Share

Beautiful Mess
Beautiful Mess
Author: Apolinariaaa

Simula

Author: Apolinariaaa
last update Last Updated: 2024-05-05 13:54:28

Reyna

Sa lahat naman ng puwedeng ipadala ng Diyos, bakit siya pa?

Kung kanina nanlilit lang ako sa sarili ko, ngayon naaalibadbaran at nadidiri na rin ako sarili ko para sa katabi kong humahalimuyak sa bango sa kabila ng maghapong trabaho.

Siguro centralized ang aircon sa opisina niya kaya ‘di pinawisan at amoy mamahaling perfume pa rin.

Pasimple kong inamoy ang sarili. Amoy downy naman ang dress shirt na suot ko. Hindi rin naman ako maasim kahit na medyo pinawisan na kanina sa lansangan.

Bukod sa sarili at normal kong amoy sa araw-araw, may kumapit lang na ibang amoy sa sleeve ng suot ko. Panlalaking perfume.

Kahit na hindi naman ako mabaho, gusto kong masuka dahil sa pagkadisgusto sa sarili. Gusto kong masuka pero wala akong intensiyon na lalo pang dumihan ang sahig at ang passenger seat ng mamahaling kotse na ‘to, na kahit ibenta ko pa ang kaluluwa ko, hindi ako makakabili. My presence alone is enough to stain the seat and pollute the air inside this car.

Hay! Bakit ba ang drama ko ngayon at napapa-english pa? Hindi naman na bago ang ganitong sitwasyon.

Tumikhim ang poging driver sa tabi ko. Naputol ang pagse-senti ko as a passenger princess at napalingon sa kaniya.

Tangina, bakit ba ang guwapo ng lalaking ‘to? Napatanong na lang ako sa isip.

“Those… uh… jerks, are they… hmmm… customers?” kahit na putol-putol at may pag-aalangan, ang ganda pa rin pakinggan ng English niya. Ganoon siguro ang accent sa Stanford. Wow!

Ilang beses na akong natanong nang ganito. Ang palagi kong sagot; ‘Stripper ako. Dancer hindi p****k’. It's on the tip of my tongue but my throat can't push it past my lips.

Bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Kung gaano kadesperado akong lumingkis doon sa lalaki. Kung paano ako pinilit at kung paano ako halos bumigay. Kung paano niya ako nahanap. How he managed to save me again by just his presence.

“Sa pagiging p****k ka rin mauuwi!” Umalingawngaw na naman ang mga katagang iyon sa utak ko. Kung noon naipagtatanggol pa ng pride ko ang sarili, ngayon hindi na. Wala nang natira sa’kin.

“Hindi…”

Bumuga siya ng hangin na parang nakahinga ng maluwag. “Akala ko nadisturbo ko na naman ang trabaho mo.”

Trabaho. He calls it like that.

Hindi ako umimik at tinuon na lang ang atensiyon sa bintana, malayo sa mga mata niya. Sinubukan kong libangin ang sarili sa mga nadadaanan.

Ang liwanag ng paligid. Ang tataas ng mga building, nakakalula! May mga billboard pa, lalo na yung may gumagalaw na parang isang malaking TV. Ang ganda!

Napangiti ako hanggang sa tuluyan nang lumabo ang mga mata sa luha.

Hindi kayang takpan ng mga magagandang bagay ang mga pangit na nararamdaman ko. Nagagalit, nahihiya at naaawa ako sa sarili ko. Tama nga si Mama, ito lang rin ang kauuwian ko. Pagbebenta ng laman. Pagpo-p****k lang rin.

Feeling ko naitago ko ang mga luha pero hindi ko mapigilan mapasinghot. Sinubukan kong hindi pero tumutulo at nalalasahan ko. Kadiri. Kaya hinayaan ko na lang.

Mariin kong pinunasan ang mga luha gamit ang sleeves ng suot ko. Ilang punas lang basang-basa na. Hindi pa nasasama ang uhog ko.

By now, alam ko na alam na ng katabi ko sa driver seat na nag-eemote ako rito sa kaniyang passenger seat. Inasahan ko na ang panunuya o ang mga nakikisimpatyang tanong at naawang mga mata.

Lagi naman kasing ganoon. Kung hindi madidiri o manunukso o nakiki-chisming lang, madalas naaawa. At sa totoo lang, mas nakakainis pa iyon. Kumbaga, durog na ang pride mo, sinaksak ka pa ng mga bubog no’n.

Pero hindi dumating ang inaasahan ko. Sa halip, may kung anong kaluskos lang akong narinig bago may marahan na bagay ang pumatong sa hita ko.

Isang box ng tissue.

Parang hinikayat no’n ang mga nagtatago ko pang mga luha. Mula sa passenger seat ni Luntian, sa tahimik niyang pagmamaneho at sa isang box ng tissue sa hita ko, hinagugol ko na lahat ng sama ng loob ko sa mundo. Lahat ata ng tubig sa katawan ko nailabas ko, sa porma ng mga luha, pawis at uhog.

Wala na e! Wala nang mas nakakahiya pa sa nahuli ako ni Luntian na nanlalaki sa lansangan. Nagbebenta ng laman para sa libreng tutulugan ng isang gabi at kung swerte pati pagkain. Wala lang ang uhog at ugly crying kung ikukumpara do’n.

“Here, drink this.” Inabot niya sa’kin ang isang sealed water na may logo at pangalan ng kumpanya nila.

Wow, makakatikim ako ng pang mayaman na tubig. Isang happy thought!

“You need to drink,” insist niya nang hindi ko agad kinuha yung bottle.

Umisang singhot muna ako bago inabot yung tubig.

Hindi naman pala nalalayo ang lasa sa tubig sa mineral water doon sa squatter. Pero malamang malayong-malayo mga presyo no’n. Minsan ‘di ko gets ang mga mayayaman.

“I can't find anything else open at this hour. Okay lang ba ang fast food?”

Natanaw ko ang fastfood sa malapit. Bigla na lang kumalam ang ang simura ko. Malakas na parang naka-bluetooth speaker. Nakakahiya!

“I guessed fast food is okay,” he chuckled.

Ngumuso ko. “Hindi naman ako maarte.”

Pangarap ko ang Wolfgang steak pero masyado ‘yong mahal at hindi praktikal sa ngayon kaya pwede na ang fast food. Bihira rin naman ako makakain ng fast food, luxury rin iyon para sa’kin.

First time ko sa drive thru. Namamangha ako pero ‘di ko pinahalata ang pagiging ignorante. Umorder siya ng burgers at nakakahiya naman na magkanin ako at burger lang siya kaya nag burger na lang rin ako.

Binigay niya sa’kin ang burger. Akala ko kakain na kami pero nagdrive pa siya. Gutom na ako pero nakakahiya naman kung kumain na ako agad habang nagda-drive pa siya.

“You can eat now. Hanap lang ako ng parking space,” he smiled at me, lumitaw ang mga dimple niya.

Hindi na lang tuloy burger ang nakakatakam. Pakiramdam ko tuloy tumulo na ang laway ko kakatitig sa kaniya sa buong oras na nagda-drive siya. Ni hindi ko namalayan na huminto na pala kami.

“You don't like the burger?”

Saka lang ako nagising sa pagpapatansiya.

Ibinaling ko agad ang tingin sa iba na parang nahuli niya sa isang karumal-dumal na krimen. Pero naglaho ang kahihiyan nang saktong umilaw ang buong paligid kasabay ng pagsirit ng tubig mula sa fountain sa harap.

Wow! May maganda pa pala sa mundong ibabaw bukod sa anghel sa tabi ko.

“I should've got everything they have,” I heard him grimacing.

Tinanggal ko ang balot ng burger at tinikman. Sumabog ang masarap na lasa sa bibig ko. Malaki yung patty at generous ang ilang pang rekado. Hindi siya sa unang kagat lang may patty. Tinikman ko rin ang order niyang drinks. Masarap din.

Masarap na pagkain, magandang view sa harap, nakakakalmang katahimikan at isang prince charming sa driver seat. Mabait pa pala ang langit.

Napasinghot ako at nginitian siya. “Masarap. Sobrang sarap! Thank you.”

Binigyan niya ako ng nanunuring tingin bago napalitan ng concern at abutin ang tissue mula sa dashboard ng sasakyan. Dumukot siya ng ilan duon bago punasan ang mga luha ko na naman.

Kinuha ko ang mga tissue at ako na ang nagpunas ng luha habang kumakain ng burger. Kainis! Umaalat ang burger sa mga luha ko.

Hindi ko kasi mapigilan.

Parang impyerno ang araw na ‘to. Well, kahapon technically dahil pasikat na ang araw. Actually, hindi naman na bago dahil impyerno naman ang araw-araw kong buhay. Araw-araw akong nakikipagsayaw sa demonyo. Minsan ka-sex ko pa.

Pero kanina, nakaharap ko ang sarili kong demonyo. Sinampal at dinuraan ako sa mukha.

But Luntian came and saved me. Tapos ngayon may magandang view at masarap pang pagkain. Na-realize ko lang, I want to see beautiful things. I want to experience beautiful moments. Kagaya nito.

“Kumain ka. Masarap,” udyok ko sa kaniya bago kumagat ng malaki para convincing, parang ‘yung mga nasa mukbang videos.

Kumain kami nang tahimik. Paminsan siyang tumitingin para siguro i-check ang hindi pa rin tapos sa pagluha kong mata. Kumuha ulit siya ng tissue at pinunasan ang luha ko ulit.

Hindi siya nagtanong. Wala siyang sinabi. At na-appreciate ko iyon.

At ngayon, buong existence naman niya ang ina-appreciate ko. Nakikinita ko kung paanong sinisilip niya ang pagtitig ko sa kaniya habang kumakagat siya sa sarili niyang burger. Tapos na kasi ako sa’kin kaya naman inabala ko ang sarili sa pagtitig sa kaniya.

Umiling ako nang ialok niya ang burger sa’kin. Akala siguro gusto ko pa dahil sa paninitig ko. Well, gusto ko pa pero mas gusto ko ata siya.

Halata ko na ang pagkailang niya pero patuloy lang ako sa pagtitig.

Guwapo, mayaman, mabango, gentleman, at caring. He's too good to be true but he is real. Heartbroken nga lang at walang experience, pero wala lang ‘yon dahil sa mga experiences ko.

Bakit ko ba siya tinanggihan? Kumpara naman sa mga naging customers ko, wala silang binatbat sa isang ‘to. Kung tungkol naman sa kabilang bagay, mukhang talo na ako. Huli na ang lahat. I can taint him and ruin him for anyone else.

If I want to see beautiful things and if I want to experience beautiful moments, I must be with a beautiful person.

Hinintay ko muna siyang matapos sa burger niya bago ko sabihin ang sasabihin ko. Baka mabulunan siya. And it's too nasty for the food. Not in front of the burger.

Wala na ang burger nang kumati ang dila ko.

“Tungkol sa proposal mo, tinatanggap ko na,” bulong ko na parang sikreto kahit na kaming dalawa lang naman ang nakakarinig.

“Hmm?” Himig niya habang nginunguya ang natirang burger sa bibig.

“Gawin na natin,” medyo malakas at may confidence na sabi ko.

“Gawin ang ano?” Sabay lagok sa kaniyang drink.

Dapat nagdahan-dahan ako kung alam ko lang na magugulat siya. Hindi sana ako nabasa nang mabuga niya ang drink niya.

“Magsex tayo.”

Related chapters

  • Beautiful Mess   Kabanata 1

    Reyna“Magkano?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Mama.“200 po. 100 pesos para sa PTA at 90 pesos po para sa school newspaper,” sagot ko bago tikman ang niluluto. Sardinas na may malunggay na kinuha ko lang sa likod-bahay. Mura at madaling lutuin. Masarap din naman kung gutom ka talaga.“Anong nushpaper?!” iritado na aniya.Nushpaper? Bigla tuloy sumakit ang sentido ko.“Dyaryo po,” buntonghininga ko.“Dyaryo?! Tapos 90 pesos? Anong klase dyaryo ‘yan?! Bente lang ‘yan diyan kay Marites na chismosa! Doon ka na lang bumili!” Ngayon ay galit na galit na aniya.Hindi na ako nangahas na silipin siya sa maliit naming sala at ipaliwanag ang pinagkaiba ng school newspaper at ang nushpaper daw ni Aling Marites. Wala siya sa mood dahil wala siyang mahithit, walang sigarilyo. Dinekwat ni Tiyo Kadyo, kinakasama niya, ang kita niya kagabi sa club no’ng tulog siya, na malamang ay pinatalo na sa sabungan.Sila naman ang magsasabong mamaya panigurado.“Akala mo siguro nagtatae ako ng pera! Saka anong

    Last Updated : 2024-05-05
  • Beautiful Mess   Kabanata 1.2

    Reyna“Kaya ko,” hingal na ani ko.Laglag ang panga ni Mamang Paula nang makita ang kabuuan ko. Pakiramdam ko rin tumigil ang paligid para pagmasdan ang pagiging hubad ko.Oo, parang sasabog ang ulo ko sa sobrang hiya ngunit sa kabila no’n, may bahid ng confidence akong nararamdaman. Tumigil ang lahat para tignan ang katawan ko. Pak! Parang model lang o ‘di kaya beauty queen!Maganda naman kasi ako. Kumpara sa mga taga-sa’min, maganda na talaga ‘ko. Maganda rin kasi si Mama, ugali lang ang hindi maganda sa kaniya na buti hindi ko namana.Mahaba, tuwid at bagsak ang itim kong buhok. Medyo maputi rin ako at makinis kahit laking squatter. Dahil siguro sa tatay kong hindi ko kilala. Hindi rin kasi alam ni Mama kung sino bumuntis sa kaniya, e.In-inspeksiyon ni Mamang Paula ang kabuuan ko. Bagama't gulat, ngumisi siya.“Hindi naman kailangan hubarin lahat. Pwede naman iwan ang panty at bra…”Ha?Tumingin ako sa paligid. Parang huminto ang paligid, lahat laglag ang panga at nakatingin sa’ki

    Last Updated : 2024-05-07
  • Beautiful Mess   Kabanata 1.3

    ReynaEww! Kadiri!First time kong maranasan magshower at sa kasamaang palad, sa laway pa ni Tiyo Kadyo. Si Tiyo Kadyo na naninilaw ang ngipin at mabaho ang hininga dahil sa alak at sigarilyo.Kinuha siya ng mga bouncer, kinaladkad habang nagsisisigaw habang pinapahid ko ang laway sa mukha ko. Nailigtas ako sa pagkakataong iyon pero ngayong pauwi na, hindi ko alam.Dala ko ang dalawang libong kinita ngayong araw. Nasira kasi ang performance kaya walang tip. Kainis. Nakapagpalit na ako ng suot pero hindi pa binura ang makeup. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga nadaanang tambay sa eskinita patungo sa bahay. Ganda ko kasi. Kahit yung mga tambay doon na nangingikil kay Estong lampa napatingin sa’kin kaya nakaligtas siya.Hay, salamat sa ganda ko.Nadatnan kong maingay ang bahay dahil sa bunganga ni Mama pag-uwi, hindi dahil sa mga ungol, kundi dahil nag-aaway ang mag-asawa.“Dinugasan mo na naman ba ako, Kadyo?!” Malayo pa lang ay dinig ko na si Mama. “Palagi na lang, Kadyo!”Hindi ko nadin

    Last Updated : 2024-05-17
  • Beautiful Mess   Kabanata 2

    Luntian“Wow! Isang karangalan na mabasbasan ng laway mo, Sir!” Hindi ko masabi kung sarkastiko o seryoso siya, halos wala kasing pinagkaiba ang dalawang iyon sa personalidad na babaeng ito.She's ridiculous and pretty and damn sexy, even in the funniest way.Paano nga bang nagkrus ang landas namin? Looking back, halos isumpa ko ang mga kaibigan ko nang dalhin nila ako sa club na iyon para sa aking stag party. Tingin ko kasi noon, doon nag-ugat kung bakit nagulo ang mga bagay. Pero ngayon, I feel like thanking them.Nagsimula ang araw na iyon nang sabihin kong ikakasal na ako. Sa aming limang magkakaibigan, ako ang mauuna. Parang mga siraulo silang nagwala sa mismong opisina ko. At wala na akong nagawa nang hatakin nila ako palabas nang oras ding iyon para daw sa aking spontaneous stag party.Wala akong ibang in-expect dahil spontaneous nga. Sa simula, as it was a stag party, nagbar hopping kami sa kahabaan ng P Burgos sa Makati.It was all PG with a little naughty jokes at first. Ka

    Last Updated : 2024-06-01
  • Beautiful Mess   Kabanata 2.2

    LuntianLinggo noon at pinanood ko si Tanya sa tabi ng altar kasama ng mga choir. Pareho kaming lumaki sa simbahan pero masasabi ko na sa pagitan naming dalawa, mas malapit sa Diyos si Tanya. She's singing for Him and worshipping all her life.Regular sa simbahan ang parehong pamilya namin. Pinalaki rin ako ng relihiyosong magulang. Kaya rin siguro nanatiling pure kaming pareho ni Tanya. Well, at least I thought so.Sa buong misa ay focus kaming pareho ni Tanya sa mga salita ng Diyos. Sa parteng nagsasabi na ng “peace be with you” lang kami nagkatinginan. Bukod roon, wala na.Nang matapos ang misa, saka ko pa pamg siya nalapitan. Inuna ko muna ang parents niya, nagmano sa daddy niya at bumeso sa mommy niya. Ganoon din siya sa magulang ko. Pagkatapos noon ay nagkuwentuhan na ang mga babae at kami naman na mga lalaki tungkol sa business. Ilang minuto rin bago kami nakawala sa kani-kaniyang magulang para naman batiin ang isa’t-isa. And as usual, isang halik sa kaniyang sentido ang pagba

    Last Updated : 2024-06-01
  • Beautiful Mess   Kabanata 2.3

    Luntian“Come here, angel,” a low voice called.Suot ang isang panglalaking puting dress shirt, lumingon si Tanya sa gawi ng kung sino man ang nagv-video. Kahit na sabog ang buhok sa isang magulong bun, alam na alam kong si Tanya iyon malayo pa lang.Lumikot ang camera at mas bumaba ang angulo, naupo yata sa kung saan ang may hawak ng camera. Isang ugatang braso ang lumitaw sa frame at iginiya ang nakasalampak sa malayong sahig na si Tanya gamit ang dalawang daliri.Dahan dahan na gumapang si Tanya sa sahig palapit. At habang palapit, noon ko lang napansin na nakataas ang kaliwang sleeve ng suot niya, may nakataling kung ano sa braso niya, sa bandang itaas ng kaniyang siko.Nang nakalapit, parang maamong tuta siya na tumingala sa angulo ng camera. Doon ay nakumpirma ko, si Tanya talaga iyon. But she's not the Tanya I used to know.May kakaibang kislap sa mga mata niya habang nakatingin sa taong kaharap niya. Her eyes were glassy and like in haze, like she's drunk and the rims were red

    Last Updated : 2024-06-01
  • Beautiful Mess   Kabanata 2.4

    LuntianParang binuhusan ako ng malamig na tubig at natigilan sa paghalik.That is not something Tanya I know would say! At ang bibig niya…Bumalik lahat sa alaala ko ang pagsubo niya doon sa…“What's wrong?” Tanong ng naguguluhang si Tanya sa kandungan ko. Sinubukan niyang hulihin muli ang mga labi ko pero bumaling ako at umiwas.“We shouldn't do this…”“What?!” Sa wakas ay natigilan si Tanya.“Look, Tanya, you cheated on me—”“It's your fault! Ni hindi mo nga mabigay ang gusto ko!” Umalis siya sa kandungan ko na nagpupuyos.Ako naman ay napatanga at hindi makapinawala. “What? Kasalanan ko pa kung bakit ka nagcheat?”“Oo!” She answered stubbornly.Hindi naman maarok ng utak ko kung paano ko naging kasalanan ang pagtataksil niya. Nirespeto ko ang pagkababae niya at minahal siya ng hindi hinahanap ang mga bagay na iyon. Sa kabila noon, kasalanan ko pa rin?Napahawak na lang ako sa sentido nang kumirot dahil sa jet lag pa rin at sa matinding pag-iisip.“Ano ng gusto mong gawin ngayon? D

    Last Updated : 2024-06-01
  • Beautiful Mess   Kabanata 3

    Reyna “Si Reyna sa loob ng cake!” Ang demonyitang si Angel. “Bakit ako?!” pag-angal ko. “E, ‘di ikaw magsabi kay Allison na siya na lang,” mataray na aniya. Naumid ko naman ang dila ko. Napabuntonghininga si Mamang Paula na stressed na naman sa aming dalawa ni Angel, kaming dalawa lang dahil wala si Farah at Ate Alisson. Paano ba naman kasi, may isa na namang VIP na nag-isip gamit ang ulo sa baba! Gusto ba naman kami ilagay sa cake! At dahil VIP nga, gusto ura-urada. Kaninang umaga lang sinabi tapos ngayong gabi na pala kailangan! Grabe talaga ang mga mayayaman mag-isip, naiiling na isip ko. Palibhasa mapepera kaya gusto nasusunod ang mga gusto. Napabuntonghininga na lang rin ako at sumuko. Ano namang laban ko sa demonyitang si Angel. Wala rin naman akong kapangyarihan na gumawa ng himala at mapapayag si Ate Allison na siya na lang sa loob ng cake kahit pa sa aming lahat, mas malapit ako sa kaniya kaysa sa mga nauna na niyang nakasama. Ewan ko. Baka lukso ng dugo ng m

    Last Updated : 2024-06-04

Latest chapter

  • Beautiful Mess   Kabanata 25

    Reyna“I think I like you…” boses ni Lulu.Ginising ako ng boses na yon sa isip ko. Sa isip ko lang dahil tulog na tulog pa naman si Lulu sa tabi ko.Bakit ko ba napanaginipan ‘yon? Paano naman ‘yon mangyayari? Wala namang kagusti-gusto sa’kin. At higit sa lahat, hindi kami puwede. Masyado kaming magkaiba.Tingin ko, masyado kong binibigyan ng meaning ang mga ginagawa ni Lulu na kasama naman talaga sa kasunduan namin. Masyado na akong nagiging assumera. Mabait at gentleman lang talaga ‘yong tao.Idagdag pa na nahuli niya akong pinagpapantasyahan siya umagang-umaga. Muntik ko nang ipalupot ang shower sa leeg ko!Sinulit ko ang oras sa banyo para isipin kung paanong hindi kami makupot sa iisang espasyo ng aming suite. Saktong kumatok siya para sa breakfast. Kaya naman naisip kong ayain siyang lumabas.Malay ko, baka naman makakita ako ng nga guwapong Hapon na yummy! Baka sakaling mawaglit ang dimples ng isang ito sa isip ko.Pero disaster! Wala pang poging Hapon!Sinubukan kong iwasan p

  • Beautiful Mess   Kabanata 24

    LuntianI woke up to Reyna's intense gaze. Sa tindi nga ng pagtitig niya ay hindi niya na namalayang gising na ako. At halos mapaahon siya sa gulat nang batiin ko ng ‘good morning'. I would be flattered with the staring if she doesn't look anxious or something the way she looks at me.Ako naman tuloy ang nag-obserba.Umahon siya sa kama. Hindi ko alam kung para ba iwasan ang tingin ko o para talaga itali ang mahabang buhok.“Kanina ka pa gising?” Nahimigan ko ang pang-aakusa sa tono niya.I don't know if it has something to do with how I caught her staring or she just really doesn't feel like it today. But… she doesn't look like she woke up on the right side of the bed. Ni walang good mo-good morning.“Nope, I just woke up,” garagal pa ang boses ko at napakusot ng mata. Sabay ahon ko paupo sa kama para sana obserbahan pa siya.“Kanina ka pa gising?” Gusto ko sana siyang tudyuin pero mas bumuhos ang pag-aalala ko sa kinikilos niya.Umiling siya bago nagkibit-balikat. Pinulot ang bra sa

  • Beautiful Mess   Kabanata 23

    ReynaNakakakilig talaga ‘yong mga bl! Dati naman wala akong pakielam sa mga bading bading. Pero ngayon na may nasaksihan na sa totoong buhay, nakakakilig pala. A love that goes beyond gender. A strong and sincere and beautiful love. Sana totoo ang forever.Natapos ang huling araw ng conference ni Lulu sa aming chismisan tungkol sa tagong relasyon noong half Japanese at anak ng businessman. Talagang iniwan niya ang mga importanteng taong kausap para pakinggan ang mga chismis at kilig ko sa dalawang iyon.Akala ko nga tapos na ang kilig nang makabalik na sa aming suite, pero sumabog naman ang masarap at nakakakiliti na pakiramdam sa kalooban ko nang pihitin ako ni Lulu at sinunggaban ng marahang halik pagkapasok na pagkapasok sa aming suite.Lumagabog ang kung anu-anong mga bagay na natamaan ko habang unti-unting umaatras sa marahang tulak ni Lulu papasok pa lalo sa loob.“Hmmm,” ungot ko sa labi niya nang tumama ang balakang ko sa kung saan.Sinapo niya ang parteng tumama ng palad niy

  • Beautiful Mess   Kabanata 22

    Chapter 22LuntianHindi ko pinapansin si Reyna. I'm sulking. It's hell a petty but I can't help!“Is there a way for me to view their CCTV?” I feel so ridiculous asking the question. Kaya imbis na sa reception o sa security ko tanungin, sa maasahan na kay Gilbert ako nagtanong.“CCTV?”“Yeah, sa bandang pool hanggang sa mga elevators paakyat sa aming suite.” At talagang naging specific ako sa gusto ko.May mga kaluskos akong narinig sa gawi ni Gilbert.“Did you do something indecent in there?” Nahihimigan ko ang mapanuyang halakhak niyang pinipigil.“Hell no!” mariing tanggi ko.I won't undress Reyna for everyone to see! Oo at sa club siya nagtatrabaho, sumasayaw siya nang kapiraso ang suot at kung minsan halos wala na talaga. Sometimes the thought of it leaves a bitter taste against my tongue. Pero confident si Reyna sa ginagawa niya. And who am I to judge or to stop her from doing what she's confident about.Ang importante lang naman sa’kin ay ang honesty niya. Ang pagiging totoo n

  • Beautiful Mess   Kabanata 21

    ReynaSexy ako sa paningin ni Luntian.Bukod sa sexy naman kasi talaga ako, wala pa kailanman na nilabasan dahil lang nilabasan ako! Si Luntian lang. Ganoon ako ka-sexy sa paningin niya.Halos hindi ako pinatulog ng isiping iyon. Kahit medyo napagod sa aming strenuous activity, hindi makatulog ang masayang diwa ko.Bakit nga ba ang saya-saya ko?Hindi ko ito masagot at sa totoo lang, ayaw kong isipin. Nakakatakot ang parteng iyon ng relasyon namin. Isa iyong trap, mamali lang ako ng tapak, puwede akong mahulog. At sa baba, walang kasiguraduhan na may naghihintay na malambot na cushion o kahit trampoline na sasalo, mababalian ako na buto or worse mabagok ang ulo ko, mabaliw at mamatay.Hindi dapat kailanman magtungo roon ang isip ko.Unless masuklian ang feelings o mayroon akong 100 million. Baka sakaling magkaroon nga ako ng karapatan. E, kaso wala. Hindi dapat ako magtungo roon.Lumubog muli ang gilid ng kama nang umupo si Luntian sa tabi ko.“You sure you don't want to go with me?”

  • Beautiful Mess   Kabanata 20

    Luntian“Oyasumi nasai!” Nagbow ang hotel staff na naghatid sa amin sa suite.“Oyasumi nasai,” I greet back and bow as well. Gumaya rin si Reyna kahit hindi nagsalita.Nang makalayo ang staff ay bumulong si Reyna sa’kin. “Ano ibig-sabihin no’n?”“Goodnight,” simpleng sagot ko.“Ah…” Napatango siya.Binuksan ko ang suite gamit ang keycard at iginiya si Reyna sa loob. Reyna excitedly roams inside and checks everything.Ibinaba ko ang parehong gamit namin sa gilid ng kama at nagsimula akong i-unpack ang sariling gamit.Reyna keeps on shouting with excitement, from every corner, whenever she sees something interesting. Tinatawanan ko lang habang nililigpit ang gamit namin.Pero ang mga ngiti at halakhak ko ay nalunok ko nang sa isang iglap ay nasa harap ko na siya, inagaw ang damit na tinitiklop ko at sininop sa gilid. Litong sinundan ng mga mata ko ang galaw niya.Marahas na ibinuka niya pa ang naka-man’s spread nang mga binti. Nanlaki ang mga mata at napasinghap ako nang lumuhod siya sa

  • Beautiful Mess   Kabanata 19

    ReynaMadami akong plano noong oras rin na sinabi ni Lulu na private plane ang sasakyan namin. “May stewardess ba roon?” kuryusong tanong ko.Kasalukuyan kaming nagpapababa ng kinain. Nakaupo sa couch at nanonood ng TV. Isang documentary iyon tungkol sa animal mating. Kasalukuyan na itong nasa kung paano nagme-mate ang mga orangutan.“We have one. But we can add more or have none if you're uncomfortable,” ngiti niya at sandali akong tinignan bago ibalik muli sa screen ang TV.Invested siya sa mating ng mga animals. Napaisip tuloy ako kung gagawin niya rin ba sa’kin ang mga iyon.At para mangyari iyon, hiniling kong walang stewardess sa eroplano namin. Sa amin lang ang buong eroplano bukod sa piloto at co-pilot nitong kasama. Puwede namin gawin ang mga bagay sa malaking espasyo. Iyon ang pinaghandaan ko bago ang takdang lipad pa-Japan.Pero habang wala ang pasaporte at abala pa si Lulu sa kaniyang maiiwang trabaho, sinubukan ko ulit na puntahan si Mama. At hindi iyon naging madali.Sa

  • Beautiful Mess   Kabanata 18

    LuntianHindi ko inaasahan ang inabutan ko pagdating sa bahay.Balak ko talaga na sunduin ulit si Reyna sa club. Maliligo lang sana nang mabilis dahil kumapit sa’kin ang amoy ni Tanya.May pagmamadali sa kilos ko dahil ayaw ko na mauna na siya mag-commute pauwi. I shoot her a text to make sure but I don't want to make her wait either, kaya naman mabilis talaga ang kilos ko. Ni hindi ko nga napansin na kumpleto ang tatlong footwear ni Reyna sa shoe rack; isang flip-flops, white sneakers at itim na heels.Her slides is still in the floor though. Iyon ang tanging napansin ko. Hindi ko naman akalain na iniwan niya iyon doon talaga at nag-paa lang.Hinubad ko agad ang coat ko at isinunod ang necktie paakyat pa lang sa hagdan. Pagpasok ko sa kuwarto ay namataan ko ang bukas na pinto ng bathroom, pero mas natawag ng brown envelope sa ibabaw ng kama ang atensiyon ko.I put down my discarded clothes on the bed and pick up the envelope. Medyo nabigla ako nang makita na mga dokumento ni Reyna an

  • Beautiful Mess   Kabanata 17

    ReynaIsang malaking drama na naman para sa mga kapit-bahay nang makita nila ako papasok sa eskinita, pauwi sa bahay.Hindi pa man ay pagod na ako. Siguradong makakarating kay Tiyo Kadyo ang pag-uwi ko. Kaya naman kailangan kong bilisan.“Nakalimutan niyong itapon ang mga papeles ko,” bungad ko kay Mama, walang tingin-tingin, nang salubungin ako sa sala.Wala akong oras para sa panibagong drama. Hindi ako puwede abutan ni Tiyo Kadyo.Nilampasan ko siya at ‘di na hinintay na mapagsalitaan o kaya naman ay biglang sapukin na lang. Dumiretsyo ako sa kuwarto at inangat ang higaan ko. Naroon pa ang brown envelope kung saan nakalagay ang mga papeles ko.Narinig ko ang yabag niya pasunod sa kuwarto. Pero hindi siya lumapit at nanatili lang sa pintuan.“Ang cellphone ko, kasama ba sa naitapon niyo?” tanong ko habang sinisilip ang mga dokumento, kung kumpleto ba at hindi inanay o kaya mineryenda ng mabait.Nakahinga ako nang mamataan na maayos naman ang lahat ng nasa loob noon.“Malay ko naman

DMCA.com Protection Status