Reyna
“Magkano?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Mama.“200 po. 100 pesos para sa PTA at 90 pesos po para sa school newspaper,” sagot ko bago tikman ang niluluto. Sardinas na may malunggay na kinuha ko lang sa likod-bahay. Mura at madaling lutuin. Masarap din naman kung gutom ka talaga.“Anong nushpaper?!” iritado na aniya.Nushpaper? Bigla tuloy sumakit ang sentido ko.“Dyaryo po,” buntonghininga ko.“Dyaryo?! Tapos 90 pesos? Anong klase dyaryo ‘yan?! Bente lang ‘yan diyan kay Marites na chismosa! Doon ka na lang bumili!” Ngayon ay galit na galit na aniya.Hindi na ako nangahas na silipin siya sa maliit naming sala at ipaliwanag ang pinagkaiba ng school newspaper at ang nushpaper daw ni Aling Marites. Wala siya sa mood dahil wala siyang mahithit, walang sigarilyo. Dinekwat ni Tiyo Kadyo, kinakasama niya, ang kita niya kagabi sa club no’ng tulog siya, na malamang ay pinatalo na sa sabungan.Sila naman ang magsasabong mamaya panigurado.“Akala mo siguro nagtatae ako ng pera! Saka anong dalawang daan? 190 lang naman pala! Dudugasan mo pa ako!”Hinayaan ko na lang siya na pagbuntunan ako kaysa mag-ingay kami pareho. Useless din nama dahil sarado ang isip niya sa iba. Tinapos ko na lang ang niluluto at inihain sa lamesa. May mga assignments pa akong kailangan pagtuunan.Sakto namang tapos na ako maghain nang dumating si Tiyo Kadyo. Niratrat agad siya ni Mama ng bunganga.“Huwag ka na magalit, darleng, paldo naman ako ngayon,” dinig kong masuyong ani Tiyo Kadyo, na mukhang nanalo ata. At nasundan ng mga weird na tunog na pamilyar na pamilyar naman ako kasi araw-araw na lang, parang ‘di napapagod. Ang liit pa naman ng bahay at hindi soundproof. Dinig na dinig ang malalaswang tunog hanggang kabilang ibayo.“Kakain na ho!” sabad ko agad bago pa matuloy ang milagro at mawalan ako ng gana.Nakaakbay si Tiyo Kadyo sa kay Mama habang nagbibilang ito ng pera nang pumasok sa maliit naming kusina.Maliit lang ang bahay namin. Isang kuwarto na may dalawang papag; isa sa mag-asawa at isa sa’kin, may privacy curtain lang ako sa sarili kong papag para sa pagbibihis. May isang banyo at sala na may dibisyon na plywood para sa kusina.Magara na ito para sa squatter dahil may sariling banyo. Kung ‘di kasi panlilimos, pagpo-p****k ang trabaho ng mga nandito. At sa maruming katotohanan, mas may kita talaga ang mga nagpo-p****k kaysa sa mga namamalimos. Matumal na daw ngayon dahil sinasaway sila ng mga pulis o enforcer. Saka matalino na rin ang mga tao ngayon. Hindi madamot, matalino at hindi nangungunsinti.Ramdam ko agad ang pagdapo ng tingin ni Tiyo Kadyo sa’kin. Pareho sila ni Mama na may nakakabulok ngipin na ngiti nang punatahan ang hapag. Si Mama dahil sa pera at si Tiyo Kadyo para sa’kin. Kinilabutan ang buing katawan ko. Kadiri. Eww.Sinimulan ko na agad kumain para makaalis na sa harap nila. Babalikan ko na lang ang hugasin kapag tulog na sila. Mas komportable ako gumalaw kapag tulog sila o kaya ako lang mag-isa. Hindi kasi ako komportable lalo na kay Tiyo Kadyo.And speaking of him… “Ano nga yung narinig kong kailangan mo sa school?”Hindi naman ako manghihingi. Kung magbibigay, tatanggapin ko. Pero nauna na agad si Mama.“Dyaryong pagkamahal-mahal! Nobenta ang isa! E, bente lang riyan kay Marites, doon na lang siya bumili!”Masama daw bumuntonghininga sa harap ng pagkain kaya pinigilan ko na lang. Wala na ring sinabi si Tiyo Kadyo kaya tumahimik ang bunganga ni Mama. Peace.Nauna ako natapos kumain kaya nagpaalam na ako. Hinakot ko ang gamit mula sa papag ko at dinala sa sala, sa kahoy na bangko, para sa assignment. Mas maliwanag kasi ang ilaw dito.Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang matapos ang dalawa at lumitaw sa sala.“Hugasan mo ang pinggan, baka gapangan ng ipis at daga!” Utos ni Mama sabay pasok nila ni Tiyo Kadyo sa kuwarto.Nagpatuloy ako sa pagsulat at nagdesisyon na kapag tapos na lang ng assignment huhugasan ang mga hugasin.Kaso mukhang hindi pa matatapos ang assignment dahil sa malupit na distraction.“Ah! Kadyo, sige diyan nga!” Tumindig ang mga balahibo ko sa ungol ba nanggaling sa loob ng kuwarto.Hindi ito ang first time pero hindi ako masanay. Sa ganitong mga pagkakataon ako naiingit doon sa maasim at brat na anak ni Aleng Marites na mayroong headphones! Kahit malibag at medyo maasim na, mas matitiis ko siguro iyon kaysa rito.Gayunpaman, natapos ang unang assignment ko kasabay ng pagsigaw nilang dalawa sa loob.“Andiyan na!” si Tiyo Kadyo.“Sa loob mo iputok!” si Mama.Sinimulan ko ang sunod na assignment, ang totoong digmaan, Mathematics. Hindi naman ito mahirap kung pag-aaralan. Amg problema, hindi ko kasi inintindi no’ng timuturo. Ang daldal kasi no’ng katabi ko.Bilang nagmamagaling naman ako, inintindi ko na siya on the spot. Hindi ko sigurado kung tama pero ang importante may assignment.Patapos na ako nang lumangitngit ang pinto ng kuwarto. Hindi ko pinagtuunan kung sino man iyon dahil malamang sa banyo lang naman ang tuloy. Pero nagulat ako nang umupo ang hubad na si Tiyo Kadyo sa bangko kung saan nakapatong ang mga gamit ko, tanging brief lang ang suot.“Ang sipag mo naman mag-aral, Reyna,” bati niya sabay ngisi sa’kin.“Ipagpatuloy mo lang ‘yan,” aniya pa nang hindi ako umimik. Ano naman kasi ang sasabihin ko?Hindi ko na tinuloy ang panghuling problem sa kagustuhang makaalis na sa sitwasyon. Sinimulan kong tipunin na ulit ang mga gamit nang inabot ni Tiyo kadyo ang bilot ng mga tig-iisang daan.“Gamitin mo sa school. Huwag mo na lang sabihin sa nanay mo.”Nagdalawang isip ako. Ayaw ko magkaroom ng utang na loob kay Tiyo Kadyo. Ayaw ko na may gamitin siya laban sa’kin balang araw.Pero sa huli, natukso pa rin ako.Ilang segundong nanatili ang hawak ni Tiyo Kadyo sa kamay ko nang tanggapin ko ang pera. Binawi ko agad ang kamay ko, kinilabutan sa interaksiyon.“Salamat ho,” tanging sambit ko bago siya iwan roon para ilagak sa kuwarto ang mga gamit.Hinintay ko pa muna na bumalik siya sa kuwarto at tabihan si Mama bago bumalik sa kusina para tapusin ang hugasin.Kinabukasan ay ginising ako ng sampal ni Mama.“Hindi kita pinaling magnanakaw!” sigaw niya sa’kin.Wala na ang privacy curtain ko. Ang mga gamit ko ay sabog na sa higaan at sa sahig. At hawak niya na ang bilot ng pera na inabot ni Tiyo Kadyo kagabi.“Mandurugas ka!”Umilag ako nang akmang sasampalin niya ulit. Pero nahuli niya ang panga ko.“Wala kang utang na loob! Pinanganak na nga kita, pinakain at binihisan tapos ngayon ay dudugasan mo ako!”Humawak ako sa braso niya nang humihpit pa lalo ang hawak niya sa panga ko.Hindi ko mapagtanggol ang sarili dahil alam kong useless lang ang pagpapaliwanag.Pabalya niya akong binitawan. Napahawak agad ako sa panga ko sabay siksik sa gilid.“Kung gusto mo ng pera, pagtrabahuhan mo! Sinabi ko na sa’yo na walang kuwenta ang skewalahan. Doon sa club, may trabaho, madali ang pera.”Tumatak sa’kin ang sinabing ‘yon ni Mama. Ayaw ko ‘yong paniwalaan. Gusto kong patunayan ang kapangyarihan ng edukasyon.Nang grumaduate ako nang walang tulong ni Mama, daig ko pa ang bida sa pelikula o tagapangalaga ng brilyante ng hangin dahil feeling ko may napatunayan na ako, pero wala pa pala. I couldn't afford to go to college so I tried hunting for decent jobs with my credentials.Pero wala. Ang nahanap ko sa kalye ng Maynila dala ang diploma ko, ay ang natapakan ko lang na ebak ng aso sa daan. Kailangan ko ng college diploma, ng degree. Kaya naman sa mga scholarship ako kumapit.Sa dami ng pagod na naipon ko, akala ko wala ng pag-asa. At hindi nga ako nagkamali. Wala talagang pag-asa. Wala sa mga tulad kong mahirap na nga, pinipilit pang ilubog ng sariling magulang.“Sabi ko na, sa pagpo-p****k ka lang rin mauuwi!” Si Mama, siyempre.That hit hard. Pero stubborn pa rin ako. Hindi ako papayag na magiging p****k ako kagaya niya. Hindi ako magpapagalaw at magpapalaway sa lung kani-kanino para sa pera.Kung makikipag-sex ako, gusto ko iyon at hindi dahil sa pera.“Experience?” Tumayog pa ang matayog na kilay ni Mamang Paula, lider ng mga p****k dito sa’min.Wow! Kailangan pa pala ng experience sa ganitong trabaho…“Dancer ako sa school.”Tumikwas ang kilay niya. “Kaya mo maghubad?”Napalunok ako ng wala sa oras at hindi nakasagot agad. Tumunog ang mga hikaw at kwintas na suot ni Mamang Paula nang umiling siya.“Hindi mo kaya, Reyna,” deklara niya.Lumunok ako at nilakasan ang loob. “Kaya kong sumayaw at m-maghubad. P-Pero hindi sa kama…” papaliit na boses ko.“Talaga? Kaya mong maging stripper?”Tumango ako, determinado.Kung gusto kong lumayo kay Mama, kailangan ko ng pera. Kung guso ko mag-aral, kailangan ko pa rin ng pera. ‘Yon nga lang, mabubusog ako kakalunon ng pride at dignidad ko.“Maghubad ka.”Nalagalag ang panga ko sa utos ni Mamang Paula. Lumibot ang tingin ko sa club. Maaga pa, wala pang tanghalian. Bukas ang club. Walang customers pero may mga staff na naglilinis.“Ano? Hubad na,” ulit niya pa.Napakapit ako nang mahigpit sa damit ko. Nag-isip pa ulit ako. Wala na ba talagang ibang paraan?Pakiramdam ko ay milya milya ang nilakbay ng utak at katawan ko dahil sa pintig ng pulso at mga ugat ko.“Hindi mo kaya,” nainip na ani Mamang Paula na tumayo na mula sa sofa.Tinignan ko ulit ang mga naglilinis nang tahimik ilang distansiya malayo sa’min. Kung sa harap pa lang nila hindi ko na kayang maghubad, paano pa kaya kung sa stage na at maraming nakatingin.Tumatahip ang dibdib na hinubad ko lahat ng suot ko, pati bra at panty at saka hinabol si Mamang Paula at hubad na hinarangan ang daan niya.“Kaya ko,” hingal na ani ko.Reyna“Kaya ko,” hingal na ani ko.Laglag ang panga ni Mamang Paula nang makita ang kabuuan ko. Pakiramdam ko rin tumigil ang paligid para pagmasdan ang pagiging hubad ko.Oo, parang sasabog ang ulo ko sa sobrang hiya ngunit sa kabila no’n, may bahid ng confidence akong nararamdaman. Tumigil ang lahat para tignan ang katawan ko. Pak! Parang model lang o ‘di kaya beauty queen!Maganda naman kasi ako. Kumpara sa mga taga-sa’min, maganda na talaga ‘ko. Maganda rin kasi si Mama, ugali lang ang hindi maganda sa kaniya na buti hindi ko namana.Mahaba, tuwid at bagsak ang itim kong buhok. Medyo maputi rin ako at makinis kahit laking squatter. Dahil siguro sa tatay kong hindi ko kilala. Hindi rin kasi alam ni Mama kung sino bumuntis sa kaniya, e.In-inspeksiyon ni Mamang Paula ang kabuuan ko. Bagama't gulat, ngumisi siya.“Hindi naman kailangan hubarin lahat. Pwede naman iwan ang panty at bra…”Ha?Tumingin ako sa paligid. Parang huminto ang paligid, lahat laglag ang panga at nakatingin sa’ki
ReynaEww! Kadiri!First time kong maranasan magshower at sa kasamaang palad, sa laway pa ni Tiyo Kadyo. Si Tiyo Kadyo na naninilaw ang ngipin at mabaho ang hininga dahil sa alak at sigarilyo.Kinuha siya ng mga bouncer, kinaladkad habang nagsisisigaw habang pinapahid ko ang laway sa mukha ko. Nailigtas ako sa pagkakataong iyon pero ngayong pauwi na, hindi ko alam.Dala ko ang dalawang libong kinita ngayong araw. Nasira kasi ang performance kaya walang tip. Kainis. Nakapagpalit na ako ng suot pero hindi pa binura ang makeup. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga nadaanang tambay sa eskinita patungo sa bahay. Ganda ko kasi. Kahit yung mga tambay doon na nangingikil kay Estong lampa napatingin sa’kin kaya nakaligtas siya.Hay, salamat sa ganda ko.Nadatnan kong maingay ang bahay dahil sa bunganga ni Mama pag-uwi, hindi dahil sa mga ungol, kundi dahil nag-aaway ang mag-asawa.“Dinugasan mo na naman ba ako, Kadyo?!” Malayo pa lang ay dinig ko na si Mama. “Palagi na lang, Kadyo!”Hindi ko nadin
Luntian“Wow! Isang karangalan na mabasbasan ng laway mo, Sir!” Hindi ko masabi kung sarkastiko o seryoso siya, halos wala kasing pinagkaiba ang dalawang iyon sa personalidad na babaeng ito.She's ridiculous and pretty and damn sexy, even in the funniest way.Paano nga bang nagkrus ang landas namin? Looking back, halos isumpa ko ang mga kaibigan ko nang dalhin nila ako sa club na iyon para sa aking stag party. Tingin ko kasi noon, doon nag-ugat kung bakit nagulo ang mga bagay. Pero ngayon, I feel like thanking them.Nagsimula ang araw na iyon nang sabihin kong ikakasal na ako. Sa aming limang magkakaibigan, ako ang mauuna. Parang mga siraulo silang nagwala sa mismong opisina ko. At wala na akong nagawa nang hatakin nila ako palabas nang oras ding iyon para daw sa aking spontaneous stag party.Wala akong ibang in-expect dahil spontaneous nga. Sa simula, as it was a stag party, nagbar hopping kami sa kahabaan ng P Burgos sa Makati.It was all PG with a little naughty jokes at first. Ka
LuntianLinggo noon at pinanood ko si Tanya sa tabi ng altar kasama ng mga choir. Pareho kaming lumaki sa simbahan pero masasabi ko na sa pagitan naming dalawa, mas malapit sa Diyos si Tanya. She's singing for Him and worshipping all her life.Regular sa simbahan ang parehong pamilya namin. Pinalaki rin ako ng relihiyosong magulang. Kaya rin siguro nanatiling pure kaming pareho ni Tanya. Well, at least I thought so.Sa buong misa ay focus kaming pareho ni Tanya sa mga salita ng Diyos. Sa parteng nagsasabi na ng “peace be with you” lang kami nagkatinginan. Bukod roon, wala na.Nang matapos ang misa, saka ko pa pamg siya nalapitan. Inuna ko muna ang parents niya, nagmano sa daddy niya at bumeso sa mommy niya. Ganoon din siya sa magulang ko. Pagkatapos noon ay nagkuwentuhan na ang mga babae at kami naman na mga lalaki tungkol sa business. Ilang minuto rin bago kami nakawala sa kani-kaniyang magulang para naman batiin ang isa’t-isa. And as usual, isang halik sa kaniyang sentido ang pagba
Luntian“Come here, angel,” a low voice called.Suot ang isang panglalaking puting dress shirt, lumingon si Tanya sa gawi ng kung sino man ang nagv-video. Kahit na sabog ang buhok sa isang magulong bun, alam na alam kong si Tanya iyon malayo pa lang.Lumikot ang camera at mas bumaba ang angulo, naupo yata sa kung saan ang may hawak ng camera. Isang ugatang braso ang lumitaw sa frame at iginiya ang nakasalampak sa malayong sahig na si Tanya gamit ang dalawang daliri.Dahan dahan na gumapang si Tanya sa sahig palapit. At habang palapit, noon ko lang napansin na nakataas ang kaliwang sleeve ng suot niya, may nakataling kung ano sa braso niya, sa bandang itaas ng kaniyang siko.Nang nakalapit, parang maamong tuta siya na tumingala sa angulo ng camera. Doon ay nakumpirma ko, si Tanya talaga iyon. But she's not the Tanya I used to know.May kakaibang kislap sa mga mata niya habang nakatingin sa taong kaharap niya. Her eyes were glassy and like in haze, like she's drunk and the rims were red
LuntianParang binuhusan ako ng malamig na tubig at natigilan sa paghalik.That is not something Tanya I know would say! At ang bibig niya…Bumalik lahat sa alaala ko ang pagsubo niya doon sa…“What's wrong?” Tanong ng naguguluhang si Tanya sa kandungan ko. Sinubukan niyang hulihin muli ang mga labi ko pero bumaling ako at umiwas.“We shouldn't do this…”“What?!” Sa wakas ay natigilan si Tanya.“Look, Tanya, you cheated on me—”“It's your fault! Ni hindi mo nga mabigay ang gusto ko!” Umalis siya sa kandungan ko na nagpupuyos.Ako naman ay napatanga at hindi makapinawala. “What? Kasalanan ko pa kung bakit ka nagcheat?”“Oo!” She answered stubbornly.Hindi naman maarok ng utak ko kung paano ko naging kasalanan ang pagtataksil niya. Nirespeto ko ang pagkababae niya at minahal siya ng hindi hinahanap ang mga bagay na iyon. Sa kabila noon, kasalanan ko pa rin?Napahawak na lang ako sa sentido nang kumirot dahil sa jet lag pa rin at sa matinding pag-iisip.“Ano ng gusto mong gawin ngayon? D
Reyna “Si Reyna sa loob ng cake!” Ang demonyitang si Angel. “Bakit ako?!” pag-angal ko. “E, ‘di ikaw magsabi kay Allison na siya na lang,” mataray na aniya. Naumid ko naman ang dila ko. Napabuntonghininga si Mamang Paula na stressed na naman sa aming dalawa ni Angel, kaming dalawa lang dahil wala si Farah at Ate Alisson. Paano ba naman kasi, may isa na namang VIP na nag-isip gamit ang ulo sa baba! Gusto ba naman kami ilagay sa cake! At dahil VIP nga, gusto ura-urada. Kaninang umaga lang sinabi tapos ngayong gabi na pala kailangan! Grabe talaga ang mga mayayaman mag-isip, naiiling na isip ko. Palibhasa mapepera kaya gusto nasusunod ang mga gusto. Napabuntonghininga na lang rin ako at sumuko. Ano namang laban ko sa demonyitang si Angel. Wala rin naman akong kapangyarihan na gumawa ng himala at mapapayag si Ate Allison na siya na lang sa loob ng cake kahit pa sa aming lahat, mas malapit ako sa kaniya kaysa sa mga nauna na niyang nakasama. Ewan ko. Baka lukso ng dugo ng m
LuntianSa bihirang mga pagkakataon, isa ang araw na iyon na gumising ako hindi dahil sa regular na alarm.Parang binabarena ang ulo ko. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko. The awful hints of alcohol on my mouth makes me want to puke. At iyon nga ang nangyari.Kumaripas ako sa banyo ng kuwarto ko. Kuwarto ko?Pagkatapos kong isuka ang mga nainom ko kagabi ay nagmumog ako sa lababo ng banyo ko. Tinignan ko ang sarili sa salamin, I look equally awful as I feel. Nagsusumigaw ang eyebag ko. Maputla at dry ang lips ko.Napabuntonghininga ako. Ni hindi ko maalala kung paano ako nakauwi at kung paanong iba na ang suot kong pants at nakit wala akong pang-itaas.“You're pretty.”Natigilan ako nang marinig ang lasing na sariling boses sa isip. Napakurap ako at nakita sa isip ang pamilyar at magandang mukha ng babae. That sinful beauty!“Reyna at your service.”“Reyna,” I mumbled dumbly.Nagsimulang bumalik ang mga alaala kagabi. Nakita niya ako sa counter at tinawagan si Maki. She asked for my name p