"Good morning po Lola, kailangan niyo na pong kumain kaya tutulungan ko na po kayo umupo sa wheelchair niyo," masiglang sabi ko at tumango lang ito. Inalayan ko itong tumayo para maka-upo kaagad sa wheelchair tsaka dahan-dahan ko na itong tinulak papunta sa sala para makakain na.
Kailangan pa kasing niyang uminom ng gamot.
Naabutan namin si Tita na kumakain. Wala si Tito dahil maagang pumunta sa ibang bansa dahil may meeting daw. Kami na lang tatlo dito at ibang katulong. Tatlong araw ko ring hindi nakita si Genesis simula nung nakita ko siyang pumasok sa kwarto niya para kunin ang folder nito.
Bumati naman ako rito kaso hindi man lang ako pinansin. Mukhang galit ata eh. Teka, ba’t ko naman hinahanap ang lalaking iyon?
"Sumabay ka nang kumain dito ihja," alok ni Tita kaya agad namang akong tumango. Ako na ang naglagay ng pagkain sa pinggan ni Lola at narinig ko namang itong nagpasalamat.
Sabay kaming napatingin kay Tita ng biglang tumunog ang cellphone nito.
"Excuse me, tumawag si Di," tukoy nito kay Tito at tumalikod na. Tahimik na lang kaming kumain ni Lola. Muntik na akong mabilaukan dahil sa tanong nito.
"Napag-isipan muna, Ihja?"
Pilit ko itong ningitian at napa kamot sa batok. "Lola, 'wag ka pong malulungkot Lola ha? hindi pa kasi ako ready sa mga ganyan eh... pwede n-naman...kaibigan ko?" nagulat na lang ako ng bigla nalang itong tumawa dahil sa sinabi ko.
"Ihja, sinusubukan lang naman kita! nakakatuwa kang bata ka," natatawa na sabi nito dahilan napanguso ako.
"Eh Lola, sa loob ng isang linggo niyo na kasi palaging tinatanong sa akin 'yon na aakitin ang apo niyo. Nakakakaba. Alam ko namang gwapo ang apo niyo pero hindi ko naman kayang ako ang uunang aakit sa kanya. Nakakatakot naman po ang hiling niyo," napakamot tuloy ako sa ulo ko pero tumawa lang ito. Okay sana kung siya ang aakit sa ‘kin.
Tumingin ito sa likod ko at natigilan. Nagulat lang ako sa sinabi ni Lola.
"Oh, kanina ka pa dyan Genesis?" kibit-balikat na sabi nito.
Nanlaki tuloy ang mata ko dahil sa narinig. Narinig niya ba ang s-sinabi ko?
"Yeah..."
Para akong binuhusan ng isang timba na naglalaman ng ice dahil sa sagot nito. Sa buong buhay ko parang ngayon ko lang gustong tumalon sa tulay.
"Sit down, eat with us," alok ni Lola sa kanyang apo kaya agad naman itong sinunod ni Genesis. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya habang nanlaki pa rin ang mga mata ko dahil hindi ko akalain na tatabi ito sa 'kin! sa dinami-daming upuan dito bakit sa akin pa siya tatabi!? pwede naman kay Lola ah!
"Nabalitaan kung muntik ng bumagsak ang kompanya mo?" pormal na sabi ni Lola.
Pagkasabi niya n'un ay dahan-dahan kung inusog ang upuan ko kay Genesis dahil nahihiya ako sa kanya. Buti na lang hindi niya ito pinansin at sinagot lang ang mga tanong ni Lola.
May pinag-uusapan sila tungkol sa company kanya nag-excuse muna ako pupumunta sa labas dahil may sasabihin ako kay Tita. Nakita ko naman itong papasok na sana.
"Tita?"
Agad naman itong napatingin sa 'kin. "Oh, bakit ihja?"
"Pwede ko bang dalhin si Lola sa labas? 'yong may playpark sa kabila? may nakita kasi akong magandang lugar don kahapon kaya naisipan kong dalhin si Lola don para naman makalanghap ng sariwang hangin. Palagi na lang kasi siya nasa loob."
Ngumiti na lang itong tumango sa sinabi ko. Mukhang gusto niya ang sinabi ko.
"Maganda iyon Ihja. Matagal na 'yong hindi lumabas. Basta mag-ingat lang kayo ha? tawagan mo kaagad ako kung may nangyari."
"Sge po."
Sabay na kaming bumalik sa loob. Muntik ko ng magbanga ang dibdib ni Sir dahil papalabas na pala ito. Buti naka-iwas kaagad ako.
"Son? andito ka pala?"
"Binisita ko lang si Lola, I need to go. May meeting po ako eight thirty," aniya at sabay tingin sa relo. Tumango naman si Tita sa sinabi niya. Nabaling bigla ang tingin nito sa 'kin. Parang gusto kung magpakain ng lupa ng bigla niya lang ako ningitian.
"Thanks for taking care of my grandma."
Pilit naman akong ngumiti. "Ah-h wala anuman p-po Sir." aniko tsaka nagpaalam din kaagad itong umalis. Sinundan ko ng tingin ang sasakyan niya hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Napatingin ulit ako sa kay Tita na nakatingin din pala sa 'kin habang nakangiti.
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Sge Tita, kunin ko na po si Lola baka hinahanap na ako n'un eh."
Tumango lang naman ito.
Pagdating ko sa sala at nakita ko si Lola na umiinom na ng tubig kaya sinabihan ko itong pupunta sa park. Buti't pumayag kaagad ito. Dali-dali ko munang kinuha ang cellphone ko bago kami pumunta sa playpark. Excited ako naglalakad habang kasama ko ngayon si Lola. Mukhang masaya din ito dahil sa wakas ay nakalabas na din ito.
Andaming batang naglalaro na nagbabantay din sa kanila ay halatang mga yaya nila.
"Andaming mga bata po dito," commento ko.
Biglang may lumapit na bata sa gawi namin at tinignan si Lola. Nakita ko pang ningitian ito ng matamis ni Lola.
"Hello grandma!" bati nito.
Napangiti ako ng malaki ng nag silapitan din ang mga bata na kalaro nito kay Lola at nakipagtawanan. Dinala ko si Lola sa may grass, sumunod naman kaagad ang mga bata tsaka nagsiupuan silang lahat sa damo tsaka tumingin kay Lola.
Kaya pala, kwentuhan pala sila ni Lola kaya nagsiupuan ang mga bata.
Lumayo ako kaunti at umupo sa likod ng mga bata habang nakatingin sa kanila. Hindi ko mapigilang maging emosyonal dahil sa nakita ko ngayon. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at kinuhan sila ng larawan. Mas sumikat ang araw sa pwesto nila kaya kailangan nilang lumipat sa may puno. Pupuntahan ko sana si Lola kaso ang mga bata na ang nagtutulungan at dahan-dahang tinulak ang wheelchair nito sa pwesto ng ilalim ng puno.
Umupo naman ulit sila sa damuhan at pinagpatuloy naman kaagad nito ang kwento.
Ilang oras din sila nag-kwentuhan at iba namang bata ay nagpaalam na kasi kailangan ng umuwi. Malapit na kasing mag tanghalian hanggang isa-isa na sila nagpaalam ni Lola. Lumapit naman kaagad para uuwi na rin kami dahil mas lalong ng uminit ang panahon. Hindi pwedeng tumagal si Lola sa init.
"Matagal ko nang hindi na-kwentuhan ang mga batang 'yon," Aniya kaya kumunot naman ang noo ko.
"Kilala niyo po sila n'un?"
Dahan-dahan naman itong tumango. "Sanggol pa lang 'yon nahawakan ko na sila lahat. Ngayon ko ulit sila nakita simula nung palagi na akong pumupunta sa ospital, alam mo na, pag matanda na."
"Lola, bata pa naman kayo sa paningin ko eh." Napatawa naman ito sa sinabi ko.
"Ikaw talagang bata ka ang bolera mo."
"Totoo naman po ah! Akala ko nga kababatang kapatid mo si Tita Yuny,"
"Nako talagang bata ka. Ihinto muna tayo dito." Aniya kay hininto ko naman ako sa pagtulak, agad akong pumunta sa harapan kay Lola. Nakunot nalang ang noo ko nang may kinuha ito sa bulsa ng palda niya.
Itim na box?
"Ano 'yan Lola?" takang tanong ko sa kanya. Binuksan niya naman kaagad ito, agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita.
Singsing! dalawang singsing pala! ang ganda!
Agad naman itong tumingin sa 'kin at ningitian ako. Nagulat ako ng kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa palad ko. Nagtataka naman akong tumingin kay Lola.
"Aanhin ko 'to Lola?"
"Lunukin mo," sarkastikong sabi nito tsaka tinawanan ako. Napanguso tuloy ako sa sinabi niya. Pero unti-unti namang itong sumeryuso at ningitian ako na may halong lungkot? Pero bakit?
"Lola bakit po?"
"Kung bubuhayin ako nang pangalawang beses ng panginoon, siguro mas matagal pa kitang makilala at makasama. Ang bait mong bata ka. Isang linggo pa tayo magkasama ang gaan ng loob ko sayo..." anito at ningitian ako ng pilit.
"Lola... 'wag naman kayong magsalita ng ganyan..."
"Lahat naman tayo mawawala ihja. Mukhang malapit ko ng makasama ang asawa ko. Matagal na rin akong hinintay n'un panigurado."
"Lola naman eh! 'wag ka ngang magsalita ng ganyan. Naluluha tuloy ako," pinigilan ko naman ang sarili ko na hindi umiyak sa pinagsasabi niya.
"Ito na lang ang maibibigay ko sayo. Sa asawa ko 'yan at sa 'kin naman itong isa..." hinawakan nito ang singsing na pinalibutan ng bulaklak habang sa gitna nito ay may diamond. "Wedding namin ng taong pinakamamahal ko na ngayo'y nasa kabilang buhay na. Kung darating man ang lalaking para sayo ito ang isusuot niyo sa kasal niyo..."
"B-bakit po sa 'kin L-lola? pwede naman kay Gen—"
"May binigay na ang asawa ko sa kanya..." aniya at ningitian ako. "Hanapin mo mabuti ang taong makapagpasaya mo habang buhay..."
"Opo, Lola... salamat rito..." aniko tsaka pumunta sa likod para babalik na kami sa bahay. Kusang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya ngayon. Pero agad ko naman itong pinunasan para hindi niya makita.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok kami sa bahay. Nakita ko kaagad si Tita na nakaharap ang laptop niya mukhang may ginawa. Agad naman itong napatingin sa 'min.
"Ihja kumain na kayo, nauna na akong kumain dahil may tatapusin pa ako."
Tumango naman ako. "Sge po..."
Aalis na sana kami nang biglang sumigaw dahilan sabay kaming napatalon ni Lola. Agad naman kaming napatingin kung saan 'yon nang-galing.
"Mom! Mom! Mom! Charlotte is pregnant again!"
Nakunot naman ang noo ko habang nakatingin sa lalaking panay talon kaharap kay Tita. Napatakip naman ng bibig si Tita dahil sa sinabi at dinamba ito ng yakap. Binalingan ko ng tingin si Lola na naluluha rin dahil sa sinabi nang lalaki.
"Twins!" dugtong nito dahilan na palakpak din si Lola.
Panganay na anak ata 'to ni Tita, dahil tinawag itong Mom. Agad namang nag-congrats si Tita sa kanya at lumapit ito kay Lola at niyakap din.
"Congrats Sir..." nakangiting sabi ko. Nagtataka naman itong napatingin sa 'kin at binalingan ng tingin si Tita.
"Siya ang magbabantay sa Lola mo."
Tumango naman ito at ningitian ako. "I'm Luca." pakilala nito at nilahad ang kamay tsaka tinanggap ko naman.
"Tres Eunice po."
Sabay kaming napatingin sa pinto nang pumasok si Sir Genesis, agad naman akong natigilan. Akala ko ba umalis na 'to?
Nagtataka naman si Lola napatingin rito. "Diba may meeting ka?"
Natigilan naman ito sa taong ni Lola.
"Uh-h may makalimutan lang ako."
"Ano?" si Sir Luca na ang nagtanong. Nagtataka ako ng bigla niya akong binalingan ng tingin at tumingin ulit kay Sir Genesis na nakangiting mapang-asar. Inirapan naman ito ng kapatid niya.
"Tsk, by the way, congrats." tsaka tumalikod na sa 'min at pumunta kung saan. Napatawa lang si Sir Luca at tinignan ako saglit.
"Mom..."
"Yes son?"
"Mukhang may bibisitahin na palagi rito si Genesis ah..." anito at tinignan ako.
Inirapan lang ni Genesis ang kapatid at walang pasabi-sabing tumalikod na para pumunta kung saan. Sinundan lang naman ito ng tingin ni Sir Luca tsaka tinawanan.
Maaga akong gumising para paglutuan si Lola ng suman. Ginising kasi niya ako kaninang madaling araw dahil gusto niya kumain ngayon ng suman dahil matagal na siyang hindi nakakain n'un. Syempre hindi ko pwedeng tanggihan iyon, nami-miss ko ring kumain ng suman. Nasa iisang kwarto lang kasi kami ni Lola. Bali dalawang kama ang nandon, sa akin at sa kanya. Mas madali kasing maalagaan ko si Lola kung nasa iisang kwarto lang kami at para na rin hindi siya ma-bored tsaka may kachikahan rin siya.Nang matapos kung lutuin ang suman ay napag-desisyon akong, ako na lang ang magluto ng agahan nila Tita. Nakita kung papasok si Tita sa kusina kaya tinimplahan ko kaagad ito ng kape at nagpasalamat din naman ito."Ihja." Agad akong napatingin kay Tita ng tinawag niya ako. Nakatalikod kasi ako habang nagluluto."Bakit ho Tita?"Kita kung nagdadalawang isip itong sabihin ba o hindi. Napabuntong hininga muna ito bago nagsalita."Balak sana namin dalhin si Mama sa Amerika para sa treatment niya... naaw
"Mag-ingat po kayo don Tita," wika ko sa kanya tsaka niyakap ito. Naluluha naman itong tumingin sa 'kin. Binigyan ko naman ito ng malungkot na ngiti."Mag-ingat ka rin dito Ihja, kung may oras kami bisitahin ka namin dito," singit ni Tito at ginulo ang buhok ko. Natatawa naman akong tumango tsaka niyakap sila isa-isa. Nagpaalam na ito at pumasok na sa eroplano. Agad akong tumingin sa likod ko nang nakita ko don si Sir Genesis na nakatayo habang hawak-hawak niya ang maleta niya.Hindi ko alam kung saan siya nakatingin dahil naka-shades ito eh."Tres...""S-sir." Hindi ko mapigilang mapautal.Dahan-dahan naman itong lumapit sa 'kin at huminto sa harap ko kaya napa-atras ako kaunti.A-ano bang ginagawa niya? "Goodbye." Napabagsak balikat tuloy ako sa sinabi niya. Nakailang hakbang lang ito palayo sa 'kin at huminto naman tsaka tinignan ulit ako. Dahan- dahan naman siyang humakbang pabalik sa gawi ko. Nanlaki ang mata ko ng binitawan niya ang maleta niya at walang pasabing niyakap ako n
Maaga akong nagising para paglutuan ang mga demonyong mga bata na 'yon. Jusko. Mukhang maaga akong tatanda nito dahil sa pinaggagawa nila sa 'kin, lalong lalo na kahapon.Tinignan ko muna ang mukha ko sa salamin. Ang gulo nang buhok ko. Nakalimutan kung hindi pala ako nakaligo kagabi dahil na rin sa pagod. Buti na lang talaga hindi umalis si Sawyer sa tabi ko kaya ayun siya ang palaging tinamaan. Nilinisan ko muna ang sarili ko at naligo na rin bago lumabas. Matamlay kung binuksan ang pinto kasabay n'un ay napasigaw ako at napaubo. May kung puting abo ang natulog galing sa taas kaya hindi ko mapigilang mapapikit."Good job, Axciel," narinig kung sabi ni Azriel at sabay silang tumawa. Napatingin ako sa kanila ng nakita ko itong patakip-takip ng bibig nila habang tinatawanan ang hitsura ko.Puno na ako ng harina!Sinamaan ko ng tingin ang dalawa dahilan tumakbo ito papunta kung saan hanggang sa mawala ito sa paningin ko. May balak sana akong sumugod sa kanila pero hindi pwede baka hin
"Tulog na, andito lang ako. Okay?" Dahan-dahan naman tumango ang tatlo at pinahiga ko sila sa kama. Nakayakap si Azriel sa bewang ko, si Avyx ay naka unan sa kanang braso ko, si Axciel naman at sa kaliwang braso. Ilang minuto ay naramdaman ko na lang na nakatulog na ang tatlo.Agad nakunot ang noo ko nang narinig ko ang ingay sa labas. Medyo nakabukas kasi ang pinto kaya rinig na rinig ko.Dahan-dahan kung inalis ang yakap ng tatlo tsaka bumangon. Kinumutan ko muna sila. Rinig na rinig ko pa rin ang ingay na parang may nababasag. Kinuha ko ang flashlight sa drawer at lumabas sa kwarto ko. Sinira ko muna ng maayos ang pinto, baka papasukin pa sila don kung sino.Sumalubong naman kaagad ang dilim ng buong mansion at flashlight lang ang dala ko."Hello? Nay Ema?" Tawag ko pero wala ni isang sagot."Berta?"May nakita akong walis sa gilid kaya kinuha ko 'yon, kung may multo, may pamukpok na ako."Sawyer?" Pero wala akong narinig. Nasaan na kaya ang taga-bantay? Dapat nandito na sila sa lo
Matapos kung pakainin ang mga bata ay inihabilin ko muna sila kay Berta. Agad akong nagbihis para makauwi kaagad. Pakababa ko sa hagdan ay nakita ko ang tatlo na nasa baba na naglalaro ng bagong bili na truck raw nila.Binili daw 'yon ng Daddy nila.Nakaka-bwesit naman ang Tatay nila, hindi man lang kayang umuwi rito para bisitahin ang mga anak niya.Ni hindi ko rin nakita anong hitsura ng tatay nila.Sabay namang napatingin ang tatlo sa 'kin."Mommy, saan ka pupunta?" Tanong ni Avyx sa 'kin."Dito lang kayo. Mag-grocery lang ako saglit," aniko at tumango naman ito. Kinuha ko na ang listahan na nasa mesa at nagpaalam na sa tatlo. Nakita ko na si Sawyer na naghihintay na sa 'kin sa labas. Nang nakita ako ay kaagad na itong pumasok kaya pumasok na rin ako sa passenger seat."Bilis!" Iritado kung sabi kay Sawyer. Ang bagal kasing maglakad. Dalawang oras na kaming nandito sa mall dahil ang bagal niyang maglakad. Inirapan lang ako nito. Napatingin ulit ako sa kanya ng nakita ko itong nah
"Answer me!" Sabay putok malapit sa paa ko.Nanginginig na ang buong katawan ko. Ipapaputok niya sana ulit ang baril ng biglang bumukas ang pinto ang pumasok sina Axciel na dala-dala ang toy gun nila at tinutok 'yon sa ama nila."Put it down, Dad!""Daddy!" Galit na sigaw ng tatlo sa ama."What are you doing?!""Put it down or else I'll will fucking kill you!" Galit na sigaw ni Axciel sa kanyang ama. Nakita ko namang nagulat si Sir Damon sa sinabi ng anak niya. Dahan-dahan naman niyang binaba ang baril at agad naman lumapit si Avyx sa 'kin at tinulungan akong makatayo. Pinunasan pa nito ang luhang nasa pisngi ko at niyakap dahil nanghihina na ang paa ko dahil sa takot at kaba, kita kung nag-alala ang mga bata sa 'kin at galit na naramdaman nito sa kanilang sariling ama."W-why you—""Shut up Daddy! Don't ever hurt mommy dahil kami talaga ang makakalaban mo!" Nanlaki naman ang mga mata nito dahil sa galit na sigaw ni Avyx. Ngayon ko lang silang nakitang ganito magalit."She's not yo
Pumasok na ako sa kusina para magluto ng pananghalian ko. Papasok pa ako sa bilang waitress sa kilalang restaurant. Mabuti na lang agad nila akong tinanggap. Kailangan din kasi nila kaagad ng waitress."Jusko." Napasampal tuloy ako sa pisngi ko dahil wala pala akong nabiling pagkain kagabi dahil na rin sa pagod, nakalimutan ko.Magda-dalawang buwan ng mag-isa ako rito sa maynila. Walang kasama, walang malalapitan. Sariling sikap ang naranasan ko ngayon. Susunod na araw ay kailangan ko pang magpadala ng pera kina Nanay. Hindi pwedeng wala akong maibigay. Hindi ko rin sinabi sa kanila ang nangyari sa 'kin dahil ayaw ko silang mag-alala. Sigurado akong pauwiin nila ako, eh pa'no naman ang lupa namin? Andaming mawawalan hanap-buhay pag-uuwi ako.Minsan hindi ako kumakain para may maipon na pera.Paglabas ko sa bahay na nirentahan ko ay agad kung nakita si Sawyer na may hawak itong paper bag. Nagtataka namana kong napatingin sa kanya. Matagal-tagal na kaming hindi nag-kita ah. Pero agad n
Bumili kaagad ako ng bulaklak pagkatapos mag-simba. Malapit na ang tanghalian kaya naisipan kung sa mall na lang kakain.Hindi ko mapigilang hindi napabuntong-hininga. Kailangan ko pang magpadala ng pera sa susunod na araw. Mamayang gabi kailangan ko pang maghanap ng trabaho dahil pinaalis ako ni Manager sa ginawa ko sa demonyong 'yon."Ate, pahingi po kahit piso lang..." Napatingin ako sa gilid ng may batang kumalabit sa 'kin. Naluluha ko itong tinignan dahil ka-edad niya lang ang tatlo at may buhat-buhat itong batang babae."Nasaan ang mama mo? Si papa mo? Nasaan?"Bigla naman itong nag-iwas ng tingin dahil sa mga tanong ko. Mukhang hindi niya gusto ang sinabi ko."Pinabayaan na po kami."Tinignan ko naman ang kasama nitong bata na buhat-buhat pa niya."Kapatid mo?" Tanong ko at napangiti naman itong tumango tsaka tinignan ang kapatid niyang babae."Opo, maganda po ang kapatid ko po, no?" Ngumiti naman akong sumang-ayun sa sinabi niya. May halong banyaga ang mga bata'ng 'to dahil sa
Gabi na akong matapos mag impake ng mga gamit ko at sa mga bata. Nasa kwarto lahat ang mga maleta. Napatingin ako sa oras at alas kaka three lang ng umaga. Alam kung maagang aalis si Tres para umuwi sa probinsya nila. Hindi man lang ako nakatulog dahil sa pag impake. Wala siyang alam na sasama kami sa kanya. Wala rin naman akong balak ipaalam sa kanya dahil alam kung hindi ito papayag.Kaninang ala dos ko pa pina gising ang mga bata para hindi kami maiwan ni Tres. Dali dali akong pumunta sa kwarto ng mga bata ng nakita ko na si Tres na lumabas sa kwarto niya habang hatak hatak nito ang maleta. Nang makarating kami sa labas ay nakahanda na ang sasakyan. Hindi na rin ako nagdadalawang isip na pumasok sa sasakyan. Kita ko ang gulat na reaksyon niya habang sinundan kami ng tingin papasok sa sasakyan."Hindi ka pa sasakay?""H-ha?""Get in. Malayo pa ang ba-byahe natin." Aniko. Pinigilan kung mapangiti sa reaksyon niya. "B-bakit saan ba kayo pupunta?""Kung saan ka pupunta, d'on rin kami
Napasapo ako sa noo ko ng napatingin sa batang lalaki na may buhat-buhat itong bata. Inosente naman itong napatingin sa ‘kin.“Sir, si Ate Tres ho ba okay lang? Pwede niyo po ba akong dalhin sa kanya? Gusto ko lang tingnan ang kalagayan niya, kung pwede lang. Nagmamakaawa po ako.”“Sino ‘yan?” tukoy ko sa batang babaeng buhat niya.Nasaan ba ang mga magulang nila? Kaano ano sila ni sa babaeng iyon? “Kapatid ko ho. Si Sabrina at ako naman ho si Sebastian.” naramdaman ko na lang ang saya ng boses nito habang binigkas ang pangalan niya. Hindi ko na lang iyon pinansin at tumango.“Let’s go. Sumama kayo sa bahay. Sa bahay na lang kayo maghihintay kay T-tres. Kung okay ang sa ‘yo.” Dali dali naman itong tumango sa sinabi ko. Agad ko namang binuksan ang sasakyan at pinapasok kaagad. Napansin kung gaano niya ka alaga sa kapatid niya. Narinig ko pa itong ma binulong sa kapatid na para bang pinatahan.Nang makarating kami sa mansyon ay aga ko silang pinababa at ipinabantay ni Sawyer. Kita ko n
Hindi ko mapigilan napapikit sa mga mata ko ng nakita ang pinapahanap ko kahapon at ngayon lang dumating. I looked at my secretary and gave him a glare. Agad rumehistro ang kabadong mukha nito dahil sa ginawa ko.Nagpakawala ako ng hininga at pilit na pinakalma ang sarili dahil baka may magawa akong masama dito."I told you na hahanapin mo kaagad ito. You were supposed to give this to me yesterday!"Nakita ko itong napaigtad sa sigaw ko. "S-sir, wala ka ho d-dito kahapon. S-sinabi sa 'kin ni Saine na umuwi ka ng maaga k-kahapon—""Edi hatid mo sa bahay!" Putol ko dito.Nakita ko itong napayuko sa sinabi ko. Binato ko naman sa kanya ang mga papelis at nagkalat iyon sa sahig."Gave it to Saine. Sumama ka sa kanya. Kayo ang gagawa niyan and give that to me after as soon as possible! Ayaw kung trabahuin iyan dahil sunod sunod na ang schedule ko sa meeting!""Y-yes sir.""Now, get out!" Sigaw ko. Dali dali naman itong lumabas at napabuga ako ng hangin dahil sa inis na naramdaman.Unang bes
“Mom, where are we going?” tanong ni Axciel ng makapasok kaagad ito sa passenger seat. Galit namang tinignan ni Tres ang anak at tumingin sa likod. Nakita naman kaagad ni Axciel si Ching na nakangisi ng mapang-asar sa kay Axciel at palihim na binelatan.“Why are you here?!” inis na tanong ni Axciel dito. Inirapan naman ito ni Ching at pinag krus ang dalawang braso. Ginagaya gaya pa nito ang tanong at sinamaan ng tingin ang binata. “Hindi mo sinama si Ching kahapon sa lunch?” may halong galit na tono ni Tres. Sumama naman ang mukha ni Axciel. “She’s the one who didn’t come!”Tumaas naman kaagad ang kilay ni Ching. “Malamang! Binantaan mo akong sasabunutan mo ako!” singit nito. Kinuha pa nito ang cellphone at binuksan ang recorder. “Oh ito may ebidensya ako! Ni record ko kaya ang conversation natin!” pli-nay naman ito.“Nagpapaturo lang naman ako ng math eh! Bukas na kasi ipapasa.” Rinig nila sa record nito.“No! Ano bang ginawa mo habang tinuturuan kayo ng guro niyo, ha?!”“Nakinig!
Maaga akong nag luto para makakain kaagad ang mga bata. Papasok pa kasi sila. Lalo na si Savvy ay kailangan ko pang asikasuhin ng maayos. Ayaw niya kasing pumunta sa skwelahan kung hindi ako nagbabantay sa labas ng room niya o di kaya ang Daddy niya. Kaka-pasok niya lang sa skwelahan, grade four. Home schooled kasi siya ng dalawang taon kasi iyon ang gusto ni Damon. Pero ngayon ang pumapasok na talaga."Mom."Napatingin naman ako kay Sebastian na kakagising lang. Ang gulo-gulo pa ng buhok niya. Wala na akong masabi sa mga anak ko dahil silang apat ay mas matangkad pa kaysa sa 'kin. "Kakain ka na?" Umupo naman ito. Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan ang pisngi nito."Hintayin ko na lang sila.""Mabuti pang puntahan mo sila, para magka sabay-sabay na kayo." Aniko. Tumango naman ito at bumalik sa taas para gisingin ang mga kapatid. Ipinagpatuloy ko naman ang pagluluto. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa likod ko at alam ko na kaagad kung sino 'yon. Ibinaon pa nito ang mukha
"Genesis!" Nakangiting sigaw kong nakita ko itong may kausap. Napatingin naman ito kaagad sa gawi ko at ngumiti."Tres."Lumapit naman ako sa kanya pero aakmang yayakap sana ako ay bigla na lang may pumigil sa 'kin. Eh, sino pa edi ang asawa kung praning. Walang ibang ginawa kundi panay sama ng tingin kay Genesis simula nung kasal.Pangalawang kasal namin ngayon ni Damon at sa dito sa kumpanya namin ni Damon ginanap. Taray, may share na ako sa kumpanya ng asawa ko.Ngayon naman ay mga ka-business partner ni Damon sa kumpanya na ang mga bisita namin. Hindi nakapunta si Genesis nung kasal sa probinsya dahil may inaasikaso. Buti't nakapunta siya ngayon."Congratulations." Anito."Salamat, nga pala amusta?" Nakangiting sabi ko.Hindi niya ako sinagot dahil napunta ang tingin niya kay Damon na ang sama pa rin ng tingin. Hinampas ko naman ito sa braso."Ano ba? Kulang na lang kakainin mo ng buo 'yong tao," reklamo ko sa kanya."I don't like him," daritsahang sagot nito. Napatawa naman si Ge
Napalingon na lang ako sa pinto ng narinig ang sigaw ni Sabrina. Sumunod naman dito ang apat niyang kapatid na nakasuot na ng tuxedo. Kasal na namin ngayon ni Damon. Dalawang araw na kaming hindi nagkikita dahil ayaw ni Tatay-lalong lalo na si Nanay na magkita kami ni Damon bago ang kasal.Sumunod lang naman ako sa pamahiin nila. Wala na naman akong magagawa baka ipatigil pa ang kasal namin. "Punta ka muna kay lola. Minimake-upan pa si mommy." Aniko. Yumuko naman ako konti para halikan ang noo nito.Lumapit naman siya kay Nanay at binuhat tsaka inupo sa sofa."Mommy, gusto ko rin make-up."Napatawa naman ako konti. "Sige, pagkatapos ni mommy."Pinagpatuloy naman ang pag-make-up sa 'kin. Nakikinig lang ako sa mga bata habang panay kwento nito nung nangyari sa kanila kahapon. Wala na atang araw na hindi nila ikwenento sa 'kin pag-naglalaro sila sa labas. Panay tanong din sa 'kin nila Axciel kung pwede ba rin silang make-upan. Si Sebastian naman ang nagsabi rito na hindi kasi babakla s
Maaga akong nagising para makapagluto ng agahan. Napatingin naman ako sa orasan at malapit ng mag alas siete. Mukhang tapos na ata mag-agahan ang mga bata at si Nanay ang nagpakain sa kanila. Napatingin naman ako sa kwarto at wala na rin si Damon. Pumunta muna ako sa banyo at nagbihis bago lumabas.Ipina-renovate kasi ni Tatay ang buong bahay kaya medyo maluwag-luwag na ang bahay. May sariling kwarto na a ng mga bata dito at kwarto namin ni Damon.Pagpasok ko lang sa kusina ay nakita ko si Damon na nagluluto, pero bago ako tuluyang makalapit sa kanya ay napa-akto akong naduduwal. Parang gusto kung sumuka dahil sa amoy ng niluto niya."Are you okay?" lalapit sana ako kay Damon pero pinalayo ko kaagad ito. Ang mabahong amoy ng niluto niya ay parang dumikit rin sa kanya.Sinamaan ko naman ito ng tingin."Anong ba 'yang niluto mo?! Amoy imbornal!" reklamo ko.Hindi naman itong makapaniwalang tumingin sa 'kin. "That's your favorite! Shanghai! Don't you want to eat shanghai?""Paano ako kak
"Let's go?" napatingin kaagad ako kay Damon at tumango. Binigyan niya naman ako ng ngiti bago iginiya papasok sa sasakyan. Mag-iisang linggo na naming hindi nakita ang mga bata dahil nasa probinsya sila ngayon at doon kasama nila Nanay, mas gusto kasi nilang magbakasyon don kaysa dito sa syudad. Bumalik lang kami ni Damon sa mansyon para kunin ang mga gamit at ilipat sa bago naming bahay. Bagong bahay. Bumili ng bagong bahay si Damon. Dalawang taon na ang nakalipas simula nung nangyari ay hanggang ngayon ay hindi pa rin namin makakalimutan. Kaya bumili si Damon ng bagong bahay para makalimutan na namin ang lahat. Sa nangyari noon ay hindi namin makakalimutan pero hindi na iyon mauulit pa. Dahil wala ng gugulo sa 'min. Wala na. Nang makarating kami sa probinsya namin ay hindi muna kami pumunta sa bahay, dumiretso kami sa cementeryo para may bibisitahin. Hinawakan ni Damon ang kamay ko bago kami pumunta sa dalawang puntod. Nilagay ko naman isa-isa sa puntod nila ang bulaklak na dal