LuntianSa bihirang mga pagkakataon, isa ang araw na iyon na gumising ako hindi dahil sa regular na alarm.Parang binabarena ang ulo ko. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko. The awful hints of alcohol on my mouth makes me want to puke. At iyon nga ang nangyari.Kumaripas ako sa banyo ng kuwarto ko. Kuwarto ko?Pagkatapos kong isuka ang mga nainom ko kagabi ay nagmumog ako sa lababo ng banyo ko. Tinignan ko ang sarili sa salamin, I look equally awful as I feel. Nagsusumigaw ang eyebag ko. Maputla at dry ang lips ko.Napabuntonghininga ako. Ni hindi ko maalala kung paano ako nakauwi at kung paanong iba na ang suot kong pants at nakit wala akong pang-itaas.“You're pretty.”Natigilan ako nang marinig ang lasing na sariling boses sa isip. Napakurap ako at nakita sa isip ang pamilyar at magandang mukha ng babae. That sinful beauty!“Reyna at your service.”“Reyna,” I mumbled dumbly.Nagsimulang bumalik ang mga alaala kagabi. Nakita niya ako sa counter at tinawagan si Maki. She asked for my name p
ReynaLu…Lucas?Louis?Luther?“Lu… Lu…” Ano pa ba ang mga pangalan na nagsisimula sa Lu? Ano ba kasing pangalan niya? Nang mapakulam ko na!Sa kaniya lang ‘di tumalab ang charm ko. Partida, lasing pa siya no’n! Grabe naman ang pagiging faithful niya. Dapat na siyang itumba! Masyado nang nakakalamang ang mapapangasawa niya!Bumalik na naman sa akin ang nangyari doon sa cubicle. Nakatingin kasi siya sa labi ko kaya akala ko gusto niya. Pero tinakpan niya ang labi niya kaya tumama ang labi ko sa kamay niya. Na-hopia na, napahiya pa. Awit.“Lulu siya tapos delulu ka!” nang-aasar na halakhak ni Angel. Nahuli niya kasi kami sa cubicle at ang mas nakakahiya sa lahat, kasama niya pa si Maki na napasipol na lang.Parang gusto ko na lang din na ma-flush sa toilet nang maabutan nila kami sa ganoong posisyon. Napahiya na nga ako mismo kay Sir Lulu, nagmukha pa akong desperada sa may nobya na.Pero hindi nakaapak ng ebak si Reyna Navarro sa kahabaan ng Maynila para lang mamatay sa kahihiyan. Kay
Luntian Four men and beers were indeed waiting for me in the new house. Hindi ko man lang nalibot ang kabuuan ng bahay o nailabas ang mga damit ko sa trunk ng kotse bago nahatak sa living room para magkuwento.Kahit ang kuripot na si Jerome na nag-asikaso ng lahat, nakalimutan ang paycheck na dapat sisingilin niya sa akin. Ang kuripot na Jerome ay walang-wala sa chismosong Jerome. I-multiply mo pa sa apat, ang resulta; mga beer, malalaking tsisirya, gitara at kuwentuhan.After everything that happened, between me and Tanya and Tanya using my parents’ fondness of her to her advantage, everything should weigh heavy. Well, it is. Pero nang maabutan ko ang mga kaibigan ko sa sala ng bahay, nakahilata sa couch, kumakain ng tsisirya at nagwre-wresling, may kakampi pa pala ako.I'd been keeping and bottling everything inside me, dahil sa kaunting respetong natitira sa akin para kay Tanya, ayaw ko na magbago ang tingin ng mga kaibigan namin sa kaniya. But then I realized, dahil siguro sa but
ReynaErased na ang life status kong #landiresponsibly. Single na si Lulu!Pero hindi naman ako masaya na naloko siya, masaya lang ako na nakalaya na siya sa ganoong uri ng babae bago pa siya matali. Genuine ‘yon.Kaya naman para i-distract siya sa pain, magpaparty kami. Hinatak ko siya pabalik sa VIP room. Sinalubong agad kami ng nanunuksong tingin ng mga friends niya at ang tatlo na tinaasan ako ng kilay. Kiber na lang ako dahil wala naman akong tinatapakang tao.Tinabihan ko si Lulu sa leather couch, medyo walang space at inabutan ng bukas na beer sa coffee table, tig-isa kami.“Ililipad kita, Sir. Game ka?”“Call me Lu,” sagot niya sa halip.“Lulu?”Ngumiti siya, lumitaw ang dimples sa magkabilang pisngi at tumango. “Yeah, call me Lulu.”“Kung ganoon, ililipad kita, Lulu. Game ka ba?”Tinaas niya ang kaniyang beer na parang naghihintay. Inuntog ko ang sariling beer doon.“Let's fly then, Reyna.”Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para i-distract si Lulu sa pinagdadaanan niya. May
LuntianI like her but it's too soon to tell. Ano na lang ang sasabihin niya? Na ginagamit ko siya sa pagmo-move on? Na ginawa ko siyang rebound? Panakip-butas?No.Kaya hindi ko napigilan ang bibig na magsalita.“Teach me sex.”I like her and I know it's too soon but I'd like to keep her. Sa dami ng lalaki na gusto rin siyang makuha, hindi ako puwede na magpakampante.This way, I'll make her mine and I'll make her fall. We'll know each other and we'll fall for each other. Slowly but damn surely.Nanlaki ang mga mata ni Reyna. “Ha?”I have the urge to say “hatdog”, just like what she use to jokes about. Pero seryoso ang sitwasyong ito.“I want to learn how to do it,” ulit ko.“Sinabi ko na sa’yo, stripper ako hindi pangkama,” walang reaksiyon na aniya.Mata ko naman ang nanlaki.“No! That's not what I meant, I did not meant to offend you,” I defend myself. “It's just that, you are the only one I can trust with this.”“Hindi mo ako kaibigan,” she mumbles.Pinigilan kong sabihin na “I d
ReynaWalang Lulu, hindi siya dumating.Sinilip ko muli ang isang ubo na lang na phone, wala rin siyang text. Kapag hindi siya makakapunta, o kapag may business trip at mawawala ng ilang araw, nagsasabi iyon sa tawag o text.Tsk. Ano ka ba niya Reyna? Ni hindi ngakayo fuck buddies, e! Bakit naman kailangan kang i-update?!Mas maaga tuloy akong nakauwi kaysa noong mga nakaraan. Naabutan ko na naman tuloy na magbabangayan ang mag-asawa. Wala akong balak pansinin sila kung hindi lang inaambahan ng kamao ni Tiyo Kadyo si Mama.“Hindi ka tatahimik?!” banta nito kay Mama.Matapang si Mama, pero pagdating kay Tiyo Kadyo, para siyang plywood na nabasa’t naarawan, marupok. Kita ko ang takot nita sa nakaambang kamao nito.Tinulak ko si Tiyo Kadyo palayo kay Mama. “Talagang sasaktan mo nanay ko sa harap ko?!”Mukhang natauhan naman si Tiyo Kadyo. Ang halos nag-aapoy niyang mata ay humupa at kumalma. Binigyan niya si Mama ng huling tingin sa likod ko bago lumipat sa akin ay tuluyan kami iniwan at
Luntian“Wow! Isang karangalan na mabasbasan ng laway mo, Sir!” Ang basang-basa na si Reyna.Pakiramdam ko ay nabingi ako sa nadinig ko. Mag-sex daw kami. Payag na daw siya.Nasamid tuloy ako at nabuga sa mukha niya ang tubig. Hindi magkandaugaga na bumunot ako ng mga tissues at tinulungan siyang punasan ang mukha niya.“I'm sorry, binigla mo ako,” sabi ko at pinunasan siya ng tissue. Ngumiwi naman siya nang matamaan ang sugat sa pisngi niya.“Ikaw ang nagpro-pose, dapat ready ka kung kailan ako sasagot,” aniya at iniwas ang pisngi.“What made you change your mind?” tanong ko na lang at bumalik sa maayos na pagkakaupo sa driver seat.“Binili mo ‘ko ng burger tapos dinala mo ‘ko dito fountain!”That made no sense to me. Nang tignan ko siya ay nakatingin siya sa fountain. Kumikislap ang mata niya dahil sa iba't-ibang ilaw na nagmumula roon.“Ang ganda,” bulong niya.Maganda nga.Doon ay naintindihan ko na. It's not about the burger or the fountain. Dinala ko nga siya sa overlooking at p
ReynaWala pa akong nakitang tao na kasing lakas magpigil kagaya ni Lulu!Sa huli, natulog kaming magkahiwalay, siya sa couch sa baba at ako naman sa malambot na kama niya. Nagising ako kinabukasan, ala una na ng hapon, ako na lang mag-isa at wala si Luntian.Anong oras kaya iyon nagising? Halos umaga na nang natulog kami tapos may trabaho pala siya ngayon.May iniwan siyang note sa ref at pancakes sa dining table. Kumalam ang sikmura ko kaya inuna kong kumagat muna bago basahin ang note.“Eat your breakfast. I'll be at work and I'll try to make it home at lunch,” sabi sa note.Pero ala una na, wala pa siya. Hindi ko naman ma-text dahil ‘di ko naman nadala ang phone noong pinalayas sa bahay.Naibsan naman ng pancake ang gutom ko at wala naman akong balak na mangielam sa kusina niya. Kaya naman habang walang magawa, naglinis na lang ako ng bahay kahit wala naman masyadong lilinisin.Hinugasan ko ang pinagkainan ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos sa living room nang tumunog ang doorb
Reyna“I think I like you…” boses ni Lulu.Ginising ako ng boses na yon sa isip ko. Sa isip ko lang dahil tulog na tulog pa naman si Lulu sa tabi ko.Bakit ko ba napanaginipan ‘yon? Paano naman ‘yon mangyayari? Wala namang kagusti-gusto sa’kin. At higit sa lahat, hindi kami puwede. Masyado kaming magkaiba.Tingin ko, masyado kong binibigyan ng meaning ang mga ginagawa ni Lulu na kasama naman talaga sa kasunduan namin. Masyado na akong nagiging assumera. Mabait at gentleman lang talaga ‘yong tao.Idagdag pa na nahuli niya akong pinagpapantasyahan siya umagang-umaga. Muntik ko nang ipalupot ang shower sa leeg ko!Sinulit ko ang oras sa banyo para isipin kung paanong hindi kami makupot sa iisang espasyo ng aming suite. Saktong kumatok siya para sa breakfast. Kaya naman naisip kong ayain siyang lumabas.Malay ko, baka naman makakita ako ng nga guwapong Hapon na yummy! Baka sakaling mawaglit ang dimples ng isang ito sa isip ko.Pero disaster! Wala pang poging Hapon!Sinubukan kong iwasan p
LuntianI woke up to Reyna's intense gaze. Sa tindi nga ng pagtitig niya ay hindi niya na namalayang gising na ako. At halos mapaahon siya sa gulat nang batiin ko ng ‘good morning'. I would be flattered with the staring if she doesn't look anxious or something the way she looks at me.Ako naman tuloy ang nag-obserba.Umahon siya sa kama. Hindi ko alam kung para ba iwasan ang tingin ko o para talaga itali ang mahabang buhok.“Kanina ka pa gising?” Nahimigan ko ang pang-aakusa sa tono niya.I don't know if it has something to do with how I caught her staring or she just really doesn't feel like it today. But… she doesn't look like she woke up on the right side of the bed. Ni walang good mo-good morning.“Nope, I just woke up,” garagal pa ang boses ko at napakusot ng mata. Sabay ahon ko paupo sa kama para sana obserbahan pa siya.“Kanina ka pa gising?” Gusto ko sana siyang tudyuin pero mas bumuhos ang pag-aalala ko sa kinikilos niya.Umiling siya bago nagkibit-balikat. Pinulot ang bra sa
ReynaNakakakilig talaga ‘yong mga bl! Dati naman wala akong pakielam sa mga bading bading. Pero ngayon na may nasaksihan na sa totoong buhay, nakakakilig pala. A love that goes beyond gender. A strong and sincere and beautiful love. Sana totoo ang forever.Natapos ang huling araw ng conference ni Lulu sa aming chismisan tungkol sa tagong relasyon noong half Japanese at anak ng businessman. Talagang iniwan niya ang mga importanteng taong kausap para pakinggan ang mga chismis at kilig ko sa dalawang iyon.Akala ko nga tapos na ang kilig nang makabalik na sa aming suite, pero sumabog naman ang masarap at nakakakiliti na pakiramdam sa kalooban ko nang pihitin ako ni Lulu at sinunggaban ng marahang halik pagkapasok na pagkapasok sa aming suite.Lumagabog ang kung anu-anong mga bagay na natamaan ko habang unti-unting umaatras sa marahang tulak ni Lulu papasok pa lalo sa loob.“Hmmm,” ungot ko sa labi niya nang tumama ang balakang ko sa kung saan.Sinapo niya ang parteng tumama ng palad niy
Chapter 22LuntianHindi ko pinapansin si Reyna. I'm sulking. It's hell a petty but I can't help!“Is there a way for me to view their CCTV?” I feel so ridiculous asking the question. Kaya imbis na sa reception o sa security ko tanungin, sa maasahan na kay Gilbert ako nagtanong.“CCTV?”“Yeah, sa bandang pool hanggang sa mga elevators paakyat sa aming suite.” At talagang naging specific ako sa gusto ko.May mga kaluskos akong narinig sa gawi ni Gilbert.“Did you do something indecent in there?” Nahihimigan ko ang mapanuyang halakhak niyang pinipigil.“Hell no!” mariing tanggi ko.I won't undress Reyna for everyone to see! Oo at sa club siya nagtatrabaho, sumasayaw siya nang kapiraso ang suot at kung minsan halos wala na talaga. Sometimes the thought of it leaves a bitter taste against my tongue. Pero confident si Reyna sa ginagawa niya. And who am I to judge or to stop her from doing what she's confident about.Ang importante lang naman sa’kin ay ang honesty niya. Ang pagiging totoo n
ReynaSexy ako sa paningin ni Luntian.Bukod sa sexy naman kasi talaga ako, wala pa kailanman na nilabasan dahil lang nilabasan ako! Si Luntian lang. Ganoon ako ka-sexy sa paningin niya.Halos hindi ako pinatulog ng isiping iyon. Kahit medyo napagod sa aming strenuous activity, hindi makatulog ang masayang diwa ko.Bakit nga ba ang saya-saya ko?Hindi ko ito masagot at sa totoo lang, ayaw kong isipin. Nakakatakot ang parteng iyon ng relasyon namin. Isa iyong trap, mamali lang ako ng tapak, puwede akong mahulog. At sa baba, walang kasiguraduhan na may naghihintay na malambot na cushion o kahit trampoline na sasalo, mababalian ako na buto or worse mabagok ang ulo ko, mabaliw at mamatay.Hindi dapat kailanman magtungo roon ang isip ko.Unless masuklian ang feelings o mayroon akong 100 million. Baka sakaling magkaroon nga ako ng karapatan. E, kaso wala. Hindi dapat ako magtungo roon.Lumubog muli ang gilid ng kama nang umupo si Luntian sa tabi ko.“You sure you don't want to go with me?”
Luntian“Oyasumi nasai!” Nagbow ang hotel staff na naghatid sa amin sa suite.“Oyasumi nasai,” I greet back and bow as well. Gumaya rin si Reyna kahit hindi nagsalita.Nang makalayo ang staff ay bumulong si Reyna sa’kin. “Ano ibig-sabihin no’n?”“Goodnight,” simpleng sagot ko.“Ah…” Napatango siya.Binuksan ko ang suite gamit ang keycard at iginiya si Reyna sa loob. Reyna excitedly roams inside and checks everything.Ibinaba ko ang parehong gamit namin sa gilid ng kama at nagsimula akong i-unpack ang sariling gamit.Reyna keeps on shouting with excitement, from every corner, whenever she sees something interesting. Tinatawanan ko lang habang nililigpit ang gamit namin.Pero ang mga ngiti at halakhak ko ay nalunok ko nang sa isang iglap ay nasa harap ko na siya, inagaw ang damit na tinitiklop ko at sininop sa gilid. Litong sinundan ng mga mata ko ang galaw niya.Marahas na ibinuka niya pa ang naka-man’s spread nang mga binti. Nanlaki ang mga mata at napasinghap ako nang lumuhod siya sa
ReynaMadami akong plano noong oras rin na sinabi ni Lulu na private plane ang sasakyan namin. “May stewardess ba roon?” kuryusong tanong ko.Kasalukuyan kaming nagpapababa ng kinain. Nakaupo sa couch at nanonood ng TV. Isang documentary iyon tungkol sa animal mating. Kasalukuyan na itong nasa kung paano nagme-mate ang mga orangutan.“We have one. But we can add more or have none if you're uncomfortable,” ngiti niya at sandali akong tinignan bago ibalik muli sa screen ang TV.Invested siya sa mating ng mga animals. Napaisip tuloy ako kung gagawin niya rin ba sa’kin ang mga iyon.At para mangyari iyon, hiniling kong walang stewardess sa eroplano namin. Sa amin lang ang buong eroplano bukod sa piloto at co-pilot nitong kasama. Puwede namin gawin ang mga bagay sa malaking espasyo. Iyon ang pinaghandaan ko bago ang takdang lipad pa-Japan.Pero habang wala ang pasaporte at abala pa si Lulu sa kaniyang maiiwang trabaho, sinubukan ko ulit na puntahan si Mama. At hindi iyon naging madali.Sa
LuntianHindi ko inaasahan ang inabutan ko pagdating sa bahay.Balak ko talaga na sunduin ulit si Reyna sa club. Maliligo lang sana nang mabilis dahil kumapit sa’kin ang amoy ni Tanya.May pagmamadali sa kilos ko dahil ayaw ko na mauna na siya mag-commute pauwi. I shoot her a text to make sure but I don't want to make her wait either, kaya naman mabilis talaga ang kilos ko. Ni hindi ko nga napansin na kumpleto ang tatlong footwear ni Reyna sa shoe rack; isang flip-flops, white sneakers at itim na heels.Her slides is still in the floor though. Iyon ang tanging napansin ko. Hindi ko naman akalain na iniwan niya iyon doon talaga at nag-paa lang.Hinubad ko agad ang coat ko at isinunod ang necktie paakyat pa lang sa hagdan. Pagpasok ko sa kuwarto ay namataan ko ang bukas na pinto ng bathroom, pero mas natawag ng brown envelope sa ibabaw ng kama ang atensiyon ko.I put down my discarded clothes on the bed and pick up the envelope. Medyo nabigla ako nang makita na mga dokumento ni Reyna an
ReynaIsang malaking drama na naman para sa mga kapit-bahay nang makita nila ako papasok sa eskinita, pauwi sa bahay.Hindi pa man ay pagod na ako. Siguradong makakarating kay Tiyo Kadyo ang pag-uwi ko. Kaya naman kailangan kong bilisan.“Nakalimutan niyong itapon ang mga papeles ko,” bungad ko kay Mama, walang tingin-tingin, nang salubungin ako sa sala.Wala akong oras para sa panibagong drama. Hindi ako puwede abutan ni Tiyo Kadyo.Nilampasan ko siya at ‘di na hinintay na mapagsalitaan o kaya naman ay biglang sapukin na lang. Dumiretsyo ako sa kuwarto at inangat ang higaan ko. Naroon pa ang brown envelope kung saan nakalagay ang mga papeles ko.Narinig ko ang yabag niya pasunod sa kuwarto. Pero hindi siya lumapit at nanatili lang sa pintuan.“Ang cellphone ko, kasama ba sa naitapon niyo?” tanong ko habang sinisilip ang mga dokumento, kung kumpleto ba at hindi inanay o kaya mineryenda ng mabait.Nakahinga ako nang mamataan na maayos naman ang lahat ng nasa loob noon.“Malay ko naman