Luntian
Linggo noon at pinanood ko si Tanya sa tabi ng altar kasama ng mga choir. Pareho kaming lumaki sa simbahan pero masasabi ko na sa pagitan naming dalawa, mas malapit sa Diyos si Tanya. She's singing for Him and worshipping all her life. Regular sa simbahan ang parehong pamilya namin. Pinalaki rin ako ng relihiyosong magulang. Kaya rin siguro nanatiling pure kaming pareho ni Tanya. Well, at least I thought so. Sa buong misa ay focus kaming pareho ni Tanya sa mga salita ng Diyos. Sa parteng nagsasabi na ng “peace be with you” lang kami nagkatinginan. Bukod roon, wala na. Nang matapos ang misa, saka ko pa pamg siya nalapitan. Inuna ko muna ang parents niya, nagmano sa daddy niya at b****o sa mommy niya. Ganoon din siya sa magulang ko. Pagkatapos noon ay nagkuwentuhan na ang mga babae at kami naman na mga lalaki tungkol sa business. Ilang minuto rin bago kami nakawala sa kani-kaniyang magulang para naman batiin ang isa’t-isa. And as usual, isang halik sa kaniyang sentido ang pagbati ko. “Ang galing mo kanina,” puri ko sa kaniya kahit hindi naman siya direktang narinig sa buong choir kanina. Inasahan ko ang pabiro niyang hampas sa dibdib o braso ko at mahinhin na magtatanong na “Paano mo naman narinig?”. Sa halip, tulala siya sa iisang direksiyon at halatang distracted. “You okay, Tanya?” Saka lang niya ako tinignan, halatang lutang pa rin. Tumikhim siya at lumunok. “Restroom lang ako.” “Samahan kita,” ani ko at iginiya siya sa tamang direksiyon pero tumanggi siya. Sakto namang tinawag ako ng dadddy niya kasama ang daddy ko at ilang pang mukhang mga importanteng tao. “Kaya ko na mag-isa. Puntahan mo sila,” si Tanya bago tuluyang tahakin ang daan patungong banyo. Pinuntahan ko ang mga kalalakihan. Siyempre, ang topic ay business at trabaho pa rin. Mukhang narindi naman ang mga babae at mga may-bahay dahil nag-aya na sila ng breakfast at doon na lang ituloy ang kuwentuhan. “Where's Tanya?” Kapagkuwan ay tanong ng Tita Yasmin, mommy niya. Nagsimula na kasing mag-disperse ang mga kakilala, nagkasundo sa lugar na pagkikitaan. “Nasa ladies room po, Tita,” sagot ko at tinignan ang wrist watch. Medyo natagalan na nga si Tanya sa banyo. “Pupuntahan ko na po,” presinta ko bago pa pakisuyuan ng kaniyang mommy. Tinungo ko ang papuntang banyo. Halos wala ng katao-tao sa parteng iyon ng simbahan kaya naman hindi na ako nag-alilangan na kumatok. “Tanya, are you there?” May narinig akong mga kaluskos sa loob kaya siguradong may tao. I waited for them to come out. Nang bumukas ang pinto ng banyo, nagulat ako nang lalaki ang lumabas roon. Si Brandon, pinsan ni Tanya na galing US. Nag double look pa ako sa sign sa tabi ng pinto, pambabae ang banyo. “What are you…” I couldn't complete out of horror. Ngumisi lang si Brandon sa’kin bago inayos ang sinturon sa mismong harap ko. He licked his lips and brushed his hair back with his fingers. Pagkatapos ay tatawa-tawang iniwan akong tulala sa harap ng banyo. Manyak ‘yon ah! Talagang sa tahanan pa ng Diyos! Sabagay, lumaki sa western country kaya liberated. Kumatok ulit ako sa pinto. “May tao ba?” No one answered. Kakatok sana ako ulit nang bumukas ulit ang pinto at this time, si Tanya naman ang lumabas. The first thing I noticed were her glassy eyes. Nag-iba bigla ang kabog ng dibdib ko. “Did… did something happen inside? May ginawa ba siya sa’yo?” nag-aalalang tanong ko. Umiling lang si Tanya at kinalas ang mga palad ko sa braso niya. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na masagot ang tanong ko nang tumunog ang phone niya. “Mommy?” Her hoarse voice echoed on the vacant restroom. “Papunta na kami, Mom.” Nang ibaba niya ang phone ay hindi ako nag-atubiling magtanong ulit. “Si Brandon, may ginawa ba sa’yo?” Umiling siya at tumikhim. “Nagkamali lang daw siya ng pinto at kailangan na talaga ng banyo. Nothing happened. Nagulat lang ako.” Dahil sa sinabi ni Tanya, siyempre naniwala ako. Tanya is an angel. Hindi niya kayang magsinungaling, I believed. Saka hindi siya ‘yong tipo ng babae na gagawa ng milagro lalo na sa tahanan ng Diyos. Pero hindi pa natapos doon ang insidente kasama si Brandon. Dahil kahit doon sa napag-usapang breakfast gathering ay kasama siya sa mga businessman din na naimbitahan. Well, he's a family pero bihira mapasama dahil black sheep siya ng mga Razon. Sa buong buhay ko, doon lang ako nakaramdam ng matinding inis. Halos gusto kong itumba ang lamesa sa pagitan namin. Sa mahabang table kasi na inuukupahan namin, sa harap pa namin ni Tanya niya napiling umupo. Idagdag pa ang nakaiiritang ngisi at panaka-nakang kindat niya sa fiance ko. Kahit na magpinsan sila, I feel something odd about him. He's chaos and revelry. Gumana ang instinct ko bilang lalaki at fiance ni Tanya at kusang umikot ang mga braso ko sa sandalan ng upuan ni Tanya. Tanda ng teritoryo at pag-aari ko. “Excuse me, I'll just go to the restroom.” Hindi nakatakas sa paningin ko ang makahulugang tingin niya sa fiance ko bago tuluyang lisanin ang table para sa restroom. Nagtagis ang bagang ko. “I'll go to the restroom too,” paalam ko rin sabay tayo para sundan ang lalaki. Naabutan ko sa lavatory si Brandon na may nakahandang ngisi na gusto kong burahin noon gamit ang kamao ko. That smirk though almost faltered when he saw that it's just me and not someone he expects, my fiance probably. As if naman sasadyain siya ng fiance ko dahil lang binigyan niya ng malaswang tingin. Nilampasan ko siya at dumiretsyo para umihi. Pagkatapos ay tinabihan ko siya sa lavatory para maghugas ng kamay. Nagkatinginan kami sa salamin at kabaliktaran ng talim ng mga mata ko, ngumisi na naman siya sa’kin sabay bukas ng gripo sa tabi ko at sinabayan akong maghugas ng kamay. Nauna akong matapos at umabot sa tissue sa gawi niya pero wala ng laman ang dispenser. Umiling-iling siya, hindi pa rin nabubura ang ngisi bago ako abutan ng puting panyo na tinitigan ko lang. “Can you stop harassing my fiance?” I asked calmly, though hard. “That's not harassing if she likes it,” his lips twisted in an agonizing smirk. Lalong nagtagis ang bagang ko sa gusto niyang iparating. Tanya is not that kind of woman! Sa galit ay tinulak ko siya at kinuwelyuhan. “Gago ka.” But that day, he really had guts. “Ikaw, ba’t nagpapagago ka?” Winagayway niya ang puting panyo sa mukha ko. Sumabog sa mismong mukha ko ang amoy ni Tanya. Lalo akong nagngitngit habang patuloy lang ang pagngisi niya sa’kin. “You have an angel of a fiance. Talagang magaling magdasal, nadala ko sa langit, magaling kasing lumuhod.” Pinutol no’n ang natitira kong pasensiya. Talagang lalanding ang kamao ko sa mukha niya kung hindi lang iniluwa ng pintuan ang daddy ni Tanya. The Pastor stared at us with so much horror in his eyes. Napipilitan kong binitawan si Brandon. Nagpagpag naman siya ng suot niyang polo at ako naman ay parang maamong pusang nahuling nagnanakaw ng ulam. “Are you two fighting?!” Ang awtoratibong boses ng pastor. Walang sumagot sa aming dalawa. Tumatahip pa ang dibdib ko sa galit at pilit na kinakalma ang sarili. I have made an impression with my future in laws. Hindi iyon masisira ng gagong ito. “Brandon? Luntian?” Kuwestiyon ng matanda. “We are not, Uncle. Misunderstanding lang. Right, bro? Luntian?” He gave me an expecting stares. Bumuntonghininga ako at kapagkuwan ay tumango rin. Mukhang napanatag naman ang matanda. “Good. We are one family and families don't fight.” Hindi pa rin humuhupa ang galit ko nang makabalik sa lamesa. Bakit naman magsasalita ng ganoon si Brandon tungkol sa pinsan niya? You wont just spit something nasty about your cousin for no reason! Ang tanging naisip ko lang na dahilan, he doesn't like me for his cousin. Nanatiling malinis ang imahe ni Tanya sa akin sa kabila ng mga kakaibang kulay na nakikita ko na sa kaniya. Siyempre, sa isip ko, mas kilala ko si Tanya. We've been together since I can remember when. She's an angel. My angel. Not until I saw that video. Ang flash drive na siyang naglalaman dapat ng prenuptial photos namin ay napagpalit sa isa sa mga pinakatatagong flash drive niya. “What about the prenup photos?” Si Tanya sa kabilang linya habang nagmamaneho ako. “I'm about to see them. Dumaan ako sa bahay niyo, I thought you were there. Your mom gave it to me, dapat ko daw makita.” Papasok pa lang ako sa opisina at nagbabalak na ihatid naman si Tanya sa kaniyang trabaho. Isa siyang interior designer sa kanilang architecture and engineering firm. Pero naunahan niya na pala akong pumasok. Tita Yasmin was excited when she saw me, to show me the prenup photos. Talagang hinanap at kinuha niya pa ang falsh drive sa kuwarto ni Tanya. “I'm sorry, I should've waited for you to see them, pero na-excite ako,” marahang aniya. Napangiti ako. “Excited na rin ako pakasalan ka.” Pagdating na pagdating ko sa opisina ay laptop agad ang una kong hinanap. Pakiramdam ko ay nagvi-vibrate ako sa excitement. Pero lahat ng excitement ay napalitan ng gulat at pagkalito. Walang prenup photos sa flash drive. Wala ni isang inosenteng litrato roon. Ang bumungad sa akin ay sandamakmak na mga video na may bastos na thumbnails. Mga hubad na larawan. Parang homepage ng isang p**n site. Ang unang tanong na pumasok sa isip ko, bakit may ganitong drive ang fiance ko? Ang inosente at mahinhin na si Tanya, bakit siya may ganito? I scrolled through the gallery, may higit kumulang isang daan ang mga video. At sa lahat ng iyon, may kaisa-isang pumukaw sa atensiyon ko. Tanya's face, extremely close up shot. Nakatingala at may naipon na luha sa mga mata. Napalunok ako at nanginginig ang kamay na pinindot ang video.Luntian“Come here, angel,” a low voice called.Suot ang isang panglalaking puting dress shirt, lumingon si Tanya sa gawi ng kung sino man ang nagv-video. Kahit na sabog ang buhok sa isang magulong bun, alam na alam kong si Tanya iyon malayo pa lang.Lumikot ang camera at mas bumaba ang angulo, naupo yata sa kung saan ang may hawak ng camera. Isang ugatang braso ang lumitaw sa frame at iginiya ang nakasalampak sa malayong sahig na si Tanya gamit ang dalawang daliri.Dahan dahan na gumapang si Tanya sa sahig palapit. At habang palapit, noon ko lang napansin na nakataas ang kaliwang sleeve ng suot niya, may nakataling kung ano sa braso niya, sa bandang itaas ng kaniyang siko.Nang nakalapit, parang maamong tuta siya na tumingala sa angulo ng camera. Doon ay nakumpirma ko, si Tanya talaga iyon. But she's not the Tanya I used to know.May kakaibang kislap sa mga mata niya habang nakatingin sa taong kaharap niya. Her eyes were glassy and like in haze, like she's drunk and the rims were red
LuntianParang binuhusan ako ng malamig na tubig at natigilan sa paghalik.That is not something Tanya I know would say! At ang bibig niya…Bumalik lahat sa alaala ko ang pagsubo niya doon sa…“What's wrong?” Tanong ng naguguluhang si Tanya sa kandungan ko. Sinubukan niyang hulihin muli ang mga labi ko pero bumaling ako at umiwas.“We shouldn't do this…”“What?!” Sa wakas ay natigilan si Tanya.“Look, Tanya, you cheated on me—”“It's your fault! Ni hindi mo nga mabigay ang gusto ko!” Umalis siya sa kandungan ko na nagpupuyos.Ako naman ay napatanga at hindi makapinawala. “What? Kasalanan ko pa kung bakit ka nagcheat?”“Oo!” She answered stubbornly.Hindi naman maarok ng utak ko kung paano ko naging kasalanan ang pagtataksil niya. Nirespeto ko ang pagkababae niya at minahal siya ng hindi hinahanap ang mga bagay na iyon. Sa kabila noon, kasalanan ko pa rin?Napahawak na lang ako sa sentido nang kumirot dahil sa jet lag pa rin at sa matinding pag-iisip.“Ano ng gusto mong gawin ngayon? D
Reyna “Si Reyna sa loob ng cake!” Ang demonyitang si Angel. “Bakit ako?!” pag-angal ko. “E, ‘di ikaw magsabi kay Allison na siya na lang,” mataray na aniya. Naumid ko naman ang dila ko. Napabuntonghininga si Mamang Paula na stressed na naman sa aming dalawa ni Angel, kaming dalawa lang dahil wala si Farah at Ate Alisson. Paano ba naman kasi, may isa na namang VIP na nag-isip gamit ang ulo sa baba! Gusto ba naman kami ilagay sa cake! At dahil VIP nga, gusto ura-urada. Kaninang umaga lang sinabi tapos ngayong gabi na pala kailangan! Grabe talaga ang mga mayayaman mag-isip, naiiling na isip ko. Palibhasa mapepera kaya gusto nasusunod ang mga gusto. Napabuntonghininga na lang rin ako at sumuko. Ano namang laban ko sa demonyitang si Angel. Wala rin naman akong kapangyarihan na gumawa ng himala at mapapayag si Ate Allison na siya na lang sa loob ng cake kahit pa sa aming lahat, mas malapit ako sa kaniya kaysa sa mga nauna na niyang nakasama. Ewan ko. Baka lukso ng dugo ng m
LuntianSa bihirang mga pagkakataon, isa ang araw na iyon na gumising ako hindi dahil sa regular na alarm.Parang binabarena ang ulo ko. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko. The awful hints of alcohol on my mouth makes me want to puke. At iyon nga ang nangyari.Kumaripas ako sa banyo ng kuwarto ko. Kuwarto ko?Pagkatapos kong isuka ang mga nainom ko kagabi ay nagmumog ako sa lababo ng banyo ko. Tinignan ko ang sarili sa salamin, I look equally awful as I feel. Nagsusumigaw ang eyebag ko. Maputla at dry ang lips ko.Napabuntonghininga ako. Ni hindi ko maalala kung paano ako nakauwi at kung paanong iba na ang suot kong pants at nakit wala akong pang-itaas.“You're pretty.”Natigilan ako nang marinig ang lasing na sariling boses sa isip. Napakurap ako at nakita sa isip ang pamilyar at magandang mukha ng babae. That sinful beauty!“Reyna at your service.”“Reyna,” I mumbled dumbly.Nagsimulang bumalik ang mga alaala kagabi. Nakita niya ako sa counter at tinawagan si Maki. She asked for my name p
ReynaLu…Lucas?Louis?Luther?“Lu… Lu…” Ano pa ba ang mga pangalan na nagsisimula sa Lu? Ano ba kasing pangalan niya? Nang mapakulam ko na!Sa kaniya lang ‘di tumalab ang charm ko. Partida, lasing pa siya no’n! Grabe naman ang pagiging faithful niya. Dapat na siyang itumba! Masyado nang nakakalamang ang mapapangasawa niya!Bumalik na naman sa akin ang nangyari doon sa cubicle. Nakatingin kasi siya sa labi ko kaya akala ko gusto niya. Pero tinakpan niya ang labi niya kaya tumama ang labi ko sa kamay niya. Na-hopia na, napahiya pa. Awit.“Lulu siya tapos delulu ka!” nang-aasar na halakhak ni Angel. Nahuli niya kasi kami sa cubicle at ang mas nakakahiya sa lahat, kasama niya pa si Maki na napasipol na lang.Parang gusto ko na lang din na ma-flush sa toilet nang maabutan nila kami sa ganoong posisyon. Napahiya na nga ako mismo kay Sir Lulu, nagmukha pa akong desperada sa may nobya na.Pero hindi nakaapak ng ebak si Reyna Navarro sa kahabaan ng Maynila para lang mamatay sa kahihiyan. Kay
Luntian Four men and beers were indeed waiting for me in the new house. Hindi ko man lang nalibot ang kabuuan ng bahay o nailabas ang mga damit ko sa trunk ng kotse bago nahatak sa living room para magkuwento.Kahit ang kuripot na si Jerome na nag-asikaso ng lahat, nakalimutan ang paycheck na dapat sisingilin niya sa akin. Ang kuripot na Jerome ay walang-wala sa chismosong Jerome. I-multiply mo pa sa apat, ang resulta; mga beer, malalaking tsisirya, gitara at kuwentuhan.After everything that happened, between me and Tanya and Tanya using my parents’ fondness of her to her advantage, everything should weigh heavy. Well, it is. Pero nang maabutan ko ang mga kaibigan ko sa sala ng bahay, nakahilata sa couch, kumakain ng tsisirya at nagwre-wresling, may kakampi pa pala ako.I'd been keeping and bottling everything inside me, dahil sa kaunting respetong natitira sa akin para kay Tanya, ayaw ko na magbago ang tingin ng mga kaibigan namin sa kaniya. But then I realized, dahil siguro sa but
ReynaErased na ang life status kong #landiresponsibly. Single na si Lulu!Pero hindi naman ako masaya na naloko siya, masaya lang ako na nakalaya na siya sa ganoong uri ng babae bago pa siya matali. Genuine ‘yon.Kaya naman para i-distract siya sa pain, magpaparty kami. Hinatak ko siya pabalik sa VIP room. Sinalubong agad kami ng nanunuksong tingin ng mga friends niya at ang tatlo na tinaasan ako ng kilay. Kiber na lang ako dahil wala naman akong tinatapakang tao.Tinabihan ko si Lulu sa leather couch, medyo walang space at inabutan ng bukas na beer sa coffee table, tig-isa kami.“Ililipad kita, Sir. Game ka?”“Call me Lu,” sagot niya sa halip.“Lulu?”Ngumiti siya, lumitaw ang dimples sa magkabilang pisngi at tumango. “Yeah, call me Lulu.”“Kung ganoon, ililipad kita, Lulu. Game ka ba?”Tinaas niya ang kaniyang beer na parang naghihintay. Inuntog ko ang sariling beer doon.“Let's fly then, Reyna.”Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para i-distract si Lulu sa pinagdadaanan niya. May
LuntianI like her but it's too soon to tell. Ano na lang ang sasabihin niya? Na ginagamit ko siya sa pagmo-move on? Na ginawa ko siyang rebound? Panakip-butas?No.Kaya hindi ko napigilan ang bibig na magsalita.“Teach me sex.”I like her and I know it's too soon but I'd like to keep her. Sa dami ng lalaki na gusto rin siyang makuha, hindi ako puwede na magpakampante.This way, I'll make her mine and I'll make her fall. We'll know each other and we'll fall for each other. Slowly but damn surely.Nanlaki ang mga mata ni Reyna. “Ha?”I have the urge to say “hatdog”, just like what she use to jokes about. Pero seryoso ang sitwasyong ito.“I want to learn how to do it,” ulit ko.“Sinabi ko na sa’yo, stripper ako hindi pangkama,” walang reaksiyon na aniya.Mata ko naman ang nanlaki.“No! That's not what I meant, I did not meant to offend you,” I defend myself. “It's just that, you are the only one I can trust with this.”“Hindi mo ako kaibigan,” she mumbles.Pinigilan kong sabihin na “I d