ko and kung hindi man, maghapon akong nakakulong lang sa kwarto, reading some books and such that's why I can't remember them but I do know them, lalo na ngayon."Rouge Luxy, I know the owner, we can get discount!" suggest ni Ate Cora, friend ni Ate.We are here in the living room, planning for my sister's bridal shower. Ate Laureen asked for my help dahil mukhang marami daw
Nagkwentuhan lang kami about life when I realized something. "Teka nga, paano mo malalaman if you like someone na?" hininto ko ang treadmill para humarap sakaniya habang naka pamewang, he looks so shocked nang mabanggit ko 'yon. Huminto rin siya at humarap sa 'kin. "Paano ba? Hmm.. siguro kapag nakikita mo siya, parang gusto mong ihinto yung oras para magkasama kayo ng matagal. Siguro kapag tanggap mo siya sa kung ano siya, kahit pa masama ugali niya. O 'di kaya'y tuwing naaalala mo yung mga moments niyo together, bigla ka nalang mapapangiti," aniya. Huminto siya sandali at seryoso akong tinitingan. "And the fact that you're asking this now, whoever that guy is, you already like him. You wouldn't asked me questions like that if you don't. You're doubting, am I right?" aniya. He got me there! Hinampas ko ito sa balikat at bahagyang tumawa para hindi niya mahalata ang kaba
"Bakit hindi ka nagpapagupit?" tanong ko nang paandarin niya na ang sasakyan. He just shrugged his shoulders habang ang atensyon ay nakatuon sa kalsada. Mahaba kasi ang buhok nito, hindi naman sobrang haba pero kumpara sa mga lalaking nakikita ko, mas mahaba ang buhok niya. Bagay naman sakaniya. "Haba na nyan, oh! Pwede na i-braid," dagdag ko pa, itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang buhok niya, in fairness malambot ang hair niya. Alagang conditioner yata. Bigla siyang napatigil sa ginawa ko, kaya inalis ko agad ang kamay ko sa buhok niya, buti at walang sasakyan sa harapan namin. Makalipas ang ilang minuto ay nakapunta na kami sa bar, medyo late kami ng ilang minuto kaya nagmadali akong pumasok. Hinarang kami ng bouncer para itanong ang mga pangalan namin. "Chantreia Fabregar and.. Isaiah Jauregui, he's with me." I smiled at them, tumango naman sila at binigyan kami ng way papasok. Tahimik sa loob dahi
"CHANTREIA SAGE BUMABA KANA DYAN!" sigaw ni Mama mula sa baba. Ganoon kalakas ang boses niya, siguro ay rinig pa 'yon ng kapitbahay. Sisigaw na sana ako pabalik at sasabihing wala akong gana kumain nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Tara na, anak," marahang sambit ni Papa. Nakatingin lang ako sa pinto at napabuntong hininga. "Mauna na po kayo, susunod ako," sambit ko. Rinig ko naman ang footsteps niya palayo. Tumingin ako sa salamin para i-check kung maayos ang itsura ko, ayos pa naman. Nag fade na rin yung liptint na nilagay ko, pero ayos naman. Nasa bahay lang naman ako. Huminga muna ako ng malalim bago nagpasyang lumabas. Hindi ko alam pero simula kanina ay may iba na kong nararamdaman. Hindi ko alam kung ano 'yon, basta ngayon, ayaw ko munang makita si Isaiah. Ayoko ng ganitong pakiramdam at alam kong siya ang dahilan kung bakit ko ito nararamdaman, weird. I hate weird feelings! I hate unfamiliar feelings! I hate it..&n
We are here at Rouge Luxy, 10 PM mag i-start ang party pero inagahan namin ang punta para ayusin yung venue. I am with my friends dahil katulong ko sila sa pag-aayos, I can't fix this without them. Hindi ko na rin inabala sila Ate Laureen dahil alam kong busy sila, they owe me a lot daw. Marami ang inimbitahan nila since maraming circle of friends si Ate, sana all 'di ba? Friendly kasi siya unlike me, mabuti nga at kinaibigan ako ng mga bruha dahil kung hindi, wala siguro akong friends ngayon.I'm wearing black fitted v-neck dress ending inch above my knee revealing my cleavage slightly, I partnered it with silver stiletto, diamond necklace and earrings and my silver clutch bag. Hinayaan ko lang na nakaladlad ang buhok ko at kinulot ko ang dulo nito."Okay na ba yung food, Iris?" I asked her, I'm a little bit nervous kasi baka hindi nila magustuhan ang ayos ng venue or ang food na ihahanda namin. I invited Oly para kaming dalawa ang ma
Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f
Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n
Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l
Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil
"Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.
Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri
I couldn't contain it, I just want to cry and cry all day pero pinigilan ko dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niyang mahina ako ngayon."You knew yet you didn't even told me? How dare you, Isaiah!" my voice thundered.Agad na napalitan ng pagkabahala ang itsura niya. Lumapit ito sa akin para pakalmahin ako pero bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko, siya namang pag-iwas ko. Panay ang paghampas ko rito, hindi ko na naisip kung nasasaktan ba siya kasi ako, sobrang nasasaktan ako!I told him everything, wala akong nilihim sakaniya. Alam niya kung gaano ko kagustong malaman ang dahilan kung bakit ayaw sa'kin ng pamilya ko, alam niya kung gaano ako katakot makagawa ng pagkakamali dahil baka tuluyan na nila akong hindi tanggapin. Alam niya rin kung gaano ako
Nagpasya akong umalis sa hospital noong araw na 'yon, I drive all the way to Isaiah. Sigurado akong nasa condo lang siya. He's sick, mag-isa lang siya roon kaya walang nag-aalaga sakaniya. I felt bad becase of it, I should be the one to take care of him, ni hindi niya sinabing may sakit pala siya. The hell, Treia, you're out of your fucking mind for the past days!Dumaan ako sa fastfood restaurant at pharmacy para bumili ng makakain at ng gamot. I have spare key kaya madali kong nabuksan ang room niya. I saw him on the couch nakahiga ito at hindi pa nagpalit ng damit, mukhang kagagaling lang sa trabaho. He looks tired and cold, nakayakap siya sa sarili niya at nanginginig pa.My baby's sick.Ibinaba ko ang mga binili ko at agad na nagtungo sakaniya. I held his cheeks, mainit ito. Bahagyang dumilat ang mata niya, kasunod no'n ang paghaplos niya sa kamay kong nakahawak sa pi
Kararating lang namin sa ospital, my father is in the ICU, fighting for his life. Sumabay nalang ako kay Isaiah patungo rito, hindi ko kasi alam kung kaya ko bang mag drive knowing that one of the important person in my life is in danger. Iniwan namin ang kotse ko roon, he promised to take care of that. Isaiah never leave my side, my mother is also here with us, nakaupo lang kami sa labas ng ICU habang hinihintay na matapos ang operasyon. Si Ate naman hinatid daw pauwi si bunso pauwi. No one told me what happened to Papa, parang iwas silang lahat sa'kin nang dumating ako, even my mother.Napatayo kami nang makarinig ng ingay, patungo sa'min si Tita at mukhang galit na galit. Huminto siya sa harap ko, akmang sasampalin na 'ko ngunit naiwan sa ere ang kamay niya at dinuro-duro nalang ako nang makita kung sinong nasa tabi ko."You.. this is all your fault!" her voice thundered.