Reyna
Eww! Kadiri! First time kong maranasan magshower at sa kasamaang palad, sa laway pa ni Tiyo Kadyo. Si Tiyo Kadyo na naninilaw ang ngipin at mabaho ang hininga dahil sa alak at sigarilyo. Kinuha siya ng mga bouncer, kinaladkad habang nagsisisigaw habang pinapahid ko ang laway sa mukha ko. Nailigtas ako sa pagkakataong iyon pero ngayong pauwi na, hindi ko alam. Dala ko ang dalawang libong kinita ngayong araw. Nasira kasi ang performance kaya walang tip. Kainis. Nakapagpalit na ako ng suot pero hindi pa binura ang makeup. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga nadaanang tambay sa eskinita patungo sa bahay. Ganda ko kasi. Kahit yung mga tambay doon na nangingikil kay Estong lampa napatingin sa’kin kaya nakaligtas siya. Hay, salamat sa ganda ko. Nadatnan kong maingay ang bahay dahil sa bunganga ni Mama pag-uwi, hindi dahil sa mga ungol, kundi dahil nag-aaway ang mag-asawa. “Dinugasan mo na naman ba ako, Kadyo?!” Malayo pa lang ay dinig ko na si Mama. “Palagi na lang, Kadyo!” Hindi ko nadinig na sumagot si Tiyo Kadyo, kaya pala, bagsak kasi siya sa kahoy naming upuan sa sala. Tuspak at namumula sa pagkalasing. Galing siguro sa inuman doon kanina sa kantong nadaanan ko. Mula sa kusina ay sumulpot si Mama namay kunot ang noo. Naramdaman siguro ang pagdating ko. Umaliwalas ang mukha niya. “Nakaayos ka ah! Marami kang customer?” Masayang bungad niya, parang hindi banas sa nakahilatang lasing sa upuang kahoy. “Hindi naman, bago lang ako e,” sagot ko at nilampasan siya para dumiretsiyo sa banyo para maghilamos. Naghilamos ako para burahin ang makeup. Walang tubig. Buti kasya pa ng isang tabo. “Magkano ang kinita mo?” Sumunod si Mama sa banyo at walang kaabog-abog na binuksan ang pintuan. Madali kasing sungkitin ang lock gamit ang kutsilyo. Isa pa ‘yan sa problema ko. Hindi ako sumagot, nagdadalawang isip kung magsasabi ng totoo. Hindi naman kasi sa pagdadamot, pero alam ko kasing kapag pera, hindi siya puwedeng pagtataguan. “Bakit ayaw mong sumagot?! Akala mo naman kukuhanin ko lahat! Ang ambag mo lang rito sa bahay!” Nagsimula siyang isumbat ang pagpapalaki sa’kin kagaya ng lagi niyang ginagawa. Na parang choice kong mailuwal at maging sabit sa buhay niya. Bumuntonghininga ako at inabot sa kaniya ang isang libo para tumahimik. Makakaipon naman siguro ako sa pa-isa-isang libo. “Ito lang?!” aniya na parang barya lang ang inabot ko. “Puro mayayaman ang customer niyo doon tapos isang libo lang?!” Napabuntonghininga na lang ulit ako at saka kinuha sa bulsa ang limang daan pa para iabot pero naunahan niya na akong padarag na kalkalin ang sariling bulsa. Madali niya akong natangay para lang kapkapin ang mga tinatago ko sa katawan. Sinubukan kong protektahan ang kita ko pero wala na akong nagawa. Wala akong nagawa nang mahawakan niya na ng buo ang kinita ko ngayong araw. Binilang niyang mga tig-iisang daan. Gustong-gusto ko iyong kuhain pero alam kong mapupunit lang ang mga iyon dahil hindi niya bibitawan. “Ang damot mo! Wala ka naman ibang paggagastusan, e ang dami-dami nating bayarin!” Sabay salpak ng isang daan sa bulsa ko. Isang daan lang. Naiiyak ako sa galit pero wala namang magagawa ang pag-iyak. Gano’n at gano’n lang ang nangyayari sa araw-araw. Kahit anong ipit ang gawin ko, para siyang may mata sa likod ng ulo at sa bawat sulok ng bahay. Araw-araw mas nadadagdagan ang kagustuhan kong umalis. Hindi rin iyon ang huling beses na nakialam si Tiyo Kadyo sa trabaho ko. Matapos niya akong matalsikan ng laway at kaladkarin siya ng mga bouncer palabas, hindi pa rin siya tumigil. Bilib talaga ako sa tiyaga ni Tiyo Kadyo! Araw-arawin ba naman ang pagpunta sa club kahit wala naman akong shift roon! Kaso lang, today, natiyempuhan niya na naman akong papasok pa lang sa club. Parang may megaphone sa lalamunan siyang sumigaw. “REYNA!” Sinubukan niyang lumapit sa’kin pero mas mabilis ang mga bouncer na pigilan siya. Medyo lasing rin kaya hindi nakalaban. “PAPASUKIN NIYO AKO!” sigaw niya, nagwawala mula sa hawak ng mga bouncer. “Ma’am,” lumapit ang isa sa mga bouncer sa’kin. Hindi ko kilala, mukhang baguhan. “Huwag niyong papasukin,” agap ko agad. “Banned nga po siya. Kaso nangugulo, e!” Hindi ko alam kung ano ang kailangan kong gawin. Nakipag-eye to eye pa si kuyang bouncer akala mo isa sa’min si Cassiopeia sa Encantadia na may kakayahang magtelepathy. “Dadalhin lang namin sa medyo malayo, Ma’am.” Base sa kislap ng mata niya at sa kintab ng ngipin nang ngumisi siya, alam kong hindi lang iyon ang mangyayari. Inalala ko ang mga nangyari nitong mga nakalipas na walong taon. Oo, walong taon na ang lumipas pero heto pa rin ako sa impyernong buhay ko. Ang kaibahan lang, sumuko na ako sa magandang buhay. Palagi ko pa ring naabutan nag-aaway si Mama at Tiyo Kadyo. Palagi pa rin kasi niyang kinukupitan si Mama. Dati para lang sa sabong at mga bisyo niya, ngayon ay para na rin makapasok sa club na pinagtatrabahuhan ko. Hindi ko alam kung anong gusto niya. Gusto niya ba akong kaladkarin sa labas? Panoorin? Hindi ko alam dahil magkaibang magkaiba ang lasing na ai Tiyo Kadyo at may sapak sa ulo kahit sober na si Tiyo Kadyo. Kapag lasing, lantaran kung mang manyak. Kapag sober, pailalim kung tumira. Kaya ang ending, ang kalahati ng sweldo ko na entrega dapat sa bahay, wala ng natitira dahil kinukuha lahat ni Mama. Tinignan ko pa ng isa si Tiyo Kadyo at inisip ang mga posibleng kahantungan niya. Sa huli, wala akong naramdaman kahit ni gatiting na simpatya. “Bahala ka, Kuya,” huling kataga ko bago pumasok sa club. Ilang taon na rin nang mapromote ako at malagay sa big night Friday. Tuwing Friday na lang ang shift ko sa club. Sa ibang araw ay bino-book ng mga VIP at flexible ang oras ng trabaho. At sa totoo lang, mas madali ang trabaho ngayon. Maselan kasi ang mga businessman sa VIP. Kaunting sayaw at halos hindi naman kami pinapansin. Tagasalin ng alak at kapag seryoso na ang meeting, pinalalabas rin kami at tapos na ang trabaho. Easy money at marami pang tip! Ang mahirap lang sa gano’n, mahirap tumanggi kung aayain ka sa jugjugan. Since VIP at members, hindi ka puwede biglaang manapak at tumawag ng bouncer kung pilitin ka. Kailangan mo pa ring kumalma at ngumiti kahit nakakadiri na ang paghipo-hipo. Madalas kasi sa VIP, matatanda at makunat na ang mga customers. Parang panat na pasas at expired na hotdog. Awit. Kaya masisi niyo ba ako kung isinuko ko na ang bataan? Wala kasi akong balak na isusuko ang bataan sa mga expired na hotdog, kay Tiyo Kadyo o doon sa mga sumisipol na manginginom at mga bully in Estong lampa sa eskinita sa’min. Kaysa isa sa mga ‘yon ang mauna, hatakin ako sa dilim, lapastanganin at itapon nang patay sa ilalim ng tulay, isinuko ko ang bataan sa inosenteng si Estong lampa— na Lester pala ang totoong pangalan. Ilang taon na rin kasi ang lumipas, ang mukhang isang ubo na lang na si Estong— este Lester, ay nag-improve nang sobra. Nag-glow up siya. Puwedeng gawan ng video, ‘yung uso sa tiktok at malamang magv-viral! Mantakin mo ba naman kasing ang bango na tignan ni Estong— este Lester nga ngayon. Nasa college na si Lester noon at talagang blooming! Ang hindi ko naman maintindihan sa mga saltik niyang nga bully sa eskinita, blooming na nga, tinutukso pa rin. Kundi ba naman sila may saltik! “Blooming si Estong lampa!” “May crush na ata, e!” “Crush mo si Reyna, ‘yong expensive na p****k!” I almost scoffed. Nadamay pa ko, hays! Ngingiti-ngiti lang si lampang Lester, mapula ang pisngi at tainga, hindi ko malaman kung dahil sa tagay o crush nga ako ng lintek. Siya kasi ‘yong tipong niloloko na pero tatawa-tawa kahit siya ‘yung pinagtatawanan. Mukhang tanga. “Naku! Kailangan mo munang magpayamam bago mo makama ‘yon!” Ginawa pa akong bayaran at p****k ng mga adik na ito! Nasa ganoon ang eksena nang lumapit ako sa grupo nila. Pauwi na dapat at hindi na dapat papansinin kung hindi ko lang narinig ang pangalan ko. Laglag na naman ang panga, luwa na naman ang mata at tulo laway na naman ang mga tambay. Kita na kasi sa malapitan ang ganda ko. Wala akong maupuan at walang gentleman na tumabi kaya ako na ang nagtanong. “Paupo, Estong,” sabi ko sabay upo sa kandungan niya. Hindi na napulot ng mga lasing ang laglag nilang mga panga. Kahit ang inuupuan kong si Estong, nanigas. Kinuha ko ang shot ni Estong at inisang lagukan. “Sup?” Expensive na tanong ko kagaya ng akusa nila. Parang timang na nawala sila sa sarili. Ang mga bully ni Estong na kanina ginagawa akong pulutan ay mistulang mga aso na bahag ang mga buntot. “Nagbababag na naman sa inyo kanina, ah!” kapagkuwan ay narecover ng isa ang dila niya. Tsk. Ano pa bang bago. “Kawawa naman pala ‘ko, no? Baka madamay pa ‘ko. Saan kaya puwedeng tumuloy?” Sabay palupot ko ng braso sa leeg ni Estong. Napaiwas ng tingin si Estong at nagkaniya-kaniya namang presinta ang mga nasa inuman. Dinig ko ang chismisan sa malapit kung gaano ako kapokpok pero anong pakielam nila. P****k kapag may bayad. Kapag libre, malandi lang. Hindi ko sila pinansin, pati ang mga nasa inuman. Si Estong lang at ang matigas na inuupuan ko sa hita niya ang nasa atensiyon ko. “Ano, Estong? Puwede ba ‘ko sa inyo?” Nagpuppy eyes pa ako para effective. Napangisi ako sa namumula at nanginginig na si Estong. “S-Sige.” Tumili at tuwang-tuwa na hinalikan ko ang pisngi niya. Hindi ko pinansin ang mga nanghihinayang na daing ng mga tambay at kapagkuwan ay bumulong sa mismong tainga ni Estong. “Mag-sex tayo.”Luntian“Wow! Isang karangalan na mabasbasan ng laway mo, Sir!” Hindi ko masabi kung sarkastiko o seryoso siya, halos wala kasing pinagkaiba ang dalawang iyon sa personalidad na babaeng ito.She's ridiculous and pretty and damn sexy, even in the funniest way.Paano nga bang nagkrus ang landas namin? Looking back, halos isumpa ko ang mga kaibigan ko nang dalhin nila ako sa club na iyon para sa aking stag party. Tingin ko kasi noon, doon nag-ugat kung bakit nagulo ang mga bagay. Pero ngayon, I feel like thanking them.Nagsimula ang araw na iyon nang sabihin kong ikakasal na ako. Sa aming limang magkakaibigan, ako ang mauuna. Parang mga siraulo silang nagwala sa mismong opisina ko. At wala na akong nagawa nang hatakin nila ako palabas nang oras ding iyon para daw sa aking spontaneous stag party.Wala akong ibang in-expect dahil spontaneous nga. Sa simula, as it was a stag party, nagbar hopping kami sa kahabaan ng P Burgos sa Makati.It was all PG with a little naughty jokes at first. Ka
LuntianLinggo noon at pinanood ko si Tanya sa tabi ng altar kasama ng mga choir. Pareho kaming lumaki sa simbahan pero masasabi ko na sa pagitan naming dalawa, mas malapit sa Diyos si Tanya. She's singing for Him and worshipping all her life.Regular sa simbahan ang parehong pamilya namin. Pinalaki rin ako ng relihiyosong magulang. Kaya rin siguro nanatiling pure kaming pareho ni Tanya. Well, at least I thought so.Sa buong misa ay focus kaming pareho ni Tanya sa mga salita ng Diyos. Sa parteng nagsasabi na ng “peace be with you” lang kami nagkatinginan. Bukod roon, wala na.Nang matapos ang misa, saka ko pa pamg siya nalapitan. Inuna ko muna ang parents niya, nagmano sa daddy niya at bumeso sa mommy niya. Ganoon din siya sa magulang ko. Pagkatapos noon ay nagkuwentuhan na ang mga babae at kami naman na mga lalaki tungkol sa business. Ilang minuto rin bago kami nakawala sa kani-kaniyang magulang para naman batiin ang isa’t-isa. And as usual, isang halik sa kaniyang sentido ang pagba
Luntian“Come here, angel,” a low voice called.Suot ang isang panglalaking puting dress shirt, lumingon si Tanya sa gawi ng kung sino man ang nagv-video. Kahit na sabog ang buhok sa isang magulong bun, alam na alam kong si Tanya iyon malayo pa lang.Lumikot ang camera at mas bumaba ang angulo, naupo yata sa kung saan ang may hawak ng camera. Isang ugatang braso ang lumitaw sa frame at iginiya ang nakasalampak sa malayong sahig na si Tanya gamit ang dalawang daliri.Dahan dahan na gumapang si Tanya sa sahig palapit. At habang palapit, noon ko lang napansin na nakataas ang kaliwang sleeve ng suot niya, may nakataling kung ano sa braso niya, sa bandang itaas ng kaniyang siko.Nang nakalapit, parang maamong tuta siya na tumingala sa angulo ng camera. Doon ay nakumpirma ko, si Tanya talaga iyon. But she's not the Tanya I used to know.May kakaibang kislap sa mga mata niya habang nakatingin sa taong kaharap niya. Her eyes were glassy and like in haze, like she's drunk and the rims were red
LuntianParang binuhusan ako ng malamig na tubig at natigilan sa paghalik.That is not something Tanya I know would say! At ang bibig niya…Bumalik lahat sa alaala ko ang pagsubo niya doon sa…“What's wrong?” Tanong ng naguguluhang si Tanya sa kandungan ko. Sinubukan niyang hulihin muli ang mga labi ko pero bumaling ako at umiwas.“We shouldn't do this…”“What?!” Sa wakas ay natigilan si Tanya.“Look, Tanya, you cheated on me—”“It's your fault! Ni hindi mo nga mabigay ang gusto ko!” Umalis siya sa kandungan ko na nagpupuyos.Ako naman ay napatanga at hindi makapinawala. “What? Kasalanan ko pa kung bakit ka nagcheat?”“Oo!” She answered stubbornly.Hindi naman maarok ng utak ko kung paano ko naging kasalanan ang pagtataksil niya. Nirespeto ko ang pagkababae niya at minahal siya ng hindi hinahanap ang mga bagay na iyon. Sa kabila noon, kasalanan ko pa rin?Napahawak na lang ako sa sentido nang kumirot dahil sa jet lag pa rin at sa matinding pag-iisip.“Ano ng gusto mong gawin ngayon? D
Reyna “Si Reyna sa loob ng cake!” Ang demonyitang si Angel. “Bakit ako?!” pag-angal ko. “E, ‘di ikaw magsabi kay Allison na siya na lang,” mataray na aniya. Naumid ko naman ang dila ko. Napabuntonghininga si Mamang Paula na stressed na naman sa aming dalawa ni Angel, kaming dalawa lang dahil wala si Farah at Ate Alisson. Paano ba naman kasi, may isa na namang VIP na nag-isip gamit ang ulo sa baba! Gusto ba naman kami ilagay sa cake! At dahil VIP nga, gusto ura-urada. Kaninang umaga lang sinabi tapos ngayong gabi na pala kailangan! Grabe talaga ang mga mayayaman mag-isip, naiiling na isip ko. Palibhasa mapepera kaya gusto nasusunod ang mga gusto. Napabuntonghininga na lang rin ako at sumuko. Ano namang laban ko sa demonyitang si Angel. Wala rin naman akong kapangyarihan na gumawa ng himala at mapapayag si Ate Allison na siya na lang sa loob ng cake kahit pa sa aming lahat, mas malapit ako sa kaniya kaysa sa mga nauna na niyang nakasama. Ewan ko. Baka lukso ng dugo ng m
LuntianSa bihirang mga pagkakataon, isa ang araw na iyon na gumising ako hindi dahil sa regular na alarm.Parang binabarena ang ulo ko. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko. The awful hints of alcohol on my mouth makes me want to puke. At iyon nga ang nangyari.Kumaripas ako sa banyo ng kuwarto ko. Kuwarto ko?Pagkatapos kong isuka ang mga nainom ko kagabi ay nagmumog ako sa lababo ng banyo ko. Tinignan ko ang sarili sa salamin, I look equally awful as I feel. Nagsusumigaw ang eyebag ko. Maputla at dry ang lips ko.Napabuntonghininga ako. Ni hindi ko maalala kung paano ako nakauwi at kung paanong iba na ang suot kong pants at nakit wala akong pang-itaas.“You're pretty.”Natigilan ako nang marinig ang lasing na sariling boses sa isip. Napakurap ako at nakita sa isip ang pamilyar at magandang mukha ng babae. That sinful beauty!“Reyna at your service.”“Reyna,” I mumbled dumbly.Nagsimulang bumalik ang mga alaala kagabi. Nakita niya ako sa counter at tinawagan si Maki. She asked for my name p
ReynaLu…Lucas?Louis?Luther?“Lu… Lu…” Ano pa ba ang mga pangalan na nagsisimula sa Lu? Ano ba kasing pangalan niya? Nang mapakulam ko na!Sa kaniya lang ‘di tumalab ang charm ko. Partida, lasing pa siya no’n! Grabe naman ang pagiging faithful niya. Dapat na siyang itumba! Masyado nang nakakalamang ang mapapangasawa niya!Bumalik na naman sa akin ang nangyari doon sa cubicle. Nakatingin kasi siya sa labi ko kaya akala ko gusto niya. Pero tinakpan niya ang labi niya kaya tumama ang labi ko sa kamay niya. Na-hopia na, napahiya pa. Awit.“Lulu siya tapos delulu ka!” nang-aasar na halakhak ni Angel. Nahuli niya kasi kami sa cubicle at ang mas nakakahiya sa lahat, kasama niya pa si Maki na napasipol na lang.Parang gusto ko na lang din na ma-flush sa toilet nang maabutan nila kami sa ganoong posisyon. Napahiya na nga ako mismo kay Sir Lulu, nagmukha pa akong desperada sa may nobya na.Pero hindi nakaapak ng ebak si Reyna Navarro sa kahabaan ng Maynila para lang mamatay sa kahihiyan. Kay
Luntian Four men and beers were indeed waiting for me in the new house. Hindi ko man lang nalibot ang kabuuan ng bahay o nailabas ang mga damit ko sa trunk ng kotse bago nahatak sa living room para magkuwento.Kahit ang kuripot na si Jerome na nag-asikaso ng lahat, nakalimutan ang paycheck na dapat sisingilin niya sa akin. Ang kuripot na Jerome ay walang-wala sa chismosong Jerome. I-multiply mo pa sa apat, ang resulta; mga beer, malalaking tsisirya, gitara at kuwentuhan.After everything that happened, between me and Tanya and Tanya using my parents’ fondness of her to her advantage, everything should weigh heavy. Well, it is. Pero nang maabutan ko ang mga kaibigan ko sa sala ng bahay, nakahilata sa couch, kumakain ng tsisirya at nagwre-wresling, may kakampi pa pala ako.I'd been keeping and bottling everything inside me, dahil sa kaunting respetong natitira sa akin para kay Tanya, ayaw ko na magbago ang tingin ng mga kaibigan namin sa kaniya. But then I realized, dahil siguro sa but
Reyna“I think I like you…” boses ni Lulu.Ginising ako ng boses na yon sa isip ko. Sa isip ko lang dahil tulog na tulog pa naman si Lulu sa tabi ko.Bakit ko ba napanaginipan ‘yon? Paano naman ‘yon mangyayari? Wala namang kagusti-gusto sa’kin. At higit sa lahat, hindi kami puwede. Masyado kaming magkaiba.Tingin ko, masyado kong binibigyan ng meaning ang mga ginagawa ni Lulu na kasama naman talaga sa kasunduan namin. Masyado na akong nagiging assumera. Mabait at gentleman lang talaga ‘yong tao.Idagdag pa na nahuli niya akong pinagpapantasyahan siya umagang-umaga. Muntik ko nang ipalupot ang shower sa leeg ko!Sinulit ko ang oras sa banyo para isipin kung paanong hindi kami makupot sa iisang espasyo ng aming suite. Saktong kumatok siya para sa breakfast. Kaya naman naisip kong ayain siyang lumabas.Malay ko, baka naman makakita ako ng nga guwapong Hapon na yummy! Baka sakaling mawaglit ang dimples ng isang ito sa isip ko.Pero disaster! Wala pang poging Hapon!Sinubukan kong iwasan p
LuntianI woke up to Reyna's intense gaze. Sa tindi nga ng pagtitig niya ay hindi niya na namalayang gising na ako. At halos mapaahon siya sa gulat nang batiin ko ng ‘good morning'. I would be flattered with the staring if she doesn't look anxious or something the way she looks at me.Ako naman tuloy ang nag-obserba.Umahon siya sa kama. Hindi ko alam kung para ba iwasan ang tingin ko o para talaga itali ang mahabang buhok.“Kanina ka pa gising?” Nahimigan ko ang pang-aakusa sa tono niya.I don't know if it has something to do with how I caught her staring or she just really doesn't feel like it today. But… she doesn't look like she woke up on the right side of the bed. Ni walang good mo-good morning.“Nope, I just woke up,” garagal pa ang boses ko at napakusot ng mata. Sabay ahon ko paupo sa kama para sana obserbahan pa siya.“Kanina ka pa gising?” Gusto ko sana siyang tudyuin pero mas bumuhos ang pag-aalala ko sa kinikilos niya.Umiling siya bago nagkibit-balikat. Pinulot ang bra sa
ReynaNakakakilig talaga ‘yong mga bl! Dati naman wala akong pakielam sa mga bading bading. Pero ngayon na may nasaksihan na sa totoong buhay, nakakakilig pala. A love that goes beyond gender. A strong and sincere and beautiful love. Sana totoo ang forever.Natapos ang huling araw ng conference ni Lulu sa aming chismisan tungkol sa tagong relasyon noong half Japanese at anak ng businessman. Talagang iniwan niya ang mga importanteng taong kausap para pakinggan ang mga chismis at kilig ko sa dalawang iyon.Akala ko nga tapos na ang kilig nang makabalik na sa aming suite, pero sumabog naman ang masarap at nakakakiliti na pakiramdam sa kalooban ko nang pihitin ako ni Lulu at sinunggaban ng marahang halik pagkapasok na pagkapasok sa aming suite.Lumagabog ang kung anu-anong mga bagay na natamaan ko habang unti-unting umaatras sa marahang tulak ni Lulu papasok pa lalo sa loob.“Hmmm,” ungot ko sa labi niya nang tumama ang balakang ko sa kung saan.Sinapo niya ang parteng tumama ng palad niy
Chapter 22LuntianHindi ko pinapansin si Reyna. I'm sulking. It's hell a petty but I can't help!“Is there a way for me to view their CCTV?” I feel so ridiculous asking the question. Kaya imbis na sa reception o sa security ko tanungin, sa maasahan na kay Gilbert ako nagtanong.“CCTV?”“Yeah, sa bandang pool hanggang sa mga elevators paakyat sa aming suite.” At talagang naging specific ako sa gusto ko.May mga kaluskos akong narinig sa gawi ni Gilbert.“Did you do something indecent in there?” Nahihimigan ko ang mapanuyang halakhak niyang pinipigil.“Hell no!” mariing tanggi ko.I won't undress Reyna for everyone to see! Oo at sa club siya nagtatrabaho, sumasayaw siya nang kapiraso ang suot at kung minsan halos wala na talaga. Sometimes the thought of it leaves a bitter taste against my tongue. Pero confident si Reyna sa ginagawa niya. And who am I to judge or to stop her from doing what she's confident about.Ang importante lang naman sa’kin ay ang honesty niya. Ang pagiging totoo n
ReynaSexy ako sa paningin ni Luntian.Bukod sa sexy naman kasi talaga ako, wala pa kailanman na nilabasan dahil lang nilabasan ako! Si Luntian lang. Ganoon ako ka-sexy sa paningin niya.Halos hindi ako pinatulog ng isiping iyon. Kahit medyo napagod sa aming strenuous activity, hindi makatulog ang masayang diwa ko.Bakit nga ba ang saya-saya ko?Hindi ko ito masagot at sa totoo lang, ayaw kong isipin. Nakakatakot ang parteng iyon ng relasyon namin. Isa iyong trap, mamali lang ako ng tapak, puwede akong mahulog. At sa baba, walang kasiguraduhan na may naghihintay na malambot na cushion o kahit trampoline na sasalo, mababalian ako na buto or worse mabagok ang ulo ko, mabaliw at mamatay.Hindi dapat kailanman magtungo roon ang isip ko.Unless masuklian ang feelings o mayroon akong 100 million. Baka sakaling magkaroon nga ako ng karapatan. E, kaso wala. Hindi dapat ako magtungo roon.Lumubog muli ang gilid ng kama nang umupo si Luntian sa tabi ko.“You sure you don't want to go with me?”
Luntian“Oyasumi nasai!” Nagbow ang hotel staff na naghatid sa amin sa suite.“Oyasumi nasai,” I greet back and bow as well. Gumaya rin si Reyna kahit hindi nagsalita.Nang makalayo ang staff ay bumulong si Reyna sa’kin. “Ano ibig-sabihin no’n?”“Goodnight,” simpleng sagot ko.“Ah…” Napatango siya.Binuksan ko ang suite gamit ang keycard at iginiya si Reyna sa loob. Reyna excitedly roams inside and checks everything.Ibinaba ko ang parehong gamit namin sa gilid ng kama at nagsimula akong i-unpack ang sariling gamit.Reyna keeps on shouting with excitement, from every corner, whenever she sees something interesting. Tinatawanan ko lang habang nililigpit ang gamit namin.Pero ang mga ngiti at halakhak ko ay nalunok ko nang sa isang iglap ay nasa harap ko na siya, inagaw ang damit na tinitiklop ko at sininop sa gilid. Litong sinundan ng mga mata ko ang galaw niya.Marahas na ibinuka niya pa ang naka-man’s spread nang mga binti. Nanlaki ang mga mata at napasinghap ako nang lumuhod siya sa
ReynaMadami akong plano noong oras rin na sinabi ni Lulu na private plane ang sasakyan namin. “May stewardess ba roon?” kuryusong tanong ko.Kasalukuyan kaming nagpapababa ng kinain. Nakaupo sa couch at nanonood ng TV. Isang documentary iyon tungkol sa animal mating. Kasalukuyan na itong nasa kung paano nagme-mate ang mga orangutan.“We have one. But we can add more or have none if you're uncomfortable,” ngiti niya at sandali akong tinignan bago ibalik muli sa screen ang TV.Invested siya sa mating ng mga animals. Napaisip tuloy ako kung gagawin niya rin ba sa’kin ang mga iyon.At para mangyari iyon, hiniling kong walang stewardess sa eroplano namin. Sa amin lang ang buong eroplano bukod sa piloto at co-pilot nitong kasama. Puwede namin gawin ang mga bagay sa malaking espasyo. Iyon ang pinaghandaan ko bago ang takdang lipad pa-Japan.Pero habang wala ang pasaporte at abala pa si Lulu sa kaniyang maiiwang trabaho, sinubukan ko ulit na puntahan si Mama. At hindi iyon naging madali.Sa
LuntianHindi ko inaasahan ang inabutan ko pagdating sa bahay.Balak ko talaga na sunduin ulit si Reyna sa club. Maliligo lang sana nang mabilis dahil kumapit sa’kin ang amoy ni Tanya.May pagmamadali sa kilos ko dahil ayaw ko na mauna na siya mag-commute pauwi. I shoot her a text to make sure but I don't want to make her wait either, kaya naman mabilis talaga ang kilos ko. Ni hindi ko nga napansin na kumpleto ang tatlong footwear ni Reyna sa shoe rack; isang flip-flops, white sneakers at itim na heels.Her slides is still in the floor though. Iyon ang tanging napansin ko. Hindi ko naman akalain na iniwan niya iyon doon talaga at nag-paa lang.Hinubad ko agad ang coat ko at isinunod ang necktie paakyat pa lang sa hagdan. Pagpasok ko sa kuwarto ay namataan ko ang bukas na pinto ng bathroom, pero mas natawag ng brown envelope sa ibabaw ng kama ang atensiyon ko.I put down my discarded clothes on the bed and pick up the envelope. Medyo nabigla ako nang makita na mga dokumento ni Reyna an
ReynaIsang malaking drama na naman para sa mga kapit-bahay nang makita nila ako papasok sa eskinita, pauwi sa bahay.Hindi pa man ay pagod na ako. Siguradong makakarating kay Tiyo Kadyo ang pag-uwi ko. Kaya naman kailangan kong bilisan.“Nakalimutan niyong itapon ang mga papeles ko,” bungad ko kay Mama, walang tingin-tingin, nang salubungin ako sa sala.Wala akong oras para sa panibagong drama. Hindi ako puwede abutan ni Tiyo Kadyo.Nilampasan ko siya at ‘di na hinintay na mapagsalitaan o kaya naman ay biglang sapukin na lang. Dumiretsyo ako sa kuwarto at inangat ang higaan ko. Naroon pa ang brown envelope kung saan nakalagay ang mga papeles ko.Narinig ko ang yabag niya pasunod sa kuwarto. Pero hindi siya lumapit at nanatili lang sa pintuan.“Ang cellphone ko, kasama ba sa naitapon niyo?” tanong ko habang sinisilip ang mga dokumento, kung kumpleto ba at hindi inanay o kaya mineryenda ng mabait.Nakahinga ako nang mamataan na maayos naman ang lahat ng nasa loob noon.“Malay ko naman